When I First Met You

By JFstories

2M 135K 35.1K

You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shatt... More

SIMULA
CROSS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXIX-2
Kabanata XXX
Huling Kabanata
Epilogo
WHEN I FIRST MET YOU
BOOK
VOX

Kabanata X

41.7K 3.4K 633
By JFstories

I HAD A BAD DREAM LAST NIGHT. 


Napanaginipan ko ang imaginary boyfriend ko, my perfect love, Cross. But he wasn't perfect in that dream because there, he was a freaking cheater. I caught him kissing another woman. I woke up crying after that dream—I mean, that nightmare.


Sobrang sakit. Sobrang sakit pala na maloko.


Siguro deserved kong maramdaman ang sakit kung paano lokohin. Deserved kong ma-broken na katulad nang naramdaman ni Dad nang lokohin siya ng dalawa niyang girlfriends. Kagagawan ko kung bakit siya niloko ng mga babaeng iyon. I paid Cross to seduce his girlfriends.


Napahilamos ako sa aking mukha nang maisip si Cross. Again, naalala ko na naman iyon ang ginawa niyang pakikipag-one night stand sa mga ex ni Dad. Iniisip ko pa lang na hinahalikan niya ang mga babaeng iyon ay kumukulo na ang dugo ko. What more pa kung i-imagine ko ang iba nilang ginawa sa kama, di ba? Baka tuluyan na akong sumabog sa inis.


Fine, I admit that I was jealous. Pero nagseselos lang naman ako dahil nga sa kamukha niya ang perfect imaginary BF ko, and nothing else, okay?


I swear my jealousy really had nothing to do with him. Naiinis lang ako sa kanya because of what he did. Parang dinungisan niya kasi ang perfect image ng Cross ko kaya naman nakaisip ako na turuan siya ng leksyon, iyon nga na ipa-gulpi siya. Failed nga lang ang result.


"Are you hungry and do I look like a hamburger to you?"


Hamburger? Napakurap ako.


Cross was leaning on the wall wearing a white plain shirt and a grey jogger. May hawak siyang panggantsilyo dahil inutusan ko siyang ipag-gantsilyo ako for my project. I'm gonna pay him once makatapos siya. Pumayag naman siya kaya nandito ako ngayon sa condo niya.


Hindi nga pala kami nagtagpo the last time dahil umalis na ako bago pa siya dumating. Ngayon lang kami nagkita ulit dahil nga sa kailangan ko ang serbisyo niya for my crochet project. Also, nangangati na rin akong i-interrogate siya about his real identity.


Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. "Excuse me? Kahit ikaw na lang ang natitirang hamburger sa earth ay hindi kita kakainin!"


Tatango-tango lang naman siya at bumalik na sa paga-gantsilyo. Nakaka-buwiset, ha!


"Hey!" tawag ko sa pansin niya.


"What?" he lazily asked while doing my crochet project.


"Who are you really?"


"I already told you everything."


"Alin? Na mayaman ka? Kung mayaman ka, bakit tinatanggap mo ang mga small time raket na binibigay ko sa 'yo? Atsaka bakit ang kuripot mo?!"


Nanulis ang nguso niya habang nakatutok sa ginagawa. Halos magkandaduling siya sa pagkuwit ng sinulid na ginagantsilyo. "Pwede ba 'wag kang magulo para matapos ko na 'to."


"I thought you're just a con artist!" dagdag ko na hindi pinansin ang kanyang pananaway.


"I don't care about your thoughts." Umigting ang kanyang panga dahil nagkamali yata siya sa kanyang ginagawa.


Lalo akong nabuwiset sa kanyang sagot. Sobrang confusing and intriguing ng real identity niya sa akin, hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nakukuha ang gusto kong kasagutan.


"You're so rich pero pumayag kang makipag-one night stand sa kung sinong babae! You did that para lang sa bayad na kung tutuusin ay barya lang naman sa yaman mo. Who are you really, Cross?"


"I did not do it for the money," mahina niyang sabi.


"Ha?"


"I did it for you."


Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Para akong nabingi nang ilang segundo, at ang tibok ng puso ko ay biglang nagbago. Oh heck, pinagti-tripan yata ako ng lalaking ito?


Ganito ba siya mang-flirt? Ah, siguro ipinapakita niya lang sa akin kung paano niya nagawang pabigayin sina Deserri and Diana.


Nang makabawi ay tumikhim ako. "So... how did you get so rich?" pagbabago ko sa topic. "As in, so rich for you to own four luxurious hotels. Anong ginawa mo?"


Kumibit ang kanyang malapad na balikat.


"Naku-curious ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get over sa thought na ang yaman-yaman mo pala. Hello? Can you blame me? Paano ako maniniwala e nakilala kita biglang kuripot at mukhang perang lalaki!"


"You really want me to answer that?" Saglit siyang huminto sa ginagawa at yamot na tumingin sa akin ang kulay berde niyang mga mata.


"Yes."


"But would you believe if tell you that I get rich on my own?"


Nanahimik ako. Parang hindi ko yatang paniwalaan kung sasabihin niya iyon. Duh! Masyado pa siyang bata para maging ganito ka-successful on his own, unless pinamanahan siya or nanalo sa lotto.


His lips formed into a sexy smirk. "No, hindi ako tumanggap ng mana o nanalo sa lotto."


Ha? Did he hear that? Napalakas ba ang pagkakasabi ko?


"I told you, I am a vampire."


He was saying that crap again.


"I am immortal. I don't age and die, kaya madali sa akin ang kumuha ng ibat-ibang courses at mag-invest para yumaman." Kinagat niya ang dulo ng yarn matapos ibuhol ang dulo.


"Whoa! How did you do that?" Gaano katalas ang ngipin niya para walang hirap na ma-cut ang yarn sa isang kagat?!


Tinitigan niya ako nang masama matapos ibaba ang ginawa niyang crochet. "Why are you still here? Icha-charge ko sa 'yo ang bill ng aircon na ginagamit mo."


"Because I am waiting for my project to be done, Mr. Kuripot." Lumabi ako. Ang yaman-yaman, ang damot sa aircon.


"Kuripot ako because I value my hard-earned money."


My eyes automatically rolled themselves. "'De ikaw na! Sana all!"


Inilapag niya sa malapit na coffee table ang crochet project ko. "I guess it's my turn to ask now." Pumaling ang kanyang ulo habang nakatitig sa akin. "Bakit mo ako hindi sinipot doon sa tagpuan natin kahapon?"


Bigla akong nag-panic, pero hindi ko ipinahalata. "Uhm, you did not get my message?"


"What message?"


"Nagtext ako sa 'yo, di ba?" I tried my hardest to look calm.


Kumunot ang kanyang makinis na noo.


"I've texted you. Ang sabi ko, cancel na," pagsisinungaling ko. Ahg! Bakit naman kasi bigla niyang naalala iyong itanong? "Didn't you get my message ba?"


"You're lying."


"Of course not!"


Hindi na siya kumibo. Namulsa lang siya at inilipat ang paningin sa glass wall na nasa gilid. Dahil gabi na at wala nang araw, hinawi niya na ang makapal na black curtains na tumatakip sa glass wall tuwing umaga. This suite was located on the highest floor kaya tanaw na tanaw ngayon sa salamin ang buong metropolis sa ibaba.


"Naghintay ka ba nang matagal kahapon?" kunwari'y casual na tanong ko sa kanya.


"Mainipin ako. Hinintay lang kita ng isang minuto."


Really?


"Uhm... May nangyari ba?"


"What do you mean?" kalmado niyang tanong nang lumingon.


"W-wala naman..." nautal na ako dahil hindi naman kasi talaga ako sanay magsinungaling. Ayaw ko na sanang ungkatin pa iyong kahapon, ang kaso lang ay curious na curious ako. "Gusto ko lang malaman kung umuwi ka na rin agad..."


Hindi na ako makatingin sa kanya nang deretso dahil as I was looking at his luminous green eyes, mukhang alam na niya na ako ang may pakana ng lahat. Pero hindi pa rin ako sure. Baka naman kasi ganito lang talaga siya tumingin. So ayaw ko pang umamin.


"I met ten guys there."


"Oh, really?" Pinilit ko siyang ngitian. "And then?"


"Kiniliti nila ako."


"What?" Pinilit kong matawa. "Grabe talaga mang-prank mga kabataan ngayon, nangingiliti na... ha ha ha..."


But deep inside of me, I was cursing. Kiniliti? Ang hambog lang, ha!


Pero paano nga niya napatumba nang nag-iisa ang sampung iyon? Gaano siya kalakas? Though he was a tall and well built man, ang hirap pa ring paniwalaang ganoon siya kagaling makipaglaban para mai-compare siya ni Seven sa isang US Navy SEAL.


"Tell me, Embry." Pinamungayan niya ako ng kanyang luntiang mga mata. "Why do you want me to disappear?"


Hindi ako makasagot sa biglaan niyang tanong.


"Binayaran mo ako, at handa ka pang magbayad ulit para lang umalis ako at hindi na magpakita sa 'yo. Why?"


Lumikot ang mga mata ko. Nagsimula akong pagpawisan kahit may aircon naman. "A-ah, kasi..." Paano ko ba sasabihin sa kanya na meron akong imaginary boyfriend at kamukhang-kamukha niya ito?


Nagulat ako nang ngumisi siya. "I get it."


"Ha?"


"What if I make you a deal?"


"A-anong deal naman yan?" nauutal na tanong ko dahil parang biglang bumilis yata ang tibok ng puso ko.


Sumeryoso siya. Ang ngisi sa mapula niyang mga labi ay nabura na. "Bakit hindi natin gawing totoo ang imaginary boyfriend mo?"


Gulat at hindi makapaniwala na napatayo ako mula sa sofa. "P-paano mo nalaman ang tungkol sa imaginary boyfriend ko?!"


"I told you... I can read your mind."


Bago pa ako makapag-react ay nasa harapan ko na si Cross. Para siyang hangin na bigla na lamang napunta rito sa loob lang ng isang segundo! How did he do that?!


Ang mainit at mabango niyang paghinga ay naramdaman ko sa aking balat. "Because I am a vampire."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 43.9K 56
Love at first sight Dao pero bakit lumalayo siya sa akin? Yanyan laments. Kung ayaw niya di wag! Manghahalay na lang ako ng ibang papable! KaSaMaAnB...
13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
8.5M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...