When I First Met You

By JFstories

2.1M 137K 35.2K

You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shatt... More

SIMULA
CROSS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXIX-2
Kabanata XXX
Huling Kabanata
Epilogo
WHEN I FIRST MET YOU
BOOK
VOX

Kabanata XIX

44.3K 3.7K 456
By JFstories

SALUBONG ang mga kilay ni Cross habang nakamasid sa akin. Lalong nanlisik ang luntiang mga mata niya nang makitang dinampot ko mula sa shelf ang isang diaper.


Nasa grocery store kami ngayon at nagpasama ako sa kanya. Actually, ako nga lang dapat mag-isa pero ayaw niyang magpaiwan. Babantayan niya raw ako dahil baka kung anu-ano ang bilhin ko.


And since kaya ko nang tumayo, gumamit na lang ako ng tungkod para makapaglakad. Hindi pa ako ganoon katuwid maglakad kaya madalas pa akong alalayan ni Cross. Minsan ay halos inaakay niya ako na para bang sanggol na bago pa lang natututong maglakad.


"What are you going to do with that?" sita niya sa akin.


NOTHING, sagot ko sa aking isip.


"Then bakit mo bibilhin?"


Ibinato ko ang isang balot ng diaper sa push cart niya. WALA LANG. GUSTO KO LANG BUMILI NG MGA HINDI KAILANGAN


"Are you kidding me?"


Ngumisi ako sa kanya. CHILL, MAN. I'M JUST GETTING STARTED. Dumampot ako ng screwdriver since hindi rin ito kailangan. Ibinato ko ito sa pushcart niya.


"Why are you doing this?" Halata sa boses niya ang pagtitimpi ng galit.


BECAUSE IT'S FUN? Dumampot ako ng sangkalan at inilagay sa pushcart.


Napangiwi siya.


Lumabi ako sa kanya. WHAT? GALIT KA NA?


Inisnab niya lang ako.


Sa tulong ng tungkod na hawak ko, nagtungo ako sa cosmetic station.


"This would be enough. We don't need to buy stocks dahil may stocks pa tayo."


Tiningnan ko ang stocks na sinasabi niya sa kanyang push cart. One carrot, one pechay, one tray of eggs, and 1 liter of vegetable oil.


STOCKS NA SA 'YO YAN?


"Yeah. May stocks naman tayo sa bahay."


Wala akong maalala na may stocks kami sa bahay. Actually, the last I've checked the fridge, wala na iyong kalaman-laman maliban sa mga pitsel na may tubig.


I NEED TO BUY MORE.


"No. We have to go home now."


BAKIT BA E PERA KO NAMAN ANG GAGAMITIN KO?


"Which is pera ko rin." Umismid ang mapula niyang mga labi.


EXCUSE ME, MR. VAMP! KUNG ANO MANG PERA MERON AKO NGAYON AY IYON ANG MGA INIWAN NI DAD SA AKIN. GAGAMITIN KO IYON KUNG KAILAN KO GUSTO, pagkasabi ko ay tinalikuran ko na siya. Iniwan ko siya na bubulong-bulong habang nanunulis ang nguso.


Nilapitan ko agad ang isang branded na matte lipstick. May lumapit agad sa akin na sales lady para ipromote sa akin limited edition na lipstick na ito.


"Why do you need that, hindi ka naman lumalabas ng bahay?" sita agad sa akin ni Cross sa likuran ko.


SHUT UP! INGGIT KA LANG.


Ngumiti ang sales lady kay Cross. At makikita sa mga mata nito ang pagkamangha sa lalaki.


"Fine. Bilisan mong pumili. Mainipin ako." Tinalikuran na ako ni Cross kasama ang push cart niya.


"Ma'am, husband niyo po?" tanong sa akin ng sales lady.


Tumango ako sa kanya at ngumiti.


"Ang guwapo naman po ng husband niyo."


Ngiti lang ulit ang sagot ko dahil hindi naman ako nakakapagsalita. Hindi lang siya ang nakapansin na guwapo si Cross. Actually, mula nang pumasok kami rito sa supermarket ay pinagtitinginan na ng lahat ang lalaking iyon. Partida na iyong simpleng plain grey shirt at jeans lang ang suot niya. 


Ni hindi nga man lang nagsuklay ang lintek nang umalis kami. Still, hinahabol pa rin siya ng tingin ng mga kababaihan na akala mo gawa siya sa ginto.


