Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

8

2K 219 54
By dark19

Daphne's POV

May kausapin si Riyon sa cellphone nya kaya kami ni Roi na ang gumagawa ng saranggola. Actually sya lang pala yung gumagawa at hinihintay ko syang makatapos dahil tahimik akong nakamasid sa kalawakan ng dagat sa harap namin.

Napatingin ako kay Roi habang gumagawa ito. Napangiti ako sa dedikasyon na nakikita ko sa mga mata nya na matapos itong saranggola.

Kahit loko loko itong si Roi ay lagi sya sa tabi ko simula ng makilala ko sya saka yung kauna unahang kaibigan kong maituturing dahil sa tuwing nabebreakdown ako ay sya ang lagi sya ang sumasagip sa akin. Never nya kong inuusisa sa nangyayare sa akin bagkus ay pinaparamdam nya sa akin na willing syang mag antay kung kailan ako fully na magkukwento sa kanya.

"This is the first time na makakakita at makakapagpalipad nyan...." sabi ko at napaangat ang tingin nya sa akin. Napangiti sya sa akin na abot sa mga mata nya. S-she's really beautiful. Saka nakakaaliw yung pagkadeep black ng kulay ng mga mata nya.

"I will make this special...." saad nya bago muling pinagpatuloy yung ginagawa nya. Napahinto ako saglit dahil doon dahil parang tumigil saglit sa pagpintig ang puso ko. Gosh! Ano yun?

Napatikhim ako.

"Kilala mo na ang mga magulang ko pero ikaw eh never mo namang kinuwento yung mga magulang mo sa akin, Kamusta sila?" pag iiba ko.

"Ayos naman sila... hindi kita pwedeng pakilala sa kanila dahil maghihisterya ang nanay ko baka isipin nila mag aasawa na ko...." mayabang na saad nya kaya sa bwisit ko ay tinulak ko sya kaya napasalpak sya ng maiigi sa buhanginan habang natatawa. Saltik talaga!

"Roi! Yung matino kase!" sabi ko.

Umayos sya ng upo at napatikhim.

"Papunta sila dito next month.... papakilala kita. They are nice." proud na kwento nya at kita ko sa mga mata nya kung gaano nya kamahal ang mga ito. Nagkwento sya ng mga bagay na madalas nilang gawin ng pamilya nya lalo na kapag sunday.

Mayamaya ay natigilan ako sa tanong nya sa akin.

"Bukod dito sa work mo.... anong profession ang ibig mong pasukin?" tanong nya.

"I want to be a lawyer like Attorney Yuan Kaye." Sabi ko.

Parang natigilan sya ilang saglit bago napangiti sa akin.

"Mag aral ka pakiramdam ko hindi ka naman bulok sa pag aaral... mag aral ka ulit... ako nga lagi eh kapag may free time." payo nya at parang papatapos na sya sa ginagawa nya.

"Hindi sasapat ang pera namin noh... saka anong petsa na..." sabi ko. I want to be a lawyer dahil sa nangyare sa akin....

"I'll help you regarding financial tapos bayaran mo na lang ako kapag attorney ka na." sabi nya at seryoso sya.

"Baliw ka ba? Sapat nga lang sayo yung sweldo mo..." sabi ko at bored na napatingin sya sa akin.

"May extra job ako noh..." sabi nya na kinataas ng kilay ko.

"Tsk! Maghahanap na lang ako ng nagpapascholar....ipunin mo na lang yung pera mo para makatulong ka sa mga magulang mo...." saad ko.

"Hindi naman nila kailangan ng pera ko eh... meron sila ng sa kanila. Ako na lang magpapaaral nga sayo bakit ba ang kulit mo? tapos kapag attorney ka na...gagawa ako ng grupo ng sindikato at ikaw ang gagawin kong abugado namin..." natatawang saad nya kaya walang gana ko syang tiningnan.

Hudas!

Kaya sa inis ko ay hinila ko yung ilang hibla ng buhok nya kaya napasimangot sya sa akin.

Tuwang tuwa ako ng napalipad na ni Roi yung saranggola at pinasubukan nya sa akin na hawakan yung handle ng pisi na nagkokonekta dito. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay nagkacatch up ako sa mga nawalang oras sa akin noong bata ako na hindi na ako nakakita.

Kadababagsak yung saranggola ay nakaalalay si Roi para mapalipad ulit iyon habang ako ang nagmamaniobra dito gamit ang pisi.

Mayamaya ay nakigulo din si Riyon sa amin at ginawa nya kong modelo ng saranggola dahil panay kuha nya sa akin ng picture gamit yung isang cellphone nya. At napapataas ang kilay ko sa kanya dahil kada maglalock iyon ay hindi sya magkandaugaga kung paano maa-unlock yung phone nya.

"Ninakaw mo lang yan noh? Di mo mabuksan eh.." alaska ko at napatingala ako sa saranggola na sumusunod sa ihip ng hangin sa itaas.

"Gagu!" sita nya sa akin kaya natawa ako pero natigilan ako ng sinuntok sya ni Roi sa likod nya. Pigil ang ubo nya sa sakit.

Sinamaan ko ng tingin si Roi. Parang tanga kung makapanakit ng kaibigan nya!

......

"Maraming salamat sa inyong dalawa... nag enjoy talaga ako." masayang saad ko sa kanila. Napakamot sa batok nya si Roi at parang nahihiya. Samantala si Riyon naman ay ngiting ngiti. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"Goodnight hug na ang magtropa!" masayang tulak ni Riyon kay Roi papunta sa harap ko. Parang nanigas kami sa itsura naming pareho sa lumabas sa bibig ng kaibigan nya ang katagang yan!

Bigla akong natense sa buong paligid sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko maintindihan kung anong klase itong tense na nararamdaman ko, takot ba o ano? Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil bakit pinasadahan ko ng sulyap ang kabuuan ni Roi!? Biglang pumasok sa isip ko na isa syang warm na bear!Ngayon ko napansin na parang ang sarap nyang yakapin kase recently lagi syang nasa tabi ko at madalas man na binubwisit nya ko eh napapagaan nya ang loob ko! Marahil sa araw araw na kasama ko sya at bukod sa pamilya ko ay komportable ako na nasa paligid ko sya.

Maski si Roi ay parang nataranta sa ideya na mag-goodbye hug ako sa kanya.

"Ayaw mo?" inosenteng tanong ni Riyon kay Roi kaya pareho kaming naputol sa malalim na pag iisip.

"Woh! Eh! Di ako na lang!" anunsyo ni Riyon na kinataranta ko sa takot! Papahakbang na sya palapit sa akin kaya sobrang naalarma na ang buong sistema ko. Pero bago pa sya tuluyang makalapit sa akin ay hila na sya sa buhok ni Roi pabalik sa tabi nya!

"Bida bida o kulang sa aruga?" sarcastic na tanong ni Roi kay Riyon na natatawa.

"Ang tatalande nyo kase! hug lang aba'y akala mo maggu-goodnight kiss ang drama ng mga mukha nyo!" lintaya ni Riyon na sabay namin ikinahina ni Roi. Hayop na babaeng 'to!

Nung nakarecover si Roi ay sinabunutan niya si Riyon.

"Hayop ka! Bakit ka pa nagsisimba?? Nagkakalat na ang ugali mo ngayon Riyon!" inis na saad ni Roi. Ewan bakit napangiti ako habang pinapanuod ko sila. Para silang magkapatid at sobrang komportable nila sa isat isa.

"Ayaw kitang kausap! Lumayo ka nga!" singhal ni Riyon at naitulak nya si Roi palayo sa kanya. Napakapilya ng babae na abo ang kulay ng mga matang ito! Nakalapit sya sa akin at isang hakbang lang ang layo nya sa akin.

"May manliligaw ka?" tanong nya kaya nagwawala na si Roi sa gilid nya na hindi naman iniintindi ni Riyon iyon at napailing ako kaya napangiti sya. Don't tell me may balak sya----

"Manliligaw daw si Roi sayo... Give my friend a one chance please? Kahit gawin mo pa kaming modelo ng chocolate ng mommy mo.. Promise bebenta yan kapag kami ang endorser nyan! For free na ang talent fee! Hindi ka lugi sa aming magkakaibigan kase kahit papaano may ganda naman kami lalo na si Wynter kapag nakilala mo sya pero ako ang pinakamaganda kaya sigurado sa akin palang mataas na kita nyan.... sunod lang si Wynter na pinsan ni Roi..." dire-diretsong saad nya na kinalaki ng mga mata ko na syang kinaputla ni Roi ng mukha. This time mas malala ang pagtigil ng paligid at puso ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko sa ideya na ibig ni Roi na manligaw sa akin.

"Tangina ka! Parang kapatid na kita eh!Huwag mo kong ilaglag ng ganito.." parang nilalagnat na turan ni Roi.

"See? atleast alam mo na yung konting pakiramdam ni Ate Yves at Blair sa ginawa mo sa kasal nila!" ngisi ni Riyon.

Nataranta ako ng napatingin na si Riyon sa akin. And reality hit me so hard.naalala ko yung bagay na bumago sa ikot ng mundo ko.. hindi deserve ng kagaya ko si Roi. Pagtatawanan sya ng mga kakilala nya kung ang isang katulad ko ang liligawan nya kung sakali. Wala akong kalinisan sa pagkatao ko ang maibibigay sa kanya. Marumi ako dahil sa sinapit ko. Kahit pagharap sa mga magulang nya hindi ko talaga kakayanin dahil sa kahihiyan sa katawan ko.

"Alam mo yung kanta ni Rey Valera na Maging Sino ka man?" tanong nya at pakiramdam ko ay nasa isang roller coaster ride ako habang kausap ko itong si Riyon.

"Riyon hayop ka! Bakit ayaw tumigil!" singhal nya pero tinulak sya ng kaibigan nya at sobra ang pagkakatuon ng paningin nya sa akin. Sobrang nilalamon na kami sa kahihiyan ni Roi sa mga oras na 'to.

"Lagi nyang kinakanta iyon out of nowhere.... Mataas ang porsyento na para sayo iyong kinakanta nya. Wala naman kaseng tinatapunan ng atensyon itong kaibigan ko maliban sa amin.... she love spending her time with you... at hindi ka nya hinahayop huh?" lintaya nya. Nilalabanan ko yung overwhelm sa sistema ko sa oras na ito dahil ang iniisip ko ay yung future ni Roi.

D-dapat may gawin ako.... kawawa kase si Roi kung magiging kami. Nakakahiya sa lahat kapag nalaman nila na isa akong rape victim tapos pinagbigyan ko syang manligaw.

"Mas nakakaiyak kapag sinusupil ang puso sa gusto nyang gawin... di ba po?" humilig sya para makita yung mga tao sa likod ko kaya napalingon din ako. Nandoon sina Papa. Parang nanlambot ang mga tuhod ko dahil mukhang kanina pa nila kami pinapanuod!

Parang nilublob sa malamig na malamig na tubig ang itsura ni Roi habang nakatingin sa mga magulang ko. Lalo na nung napatango ng sabay ang mga magulang ko at napapangiti si Kuya!

"Patatagalin pa bo natin 'to? Sa kakapunta po ng kaibigan ko dito sa bahay nyo eh dito din naman po babagsak yung sitwasyon... i- advance na lang po natin." masayang saad ni Riyon sa mga magulang ko na kinatigalgal ko. Parang ibig kong mahospital sa kahayupan ni Riyon! Para syang sinapian sa mga oras na 'to. Si Roi natameme! Hayop 'tong isang 'to nagpatangay na sa sitwasyon namin!

"Ayos lang naman sa amin basta dito sa bahay aakyat ng ligaw..." natatawang saad ni Papa.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama at bago pa makaisip ng nakakaliyong sagot itong si Riyon ay sumingit na ako. Mas delubyo kapag nakapasok itong dalawang 'to sa loob ng pamamahay namin.

"Pauwi na po sila.... s-sige na..." pinagmulatan ko ng mata si Riyon na umayos at natatawa sya.

"Bukas po expect nyo po dadalaw po kami sa anak nyo...goodnight po..." masayang paalam ni Riyon at may pagkaway pa sa pamilya ko. Si Roi naman ay pulang pula sa hiya habang nagpapaalam kina Papa.

"Di mo talaga bibigyan ng goodnight hug yung tropa mo?" bulong ni Riyon kaya napasimangot ako.

"Uwi na... sige na goodnight saka thank you ng marami sa libreng gala..." kunwaring kalmado kong taboy sa kanila.

Nung nakaalis yung dalawa ay tama ang hinala ko... heto na yung pang uusisa ng mga magulang ko sa akin maging si Kuya.

"Hindi po pwede.... ayokong madamay po sya sa kahihiyan na sinapit ko... wala po akong mukha na maihaharap sa pamilya kung sino man po yung taong ibig pong manligaw o makapasok sa buhay ko..." saad ko na kinatahimik nila at banaag sa mga mata nila yung habag na ayokong makita.

Riyon's POV

Tawang tawa ako sa itsura ng hayop na Callen na 'to habang natutulala at pulang pula ang mukha sa kahihiyan!

Alam mo yung ang laki ng mga kasalanan nya sa akin dati pero burado ng lahat dahil nailagay ko din sya sa luklukan ng kahihiyan!

Hindi nya maubos ubos yung alak sa baso nya dahil kinikilig na nahuhiya ang itsura nya.

Nandito na kami sa executive room sa hotel nila at dito sya nagstay habang kuno ay empleyado sya sa mga mata ni Daphne.

Iba yung tama nya dito kaysa kay Ate Maddy dati eh. Ngayon ay bawas yung pakikipagkagulo ni Callen at malinis ang mukha nya dahil wala ka ng mababakasan na sugat dito dulot ng gulo. Basta parang bagong buhay eh pero madilim pa din ang kaluluwa ng hayop na 'to.

"Huwag mo ngang binabanggit yung pangalan ni Kaia sa kanya...." simangot nya na wari bang naalala nya.

"Wynter naman ang ginamit ko wah!" reasoned out ko.

"Hayop ka naman eh nakwento ko naman sayo na nalaman ko sa mga kaoffice nya na crush nya si Kaia eh!" parang batang muryot nya. Takot maagawan?

"Tsk! Mas mahal ni Kaia ang mga bote ng wine kaysa magkaroon ng lovelife.. huminahon ka nga..." sabi ko sabay tungga ng alak sa baso ko.

Mayamaya ay parang tanga naman syang nagdedaydreaming. Kinuha nya yung phone nya at ngiting ngiti na natipa sa phone nya.

Hayop! Parang tuta mainlove!

Nakakapangilabot!

Napiling ako para ibsan ang pagtaas ng balahibo ko sa braso.

Magtitino naman siguro ang taong 'to kapag nagkagirlfriend? Ipupush ko na lang siguro para atleast hindi kami nina Ishan ang pinagkakaabalahan nya sa katangahan nya.

Habang katext ko si Mommy ay parang nabalisa si Callen sa tabi ko.

Napatawa ako.

"Ayaw ka replyan?" alaska ko pero napasimagot lang sya at nagmimic ng sinabi ko. "Nakakainit ba ng ulo kapag kiber si crush sa text? " asar ko.

"Gusto mo pitikin ko tonsil mo?" balik pa nya. Mayamaya ay napaupo sya ng maayos ng navibrate yung phone nya.

Nakisilip ako at napatawa sa reply ni Daph sa kanya.

'Wla ako load hudas. Num ni Papa 'to. matulog ka na.'

"Tsk! Bakit hindi sinabi agad!" saad ng katabi ko at napabilib ako dahil tinawagan na pala nya si Daph. "Antayin mo saglit..." saad pa nya.

Yayamanin si ate gurl! pinaloadan!

Makatext lang talaga!

Napatayo ako at pumitas ng pulang rosas na nakatanim sa may plant box dito sa may veranda. Ipaprocess ko na sya para bukas ng umaga pagdating ni Tita Roian ay hindi na taranta itong si Callen dahil sigurado akong nakalimutan na nya ang bilin ng Dada nya sa kanya sa lagay nya ngayon na para bang hibang sa katext sa phone.

Gusto ko si Daph para sa kaibigan ko dahil parang ito lang ang may kakayahan na makontrol si Callen Roi sa isang tingin lang. Pagkaayos ko ay bumalik ako sa tabi nya. Sinilip ko ulit sya habang nagtetext, wala naman nakakakilig doon dahil parang ibig palipitin ni Daph ang leeg ni Callen sa mga oras na 'to dahil sa nangyare kanina. Pero itong reaksyon ng hudas ay parang kinikilig hanggang bone marrow!

Kinabukasan ay tama ang hula ko. Taranta mode nga itong si Callen regarding doon sa pulang rosas para sa Mommy nya. Kikitain kase namin sa convention center sa kabilang bayan ang mga magulang nya at binilinan sya ng Dada nya ipagpitas nito ang Mommy nya. Pinahirapan ko muna sya na pumitas ng rosas bago ko pinakita yung naihanda ko na kagabi. Tawang tawa ako ng napahiyaw sya sa galit sa akin. Text pa more!

Ang saya talaga gumanti sa taong ito!

Palabas na kami ng hotel ng....

"Roi! Riyon!"

Pareho pa kaming napaigtad ni Callen sa tinis ng boses na tumawag sa amin. Nang makarecover ako ay napatingin ako sa katabi ko dahil natuluyang natulala ito habang pinapanuod yung bawat kilos ni Daphne palapit sa amin. Amaze na amaze ang hayop!

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nya sa amin maging si Callen ay nakatitig lang sa mukha nito at kaya lang kami natauhan ay inaagaw na ni Daph yung rosas sa kamay ni Callen.

Ay naku po!

Nakitaranta na ko sa kaibigan ko at di ko malaman kung paano ko sya maawat sa pagkuha ng pulang rosas kay Callen. Hindi ko sya pwedeng hawakan dahil bilin ni Callen sa akin dahil ayaw daw ni Daph na hinahawakan sya ng mga bagong kakilala dahil may anxiety ito.

"Ang daya! Naka-oo ka na akin na lang 'to! Bitaw Roi!" pilit pa nya habang pareho silang nakahawak sa stem nung rose!

"P-please! Ipitas mo na lang yung sarili mo doon sa executive floor!" parang naiiyak na saad ni Callen. May usapan na kami na last na yung katangahan ni Ishan sa tradition ng pamilya namin sa pulang rosas eh! Hayop! Parang mas malala ito!

"Aakyat pa ko doon? Heto na lang! Pakadamot Roi! Pinaggagawa ka ng nanay ko ng banana cue kaya huwag kang ganito!" pigil sigaw sa inis naman ni Daph.

Napaatras ako at napasandal na lang sa dingding. Tapos ka na Callen!

"Hindi pwede dahil sa nana---" hindi natapos ang sasabihin nya at napasandal na kong tuluyan bago napasadsad ang likod ko hanggang sa napaupo na ko sa panghihina ng mga tuhod ko sa nasaksihan ko.

Si Callen naman ay nawalan ng lakas sa buong sistema nya dahil napabitaw na sya sa katawan ng rosas na hawak nilang pareho. Tuluyan na iyong napapunta kay Daph dahil mabilis nyang yinakap si Callen. May limang segundo din iyon.

Napakabagal ng paglunok na nagawa ng kaibigan ko bago nagising sa katotohanan at napatingin sa mapangahas na nilalang sa harap nya.

Sobrang tuwang tuwa si Daph habang nakatingin doon sa pulang rosas.

"Sobrang paborito ko kase ang pulang rosas, saka ito yung unang bulaklak na nakita ng makakita ako dahil binigyan ako ng mag asawang Altamirano...." kwento pa nya. Naku po!

"Okay fine! Wala ng bawian! Ginusto mo 'to... wag kang maarte sa mga susunod.... agaw pa ng pulang rosas huh! Makikita mo!" maktol ni Callen at nagwalkout. Napatayo ako at napatingin kay Daph na gulong gulo sa inasal ni Callen sa harap nya. Alam kase namin garbo ang gagawin nya kapag nagbigay sya ng pulang rosas sa taong mamahalin nya eh. Kaso dissaster itong nangyare... sapilitang agawan sa rosas ba naman ang nangyare!

Napakamot ako ng gilid ng kilay ko habang nagtatanong sa akin si Daph kung anong problema ni Callen Roi. Napangiwi ako.

"Basta wala ka ng kawala.... sige na late na ko.." sabi ko na lang bago ko sya iniwanan.

Kung may itatanga pala yung nangyare kina Ishan at Ate Yves eh mas worst itong kay Callen!

Masasakal na talaga kami ng mga magulang namin.

...............................

Sorry guys busy dahil sa reality ang dami ko ng ginagawa sa trabaho ko at ganun pa din yung kaliwang mata ko nalabo at masakit kahit may salamin na ko.

Vote and comment pa din guys para maitawid ko 'tong story ni Callen at Daph.

Thank you for reading

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.4K 27
Charlotte Del Fuego , the Governor's only daughter who's living her life to the fullest, literally young, wild and free.The untameable queen. What...
286K 4.9K 24
Dice and Madisson
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...