STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata III

11.1K 278 50
By faithrufo

"Crushes are great until you realize that they'll never be interested in you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"So," ipinatong ni Asher 'yung dalawang kamay niya sa desk ko bago kumagat doon sa ham sandwich ko. "May nagugustuhan ako."

Tumaas ang kilay ko, "Sino naman 'yan?" Malamang hindi ako, bumigat 'yung dibdib ko sa naisip ko pero ipina walang bahala ko lang 'to. Dapat lang talaga na hindi ako.

Lumawak ang ngisi ni Asher bago niya ako kinindatan, "Hindi ko muna sasabihin pangalan niya."

Inulukot ko 'yung ilong ko sakanya habang tinatanggal 'yung plastic na nakabalot sa kalahati nung tinapay ko. "Taga dito?" tanong ko bago kumagat.

Binigyan ako ng flat look ni Asher bago niya ako pinitik sa noo, "Sinabing secret e."

"Wag mo kong pitikin," hinampas ko siya sa braso. "Tsaka wala kang sinabing secret. Sabi mo 'di mo pa sasabihin."

Umangat 'yung itaas na labi ni Asher, "Ganun din 'yun, tanga."

Sumandal ako sa upuan ko, "Ewan ko sa'yo."

Itinagilid niya 'yung ulo niya at pinanood lamang ako. Sino kaya 'yung nagugustuhan ng ugok na 'to? Tinitigan ko lang siya at ganun din naman ang ginawa niya. Mabuksan nga 'yung facebook neto mamaya.

"Pakagat pa ako," ngumuso siya sa sandwich ko.

"Eh," umiling iling ako at inilayo 'yung tinapay ko sakanya. "Eto na nga lang lunch ko e."

Bumuntong hininga siya at umirap, "Sama ka pala sakin."

"Saan?"

"Mcdo," sagot niya. "Libre kita. Tara."

"Ayoko, tinatamad akong bumaba."

"Eh pano mo pala nabili 'yan?" kunot noo niyang tanong.

"Nagpabili lang ako kay Enrico."

"Crush mo ba 'yun?" tanong niya at mas lalong nangunot 'yung noo niya.

"Lumalaki nanaman butas ng ilong mo," sabi ko sakanya bago pindutin 'yung ilong niya. "Tsaka hindi noh! Nagpabili lang crush agad? Ba't mo naman naisip 'yan?"

"Defensive? Lagi nalang kayong magkasama," umirap siya. "Kala mo mag syota e."

"Selos ka naman?" tumaas ang kilay ko.

Ibinuka niya 'yung bibig niya para sumagot pero mabilis niya din 'tong isinara bago siya umiling. "Asa ka naman," dumiretso na siya ng tayo tapos pinanood ko 'yung mga daliri niyang nag d-drum sa desk ko. "Punta na pala ako, naghihintay sila Troy sa baba."

"Hokey."

"Dito ka lang ha?" aniya habang naglalakad patalikod. "May gusto kang ipabili?"

Umiling iling ako at bumuntong hininga nanaman siya. Tapos nilagay niya 'yung kamay niya sa ulo ko at pinat ito bago siya tumalikod at maglakad palabas ng classroom.

Tinuloy ko lang ang pagkain ko at nilabas 'yung Math assignment ko na hindi ko natapos kagabi. Ang hirap hirap naman kasi! Napaka haba ng equation nakatulugan ko na.

Maya maya ay napatingin ako sa may pinto nung narinig ko 'yung nakakarinding boses ni Beatrice. Etong babaeng 'to kala mo may megaphone na nakasaksak sa bunganga e.

"Bes!" sigaw niya habang tumatakbo papunta sa upuan ko. Madudulas 'to. Oh, nadulas nga. "Aray koooooo 'yung puwit ko."

"Ah, tanga." sabi sakanya ni Ethel bago niya 'to hakbangan. Napatitig ako dun sa hawak hawak ni Ethel na pagkain.

"San mo nabili 'yan?" tanong ko sakanya.

"Yung?" tanong niya pabalik. "Eto?" Itinaas niya 'yung fries niya na puno ng cheese at agad akong tumango, naglalaway. "Sa college," aniya. "Nanlibre si Jared."

"Kelan pa kayo naging close nun?" tanong ko bago kumuha doon sa lalagyanan niya nung inilapit niya 'to sakin.

Nagkibit balikat siya, "Kanina lang."

Biglang dinakma ni Tris 'yung mukha ni Ethel, "Sus!" tapos itinulak niya 'to palayo para makadaan siya at makalapit sakin. "Feeling close lang 'yan. Kaibigan kasi ng labidabs niya."

"Hoy hindi ah!" mabilis na pag protesta ni Ethel bago ingudngod 'yung kamay niya sa mukha ni Tris.

