Bad Ass Damsel

By milkteajpg

12.2K 462 66

All Rights Reserved 2014 More

Prologue
01
2:
3:
4:
5:
6:
7:
8:
9:
10:
11:
12:
14:
15;
16;
17;
18;
19;
20;
21;

13:

508 24 4
By milkteajpg

Jungkook's POV

"Jungkook, We need to talk" Sambit ni Taehyung.

"Tungkol saan naman, hyung?" Bakas ang pagtataka na tanong ko sakanya.

"Hm, let's get straight to the point. Do you like Xav?"  Tanong niya saken na siyang dahilan ng pagkagulat ko, but I composed myself. Hindi ko ipinahalata sakanya na nagulat ako.

"Alam mo na ang sagot dyan, hyung." Cool na sagot ko sakanya.

"Yeah, alam natin lahat na may "paghanga" ka sakanya, pero parang lumalala naman yata yon. Am I right?" Tanong pa niya.

"Bakit biglaan mo naman yatang natanong yan?" Nakakunot ang noong tanong ko sakanya.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko maknae, tama ba ang hinala ko?" Blanko ang ekspresyon na tanong niya.

"Bakit hyung, may mali ba kung lumalim man ang paghanga ko sakanya?" Pangaasar ko sakanya.

"Alam mo naman na bawal, Jeon Jungkook," Bigla akong napangisi nang dahil sa sinabi niya.

"Paano naging bawal hyung? Dahil ba sa may gusto ka rin kay Xav?"

Xav's POV

N A K A K A H I Y A

Yan lang ang masasabi ko ngayon, hiyang-hiya ako sa ginawa ko kanina. Unang-una, napilit nila ako magsuot ng napakaikling skirt na hindi ko naman talaga dapat isusuot. Ikalawa, napakanta na naman ako ng wala sa oras at sa harap pa mismo ng madaming tao. Tangina, bawas angas din yon. at ikatlo, wala sa plano na hahalikan ko si Jungkook, pero anong ginawa ko? Taksil masyado ang mga labi ko. Ano nalang iisipin ni Jungkook? Assuming pa man din yon. I dont even know why I did that, but something deep inside me pushed me to do that. Sirang-sira na ang reputasyon ko, wala na akong mukhang maihaharap pa.

"Ugh!" Napasabunot nalang ako sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa dorm slash bahay namin ng bangtan.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko upang magbihis at tanggalin lahat ng mga nakakasuyang kolorete sa mukha at katawan ko na siyang dahilan nang pagkapahiya ko. Hinding-hindi na talaga makakaulit sakin ang ilong na yon. 

Puros kashitan ang dala ng ilong na yon sa buhay. Leche. Napapadyak nalang ako dahil sa sobrang inis ko sakanya. Kung hindi lang talaga dahil sa benefits na makukuha hindi ko siya sisiputin sa stage na yon. Pinagpatuloy ko lang ang pagsabunot sa sarili ko.

"Xabrina, what are you doing?" Gulat akong napatingin sa taong nagsalita sa likod ko. Great, nang dahil sa sobrang pag-iimagine kung paano ko lulumpuhin si ilong di ko namalayan na nakarating na pala siya dito.

Ginawaran ko lang siya ng isang matalim na tingin at nilagpasan at tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Good job nga pala. You were amazing earlier." Masayang sambit pa niya.

"Salamat" Malamig na tugon ko sakanya, bigla naman nawala ang mga ngiti sa labi niya at napalitan ito ng mapait ng ngiti.

"Galit ka parin ba sakin?" Bakas ang pagkalungkot sa boses niya.

"Ano ba sa tingin mo? Ha?" Tanong ko sakanya.

"Hanggang kailan mo ba, balak magalit sakin Xav? Sana maintindihan mo na ginagawa ko yon para protektahan ka. Intindihin mo naman ako!" Nagulat naman ako sa biglaan pagsigaw niya. Wow, pre. Asan ba kausap mo? Nasa kabilang planeta?

"Protektahan? Nagpapatawa ka ba Min Yoongi? You know that I can protect myself. Of all the people, dapat ikaw ang mas may alam nyan."  Huling saad ko sakanya at iniwan siyang nakatayo dun.

Napagdesisyunan ko nalang na lumabas muna at magpahangin. Hays, sa totoo lang hindi naman ako galit sakanya, hindi ko kayang magalit sa kuya ko. Pero i didnt like what he did. We are a team, ang laban ng isa ay laban ng isa. Kaya ganun nalang ako nainis dahil gumagawa siya ng sarili niyang hakbang. Hindi niya naisip kung ano ang mararamdaman ko. I feel so disappointed. Tss. Ewan ko, bahala na. This has been a long day, I think I need to chill first.

Naisipan ko na pumunta nalang sa park malapit sa dorm namin ng bts, hindi pa man ako nakakalayo ng sampung kilometro nakarinig nako ng mga putok ng baril. Napadapa ako sa sahig nang magpatuloy pa din sa pagpapaputok ang putrages na nilalang na yon. Obviously, ako ang pakay niya dahil maliban sa mga kotse na nakaparada sa gilid ng daan eh ako lang naman ang kaisa-isang taong nandito sa oras na to at isa pa papunta sa direksyon ko ang mga balang pinapakawalan niya. Habang nakadapa pa din, inilibot ko ang paningin ko at hinahanap ang taong responsable sa nangyayari ngayon at kung suswertehin ka nga naman oh, nakasampa siya sa isang puno na malapit sa kinalalagyan ko ngayon ang isang lalaki na naka-mask at all black ang suot na damit. Ano to? Pupunta sa burol?! Tch. Tumayo ako at pilit na iniiwasan ang mga balang pinapakawalan niya habang siya ay prenteng nakaupo sa sanga ng puno at pinapaulanan ako ng bala.

"Tangina" Napangisi ako ng maramdaman ang pamilyar na sakit sa kaliwang balikat ko. Ilang taon na din nang huli kong maramdaman to. At sa maikling oras lang, parang biglang nabuhay sa sistema ko ang bagay na matagal ko nang pinatay na siya ding ikanatuwa ko.

Pinagpatuloy ko lang ang pagiwas sa mga balang papalapit sa akin at tinahak ang direksyon papunta sa lapastangan na naglakas ng loob na sirain ang maganda kong balat. Tch, kahit naman kilos lalaki ako maalaga pa din ako sa sarili ko. Nang marating ko ang kinalalagyan niya hindi ako nagdalawang isip na hilain siya pababa. Buong pwersa ko siyang hinila at nagtagumpay naman ako. At doon ko napansin ang maliit na tattoo sa kanyang batok. Mukhang alam ko na kung anong pakay niya. Hindi pa man siya nakakatayo ay binigyan ko siya agad ng isang napakalas na suntok, pero nasangga niya ito at nasipa ako sa tagiliran ko. Napaungol ako ngunit kasabay neto ang mapait na ngiti na kumawala sa labi ko.

Hindi ko maitago ang excitement na dumadaloy sa sistema ko, hindi ko inaasahan ang bagay na ito ngunit hindi ko din maitatanggi na natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Sinugod niya ako at nagpakawala ng mga suntok na naiwasan ko din naman. Hm, hindi ko maipagkakaila na mabilis siyang gumalaw hindi na yon nakakagulat dahil una sa lahat hindi siya tumatanggap ng mga lampa sa organisasyon niya. Pero sa di ko din maikakaila na nakaramdam ako ng kaunting kaba sa kaloob-looban ko hindi dahil takot akong paglamayan ako sa ganto kaagang panahon kung hindi dahil napaka-pamilyar nang galaw ng kaharap ko ngayon. Mas lalong nangibabaw ang kaba at pagtataka ko pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.

Sinasangga ko lang lahat ng mga suntok at sipa niya at nang makahanap ako ng tyempo sinipa ko siya nang pagkalakas-lakas dahilan upang mawalan siya ng balanse at mapahiga sa semento, at sa pangalawang pagkakataon nagpakawala ako ng isang malakas na suntok na dumapo naman sa mukha niya. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at malakas na hinatak papalapit sakin at tinanggal ko ang suot niyang mask. Nagulat ako nang makita kung sino ang lalaki sa likod ng maskara. Siya?! Bakit siya?!

"R-red, bakit?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa to.

"X-xav, Xav inutusan niya lang ako!"

"Hindi ko tinanong kung bakit mo ako nagawang paputukan ng bala. Ang tinatanong ko, bakit? B-bakit nagawa mo 'to Red?!" tanong ko dito.

Si Red, isa siya sa mga naging kanang-kamay namin ni Yoongi at isa sa mga matalik naming kaibigan. Siya rin ang unang lalaking minahal ko. 

(Flashback)

Alam nang lahat kung anong namamagitan sa amin ni Red, maging si Yoongi ay alam din. Pero hindi siya kailanman naging pabor sa relasyon namin, lagi niyang sinasabe that Red's no good for me. Oh diba matalik na kaibigan niya si Red pero di siya boto dito para maging boyfriend ko. Ibang klaseng kuya. Nga pala, si Red din ang isa sa mga dahilan ng madalas naming pagaaway ng kuya ko pero syempre dahil mahal ko yung tao, ipinaglaban ko siya. Isang araw nang nasa hideout kami biglang nagsabi si Red na magku-quit na siya sa gang dahil gusto ulit niyang magkaroon ng normal na buhay. Naiintindihan ko ang rason niya, dahil kung ako man ang nasa lugar niya mas pipiliin kong maging normal ang buhay ko kaso sadyang mahigpit ang mundo sa amin ng kapatid ko kaya hindi pwede. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailagan din magtapos kung anong meron kami.

Simula noon, araw-araw ko siyang sinusundan kung saan man siya magpunta. Oo tawagin niyo na akong stalker pero siguro nga ganon talaga kalakas ang tama ko sakanya nung mga panahong yun. Ngunit nagising din ako sa katotohanan. Isang gabi sinundan ko siya papunta sa isang bar sinundan ko siya hanggang sa makapasok siya rito, nagulat na lamang ako nang may babaeng patakbo sa direksyon niya at biglaan siyang yakapin sabay sabe na 'i miss you babe' pero ang ikinagulat ko pa nung hinalikan niya ang babae at take note sa harap ko pa mismo. Hello! Di ba nila napansin na nandito ako? Bulag lang? Tanga? Di makasense? Akala ko ba malakas makaramdam tong si Red pero bakit di niya ako naramdam? Bobo naman. Pero bigla akong natauhan sa naisip ko, hindi niya kailanman ginawa sa akin yon.

Hindi lingid sa kaalaman kona mahilig si Red na magbar pero hindi ko inaasahan na playboy din pala siya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tumakbo ako palapit sakanila at malakas na sinapak si Red, napasigaw naman ang babaeng kasama niya na siyang naging dahilan nang biglang paglipat ng atensyon sa amin ng mga tao sa bar.

"L-light?" Gulat na napatingin sa akin si Red pero hindi ako nagpatinag, binigyan ko ulit siya ng isang malutong na sapak. Well I wont be sorry he deserves that. Alam kong gumagawa na kami ng eksena dito pero who cares? No one can stop Xabrina Min.

"Siya ba ang dahilan kung bakit tinapos mo kung ano man ang meron sa atin?" Malamig ang tono ng boses ko nang magtanong ako sakanya.

"Light, let me explain"

"Ang tanga ko pala dahil nagpaikot ako sa isang gagong katulad mo. Sana nakinig nalang ako kay Yoongi" Kalmado ko pa rin sabi sakanya. Akmang aalis na ako ng pigilan niya. Hawak niya ang isang braso ko, tinignan ko lang siya na parang hindi ko kilala ang taong nasa harapan ko.

"Light, please. Hayaan mo naman akong magexplain" Nagmamakaawang sabi niya sakin pero imbis na pagbigyan siya ay hinugot ko nalang ang baril sa bewang ko at pinaputukan siya sa may hita.

Nagpanic naman lahat ng tao sa loob ng bar pero baliwala lang kay Red nang paputukan ko siya ng bala. Hindi mo makikita sa mukha niya na nasasaktan siya. Sa aming mga gangsters kasi parang normal na bagay na lang ang maputukan, masaksak o kahit anong bagay pa yan na pwede mong ikamatay dahil una sa lahat nakabaon na sa lupa ang kalahati ng katawan namin noong pinasok namin ang mundong to.

"Tapos na tayo, hindi mo na kailangan magexplain. And one more thing, isang beses pa na tawagin mo akong Light. Paglalamayan kana. Adios." Tinalikuran ko na sila habang nakataas ang isang kamay ko sa ere at kumaway sign na nagpapaalam nako sakanila, kasabay ng pagalis ko sa bar na yon ay ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Yun ang kauna-unahang beses na umiyak ako at isang napakalaking putangina dahil lalaki pa ang dahilan non. Noong araw din na yon ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako kailanman iiyak at magpapakita ng emosyon kanino man bukod kay Yoongi.

(End of flashback)

I didnt expect that he'll join his organization, tanda ko pa kung paano niya ikwento samin na he despise that organization, pero eto siya ngayon isa sa mga humahunting sa amin na balak kitilin ang buhay naming magkapatid. Patawa amputa.

"Light, s-sorry" Bigla naman nandilim ang paningin ko ng sabihin niya ang mga salitang yon. Automatikong gumalaw ang kamay ko at kinuha ang baril sa sahig at pinaputukan siya ng sa hita, napangiwi naman siya sakit.

"Wala ka nang karapatan na tawagin ako sa pangalan na yan." Dahil simula ng saktan mo ako, kinalimutan kona na magkakilala tayo. Gustong-gusto kong ipamukha sakanya yan kaso baka magàssume to na may feelings pa din ako sakanya. Pwe. Yak. Di ko keri yon.

"Sinong nagutos sayo? Siya ba ha?"

"L-light" Muli ko siyang pinaputukan ng wala akong nakuhang sagot sakanya. Damn, ganon ba niya kagusto na patayin kami? Na patayin ang sarili niyang mga anak?

"Yan na muna matatanggap mo sakin, pansamantala. Sabihin mo sakanya di pa ito ang tamang oras para magharap kami." And with that tinalikuran kona siya pero sa di inaasahang pagkakataon...

"X-xabrina"  Nagulat ako ng malaman kung sino ang nasa harapan ko ngayon, ni hindi ko man naramdam ang presensya niya.  Anong ginagawa niya dito? Sht.

Ljoe's POV

Whooo! That was amazing! I didnt know that Xav can sing and perform like that. Tangina, ang ganda niya. Tama talaga ang hinala ko she's no ordinary girl, kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mga babaeng kilala ko. She's beautiful, she knows how to sing, she's brave and tough. Ganyang-ganyan ang mga ugaling gusto ko sa babae. Full package na siya. Although, may pagkamayabang siya pwede kong iset-aside yon tutal may maipagmamayabang naman siya.

After ko mapanood ang performance nila dumiretso agad ako sa dressing room, nagbabakasakaling makita dun si Xabrina. Lam niyo na, kelangan ko pumorma para makapoints naman ako sakanya.

Nang makarating ako sa dressing room, medyo nadisappoint ako dahil hindi si Xav ang nadatnan ko dun kundi ang mga kuya-kuyahan niyang epal. I didnt mean to eavesdrop on their talk pero hindi ko mapigilan na makinig sa usapan nila. Pero hindi ako chismoso ah! Gwapo lang ako, oo gwapo lang.

"Bakit hyung, may mali ba kung lumalim man ang paghanga ko sakanya?"  Rinig kong sambit ni Jungkook. WOW. Kadramahan pa yata ng mga kupal na to ang maririnig ko.

"Alam mo naman na bawal, Jeon Jungkook" I think that's Taehyung. Seriously, wala akong maintidihan sa pinaguusapan nila. Pero one thing's for sure, tungkol sa isang babae ang paguusap nila.

"Paano naging bawal hyung? Dahil ba may gusto ka rin kay Xav?" Biglang nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Xav. So, theyre into Xav huh? Mukhang madami nga akong kakompitensya.

Hindi ko na pinatapos ang paguusap at lumabas nalang. Nakakatawa lang kung paano nilang protektahan at ilayo sakin si Xav na parang kapatid o pagmamay-ari nila to pero may hidden agenda din pala sila kung bakit nila ginagawa yon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa nang dahil sa natuklasan ko kanina, nang dahil sa pagkagusto nila kay Xabrina, nakuha nilang lokohin ito at maging ang sarili nila.

"Kuya pala kayo ni Xabrina ha. Tch." Pabulong na sambit ko sa sarili.

"Mukhang kailangan ko na talagang seryosohin ang larong to." Natatawang isip ko pa.

Lumabas nalang ako at nagdecide na pumunta sa park na malapit dito. Magpapahangin na muna siguro ako, mamaya ko nalang dadaanan si Xav sa dorm nila bago ako umuwi sa dorm namin panigurado naman na dun lang yon pupunta. Oo sigurado ako na sa dorm lang ng bts ang punta nun, malapit lang namin kasi yon dito. Sa totoo nga nyan eh, walking distance lang. Pucha, di pa din mawala sa isip ko ang mga narinig ko kanina, di maatim ng sikmura ko ang mga pinagsasabi ng dalawang yon. Hindi ko din alam kung ano nagpush saken para pakinggan ang paguusap nila, siguro nga may pagka-chismoso din ako. At dahil siguro sa kaloob-looban ko, may feeling ako na kilala ko kung sino ang pinaguusapan nila? At di nga ako nagkamali dahil si Xabrina ang tinutukoy nila.

And speaking of Xav nakita ko siya dito sa park. Pagkakataon nga naman oh, tubig lang hiningi ko, buko shake ang binigay sa akin. Ano pa ba masasabe ko? Mukhang tadhana na talaga naglalapit samin. Lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko na may parang kausap siya ang masaklap pa lalaki to, bigla naman akong nakaramdam ng inis,kaso bakit nakahiga sa sahig yung kausap niya? Ginawang higaan ang semento? Wow uso ba yon? Matry nga. Tss.

Nagulat ako ng bigla akong makarinig ng putok ng baril at laking gulat ko nang may hawak na baril si Xabrina. What the fuck? H-indi kaya? Siya a-ang may gawa n-non? Medyo lumapit pa ako ng kaunti sakanila para matanaw ko kung anong ginagawa nila. Hindi pa ako nakarecover dun sa unang putok nang baril eh may sumunod na naman. This time, sigurado na ako na siya nga ang nagpapaputok. Pero bakit? Where did she even get the guts to do such thing?

Napansin ko din na parang may sinasabi si Xabrina dun sa lalaki ngunit hindi ko marinig iyon, pero ramdam ko ang maitim aura na bumabalot kay Xav ngayon. Ni hindi mo gugustuhin na tumingin sakanya dahil panigurado tingin pa lang niya kakaripas kana ng takbo. Napansin ko naman tumalikod na siya dun sa lalaki at akmang aalis na siya nang tawagin ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat maging ako man ay di inaasahan na tatawagin ko siya.

"X-xabrina" Peste! Peste! Peste! Pahamak talaga 'tong putrages na bibig na 'to. Ipaalala niyo na itetape ko 'to pag nakarating nako sa dorm namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Ayan na naman siya sa cold treatment niya. Hindi ba talaga 'to tinatablan ng charms ko?! Pucha ha. Nakakainsulto.

"A-anong ginawa m-mo sakanya?" Damn. Why am I stuttering? Parang di naman ako lalaki sa lagay na to.

"Nakipaglaro lang ako." Malamig pa din ang tugon niya sakin, at talagang nagawa pa niya akong titigan at mamilosopo ah. Tch, inayos ko ang sarili ko at pilit na tinutuwid ang salita ko. Nakakabakla man pakinggan pero kinakabahan ako sa presensya niya ngayon.

"I saw what you did there! Bakit mo siya binaral?"

"Oh talaga? Congrats, hindi ka bulag" Pamimilosopo niya ulet saken. Napakagat ako sa labi ko nang dahil sa inis. Di ba talaga to makakausap ng maayos?

"Wala kang nakita, naiintindihan mo?" Nagulat ako nang bigla niyang ibulong yan sa tenga ko. I felt goosebumps all over my body, hindi ko man lang naramdam na nakalapit na pala siya saken.

"Dahil once na may makaalam neto, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kahit kilala pa kita" Umalis na din siya pagkasabi niya nun. Sunod-sunod naman ang naging paglunok ko matapos ng mala-action na eksena na yun.

The fuck. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I have never been this nervous in my entire life. And there is only one person that can make me shiver like that. Xabrina Min, sino ka ba talaga?

————————-—————————

Too cliche, I know. But I hope you enjoyed it. 'Til next update. CIAO.

P.S: PARK JIN YOUNG (Jr of Got7) as Red.

—cartemis' unnie

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 95.9K 15
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
1.1M 35.4K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
1.3M 45.2K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...