String Consequence

By rollerthinker

56 16 6

1/5 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiรฑa Lloyora th... More

String Consequence
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

5 2 0
By rollerthinker

Chapter 5: bruise

Nagkwentuhan kami ni Ariel habang nasa daan. Hindi ako naboring dahil literal naman siyang pala kwento.

Hindi kolang pinahalata na habang nagsasalita sya ramdam kong nag vibrate ang cellphone ko. Kaya kahit may kausap binasa ko, sasabihin ko nalang na si papa yon kahit nakita konang si Hanz.

"Wait" pag papahinto ko sa sinasabi nya. Maging paglalakad namin nahinto. Malapit na kami pero mas pinili kong huminto para lang mabasa ang message niya.

Tatama lang naman siguro ang oras ng lakad namin dahil sinasadya ko talaga kaninang bilisan maglakad kaya okay lang na huminto.

"Sino 'yan?" Tanong niya ng nakitang cellphone ko ang tinuro.

"Si papa. nag text, Wait lang" Sabi ko sa kanya. Mabuti naman at may nakita siyang kakilala kaya nakipag kamustahan sya don habang ako.

Unknown number: May pupuntahan lang ako saglit,babalik din ako.
05:02pm

Nang mabasa ang message agad akong naalerto. Pwedeng madaanan niya kami o sa kabila siya dadaan.

Pero ang kailangan kong itatak sa isip ko na kailangan kong magmadali pauwi. Baka maabutan kopa, sayang effort. Hindi ko alam kung anong kailangan niya at kailangan pa n'yang mag intay ng ganoon katagal.

Tinignan ko si Ariel pero nakikipag usap parin siya.

Malapit lang ang bahay ng Lola n'ya kumpara saamin, isang liko nalang makakauwi na s'ya sa bahay ng lola n'ya at mag Isa ko nang tatahakin ang daan pauwi--na mas pabor dahil kung ganon tatakbuhin ko nalang.

...

Nagpaalam ako Kay Ariel at nagpasalamat. Gusto pa nga akong papasukin ng lola n'ya para mag meryenda, pero itinangggi ko na  busog pa ako.

"Bye!, Ingat ka" Bulong saakin ni Ariel habang tinatapik tapik ang balikat ko.

Nginitian ko si Ariel  at hinarap ang direksyon ng matanda. Mukang okay lang naman sa kanya na tumanggi ako sa alok n'ya. She's sitting at the sofa may hawak na  panahing sinulid  na pangburda.

"Mag iingat ka apo"  then she smiled genuinely, na nakapag pawala saakin ng pagmamadali.

Pumasok ako at lumapit ako sa kanya, lumuhod at tinignan ang ginagawa n'ya. The designs are  look beautiful, isang kulay asul na paro paru na may puti sa gilid.

Cool. My favorite color.

Color of the skies and sea.

Sa kabila ng kulubot na balat ng matanda kitang kita ko parin kung gaano sya kagaling gumawa.

Someone's reminding me of her.

Mom.

"Gusto mo ba ito iha?" Maya mayang sabi ng matanda.

Nagulat ako.

"Po-o?"

Tumawa s'ya ng mahinhin at tinapik ang balikat ko.

"Heto" pag aabot nya saakin ng isang panyong puti na binurdahan nya ng magandang paru paro.

Naging mabagal ang isip ko kaya hindi ko agad natanggap yon. Kaya s'ya mismo ang nag abot no'n sa'akin.

"Maraming nagsasabi na ang simbolong paro paro ay pagbabago ng anyo. Kaya bilang regalo sayo iha, gusto kong gamitin mo ang panyong ito sa kasal mo" pagkatapos ngumiti ito muli.

"Po?" Biglang kinabahan kong utas. Mejo creepy pero mas nakakatakot yung hindi pa naman ako ikakasal!

"Hay nako lola,Hindi pa naman 'yan ikakasal, matagal payon" Maya mayay tumabi sa'akin si Ariel. Tinignan nya ako ng may pagpapasenya.

"Basta, gamitin mo ito ha?" Nakangiti paring utas ng matanda.

"Hay nako Lori. " Tumawa si Ariel kaya nilingon ko s'ya. Nginuso nya ang labas at doon kolang nakita na malapit na nga palang magdilim.

"Ahm...--"

"Lola uuwi na 'yan si Lori" sabi ni Ariel sa matanda.

"Oo s'yempre naman, mag iingat ka apo"  walang kupas ang ngiti nito.

Kaya hinawakan ko ang kamay n'ya at nagmano.

"Opo, salamat po." sabi ko  bago tuluyang lumabas ng kanilang pinto.

*****

Mabilisan kong sinilid ang panyo sa bulsa ko tsaka mabilisan ding tumakbo.

Palubog na ang araw at ramdam ko narin na hahanapin nako ni Papa. Bukod padon may taong babalik sa bahay na kanina pang nag iintay.

Sa bawat takbo ko sa kanto may tumatawag saakin. Minsan bata minsan mga lalaking papansin. Pero sa halip na pansinin sila dumeretso ako ng takbo.

Isang liko nalang. Malapit na ako.

Pero sadya yatang malas ako.

"Aray!" Napangiwi agad ako ng mapatama ang puwetan ko sa kalsada. Kasabay non ang biglaang pagtuon ng kamay ko para hindi ako tuluyang mapahiga.

Ang hapdi.

"Jusko po!, Lori!" Nag aalala at aligagang si Ate Dory- isang magtitinda ng kakanin, balot at kung ano ano pa, gamit ang bisikleta. Kasama nya ang dalawang taong gulang na bata. Inosenteng napatingin sa kanyang nanay.

Napaayos ako ng upo pero hindi agad ako nakatayo. Napangiwi ako sa hapdi!,nang tignan ko yon ay may maliit na galos ako sa kamay.

Hindi malala pero paunti unting dumudugo.

Aish! Napakatanga mo Lori. Bigla bigla ka kasing lumiliko!

Inalalayan ako ni ate Dory tumayo kaya pinilit ko kahit masakit talaga sa parteng puwitan. Dahil pagabi na may mangilan ngilang mga tao sa kalsada at aware akong nakita nila akong sumalubong sa bisikleta.

"Ayos-s kalang?, May masakit ba? Tatawag--"

" Hindi na Ate, okay lang ako. Maliit lang o" Sabi ko sabay pakita ng kamay ko. " Hindi nakakamatay" dagdag tawa ko.

Kahit napatawa ko hindi parin naalis ang  kaba sa muka nya. Alam ko. At alam nya din kasi na may kasalanan pa sila saakin.  I just don't want to drop it. Okay nako.

" Pauwi na ako ate, tuloy mona pag titinda o; baka gabihin pa kayo masyado,maabutan kayo ng curfew" Sabi ko at pinagpagan ang damit ko.

Nahihiya man. Tumango parin s'ya at humingi ng patawad. Na ako naman talaga ang may gawa.

Pinanood ko ang pagtipa nya sa bisikleta habang nililingon ako ng bata. Kumaway ako at ngumiti. Inosenteng tingin lang ang ibinalik nya saakin.

Nangtuluyang mawala sila sa paningin ko tsaka ako umayos ng tayo at nagpasyang maglakad.

Malapit na naman, okay lang siguro.

Kinapa ko ang cellphone ko pero ang nakapa ko ay ang panyo. Oonga pala siningit ko yon don kanina. Kinuha ko ito at ginawang pampunas sa nagbabadyang dugo sa kamay ko.

Sorry Lola. Dito ko muna gagamitin.

Ilang bahay nalang ang dadaanan bago ang amin , sa kabila kami dumaaan kanina kaya hindi kona nadaanan ngayon ang hall.

Nakarinig ako ng tawanan pero hindi ko pinansin. Natural lang yon pag pagabi. May mga kabataan talaga na ayos lang sa magulang nilang tumambay, parang ako noon. Mas worst pa. 

Dinaanan ko ang Isa pang tindahan na may mga naka dress na babae. Siguroy kakalabas lang ng kanilang simbahan. Nag uusap usap.

So as a bitches. Hindi ko pinansin. Hanggang sa maka uwi ako.

Pero hindi ko pa na bubuksan ang pinto rinig na rinig kona ang tawa ni Hanz.

Sa kabilang bahay.

Gusto kong biglang maging excite.Inintay nya ako!,grabe

Pero naglaho bigla. For once.

Narinig ko ang boses ni Maja.

"Pinuntahan nya nga po ako e, diko inexpect kanina" rinig na rinig  kong sabi ni Maja, tumatawa sa kausap.

Wow. Pinuntahan?

Ngumiti ako sa sarili ko at tinuloy buksan ang pinto. Sumandal ako doon pagkapasok at huminga ng malalim.

What's this?

My heart is aching. Normal ba iyon?

****

Pagkatapos magdamdam, umakyat ako sa kwarto ko at mabilisang naligo.

Something's i realize.

Hindi nga pala nagseseryoso ang bitchesa.

Baka nabaguhan lang ako. Normal lang yon. Siguro dahil kaaway ko si Maja at may sama ako ng loob sa kanya, Kaya pati yung close kong tao.. ayokong dumidikit s'ya.

Nilinis ko ang sugat sa kamay kahit maliit lang yon. At sigurado akong mapapansin agad yon ni papa kahit hindi ko ipakita.

He always holding my hand. Lalo na kung nag aakit kumain sa labas okaya naman may iuutos na kailangan mauto niya ako. 

Tss really. That's my father. That's why I love him so much.

Nakaupo ako sa sofa at nakataas ang paa, bukas Ang Tv habang naglilinis ng sugat. Patapos nako ng may marinig akong nag uusap sa labas ng pinto.

" I'm waiting here"

" Sigurado ka?, Wala yon. Nagbabarkada payon. Mag iintay kalang dyan"

" Nah, go home. I'm fine here"

" Nako. Bahala ka. Pag wala pa umuwi kana, don't forget to call!"

Yoon lang ang narinig ko, Hindi siya sumagot o ano?

Nakatingin lang ako sa pinto. Para bang nakikita ko kung paano ako backstabin ni Maja at kung paano sila mag landian sa harap ng pinto namin.

Hah! Plastik.

Tumayo ako pero hindi ako pumunta sa pintuan. Inayos ko lahat ng ginamit ko. Umupo na parang basagulera sa upuuan.

Kung kanina nagmamadali ako. Ngayon hindi. Nandito nako kanina pa, siya yung wala.

"Where the hell, that woman" rinig na rinig kong reklamo niya sa labas na natabunan ng ingay ng trysikel.

Kaya nanlalaking mata akong napaayos ng upo.

"Uuwi na sya?" Tanong ko sa sarili ko ng mahina. Tumayo na nga ako palapit sa pinto.

"Ang hina mo" sabi ko sa sarili, napataas ang kilay.

Hindi ko pa nabubuksan pero.

" O. Hanz?- Anak ni Mr velina?"

Kung kanina malaki na ang mata ko ngayon mas lalo pang lumaki.

Si papa! 

Napakagat labi ako at nakailang ikot sa harap ng pinto.

"Wala ba si Lori?" Rinig kong tanong ni papa habang paunti unti ko nang nakikita ang pag galaw ng hawakan ng pintuan.

Anong gagawin ko shit!

"Pumasok ka muna. Sa loob mona intayin, Maya Maya andito nayon pag alam nyang pagabi na" halakhak pa ni papa.

Dali dali akong tumalikod. Sana hindi ako puntahan sa kwarto kung sakali.

"Ah--"

Kasabay ng paghakbang ko sa pangatlong baitang ng hagdan tuluyang bumukas ang pinto.

Sh! Potangyawa!  Napahinto ako, pero hindi ako lumingon. Kagat kagat ang labi habang nakapikit.

Sana. Sana kainin mo na ako lupa!, Ready na akong makain mo!

"Lori?" Halatang gulat ang boses na yon ni papa.

Jusko. Huhu!

"Lori.., anak" ulit na Sabi nya ng hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung anong expression ni Hanz ng malaman nyang nasa loob na pala ng bahay ang iniintay n'ya!

Nakakahiya!

Totoo nga talaga ang kasabihang maling gumanti  sa kapwa!

Hiyang hiya ako pero kailangan kong harapin to.

Nakakainis.

Para akong batang dahan dahang lumingon. Hindi ko tinignan ang lalaki kundi si papa ang tinignan ko.

Halos malusaw ang  ngiti ni papa ng makita n'ya ako.

"Andito ka pala sa loob? Akala ko lumabas ka kasama sina Ivan?"

"Uh.." Sabi ko unti unting tinago ang kamay.

"Iniintay ka ni --"

" Opo. Iniintay ko po s'ya salabas kasi may kukunin daw po siya" biglang sabat ni Hanz.

Kaya napatingin talaga ako sa kanya. Gulat.

Ano nanaman to?

Pero salamat. Pasabi ko gamit ang mata.

Madilim ang awra niya habang nakatingin saakin. Sabay baba sa kamay kong nasa likod.

Kaya pasimple ko lalong tinago.

"Ah.. ganon ba iho? Akala ko'y kanina kapa doon e"

"o siya aakyat lang ako para magpalit pagkatapos babalik na ako sa baranggay" 

Sabi ni papa ,Akala ko tapos na pero

"Lori" tawag atensyon sakin ni papa.

" Po?" Kunot noong tanong ko. Hindi Kasi sya nakangiti.

" Ayusin mo ang pakikipag usap. Sabi ko sa'yong huwag--

"--mong tarayan lahat ng taong nakakausap mo" pag dederetso ko sa sinasabi nya.

" Oo alam ko na 'yon pa" napairap ako ng kaunti.

Sus palagi nalang. Ganon ba'ko kasungit? Mabait nanga ako kung tutuusin.

"Pinaaalala ko lang sayo"

"Yes, yes captain"

....

Nang umakayat si papa ay halos matahimik na  ako. Hindi rin siya umiimik.

Naglakad ako pabalik ng sofa at ganon din ang ginawa n'ya. Umupo sa kaharap kong sofa ng hindi parin nagsasalita.

Kahit tunog ng orasan at trysikel sa kalye nahiya nang makigulo saamin. Parang mas gugustuhin kong andito si papa at hindi na tumaas.

Pasimple ako lumunok dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko sa paghahagilap ng tamang salita para masimulan ang dapat kong sabihin. Kung meron man.

"Ehm" pagpapasimula ko na naging isang katawa tawa.

Nasamid ako sa sarili kong laway!

Umubo ako ng umubo at nakita kong gulat siya sa nangyari agad agad s'yang tumayo at derederetsong pumunta ng kusina.

Hindi naman mahirap hanapin ang kusina dahil hindi naman ganon kalaki ang bahay namin.

"Here" sabay abot  niya ng  isang basong tubig na hindi ko natanggihan kahit mejo humupa na ang pagka samid.

Maging sa paglagok ko ng tubig bumalik ang katahimikan.

It's really annoying! Bakit dumadating pa ang oras na ganito?,Kambal na kamalasan at kahihiyan ang laging inaabot ko!

"You okay now?" Walang bahid ng pag aalala o kahit anong emosyon sa kanyang muka. Just plain. Bigtime.

"Ah.. yea" Sabi ko at lumunok pa ng dal'wang beses. Nakatingin kasi s'ya sa labi ko. Kahit nasa kabilang upuan siya!

Bumugtong hininga s'ya tsaka tumayo.

Napatayo din tuloy ako.

"San--Saan ka pupunta?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko. Na sana hindi ko nalang sinabi.

He's still staring at me intently, tumaas ang kilay nya maging ang sulok ng labi. Hanggang sa sumilay ang ngisi.

Namula ang pisngi ko at napayuko.

Bakit ang tanga mo Lori?

Pumikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko bibig ko na ang may pinaka makasalanan sa lahat.

Sumobra na ata ang kamalasan ngayong araw.

Lord please pede bukas nalang?

"What's with your hand?" Napamulat ako sa tanong na 'yon.

Siniksik ko ang kamay ko sa loob ng damit ko sa likod.

No. bakit pati yon napansin ng lalaking to.

"Alin?" Sabi ko  tiningala siya. Pero hindi s'ya nakatingin sa mukha ko. He's now staring at my hand even it is inside my shirt.

"Sinong may gawa niyan?"

"Does it hurt?" Magkasunod na tanong nya.

Dahil doon nilabas kona ng tuluyan ang kamay kong may maliit na sugat. And because he's asking, might  say who really the reason why I have these little bruises.

Sino nga ba?

Napangisi ako sa sariling isipin.

"Here" Sabi ko, nilahad ang kamay sa paraang akala mo ako ay prinsesang hahalikan sa kamay.

Tinignan n'ya ito bago sana hahawakan ng bigla kong bawiin.

"Ops." Sabi ko kaya napatingin s'ya saakin.

"Sorry. " Ngisi ko pa. Pero kahit anong lakas ng loob ko,naglalaho't naglalaho talaga ang tapang ko pag nakikita ko ang mukha nya.

"Don't joke on me woman. I'm serious" matigas na ingles na sabi niya. Madiin at may kalakasan. Kaya napatikop pa lalo ang bibig ko.

Lalong naubusan ng tapang.

"I'm asking,Sino ang may gawa niyan?" Madiin paring tanong n'ya.

At totoo. Muka ngang hindi nagbibiro.

"Uh.. si.. " pag iisip ko

"si--Calihl?" Napapikit ako ng mariin sa pagbanggit ng panibagong pangalan.

Nagmulat ako ng mata at nakita kong nag igting ang panga nya.

Now surely  I'm dead. Why does  the badluck  vibing with me today! 

Sorry Calihl.

__________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

90K 320 13
As the title says
272K 9.9K 50
a very talkative girl named kahmyla came all the way from new jersey & moves to philadelphia. she has no friends but she finds interest in this one g...
42.6K 2.6K 15
ุงู„ูƒุงุชุจู‡ : ุฑู†ุฏ ุงู„ุณุจูŠุนูŠโœ๐Ÿผ ุฑูˆุงูŠุชูŠ ุงู„ุงูˆู„ู‰ ุฃุชู…ู†ู‰ ุชุนุฌุจูƒู… ูˆุงุณุชู…ุชุนูˆ...
214K 10.3K 57
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...