"Ano ba Ethel! Pango na nga ako papangoin mo pa lalo!" Natawa kami pareho ni Ethel sa sinabi ni Tris. "Anyway, maganda parin naman ako."

"Hahaha! Namumula oh," sabi ni Ethel habang tinuturo 'yung ilong ni Tris. "Mukhang ng kamatisーHAHAHA TRIS KAMATIS."

"Tangina ka, pwet 'to ni Nicky Minaj." Ani Tris na nakapag patawa pa lalo sakin. "Hoy Adrian, tawa ka ng tawa jan. Matuot ka nyan."

"Okay lang 'yan mabango naman utot ko."

"Talaga?"

"Ay kiki ng kabayo!" gulat na bigkas ko nung may biglang nagsalita sa tabi ko. "Henry ano ba! Bwisit ka kamong butiki ka!"

"Maka butiki naman 'to kay Henry," sabi ni Tris. "Pamatay butiki kaya yang buhok niyan."

Tinignan ko 'yung buhok ni Henry na inaayos niya na dahil mukhang na-conscious sa sinabi ni Tris.

"Oo nga noh," sabi ko bago hawakan ang tuktok nito. Pinakiramdaman ko 'yung mga tusok tusok sa palad ko.

"Wag mo hawakan," reklamo ni Henry bago itaboy 'yung kamay ko. "Style ang tawag jan."

Umismid si Tris, "Style? Daig mo pa 'yung nakuryente sa Meralco."

Pakyu lamang ang isinagot sakanya ni Henry.

"Ba't ka nandito?" tanong ko sakanya.

Ipinatong niya 'yung siko niya sa desk ng inuupuan niya. "Gusto ko makita 'yung kiki nung kabayo."

"Tangina ka," sinapok ko siya sa mukha. "Dun ka na nga."

"Ganyan talaga kapag tigang," sabi ni Ethel habang umuupo doon sa upuan ni Kei na nasa harapan ko. "Nalilibugan sa lahat."

Biglang tumawa ng malakas si Tris tapos lumapit siya kay Ethel at may ibinulong. Hindi niya pa natatapos 'yung sinabi niya ay naiyak na sa tawa si Ethel.

Nakakunot noo kong tinignan si Henry na wala ding kamalay malay. "Ano daw?" tanong ko sakanya.

Kinagat ni Henry 'yung buong ibabang labi niya bago niya tinanggal 'yung sapatos niya at iniamba 'to kay Beatrice. "Tarantado anong pinagbubulungan niyo dyan?"

"Wala!" sabay na sigaw nung dalawa sakanya.

"Huy! Ano 'yun? Tris bulong mo din sakin." Nilingon ako ni Henry at sakin naman inamba 'yung sapatos niya. "Oh! Joke lang!" Tapos humarap ako kay Tris at iniharang 'yung kanang kamay ko sa bibig ko para 'di makita ni Henry. "Bulong mー" naputol 'yung sasabihin ko nung binatukan ako ni Henry kaya naman napatawa nalang ako.

Ano kaya binulong ni Tris kay Ethel?

"Ayoko na nga dito," sabi niya at tumayo na. Hindi pa siya nakakalayo ay humakbang na papalapit si Tris sakin kaya naman umupo ulit sa tabi ko si Henry.

"Oh? Kala ko ba alis ka na?" natatawang tanong ko.

"Isusuot ko lang sapatos ko," sabi niya at yumuko na para isuot 'yon.

Mabilis na hinatak ni Tris 'yung braso ko at parehas kaming napa sigaw nung tumayo si Henry para abutin ako. Hahabulin niya sana kami pero dahil hindi niya pa masyadong nasuot 'yung sapatos niya, sumabit 'yung paa niya dito at napa plakda siya sa sahig.

"Shet!" sigaw ko bago mapa upo sa kakatawa. "Langya Hens," pinunasan ko 'yung luha ko at nilapitan 'yung tropa. "Okay ka lang? Hahaha! Tanga tanga mo."

Tinutulungan na siyang tumayo ni Ethel nung makalapit kami ni Trisーna hindi parin tumitigil sa kakatawaーkaya naman bumalik nalang ako sa pwesto ko at tinignan 'yung mukha niya.

"Okay ka lang naman e," sabi ko sakanya habang tinitignang mabuti 'yung mukha niya. "Pangit parin."

"Pakyu."

Lumapit si Tris kay Ethel, "Mali ata ako ng hula 'Thel, mukhang nalahian din 'to ng ibon." At dahil dun, tumawa nanaman ng malakas 'yung dalawa.

Hindi nagtagal ay dumating na din sina Kei at 'yung isa pa naming kaibigan na si Kris, kasama si Angelo at Jared. Hindi nag aksaya ng panahon 'yung dalawang bobita at ikinwento kaagad sakanila 'yung katangahan ni Henry. Hindi nalang ako tumawa dahil nakakaawa din naman si Henry. Kung si Kei at Kris lang siguro ay tatawa talaga ako ng parang walang bukas, pero may dalawang hindi naman namin ganun ka close kaya para kay Henry, hindi nalang ako tumawa. Kahit na ba 'yung demonyita sa loob ko ay umiiyak na sa kakatawa. Tanga talaga, laughtrip.

Nung tapos na nilang pagpyestahan si Henry, lumapit si Kris sakin. "Nag ano, dalang gitara si Angelo. Jamming daw tayo, game?"

"Sige lang," sagot ko naman.

Transferee lang 'tong si Angelo at unang araw palang ng pasukan, crush na siya ni Ethel. Tingin ko 'yun na din ang isa sa mga dahilan kung bakit siya kinaibigan nila Kris. Para matulungan si Ethel. Angelo Parker, 'yon ang buong pangalan niya. Galing siya sa Wesley Academyーrival schoolーat AmBoy ang tawag namin sakanya. American citizen na naninirahan at nag aaral sa Pilipinas. AmBoy for short. Mukha naman siyang mabait at magalang, nakakatuwa din dahil mukhang parehas lang naman sila ng nararamdaman ni Ethel. 'Wag niya lang talaga sasaktan. Ako mismo maglalagari ng ano niya.

Pinaka unang naging kaibigan niya ata dito ay si Jared, 'yung seatmate ko. Isa ding AmBoy. Pero iba si Jared Gordon; dahil 'di tulad ni Angelo, kapag nag english siya, posh accent. Edi wow. Transferee siya last year, at ang sabi niya ay nag aral daw siya ng 3 years sa Manila kaya naman marunong siya magtagalog. Lumaki daw siya sa Englandーwow ulit. Ngayong year ko palang siya naging kaklase at sa halos isang buwan na kaming magkatabi, isa lang ang napansin ko. Mahiyain si Jared Lionel Gordon.

Bakla ata.

Pinaikot namin 'yung mga upuan at nakay Angelo ang focus ng lahat. Halatang nahihiya siya sa mga titig namin dahil namumula 'yung tenga niya, pero nung tumama 'yung tingin niya kay Ethel na kinikilig 'yung pwet sa tabi ko, medyo nag relax siya at nagsimula ng mag strum.

Pinakinggan ko 'yung boses niya, at aminado ako, medyo naisip ko na sana ako nalang 'yung unang nagka gusto sakanya kasi shet talaga ang ganda ng boses niya. Grabe. 'Yung tipong kapag gumawa 'to ng cover ng isang kanta magkaka milyon milyong views sa facebook. Nakakakilabot.

Pero syempre mas importante 'yung Math assignment ko kaya naman saglit lang 'yung admiration ko sakanya at agad din 'tong nawala at napunta 'yung focus ko doon sa assignment kong hindi ko parin tapos nakaka punyeta.

Habang nagsasagot ako at nakikinig sa boses ni Angelo, may pumatong na notebook sa notebook ko. "Anongー" naputol 'yung reklamo ko nung makita ko 'yung lahat ng sagot sa mga number na hindi ko masagutan. Nanlaki 'yung mata ko at napaawang 'yung bibig. Gulat na napatingin ako kay Jared na nahihiyang nag iwas lamang ng tingin. "Ah, salamat." Sabi ko sakanya at tumango lamang siya tapos pa konti konti, nagpink 'yung pisngi niya.

"Andy," mabilis na nailipat 'yung atensyon ko doon sa tumawag sakin. Pag lingon ko pa lamang ay may pumasok na na french fry sa bibig ko. "Pasalubong."

"Waaaaah Ashy, thank you!" Sabi ko kay Asher bago kunin 'yung plastic ng Mcdo.

"Kiss ko?" tanong niya bago ilapit 'yung mukha niya. Mabilis ko siyang kiniss sa pisngi at nung lumayo na siya ay nakita ko 'yung malaking ngisi niya sa labi. "Yan ba si Angelo?" tanong niya habang nakatingin doon sa nag gigitara.

"Yup!"

Tumango tango siya habang nakangiti parin, "Ang galing niya ah," humarap na siya sa direksyon ng pinto. "Punta na ko sa room, babye."

Kumaway ako sakanya at hinarap na ulit 'yung mga kaibigan ko na hindi nag dalawang isip para agawan ako ng fries.

"Gusto mo?" pag offer ko kay Jared. Tutal pinapa kopya niya naman ako ng assignment niya e. Nakangiting umiling lamang siya kaya naman nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa ginagawa ko kanina.

Continue Reading

You'll Also Like

29.6K 402 139
[COMPLETED] Tourism student Mesha Austria almost flunked her grades after a devastating break-up with her ex, so she asked for the help of her indiff...
1.9M 87.9K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
852K 19.7K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...
2.2M 98.3K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...