Real & Reel (KathNiel One-Sho...

By LunarMaris

281K 5K 809

Koleksyon ng mga KathNiel One Shots. Treinta: Weird Synopsis: My boyfriend is weird. More

1. Paano Magselos ang isang Daniel Padilla? (AU)
2. Baby Names
3. Maliit Kasi (AU)
4. Vandalism (AU)
5. 57 Reasons
6. Tying the Knot Part One: The Proposal
7. When KathNiel Read Wattpad Stories...(01)
8. How I Met Him... (AU)
9. Babies, Babies, Babies
10. Reunion with my EX...EX-BEST FRIEND (AU)
11. Daniel, Kathryn, at si Harry Styles
13. Si Mister at si Misis (AU)
14.1. 26 Letters (A - M) (AU)
14.2. 26 Letters (N - Z) (AU)
15. The Great Pretender (AU)
16. Got to Believe (AU)
17. Kathryn's Checklist (AU)
18. Dr. Lester Giri
19. Kissing Booth
20. Kiss and Make-up
21. Sa Pagbabalik ng...The Buzz
22.1. Lester Giri, the Mighty Stalker (January-April)
23. I wanna Grow Old with You...
24. Merry Christmas, Bally
25. Feb Fair (AU)
26. Pangako ko Sa'yo
27. Protector
28. The Return of Superman
29. Si Kargador at ang kanyang Yaya
30. Weird
31. I'll See You Soon

12. Love is ORANGE (AU)

8.9K 160 41
By LunarMaris


Tulad ng iba kong warning...Puro kalokohan lang ang nandito. Ako'y pagbigyan niyo na lang. :*



Title: Love is ORANGE

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Humor

Dedication: mikachiku26 - ang babaeng sobrang kinilig nung last chapter. :* Eh dito kaya?




First Meeting

Naglalakad si babae papunta sa cafeteria ng kanyang pinapasukang university. Labing-walong taon si babae. Kumakain pala siya ng mangga – ay – orange pala sa pagkakataong iyon.

Hindi niya namalayan na nakakain siya ng buto at bumara iyon sa lalamunan niya. Ang resulta...nabulunan siya. Hinila niya ang pinakaunang lalaki na nakita niya para hingan ng tubig. Wag mo kong tanungin kung bakit lalaki ang hinila niya, eh lalaki gusto niya eh.

"Yuck...Ha...Ha...Ha...Ka..." sabi ni babae.

Hindi maintindihan ni lalaki ang sinabi ni babae. Akala niya...

"Ano? Yuck ako? Tapos may hahaha pa..." kunot noong tanong ni lalaki. "Tinatawanan mo ko?! Tinatawanan mong yuck ako sa paningin mo?!"

"Tu...Tu...Tu...Big," hirap na wika ni babae. Sa pagkakataong iyon, gusto na niyang sampalin si lalaki. Nakatingin na siya sa baba ni lalaki, habang nakalagay ang kamay niya sa balikat nito, nahihirapan siyang huminga. Kailangan niya ng tubig.

Dahil nga hindi siya maintindihan ni lalaki, bigla na lang lumayo si lalaki sa kanya at tinakpan ang pagkalalaki nito.

"Bastos ka! Bastos! Anong too big!?" sigaw ni lalaki.

Parang gusto na lang mahimatay ni babae, walang kwenta kasi ang taong hiningan niya ng tulong tapos kung ano-ano pang iniisip at ang kapal pa ng mukha. Kaya ang ginawa na lang niya, nilapitan niya si lalaki.

"Wag mo kong lalapitan...Wag...Alam kong gwapo ako pero hindi ako nagpapa-rape!" bulyaw nito sa kanya.

Hindi niya ito pinakinggan at sa halip, hinila niya ang bag nito, binuksan at kinuha ang bottled water sa loob. Ininom niya ito at ng mahimasmasan, tumingin siya ng masama kay lalaki.

"Salamat hah!" pagalit na sabi niya. "Salamat sa tubig. Hindi too big..."

Binalik niya ang bottled water kay lalaki at nag-walk out.

"T-Teka!" habol ni lalaki. "Aalis ka?"

"Hindi...Dadating..." tugon ni babae. Konti nalang, lagot na si lalaki.

Tumawa si lalaki, inilahad ang kamay at sinabing, "Daniel Padilla nga pala, your savior."

"Excuse me? Wala ka ngang nagawa eh!" sigaw ni babae kay Daniel.

"Pangalan?" tanong ni Daniel.

"Kathryn Bernardo...Ay teka...Oh shit! You fool me!" tugon ni Kathryn at padabog na umalis.

"Nice to meet you Kathryn!" pahabol na saad ni Daniel.




First Confession

Halos tatlong buwan na ang nakakalipas ng naging magkaibigan at naging close sina Daniel at Kathryn. Lagi nalang sila magkasama. Lagi nalang nag-uusap. Lagi nalang pumupunta kung saan-saan.

Kaya naman, nahulog na ng tuluyan ang loob ni Daniel kay Kathryn, sa babaeng nabulunan sa buto ng orange at hiningan siya ng tulong.

Kaya ngayon, gusto niyang mag-confess sa babaeng nilalaman na ng kanyang puso.

"Oi, Kathryn! Bili mo ko ng orange, kailangan ko eh..." utos ni Daniel.

"Kapal talaga ng mukha mo Daniel!" sigaw ni Kathryn. "At ako pa talaga ang inutusan mo hah?"

"Hindi...Hindi...Si Khalil..." pabalang na tugon ni Daniel. Sakto naman dumating si Khalil, isa pa nilang kaibigan.

"Ano yun? Bakit nanaman narinig ko pangalan ko diyan?" reklamo ni Khalil.

"Wala...Lumayas ka nga dito at panira ka ng moment..." sabi ni Daniel.

"Moment?" tanong ni Kathryn.

"Moment is a very short interval of time, a particular instant in time..."

"Shut up Dj!"

"Shut up Kath at bumili ka nalang ng orange."

"Oo na...Oo na...my dearest asshole!"

"Thanks, my dearest monster!"

"Yeah! See you asshole!"

"Have a safe trip monster!"

Umalis na si Kathryn. Si Khalil naman ay hindi umalis. Umupo siya sa tabi ni Daniel.

"Really? Kailan pa naging endearment ang asshole at monster? Kakaiba rin kayo eh noh? Magmomoment lang, sa harap ko pa..." sabi ni Khalil.

"Eh bakit anak ka ba ng president para ma-exempt ka sa ka-sweetan namin?" tanong ni Daniel.

"Tse! Bakit mo ba pinabili ng orange si Kath?" ani ni Khalil. Kinuha niya ang tubig niya sa bag at nagsimulang uminom ng tubig.

"Para sa confession ko sa kanya mamaya," tugon ni Daniel.

Nailuwa ni Khalil ang iniinom na tubig.

"Gago ka Dj. Si Kath pa talaga ang pinabili mo ng mga props na kailangan mo para sa pag-coconfess sa kanya. Tanga lang?"

"Hindi matalino...Wag ka nga Khalil. Tinatamad kasi ako eh..." sabi ni Daniel. "Umalis ka na nga. Panira ka talaga kahit na kailan."

Nang dumating si Kathryn, kinuha niya ang orange na binili nito. Nilagay sa table nila, at nag-form ng "I love you" gamit iyon. Nagkita sila gamit ang orange at ngayon napasagot ni Daniel si Kathryn gamit ang orange. Bakit orange? Wala lang.




First Holding Hands

"Paano makipag-holding hands?" tanong ni Daniel kay Julia, ang bestfriend ng girlfriend niya.

Tinaasan ni Julia ng kilay si Daniel. "Tinatanong mo talaga kung paano mag-holding hands?!"

"Ay hindi! Paano mag-holding feet! Yun tinatanong ko! Paano mag-holding feet Julia?" sagot ni Daniel na tila naiinis.

"Eeeehhh...Kasi naman nakakainis ka. Tanungin ba daw ako ng ganyang bagay eh wala pa ngang nangliligaw sa akin na matino eh!" yamot ni Julia.

"Hanap kita bukas na bukas, agad-agad...Basta turuan mo lang ako ng technique na mahahawakan ko kamay ni Kath at hindi siya maiilang sa akin..." sabi ni Daniel na seryoso ang mukha.

"Ano..." nag-lean si Julia at bumulong sa tenga ni Daniel. Tumango-tango lang si Daniel.

Nang hapon na iyon, lumapit si Daniel kay Kathryn. "Psssst! Monster!"

"Ui! Asshole! Napaaga ata ang uwi mo. Di ba may pasok ka pa?" tanong ni Kathryn.

"Cancelled daw eh..." sagot naman ni Daniel. "May pasalubong pala ako sa'yo..."

Pinakita ni Daniel ang isang supot ng orange sa kanyang girlfriend.

"Yey! Orange!" sigaw ng dalaga. Kinuha niya agad ang supot na dala ng kanyang boyfriend. Hindi niya namalayan na may humawak sa balikat niya tapos, nag-slide ito papunta sa siko niya at hanggang sa kamay niya. Hindi niya namalayan na naghoholding-hands na pala sila.

"Thanks asshole! I really love it!"

"Anytime monster!"

Bulong ni Julia: I-distract mo gamit ang orange tapos i-holding hands mo.

Orange nanaman?! Anyway, Daniel got his girlfriend's hands, Julia got his man. End of the deal.




First Date

Simple lang ang una nilang date.

Nasa may sulok sila ng library, kumakain ng oranges na paborito ni Kathryn habang nagbabasa si Kathryn ng Nancy Drew at si Daniel ng Hardy Boys.

Hindi nila alam kung bakit nauwi sa ganito ang date nila.





First Hug

"Pare...Tara punta na tayo kina Kath..." pagmamakaawa ni Diego sa kaibigan.

"Teka nga pare...Baka naman si Kath ang pinopormahan mo at hindi si Julia hah! Uupakan talaga kita," reklamo ni Daniel.

"Pare...Easy...Nandun nga kasi si Julia kina Kath. Gusto ko ng makita ang matalik na kaibigan ng mahal mong girlfriend, masama ba yun?!"

"Ahhh...Okey! Tara na nga. Medyo nagkukulimlim na rin eh..."

Pumunta sina Daniel at Diego kina Kathryn. Naabutan niya ang mga ito na nagtatawanan sa sala. Maya-maya naman biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan.

"Tara Kath, maligo tayo sa ulan!" yaya ni Julia.

"Oi...Oi...Julia...Tigilan mo si Kath! Baka magkasakit yan, mananagot ka sa akin!"

"Che! KJ!"

Dahil sa kapilyuhan ni Julia at sa kagustuhan niyang maligo sa ulan, kinuha niya ang mga orange ni Kathryn mula sa table at tinakbo palabas ng bahay.

"Orange ko!" sigaw ni Kath at patakbong lumabas rin ng bahay.

Nanlaki ang mga mata ni Daniel at agad na sumunod sa dalawa. "Kath!"

"Aba'y tigas talaga ng ulo!" hiyaw ni Daniel. Hinabol niya si Kathryn at niyakap patalikod. "Pag ikaw nagkasakit, hindi nanaman kita makakasama sa university...Malulungkot nanaman ako. Dahil sa orange, magkakasakit ka."

"Asus! Drama king na si Asshole ko!"




First Kiss

Nakaupo si Daniel at Kathryn sa isang bench, magka-holding hands. Nilalaro ni Daniel ang mga kamay ni Kathryn.

"Monster ko...Hinahanap ka nanaman ni Mama sa bahay. Naririndi na ko sa araw-araw niyang pagpapaalala na isama ulit kita sa bahay," sabi ni Daniel kay monster niya – este kay Kathryn.

"Sige asshole ko. Punta ako sa inyo mamaya. Tutal miss ko na rin si Tita Karls eh," tugon naman ni Kathryn sa asshole niya – ay kay Daniel pala.

After ng klase sa kanya-kanyang kurso, pumunta na ang dalawa sa bahay nina Daniel. Agad namang abot-langit ang ngiti ni Tita Karla sa pagbisita ni Kathryn. Kasama ni Tita Karla ang isang babae na hindi pamilyar kay Kathryn.

"Ito na ba ang anak mo?" tanong ng babae kay Tita Karla.

Pumunta si Tita Karla kina Daniel, tinulak si Daniel sa sofa tapos sinabing, "Iyong lalaki, kapit-bahay namin, itong babae ang anak ko."

"Ma! Nakakahiya sa bisita! Wag ka nga!" sigaw ni Daniel. Tumayo si Daniel, ngumiti sa babaeng kasama ni Tita Karla. "Ako po pala si Daniel...ang tunay na anak ni Mama. Ang kasama ko po ang future na anak dahil papakasalan ko pa po iyan."

Mukha namang kinilig ang babae at tumayo pa talaga ito. Lumapit siya kina Daniel at Kathryn.

"Ang cute-cute niyo naman iho!" sigaw ng babae at pabirong itinulak si Daniel.

Dahil hindi prepared ang binata, nahulog nanaman siya sa sofa.

"Bakit ba lagi akong tinutulak ng mga tao dito?" reklamo niya.

Ikaw rin iha! Ang cute mo!" hinampas din ng babae si Kathryn, dahilan para mahulog din ito. Mahulog sa sofa kung nasaan si Daniel. Automatic namang hinawakan ni Daniel ang mga bewang ni Kathryn para sana saluhin, kaya lang ang mga labi ni Kathryn ang nasalo ng mga labi niya.

Parehas ding nagulat sa pangyayaring iyon ang magkasintahan.

Minsan, masaya palang mahulog kung may sasalo sa'yo. Sa una nilang halik, kapansin-pansin na absent ang orange. Bakit kaya?





