Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

133K 3.2K 309

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 35

3.3K 69 5
By jhelly_star

Kabanata 35

Anger

--

"Oh my gosh! Mabuti naman dahil ang dami nang naghihintay sayo rito!" Johanna said after I told her I'm coming home tomorrow.

"Yeah. Pumayag si Daddy dahil ang sabi niya kailangan na rin siya ni tito Rolando sa kumpanya," sabi ko habang nagjo-jogging sa kalakhan ng the highline dito sa New York.

Nasa tenga ko ang airpods habang kinakausap siya.

"Hindi sinabi ni tita but I'm happy. I'll tell them you're coming home and I'm sure they'll be happy too. We miss you already and the people here are excited to meet you na!"

I smiled. "I miss you too."

"Uh-huh. Including Brandon, right?" I can already see her smirk.

Umirap ako. "I don't."

"Oh, come on, Van! Don't lie anymore. Even if you're angry I know you still have feelings for him."

"Paano mo naman nalaman? Nakakabasa ka ng isip?"

"Van... alam nating lahat na wala siyang kasalanan sa nangyari--"

"Stop it. He's a playboy. Bakit ba pinapaniwalaan niyo iyon?" iritado kong tanong.

"Well... mukha naman siyang sincere, eh..."

"He's not. Let's stop talking about him."

Tumigil ako sa pagtakbo at uminom ng tubig. Medyo sumama ang pakiramdam ko dahil naalala ko na naman ang nangyari. Umaasim ang pakiramdam ko kapag naaalala ko iyon. Parang mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa kanya.

Johan sighed. "Fine. Hindi ko na sisirain ang araw mo. See you soon nalang, Van!"

"See you."

We said goodbye to each other and I dropped the call. I sighed and sat down on the bench nearby. Ilang sandali akong nagpahinga roon at kahit hindi ko na gustong balikan, parang movie na nagplay sa utak ko ang lahat ng nangyari.

Later that day, when the Agravantes found out the truth, when they heard what Amelia and Elizabeth said on my phone, pinakulong agad nila si Amelia at si Elizabeth, dahil nakiusap si Amelia at dahil medor edad pa, hindi nila pinakulong.

It was also painful for the Agravantes to let Elizabeth go but they knew they had to do that. Lalo na dahil sa mga sinabi ni Elizabeth sa phone ko. Galit na galit si Daddy at si lolo.

"Lumayas ka sa pamamahay ko. Lumayas ka!" sigaw ni Marvino Agravante kay Elizabeth.

"Dad! Don't you love me? I am your daughter--"

"Shut up! You are not my daughter!"

"Marvin..." Theodore Agravante said.

"Lolo... please... I know you love me. Mahal niyo ako, diba?" nagmamaka awang sinabi ni Elizabeth.

Lumapit sa kanya si Theodore Agravante. Nakatitig ito sa kanya at kahit nakikitaan ko ng galit ang kanyang mga mata, may pagmamahal pa rin roon para sa tinuring niyang apo ng napaka habang panahon.

"Mahal ka namin, Elizabeth... pero sa narinig ko roon, hindi ganon ang pagmamahal na meron ka sa amin..."

Humagulgol si Elizabeth at muling nagmaka awa. Lumuhod si Amelia sa harap ng mga Agravante at paulit ulit na humingi ng tawad.

"Patawarin mo ako, Pauline. Patawarin niyo ako! Ako nalang... Ako nalang at wag na ang anak ko! Tutal ako naman ang may kasalanan ng lahat... Ako nalang!" she cried.

Pinakulong si Amelia at si Elizabeth naman, kahit napaka sakit kay Pauline Agravante, pinalayas nila sa mansyon. Patuloy na nagmaka awa si Elizabeth at dahil hindi talaga kaya ni Pauline na palayasin nalang ng ganon ang tinuring niyang anak, pumayag siyang tulungan ito. Hindi sang ayon roon si Marvino Agravante pero pumayag siya para sa asawa.

At ako, naiintindihan ko. They love her so it's normal that they can't afford to be separated from her just like that. Even though she had done so much wrong to me, I still agreed to what my mother wanted.

"Anak..." sunod sunod na tumulo ang luha ni Pauline Agravante habang nanginginig ang mga kamay na inabot ang pisngi ko.

My tears also flowed. Dinala na ng mga tauhan ng mga Agravante ang gamit ko rito sa mansyon. And they are all here to welcome me. Elizabeth is there too, matalim ang tingin sa akin.

"Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo kami..." she said.

"Matagal ko na po kayong pinatawad..." napapaos kong sinabi.

She hugged me tightly and kissed my forehead. Niyakap rin ako ni Marvino Agravante na namumula ang mga mata habang nakatingin sa akin. Humiwalay sila sa yakap at si Marvino Agravante naman ang humaplos sa aking pisngi.

"I'm sorry... for everything..." he said.

Tumango ako at pumikit.

"You are my daughter..." hinalikan niya ang aking noo at niyakap muli nang mahigpit.

"Hija... I'm sorry..." si Kylina Agravante na lumapit.

I looked at her and she smiled sadly. Isa siya sa mga nagsabi sa akin ng masasakit na salita pero naiintindihan ko siya. It was normal for her to say that to someone like me who suddenly appearead in their family.

"Ayos na po iyon..."

Napaka sarap sa pakiramdam noon. Theodore Agravante and my cousins ​​also hugged me. Hindi pa kami masyadong nakapag usap usap lahat dahil gusto muna ni Marvino Agravante na mapag isa kaming pamilya. They all went home after that.

I haven’t talked to my friends about everything that happened as well as Brandon. Wala na muna akong balak makipag usap sa kanila. Gusto ko muna ng time kasama ang totoo kong pamilya.

Binigyan nila ako ng malaki at magandang kwarto. Puti at brown ang kulay at ganon rin ang kama. There's a large balcony and also a large study table where I can study. I have a walk in closet and a large bathroom. My bathroom even has a bathtub and a shower.

Binilhan nila ako ng mga damit at kung ano ano pang kasuotan na hindi ko alam kung masusuot ko bang lahat dahil sa sobrang dami. Binili nila ako ng bagong phone, bagong mga sapatos, bagong mga gamit sa school, lahat bago.

At para sa akin sobra sobra na iyon.

Marahang ngumiti si Pauline Agravante sa akin habang nasa kwarto ko sila ni Marvino Agravante. Dalawang araw na ang lumipas at marami silang inayos sa kaso ni Amelia at sinabayan nila iyon ng pagbibigay sa akin ng mga kagamitan. Nakikita kong stress si Marvino Agravante kahit hindi niya sinasabi at palagi lang siyang nakangiti sa akin.

Elizabeth only stayed here for one day because Marvino Agravante caught her pouring water on me. Galit na galit siya kay Elizabeth. Ang pagkakataon na binigay sa kanya ni Pauline Agravante ay sinayang niya kaya ngayon napalayas siya sa mansyon. Marvino Agravante sent her to the DSWD. That's where she will live from now on.

"Now that you are here with us, I want you to call me Mommy. And Daddy for your father. Simula ngayon iyon na ang itatawag mo sa amin..." Pauline Agravante said softly.

Ngumiti ako at tumango. "Mommy... Daddy..."

Buong akala ko hindi ko na sila matatawag na ganon...

"Anak..." hinaplos ni Daddy ang buhok ko habang nakatayo siya sa harapan namin ni Mommy. "Marami kaming pagkukulang sayo... patawarin mo kami sa lahat..."

Ngumiti ako at tumango. He kissed my head.

"We also want to change your name, if that's okay with you..." my mother said.

Bahagya akong nagulat roon. Nakalimutan ko na ang bagay na iyon dahil sa lahat ng nangyari.

"It's fine with us if you don't want to use the name we made for you. It's up to you if Cassandra is the only name you want..."

"We have already changed Elizabeth’s name. Elizabeth Mendez is her name now," Daddy said.

Nagulat na naman ako roon. I want to use the name they gave me. Para sa akin naman talaga iyon kaya bakit hindi ko gagamitin? Pero... bigla kong naalala yung sinabi ni Brandon noong sinabi ko sa kanya ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

Nirvanna Cassandra?

"Ayos lang po ba kung... palitan ko nalang ng Cassandra ang Elizabeth? I will still use Nirvanna because I know that's what you want my name to be..."

Mommy smiled. "Of course, that's okay! Kung ganon... iyan na ba ang desisyon mo?"

Tumango ako at ngumiti.

"Then, aayusin ko na iyon. Ako na ang bahala," si Daddy at muli akong hinagkan sa ulo.

Wala na yata akong isasaya sa mga nangyari. People still don't know what's going on in our family but lolo and Daddy want to introduce me to the public. They want everyone to know that I am their real daughter and family.

Masaya ang mga nagdaang araw. Usap usapan ang nangyari kay Elizabeth at pinag uusapan na rin ako dahil palagi ko nang kasabay ang mga Agravante sa school. Bumalik si Loreleil sa kung saan man siya pumunta dahil kailangan niya pang ipagpatuloy ang kanyang pag aaral roon.

I already told Arjun, Audrey and Brandon what happened. They were so happy for me. At ang mga students na pinag uusapan ako ay hindi ko na muna pinansin.

Until my happy weeks with my family changed because of a picture. I don't know who sent it to me, number lang ang nakalagay.

Akala ko tapos na. Akala ko magiging masaya na ako habang buhay. Akala ko malalagay na sa ayos ang puso ko. Pero hindi pa pala.

A man and a woman are in the picture. Sobrang pamilyar sa akin ng mga mukha nila at hindi ako pwedeng magkamali. Brandon was lying on a white bed, I could see the muscle in his stomach because he was naked. Next to him was Elizabeth smiling in the picture, nakatakip ang mukhang hubad rin na katawan.

Lumipad ang aking kamay sa bibig ko nang nakita iyon. Nangilid agad ang luha sa mga mata ko at paulit ulit na kumirot ang puso ko.

"I-I don't know! Yes, I saw Elizabeth at the party and I don’t know why she was there even though she should be at DSWD. H-Hindi ko pinansin dahil akala ko nakalaya na siya!" si Audrey na mukhang natatakot sa kung ano man ang gagawin ko.

"Magkasama ba sila ni Brandon?" nanginginig ang boses ko nang tinanong ko iyon.

Nagpaalam si Brandon sa akin na pupunta siya sa birthday party ni Franz sa bahay nito kahapon. At syempre umattend rin roon si Audrey. Pero hindi ko alam na nandoon rin si Elizabeth! Paano siya nakatakas sa DSWD?

"Y-Yes. Magkasama sila sa iisang table pero malayo sila sa isa't isa! Kasama sa table ang mga kaibigan ni Elizabeth kaya nandoon rin siya p-pero--"

"Tama na. Wag ka nang magpaliwanag," malamig kong sinabi, nangingilid ang mga luha sa mata.

"Cassandra..." takot niyang sinabi.

"Pupuntahan ko si Brandon," sabi ko at tumayo para maka alis sa coffee shop.

"Sandra!" habol niya pero hindi niya ako napigilan.

Nakipag kita ako kay Brandon nung gabing iyon. Kahapon lang nangyari ang party at kagabi lang may nagsend sa akin ng picture. Hindi kami nakapag kita ngayon dahil busy siya sa pag aaral niya, maraming ginagawa at ganon rin ako. Napagkasunduan naming magkita bukas pero hindi na iyon matutuloy!

Galit na galit ako. Kasabay ng galit na iyon ay ang sakit na paulit ulit kong nararamdaman sa aking puso. Paano niya nagawa sa akin 'to? Natulog siya kasama si Elizabeth at anong nangyari sa kanila? Naiisip ko palang kung ano ang nangyari ay sobrang umaapaw na ang galit ko pero mas matindi ang sakit!

Pumayag siyang makipag kita sa bahay namin kahit alam kong sobrang dami niyang ginagawa ngayon. Pero hindi ko siya papapasukin sa bahay. Doon lang kami sa labas at mag uusap kami!

"What's this?" walang alinlangan kong pinakita sa kanya ang picture na sinend sa akin ng kung sino!

He just arrived and he was supposed to greet me with a hug but I stepped back and immediately showed him the picture. I don’t have time for his game, I want to know the truth!

Kahit nakakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang picture, alam kong bahagya siyang nagulat. Binaba ko ang cellphone ko at tinignan siya.

"Ano to?" muli kong tanong.

"What's that?" nalilito niyang tanong.

"Ako ang nagtatanong! Ano to?" sigaw ko.

Nasa labas kami ng mansyon kaya hindi kami maririnig. At gabi na rin.

"Hindi ko alam, Casaandra. Hindi ko alam kung--"

"Sinungaling! You slept with Elizabeth and what? May nangyari sainyo?"

"What? No! Walang nangyari sa amin! Hindi ko alam kung bakit nandyan siya--"

"Bullshit!"

"Cassandra..." sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero umatras ako.

Nagulat siya sa ginawa ko. He swallowed hard.

"Ano nga bang alam ko sainyong dalawa? Nung una kong pasok sa school, diba nililigawan mo siya? Bakit nga ba naging kampante ako na walang namamagitan sainyong dalawa?!"

"Walang namamagitan sa aming dalawa, Cassandra. Hindi ko siya gusto at hindi ko siya niligawan! Nagpaalam akong pupunta sa party ni Franz kagabi at oo doon ako natulog, sinabi ko sayo iyon. Pero sa guest room ako natulog. Nang mag isa! Hindi ko alam kung paano siya napunta dyan... please..." he explained.

Umiling ako at nangilid ang luha sa mga mata. Matagal nang merong namamagitan sa kanilang dalawa ni Elizabeth! And if he was the only one sleeping in that room, bakit nandoon si Elizabeth?! Hubad siya at hubad rin ang babaeng iyon?!

"Please... walang nangyari. Believe me. Walang nangyari sa amin!" sinubukan niya ulit kunin ang kamay ko pero hinawi ko iyon.

Sandali ulit siyang natigilan sa ginawa ko.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ang totoo? Matatanggap ko naman, eh. Sabihin mo lang! Kasama mo si Elizabeth kagabi at may nangyari sainyong dalawa! Wag mo na akong paglaruan at aminin mo nalang ang ginawa mo!"

"Oo kasama ko siya! Pero dahil iyon kasama namin ang mga kaibigan niya. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya naroon dahil dapat nasa DSWD siya. Hindi kami nag usap, ni hindi ko siya tinitignan. Walang nangyari sa amin, Cassandra!"

"Bakit doon ka natulog, kung ganon?"

"I was so drunk, I couldn't drive anymore! Matagal na akong nakikitulog sa bahay nila Franz kaya doon nalang rin ako natulog kagabi. Please... I'm sorry. I don't know what happened--"

"Shut up! Lasing ka at hindi mo alam na may nangyari sainyo ni Elizabeth. You don’t remember anything because you were drunk!"

"Even though I was very drunk I know what I was doing! I know I just slept in that room. I never slept with Elizabeth. I won't do that to you!"

Umiling ako. Tumulo ang luhang hindi ko namalayang nangilid na pala sa mga mata ko. Pinunasan ko agad iyon. Nakakahiyang umiiyak ako nang dahil lang sa lalaking ito.

"Sinira mo ang tiwala ko. Napaka walang hiya mo! Tama nga siguro ang sinasabi ng iba na playboy ka. Playboy ka!" tinulak ko siya.

He immediately grabbed my arms because of that. Nagpumiglas ako dahil sobra akong nandidiri sa kanya. Baka mamaya pinanghawak niya pa ang mga yan kay Elizabeth!

"Bitawan mo ako! Sinungaling ka! Playboy! Umalis ka sa harapan ko!"

"Please... I can't do that to you! I didn't sleep with Elizabeth. Hindi ko magagawa sayo iyon... please... mahal kita, Cassandra..."

Nanlaki ang mga mata ko. Pero hindi na ako magpapabola pa sa lahat ng sasabihin niya! Tinulak ko siya ng buong lakas at agad siyang napa atras sa panghihina. Takot ang nakita ko sa kanyang mga mata habang tinitignan ako. Umiling ako at tinibayan ang loob.

"Sinungaling ka. Ayaw na kitang makita!" buong lakas kong sigaw.

Hindi siya nakapag salita. Tinitigan niya lang ako sa nanghihinang mga mata.

"Simula ngayon wag na wag ka nang magpapakita sa akin! Let's break up!"

"No..." lumapit siya sa akin, ngayon madilim na ang mga mata.

"Hindi ko kailangan ang opinyon mo! For me, we're not in a relationship anymore!"

"Walang nangyari sa amin ni Elizabeth! Please, don't believe them!"

"Bitawan mo ako!" sabi ko nang hinawakan niya muli ang kamay ko.

"Cassandra, please..." muling nanghina ang kanyang mga mata.

Nakawala ako sa kanya at agad akong umatras. Pina alis ko ang mga luha sa aking pisngi.

"Umalis ka na! I don't want to see you again!" sabi ko at pumasok na sa loob ng aming gate, iniwan siya roon.

Sandali akong humagulgol sa kwarto ko hanggang sa natulala nalang ako. Galit na galit ako pero mas matimbang ang sakit na nararamdaman ko. Thinking that something really happened between him and Elizabeth in that fucking room is breaking my heart so much!

Akala ko maayos na ang lahat sa buhay ko pero hindi pa pala... May mas masakit pa pala kesa sa lahat ng iyon.

Lumipas ang mga araw na nagpatuloy lang ako sa pag aaral ko. Doon ko nalang ginugol ang buong atensyon ko dahil walang kwenta kung iiyak lang ako nang iiyak at magmumukmok.

Minsan nagkikita kami ni Brandon pero mabilis akong umiiwas. Papalapit palang siya'y umaalis na ako. I don't want to talk to him anymore. I just remember what he did every time I saw his face.

"Hindi magagawa ni Brandon iyon," seryosong sinabi ni Issa.

"Brandon is kind!" si Johan naman.

Hindi ako nagsalita.

"Bakit nakipag break ka agad sa kanya? He's not doing anything wrong, Van," Johan said.

"Anong wala? Nakita niyo na ang picture," malamig kong sinabi at sumimsim sa juice ko.

Nandito sila sa bahay at nasa may pool side kami.

"Pero hindi niya talaga magagawa iyon..." si Louissa na nakakunot ang noo.

"You're close to him?" tanong ko.

"Well..." hindi siya nakapag salita.

See? Umiling ako.

I became close to them immediately. Aside from Johan being friendly, Louissa and Michelle also want to get to know me. At first they were still really shocked but later they also accepted everything.

"Just respect Van's desicion. Hindi natin masasabi kung ano talaga ang tunay na nangyari..." Mich said.

Walang nagawa ang dalawa kundi suportahan ako sa desisyon ko.

Christmas came and it was my first time spending Christmas with my real family. We spent Christmas in New York. I was amazed because it was my first time to go there. They had a big house and they also gave me a big room.

Nagpasko ang ibang pinsan ko sa ibang bansa. Sumama si lolo sa amin dahil gusto niyang makasama rin ako.

Panandalian kong nakalimutan ang nangyari sa amin ni Brandon. Masayang masaya ako at wala na yatang makakapantay roon.

Hanggang sa nag new year. We also celebrated the new year there. Maraming handa ang pamilya at masayang masaya na naman ako. Pagkatapos noon ay umuwi rin kami agad dahil may pasok pa ako.

When I graduated Mom and Dad talked to me. They said they planned to go to New York to rest from everything that had happened to us. Gusto nilang doon na rin ako mag aral muna pero hindi nila ako pinilit, ako pa rin ang pinagdesisyon nila.

"Sige po. Payag po ako..." sabi ko at maliit na ngumiti.

Siguro ayos na rin ito para makalimutan ko ang nangyari at para... makalayo na rin. I don't want to see him anymore because every time I see him, everything just keep on coming back to me.

"Are you sure? Paano kayo noong... boyfriend mo?" medyo nag aalangang tanong ni Mommy.

Nagulat ako roon. I haven’t told them about my relationship with Brandon yet so I don’t know how she found out that there was something going on between us. Pero siguro dahil iyon doon sa naganap sa birthday ni Elizabeth noon.

"Boyfriend?" kunot noong tanong ni Daddy.

"I heard from Johanna that..." tumingin sa akin si Mommy.

Damn, Johan...

"We broke up," diretso kong sagot.

Nagulat si Mommy. Nalilito naman ngayon si Daddy.

"Who's your boyfriend?" Daddy asked.

"Brandon Monteza. But... we broke up already," I said.

"Brandon Monteza? He's your boyfriend? Why didn't you tell us about that?" istrikto ngayon ang boses ni Dad.

"I'm sorry, Dad. We broke up. Hindi na po mauulit..."

He sighed. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. She smiled.

"Hindi na ako magtatanong kung ano ang nangyari. Pero gusto kong malaman mo na ang pagmamahal ay hindi nagmamadali..." that's a piece of advice from my Mom.

We visited Cagayan before leaving for New York. I want to visit Mama there and Mom and Dad also want to visit her to thank her for taking care of me. I also want to see Aling Carlita, Charlotte, Olivia and Emma. Para na rin masabi ko sa kanila ang totoo.

Tinitigan ko ang puntod ni Mama habang nasa likuran ko si Mommy at Daddy. Kumikirot pa rin ang puso ko pero nagawa ko pa ring ngumiti.

"Mama... nandito po ngayon ang tunay kong mga magulang. Alam kong gusto mo ring makabalik ako sa kanila kaya sinabi mo sa akin ang buong katotohanan. Maraming maraming salamat, Mama. Kung hindi dahil sayo... hindi ko na sila makikilala pa..." napapaos kong sinabi.

Ngumiti ako at tumingin kina Mommy at Daddy na lumapit sa akin.

"This is Pauline and Marvino Agravante, my parents. Mommy, Daddy, si Mama, Sophie Juarez..."

Malaki ang pasasalamat ni Mommy kay Mama. Hindi ako makapaniwalang may dalawa akong ina ngayon at masayang masaya ako roon. Daddy also thanked her wholeheartedly at pagkatapos noon, masaya kaming umalis para puntahan ang mga dating kasama ko rito.

"Cassandra!" si Charlotte nang nakita ako.

Nandito kami sa dating lugar namin. Maraming tao at ang iba nakatingin sa amin dahil bumaba ako galing SUV. Sinalubong ako ni Charlotte ng mahigpit na yakap at nakita ko rin sa hindi kalayuan si Aling Carlita na nagulat rin sa pagdating ko.

"Na-miss kita! Kamusta ka na? Anong ginagawa mo rito?" sunod sunod na tanong ni Charlotte na maiiyak na.

Natawa ako. "Na-miss rin kita. Bakit ka umiiyak?"

"Kasi na-miss talaga kita! Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko hindi mo na gugustuhing bumalik rito dahil sa..." hindi niya natuloy.

I smiled. "Nandito ang Mama ko, bakit hindi ko gugustuhing bumalik?"

Ngumuso siya at dahan dahang napangiti habang ang luha ay nasa mga mata na niya. Aling Carlita came over and hugged me too. Sandaling pag uusap ay napatingin sila sa likuran ko.

Tumingin ako kay Mommy at Daddy na naghihintay sa amin. Mommy smiled at them habang seryoso naman si Daddy.

"Uh... ito ang mga magulang ko. Si Pauline at Marvino Agravante..." sabi ko.

"M-Magulang mo?" gulat na tanong ni Aling Carlita.

"Anong ibig mong sabihin, Cassandra?" si Charlotte na natigilan rin.

Binati sila ni Mommy at Daddy. Sa susunod ko nalang dapat ikukwento sa kanila ang lahat ng nangyari nang sinabi ni Mommy na ayos lang sa kanila na maghintay sa loob ng SUV. Kaya nagkaroon kami ng kwentuhan nina Aling Carlita at Charlotte.

Gulat na gulat sila sa mga sinabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat? Medyo napatagal tuloy kami sa kwentuhan at tatagal pa sana kung hindi lang pinuna ni Aling Carlita ang paghihintay ng parents ko sa sasakyan. Sinabi niyang sa susunod nalang ulit kami mag usap pagkabalik ko ng New York.

Kaya nagpaalam na ako sa kanila at naiiyak na naman si Charlotte. Niyakap ko silang dalawa at pagkatapos noon sumakay na sa loob ng sasakyan. Nagpaalam sa kanila ni Mommy at pagkatapos no'n ay umalis na kami.

Sunod na pinuntahan namin ay ang mga kaibigan ko. I called them and told them to meet at a restaurant. It's already noon so we have to eat. Pagkatapos nito ay ililibot ko sila sa magagandang lugar dito sa Cagayan.

"Oh my gosh! Cassandra!" si Olivia nang kinawayan ko sila para mahanap nila ang table namin.

Pero natigilan silang dalawa ni Emma nang nakita kung sino ang kasama ko. Tumayo ako at ngumiti. Alam kong mahaba na naman itong pagpapaliwanag at nahihiya na ako kay Mommy at Daddy pero sinabi ni Mommy na ayos lang sa kanila iyon.

Pinaliwanag ko rin ang lahat kina Olivia at Emma pagkatapos naming kumain. Naghintay ulit si Mommy at Daddy sa loob ng sasakyan. Hindi rin sila makapaniwala na ngayon nagtagal na talaga ang usapan naming tatlo.

"So you're going to New York?" si Olivia nang nakabawi sila ni Emma sa lahat ng sinabi ko.

"Yes. I'm gonna miss you. Babalik rin naman ako."

"We'll gonna miss you too! Hindi ako makapag hintay na makausap ka ulit. Gosh. Hindi pa rin ako makapaniwala! Parang namanhid ang utak ko, sandali lang," si Emma na tinaas pa ang kamay.

Ganon rin si Olivia na parang pinoproseso pa sa utak niya ang lahat. Natawa ako sa kanilang dalawa pero normal lang na maging ganito sila. Sa lahat ng nangyari, lahat ng katotohanan, talagang magugulat sila. Especially since they know me as Cassandra Juarez. Ngayon isa na akong Nirvanna Cassandra Agravante.

Kilala sila ni Mommy at Daddy dahil isa rin sa mga kilalang tao ang Albert at Donesa, iyon ang mga apelyido ni Olivia at Emma. Kilala rin nila ang mga Agravante kaya gulat na gulat sila.

Hanggang sa nagbakasyon kami sa Cagayan, hanggang sa bumalik kami ng Manila at nagtungong US. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko sa huling pagkakataon at sa isang tao lang ako hindi nagpaalam.

I don't think it's necessary. I knew Elizabeth was the one he really likes. Come to think of it. Close sila ni Elizabeth at usap usapan noon sa school na nililigawan niya ito. Hindi magkakaroon ng ganong issue kung hindi sila nakikitang magkasama at sweet! Sigurado akong ganon ang mga nakikita nila kaya nag assume sila na nililigawan nga ni Brandon si Elizabeth. At hindi lang iyon pag aassume, totoo iyon!

Galit pa rin ako hanggang ngayon. Kahit isang taon na ang lumipas, galit na galit pa rin ako. I trusted him, I loved him with all my heart, I let him be my boyfriend but he wasted it. I will never let him fool me again!

Uuwi kami bukas dahil kailangan na si Daddy sa kumpanya. Kung ako lang ayoko pang umuwi pero wala naman akong magagawa. Alam kong kailangan.

Bakasyon ko na ngayon dito kaya pwede na kaming umuwi. Sa Pilipinas hindi pa tapos ang school kaya siguradong busy pa ang mga pinsan at mga kaibigan ko.

Sinuot ko ang airpods ko at nagpatugtog ng music bago muling tumakbo. Inalis ko sa isip ang lahat ng naalala ko. I don't want to remember that anymore. I don't want to remember his face giving me nothing but anger.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
15.9K 663 53
"I became a soldier for my love ones other than serving this country. I don't appreciate that you're a soldier too." How much can you sacrifice to wi...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson