Amber's Fire: The Cursed Charm

By TheoMamites

203K 6.1K 677

This story is inspired by Charm Academy: School of Magic ni April Avery. This is another continuation of the... More

Prologue
Chapter 1: Amber Weigmann
Chapter 2: Unang Araw sa Charm Academy
Chapter 3: Friendly Match
Chapter 4: The Dark Fire
Chapter 5: Dark and Light
Chapter 6: Augury (The Dark Society)
Chapter 7: Restrained
Chapter 8: The Search for Walter Hugo Eridanus
Chapter 9: Cremul Forest (Outcast Land)
Chapter 10: Jannes and Morgan
Chapter 11: Jannes and Morgan Part 2
Chapter 12: The Dark Wizard Hugo
Chapter 13: White Magic vs. Dark Sorcery
Story ANNOUNCEMENT!
Disclaimer ALERT!
Chapter 14: Lihim ng Pagkatao
Chapter 15: Dark Field on Campus
Chapter 16: The Caster's Identity
Chapter 17: Acacia of Agaria
Chapter 18: Clash!
Chapter 20: Ariela and Amber [Final Chapter]
Epilogue
Author's Note
Announcement

Chapter 19: Weaken (Charm Eater)

4.8K 159 8
By TheoMamites

All Rights Reserved ® Kwentongsulaypinoy Stories 2015

.

Hello sa lahat! It's been what? Two months since my last update. Medyo natagalan ng kaunti kasi pinag-iisipan ko pang mabuti ang ending nito.

Alam kong na-miss nyo tong story na ito. At nalalapit na ang pinaka aabangang pagtatapos! Oo mga two chappy na lang po at matatapos na ito.

Meron na ba kayong clue on how things will end up?.....

Hehehe...... Magpapasalamat narin ako sa lahat ng tumangkilik sa story na ito at sa iba ko pang mga akda. Lagi pong napapasali sa Top 30 Hot stories ang ilan sa mga gawa ko. Namely sa Adventure at Science Fiction categories po. And it won't be posible kung wala ang support ninyo.

Kaya naman po ay inspired akong magsulat dahil dun at sa mga nababasa kong positive reviews about my stories. Not just here in wattpad, pati narin sa iba pang websites po. THANK YOU VERY MUCH!

Hidi ko na pahahabain to ok..

Back to story....

.

"Snow's POV"

Nagpapalitan kami ng kapangyarihan ni Acacia. Mabilis at malakas talaga ang taglay nitong charm. Pero ganon din naman ang nararamdaman ko sa aking sarili. I feel somehow different now. Kasama ko si Collin na humaharap sa kanya at sa isang pagsalakay ni Collin ay nakakita ako ng pagkakataong matamaan si Acacia.

Nang tamaan ito ng gintong liwanag ay agad itong sumabog. Pero alam naman naming hindi sya ganong kadaling mapatay. Ang kaninang si Maria na lumaban sa earth dragon ay wala na. Natalo nito ang kaaway kaya nagpatuloy itong sumunod sa kinaroroonan nila Ariela.

"Wala ka nang matatakbuhan Acacia." sigaw ni sir Hugo dahil balot na ng nyebe ang buong gubat. Lumalamig na ang paligid namin at pansin kong humihina ang kapangyarihan ng enchantress.

"Devine Circle!" nagcast ako uli ng isang spell. Pinaikot ko ito sa paligid namin ni Collin at ng mga kasama kong casters.

"Hindi maaari! Iisa lang ang kilala kong nakakagawa nyan!" sabi ni Acacia.

"Si Aesh, hindi ba?" sagot ko.

"Sorry to disappoint you, I'm one of her descendant." dagdag ko pa.

Itinaas ko ang hawak kong wand at itinutok sa kalangitan. Buong lakas akong nagconcentrate.

"Blinding Light!" sumigaw ako ng buong lakas.

Magmula sa himpapawid ay may lumabas na nakakasilaw na sinag at direkta itong tumama sa kinaroroonan ng tatlong Acacia.

"Ahhh!.... Hindi ito pwede!" nagsusumigaw sya.

"What happened?" nagtanong si Collin. Pansin kong hingal na hingal ito at may mga iilang sugat sa braso at binti.

"Pinutol ko ang kanyang ugnayan sa kagubatang ito. Pero may isa pang Acacia na malayang nakakagalaw. Ang tunay niyang katawan Collin." sagot ko.

Natigil narin ang paglabas ng mga kakaibang nilalang sa paligid at muling naging payapa. Sugatan na sila Miss Serena, sir Chase at sir Hugo pati narin si Senior Sebastian at ang ibang mga charmers. At maaaring may mga nasawi pa yata.

