String Consequence

By rollerthinker

56 16 6

1/5 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora th... More

String Consequence
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7

Chapter 6

0 1 0
By rollerthinker


Chapter 6: Big-time

Nagpasalamat ako ng tuluyan ng lumalim ang Gabi.

Nakapagpalit na ako ng pagtulog  habang sinusklay suklay ang buhok sa kama.

Mag aalas dose na pero hindi parin ako makatulog. Bigla kasi akong napaisip....

Ano kaya yung pinunta ng lalaking 'yon dito? Inintay -intay niya pako tapos hindi rin naman nasabi. Nagkandadapa nako sa kalsada pagmamadali hindi padin nasabi.

Pero okay narin. Baka lalo pa akong malasin kung malalaman ko man ang sasabihin niya. Mabuti't  nakaligtas sa kamalasan ngayon araw.

Umuwi syang hindi nasabi saakin ang dapat nyang sabihin, dahil pagkatapos kong manisi ng ibang tao,saktong baba non ni papa. At ang matandang to akala ko aalis na. Ayun nakipag kwentuhan pa!, buti nalang may tumawag kay Hanz Kaya nakauwi na ang lalaki na walang nasabi sakin.

Hayyy! Namumuro na ang kamalasan ha.

Stress na ako ngayong araw. Siguro bukas mas lalala.

Humiga ako ng maayos habang nakatingin sa kisame. Patay na ang ilaw pero may nakikita parin akong liwanag. Marahil galing sa labas. Masyadong bilog ang buwan para hindi ko'yon mapansin.

Hayy.

Bukas na pala ang election. Parang nung nakaraan lang hindi pa kami magkanda ugaga sa pamimigay ng flyers tapos ngayon. Eto na. Malalaman na .

Hindi importante saakin kung sino ang manalo. The important is.. kaya niyang tulungan ang nasasakupan niya kahit walang nakakakita. 

Maaga parin  pala kaming gigising. Kailangan kasi ni papa na I assist ang mga tao sa baranggay. Ewan ko kung bakit kailangan pa si papa doon e boboto lang naman ang mga tao. Wala naman siyang kinalaman don. Halos wala na ngang pahinga yon e. Pero kahit sabihan kopang magpahinga. Hindi mapilit.

And that!

Potangyawaa.

Napasampal ang kamay ko sa muka ng maalala kong makikita ko nga pala si Ivan bukas!

Nagtext kasi si Ivan na pagkatapos namin bumoto, tatambay sila dito para magpatulong sa research.

Kelan ba matatapos yang research nila at pati ako damay sa problema. Kaya nga tinapos kona yung akin dahil sigurado akong sa mga susunod na linggo may ganap nanaman dito sa baranggay na kailangan kong tulungan.

Wala sanang problema e. Pero si Calihl. Posible yong sumama.

Nag isip ako ng pwedeng idahilan ng maalalang... wala nga palang alam si Calihl sa mga pinagsasabi ko kay Hanz kanina. Kaya nakahinga ako.

Bahala na bukas. Masyadong maraming malas ngayong araw para lalong ma stress. Isa pa 'tong Hindi ko mapangalanang  halukay dito sa t'yan ko kapag kausap ko si Hanz!

ugh!

Nagtalakbum ako ng kumot t'saka tumili ng impit. Andami ko nang iniisip may dumagdag pa.

Gusto ko pa sanang magsisigaw ng may kumatok sa pinto ko. Lalo akong napapikit ng marinig ko ang boses ni papa na pinahsasabihan akong matulog na dahil masyado ng gabi.

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nag iisip basta ang alam ko nakatulog ako ng mahimbing.

...

Alas singko palang nagising na ako. Masyado pang maaga para maligo kaya bumaba muna ako   para sana manood muna habang nag iintay ng oras na bumaba si papa.

Hindi ako pala exercise katulad ng iba kaya  humilata lang ako sa sofa habang nanonood. Madalas ko din naman 'tong gawin kapag may pasok,  nagigising ako ng maaga at ang ending na lale-late ako sa klase.

Isang oras bago ko narinig ang yapak sa hagdan, mag uumaga na at nagbabadya  naring magpakita ang liwanag. Kung sa mga lovestory maganda nga namang sabay na tignan ang pag bubukas ng panibagong araw. Pero kung saaking ordinaryong tao na hindi kailanman nagmahal baka sa fairy tales lang yon.

Nakita agad ako ni papa pagbaba n'ya. May dala s'yang damit at dumeretso ng banyo.

Ang matandang yon. Pag nagkasakit! Hindi manlang nag kape.

