Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

133K 3.2K 309

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 36

3K 63 10
By jhelly_star

Kabanata 36

I Don't Care

--

"I missed you!" sabay yakap sa akin ni Mich.

"I missed you too!" I said as I hug her back.

Nakabalik na ako sa Manila. Kararating lang namin ngayong araw at hindi ko alam na nasa bahay silang lahat, naghihintay sa amin. Ngumiti ako at niyakap ang iba ko pang pinsan.

"Hinayaan kami ni tita na pumasok," ngiti ni Johanna.

"Hi, tita! Tito!" bati ni Lorie kina Mommy at Daddy.

This is where Lorie studied this year and she has left the place where she studied last year. Ang alam ko gusto na ni lolo na bumalik siya kaya wala siyang nagawa kundi bumalik rito.

Kamustahan at kwentuhan ang nangyari ng ilang sandali bago nag yayang kumain si Lorie. Kanina pa daw sila naghihintay sa amin at gutom na siya. Nagpaluto pala sila sa mga kasambahay ng pagkain para sa lunch namin. At talagang hinintay nila kami para lang makasabay.

"Business rin ba ang kinuha mong course, Van?" Lorie asked me.

"Yup!" sagot ko.

"Mabuti at gusto rin ni Cassandra ang Business. Baka sa kanya ko ipamana ang kumpanya," Daddy said.

Nagulat ako roon.

"Kanino mo pa po ba iyon ipapamana? She's your only child," si Lorie.

"Isa sainyo kung hindi ganon ka-interesado ang anak ko. But because she's interested with it..." nagkibit ng balikat si Dad.

"I-I can build my own business?" sabi ko.

"Oh, you want to build your own business, anak?" nakangiting tanong ni Mommy.

"Wag na, Van. Marami tayong company, pwede tayong maghati hati kung nag aalala kang mawawalan kami," Johanna said and chuckled.

Hinampas siya ni Lorie sa braso at agad siyang napadaing sa sakit. "Wag mong pangunahan si Van!"

"That hurts!"

"Stop it!" saway ni Issa sa dalawa.

Humalakhak si Mich. Ngumiti ako sa kakulitan ng nga pinsan ko.

"Well... kung para talaga sa akin iyon, tatanggapin ko na po," sabi ko.

Ngumiti si Daddy at nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa kung ano ano. Nang natapos kumain ay nagpahinga sa kanilang kwarto si Mommy at Daddy habang tumambay kami sa pool side ng mga pinsan ko. May mga dala silang swimsuit dahil plano pala talaga nilang magswimming rito.

I just wore a crop top t-shirt and shorts. Hindi pa ako masyadong sanay sa swimsuit so...

"Ano ba yan, Van! Ba't ganyan ang suot mo?" iritadong tanong ni Johan.

"Tss. May masama ba sa suot ko?"

"That's too cheap! May isa pa akong swimsuit sa bag, gusto mo?"

"No thanks," sabi ko at naupo sa harap ng table kung nasaan ang juice at pagkain namin.

Inirapan ako ni Johanna at nagsimula na siyang lumusong sa tubig. Ngumisi ako at kumuha ng cheaps na nasa table.

I'm with Louissa and Michelle at the table while Johan and Lorie are already in the pool, nagkukulitan. Ilang sandali kaming tahimik habang pinapanood ang dalawa hanggang sa magtanong si Issa.

"You're gonna stay here for good?"

"Mmm, yeah. Nagbakasyon lang talaga si Mommy at Daddy dahil sobrang daming nangyari. Ngayon kailangan na si Daddy sa kumpanya kaya hindi na siya aalis."

"So dito ka na ulit mag aaral?" nakangiting tanong ni Mich.

"Yup!" I smiled.

"That's good! Sa wakas magiging kumpleto na rin tayo."

"And for sure ipapakilala ka na nila tito at tita sa public. You have to prepare for that," si Issa.

Oh, that... Kailangan pa ba no'n? Well... Mommy and Daddy really wanted to introduce me to the public. Ganon na rin si lolo. Gusto nilang malaman ng lahat na ako ang anak nila at hindi si Elizabeth. They won’t explain everything that happened to the public because they still want privacy in our lives. Ipapakilala lang nila ako at kaunti lang ang sasabihin kung bakit nagkaganon.

"Kamusta na kayo ni Brandon? Nag uusap pa rin ba kayo?" medyo nag aalangang tanong ni Mich.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. I didn't expect her to include Brandon in the conversation. She smiled apologetically at me.

"Sorry..." she said.

"No, it's okay..." ngumiti ako at nag iwas ng tingin. "Hindi na kami nag uusap. Wala na kaming komunikasyon sa isa't isa."

"Don't you really believe him?" tanong ni Issa.

Hindi ako sumagot. Alam nila kung ano ang sagot ko roon.

"Napunta ulit si Elizabeth sa DSWD pagkatapos mong sabihin kay lolo na nakatakas siya. Ngayon hindi na siya nakakatakas dahil dinoble na ang seguridad."

Mabuti naman kung ganon. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang galit ko para sa babaeng iyon. Sa tuwing naiisip ko ang picture nilang dalawa ni Brandon ay nanggagalaiti ako sa galit. Galit para sa kanya at mas lalong galit para kay Brandon.

"Paano kaya siya nakatakas noon?" wala sa sariling tanong ni Mich.

"Sa cctv nakitang natakasan niya ang nagbabantay na guard sa gate. Natakasan niya rin ang lahat ng nasa loob. Magaling siya sa ganon..." umiling si Louissa.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon. We loved her but she betrayed us..." malungkot na sinabi ni Mich.

"Tapos na iyon. Wag na nating pag usapan," si Issa.

Nag usap nalang kami tungkol sa ibang bagay. Kinamusta ko ang mga buhay nila rito. Si Louissa ay tinuturuan na daw sa kumpanya, ganon rin si Loreleil. Michelle has no interest in business. She loves to bake.

Nagpatuloy kami sa pag uusap hanggang sa niyaya na kami ng dalawa sa pool. Binaba namin ang mga kinakain at sumali na sa kanila.

Tumili sila nang sinalubong sila ni Issa ng pagsaboy ng tubig. Gumanti sila at tinulungan naman namin ni Mich si Issa. Pinagtulungan naming tatlo si Johan at Lorie.

Tawa kami nang tawa dahil walang laban sa amin ang dalawa. Umiral naman ang kaartehan ni Johan na kesyo napasukan daw ng tubig ang mga mata niya. Tumawa nalang kami.

It was monday when Johan forced me to go with them at school. I don’t know what I’m going to do there while they’re definitely going to be busy. I might just be left alone. But they said they would take me to the parking lot when it was time for their class para hindi ako mag isa.

"Sige na!" pilit ni Johan, hinihila pa ang braso ko.

She's here at home just to force me to go with her. It's early in the morning at bihis na siya para pumasok. Maagang umalis si Mommy at Daddy para sa kumpanya kaya wala sila rito ngayon. Tanging mga kasambahay lang namin ang tao at tsaka ako.

"Fine! Magbibihis lang ako," sabi ko sa sobrang kakulitan niya.

Ngumiti siya at doon lang ako pinakawalan. Inirapan ko siya pero ngumisi rin sa huli. Sa lahat ng pinsan ko siya ang pinaka makulit. Pero siya rin ang pinaka maarte. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at ako palagi ang binubulabog niya.

Sumakay kami sa SUV niya at nagtungo kami sa school. Pinuntahan niya talaga ang subdivision namin para lang sumama ako.

I just wore a yellow dress and white stilettos. I let my long hair down and brought a white shoulder bag for my phone and wallet.

I was a little nervous while we were in the car. Naiisip ko palang na baka makita ko si Brandon roon ay sobra na akong kinakabahan. Alam ko galit ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas matindi pa ngayon ang kaba ko.

Dapat galit ako, eh! Tsaka hindi dapat siya ang iniisip ko kundi ang mga pinsan ko! Lalo na ang mga taong makikita ko sa school! Nasabi ko na kay Audrey at Arjun na nakauwi na ako pero hindi nila alam na pupunta ako ngayon sa school. Ang sabi nila usap usapan na ako roon. May kumakalat na daw kasi na isa akong Agravante.

"Siguradong maraming mamamangha sayo kapag nakita ka ng lahat! Alam mo bang usap usapan ka na sa school? Kasi naman hindi ko napigilan yung bibig ko nung tinanong ako ng isang grupo ng mga babae noon tungkol sayo," si Johan na madaldal habang nasa sasakyan kami.

Nilingon ko siya. "Anong tinanong nila?"

"Kung kaibigan ka ba namin kasi palagi ka naming kasama noong isang taon. Ang sabi ko naman pinsan kita--"

"What?!" gulat kong tanong at napaharap sa kanya.

Sinabi niya iyon? What the hell?

"Easy!" natatawa niyang inangat ang kanyang kamay. "Bakit? Totoo naman, ah?"

"Baka pagkaguluhan ako pagdating ko roon!"

She chuckled. "Hindi yan! Ako ang bahala sayo. At confident ka, diba? Dapat hindi mo na iniisip ang sasabihin nila o kung ano ang iniisip nila. Just relax..."

Mas lalo lang yata akong kinabahan! Johanna smirked while I'm already glaring at her. I can't believe this girl! Kahit kailan talaga walang preno ang bibig!

Hindi naman sa ayaw kong malaman ng lahat na isa akong Agravante. Hindi lang ako sanay sa buhay na gaya nila. Hindi ako komportable kapag pinagkakaguluhan at kapag palaging pinag uusapan. Yung para bang marami silang tinatanong sa akin? I don't like that! I just want a quiet life.

But it probably won't reach that far. Ganon ba kasikat ang mga Agravante para pagkaguluhan ako nang magulong magulo? Hindi naman siguro, diba?

Hindi ko alam kung namamangha ba sa akin ang mga students o nagtataka o naiinis. Iba iba ang ekspresyon ng mga mukha nila habang nakatingin sa akin. May nagbubulungan, may mga matang nakatitig sa akin, may parang gusto pang lumapit, at meron pa akong nakitang grupo ng mga lalaki na nagtutulakan.

Kunot noo akong bumulong kay Johan. "Bakit parang naging weird ang school?"

She chuckled. "Hindi weird. Dumating ka kasi!"

"Huh?"

"Duh! Ang daming nakakita sainyo ni tito at tita sa airport. Kumakalat na ang mga pictures niyo ngayon."

"What?" halos mapasigaw ako.

"That's not a big deal! Malalaman rin naman nila ang totoo. Sasabihin na ni tito sa publiko ang tungkol sayo."

Hindi ako nakapag salita at gulat na gulat pa rin. May nakakita sa amin sa airport? Not that I don't want to but I'm not used to living like this. I have to get used to it, huh? After all, this is really the life that should be mine. Pero nag aadjust pa ako! Pwede bang wala munang gulo?

Hindi ko pinansin ang mga students na nagtitinginan sa amin. Humalukipkip ako at taas noong naglakad kasabay si Johanna. Kumakaway siya sa mga nadadaanan naming students na binabati siya.

"Pinsan ko..." sabay turo niya sa akin.

"Johan!" nanlaki ang mga mata ko.

Humalakhak siya. "Ano ba! Sinabi nang malalaman rin naman nila iyon."

Lumakas ang bulungan sa banda na iyon na pinagsabihan ni Johanna. Napailing ako at gustong kurutin ang singit ng pinsan pero nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, taas noo pa rin at hindi nililingon ang mga nakatingin.

Siguro nga tama siya na malalaman rin naman nilang lahat. Mom and Dad have already told me this and they have a plan to actually introduce me anytime soon. Saktong birthday ni Mommy at sa araw din na iyon nila ako ipapakilala sa lahat. Merong malaking party na gaganapin.

"Cassandra!" tumili si Audrey nang nakita ako. Sinalubong niya ako ng yakap.

Ngumiti ako at bahagyang natawa sa pagkaka excite niya. Alam na niyang dumating ako pero hindi namin magawang magkita dahil busy siya. College na siya ngayon kaya talagang busy na ang schedule niya.

"I missed you!"

"I missed you too! How are you?" tanong ko nang naghiwalay kami sa yakap.

"I'm fine! Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Ang laki na nang pinagbago mo!" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

I smiled. "Thanks. I'm fine too. Niyaya lang ako ni Johan."

"Hi, Johanna!" kumaway siya kay Johan nang nakita niya ito.

"Hello!" kaway pabalik ni Johanna.

"OMG! Naninibago ako! Ang ganda ganda mo!" si Audrey sa akin.

Natawa ako. "Thanks. Halika, puntahan natin ang iba ko pang pinsan. Sumama ka sa amin."

"Naku! Maganda sana kaso kailangan ko pa itong ibigay sa Med building," pinakita niya ang mga dalang folder. "At malapit na rin ang klase ko kaya hindi ako makakasama."

"Aw! Sayang! Gusto kang ipakilala ni Van sa iba pa naming pinsan," si Johan.

"Kaya nga, eh... Sorry. Next time nalang?" tumingin siya sa akin.

Tumango ako. "That's okay. Next time nalang. Take care!"

She smiled. "Bye!" muli siyang kumaway sa amin.

I miss her pero hindi na kami basta basta high school student ngayon na pwedeng magkita kahit kailan namin gusto. We're in college and the schedules are very busy. Especially since Audrey’s course is Architecture. Iyon rin ang napili niya kalaunan kahit sinabi niyang hindi siya interesado sa math kahit magaling siya roon. But architecture is not all about math, right?

Nagtext si Issa na magkakasama sila ni Mich at Lorie sa cafeteria ng college students. Ilang minuto nalang daw ay klase na ni Lorie at Issa kaya kailangan na naming magmadali.

Nagkita kita naman kami sa cafeteria. Masaya sila na pumunta ako. Umirap ako dahil pinilit lang ako ni Johan rito pero inaamin ko namang kahit papaano gusto ko rin na mapunta ulit ako rito. I missed this school. I have many memories left here. A lot has happened to me here and that will stay in my heart forever. School days are not that bad, huh?

"Kailangan na naming pumasok. Brandon is just around..." nakangising sinabi ni Lorie at agad siyang nakatanggap ng hampas kay Issa. "Ouch!"

"Tumigil ka. Halika na," Issa said.

Ngumuso si Lorie at nagpaalam sa amin. Masama rin ang tingin ko sa kanya pero napailing nalang kalaunan. Doon ko lang rin naalala na posible ngang magkita kami rito ni Brandon! Malaki ang school pero nasa cafeteria kami ng mga college students. He's in his second year college.

"Mamaya pa ang klase niyo?" tanong ko kay Mich at Johan.

"Ako maya maya pa," si Mich.

Tumingin sa wrist watch niya si Johan. "Twenty minutes from now," nagkibit siya ng balikat.

Tumango ako at nag usap kami tungkol sa kung saan saan. Maraming college students ang napapatingin sa table namin. Nakita ko pa sina Leah na agad kong nginitian. Nag aalangan siyang ngumiti sa akin at agad nag iwas ng tingin.

Alam kong nalilito sila sa nangyayari at sa mga nababalitaan kaya naiintindihan ko na ganito sila ngayon sa akin.

Umalis si Johan maya maya at kaming dalawa nalang ni Mich ang naiwan. Ilang minuto ang lumipas ay oras na rin ng klase niya. Sabay kaming lumabas ng cafeteria at nagpaalam na sa isa't isa.

"Are you going to be fine here? Mag isa ka na..." she said.

"I'm gonna be fine. Siguro maglilibot nalang ako. I missed this school..."

"Nandito ka pa ba sa oras ng lunch?" tanong niya.

"I'm not sure. Siguro uuwi na rin ako pagkatapos magsawang maglibot. Itetext ko nalang kayo."

Tumango siya at kumaway. "See you later, then. Bye!"

"Bye!"

Pinanood ko siyang umalis hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. I sighed. Marami akong gustong punatahan sa lugar na ito. There are also many memories that come to my mind but I prefer to look at the beauty of the school that has not changed. Medyo lumaki lang ang mga punong maliit noon.

Naglakad lakad ako. Nagtungo ako sa field kung saan puno ng high school students na nagtatawanan. Nilipad ng hangin ang aking buhok at naramdaman ko ang medyo malamig na hangin. Merong mga students na nakaupo sa damo habang nagkukwentuhan. Meron rin namang nakaupo sa batong table at nagtatawanan. Grupo ng mga babae at lalaki ang nakita ko roon, iba iba.

Napangiti ako nang naalalang palagi rin kaming nandito noon ni Audrey. Ngayon siguradong hindi na kami makakatambay rito sa sobrang busy.

Nagtungo ako sa library. Marami pa ring nakatingin sa akin pero hindi ko na pinapansin. Inabala ko ang sarili sa pagtingin tingin sa mga librong nandoon. Tahimik ang malaking library pero ang iba ay napapatingin sa akin.

When I got to the end and hidden part of the library, a memory entered my mind. Naalala kong dito ko hinalikan si Brandon sa pisngi para lang tulungan niya ako sa assignment kong hindi ko nagawa.

Umirap ako. Umalis ako roon at lumabas.

Hindi ko alam kung anong lugar ang hindi magpapa alala sa akin sa kanya. Pakiramdam ko wala. Dahil lahat ng nadadaanan ko ay nakikita ko siya at ang dating ako na masaya, nagtatawanan at nagkukulitan.

Pumikit ako ng mariin at tumigil sa paglalakad. Ngunit sa muli kong pagdilat ay halos matumba ako sa kinatatayuan ko. The morning wind blew and my hair flew away. Nilipad rin noon ang dress na suot ko. But my eyes didn't move as I stared at a man sitting on the bench, holding a book and seriously reading it.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung paanong nawala ng saglit ang galit ko sa kanya. He fooled me. I must be mad at him! But then again, I can't stop staring at him. He looks in peace. Wala masyadong tao sa banda niya kaya siguro niya napili ritong magbasa.

To see him reading alone here is breaking my heart so much. Because back then, we used to read together. Together in that same spot. But now... he's alone.

Iyan rin ang lugar kung saan niya binigay ang bracelet na sobra kong inalagaan kahit sobra sobra ang galit ko sa kanya. I tried to throw it away while I was in New York pero nang itatapon ko na iyon sa dagat ay napagtanto ko na... hindi ko kaya.

Dahil kahit galit na galit ako sa kanya, kahit sobrang nasaktan niya ako sa ginawa niya, kahit nagdidilim ang paningin ko sa kanya ngayon, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko. It's still there. I still love him. And I'm still hurting.

My heart skipped a beat when his eyes found mine. The slight shock in his eyes made my heart ache again. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang kung ano man ang nararamdaman.

Sinarado niya ang kanyang libro at agad tumayo. Gusto kong katusan ang sarili kung bakit pa ako nanatili doon habang nakatitig sa kanya. Baka isipin niya sinusundan o hinahanap ko siya!

Tumalikod ako at aalis na sana pero nagulat nalang ako nang higitin niya ang braso ko! Ang bilis naman niyang maglakad! Napaharap ako sa kanya at nasalubong ko ang malamig at halos galit niyang mga mata. But I can see more in his eyes. Like he's hiding something that will surely break my heart even more.

"Bitawan mo ako," mariin kong sinabi nang nakabawi.

"Nakabalik ka na..." he almost whispered.

"Yes, but you should just mind your own business. Bitawan mo ako..."

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi niya ako binitawan. Mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin!

"Bitawan mo ako, Brandon!" iritado ko nang sinabi.

He slowly let go of me. I immediately backed away from him and he just watched me closely. Wala siyang sinabi at wala rin akong sinabi. I was breathing fast but I calmed myself down. I should fucking calm down!

"How are you?" sa mahinanong boses itinanong niya.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. "I'm fine," malamig kong sagot.

"Are you going to stay here for good?"

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang malaman ito. Sa lahat ng nangyari, talagang tinatanong niya ako nang ganito?

"Wala ka nang pakialam roon. Aalis na ako," sabi ko at tinalikuran siya.

"Cassandra..." kinilabutan ako nang muli kong narinig ang pagbanggit niya sa pangalan ko.

Dahan dahan akong natigil sa paglalakad dahil bukod sa sakit na naramdaman, bahagya ring nag init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Sa simpleng bagay ay naiiyak ako. Kinahihiya ko talaga ang nararamdaman ko para sa lalaking 'to!

"You didn't say goodbye to me when you left..."

My heart ached more.

Hinarap ko siya at natawa ako. "Kailangan pa ba? Wala na tayo noon kaya bakit kailangan ko pang magpaalam sayo?"

Tinitigan niya ako, hindi agad nagsalita. Matigas ang mga mata niyang nakatingin sa akin but I can see his pain. Sa mga mata niyang tinitignan ang buong mukha ko na para bang kay daming nagbago. Pero wala akong pakialam doon. Hindi na muli ako magpapabola pa sa ganyang mga mata niya.

"Did you really believed that I slept with Elizabeth?" he asked slowly.

Pumikit ako ng mariin nang banggitin niya ang pangalan ng babaeng iyon. Mas lalo lang akong nairita. Especially now that he’s opened up something I don’t want to go back to again.

"I didn't slept with her, Cassandra..." he said, wala sa panahon ang pagpapaliwanag.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at malamig siyang tinitigan. Wala akong pakialam. Dapat wala akong pakialam! Kinuyom ko ang aking kamao.

"I don't care if you slept with her. I don't really care, Brandon. Wala na tayo ngayon so do what you want. I don't care..." mahinahon ngunit mariin kong sinabi bago siya tinalikuran.

Tears welled up in my eyes as I walked away. I don't want to look back. Ayoko nang makita pa ang nasasaktan niyang mga mata na alam kong pagpapanggap lang naman.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 598 34
Ocean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)
41.9K 980 34
As a Lawyer, you justify the truth and fight for it. You obey almost all rules and laws, how about the Law of Love? Meet Atty. Ainah Silvestre, a gor...
2.9K 185 43
[ COMPLETED ] UNDER MINOR REVISIONS | Chapters will not be unpublish Charmed Series #1 : Angelus Leonel Villorejo STEM × HUMSS Angela Kristle Lopez...
62.2K 3.8K 37
Ating tunghayan ang kwento ni Keil at ang kanyang 10 years na unrequited love sa kanyang kababatang si Davien. Mauwi kaya ito sa isang masayang pagm...