March 2025
Nakaharap kaming dalawa ngayon ni Loki, Maddison at Sierra sa Manager na kakilala namin.
"Inday Euphrasia, ayos ka lang ba talaga?"agad na tanong ni Mama Nina, Mama Nina tawag namin sakanya ni Loki dahil beki siya. I stomp my feet and went to him and hugged him tightly.
He hugged me back,"Ikaw bata ka, nagaalala ako sayo. Sigurado kang magtatrabaho ka? Kayo?"
Napatango ako,"Oo Mama Nina, kailangan na namin ng pera dahil lumayo na kaming lahat sa mga magulang namin para tuparin namin yung gusto namin"paliwanag ko at humiwalay kay Mama Nina. He cupped my face and looked at me softly.
"Ako'y nahihirapan para saiyo....pero oh siya sige, pero dhai, ayoko namang bastusin ka rito dahil sa nakakalat na video na alam kong hindi mo kayang gawin... Diba marunong kang magmotor?"napatango ako. Nagpapasalamat ako kay Mama Nina dahil after a week tinawagan niya na pabalik sa Loki.
"Kaya mong magdeliever?"
"Asus, Kaya"sagot ko kaya napatango tango siya. He instructed us every details on how we should start and do everything here.
Ito kaming apat ngayon nagpipicture habang nakasuot ng uniform ng Jollibee.
"Kingina, new experience mga sist"sabi ni Loki kaya nagtawanan kami. Ginawa kong low bun ang buhok ko at agad na nagsuot ng mask at helmet.
"Wow, holdaper ka girl."komento ni Sierra kaya natatawa akong nakipagapir sakanya.
Mama Nina introduced us to the crew. May iilang judgemental stares akong nakuha but I rejected it. Si Mama Nina agad na nagexplain tungkol sa akin, may iilang naiintindihan ako at may iilang sarkastikong napailing na lang pero ayos lang, they're part of the judgemental society na kung saan kung anong nakikita agad na may batikos without knowing the point of view of someone.
Sumunod ako sa Isang babaeng crew. I'm just normally walking when she attached her arms on my own arms.
"Girl, wag mo na lang intindihin yung mga tingin nila mga gago lang talaga sila"sabi niya sa akin, natawa ako at napatango na lang dahil pasmado ang bibig niya.
"Opo Ate"
"Shamara nga pala, twenty two na ako sis."pakilala niya sa akin. Napangiti naman ako dahil kahit papaano hindi siya judgemental.
"Euphrasia, twenty pa lang ako."
Pagrating namin sa may Kusina agad niyang binigay sa akin ang bag na may lamang mga orders. She then sent me details kung saan at sino ang mga magppick up nito. Lumabas ako at dumeretso sa may parking lot. Hindi motor ko ang gagamitin ko kundi Motor mismo nang jollibee. Nagsuot ako nang jacket at agad na sumakay sa motor.
Nilingon ko sina Loki na nakadungaw mula sa kusina. Kumaway sila kaya kumaway rin ako pabalik.
Umarangkada na nga rin ako. First Stop, subdivision inches away lang naman kaya uunahin ko na. Dati panay lang ang pagpapadeliever ko ngayon ako na ang magdedeliver, mararanasan ko na ang karanasan ng mga Rider na araw araw magdedeliver.
Lumiko ako at agad na huminto sa Guard House. He inspected ang mga dala ko kaya nagantay lang ako.
"Saan po bahay ni Miss Aileen Romina Dela Cruz?"tanong ko kay Kuyang Guard. Inayos ko naman ang bag pagkatapos niyang tignan ang laman.
"Exclusive subdivision Block 9 po ma'am. Lumiko lang po kayo sa kanto na yun tapos left with then ang pinakamalaking bahay na color pink yun po"napatango ako kay Kuya. Sumaludo ako bago umarangkada paloob.
Paghinto sa Isang bahay agad kong hinubad ang suot kong Helmet, ibinaba ko ang mask ko at agad na bumaba sa motor. Binuksan ko ang bag at kinuha ang order niya. I went to the gate and pressed the door bell. Iilang segundo pa, binuksan iyon ng Isang babae, she's wearing a tank top and a panty shorts.
"Goodmorning Ma'am"nakangiting bati ko.
Pinagkrus niya ang mga braso niya at nakangisi akong tinignan. Kinuha niya ang order niya, nabigla na lang ako nang isinaboy niya sa akin ang pineapple juice.
"That's what you get from the most dirtiest creature in here. Napahiya mo ang Principium dahil sa scandal mo! Geez! You're so dirty!"nandidiring sabi niya kaya agad na nagsalubong ang kilay ko.
"At sino ka naman?"
"Oh geez! I'm the Queen of DSO! And Captain Aexl is my King!"maarte niyang sagot. Napapunas ako sa mukha nang wala sa oras dahil ang lagkit ng isinaboy niya.
"Una, wala akong pakialam kung Reyna ka at Hari siya, ang saakin, maayos akong nagtatrabaho nang sasaboy ka. Ano bang atraso ko sayo ha?"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kapal ng mukha niya para makisali sa issue ko na pilit kong kinakalimutan dahil hindi naman kailangang alalahanin dahil masyadong nakakasakit sa ulo, sa damdamin, sa balikat, sa bewang at sa balakang, siguro kailangan ko nang mag sexbomb.
She laughed like a bat,"Ay kawawa ka naman. Pinalayas ka sainyo no. Yan kasi, landi landi pa. Kung ako sayo, sana nagsex na lang kayo nang hindi nagffilm para iwas stress dahil sa mha issue! Bobo ka rin ano. Natikman mo na nga siguro ang buong Principium dahil masyado kang makati"nakangising sabi niya sa akin. Now I know who is she, siya yung Marchesa na sinasabi ni Loki at ito rin yung nakaaway ni Loki dati sa Mall. She's the self proclaimed Queen of DSO raw.
Hindi ko siy sinagot at napailing na lang. The way she spoken akala mo alam ang lahat ng nangyari. Kaya hindi gumaganda ang Pilipinas dahil may mga taong nakikisawsaw sa issue nang may issue nga dapat hindi nila pakialaman, sana naging fishball na lang sila para don sila makisawsaw. They keep making the society messy kaya merong mga taong pinipili na lang na tumigil sa paghinga dahil sa mga natatanggap na batikos. Pero ako, kahit dagsa dagsa ang maranasan ko hinding hindi ko kikitilin ang sarili ko. Ayaw kong mamatay nang single no.
Sumakay ako sa motor at nagsuot na agad ng helmet.
"Hoy! Hindi pako tapos sayo! Inaagaw mo si Aexl! Alam ko bang kami na! We had fun last night! You know, couple things kaya kung ako sayo! Iwasan mo ang Boyfriend ko dahil akin lang siya. Ikaw! Isa ka lang naman na skandalosang makati na kung kanino lang nakikipag-fuck! Back off, Aexl is mine"banta niya kaya sarkastiko akong napangisi.
"Si Romina ka diba?"I asked her. She rolled my eyes on me.
"Yeah!"she exclaimed...."Aileen Romina Dela Cruz!"
"Tignan mo mukha mo, marumi na"sabi ko sakanya at agad na humarurot palayo. Rinig ko pa ang pagsigaw niya.
"I'LL POST THIS ON MY SOCIAL MEDIA!"
Edi I post niya, tag niya pa ako tapos pusuan ko iyon eh. Napatingin ako sa susunod. Wow what a great day, Asher Daxuriel Clarez. Huminto ako sa isang old with a little bit modern house. Kinuha ko ang mga order niyang tatlong plastic na Puno. I went to the gate again. Hindi ko na tinanggal ang suot ko sa mukha dahil nahihiya na ako, it's better to hide in a mask for them not to to know the truth about ne anymore.
Pagbukas ng gate bumungad sa akin sina Asher, Gemini at Zetlan.
"Kinginang order to"reklamo ni Zetlan at binatukan si Gemini.
"Gago, napakarami natin sa loob alangan naman tag-iisang strip lng tayo nang fries"sagoy sakanya ni Gemini at kinaltukan si Zetlan. Si Asher naman bored lang.
"You look familiar"sabi ni Asher kaya biglang nanlamig ang mga kamay ko. Binigay niya sa akin ang bayad, tinitigan naman ako nina Zetlan at Gemini.
Tumango na lang ako at binigyan siya nang sukli.
"Euphrasia?"sabay sabay nilang tanong. Napabuntong hininga ako at agad na tumalikod ng hindi sila sinasagot. Agad akong sumakay sa motor ko.
"Hoy! Hoy! Teka lang! Bling!"sigaw ni Gemini. Akmang lalapit pa sila nang agad kong pinaharurot ang motor.
Kung ipapakita ko ang sarili ko parang binaon ko lang ang sarili ko mismo sa kahihiyan.
The delivering continued and it's quite hellish, ang hirap pala nang ganito, sobrang init pa na akala mo nasa impyerno ka. Ang nasa MCDO sina Kenji, Treyton, Lachlan at Lucian. Habang sa bahay andun sina Langston, Danica, Brazil at Lenox, habang sina Kuya Link at Kuya Lucian naghahanap ng mapagtatrabauhan dahil graduate naman na sila kaya mukhang madali lang silang makakahanap.
Tanghali na nang makatapos ako. Pagbalik ko ron agad akong naupo dahil sa pagod.
"Oh beh? Kamusta?"tanong ni Sierra at binigyan ako nang pagkain, niluto nila to kanina at nagbaon kami isa isa.
"Kapagod. Sinabuyan pa ako ni Marchesa nang juice tapos nahalata ako nina Asher."sagot ko at agad na kumain.
"Paanong hindi ka mahahalata kung kumalat ang video mong kumaka----"hindi natapos ng Isang crew ang dapat niyang sabihin ng agad na tumama ang palad ni Sierra sa mukha niya. Wala na akong lakas para awatin si Sierra. Drain na ang buong katawan ko at ang utak ko isama mo ang puso kong kirot ng kirot.
"Huwag na huwag kang sumali sa usupan ng may usapan dahil hindi lang yan ang aabutin mo"banta ni Sierra. Masama ang pinukol sakanya nang crew bago tumayo dahil napaluhod talaga siya, sa sobrang lakas ba naman ng sampal ni Sierra.
"Kumain kana. Sina Loki at Maddison tapos na kaya ayun sila, nasa may counter nag rerecieve ng mga orders dahil magaganda raw boses."sabi sa akin ni Sierra kaya tumango ako at kumain.
Habang kumakain ako nagopen ako nang socmed. Napabuntong hininga na lang ako dahil trending nanaman ako dahil kay Aileen. Pinabayaan ko na lang iyon. Akmang papatayin ko ang phone ko nang tumawag ang unknown number.
"Hello? Sino to?"
"[Anak, kamusta ka na?]"wala ako sa sariling napahilot sa noo nang marinig ang boses ng tatay ko. Napapahilot ako sa noo dahil baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"M-maayos naman pa. San mo nakuha number ko?"my voice even broke.
"[Kay Aexl, ayaw pa sana ibigay mabuti na lang at napilit ko. Anak may kailangan ka ba? Pera? Ano? Kahit ano ibibigay ko, huwag ka lang magtrabaho jan, Anak]"napabuntong hininga ako. Nalaman ni Papa. Tangina talaga ni Aileen.
"Pa wala akong kailangan. Pinili ko to kaya hindi mo kailangang magbigay pa nang kung ano"pilit kong pinapatatag ang boses ko para hindi mahalata ni Papa na nahihirapan ako.
"[Anak, nahihirapa----]"
I cut my father's words,"Pa, simula pa lang nahihirapan na ako kaya itong trabahong to wala lang to, kaya ko ang sarili ko mabubuhay ko ang sarili ko. Maayos na maayos lang ako, hindi mo na kailangang magalala. Alalahanin mo jan sina Mama at Kuya basta huwag lang ako dahil nasa mabuti ako."panigurado ko sa Tatay ko. Alam kong suntok sa buwan ang sinasabi ko ngayon dahil parang pinagtatabuyan ko si Papa pero hindi ako magsisising sabihin iyon.
"[Maayos ba ang tinitirahan niyo? Mabait ba ang mga kasama mo?]"my father voice screams worries.
"Maayos, mabait ang mga kasama ko, sila ang nasasandalan ko sa bawat araw kaya mas pipiliin ko sila kesa bumalik jan."sagot ko at uminom ng tubig. Pagpasok ni Shamarah, may inilapag siyang bag kaya napatango ako.
Napabuntong hininga si Papa,"[Magingat ka]"pinatay ko na kaagad ang tawag at binilisan ang pagkain ko.
After that, another tiring delivery nanaman.
+
Pagbukas ko nang pintuan bumungad sa amin sina Danica, Lenox, Brazil at Lamgston. Si Danica na nagsasalita sa may camera, si Brazil na inaayos ang kung anong mga damit na nasa may gilid. habang sina Lenox at Langston may sinusulat.
Napalingon sila sa aming walo na kakadating lang. Sumenyas si Langston kaya agad kaming napatango.
Maya maya pa lumabas sina Kuya Link at Kuya Lucian sa kusina.
"Yan lang salamat!"
Nang sumenyas sina Langston na maayos na agad kaming nagsidulong sa sala. Kaniya kaniya na kaming higa dahil sa pagod.
"Anyare mga Beh?"tanong ni Danica. Nagsiupuan rin sila at tinignan kaming walo.
"Andaming costumer, nakakapagod"sagot ni Kenji at pumikit.
"Andaming delivery."sabay naming sagot ni Lachlan. Delivery boy rin kasi siya sa Mcdo.
"Dumami ang costumer kanina sa Jollibee dahil sa kagagahan ni Marchesa"inis na inis na sabi ni Loki. Habang bumabyahe ako kanina biglang tumawag si Mama Nini, he said na dumami raw ang costumer at pinaghahanap ako, mabuti na lang raw at kumalma ang lahat dahil raw parang nasa riot sila.
"Napakabig deal ng issue sakanila eh hindi naman sila dapat makialam ron dahil hindi sila ang naka-experience. Puro lang sila putak, gawin ko silang panabong eh."sabi ni Langston. Binatukan siya ni Lenox at may tinurong kung ano sa Laptop.
"Kuya Link, magkano bill natin sa lahat?"tanong ko, nilingon naming lahat si Kuya Link.
Umiling siya,"Nabayaran ko na. Wag niyo nang Problemahin"agad na nagsalubong ang kilay ng lahat dahil sa pagkakaalam namin wala kaming pera.
"Ha?"
Natatawa siyang napatango,"Wala na akong pang-gas sa Jeep Wrangler ko kaya binenta ko na."
"Ano?!"sabay sabay naming sigaw dahil sa gulat. Hindi namin akalain na ibebenta niya iyon.
He nodded,"Yeah, I already paid for everything, nakapag-grocery na rin kami. Yung Wifi hindi na tayo mapuputulan dahil nabayaran ko na lahat. Wag na kayong magalala, ako na muna ang magbabayad sa lahat ng gastusin dahil malaki laki naman ang bentahan"
"Magkano?"
"800 k. Okay naman na dahil may sira na yung Jeep."sagot ni Kuya Link.
"Eh Kuya. Hindi ka ba nasasayangan? Nagsisisi?"tanong ni Eustace.
Umiling siya,"Hindi. Magsisisi ako kung walang makakain ang mga sisiw rito"sagot niya. Napangiwi kaming lahat dahil tinawag niya kaming sisiw habang siya natawa na lang.
Sabay sabay kaming dumulong sa kusina. We prayed to be successful one day and enjoy the meal with each other.