"Magaling Snow!" pilit na ngumiti si Sir Hugo kahit na nahihirapan itong igalaw ang kaliwang braso dahil sa may malaking hiwa dito na patuloy na nagdurugo.

"Hugo, Chase halina kayo dito at gagamutin na iyang mga sugat nyo." nagsalita si Miss Serena.

Pumunta ang mga ito sa isang malawak na damuhan na di malayo sa amin kasama ng mga iilang mga healers na pinatawag ng principal.

Lumapit ako kay Collin at hinila ito sa braso.

"Oh, bakit?" nagtatakang tanong nya.

"Ang sugat mo. Titignan ko lang.." sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Wala lang ito, mas malala pa dito ang inabot ko noon sa Augury." nakangiti niyang sagot as if parang wala siyang nararamdamang sakit.

"Ah ganon?" at sinadya kong hawakan ang parte ng braso nito na may sugat.

Napangiwi sya sa ginawa ko.

"Aray naman!" medyo napalakas niyang sabi.

"OA mo rin noh! So ito pala ang wala lang sayo?" ngiti lang ang ginanti niya sa sinabi ko.

Hayun at hinayaan na lang niya akong tignan ang mga sugat niya. Habang ginagamot ko ang pinsala ni Collin ay hindi ko mapigilang isipin kung ano na ang nangyayari kina Ariela. Sana ay maayos lang din sila.

***********-************

"Maria's POV"

Natahimik bigla ang kapaligiran mga ilang minuto mula nung lisanin ko ang kinaroroonan nila Snow at Collin. Sana naman walang spiders dito! Iniwan kasi ako ng Leon na yun! Now I have to run alone in this creepy forest of Agaria. At si Vince, walanghiyang yun iniwan din ako. Ewan ko talaga dun sa boyfriend ko.

"Rising Tides!" I used my charm para sumakay na lang sa rumaragasang alon para mas mapabilis ang aking pag-usad.

I'm not very good at running, in short lampa ako pag may time at laging nadadapa... Kailangan kong makarating na agad sa kinaroroonan nila Ariela para tumulong.

Feeling ko ay malapit na ako dahil dinig ko na ang mga pagsabog at mga pagkulog at kidlat. Hang on there guys!

******------********----------*******

Nadatnan kong naglalaban ang charm ni Ariela at Amber. This time ay lumabas narin ang totoong charm ni Amber. Ang maalamat na charm eater ability. Gumawa ako ng paraan upang pigilan siya. Tinuon ko ang aking dalang alon sa kinaroroonan ni Amber at mabilis na tumalon kina Ariela.

It hit Amber and Marco, dahilan para matigil sila sa ginagawa.

"Ayos lang ba kayo ha?" tanong ko sa kanila.

"Oo, tama lang ang dating mo Maria." si Leon ang sumagot.

Binaba ni Ariela ang barrier na gawa niya. Di man niya sinasabi ay nahahalata ko na iniinda niya ang sakit na dulot nang biglaan niyang pagamit ng malakas na charm. Nasa recovery state parin siya dulot noong mga nangyari sa Augury anim na buwan nang nakararaan.

Napwersa ang Charm niya, at hindi iyon maganda sa lagay niya ngayon. Kaya ako ay naririto upang alalayan siya. Tanging ang elemento ko lang ang may kakayanang gawing stable ang flow ng charm niya. At sa kung anumang dahilan ay di ko alam. Nahihiwagaan parin ako sa taglay kong charm.

***********-*-*------*********

"Ariela's POV"

Dumating si Maria at sandaling napigil nito si Amber. Medyo sumasama na ang pakiramdam ko dahil sa gumamit ako ng madaming charm energy. Pinagbilin pa naman sa akin ng mga seniors na hindi muna bibiglain ang aking sarili sa pagamit ng charm. Sumasakit na ang mga kamay ko.

Bigla ay lumapit sa aking tabi si Maria at hinawakan ako sa aking balikat. Umilaw ng bughaw ang mga palad niya habang ginagawa yun.

I felt strange because all of the pain were gone. Parang hinigop lang ito ng kanyang palad. Kakaiba talaga itong aming healer na si Maria. Hindi kami masyadong nagkikita sa kadahilanang hiwalay siyang nagt-train sa amin.

"Ayan okay ka na..." nakangiti nitong sabi.

"Maging alisto kayo!" bigla ay narinig ko si Jett.

Nakita naming muling nakatayo si Amber at Marco. Black flame then started to burn again at maging si Marco ay lumayo kay Amber. Nanlilisik na ang mga mata nito, it's like she's totally out of her mind. Wala na siyang kontrol sa mga nangyayari.

"Amber tigilan mo yan!" sumigaw na si Marco.

Pero parang walang naririnig si Amber at nagpatuloy lang. Then decay started spreading again and this time ay mas matindi na ito. Ang ilan sa mga puno ay naging abo. Maging ang sigil mark ay naglaho nang tamaan ng nagwawalang charm ni Amber.

Lmayo kami hangang sa aming nakaya para hindi maabot ng charm eater ability. Maging si Marco ay napalapit sa amin sa nangyari.

"Hoy! Pigilan mo nga yang girlfriend mo." kunot noong sabi ni Jett.

"Hindi ko kaya, nagwawala na ang charm niya. Hindi na kinaya ng mga restraining rings na suot niya." bakas ko sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

Out of nowhere ay may nagsalita, isang matandang babae na may hawak na scepter.

"Ang sinumpang charm! Kung ganon ay taglay ito ng babaeng iyan. Hahahahaha....." humalakhak ito ng malakas.

"Mamamatay siya. Kakainin siya ng mismong charm na kanyang taglay!"

Sinalakay siya ni Marco gamit ang fire element charm. "Sinungaling ka!" sigaw niya.

"Wala na kayong magagawa. Iyan ang kapalaran ng sinumang nagtataglay ng charm eater."

"Sisirain niya ang buong gubat. Hindi ba ikaw at ang gubat ay iisa?" tanong ni Maria.

"Mauuna muna siyang mawalan ng buhay bago ang gubat!" after that at mabilis niyang tinungo ang nagwawalang si Amber.

"Hinde!" aktong haharangan sana ni Marco si Acacia pero napatalsik siya nito sa isang matandang puno gamit ng makapangyarihan nitong baston.

Nabagok ang ulo nito at tuluyang marahas na bumagsak sa lupa.

Susunod pa sana sila Jett, Freya at Leon kay Acacia pero pinigil ko sila.

"Mapapahamak lang kayo!"

Tinignan ko sila isa-isa sa mga mata. "Ako ang papasok sa loob ng harang."

"Ano? Davis, I won't let you do that!" galit akong pinagmasdan ni Jett.

"I have to do this Jett. Ako lang ang makakapasok ng hindi mapapahamak sa charm niya." giit ko.

"Bullsh*t Ariela, that's insane!" bulalas nito. "Makinig ka naman sa akin please!"

"No Jett, ikaw ang makinig! Hindi lang ang buhay ni Amber ang nakasalalay dito, pati narin ninyong lahat! Naiintindihan mo ba?!" hindi ko na napigilang mapaluha. "Sa tingin mo ba hindi ako natatakot Jett?" mariin ko siyang tinitigan sa mga mata.

"Natatakot ako ng sobra. But it doesn't mean na tutunganga na lang ako dito at panonooring maglaho ang lahat. We are the ones that makes our destiny, and I'm making mine right now!" nakita naming tumalsik palabas ng harang na gawa ni Amber si Acacia. Malubha ito at mukhang natamaan ng charm eater.

"I have to go!" hindi na ako nagdalawang isip at pumasok sa harang.

"Wait,.." si Maria.

Nilingon ko siya. "Sasamahan kita." lumapit ito sa akin bago ko maitaas ang barrier ko.

"Matutulungan kita Ariela." sabi ni Maria na seryoso ang mukha. Agad na kaming pumasok sa loob. Walang nagawa si Jett kundi ang pagmasdan akong umalis.

We levitated at marahang umuusad papasok. And as expected ay hindi tinatablan ng charm ni Amber ang charm ko. Pahirapang makakita sa loob dahil sa dark flame na humaharang sa paningin namin.

Amber nasaan ka na?!

Hangang sa makarinig kami ng sigaw. Sumisigaw si Amber na parang namimilipit sa sobrang sakit...

aaahhhhhhh!.....

God nasaan ba sya?

Tiisin mo muna Amber, malapit na kami jan.....

.

End of Chapter......

Ayan two or three chapters na lang at matatapos na ito.

Kaunting tiis na lang mga Charmers!

Continue Reading

You'll Also Like

122K 4.3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
8.8K 439 38
Science and Technology is at their peak at our generation. Using this, we create innovations and different useful items or food. Cure for diseases...
748K 23.7K 60
Her name was Fiera Kim Cress. Inilipat siya ng kanyang ama sa Mystinious Academy dahil sa kadahilanan na hindi niya kayang kontrolin ang kanyang kapa...
1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION