Anathema (The Academy of the...

By trikxster

279K 21K 4.9K

A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking a... More

The Curse of a Gift
Chapter One: Meeting the Mad Dog
Chapter Two: The Prestigious Praeditus Academy
Chapter Three: The Partner
Chapter Four: A Game of Strength and Heartaches (Part One)
Chapter Five: A Game of Strength and Heartaches (Part Two)
Chapter Six: Dinners & New Companions
Chapter Seven: Questions Not Yet Answered
Chapter Eight: A Cruel World
Chapter Nine: The Guessing Game
Chapter Ten: Curses for Monsters, Gifts for the Fortunate
Chapter Eleven: To Eliminate the Threat
Chapter Twelve: The Game of Chance
Chapter Thirteen: Warnings and Clues
Chapter Fourteen: The Preliminaries
Chapter Fifteen: No Need for Abilities
Chapter Sixteen: A Compatible Duo
Chapter Seventeen: The Leader Who Can't Fight
Chapter Eighteen: A Proposition
Chapter Nineteen: Of Ice and Blood
Chapter Twenty: The Raskell's Lone Survivor
Chapter Twenty-One: The New Death Rule
Chapter Twenty-Two: Underground Murders
Chapter Twenty-Three: The Witch's Day
Chapter Twenty-Four: While The Lion Fights, The Wolf Will Steal The Hunt
Chapter Twenty-Five: A Missing Pet
Chapter Twenty-Six: The Bet with the President
Chapter Twenty-Seven: Murder Meeting
Chapter Twenty-Eight: Fire to Cover the Ash
Chapter Twenty-Nine: Rainy Dates & Burning Dreams
Chapter Thirty: The Time Maiden
Chapter Thirty-One: Timebound
Chapter Thirty-Two: Anathema
Chapter Thirty-Three: A Game of Dice
Chapter Thirty-Four: Conversations Over Tea
Chapter Thirty-Five: Malverick
Chapter Thirty-Six: The Boy Who Was Caged
Chapter Thirty-Seven: It's Valentines
Chapter Thirty-Eight: Trapped
Chapter Thirty-Nine: Falling Petals
Chapter Forty: Obsession
Chapter Forty-One: A Caged Traitor
Chapter Forty-Two: Dudes in Distress
Chapter Forty-Three: Game of Trust (Part One)
Chapter Forty-Four: Game of Trust (Part Two)
Chapter Forty-Five: Chase, Seek & Something Weird
Chapter Forty-Six: A Game to Bet Them All
Chapter Forty-Seven: High Stakes
Chapter Forty-Eight: Madness
Chapter Forty-Nine: Lost in Time
Chapter Fifty: Two Queens
Chapter Fifty-One: Skies Filled with Ice and Fire
Final Chapter: Of Monsters and Villains
Epilogue: The Gift of a Curse
Keian's Account: Fragile Memories
Special Chapter: The Boy Who Can Copy Abilities
Special Chapter II: A Game of Poker

Mikhael's Account: A Mad Dog's Heart

4.1K 281 96
By trikxster

Bear with the special POVS. Magiging mahaba sila :3 Thank you for 15k Reads!

-mikhael's account-

I'm not sure when my ability first surfaced. I can only remember the time when I first found out about it.

Nasa likuran ako ng eskwelahan. Nakikipagbugbugan.

My fist came into contact with his bloody face. His head hits the wall and he falls on the pavement, along the other boys who were dumb enough to bully Ana. Putok ang labi ng isa at may black-eye ang kasama niya. Bugbog-sarado silang lahat.

I scoffed, "Tch. Walang kuwenta."

I cracked my knuckles and clicked my neck. Tanginang mga lalaki 'to. Ang tapang-tapang sa babaeng walang laban, pero 'di naman makatayo ng maayos sa'kin. Nag-iisa nga lang ako at tumawag pa siya ng back-up.

"Kel?!"

Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. I muttered a curse under my breath when she stared at the injured boys on my feet. Alam kong patay na ako sa pinsan ko nang maglakad siya sa'kin na puno ng galit.

"Nakipagbugbugan ka na naman!" saway niya. "Mapapa-guidance ka na naman nito at mapapagalitan ni Tito! Nag-iisip ka pa ba!"

I rolled my eyes. "Okay lang. Dapat lang 'yan sa mga gago."

"Kel, I don't mind their insults. It's normal. People like us-" Iniwas niya ang tingin. "We're always treated like a monster. It's part of our life⁠-"

"I'll be damned if I won't punch anyone who insults you, Ana. Normal man 'yan o hindi, ayoko pa ring pinagsasalitaan ka ng masama."

Anastasia huffed and rolled her eyes. "Oo na. Ikaw na ang pinaka-caring na pinsan sa buong mundo, 'yan ba gusto mo? Hay nako talaga, Kel. Kailan ka kaya makakahanap ng katapat mo?"

Hindi ko na siya pinansin. Ana's concern are always on trivial matters. Dahil sa lagi akong sabak sa bugbugan, inaakala niya nang mabubuhay ako mag-isa. Ang bata pa nga namin.

"Anyway, pupunta tayo sa nurse's office. Hindi ba masakit 'yan?" Sabay turo niya sa kamay ko at sa mukha na natsambahan ng suntok kanina.

Napangiwi ako do'n. Going to the nurse always brings trouble. Dahil lagi nilang tinatanong kung saan galing ang natamo kong pasa, at malalaman ulit nila na nakipag-away ako, kaya naman guidance ulit ang kahihinatnan ko. Still, I couldn't possibly say no to Ana's threatening eyes. My cousin may be a forest fairy, but she can become a beast.

I flexed my fingers and was slightly surprised when I could actually feel strength rather than the pain. Ilang beses na 'tong nangyari. Kapag nagkakasugat ako ay parang mas lumalakas ako. Even though I should be weakened because of my bruises.

Hahatakin na sana ako ni Ana palayo nang maramdaman ko ang pagtayo ng isang lalaki. Gagong 'to, may lakas pa pala para tumayo. Pusta ko buong manok ni Papa na hahampasin niya ako sa likod. Tangina, ano ba akala niya sa'kin, 'di nanonood ng action movies?

Quickly, before he can try to attack, I turned around to deliver a punch. Naiwasan niya ito at tumama ang kamay ko sa pader. It would be enough for him to attack me, if only he wasn't filled with fear.

Dahil sirang-sira ang pader kung saan tumama ang kamay ko.

After that, my family had me checked. Doon namin nalaman na mayroon din akong ability. The power to get stronger at every drop of blood. So I named it Bloodhound.

My temper got worse after that, dahil maliban sa pagkukutya kay Ana, isa na rin ako sa napagtripan nila. After all, there was an even better excuse if things get bad. Mikhael is an ability-user who gets stronger at every injury, so he went berserk and severely wounded me.

Siyempre paniniwalaan iyon at mapapasama ako, dahil isa't kalahating tanga na ang mga tao ngayon.

Wala naman akong paki-alam sa kanila. Ang mahalaga may mabuting pamilya akong inuuwian, kaya bahala sila't mang-insulto diyan. Heh, hindi naman ako ang mananatili sa hospital pagkatapos.

I've never thought anyone, aside from my family, would be kind to me. Not until I met Tanya.

It was in an arm-wrestling game. Gusto kong sumali do'n at kakatapos ko lang manalo nang mahagip ng mata ko ang isang babae. She was tailing after her father, eyeing the men who entered the competition. Then, her eyes met mine.

Nanalo ako do'n. Nalaman ko ring sila pala ang gumawa ng competition.

Muli ko siyang nakita sa eskwelahan. Lagi niya akong tinutulungan at hindi siya nawawala sa tabi ko. Siya ang pinakaunang babae, maliban sa pamilya ko, na naging mabait sa'kin. Kaya naman pinahalagahan ko siya.

She's like a sister or a mother to me.

Eventually, we parted ways. An invitation arrived at our house. A school dedicated for ability-users opened up. Ang gusto nito ay matulungan kaming kontrolin at palakasin ang sariling abilidad. My mother was suspicious about it at first, but eventually she agreed.

Sabay kami ni Ana na pumasok no'n. January 21. Malamig ang ihip ng hangin sa gubat kahit na tirik na tirik ang araw. Masasabing napakaganda na panahon no'n. Pero naiirita ako kasi napakaraming tao na napapatingin sa'kin. I kept glaring and scowling at them, until it eventually stayed on my face.

Nasa may gate na kami no'n nang tumigil si Ana para purihin ang paligid. I scoffed at her. Siguro hindi niya 'yon mapigilan dahil sa ability niya pero parang tanga siguro kami dito na tumatayo lang. Lalo na't wala naman atang nakatunganga lang dito⁠-

Natigilan ako nang mapansin ang isang babae. Nakatayo lang siya't nakatitig sa'min na parang inaaral ang bawat galaw. Her red hair flowed freely and I quietly wondered how her eyes are the exquisite kind of blue. Ngunit may kakaiba sa mata niya na nagpainis sa'kin kaya naman sumimangot lang ako't umirap.

"Tch, halika na nga Ana! Pumasok na tayo sa pesteng academy na 'yan!" singhal ko't hinatak siya papasok.

Ana chuckled, simply because annoying her is difficult. "Bakit ka ba inis na inis, Kel? Are you mad Auntie sent us here?"

Hindi ko siya sinagot at bagot na umupo sa isang upuan. Gusto ko sanang purihin at idescribe kung gaano kaganda 'tong admission office nila pero nakakairita ang pagtitig no'ng babae kanina. Parang libro kami na binabasa at inaaral niya. There's even a smugness and arrogance in her eyes that I abhor to see again.

Pero talagang sinusubukan ako ng panahon ngayon dahil walang modo ang lalaking tumabi sa'min.

"Oh? 'Di ba ikaw si Lopez? Mikhael Quant Lopez?" tanong nito sabay bungisngis. "Ba't ka nandito?"

Dahan-dahan kong nilipat sa kaniya ang naiiritang tingin. Anong pinapahiwatig ng hayop na 'to?

"Siguro para nga sa lahat 'tong academy," kita mo, siya naman sasagot sa sariling tanong. "Pero ang makasama ka? Ikaw nagpapa-pangit ng imahe natin eh. Kahit sino na lang inaaway mo. Kaya lagi tayong nasasabihan na halimaw kasi ikaw, halimaw talaga⁠-"

Tumayo ako't hinatak siya. I grabbed the collar of his shirt and pushed him off, making him stumble towards the pathway. May narinig akong suminghap sa paligid namin pero wala na talaga akong pakialam doon. Mas gusto kong sirain ang mukha ng lalaking 'to.

I felt satisfaction when my fist hit his face. Napakalakas ng suntok na binitawan ko kaya naman natumba ito sa sahig. I fought the urge to smirk at him.

Maghahanap ng away, wala naman palang maibubuga ang hinayupak. Hanggang daldal lang naman pala ang isang 'to. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang mga taong magaling lang sa salita.

I clenched my fists and my lips curled into a snarl. Hindi pa ata sapat ang natamo nitong sugat dahil may gana pang ngumisi ang lalaki sa'kin. Kaya naman humakbang ako palapit sa kaniya para talaga maturuan na siya ng leksiyon.

Ngunit bigla akong napahinto nang isang kamay ang humawak sa t-shirt ko. Bumaba ang tingin ko dito. The grip was tight and held a lot of strength.

"I don't really care if he dies or not, nor if you get expelled. But," someone hissed beside me and made me turn to face them. "I won't let you cause problems in my admission. So leash that temper of yours, Mad Dog."

I stared at the girl in surprise and rage. Naalala ko siya bilang ang babae na nakatayo lang kanina sa labas. Her blue eyes are glaring at me, her face in a scowl.

Hahanga na sana ako sa lakas niya kung hindi lang pumasok sa isip ko ang tinawag niyang pangalan. Mad Dog? Tangina, anong klaseng tawag 'yon. Hindi naman ako isang aso para tawaging gano'n.

Namuo ang inis sa puso ko at sinamaan ko siya ng tingin. Binitawan niya ako pero hindi ko siya hinayaang makaalis. Sa halip ay hinawakan ko ang pulsuhan niya.

"Mad Dog...?" hindi makapaniwalang bulong ko. "At sino ka sa tingin mo para tawagin akong aso, huh?!"

I saw her flinch. Walang kahit anong emosyon ang mukha niya pero may nababasa ako sa mata niya. Kagaya ko ay naiirita din siya. Mabuti naman. Papasok-pasok kasi sa gulo na hindi naman kasali.

The red-haired girl glared at me. "Exactly that! All you do is bark, bark, and bark!"

Mas nasurpresa ako sa lumabas sa bibig niya. Talaga bang kinokompara niya ako sa aso at sinasabihan niya pang tumatahol ako?!

"A-Anong bark?!" singhal ko. "Hoy, babaeng pula, hindi ako isang pesteng aso!"

"Wow. I never even said that you're a pest, but congratulations for describing yourself perfectly." sabay ngisi niya na mas lalong nagpa-inis sa'kin.

Aba't-! Magpasalamat siya't pinipigilan ko ang sarili na manuntok ng babae.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. I knew it was Ana from the voice that spoke after. Dahil sa kaniya, panandaliang nawala ang tensiyon mula sa'min ng babae. I calmed down, afraid my actions would travel to my father. Ayaw niyang may inaaway akong babae.

"He provoked me." tanging sagot ko kay Ana nang tanungin niya ako tungkol sa lalaki.

From the corner of my eye, nakita ko ulit ang taimtim na pagtitig ng babae sa katawan ko. Nakakainis talaga ang mga titig niya. She looks like she's deeply studying us and it irks me a lot. Mabuti na lang at umalis na siya bago pa ako tuluyang mairita.

Ana pouted. "Oh, tingnan mo tuloy. Umalis siya."

"Buti nga." I crossed my arms. "Nakakainis ang babaeng 'yon."

"I think she was only trying to help you."

Gulat akong napabaling sa pinsan. My eyes twitched, irritation bubbling inside me. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ang walang-modo na babaeng 'yon?

"Narinig mo ba ang tinawag niya sa'kin, Ana?! She called me a mad dog! Baliw na aso! Walanghiya siya! Sa susunod na makikita ko ang babaeng 'yon, papatayin ko siya!"

Ana only patted my back like she was trying to console a kid. I huffed and gritted my teeth. Nakakainis. Nasira ang araw ko dahil sa kanila.

Nang i-test ang ability ko ay hindi ko napigilang magberserk. The girl's red hair and blue eyes haunted me. Her cold gaze and smug face followed me. Nakakairita talaga. Kita mo at naging itim pa tuloy ang collar ko.

Kasalanan talaga ito ng mangkululam na 'yon.

That girl really looks like a witch. Her hair is a bit curly and red, which is similar to witches. Ang buong personalidad niya ay ubod ng sama. Ang pinagkaiba lang ay ang asul niyang mata. Para sa isang nakakairitang babae, ang ganda ng mata niya.

Sana lang hindi ko na siya makita ulit. Lalo na at konting-konti na lang ang pasensya ko ngayon. Tangina, baka talaga may magawa akong masama 'pag nagkataon.

Pero mukhang ayaw sa'kin ng mundo dahil ipinag-partner kaming dalawa. Nang magtama ang tingin namin, ramdam kong sasabog na ako.

"Tumabi ka nga." I growled. "Hinahanap ko ang partner ko."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. I thought she'd be annoyed off her guts, but instead she gave me a smirk.

"You're actually dumber than what I've assumed."

Tangina, konti na lang talaga.

"Ano'ng sinabi mo, annoying witch?!"

I felt satisfied when I saw the flicker of irritation in her face. Akala mo ikaw lang makakagawa ng stupid nicknames diyan?

"Did you just call me a witch, stupid dog?!"

"Bakit, hindi ba?! Your hair is red and you have a prickly attitude!"

"Ha. You must be mistaking you for yourself." Nangingiti niyang inilagay ang takas na buhok sa tainga."Oh, but being a witch is alright, I guess. At least I can curse people, while all you do is bark."

Punong-puno na ako.

Nakakairita ang boses niya, ang buhok niya, ang aroganteng ngisi, at ang mata niyang ubod ng ganda. My right fist clenched and I gritted my teeth, trying to control my anger. My hand unconsciously raised itself and I was about to do something I'd regret when she stopped me.

Pinaalala niya sa'kin ang mangyayari sa nakakainis na boses. Kaya naman binawi ko na lang ang kamay at tahimik na nagmura bago naglakad palayo. Bakit pa kasi siya ang partner ko? Sa rami ng mapagpipiliang estudyante, bakit ito pang hindi ko kayang makasama sa iisang kwarto?

This witch... This witch is everything Tanya is not. She's irritating. Her arrogance is annoying. Her nerves wants me to punch people.

This witch is insufferable.

"What's your ability?" biglang tanong niya.

I glared at her. Really, really insufferable. "Hindi mo ba alam na hindi pwedeng itanong 'yan?"

May pabasic-basic information pa siyang nalalaman, sana sinabi niya na lang na magpakilala kami sa isa't isa.

Serena Raskells. 'Yon ang pakilala niya sa'kin.

The witch finally had a name, but I'd still use the stupid nickname purely because it irritates her. Patas lang kami at ginagamit niya naman palagi ang Mad Dog.

Now that her face and voice has a name in my mind, mas tumatatak sa isipan ko na talagang partner ko siya. One whole year with her as my partner. Sana lang hindi kami makapagcommit ng murder sa panahong 'yan.

Lalo na't hindi siya isang ordinaryong babae lang. The witch can fucking read weaknesses, kaya naman napakabilis lang sa kaniya na hanapin ang masakit na parte ng katawan ko. Kaya ba nila kami pinagpartner? Kasi nakakabasa siya ng weaknesses, at ako naman ay maganda sa offense.

Mukhang may sense nga naman ito.

"My ability is called Bloodhound."

Putol ko sa kung ano mang sasabihin niya. I said it in a quiet voice, but the witch still heard it.

"So aso ka nga."

Fucking- Sinamaan ko siya ng tingin at muli na naman kaming nagbangayan. Why can't this witch just shut up? Dapat ba laging may witty comeback siya? Sinabihan niya pa akong siya ang brains at ako ang tig-suntok niya.

I gritted my teeth and calmed myself down. Kalmahan mo, Mikhael. Isang taon lang naman kayo magiging partners. Kaya mong pakisamahan ang nakakairitang babae na 'to⁠-

When I stood in front of a familiar person that day, I cursed myself for being her partner once again. Hindi lang niya nakalimutan ang damit at ginamit ang tatlong chips. Talagang sumali pa siya sa laro sa unang araw ng stay namin sa academy.

Not to mention that I faced Tanya, the sweetest girl I ever knew. Arm wrestling ang laro namin at nagpabalik ito ng alaala sa'kin. It's where Tanya and I met for the first time too.

But the witch's reckless behavior would make me hurt the girl who always offered me kindness. Ayokong gawin 'yon.

This witch really brings nothing but trouble.

Still... she's really amazing.

Kahit na nakakairita siya, mangha ako sa ginawa niya. Lalo na't nang mabilis niya lang matalo ang partner ni Serena na mukhang malakas. A person who can target weaknesses is really fearsome.

Maybe that's when I saw Serena on another light. Especially when she said she was aiming for a tie, not a quick win. Nagulat ako no'n dahil binigyan niya ako ng desisyon. Siguro'y talagang napansin niya na ayaw kong makalaban o masaktan si Tanya, kaya naisip niya 'yon.

So, when I found out about Tanya's true colors, I was surprised but something else entirely clouded my mind. I'd deny it back then, but it was really the witch who understood my worries.

Serena's annoying and feels joy in using people. She's smart to the point that it's scary. She's freaking difficult to talk with when she keeps on shutting you out with witty remarks. Nakakainis ang titig niya na parang binabasa ang buong pagkatao mo. The thought of her easily controlling the people around her, like puppets, makes me mad.

Dahil parang bagay lang kami na magagamit at itatapon 'pag wala nang halaga.

"What, you're angry you were used?" singhal niya nang sumara ang elevator. "Then, use me back. Simple as that."

I stared at her, eyes filled with anger. Napakatalino niya sa puntong ang bobo niya na sa emosyon.

"No, that's not the point! Ugh, nakakairita ka talaga." naibaba ko ang galit na tingin. "You just don't use people... that's too cruel."

I hate it when people flaunts their strength verbally, because they're physically weak. Nagagalit ako sa mga taong napakabilis mangjudge ng iba. Nagagalit ako sa mga taong walang pakialam sa nararamdaman ng kapwa nila.

My small patience makes the whole thing worse, because I am easily blinded by rage.

At si Serena... sobrang sakit niya sa ulo.

Huminto siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako.

"I believe I owe you an apology, Mad Dog. So I will treat you breakfast," huminga siya ng malalim at hininaan ang boses. "I can't help it. Using people is the only way I know how to survive."

My breath hitched. Nagulat ako nang humingi siya ng tawad, ngunit mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

Maybe I viewed the world with a filter. Dahil sa hindi naman malupit ang pamilya ko at tanging mga taong walang masabing mabuti ang mga kaaway ko.

Anastasia has told me about them. Ang mga taong talagang napagmalupitan dahil sa ability na mayro'n sila. The witch... no, Serena must have tasted war first for her heart to be that scarred.  She must have survived a dangerous game for her to master it.

It wasn't a mind-blowing experience when I've understood the witch. Parang binuksan niya lang ang bintana at hinayaan akong sumilip sa loob.

Serena's dangerous, cruel, and insufferable. But her laugh that night was really beautiful.

It was before the event that led nightmares. Nagbabangayan kami at ako na naman ulit ang talo dahil tinawanan niya lang ako. Nakakainis man na dahil iyon sa mukha ko ay natawa rin ako. When I turned to face her just to argue, the insult died on my tongue.

Serena always has a smug look if not her blank face. Sometimes her face is so focused because of her new schemes. Sometimes it irritates me because she teases me like hell. Pero...

Serena's face was bright with joy, her eyes sparkling as she laughed. Unlike her calculated laughs, this one's genuine. Napakagandang pakinggan ng boses niya ngayon. It wasn't high-pitched or too breathy, it was quite small and bubbly. Na parang hindi niya planong tumawa pero hindi niya magawang pigilan.

Napuno ng tawanan ang kusina nang gabing 'yon. Pero nanatili lang akong nakatulala sa isang babaeng napakaganda ng tawa.

Seriously... she's clever as a devil, but twice as pretty.

Serena's filled with scars from war, and she probably has a painful past, pero kahit na gano'n may mabuting puso pa rin naman siya. Mabilis nga siyang makahanap ng away pero hindi siya nang-iinsulto sa mga taong hindi naman kainsulto-insulto.

Kaya naman hindi ko napigilan na bugbugin ang lalaking pinagsalitaan siya ng masama. Oo, arogante si Serena pero hindi siya nagmamalakas lang dahil nasa tabi niya ako. Serena's strong because she is strong.

Nang maglaro sila no'n, sobrang pigil ko sa sarili na hindi suntukin ulit ang lalaking hunghang. Lalo na nang subukan niyang hawakan si Serena.

I badly want to go over there, take him by his collar, and growl that he has no fucking right of touching her.

There was no need to, because Serena is strong, even by herself. Nanalo siya sa laro nila nang walang problema.

Of course, it was expected. I wanted to smirk and proudly tell them that- that's why they should never mess with the witch.

Nang tanungin ko siya kung bakit sobrang gusto niya ang salitang 'survive', sinagot niya ako na dahil iyon sa kagustuhan niyang mabuhay. She confirmed how she lived in the cruel side of the world. That's why she treats life like a battleground, na parang sumasabak siya sa gyera.

Well, if it's a war you're joining, witch. I wouldn't mind fighting with you in it.

Malapit ko nang masapak ang sarili sa naisip. Inis kong inihampas ang noo sa mesa. Ana looked at me with concern.

"Kel, okay ka lang?"

"Hindi." sagot ko habang nakayuko pa rin sa mesa. "I'm in trouble."

"Ha? Sandali, Kel, napaaway ka na naman ba?"

Problemado akong napabuntong-hininga. I think it's much worse than that. Why am I even thinking of witch like that? Why do I want to help her win her battles?

Dahil ba gusto ko pa ring matitigan ang asul niyang mata at laging makita ang mukha niya kapag tumatawa?

I cursed again, bumping my head on the table. Narinig kong nag-uusap na si Akiru at Ana kung anong nangyari sa'kin pero... kasalanan talaga 'to ng mangkukulam na 'yon! Alam kong may ginawa siya sa katawan ko kaya naiisip ko siya palagi at ganito ang nararamdaman ko.

That witch put a freaking curse at me.

Nakakainis. Nakakairita talaga.

Lalo na nang makita kong magkasama sila ng pesteng kambal ng presidente sa isang kwarto. Hinanap ko siya kahit na sobrang sakit ng katawan ko, dahil kailangan kong sabihin ang bagong rule, pero tangina⁠—

Hindi ko napigilan ang inis nang magkasama sila sa iisang kwarto ng lalaking 'yon. Anong ginagawa nila dito? Are they having a secret conversation, and if so, why? Hindi niya ba alam na interesado sa kaniya ang lalaking 'yan, kaya bakit pa siya sumasama.

May gana pang umalis ang hayop. Siyempre pinigilan ko siya para tanungin kung anong kailangan niya kay Serena. He avoided my question but I knew he was also annoyed.

If Serena thought she was being funny when she said Keian wanted to confess, she's not.

Hindi talaga nakakatuwa.

Mas nakakainis pa siya kaysa sa pagtawag niya sa'kin ng Mad Dog. Which, speaking of, already seemed normal. Mukhang na-accept na ng sarili ko na isa 'yon sa mga pangalan ko.

Having Serena talk to me without mentioning Kahel or Mad Dog already makes me uncomfortable. Nasanay na ata ako.

Kaya ba nandito ako ngayon sa bakery pagkatapos kumain ng hapunan?

The students were still on edge dahil sa nangyaring pagpatay kanina, pero mukhang medyo naconsole sila sa sinabi ni Meredith. Serena disappeared and I haven't seen her until now. Pero tingnan mo nga naman, wala na siya sa tabi ko, pero tungkol pa rin sa kaniya ang ginagawa ko.

"Tama ba, Mr. Lopez? Strawberry cake, right?"

Tumango ako at binayaran iyon gamit ang student ID. I stared at the small box of cake and pursed my lips. I accidentally found out about her birthday. Nasa nurse's office kami't ginagamot no'n nang makita ko ang papel na finill-upan niya. I wanted to ask why she kept it as a secret but... I also wanted to respect her privacy.

Igi-greet ko pa rin siya para lang makita ang surpresa sa mukha niya.

It took me quite a while when I found Serena. Napangiti ako nang makita na nasa field siya. No matter how she wants to show people she's heartless or devoid of any emotion, she can't help but bleed for other people.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya nilapitan. Nauwi ulit kami sa bangayan pero mas namomroblema ako kung paano ko 'to ibibigay. Why did I even buy her a cake in the first place?

Pero ang makita ang papalayong pigura niya ay wala akong nagawa, kundi ang hatakin siya pabalik. Under the bright moon, no one could really rival your beauty, witch. Ang paglipad ng pulang buhok mo at ang bahagyang paglaki ng asul mong mata sa gulat.

Napalunok ako. Bakit ba sobrang-

"I'm not late." I gaze at her seriously, silently hoping she won't hear the loud beating of my heart. "Happy birthday, witch."

I was trying to hide my embarrassment when I said the last sentence. Pinigilan kong matawa nang ihampas niya sa'kin ang cake nang ngitian ko siya. Mabuti na lang at mabilis ko itong nahawakan kaya 'di naaksaya.

If Serena cheeks was slightly colored in pink, I preferred to ignore it for her.

Serena still annoys me but it's not as frequent as back then. Sa totoo lang, nasisiyahan na ako sa bangayan namin. Maybe we've become closer and I've witnessed most of her grand schemes. Witness how terribly amazing she is for making people fall for her plan. How amazingly smart she is.

Alam kong kung sa ganiyan, wala siguro akong mailalaban sa kambal no'ng presidente. Mukhang matalino din 'yon. Pero, kahit na, may isang pangako ako na hinding-hindi ko sisirain.

I'm going to clear the way for her plans. Sisiguraduhin kong magiging maayos ang plano mo, witch, at walang makakagambala nito. I'll punch anyone who stands in your way and I'd protect you from harm.

You can always count on me, Serena.

And I can always count on you to awe me.

Sa totoo lang nakakaantok na 'tong meeting nila. They're discussing Antonio's death at sumama lang naman talaga ako kasi ayokong magkalapit itong si witch at ang pesteng kambal. Wala naman akong naiintindihan sa sinasabi nila. But then-

Seeing the witch in the middle of the room, creating reactions after reactions, and manipulating everyone into believe the lie she carefully crafted, it's breathtaking. Nakangiti akong nakatitig sa kaniya habang nakahalumbaba.

Everything she does mesmerizes me. When it comes to Serena, I find myself always captivated.

Two people died but I can't say they deserved their deaths, dahil mahalaga ang buhay nila kahit na naging bulag-bulagan sila. Beauty comes with cruelty, and Serena is unfortunately one of them.

I've never imagined I'll see another version of Serena that night. Hindi ko siya nakita buong hapon mula nang tulungan ko si Tanya. I couldn't leave her alone too, lalo na't kakawala lang ng kaibigan niya.

That night, Serena fidgeted in her sheets. Nagising ako dahil sa impit na hikbi na ginagawa niya. Her eyebrows were furrowed and she seemed to be in deep pain. I had to wake her up from her nightmare.

"Serena."

Mahina ko siyang tinawag nang makitang unti-unti siyang kumalma. Napalingon siya sa'kin kaya nagkalapit ang mukha namin. Ngunit, hindi iyon importante. Mas kailangan kong malaman kung okay na siya kaya naman mas lumapit ako para pag-aralan ang mukha niya

"Binangungot ka." paliwanag ko.

She nodded. I stared at her for a few more minutes before taking back my hand that was caressing her back. Mulu akong nag-alala nang bumilis ang paghinga niya at namuo muli ang takot sa mata niya.

Her eyes... I ignored it for the first few minutes. How her eyes weren't their normal blue anymore. Instead, her left eye had a golden clock. It was odd. It was confusing.

Higit sa lahat, natakot ako para sa kaniya.

As usual, Serena avoided my question and let it go. Ayoko sana, pero pagdating sa kaniya, parang wala akong magawa. I nodded and let it go. Mas importante sa'kin ngayon kung okay siya. The discussion about her eye can be postponed, but the matter of her emotions and well-being can't.

Dalawang linggo 'yong tumira sa utak ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Pero mas hindi ko inaasahan ang taong nakilala ko nang magpalabas ako ng inis.

Two days after that, I was so annoyed I wanted to punch something. Kaya pumunta ako sa outer wall ng eskwelahan para pakalmahin ang sarili. I just wanted to let off some steam, but instead, I met Serena's brother.

"Ikaw ba ang alagang aso ng kapatid ko?"

Napatingin ako sa taas at sumimangot. Isang lalaki ang nakaupo sa taas ng pader at may hawak-hawak na cigar. Smoke escaped the item as he breathed out.

"Tao ako." pagod na sagot ko.

He chuckled. "Come on, I was only kidding. You're Serena's partner, right?"

Nagdadalawang-isip akong tumango. "Sino ka naman?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" ngumiwi siya. "I'm Serena's brother, Salem."

Nanlaki ang mata ko doon. I certainly wasn't expecting to meet her remaining family this way.

"Kung nagtataka ka kung paano kita nakilala, I'm here to observe and guard Serena. Which I think you and that guy has also been doing-"

That guy. The damn twin.

"But as her partner, you're closer to her. Kaya naman may favor ako o," napaisip siya. "Maybe it's a threat."

Salem smirked as he blew out another puff of smoke. If Serena has a smug smirk that says you're trapped in her palm now, her brother's smirk is filled with evil deeds.

"Mr. Mad Dog, if you want to be in my good side, I expect you to protect my sister. At all costs. Or you'll never have my vote."

Your vote or not, I've already promised myself that I'll protect Serena. Even if I have to lay out my life for her.

How confident I was back then.

I was so sure of myself, I never noticed Serena slipping from my fingers.

Nang malaman ko kung saan siya kinulong, napuno na ako ng galit no'n at sugod lang ako ng sugod sa mga tauhan na pumipigil sa'kin. They were fucking weak. Ang mga sugat na akala nila ay makakapigil sa'kin ay mas nagpapalakas lang ng suntok ko sa kanila.

Fifty men. Fifty fucking men were stationed outside her room.

But she wasn't even inside.

Hindi ko alam kung mumurahin ko ba si witch o hahanga ulit sa ginawa niyang pagtakas. It felt ridiculous, me being strapped in a standing table like a beast who'll go berserk. Gusto kong sipain ang pagpapacute ng kambal na 'yon kay Serena pero nakaposas ako, hayop.

I thought the worst emotion I could ever feel was when I'm facing Keian. Hindi ko alam na mas makakapatay pala ako kapag kaharap ko si Leviathon. Lalo na nang itutok niya ang kutsilyo sa leeg ni Serena.

Mas lalo na nang iputok niya ang baril kay Akiru.

Ang makitang dumagan ang lalaki kay Serena. Ang duguan nitong likod. Ang pagpikit ng mata niya. Hanggang ngayon, parang binabangungot ako nito. Na siguro kung gumalaw ako at umatake, hindi sana 'to mangyayari.

Gusto kong humarang at patayin siya. Gusto kong puksain ang sakit na nararamdaman ni Serena.

Pero alam ko rin namang laban niya 'to. Serena's strong enough to handle it, so I'll let her face her villains, while I'll take care of people who don't really matter.

I'll fucking let her use me as a shield or a sword.

I didn't know she'll also do the same for me.

"If it was any other person, Mikhael, I wouldn't even budge. I only did that because it was you."

Hindi ko mapigilan ang surpresa na namuo sa mukha ko. Tangina, tinanong ko lang naman siya tungkol doon sa ginawa niyang pagsagip sa'kin. Hindi ko inaasahan 'to.

Nang naramdaman kong namula ang mukha ay umiwas ako ng tingin. I silently bit my lower lip to hide my smile. Mabuti na lang at nilipat ni Serena ang tingin sa labas, dahil hindi ko gustong malaman kung naririnig niya ba ang masaya at malakas na tibok ng puso ko.

"Hoy, Mad Dog, ba't ka nakatulala diyan?"

Napakurap-kurap ako't napabaling sa taong nagsalita. Serena frowned at me, arms crossed. Her hair is tied in a ponytail, and it makes my heart beat faster than normal.

"Pakialam mo, witch." sa halip na singhal ko.

Serena rolled her eyes. Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Bakit ba tayo nandito sa bahay niyo, aso?"

"Well, kailangan natin nang matutulugan pagkatapos ng byahe at gusto ko ring makauwi muna. Wala ka namang bahay na uuwian kaya sinama na kita."

"Naawa ka, gano'n?" taas-kilay niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay pumasok sa kusina. Tamang-tama naman na lumabas si Ana mula doon at kumindat sa'kin.

"I'm bored, Kahel. I have already destroyed your father in chess." reklamo niya habang nakahalumbaba.

Nakaupo siya sa counter-stool at nakasimangot. I'd be dead before I'd say she looks cute, kaya naman kumuha na lang ako ng strawberry ice cream at inilagay sa harap niya. Serena eyed it suspiciously.

"Ano 'to?"

"Lason."

Serena rolled her eyes and opened the can. Kumain siya dito ng ilang minuto bago ini-angat ang tingin sa'kin. Kagaya ito ng mga titig niya na nagbabasa.

"I don't deserve this." she said, stabbing the ice cream. "Most especially, I don't deserve you nor your love. Your heart is much better if it's beating for someone else."

Umangat ang kilay ko. "Bakit naman?"

Humilig ako sa sink habang taimtim siyang tinitigan. Serena avoided my gaze, preferring to watch the ice cream she's currently murdering.

"I'm not the type of person people fall in love with. I'm terrible, cruel, and filled with a dark past. From those I've hurt in the past and those I've killed, I don't deserve your love."

"Hindi, Serena. You deserve everything in the world, and my heart is just a little contribution. Pwede mong ikuwento sa'kin lahat ng masasamang bagay na ginawa mo, kahit isa-isahin mo pa 'yan, at alam mo anong gagawin ko?"

I leaned towards her. Tumigil siya't napatingin sa'kin.

"Ano..." bulong niya sa hangin.

"Mamahalin pa rin kita."

Bahagyang nanlaki ang mata niya at tumalon siya mula sa stool, hawak-hawak pa rin ang tub ng ice cream. She pursed her lips to hide the smile, and I pretended to not notice the pink hue in her cheeks.

"Duh. Kaya ka stupid, aso." umirap siya. "But..." humina ang boses niya. "Thank you for loving me even though I'm scarred and tasted of war."

Pinanood ko siyang umalis. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at humalumbaba sa counter.

What are you even thanking for, Serena? I should be the one to say that. For letting me love you.

"Hmm..." nagulat ako nang magmaterialize si Mama mula sa gilid. "It's rare for you to bring a girl here, hijo. Kahit si Tanya, 'di ko pa nakikita."

I ignored her teasing. Naglagay si Mama ng tubig sa baso at nakangising-aso na tumingin sa'kin.

"Mahal mo talaga 'no, 'nak?" she softly asked.

"Oo, Ma." sagot ko nang walang hesitasyon. "Sobra."

Kaya nga kaya kong maghintay hanggang may sagot na siya.

-end-

Ang haba hahahaha. Sometimes love can be spoken without any action taken. It doesn't need rushing. Love blooms brighter kapag nabibigyan ng tamang oras.

Ez. Deep words *puts on sunglasses*

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
451K 39.4K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
669K 21K 52
Mavherus, a land where extraordinary people live. They all have different kind of power that made them unique. Do you want to be one of them? Mavheru...
280K 7.6K 39
Her bestfriend betrayed her. Nilinlang siya nito para makuha ang gusto niya. Pero isang pagkakamali ang naging kinalabasan nito.Ang plano nila ay nas...