Saglit akong nanood tsaka tumayo para ipag timpla siya ng kape.

...

Mabilis na lumipas ang oras. Sa isang  elementary school ginanap ang  pagbibilang ng boto. Ginawa ko na rin ang parte ko bilang botante. Si papa naman inintindi ang mga matatandang nahihirapan sa pag boto.

Nilingon ko ang gate ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. May kalayuan ako ng kaunti sa gate kaya kailangan ko pang aninagin kung sino ang sumigaw.

"Lori! ". Matinis na boses na sigaw ni  Pia sa may gate. Nakilala ko agad ito dahil sa boses, At ang baliw, kitang kita ko na parang lalaki kung sumabit sa gate habang kumakaway.

Dahil wala namang inuutos saakin si papa tumayo ako at dinaanan ang mangilan ngilang tao na nag iintay sa initan.

"Bakit?" Tanong ko nakapamaywang. Nakita kong andoon din di Chloe kaso lang may kausap, pinsan niya siguro.

"Tara tambay, Wala kaming gagawin ngayon" Sabi nito tumaas taas ang kilay na makapal, kasing kapal ng pagmumuka nya.

Alam ko namang mayroon. Alam kong magpapatulong ulit sila sa research!, Pero imbis na sabihin, mananahimik nalang ako. Masyado kong kilala ang mga kaibigan ko. Amazona.

Pia is one of my closest friends simula pa noong highschool. Makulit,madrama,mahilig din sa away. Hindi mo makikitang mag sosorry yan sa kaaway,palagi n'yang natatandaan.

Hindi ko nga alam kung bakit sumabay 'yan sa pag babago ko e. I'm still Lori the bitches hindi ngalang kalala tulad noon.

But behind that monster attitude, mabait at matulungin ang bruha nayan. Chloe also . S'ya ang pinaka mabait sa lahat ng naging kaibigan ko.

"Ano ba Lori!" Sigaw n'ya halos hindi ko napigilan ang paghampas ng kamay n'ya sa braso ko.

"Wag mokong titigan ha!, Sasampalin kita tamo!" Sabi pa nito .

Nagreklamo ako sa ginawa niya sakin, gusto kong gumanti pero alam ko sa sarili kong mas lalala pa at hindi na matatapos kapag nagkataon, kaya kapalit ..

"Chloe! Tara na hindi daw sasama si Pablo!--"

"Hayop ka talaga Santiña!"

Tumawa ako ng malakas ng marinig ang pagmumura sa'akin ni Pia. Parang sobra sobrang ganti pa iyon sa paghampas n'ya saakin. She's annoyed everytime I mention her father's first name.

Umupo siya sa bakanteng monoblock habang tatawa tawang kumakain ng isaw. Ni hindi ko manlang alam kung saan niya nadekwat 'yon.

Ewan ko ba , okay naman sila ni tito pero inis na inis s'ya pag binabanggit ko 'yon. The only thing she say " ambantot ng pangalan nya" and I laugh with that. Isang baliw na anak na kinaiinisan ang pangalan ng tatay niya!

"Tara?" Si Chloe ng makalapit, tapos na siguro ang inaasikaso niya.

"Mamaya lang naman!, Kanina kasi iniintay" reklamo kaagad ni Pia kay Chloe na tinawanan lang siya.

Napailing iling akong umupo sa tabi ni Chloe. Tinignan ko ang cellphone ko ng naramdamang nag vibrate 'yon.

Nagtaka pa ako dahil andito lang naman si papa . Sino nananaman itong--

"Unknown number"  nakadungaw na sabi ni Chloe sa tabi ko.

"Sino 'yan ha!" Sabi pa niya tumataas taas ang dalawang kilay.

Agad agad kong tinabi ang cellphone ko , Hindi naman 'yon tawag dahil hindi nagpaulit ulit ang tunog.

Nag isip ako saglit habang tinitignan ang mga tao. Hindi ko nakita ang message dahil kay Chloe. Tsaka ko lang din na realized kung bakit ganon ang reaksyon ko e tinignan lang naman ni Chloe, malay  ba nya kung sinong unknown number 'yon.

"Hanz?" Biglang sambit ko.

"Ano?sinasabi mo?" Si Chloe kinuhit ako.

Kitang Kita ko kung paano siya lingunin ng mga tao.

He's like a goddess that really needing a  full attention.

As in bigtime.

White oversize shirt pair with black pants.

Kahit ako nagulat ng lumabas siya sa dagat ng mga taong tinitignan ko kani kanina.

Nag tama ang tingin namin. He smiled.

Agad agad akong napayuko at kinalikot ang cellphone. Saktong pagbukas ko ng cellphone. Yung message agad ang bumungad.

From unknown number:

I'm here at school,Nasaan ka?
10:34am

Hindi pa natatapos ang pagtingin ko sa message na'yon natatanggap ulit ako ng bago.

From Unknown number:

I found you.
10:41am

Nanlalaking mata akong napatunganga sa cellphone. Bumilis ang tibok ng puso, tumaas ang mga balahibo.

****

" Tara e!" Natauhan ako ng tumayo na si Pia.

"Doon lang kami sa inyo maghapon" dagdag nito.

Kumurap kurap ako bago tumayo. Dahil kung hindi ko gagawin yon. Baka matabunan na ako ng kaba, mabatukan pa ni Pia.

"Tara." Sabi ko rin, kahit hindi ako sigurado. Yumuko pa ako ng makitang palakad dito si Hanz.

Gusto kong tumakbo lalo na ng huminto pa si Chloe para magsintas ng sapatos!

"Apaka tagal naman niyan Chloe--"

"Hi?" Sa isang iglap nakarating sya sa aming harapan.

Parang nabingi ako ng natahimik si Pia at napahinto si Chloe. Pakiramdam ko biglang umayon ang mga tao, para kasing natahimik sila kahit nang tignan ko ganon padin naman. Kumikilos sila pero parang antahimik sa pandinig ko!.

"Ah .. hi?" At dahil nasa una-unahan ko si Pia siya ang sumagot. Nakita ko ang pasimpleng pag ayos niya ng buhok!, Maging si Chloe nakatayo narin--tumingin saakin pagkatapos kay Pia pero hindi nagsalita.

"Anong hanap kuya?, Ako? I? Or  Me?,Pili na!"Nakakahiyang  sigaw pa ni  Pia,  kaya napatingin ako sa kay Hanz na biglang nangunot ang noo  habang nakatingin sa kaibigan ko. 

Siguro nagtataka siya sa kabaliwan ng bruha.

Mukang tanga pero bakit ako natatawa.

Sa isang iglap hindi ko nakumbisi ang sarili ko at nahila ko bigla si Pia. Nagulat s'ya sa ginawa ko pero ako nabahala. Tumingin ako kay Hanz nang tignan niya ang kamay kong nakakapit Kay Pia.

"Bwisit ka, Ang gwapo o" inakbayan nya ako na halos mabali na ang leeg ko, pagkatapos bumulong.

"Sayang binati ako" dagdag bulong nito.

Sinamaan kolang ng tingin ang bruha. Mabuti pa si Chloe  mukang wala sa mood lumandi. Sana ganon din si Pia.

Nakita kong nakatingin parin si Hanz saamin. He's standing in front of us. Mukang naguguluhan kung anong pinag uusapan namin, Kaya tumayo ako ng maayos at pasimpleng kinurot ang tagiliran ni Pia. Nag reklamo siya pero hindi ko pinansin sa halip bumati ako kay Hanz na ipinag taka nila.

"Hi?" Ngumiti ako ng tama lang. Ramdam kong kumapit si Pia sa baywang ko pero nanatili akong nakatingin sa lalaki. Nakatingin padin kasi sya!

"Kamusta?" Napapikit ako sa sarili kong boses.

Tangina, Bakit parang boses mahinhin?!

"I'm fine. You? "

Napamulat nalang ako ng kinurot nako ni Pia. Pagbaling ko sa kanya,parang bundok sa taas ang kilay niya. Nangungusap ang mga mata, kaya sana naiintindihan niya naman din ang sinasabi ng mata ko!

"Are  you done?"

"Ha?" Biglang baling ko sa kanya. Mejo lumayo kay Pia. "Ano?" Sabi ko bumabawi. Ngumiti pa ako kahit mejo awkward na.

Nahiya ako ng titigan niya ako saglit. MULA ULO HANGGANG PAA! 

Halos mamula ang muka ko sa sobrang hiya. Pero ng bumalik ang tingin n'ya sa muka ko, napaayos ulit ako. Sana lang naman hindi niya mahalata ang namumula kong pisngi.

Pota. Bakit niya kasi yon ginawa!

Sabi konalang sa isip ko.

" I see" Sabi niya. Hindi ko nakuha! Tumaas ang kilay niya pagkatapos lumingon sa mga tao.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag hila sakin ni Pia, sumunod pa si Chloe . Halos tatlong hakbang  din mula kay Hanz ang nilayo ko.

Ramdam kong nilingon kami ni Hanz pero nabaling ang tingin nya sa matandang dumaan sa gilid niya.

" Kilala mo!?" Halos maghisterya na ang bunganga ni Pia para lang masabi 'yon ng hindi kalakasan.

"In fairness gwapo" komento naman ni Chloe. Nag apir pa ang dalawa.

"Gaga ka bat hindi mo sinabi--"

" Bat ko sasabihin?" Kunot noong tanong ko

"Andamot mo--"

" Lori! " Isang sigaw lang nakilala ko na agad.

Salamat naman.

Sumakto ka Ivan. Sumakto din ang panghahampas ni Pia.

"Hay- panira, mamaya ha Lori sinasabi ko sayo--"

"Andyan pala si Ivan? Bat Hindi ko nakita kanina" sabi ko , hindi pinakinggan ang sinasabi ni Pia.

Rinig ko ang pagkairita sa boses nito at ilang pagmumura kay Ivan. Sa huli lumayas siya sa harapan ko at lumapit kay Hanz na ngayoy kausap na ang matanda.

Hm.

Tinikom ko nalang ang bibig ko kaysa mag komento sa ugali ng lalaking to.

Binalingan ko si Ivan samay room na malapit kung nasaan kami. May kausap nang babae ang loko.

"So ano, akala ko pupunta tayo sa inyo?"

Maya maya'y sabi ni Chloe sa gilid ko.

Binalingan ko siya pero sa Cellphone din naman siya nakaharap. Nakita kong pasimpleng pag ngiti niya doon. Napataas ang kilay ko.

That's why. Siguro may bago nanaman itong kaharutan kaya nananahimik.

"Tara muna don kay Ivan, paalam manlang" Sabi ko.

Dzuh! Parang hindi nila kaibigan yung tao. Palibhasa palaging magkaka-asaran sa  media kaya siguro sawang sawa na sa mga sarili.

Naglakad ako papunta kung nasaan siya. Nakasunod lang si Chloe.

Kitang kita ko kung paano siya tumawa sa kausap na babae pero ng makita kami ngumisi lang siya.

That's Ivan's other side. Mahilig makipag landian kung saan saan. Pero hindi naman jinojowa!, Minsan natatawa nangalang ako pag nai-issue kaming dalawa, pero pag sila ni Pia ang na issue  grabe ang bruha parang may pinaglalaban. Galit na galit.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya don, e kanina wala naman siya d'yan or hindi kolang napansin?  Ewan.

Pagkalapit ko palang hinampas kona agad sa braso. Tumawa ang loko pero napansin kong nawala sa kwento ang kausap niyang babae.

"Hoy, napakagara nito a" sabi ni Ivan saakin. Bumaling siya kay Chloe at nakipag fist bump.

Hindi ko alam kung natakot o ano ba yung babae, basta nagpaalam nalang bigla.

"Mahina ka pala e HAHAHAHA" pang aasar ko sa kan'ya, bigla akong tumigil ng mapansing may mga tao pala sa loob na bumoboto. 

Karamihan kasing edad lang namin, mga kaklase ko pa nga ang iba at--

"potangina, bakit andito yaan?"  Napatanong agad na sabi ko.

"Naboto rin"  Chill na sabi niya.

"Gago". Sabay sampal ko sa braso n'yang agad niyang naipangharang. 

Parang nung nakaraan ko lang yan nakitang lalaking yan a? Tapos boboto? Ano  'to lokohan

"Para sakin" dagdag niya. Humalakhak.

"Ano ka walang kamay? Tanga nito"

"Walang pakialamanan"

Isang batok bago nakitawa, maging si Chloe tumawa rin kahit nagseselpon at walang pakialam sa pinag uusapan.

"Sino ba 'yon?" Tanong niya, maya mayay binaba niya ang cellphone at  napalingon din sa loob.

"Gago Lori andito yung naka--"

" Oo" sabi ko nalang dahil mejo lumakas ang boses niya. 

Potangyawa talaga.

"Sino?" Biglang tanong naman ni Ivan kay Chloe.

"Yang pinsan mo"Sabi ko.

"Pinsan?!, Hoy gago pinsan mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Chloe sa tumawang si Ivan.

"Bakit ba? Gwapo naman kami ah?"

"Kung alam molang!" Sabi ni Chloe. Sinamaan ako ng tingin.

Bakit parang kasalanan ko pa? Tangina.

Napahilamos nalang ako. Siguradong pag nakita ni Pia yang pinsan ni Ivan mas kailangan ko nang ihanda ang tainga ko.

Akala ko swerte na 'tong si Ivan.

May bitbit palang malas.

__________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

182K 4.2K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
239K 7K 51
we young & turnt ho.
1M 91.4K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...