When The Sun Kisses The Moon

By HesaMendes

544 222 181

"Gusto ko pa ring magmagkaawa na tanggapin mo muli ako. Kasi ikaw parin ang mahal ko". Iyon ang pakiusap ni N... More

When The Sun Kisses The Moon
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 14
Chapter 15

CHAPTER 13

11 3 0
By HesaMendes

"TITO Neilson! Wake up, wake uppppp!"

Napaungol si Neil dahil sa siko na tumama sa sikmura. O tuhod siguro iyon? Pilit niyang idinilat ang mga mata.

Si Kyron ang nakita ni Neil na tumatalon sa ibabaw ng kama. "Morning," bati niya. "Bakit ang aga mo nagising?"

"Tito, hindi na po umaga. Eight o'clock na. Daddy said it's already late."

Napangiti siya. Usually, maaga talaga siyang nagigising. Pero halos madaling-araw na siyang nakatuloog. Kung ano-ano kasi ang napapanaginipan niya.

"Gising na ba ang mommy at daddy mo?"

"Si Daddy lang po. Mommy isn't feeling well. May sakit po ba si Mommy, Tito?"

Tuluyan nang nawala ang antok ni Neil dahil sa lungkot sa boses ni Kyron. Bumangon na siya at giulo ang buhok ng bata. "Wala naman. Baka gusto lang talaga niyang magpahinga. Gising na ba si Jairus?"

"Yes. He's in the kitchen na po. Halika na po, Tito. Sumabay ka na sa amin sa breakfast."

Binuhat ni Neil si Kyron habang pababa ng hagdan. "Nagluto na ba si Daddy mo ng breakfast?"

"No. Nag-coffee lang si Daddy. Si Tita Celia ang nag-cook. She's in the kitchen. Kasama ni Jairus."

Napatigil siya sa paglalakad. Hindi sila nagkita ni Celia kahapon. Alam niyang magkikita sila dahil issang lingo siya sa Bagitan. Pero kahit ganoon, hindi pa rin niya makontrol ang nararamdaman. Kinakabahan siya.

Limang taon. Limang taon silang hindi nagkita at nagkausap ng dating asawa. Pero may tatlong pagkakataon na nakita niya ito sa nakalipas na mga taon. Sa lahat ng pagkakataon na iyon ay tumingin lang siya kay Celia. Wala siyang lakas ng loob na lapitan ito at kausapin.

Ibang usapan na ngayon dahil talagang magkakaharap sila.

"Tito, gutom na po ako," sabi ni Kyron.

Dahil doon ay natauhan si Neil. Nag-sorry siya sa pamangkin bago ipinagpatulloy ang pagbaba ng hagdan.

Papasok na sila sa kusina nang matigian uli dahil sa tanawing bumungad sa kanya.

Nakaupo si Jairus habang si Celia naman ay nakatayo sa tabi nito. Tumatawa ang dalawa. May hawak na tinidor si Celia habang sa harap naman ni Jairus ay may pancake na may strawberry jam.

Kahit kalian, hindi niya nakalimutan ang pagtawa ni Celia. Ang kislap ng mga mata nito at ang taginting ng halakhak. May mga pagkakataong sumasagi iyon sa isip niya. Pero iba pa rin pala kapag nakita at narinig uli niya.

Kung kaya lang ipi-freeze niya ang sandalling iyon. Gusto pa kasi niyang titigan si Celia. Gusto pa niyang marinig ang pagtawa nito. Pero imposible iyon. Ang tanging magagawa lang niya ay tumingin hanggang may oras pa siya.

Halos walang ipinagbago ang babae. Ang masasabi lang niya, lalo pa itong gumanda. Maturity suited her really well.

"Tita Celia!" tawag ni Kyron na nagpumilit na makababa mula sa mga bisig niya at tumakbo papalapit sa tiyahin.

Parang tumigil ang mundo ni Neil nang tumingin si Celia at magtama ang mga mata nila. Samut-saring emosyon ang dumagsa kay Neil—gulat, kaba, tuwa... lungkot.

Parang nilipad ng hangin ang saya sa mukha ng babae. Naglaho ang ngiti nito at biglang sumeryoso. Pero hindi maikakaila ang pag-aalala at discomfort na sumilip sa mga mat anito.

Ngayon ay nangingibabaw na ang galit sa puso ni Neil. Galit para sa sarili. He was making her unconfortable by just his mere presence. Oh, what he would not give just to spare her of this agony.

May masakit na pakiramdam na pilit gustong mangibabaw sa kanya pero pilit niyang pinipigilan. Hindi puwedeng sarili niya ang isipin ngayon. He had done enough of that before. Kaya sila nasira ay dahil sa kanya. Dahil sa pagiging makasarili.

"TITA Celia, gusto ko rin po ng pancake," ungot ni Kyron na hinila ang kamay niya.

Nag-iwas ng tingin si Celia kay Neilson at tumingin kay Kyron. Ngumiti siya sa pamangkin. "Yes, baby. Gusto mo rin ng strawberry syrup?"

"No, Tita. Gusto ko po, maple syrup."

"Okay." Alam ni Celia na hindi pa rin umaalis si Neilson sa kinatatayuan nito sa pinto ng kusina.

Papapasukin ba niya ang lalaki at pauupuin? Hindi na niya kailangang sabihan si Neilson dahil hindi naman ito bisita. Kapamilya ito ni Lenny.

"Toto Nison, why you stan... stand there?" tanong ni Jairus. "No hungry?"

"No, no baby. I'm hungry." Ngumiti si Neilson kay Jairus.

Pumasok nan ang tuluyan ang lalaki sa kusina at naghila ng upuan sa tabi ni Jairus.

Walang choice si Celia. Magkaharap sila ni Neilson. Alangang lumipat siya ng upuan? Hindi niya gagawin iyon.

"Tito Neilson, kilala mo ba si Tita Celia? Ngayon lang kayo kita, right?" Si Kyron ang nagtanong na iyon.

Nagkatinginan sina Neilson at Celia. Ni hindi pa naipapanganak ang panganay na si Kyron nang maghiwalay sila. Hindi bumibisita si Neilson sa Bagitan mula noon. Walang chance na magkita-kita silang lahat. At masyado pang bata sina Kyron at Jairus para paliwanagan sa kung ano ang nangyari sa nakaraan.

"Hi, Neilson," kunwari ay bati niya.

Ilang beses na kumurap ang lalaki na parang may maling narinig. Nakatitig lang ito sa kanyang mukha. Dahil doon, parang gusto nang mag-init ng ulo niya.

Why are you looking at me like that? Na parang mababasa ng lalaki ang iniisip niya. Parang gusto tuloy niyang tusukin ang mga mata nito.

Pero mayamaya ay mukhang natauhan si Neilson dahil sumagot na ito. "Hi, Celia."

Tumango lang siya bago nag-iwas ng tingin. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa dalawang pamangkin na abala sa pagkain. Lalo na kay Jairus dahil medyo makalat pa itong kumain.

Pero parang may mga nagtatalo-talong boses sa kanyang l oob. Parang sumasama ang pakiramdam niya. Iyon ang unang pag-uusap nil ani Neilson mula nang huli silang magkita noon.

"More pancakes, Jairus?"

Tumango si Jairus. Pero ang sumunod na sinabi ng bata ay parang nakapagparalisa kay Celia. "Tita, troo ba... baby is gone? She's no in Mommy's tummy? Troo?"

Hindi niya malaman kung paano sasagutin iyon. Napatingin siya kay Neilson. Kahit ito ay halatang nagulat din sa sinabi ni Jairus.

"Jairus..." sabi ni Celia.

"Jairus!" pabulong lang ang boses na singit ni Kyron pero mariin. "Hindi mo dapat sasabihin. It's our secret."

Kahit na pabulong ang pagkakasabi ni Kyron, malinaw pa rin iyon na narinig ni Celia. Nanliliit at nanlulumo ang pakiramdam niya. Ni wala siyang magawa para sa mga pamangkin. Masyado pang bata ang mga ito para maranasan ang ganoon.

"Jairus, Kyron..." Lumunok siya habang tinitingnan sa mga mata ang mga bata. May lungkot sa mga mata ng mga ito na lalo pang dumagdag sa kanyang nararamdaman. "May mga bagay kasi na kailangan talagang mangyari. Our little baby needed to go somewhere."

"Where?" tanong ni Kyron.

"Where?" Gumaya si Jairus.

"Sa heaven. The heaven needs more angel kasi," halos mabasag na ang boses niya. Masakit na masakit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil ng iyal.

"Baby is angel?" tanong ni Jairus.

"Y-yes..." Tuluyan nang nag-crack ang boses ni Celia. Kinuha niya si Jairus sa upuan nito at kinandong. Hinalikan niya ang noo nito. "Baby is an angel."

May masakit na pakiramdam na bumabalik sa kanya. Baby. Angel. Gone.

Parang lalo pang dinurog sa maliit na piraso ang nabasag na puso ni Celia. Nang tingnan niya si Neilson, hinihimas nito ang buhok ni Kyron. Nakatingin na ito sa kanya. At alam niyang alam ni Neilson kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

Huminga nang malalim si Celia at pilit na kinalma ang sarili. Hindi dapat mangibabaw ang nararamdaman niya ngayon. Mas importante ang mga pamangkin niya. Naaapektuhan na ang mga ito dahil sa nangyayari kina Lenny at Kuya Austen. Isinusubsob ng kapatid niya ang sarili sa pagtatrabaho dahil wala itong magawa para mapalabas ng kuwarto si Lenny.

Wala rin siyang magawa. Hindi niya alam kung may magagawa ba si Neilson.

"Sad si Mommy," malungkot na sabi ni Kyron.

"Nagpapahinga lang si Mommy mo," sagot ni Neilson sa pamangkin. "But don't worry, she'll be okay. Kaya 'wag na kayong malingkot ni Jairus, ha?"

Ipinagpatuloy ni Celia ang pagkain kahit na mabigat na ang pakiramdam nilang lahat.

"Mamasyal tayo sa labas? Punta tayo sa Baguio, gusto n'yo ba?" tanong ni Neilson nang matatapos na sila.

Kahit paano, nagliwanag ang mukha nina Kyron at Jairus. Tumango ang mga ito. Tumingin si Neilson kay Celia na parang humihingi ng permiso na isama nito ang mga bata.

"Isama natin si Tita Celia," biglang sabi ni Kyron. "Please, Tito Neilson, please."

Napatingin uli si Neilson sa kanya. Puno ng pag-aalangan ang mga mata nito.

"Please, Tita Selya," biglang sabi ni Jairus. "Please..."

Hindi kayang tumanggi ni Celia sa mga pamangkin. Lalo pa at nalulungkot ang mga ito. Kailangan talaga ng dalawang bat ana makalabas at malibang sa ibang lugar kahit paano.

"Okay..."

Tumingin siya kay Neilson. Agad na sumilay ang relief sa mga mat anito.

This is not about you, Celia. This is for the kids.

BAGO maghanda para sap ag-alis nila, kinatok uli ni Neil ang Ate Lenny niya sa kuwarto. Pero hindi pa rin ito sumagot. Si Austen naman daw ay maagang umalis dahil may inaasikaso.

Kaya sila talaga muna ni Celia ang bahala sa mga bata.

Gusto niyang umakto nang natural lang. Pero hindi niya magawa. Pinapangunahan siya ng kaba at pag-aalala. Halos ganoon ang pakiramdam niya noong una silang magkakilala ni Celia. Mas Malala nga lang ngayon dahil sa mga bagay na pinagdaanan nila sa nakaraan.

Paglabas ng bahay, nakita niyang nasa sasakyan na si Celia at ang mga bata. Hummer ang sasakyan. Kung normal na pagkakataon, baka napasipol na siya. Kahit hindi nagda-drive at walang kotse, nakaka-appreciate naman siya ng magagandang sasakyan.

Lumapit siya kay Celia. Ipagbubukas sana niya ito ng pinto sa driver's sear pero naunahan siya nito.

"Sumaka ka na, Neilson. Bilisan mo para maaga rin tayong makabalik," sinabi nito iyon nang hindi tummitingin sa kanya.

Her eyes were still expensive. Kaya kahit hindi nakatingin, alam niya ang nararamdaman nito. Ni ayaw siyang tingnan ng babae.

Mayamaya ay lumigid na siya sa backseat kungsaa siya uupo. Katabi niya si Jairus.

Sa tabi naman ni Celia si Kyron. Parehong nakakabit na ang seat belt ng mga bata.

"Saan n'yo gustong pumunta?" masiglang tanong ni Celia sa mga bata.

"I want to see horses, Tita," sabi ni Kyron.

"Boaaas! Les wide boaws!" Si Jairus naman iyon.

"Horse," giit ni Kyron. "Boats are boring. Let's see some horse, please."

"Boaaas! Boaaas!" giit rin ni Jairus.

"Okay enough," singit ni Neilson. "Puntahan natin pareho. Okay ba 'yon?"

"Yes po," sabay na sagot ng dalawang bata.

Sa rearview mirror ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Celia.

Words. There were lots of words to describe what her eyes were saying. But he could not come up with one.

Nalulunod lang si Neilson sa mga mata ni Celia. Gaya ng dati. Hindi na yata magbabago ang epekto ng mga mata nito sa kanya.

This was going to be a long day.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Sorry at ngayon lang ho uli ako nakapag UD. Busy this fast days.

So, this time, dalawa na ang i-pa-pub ko. Chap 13 and chap 14. So enjoy reading.

Also kindly leave a comment/feedback about this chapter. Thank you! See yah!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...