To Love Again

By MelancholyofMaryey

51.6K 1.9K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... More

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 44

624 29 4
By MelancholyofMaryey

Alex Pov.

Bakit ba ako nasasaktan ngayon? Dahil ba sa mapapangasawa ko siya? Or dahil ba sa dalawang taon na pinagsamahan namin pero hindi ko maalala?

I hate seeing her like this. Wala naman ako magawa para mapagaan ang pakiramdam niya. Nasasaktan siya dahil sa akin. Pero ano bang magagawa ko?

Dapat bang maalala ko siya? Paano ko gagawin yun kung hindi na talaga babalik pa ang alaala ko?

I'm starting to feel something. Lagi akong nag woworry if okay lang si kelsey. Last Sunday simula paguwi galing hospital ay hindi ko na siya nakita. Umalis siya ng hindi nagpapaalam. Hindi rin siya umuwi.

Ang daming tumatakbo sa utak ko noon. Gustong gusto umuwi ng bulacan at hanapin si cath. Dahil yun ang sinasabi ng isip ko. Ang naaalala kong babae sa aking buhay.

Pero bakit twing pipikit ako ay magandang mukha ni kelsey ang nakikita ko? Bakit laman siya ng mga panaginip ko? Bakit twing hahawakan ko siya ay kakaiba ang nararamdaman ko?

Ano bang dapat kong gawin? Ang umuwi sa probinsya at piliin si Cath kahit walang kasiguraduhan kung mahal pa rin niya ako at mabuhay sa nakaraan?

Or magstay na lang dito at tanggapin kung  sino na ba ako. Ang maging fiancée ni kelsey. At mamuhay sa kasalukuyan.

Gusto kong yakapin si kelsey at kunin ang sakit na mararamdaman niya. Gusto ko siyang damayan. Pero ano nga bang maitutulong ko kung ang sarili ko ay hindi ko rin matulungan?

" Alex i want you to know the truth."

Sa dami ng kwento niya ay may hindi pa pala siya nasasabi?

" But before i want you to know na hindi ko gustong maglihim sayo. At ikaw lang ang kaisa isang tao na minahal ko ng ganito."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko siya malapitan dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Masyado na akong nagkakasala. Kahit sabihin pang fiancée ko siya ay wala pa rin akong karapatan dahil ang totoo ay ibang alex ang minahal niya. Hindi ako iyon. Dahil ang kaharap niya ngayon ay ang alex na namumuhay sa nakaraan.

"Sabihin mo na lahat Kesley para matapos na lahat ng ito. Para naman malinaw na lahat sa akin."

" You got into a fight kaya ka naaksidente."

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Ako nakipag away?

" It's raine birthday party. Hindi tayo nagkasabay kasi we're not okay that time. Gabi na hindi ka pa dumadating. Nasa rooftop kami nila anne at lisa kasi crowded na yun baba at sobrang daming tao na hindi namin kilala. May lumapit samin group. Nakipagkilala siya sakin. Jade ang name niya. I don't want to be rude kaya naman nakipagusap ako but i swear na after that ay hindi ko na siya pinansin pa. Tumabi siya sa couch, i knew she's drunk kaya ganon siya. Until nagulat na lang ako kasi nandon ka na pala. Hinatak mo siya sa upuan. That's the start. Sinapak ka niya. Gumanti ka. Inawat kita kasi lasing nga yun tao but tinalikuran mo ako. Aalis ka na dapat pero nagabot pa din kayo ni jade. Hanggang sa accidentally na-nahulog ka. From 3rd floor. Shit.. " she's trembling.

So hindi pala totoo na nadulas ako but bakit nila itinago sa akin ito? Ginagawa ba nila akong tanga? Lahat sila. Ang mga kaibigan ko, pamilya ko. Lahat sila walang nagsabi sakin ng totoo? Sino ba ang totoo sa mga taong kaharap ko? Tanginang buhay to.

" Nagsinungaling ka sa akin! Paano mo nasasabing mahal mo ako?"

" I don't know how to tell you alex I'm sorry but it's the truth."

" So bakit mo sinasabi to lahat sa akin ngayon? Dahil ano kasi wala ng pag asang makaalala pako? Kasi na guguilty ka na?! Lahat kayo manloloko. Lahat kayo nagsinungaling sa akin. Gabi gabi akong nagiisip kung ano ba nag nangyari sa akin. Ang hirap hirap ng may parte ka sa buhay mong hindi mo maalala pero alam mo kung anong mas masakit don ha? Yun mga taong akala mo totoo sayo pero hindi pala"

" I'm sorry please alex believe me naduwag lang talaga ako, I'm sorry."

" Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin kelsey. Sana naman hayaan muna ako sa buhay ko ngayon. Hindi pa naman tayo kasal kaya may karapatan pa rin akong magdesisyon sa sarili ko. Ayoko na munang magkaroon ng kaugnayan sa inyo. At Sa iyo. Please lang"

Hindi ko na alam. Nagmamadali akong lumabas ng pintuan ng condo niya. Na tagpuan ko na lang ang sariling umiiyak sa loob coffee shop sa gilid ng building niya. This place seems familiar to me. Kahit ngayon lang ako nakapunta. Siguro dati madalas ako dito.

Nagpunas ako ng luha sa aking mata. I'm tired of finding answers. I don't know myself now. Hindi ko alam san ako magsisimula but sooner or later kailangan kong magmove forward. Hindi titigil ang oras para sa akin at sa mga problema ko. Wala din naman makakatulong sa akin kundi sarili ko lang. Tatlong taon lang naman ang nawala sa akin at hindi ang buhay ko.

I just need the courage to start again. I need to rebuild myself. And when that time comes, saka kita babalikan Kelsey.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si jeff. Hindi ko man siya naalala mararamdaman kong magaan ang loob ko sa kanya.

" Rie, anong nangyari ayos ka lang?"

" Salamat sa pagpunta at pasensya ka na naabala pa ata kita."

"Ano kaba naman kahit kailan hindi ka naging abala. Magkaibigan tayo."

Hindi mo talaga masasabi ang ugali ng tao sa panlabas sa anyo.

Hinatid niya ako sa bahay at nagkwentuhan pa kami. Sinabi ko rin sa kaniyang babalik na ako sa trabaho bukas at tutulungan niya raw ako.

Maaga akong gumising at gumayak papasok ng trabaho. Gusto pa ni jeff na sunduin ako pero sinabi kong kaya ko na.

Binuksan ko ang gps ng sasakyan at nilagay ang address ng pupuntahan ko. Dahil maaga akong umalis ay hindi naman ako naabutan ng trapik.

Nang makarating ako sa building ng opisina ay madami ang bumati sa akin. Nakipagkilala naman ako sa kanila. This are little steps for me. Para akong naguumpisa muli pero ayos lang.

Tinuro ulit sa akin ni jeff ang pasikot sikot sa trabaho. Madali ko din naman itong natutunan. Sa loob ng isang linggo ay na meet ko na ulit lahat ng dating kong kakilala dito sa trabaho. Unti unti lang muna sa ngayon.

One week na rin ang nakalipas simula ng nangyari sa amin ni Kelsey. Binigay niya rin sakin yun hinihinigi kong pabayaan niya na ako. Marami ang tumatawag sa akin para mangamusta pero hindi ko na sila inentertain pa.

Ngayon mag fofocus muna ako sa sarili ko. Kikilalanin ko muna ang bagong buhay ni alexandra.

Dahil sabado ngayon ay naisipan kong lumabas. Sinama ko si snow sa sasakyan. Naglakad lakad kami sa park. Madaming tao ang nag jogging dito. Sa susunod ay isasama ko si Louise para may bantay si snow. Umupo muna ako sa bench sa ilalim ng malaking puno. Malamig dito at masarap sa pakiramdam.

Pinikit ko ang aking mga mata para magpahinga. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nanatiling nakapikit. Malilim kasi dito kaya parang gusto kong matulog. Dahan dahan kong minulat ang aking singkit na mata pakiramdam ko kasi ay may nagmamasid sa akin.

Nakita ko si snow na nakikipaglaro sa babaeng nakaupo sa katapat na bench. Napangiti ako dahil masungit na aso si snow. Kung hindi ka niya kilala ay aangilan ka nya. Kaya nakakapagtakang lumapit siya sa babae. Hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha dahil nahaharangan ito ng kanyang buhok.

She's wearing a legging and a black sportsbra. Nakatali sa waist niya yun jacket niya. Siguro ay tumakbo siya kanina. Sa haba ng binti niya ay halatang matangkad siya.

"snowy let's go." tawag ko sa pomeranian ko.

" oh gising na yun amo mo." rinig kong sabi nun babae kay snow.

Tumayo ako at lumapit kay snow. Ayaw niya kasing lumapit sa akin. Ngayon ko nakita ng harapan ang babaeng kalaro ni snow.

" wait i think i know you, have we met before?" tanong niya sa akin.

Napatitig naman ako sa maamo niyang mukha. Oo na maganda siya.

" Ah sorry pero hindi kita kilala eh." mabuti na lang at hindi ako nabulol.

" are you sure?" naupo siya sa bench na tila nagiisip.

Hindi ko naman matandaan na kilala ko siya. Kasi tyak na matatandaan ko yun ganyan mukha.

" Sige ms, una na ako." paalam ko sa kanya. Hindi naman ako bastos para basta na lang umalis.

Hahakbang pa lang sana ako ng muli siyang nagsalita.

" Wait, I'm julia. Julia Sandoval." she extend her hands para makipaghandshake. Binaba ko muna si snow dahil hawak ko pa siya.

" Alexandra Montes." sabay abot sa kamay niya.

Muli akong napatitig sa kanyang mukha. Ang ganda ng mata niya nakakaakit. Ang ganda rin niyang ngumiti.

" Ah my hands." nahihiya ko naman binitawan ang kanyang kamay. Ano bang nangyayari sakin.

" Sorry alis na kami ni snow." paalam ko ulit. At pilit tinatago ang kahihiyan. Tumalikod na ako at mabilis na naglakad.


Kasalukuyan akong nasa biyahe pauwi ng bahay. Ginabi na ako ng uwi dahil nagpunta pa ako sa birthday ng boss namin na si jayson. Mabuti nga at sa bahay na lang niya ito ginanap.

Napatingin ako sa building ng condo ni Kelsey. It's been a month. Wala na akong narinig mula sa kanya. Siguro nga ay hinayaan na niya talaga ako.

Kamusta na kaya siya? Minsan ay hinahanap ko ang presence na siya. Siguro ay nasanay din akong palagi siyang nandyan sa akin nung kalalabas ko lang ng ospital. Bumalik ako sa kasalukuyan ng makarinig ako ng busina ng sasakyan. Mga bwisit mag overtake kayo kung nagmamadali kayo leche!

Iginilid ko ang aking sasakyan. Bakit ko ba kasi siya iniisip? Ako naman ang pumiling iwan siya. Hayss

Natagpuan ko na lang ang sariling naglalakad sa coffee shop na katabi ng building ng unit niya. Mabuti na lang at bukas pa ito. Malalim na rin kasi ang gabi.

Umorder ako ng kape sa counter at lumabas na ng shop na iyon.

Naglakad lakad lang ako. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay ayoko pang umuwi. Kahit na maaga pa ang pasok ko kinabukasan.

Pabalik na ako sa parking ng muli kong tinanaw yung building. Hindi ko maipaliwanag pero nalulungkot ako ngayon.

Nagulat na lang ako ng naramdaman kong napaso na ako ng mainit na kape. Nakabangga pala ako at natapon sa akin yung kapeng inorder ko kanina. Gulat akong napatingin ng marinig ko ang boses ng isang babae.

Ang kanyang malamyos na tinig na gustong gusto kong naririnig.

" Are you stupid bakit hindi ka tumitingin sa daan?!" mukhang hindi pa ako nito nakilala.

Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang siya. Kahit madilim ay kitang kita ko ang kanyang ganda. Parang pumayat siya pero lalo lang siyang naging sexy. Ano kayang ginagawa niya sa labas ng ganitong oras?

" Bingi ka ba? Look I'm not going to say sorry kasalanan mo yan kaya ka napaso."

Napangiti naman ako sa kasungitan niya. Halatang concern pa rin naman siya. Hay.

Hindi ako kumibo kaya umalis na siya at nagpatuloy maglakad papasok sa building kung nasaan ang unit niya. Sinundan ko na lang ito ng tingin.

Kung kanina ay nalulungkot ako ngayon naman ay nakangiti akong nagddrive pauwi sa aking bahay.























Continue Reading

You'll Also Like

76.9K 3.6K 58
When two different people gets connected through their likes in music, what could possibly happen? Pairing with someone so similar, but very differe...
286K 22.1K 55
Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing kaharap kita. Minsan na...
704K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...