No problem naman sa akin na maraming humahanga sa kanya e. Tanggap ko namang talagang saksakan siya ng guwapo. Ang kaso nga lang ay hindi ko maiwasang manliit kapag natatabi ako sa kanya.


Hindi ko maiwasang ma-insecure lalo na kapag tumataas ang mga kilay ng mga babaeng napapasulyap sa akin, para bang sinasabi nilang hindi ako bagay matabi man lang sa kay Cross.


Mula nang hindi na ako nakakapag-ayos ng sarili, pakiramdam ko ay naging losyang na ako. Dagdag pa na namayat ako at naging maputla matapos ang aksidente. Ang nangyayari tuloy kapag natatabi ako kay Cross ay mas nagmumukha akong alalay niya kaysa asawa.


Napabuga ako ng hangin. Ayaw ko nang ma-insecure. Tama na ang pagiging losyang ko, time na para bumalik ako sa dati. Kaya walang makakapigil sa akin na bumili ng mga cosmetics at pang skin care ngayon. Bibili ako ngayon ng marami at wala akong pakialam kung makamagkano ako.


"Are you done?" Lumapit ulit sa akin si Cross. Nasa guwapo niyang mukha ang pagkainip. Samantalang ang mga sales lady sa gilid at ilang babaeng customers ay sumisimple ng tingin sa kanya.


Umiling ako.


"Can we go home now? Kailangan mo nang pirmahan ang mga documents."


Inirapan ko siya. AYOKO PANG PUMIRMA.


"But you promised me you will sign the documents after we're done here."


HINDI KA NAMAN NAGING MABAIT SA 'KIN E.


Bumagsak ang balikat niya.


Siguro ay nagtataka ang mga sales lady na nakatanaw sa amin kung bakit kinakausap ako ni Cross nang hindi naman ako sumasagot. They didn't know that Cross can read my mind. Nagmumukha tuloy baliw ang lalaki na kumakausap ng hindi sumasagot sa kanya.


Dumampot ako ng mga cosmetics at pang skin care. Kulang na lang ay punuin ko ang kalahati ng push cart kaya naman halos magbuhol na ang mga kilay ni Cross habang nakatingin sa akin.


"Baka may gusto ka pang bilhin?" sarcastic na tanong niya sa akin habang nagtatagis ang mga ngipin.


Ngumiti ako nang matamis sa kanya. ONE LAST THING, BIBILI LANG AKO NG BUHANGIN.


"Goddamn, Embry! Aanhin mo ang buhangin?!" Tuluyan na siyang nabadtrip sa akin.


Lalo lang tumamis ang pagkakangiti ko sa kanya. THAT'S THE POINT, HUBBY. HINDI KO KO KAILANGAN ANG BUHANGIN KAYA KO BIBILHIN.


Tinalikuran ko na siya bago niya pa mapilipit ang leeg ko.




✟✟✟


"DAD?!"


Nakatayo sa harapan ko si Hercules Maceda, my dad, and he looked so healthy. Nilingon niya ako nang marinig niya ang boses ko. "What is it, baby?" he was smiling at me.


Panaginip. Alam kong nananaginip lang ako pero hindi ako nagtangka na gisingin ang aking sarili.


I didn't want to wake up. Gusto ko siyang makasama kahit sa ganitong paraan lang. Kahit sa panaginip lang. Miss na miss ko na siya, sobrang miss na miss ko na siya.


Humakbang ako palapit sa kanya habang walang patid sa pagpatak ang mga luha ko sa mata. "D-Dad, I'm so sorry..."


Nang malapit na ako sa kanya ay sinalubong niya ako nang magaang yakap. Lalo akong napahagulhol nang maramdaman ang mainit niyang katawan, like he was still alive.


"Shh..." alo niya sa akin. "Tahan na, Embry..."


"It was all my fault, Dad..." iyak ko sa kanyang dibdib. "Pinilit kong mag out of the country tayo. Dahil sa akin kaya tayo naaksidente. Dahil sa akin kaya wala ka na... Dahil sa akin kaya nasa coma ngayon si Mudra..." Nanginginig ako habang umiiyak. "Dad, I'm so sorry... I'm so sorry..."


"Listen to me, baby..." Kumalas siya sa yakap ko at humawak siya sa magkabila kong balikat. "You have to be strong for us. Be brave for us."


"B-But how, Dad? How can I be strong without you and Mudra? Alam mong hindi ako sanay na wala kayo! Dad, hindi ko kaya! Dad, isama niyo na lang ako kasi hindi ko kaya... Hindi ko kaya, Dad..."


"Kakayanin mo, Embry," mariin niyang sabi.


"Dad..." hikbi ko.


Pinunasan niya ang aking mga luha. "Kasalanan ko dahil hinayaan kong lumaki ka na nakaasa sa amin ni Alondra. Hinayaan ko na lumaki ka na lahat ng gusto mo ay mabilis at walang kahirap-hirap mong nakukuha. Kasalanan ko na hinayaan kong lumaki ka na salat sa gabay ng isang ama dahil mas inuna kong asikasuhin ang kompanya kaysa sa 'yo."


Natigilan ako sa pag-iyak nang makita ang talim ng kanyang mga mata.


"Kung alam ko lang anak, na maiiwan kita agad... Sana tinuruan kitang tumayo sa sarili mong mga paa. Kung alam ko lang na mahihirapan kang wala ako, sana tinuruan kitang maging matatag... Sana tinuruan kitang lumaban sa buhay. Sana simula pa lang, binigyan na kita ng responsibilidad para makaya mong tumayo mag-isa kahit na wala kang sinasandalan," puno ng pagsisi ang kanyang boses.


Nang pumatak ang mga luha ni Dad ay naramdaman ko kung gaano siya nahihirapan. Alam ko na kung nasaan man siya ngayon ay inaalala niya ako.


"Dad..." Inabot ko ang kanyang pisngi at hinaplos. "Wala kang kasalanan... Wala namang perpektong magulang sa mundo, kagaya nang wala ring perpektong anak." Lumuluha ko siyang nginitian. "Pero kahit hindi perpekto ang naging pagsasama natin, mahal na mahal kita. Kahit pa minsan lang kitang makasama, mahal na mahal kita. Kung papipiliin ako ng magiging Dad sa susunod kong buhay, pipiliin pa rin kita."


Niyakap niya ako at hinalikan nang mariin sa ulo. "I love you, baby. Dad is so sorry for everything..."


"Magiging matatag ako, Dad. Hindi mo na kailangang alalahanin ako, ha?"


Sumisinok na tiningala ko siya. 


"Ako nang bahala sa kompanya na pinaghirapan niyong itatag ni Grandpa. Ako na ang bahala... Sa ngayon, may pinagkakatiwalaan ako na mamahala ng kompanya habang nag-aaral pa ako. Sisikapin ko na makatapos at mag-aaral ulit ako ng business course. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa iniwan mong posisyon."


Ngumiti si Dad sa akin.


"Ako nang bahala sa kompanya na pinaghirapan niyong itatag ni Grandpa. Ako na ang bahala... Sa ngayon, may pinagkakatiwalaan ako na mamahala ng kompanya habang nag-aaral pa ako. Sisikapin ko na makatapos at mag-aaral ulit ako ng business course. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa iniwan mong posisyon."


Ngumiti si Dad sa akin.


"Magiging matapang ako para sa 'yo, Dad. Kahit mahirap iyon, kakayanin ko para hindi ka na mag-alala..."


"Embry, my baby..."


"Wag ka nang mag-alala sa akin, Dad... Please, rest in paradise now..."


Ang mga ngiti ni Dad ay unti-unting natabunan ng hamog, hanggang sa pati siya ay tuluyan nang manlabo sa aking paningin.









"Embry, wake up!"


Pagdilat ng mata ko ay tigmak ng luha ang mga ito. Ang nag-aalalang mukha ni Cross ang nasilayan ko. Nasa ibabaw ko siya at nakatunghay sa akin.


"You were calling your dad," marahang sabi niya habang pinupunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang mga daliri.


Napatitig ako sa berde niyang mga mata na ngayo'y mababakasan ng pag-aalala.


PLEASE DON'T LEAVE ME... Muling tumula ang mga luha ko.


"I won't."


Napahikbi ako at bumangon para yakapin siya. Sinalo naman ng mga palad niya ang aking likod.


"Hey..." alo niya sa akin sa malambing na tono. "It's alright. I won't leave."


IKAW NA LANG ANG MERON AKO.... hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon sa isip. Siguro dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko.


Para sa akin, si Cross na lang ang natitira na meron ako.


Nang mahimasmasan ay humiwalay ako sa kanya. Nahihiya akong salubungin ang kanyang luntiang mga mata.


Cross lifted my chin with his two fingers. "I'm gonna take care of you."


Napalunok ako nang makitang ang berde niyang mga mata ay bumaba sa aking mga labi.


"Embry..." usal niya bago niya ako siniil ng halik.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
13.6M 647K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
21.5M 548K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
19K 1K 62
Victoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else...