When I First Met You

By JFstories

2M 135K 35.1K

You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shatt... More

SIMULA
CROSS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXIX-2
Kabanata XXX
Huling Kabanata
Epilogo
WHEN I FIRST MET YOU
BOOK
VOX

Kabanata XVIII

39.1K 3.5K 821
By JFstories

"BAKIT ANG DAMING HUGASIN SA LABABO?!"


Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit sa akin sa Cross mula sa kusina. Plain black V-neck shirt and fitted jeans ang suot niya. Kakauwi niya lang from the office.


Ewan kung may iba pa siyang pinuntahan after sa company. Nilapitan niya ako sa sofa kung saan akong nakahiga at busy na nanonood ng make up tutorial sa Youtube.


OF COURSE, KUMAIN. MERON TALAGANG HUGASIN, sagot ko sa aking isip. ALANGAN NAMANG KUMAIN AKO SA PALAD KO.


"Are you mad?"


Umiling lang ako habang ang mga mata ko ay nakatutok phone.


"What happened to your room? Bakit ang gulo ng kama mo?" Galing kasi na kasi siya sa itaas.


OF COURSE, NATULOG AKO. ANONG GUSTO MO SA SAHIG AKO MATULOG PARA HINDI MAGULO ANG KAMA KO?

"Are you sure you're not mad?"


Umiling ako habang tuloy pa rin sa pagyu-Youtube.


"And how about your laundry? Bakit biglang tambak na ang labahin mo?"


OF COURSE, GUMAGAMIT AKO NG DAMIT. ANONG GUSTO MO, MAGHUBAD NA LANG AKO AT WAG NANG GUMAMIT NG DAMIT?


"Are you sure you're not mad?"


Tumingala ako sa kanya ay inirapan ko siya. MAGHUGAS KANG PLATO, MAGLINIS KA NG KWARTO KO, MAGLABA KA NG MGA DAMIT KO! sigaw ko sa aking isip.


Humugot siya ng wallet at isa-isa niyang inilibas ang atm card at credit card doon. "Oh, by the way, I have your cards now. Tapos nang ma-process."


Napabalikwas ako ng bango mula sa sofa at umayos ako ng upo. YES, HANDSOME, I'M EXCITED! Nagmistulan akong maamong tuta.


"Are you sure you're not mad at me?"


Umiling-iling ako. NEVER, HANDSOME.


"Okay. That's good to hear."


CAN I HAVE MY CARDS NOW? Nakangiti ako sa kanya at napakaamo ng aking mga mata.


Napa-isip siya. "I'll think about it. I don't like your attitude today." Ibinalik niya ang mga cards ko sa wallet niya.


Kumulo ang dugo ko pero nagtimpi.


"Are you mad at me now?" Iniumang niya ang cards sa wallet niya.


Umiling ako at maamong ngumiti sa kanya. Hangga't hindi ko hawak ang cards ko, magtitimpi ako.


Tumunog ang doorbell kaya tinalikuran ako ni Cross. Binuksan niya ang pinto at iniluwa nito si Tito James.


"Hi, Embry. How are you?" bungad sa akin ni Tito James sa pintuan. May hawak siyang brown envelope.


Ngumiti ako sa kanya at kinawayan siya.


"I need to talk to your husband, is that okay with you?" Hindi na siya humakbang papasok.


Tumango ako sa kanya.


Lumabas sila ni Cross at may pinag-usapan sila. Hindi ko sila marinig dahil malayo sila sa akin. Pero natatanaw ko na inabot ni Tito James kay Cross ang mga papers na hawak nito.


Pagkalipas nang apat na minuto ay pumasok si Cross.


"I have to go, Embry. I'm in a hurry," ani Tito James na halata ngang nagmamadali dahil sumilip na lang siya sa pinto.


Pagkasara ni Cross ng pinto, lumapit agad siya sa akin. May hawak siyang pen sa isang kamay at sa kabila ay ang brown envelope. "Here." Inabot niya sa akin ang mga ito.


Tinanggap ko ang inaabot niya. Nang buksan ko ang brown envelope ay mga papeles ang laman. Mukhang napakaimportane ng mga ito. WHAT ARE THESE DOCUMENTS?


Hinugot niya ang wallet niya at hinugot niya doon ang atm card at credit card ko. "Here."


Nagningning na naman ang mga mata ko. YOU'RE GIVING THESE TO ME NOW? ARE YOU SERIOUS?


"I'm serious. You need these cards." Kumikinang rin ang berde niyang mga mata.


Nakakakaba. Bakit bigla na lang yatang nagbago ang ihip ng hangin?


Kinuha ko ang mga cards sa at agad na ibinulsa sa suot kong baby pink jumper dress. Mahirap na at baka magbago pa ang isip niya.


"Now, you need to sign those papers," utos niya.


HA?


"You can see my signatures there." Itinuro niya ang kanyang mga pirma. "It says there na ang mga assets and properties ko ay pag-aari mo na rin."


Napanganga ako. Really? Pinagkakatiwalaan niya ako sa lahat ng assets and properties niya?


Though wala kaming prenuptial agreement before the wedding, iba pa rin na talagang bibigyan niya ako ng karapatan sa mga ari-arian niya.


Hindi ba siya worried na baka bigla ko na lang siyang patayin? Kasi kapag na-deads siya, automatic at walang kahirap-hirap, sa akin na ang lahat-lahat ng meron siya.


Binuklat niya ang pages ng papers na hawak ko. "Now, kailangan mo ring pumirma para bigyan din ako ng rights sa lahat ng mga ari-ariang meron ka."


Natigilan ako sa sinabi niya. What if kung ako naman ang patayin niya? Automatic at walang kahirap-hirap, sa kanya na rin ang lahat ng meron ako!


Nagdilim ang mukha niya. "You need to sign them, Embry."


Sinalubong ko ang berde niyang mga mata. WHAT IF I REFUSE TO SIGN THESE DOCUMENTS?


Hindi siya kumibo.


Napaisip ako. Kung sakali namang pipirmahan ko ang mga documents na ito, hindi naman ako malulugi. Maas marami siyang assets and properties compared to me. Mas mayaman siya sa akin. Hindi niya rin naman ako pwedeng basta na lang idispatsa after kong pirmahan ang mga ito, suspicious iyon masyado.


WELL... WELL... WELL... Ginawa kong pamaypay ang mga papeles habang pinamumungayan ko siya ng aking mga mata.


Panahon na para baliktarin ang sitwasyon para makaganti naman ako.


Napahimas ako sa aking baba. BEFORE I SIGN THESE DOCUMENTS, WHY DON'T WE GO BACK FROM THE BEGINNING?


Napalunok siya. "Huh?"


Humiga ulit ako sa sofa. COME ON. ULITIN MO ANG MGA PINAGSASABI MO KANINA ABOUT SA MGA HUGASIN, MAGULO KONG KAMA, AT LABAHIN.


Nagtagis ang ngipin niya habang nakatingin sa akin.


AYAW MO? E HINDI KO PIPIRMAHAN 'TO.


"Fine," gigil niyang sabi.


Nagtungo siya sa kusina at tila ba isang aktor na nasa stage at uma-acting na lumapit sa akin.


WHAT IS IT? Pigil ang pagtawa ko pagtingin ko sa kanya.


Tumikhim siya. "M-ma'am... marami pong hugasin sa kitchen."


SO?


"Huhugasan ko." Panay ang pag-igting ng kanyang panga habang nagsasalita.


ALRIGHT. AND HOW ABOUT MY BED?


Kumuyom ang kanyang kamao. "Magulo. Liligpitin ko."


HOW ABOUT MY LAUNDRY?


"Lalabhan ko."


Hinawakan ko na ang pen at akma na akong pipirma.


OUCH! acting ko na tila masakit ang daliri.


"What happened?" May pag-aalala sa mukha niya nang lumapit sa akin.


IYONG DALIRI KO, SUMAKIT. HINDI KO KAYANG MAGSULAT.


"Are you kidding me?"


Tinitigan mo siya nang masama. YOU THINK NAGSISINUNGALING AKO?


Napayuko siya. "S-sorry, ma'am." Parang gusto na niya akong suntukin.


FROM NOW ON, I WANT YOU TO BE POLITE TO ME, UNDERSTAND?


"U-understand, Ma'am." Nanginginig ang boses niya sa sobrang asar sa akin.


GALIT KA BA? Sinilip ko ang mukha niya.


"I'm not, Ma'am."


NGITIAN MO NGA AKO.


Napabuga siya ng hangin bago niya ako pilit nginitian.


KINDATAN MO KO.


Umigting ang panga niya bago niya ako kinindatan. Cute niya!


KINDAT PA.


Kinindatan niya ulit ako.


KEMBOT KA.


"What?!"


Tinaasan ko siya ng kilay. Nagtitimping kumembot siya.


FLYING KISS.


Nag-flying kiss naman siya.


TOMORROW NA AKO PIPIRMA. I DON'T LIKE YOUR ATTITUDE TODAY.


Napapikit siya sa sobrang inis at mahahalata sa mukha niya na kaunti na lang, mapapatid na ang pasensiya niya.


Habang ako naman ay nagdiriwang sa aking isip. Hindi ko lang nakuha ang mga cards ko, napaamo ko pa ang mabangis na bampirang ito.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
3.2K 118 31
Beatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pan...
795K 34.8K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...