Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Note

Epilogue

15.7K 186 54
By mughriyah

"I'm going to my friend's house, Dos. Pumunta ka muna sa Papa mo. Hindi ka pwedeng sumama sa akin, okay?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ako sumasagot. "Be a good boy, okay? Ihahatid kita sa opisina niya." Tamad kong tinanggal ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Ma, ayoko ro'n. Sama na lang kasi ako sa'yo..." pagpupumilit ko pero umiling lang siya.

Napabuga ako ng hangin nang isinakay niya na ako sa kotse niya. Nanahimik lang ako. Mas mahalaga pa ba 'yang pupuntahan niya kesa sa'kin?

"Ihahatid na kita sa opis-"

"'Di na, Ma. Alam ko naman kung saang floor 'yon," sabi ko para makatakas sa kanya.

"Are you sure? Okay then." Hinawakan niya ang pisngi ko para halikan ang noo ko.

Pagbaba ko sa kotse ay kumaway siya kaya kumaway din ako. Pangiti-ngiti pa 'tong nanay ko, mamaya lang alam ko na kung sinong kaibigan ba ang pinupuntahan niya.

Pumara ako ng taxi at pumasok sa passenger seat. Tinignan  ako ng driver. "May pang bayad ka ba?"

"Mukha ba akong pulubi?" inis na tanong ko.

"Patingin kung may pang bayad ka," sabi niya kaya umikot ang mga mata ko sa inis.

Ipinakita ko sa kanya ang wallet ko kaya napatango siya. "'Yung kulay pulang sasakyan pakisundan... mama ko 'yon, e," sabi ko.

"Bakit mo susundan ang mama mo? Mukhang pitong taong gulang ka lang ah?"

"Mag kwentuhan na lang kaya tayo rito para makalayo na si mama?" inis na tanong ko kaya tumawa siya at napailing bago pinaandar ang sasakyan.

Nang tumigil ang kotse ni Mama ay nagbayad na ako sa taxi at bumaba. "Kaninong bahay 'to?" tanong ko sa sarili at nagtago para hindi niya ako makita.

Hindi muna ako pumasok. Basta ang alam ko lang dito nagpupunta si Mama. Sinong kaibigan kaya ang pinupuntahan niya?

Makalipas ang kalahating oras ay pumasok na ako pero nakakapagtakang madilim dito. "Wala bang kuryente 'tong kaibigan ni Mama?" bulong ko sa sarili.

"E-eli, tulong!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Mama. I'm sure it was her voice. Pero... Eli? Nandito rin si Eli?

"Eli, hindi mo alam!" napakunot ang noo ko nang makarinig pa ng ibang boses.

"M-mommy..."

"Eli, wala kang alam!"

"E-eli, tulungan mo ako!"

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nagtago ako nang maramdamang lalabas na si Eli. Nang makitang nakalabas na sila ay naglakad ako para hanapin at buksan ang ilaw at napahinto ako nang makita ko si Mama na duguan at nakapikit na.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "M-ma!" sigaw ko pero hindi na siya dumidilat pa.

Nakatingin ako sa kanya mula sa malayo. Bakit ngayon umaarte siyang hindi niya kami kilala pagkatapos patayin ng Mama niya ang Mama ko?

Eli... bakit?

"Ayoko na... ayoko nang maging kaibigan ka... ayoko nang maging parte ng buhay mo..." malamig na sabi ko sa kanya pagkatapos kong hatakin ang kwintas na binigay ko sa kanya.

Galit siyang tumakbo. Tumulo ang luha ko kasi mamimiss ko siya. Pero pinatay ng Mama niya ang Mama ko kaya hindi ko sila mapapatawad. Hindi niya tinulungan si Mama.

Tumalikod na ako at maglalakad pa sana pero napapadyak ako sa inis at inis na binalikan ang kwintas na tinapon ko.

"Are you still mad at her?" tanong ni Haven pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang nangyari.

"Yes, I am. She didn't help my mother and she acted like she forgot about me." Tumayo ako sa swivel chair at kumuha ng beer sa ref.

"Baka naman may reason siya kaya ka niya kinalimutan?" she asked but I just shook my head.

"That's nonsense. After her mom killed my mother, she forgot about me? All of a sudden? Crap, Haven. It doesn't make any sense." Umupo ulit ako sa swivel chair.

"Is that her?" Tinuro niya ang babae sa screen ng computer kaya marahan akong tumango.

"Maganda ah? May lahi?" tanong niya.

"Wala... natural 'yan."

Hindi na siya sumagot. I want her to suffer. Pucha, laki ng galit ko sa kanya dahil pagkatapos patayin ng nanay niya ang nanay ko ay biglang nakalimot na lang? Ano bang akala niya, bobo ako?

"Dos, I already transferred you to my school. I'm the Dean there." My stepmom walked towards me.

Hindi ako sumagot. Tumango lang ako kaya umalis na siya. Napatingin ako kay Haven nang bigla niya akong siniko.

"You're so cold. Ano bang ayaw mo sa stepmom mo? Mabait naman siya," sabi niya pero hindi na ako nag-abalang sumagot.

Kanina pa ako rito at kanina pa ako pinagtitilian ng mga babae. Naririndi na nga ako sa mga tilian nila, e. Taragis, wala bang gwapo rito? First time makakita?

"Dos?"

Dumapo ang kaba sa dibdib ko. Pucha may nakakaaalam ng totoo kong pangalan? Napatingin ako sa gilid ko at literal na nagulat ako nang makita si Chance. Gago?

"Chance?"

"Gagsti ikaw nga! Pre! Omaygad ikaw nga." Yayakapin niya sana ako pero lumayo ako sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Bakit? Payakap lang, e. Ay wait. Saan ka ba galing, Dos? Sa ibang bansa? Oh, God, bro. Where have you been?"

"Don't call me like that. I'm Tyler," I said.

His brows furrowed. "No, no, no." Gumalaw ang hintuturong daliri niya habang umiiling. "You are Dos. You are not Tyler."

"Umayos ka, Chance. I'm getting mad."

"Nampucha naman, pare! Nag tatagalog ka pala! 'Kala ko galing ka ng ibang bansa tas nilamon ka na ng ingles!" Ginulo niya ang buhok niya.

He hasn't changed at all. Nakakainis at nakakatawa pa rin siya.

Sinabi kong binago ko ang pangalan ko sa walang dahilan. Mukha ngang hindi siya naniniwala pero humingi ako ng pabor na sana 'wag niyang sabihin kay Eli na nakita na niya ulit ako.

"Pre, totoong 'di ka niya maalala."

I don't think I will believe in him. Magkaibigan sila ni Eli... o baka pati si Chance ay niloloko rin ni Eli.

"Act like you don't know me, Chance. Kung hindi ako naaalala ni Eli... gusto kong maalala niya ako nang hindi pinipilit."

Tinusok niya ako sa tagiliran. "Ikaw ha! Crush mo pa rin ba si Selene?"

"Selene na ang tawag mo sa kanya?" tanong ko.

"Oo, crush mo pa rin ba siya? Uyy!" pang-aasar ng ungas.

"Hindi na... matagal nang nawala."

"Omg! Hala! Ang gwapo! Transferee!" pucha nakakarindi talaga. Hanggang cafeteria ba naman?

Tumama ang mga mata ko sa kanya. Holy heavens of the Lord Jesus Christ... she's really beautiful! Paano siya gumanda nang ganito kaganda?

Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay uupo na sana ako pero may nabangga si Eli. Mukhang nagalit yata 'yung nabangga niya. Napailing ako. What a clumsy woman.

"Putcha naman, oh!"

Napakunot ang noo ko. Did this punk curse at her? Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko at tinignan sila.

Putangina anong ginagawa ko? Bakit naiinis ako nung minura si Eli? Dapat wala akong pakialam sa kanya!

"Ay galit na galit. Peace hehe 'di sadya."

Damn, she's so cute.

Umiling ako at sinampal ang pisngi ko. "Get back to your senses, Dos. Wala kang pakialam sa kanya," bulong ko sa sarili ko.

Kumain na lang ako. Wala naman akong pakialam sa kanila. Inangyan, liit naman ng mundo. Dito pa kami nagkita? Letse.

"Ayan pang-apat! Unggoy!" sigaw ni Eli.

"Ay putcha kapal talaga nito!" si Chance.

Lumapit ako sa kanila. "What are you two doing?" tanong ko kaya tumingin silang dalawa sa akin.

"Please call a police. Someone is dying here," sabi ni Chance kaya natawa ako sa loob loob ko.

"Is this a lover's quarrel?" subukan mong sumagot ng oo, Chance. Ako ang bubugbog sa'yo.

TEKA NGA! Ano 'to? Nagseselos ba ako sa closeness ng dalawang 'to? Anong pakialam ko kay Eli?

Nang magpaalam ako sa kanila ay maya-maya lang nakita ko na silang naliligo sa ulan na sabay. My jaw clenched. That should be me!

Putangina nakakainis naman. Nakakainis!

Pag-uwi ko ay may nakita akong dm at hindi ako magkanda-ugaga sa pagtanggal ng sapatos ko nang makita ang message ni Eli.

@selenedaferi
hi adjskdhdj love u crush hehe

I don't know but my lips automatically formed a smile. Muli kong sinampal ang pisngi ko at umiling.

"What are you doing to me, Eli?" I whispered to myself.

@tylerlewis
Gusto mo ma-crush back?

Bakit ba ako nakangiti habang kausap ang babaeng 'to?

Kinabukasan, napapansin kong may sakit siya. Hindi ko nga alam kung bakit kinakausap ko pa siya, e, wala naman akong pakialam sa kanya.

Ilang beses ko nang sinasabi sa sarili ko na wala akong pakialam sa kanya pero ako 'tong isip nang isip sa kanya.

Nang mag breaktime ay lumabas ako at nakita kong naglalakad si El—should I call her Selene? Halos iyon na ang tawag sa kanya ng lahat.

"Your lips are pale," sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Mind your own business," sabi niya kaya bahagyang tumaas ang isang kilay ko.

"Why?" I asked.

She let out a sigh. "Stop acting like we're close, Tyler. Pwede ba? Tantanan mo buhay ko."

"Why? Am I not allowed?" tanong ko kaya napatigil siya. Bawal ba akong mag-alala sa'yo, Selene? Tangina, nawawala na 'tong galit ko sa'yo dahil lang nagkita ulit tayo at ngayon... ngayon... nag-aalala ako na hindi naman dapat.

"Am I not allowed to ask if you're okay?" I asked her again.

She let out a sigh for the second time. "Alam mo?" she asked.

"Hindi pa, ano 'yon?"

"Crush ka ni Chance. Sabi niya sa'kin. Siya na lang ang kausapin mo, okay?" She smiled at me and turned her back from me.

"Selene, alam m—"

"Ano na naman! Ano na naman!"

"May muta ka..."

Natigilan siya saglit pero naglakad na ulit at nanlaki ang mga mata ko nang muntikan na siyang bumagsak pero nasalo ko siya. "Shit!"

Tumakbo ako para dalhin siya sa infirmary. Tangina naman. Tangina talaga. Wala na. Puro pag-aalala na lang ang nararamdaman ko. Nawala na ang galit. Nawala na ang sakit. Natalo ako.

Wala na siyang malay. Pagkatapos siyang asikasuhin ng nurse ay nilapitan ko siya. I stared at her perfect face. She's really beautiful. No one can beat her beauty.

"You should live a healthy life, Eli..." iyon na lamang ang sinabi ko at lumabas na para tawagin si Chance at siya na ang magbantay.

Alam kong hindi papasok si Selene ngayon kaya naglakad-lakad ako. Kahapon lang ako lumipat sa Citta Italia para mapalapit sa kanya.

Tumigil ako sa pag jojogging nang tinawag ako ni Chance. Lumapit siya sa akin. "Dos, kasama ko si Selene. Ang gwapo mo ngayon ah?"

"What do you want?" hinihingal kong tanong.

Ngumiti siya. "Baka naman libre mo kami sa McDo."

Napailing na lang ako. Iyon nga ang nangyari. Dahil gusto kong makasama si Selene ay pumayag akong ilibre sila sa McDo. Kagaya ni Chance, hindi pa rin siya nagbabago. Matakaw pa rin.

Nang mag-inuman kaming tatlo ay muntikan ko nang masabi kay Selene na ako si Dos pero pinigilan ako ni Chance. Ako ang humingi ng pabor sa kanya na huwag akong banggitin kay Selene at hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin ko kay Selene ang tungkol sa akin. Pinipigilan niya ako.

Nagkaroon kami ng usapan ni Selene na ililibre ko siya dahil ginamot niya ang sugat ko. Damn that fucking Arvin who insulted my woman. Kung pwede lang pumatay ng tao, ginawa ko na sa lalaking iyon. Puta nakakapanggalaiti.

Ilang minuto bago ang usapan namin nang dumating si Papa sa bahay. Galit na galit siya.

"What are you doing here?" kalmadong tanong ko.

"Why did you leave my house?! Ininsulto mo na naman ba ang asawa ko, Dos?!" sigaw niya.

I chuckled. This is fucking nonsense.

"I couldn't take seeing your face! Pagkatapos mamatay ni Mama, may bagong kapalit agad?!" malakas kong sigaw.

Napaatras ako nang malakas niya akong sinuntok. Tumawa ako nang malakas na parang nababaliw. When will he apologize to my mother? Pagkatapos nang ginawa niya, suntok pa ang mabibigay niya sa akin?

Kinuwelyuhan niya ako kaya malamig ko siyang tinignan. "Let's cut this useless relationship, Mr. Lewis. You are not my father and I am not your son anymore." Tinulak ko siya.

"Bastardo! Dahil sa'yo kaya namatay ang nanay mo! Hindi mo siya pinrote—"

"NA DAPAT GINAWA MO DAHIL IKAW ANG ASAWA NIYA!" galit kong sigaw. Gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa.

"I was working, Dos!" sigaw niya.

"Was that more important than your wife?! She was murdered but you're not doing any fucking thing to catch the culprit! You are just fucking enjoying this life with your second wife!"

"Huwag mo siyang banggitin! