To Love Again

Per MelancholyofMaryey

51.7K 1.9K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... Més

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 48

753 34 2
Per MelancholyofMaryey

Alex Pov.

I know nagtataka si Kelsey sa mga kinikilos ko. Maging ako man ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko sa totoo lang.

My thoughts are filled with her. Walang oras ang lumipas na hindi ko siya naiisip pati sa panaginip ko ay siya ang nakikita ko.

Kaya naman naglakas ako ng loob na puntahan siya sa kanyang unit kanina at inaya nga siyang lumabas. I don't know if i can call it a date. Labis akong natuwa ng pumayag siya.

Until now ay kinakabahan pa din talaga ako. Kakauwi ko lang ng bahay. Nagmamadali kong nilisan ang condo ni kelsey kanina dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Kahit gustong gusto ko nang humingi ng permiso niya para ligawan ko siyang MULI. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya lalo pa ng sabihin niya sakin harap harapan na madami at hindi siya nawawalan ng suitors. Okay edi sya na maganda. Tsk

Naiinis ako twing naaalala ko yun. And i don't think na makakaya ko kung makikita siyang may kasamang iba.

Hindi ko alam sa puso ko. Parang sasabog ito twing naaalala ko ang mga ngiti ni kelsey. Yung pinong pagkilos niya. How her lips move when she talks, kung paano niya ako irapan kapag nagsusungit siya. The way she talks. When she stares at me na parang pinapasok niya buong pagkatao ko. Kung paano niya pigilan ang pagtawa niya. Kung paano niya hawiin yun mga buhok niya sa kanyang tenga. How she dress. And Her intoxicating smell.

All of her lingers on my mind. Nakakabaliw. Kapag iniiisip ko na malapit siya sa akin para akong malalagutan ng hininga. Just a thought of her body and beautiful face makes my body hot. Para akong pinapakuluan.

Kaagad akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Parang may bulate ako sa pwet. Hindi ako mapakali. Should i call her now? Pero baka galit siya dahil basta ko na lang siya iniwan kanina. At isa pa ano na naman ang sasabihin ko e kakauwi ko lang.

Nagcheck ako ng phone. Nagpunta ako sa social media accounts ni kelsey. Oo na stalker ako. Tinignan ko yun fb niya pero wala naman bago don. Puro shared post lang. Nabasa ko sa profile niya na in a relationship siya. Kanino naman kaya? I'm just silently hoping na sakin pa din yun. Nagpunta naman ako sa ig niya. Nabasa kong pinost niya yun lugar na kinainan namin kanina.

May caption na "my new favorite place with my favorite person" napangiti ako sa nabasa. Hindi ko alam na ganito pala kiligin. Tinignan ko pa yun ibang picture don na puro mukha niya. I'm daydreaming again.

Naudlot ang pagtitig ko sa mga pictures ni kelsey ng makareceive ako ng tawag.

*raine calling..... kaagad ko naman itong sinagot.

"hey rie busy ka ba, nasan ka?" she ask.

" Nasa bahay ako bakit?"

"come here sa condo ko nandito ang barkada miss kana nila wag ka magalala kahit hindi mo sila maalala madali mo lang sila makaka get along ulit".

" ah san nga ba ulit yun bahay mo?"

"I'll just text you the address take care sa pagdrive ha." pinutol na niya ang tawag sabay pagtunog ng phone ko na nagsend siya ng text.

Ano naman kayang gagawin ko don? At sino bang barkada ang tinutukoy niya? Posible kayang nandon din si kelsey? Parang naexcite nman ako sa naisip kaya inopen ko yun text message ni raine at binasa.

Nagpahinga muna ako bago ako gumayak. Pumili lang ako ng gray na tshirt at black pants na tinernuhan ko ng sneaker. Simpleng hapunan lang sinabi ni raine kaya okay na siguro ito.

Mabilis naman akong nakarating sa lugar na sinabi ni raine dahil sunday ngayon ay hindi gaanong trapik. Pumasok na ako sa loob ng building at tahimik na sumakay sa elevator. Napapatingin na lang ako tuwing bubukas ito at may bagong sasakay.

Halata naman sa mga taong nandito na mayayaman sila. Hindi ko na lang pinansin yun mga bagong pasok.

I just felt na may nakatingin kaya nagangat ako ng ulo. Nakita kong nakatingin nga sila sa akin. Parang naghihintay na kausapin or batiin ko sila. Teka kilala ko ba sila? Pinilig ko ang aking ulo. Wala akong matandaan. Tumunog na ulit ang elevator indikasyon na kailangan ko ng lumabas. Nakita kong lumabas din  yun dalawang lalaki at isang babae don. Kasunod ko sila actually. Tinignan ko ulit kung tama ba yun unit number sa pintuan ng masigurado kong eto nga yun ay nag doorbell na ako.

Bumukas ang pinto at sinalubong naman ako ni raine. "Hey rie buti nandiyan ka na" Gulat naman ako ng binati niya yun nasa likod ko tatlong tao. "Oh nandito na din pala kayo?" So dito nga din ang punta nila.

"Haha oo actually kasabay namin si rie sa elevator eh suplada" sagot ng isang lalaki.

"haha gago ka talaga d!" sagot ni raine sa tinawag niyang d.

" rie mga friends natin yan eto si D, siya naman marco yan ang bf ni anne, at eto naman si gigi gf ni doc"

"Ah hi?" binigyan ko sila ng tipid na ngiti. Di ko lubos maisip kung paano ko nakilala yun mga ganitong klase ng tao. Mukha naman silang mababait pero mukhang mga wild eh.

Pumasok na kami sa loob at inabutan namin doon sila Lisa at anne. Nakilala ko na sila noong dumalaw sila sa bahay after kong lumabas sa hospital.

Umupo kami sa pabilog na sofa. Malaki ang condo ni raine. Wala masyadong gamit. Meron mini bar malapit sa kitchen area. Madaming kinukwento si D short for dwayne sa akin close daw kami at maharot siya sa dami ng kwento niyang puro kalokohan. Pero kung titignan mo ay masungit ang kanyang mukha. Mukhang suplado.

Madami silang pinagkkwentuhan at halata naman close sila sa isat isa. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil kinuwentuhan din nila ako ng mga kalokohan ko na nalimot ko na.

Yung simpleng hapunan namin maya maya ay nauwi na sa inuman. Sabi nga nila ay basta si raine ang nagaya e hindi ito mawawala. Gustuhin ko man itanong kay raine kung bakit wala si kelsey ay nahihiya ako. Akala ko kasi ay nandito siya kanina. Circle of friends niya to kaya naman inexpect ko talaga na makikita ko siya. Kahit kakikita lang namin kanina.

Tumayo ako at nagpaalam na gagamit muna ng cr. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam na hindi rin ako magtatagal dahil may pasok pa ako bukas. Sa dami ng binabang alak ni raine ay mukhang mapapasubo ako ng husto. Pinasadahan ko muna ang aking mukha sa harap ng salamin. Kitang kita ang peklat ko sa kilay. Para tuloy akong nag mukhang bad girl.

Naglalakad na ako pabalik ng couch ng magulat ako. Naramdaman ko na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. She's here. I calm myself bago humarap sa kanila. Nakatayo lang ako sa gilid dahil yun pwesto ko kanina ay inookupa na ngayon ni kelsey kaya wala na akong upuan. Naramdaman ko naman ang paghagod niya ng tingin sa akin. Nakaka intimidate yun ganyan tingin niya. Pero hindi ko na yun pinansin pa.

"Hoy magsiusod nga kayo compress wala maupuan si rie oh." sabi ni raine sa mga nakaupo. Umusod naman sila kaya ang siste ay nagkaron ng espasyo sa upuan at makakatabi ko si kelsey. Isipin ko palang na makakatabi ko siya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

" Rie upo kana mangangawit ka diyan baka lalo ka tumangkad higante kana." biro pa ni dwayne.

Sinulyapan ko muna si kelsey bago umupo, inirapan lang ako. Parang kalahati lang ng puwet ko ang nakaupo dahil medyo masikip at ayokong madikit ang balat ko sa kanya. It's torture for me.

" What are you doing here? " bulong niya sa akin. Bakit ba galit na naman ang boses niya?

"Raine invited me here." sagot ko naman sa kanya.

" May work ka bukas right? "

" Uuwi na din ako wag ka magalala. " nakaramdam ako ng inis dahil feeling ko ay ayaw niya ako makita dito. Hindi naman na siya nagsalita pa.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga pinaguusapan nila. Medyo madami na rin ang naiinum namin. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagkahilo kaya alam kong kaya ko pa. Medyo nangangawit lang ako dahil nga masikip ang upuan. Sakto naman tumayo si kelsey siguro ay gagamit siya ng cr. Kaya medyo napaunat ako ng upo. Nakakangawit kapag matangkad ka tapos hindi komportable ang upuan. Piling ko ay rarayumahin ako.

" Hey dude rie kamusta naman kayo ni kelsey?" raine suddenly asked me

" Okay naman ata?" hindi sigurado kong sagot sa kanya.

Bumalik na si kelsey sa upuan at medyo lumapit pa ito sa akin. Para akong lalagnatin grabe talaga ang epekto niya sa akin ultimo madikit lang yun siko niya sa akin ay nakakaramdam ako ng kakaiba.

Agad kong nilagok ang laman ng baso pagtapat na pagtapat nito sa akin. Pakiramdam ko kasi ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.

" Rie birthday mo na sa friday di ba? Anong plano mo?" tanong ulit ni raine. Siya lang naman ang dumadaldal sakin. Siguro ay naninimbang pa yun iba kung kakausapin ako.

Wala naman talaga akong balak mag celebrate ng birthday.

"Hindi ko pa naiisip saka may trabaho ako noon."

" We should celebrate you know." singit naman bigla ni anne. Hindi naman ako makasagot sa kanya. Actually nahihiya akong makipagusap sa kanya at sa iba pang babae dito maliban na lang kay raine. Sobrang nakakailang lang ewan ko ba.

" Oo nga naman men sobrang namiss ka namin isa pa parang double celebration na din sa pagbabalik mo." si d.

" Bahala na siguro." maikli kong sagot. Hindi ko din kasi alam kung pano magasikaso ng ganito. Dati kasi ay hindi naman ako naghahanda talaga kapag birthday ko kaya wala talaga akong idea.

" Kaming bahala sa birthday mo don't worry, basta invite your other friends and co workers too." si raine ulit.

Alangan naman akong napatingin sa katabi ko na tahimik lang na nakikinig sa amin. Sakto naman napatingin din siya sa akin. Tinaasan lang ako nito ng kilay. Ano bang problema niya? Hindi man niya ako kinakausap ah.

Dahil naiinis na ako ay nagpaalam na ako kay raine at sa iba pa.

"Raine kailangan ko ng umuwi may trabaho pa ako bukas e." tumayo ako sa upuan. At nagpaalam na rin sa iba. Pumayag naman sila at naiintindihan naman nila. Ihahatid sana ako ni raine pero hindi na ako pumayag. Kaya ko naman ang sarili ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napapaisip na lang ako kung bakit ganoon si kelsey sa akin. Kanina lang umaga ay okay naman kami bakit ngayon ay parang hindi na niya ako kilala. Pinidot ko na ang elevator at pumasok na ako ng bumukas ito.
Malalim pa din ang iniiisip ko kaya hindi ko namalayan na may kasama pala ako dito.

Napaigtad na lang ako ng magsalita ito.

" you're in deep thoughts again alex." nakacross arms ito habang nakasandal sa right side ng elevator. Nakatitig lang ito sa akin.

Nakakunot lang ang noo ko. Ewan ko ba sa babaeng to minsan kakausapin ako minsan naman hindi. Ang gulo gulo niya.

Ting!

Bumukas ang elevator at lumabas na ako. Hindi ko na siya inantay. Kanina ay parang ayaw naman niya akong makita nakakatampo lang. Diretso akong naglakad sa parking lot ng hilahin ni kelsey ang braso ko.

" Kanina mo pa ako wina walkoutan ha!" mataray na saad niya. " Wala ka bang sasabihin?"

" Ano bang sasabihin ko dapat?" napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Mukhang nagtitimpi lang siya ng galit.

"Nothing umuwi ka na nga!" yun lang at tinalikuran na niya ako.

Nakita ko siyang nagpunta sa harap ng building at naghintay sa waiting area kung saan ang abangan ng taxi. Wala ba siyang dalang sasakyan?

Sinundan ko siya medyo late na at ayoko naman mag commute pa siya. Masyadong delikado. Ang ikli pa naman ng suot niya. Tsk

"Kelsey wala kabang dalang sasakyan?"

"Duh will i wait here if i have my car with me?" mataray na sagot niya.

"Ihahatid na kita baka mapano kapa kapag nag taxi ka dae pa naman manyak diyan." parang wala naman itong narinig at hindi ako pinansin.

"Hey sabi ko ihahatid na kita" pinalo niya ang kamay kong nakahawak sa siko niya na kaagad ko din inalis.

" What?!" siya pa talaga yun nagsusungit e ano bang ginawa ko?

"Sabi ko hatid na kita." hindi siya sumagot pero nauna na siyang naglakad pabalik ng parking kung nasan ang sasakyan ko.

Nakatingin lang ako sa kanyang likuran habang naglalakad siya. Her long straight hair is swaying bouncing as she walks. Naka halter blouse siya at skirt na maikli. Kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Kamuntikan pa akong bumanga sa kanya ng bigla siya huminto.

" You know what? i don't know if mas safe na ikaw ang maghahatid sakin or magtataxi na lang ako e." ano daw?

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

" Ano? Anong akala mo sa akin?!" i exclaimed.

" Manyak!" inirapan na naman niya ako at wala pakundangan sumakay ng sasakyan ko. Ako manyak?













































Continua llegint

You'll Also Like

2.4M 153K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
138K 6.3K 44
SHE likes HIM. HIM likes HER. HER likes... What would happen if SHE accidentally cast the spell on someone else instead of HIM? And that someone else...
82K 6.1K 52
No One Wants To Feel Like A Dirty Little Secret Yeah right! I'm already out but why am I still hiding in a closet? Ah yeah, coz I'm in love with a co...
177K 8.5K 46
Kaya pa bang magpatawad ng pusong paulit-ulit na winawasak? Kaya pa bang magtiwalang muli ni Ramcel kahit paulit- ulit syang binibigo ni Victoria? T...