When I First Met You

By JFstories

2M 135K 35.1K

You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shatt... More

SIMULA
CROSS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXIX-2
Kabanata XXX
Huling Kabanata
Epilogo
WHEN I FIRST MET YOU
BOOK
VOX

Kabanata XVII

38.9K 3.2K 554
By JFstories

BINUHAT ako ni Blue papasok ng room at maingat niya akong inilagay sa aking upuan. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan kami ng mga studyante. Kahit nga ang mga classmate namin ay hindi maiwasang pagbulungan kami.

"Are you all right?" Sinilip ni Blue ang mukha.

Tumango lang ako at napayuko.

"Stay here. Kukunin ko lang ang wheelchair mo sa ibaba." Umalis siya at lumabas ng classroom.Naglapitan sa akin ang ilan sa mga kaklase ko para tangungin ako ng kung anu-ano.

"Nanliligaw ba sa 'yo si Blue?"

"Kayo na ba ni Blue?"

"Lagi ba kayong sabay papasok ni Blue?"

"Sabay ba kayong uuwi ni Blue?"

Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin sa kanila. Wala silang ibang tanong kundi ang tungkol kay Blue.

"Excuse me?" Sumingit si Trudis sa mga classmate din namin sa subject na ito. "No more questions, please. Embry is not in a good shape right now. So shu! Shu!" taboy niya sa mga kaklase namin.

Ilang sandali lang ay humahangos na si Blue dala ang wheelchair ko. Itinabi niya ito sa gilid ko bago siya tumabi sa akin ng upuan. Sa kabilang side ko naman ay tumabi sa akin si Trudis. May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi habang nakakatitig siya sa akin.



✟✟✟

HINATID ako ni Blue pauwi at tinulungan niya rin akong makaupo sa wheelchair ko bago niya ako iwan. Hindi ko na siya pinapasok sa bahay. Sa gate pa lang ay pinabalik ko na siya sa sasakyan at pinauwi.

Pinagulong ko na ang wheelchair ko hanggang makalapit ako sa door entrance ng bahay namin.

"Anong oras natapos ang klase mo?" bungad sa akin ni Cross pagpasok ko ng pinto. Naka-plain grey shirt siya at black na sweat pants. Magulo ang buhok as always, mukhang kalalabas lang sa shower room.

FIVE, sagot ko sa isip habang pinapagulong ang wheelchair papasok sa sala.

Napatingin siya sa kanyang suot na wrist watch. "It's 5:30. Anong ginawa mo noong thirty minutes?"

HINATID AKO NI BLUE. OF COURSE, WE'RE IN THE CAR. GUMUGULONG ANG WHEELS NG KOTSE, HINDI LUMILIPAD.

"So ganoon kalayo ang school mo? Thirty minutes?!"

Inirapan ko siya. YOU SOUNDED LIKE A JEALOUS HUSBAND.

Umusok ang ilong niya. "I'm not jealous. It's just that your safety is more important. Ano na lang ang sasabihin ng mga board members ng Maceda Holdings, Inc. kapag may nangyari sa 'yong masama? They might think I plot it to happen."

AT BAKIT KA NAMAN MAG-IISIP NA MAY MANGYAYARING MASAMA SA AKIN?!

"Because I don't trust your guy."

MY GUY?

"What's his name again? Red? Orange? Yellow?!"

IT'S BLUE! Umikot ang bilog ng mga mata ko.

"See? Pangalan pa lang hindi na mapagkakatiwalaan!"

BLUE IS A GOOD MAN!

"How did you know? Ilang taon mo na bang kakilala 'yan?"

INAALAGAAN NIYA AKO SA UNIVERSITY.

Kapag recitation sa class, nagtataas lang ako ng kamay at sumasagot sa pamamagitan ng whiteboard ko. Kapag may classmate kami na pinagtatawanan ako ay tinititigan nang masama ni Blue. Kaya walang nagtangkang mang-bully sa akin kanina dahil ni minsan ay hindi siya umalis sa tabi ko. Parang handa siyang manuntok sa mang-aasar sa akin na mute ako.

"Just like that, and you already trusted him?" Pinaningkitan ako ng mata ni Cross.

I'M GOING TO MY ROOM. MAY ASSIGNMENT PA KO NA NEED KO MATAPOS. Pinagulong ko na ang wheelchair ko patungo sa wheelchair escalator.

"You left your lunchbox!" biglang sabi niya.

Napahinto ako. SORRY, I FORGOT.

"Alam mo bang libu-libong bata ang nagugutom?"

Iritang nilingon ko siya. ANONG GAGAWIN KO E NAKALIMUTAN KO NGA?

"Nagsayang ka ng pagkain. Did you know that I get up early just to cook breakfast and lunch for you?"

HINDI KA NAMAN NATUTULOG, DI BA? HINDI KA RIN NAPAPAGOD DAHIL VAMPIRE KA.  Sinimangutan ko at nagpatuloy na ako sa pagpapagulong ng wheelchair ko.

"Na-process na nga pala ang mga cards mo."

Napahinto ulit ako at napalingon sa kanya. NASAAN NA?

"Nasa akin," tipid na sagot niya.

GIVE THEM TO ME THEN.

Napahimas siya sa kanyang baba. "I don't know. Pag-iisipan ko munang mabuti."

GIVE THEM TO ME! KARAPATAN KONG MAKUHA ANG MGA IYON!

Nakakaloko siyang ngumiti. "Nakakalimutan mo na? Under ng account ko ang lahat ng cards mo."

Napalunok ako. Mukhang kailangang kong magpakabait sa kanya.

"What?" Nangunot ang noo niya nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya at nakangiti. "Why are you smiling at me?"

NOTHING. I JUST NOTICED HOW GORGEOUS YOU ARE IN THAT GREY SHIRT.

"Really?" Humalukipkip siya. "Why don't we start from the beginning, shall we?" he said sarcastically.

Napakuyom ako ng kamao.

"Go on. Get back to that door." Inginuso niya ang pinto kung saan ako galing kanina.

Pinagulong ko ang wheelchair pabalik sa pintuan.

"Anong oras natapos ang klase mo?" tanong niya ulit, tulad kanina.

Pilit akong ngumiti sa kanya. FIVE, SIR.

Napatingin siya sa kanyang wrist watch. "It's 5:30. Anong ginawa mo noong ten minutes?"

"Nasa kotse lang pauwi. Traffic dahil may rally," napakahinahon ng pagpapaliwanag ko.

"At bakit mo iniwan ang lunchbox mo kanina?"

NAKALIMUTAN KO napatiim-bagang na ako. I'M SORRY humina ang boses sa isip ko.

"Are you mad at me?" Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. "Nakasimangot ka kasi."

Umiling ako.

"Then smile at me."

Ngumiti ako. Iyong pilit na ngiti.

"Kindatan mo ko," utos niya.

Napakurap ako sa utos niya. WHAT?!

"See? I think you're mad at me." Napahimas ulit siya sa kanyang baba. "Sayang naman ang mga cards mo kung hindi rin mapapasa'yo."

Umiling-iling ako. I'M NOT MAD, I SWEAR.

"Smile then."

Ngumiti ako sa kanya.

"Kindat."

Kinindatan ko siya.

"Flying kiss."

Nag-flying kiss ako sa kanya.

"Good." Tinalikuran niya ako. "I will decide tomorrow kung ibibigay ko ba sa 'yo ang mga cards mo."

He went outside at nagtungo sa kanyang kotse. Nang mawala siya sa paningin ko ay padabog kong isinara ang pinto.

Damn that man! Hindi kumo't may hawak siyang alas ay pwede na niya akong alipinin. I'll find a way to turn the table. Sisiguruhin kong siya naman ang aamo sa akin.

JF 

Continue Reading

You'll Also Like

2M 69.3K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
190K 8.8K 30
Captured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra...
3.2K 118 31
Beatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pan...