First Heartache

Sa pagtatapos nina Daniel at Kathryn sa university, si Kathryn bilang architect at si Daniel bilang engineer, eh lalo namang naging popular si Daniel sa mga babae. Minsan nagiging agresibo rin ang mga fangirls niya, dahilan kung bakit abot langit ang sumpong ni Kathryn minsan.

Ito rin pala ang dahilan ng una nilang pag-aaway.

Isang hapon kasi, sa locker room, habang sinasamahan niyang kumuha si Daniel ng mga libro nito sa kanyang susunod na klase eh may nag-iwan ng orange na bra sa loob ng locker nito. Tapos may nakalagay pang sticky note na, Thanks for last night. I really had a great time, surrendering my V card to you. You're so hawt.

Katakot-takot na sampal ang inabot ni Daniel galing kay Kathryn. Hindi man lang siya hinayaang magpaliwanag. Ni hindi nga niya alam ang ibig sabihin ng V card eh. Laruan ba yun? Notes? Volunteer card?

"Ewan ko sa'yo Padilla! Nakakainis ka! May girlfriend ka na lahat-lahat, nagpapalandi ka pa kasi! Paano kung nabuntis mo yun? Paano kung maging Daniel: Ang Batang Ama ka! Bwiset ka! Bwiset! Bwiset! Bwiset!" sigaw ni Kathryn.

Kasalanan ito lahat ng orange na bra.




First Make-up

Ilang araw ring hindi nag-usap ang dalawa.

Tigang na si Daniel.

Tigang sa pagmamahal ni Kathryn.

Wushu! Kayo hah, iba iniisip niyo, noh?

Kaya isang araw, pinuntahan niya si Kathryn at sinabing, "Can we just kiss and pretend this never happened?"

"Wow hah! Tigas mo! Bahala ka sa buhay mo! Ni hindi mo nga ako mahal!"

"Paano mo naman nasabi yan?"

"You cheated on me, asshole. Once an asshole, always an asshole!"

"Hindi nga ako nag-cheat sa'yo eh. Pakana lang yun ng mga fangirls ko. Pagpasensyahan mo na ang boyfriend mo na sobrang gwapo. At sasabihin ko lang sa'yo noh, magkasama kaya tayo buong gabi nung sinasabi niyang gabi na magkasama raw kami. Wag mo sabihing nakalimutan mo? Kasama natin mommy mo nun!"

"Ay – oo nga noh!?"

"Tingnan mo ito? Sabi ng, kahit gwapo ako...ikaw lang ang babae sa buhay ko."

"Hindi mo nga ako sinasabihan ng I love you eh."

"Sinabihan kita...dalawang beses na."

"Salamat at nabibilang lang sa mga daliri mo ang mga times na sinasabihan mo ko ng I love you. Salamat hah. Na-touched ako."

"I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. Oh ano? Masaya ka na? 7 times na akong nag-I love you sa'yo. Kiss mo na nga ako. Please? Kumain pa ko ng orange bubblegum para ma-enganyo kang i-kiss ako."

Dahil sa orange bubblegum naganap ang make-up kiss nila. Salamat ng marami, orange!





First Engagement

Tatlong taon na ang lumipas after ng graduation nila sa college at limang taon na rin ang kanilang relasyon. Going strong pa rin sila kahit lagi silang nag-aaway, nagkakabati at kung anu-ano pa.

"Monster ko! Dala ko na ang DVD ng titanic na gusto mong panuorin..." sabi ni Daniel habang inabot kay Kathryn ang DVD. "Isalang mo na at gagawa lang ako ng popcorn."

Parehas silang walang pasok at bumisita si Daniel sa bahay ni Kathryn para manuod ng Titanic. Pumunta si Daniel sa kitchen at naiwan si Kathryn sa sala. Binuksan ni Kathryn ang DVD at nahulog ang isang papel na may nakasulat na "Will you marry me?" in orange pen.

"Daniel!" hiyaw ni Kathryn.

Agad namang sumungaw si Daniel, dala ang isang orange na box at may singsing sa loob nito. "Will you marry me?" ulit ni Daniel.

Napaiyak si Kathryn at tumango sa lalaking pinakamamahal niya.





First and definitely the Last Wedding

Nagkakilala sila sa isang orange, na-engaged sila dahil sa isang orange...At ngayon ikakasal sina Asshole at Monster with an orange theme.

Oo, kakaiba silang dalawa, pero parehas silang nagmamahal.

At alam nilang aabot sila ng forever.

It started with an orange, and it ends with love.


'Till death do us part...




Dahil din sa orange kaya ko sinulat ang one-shot na ito. :)))

Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.4M 56.8K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...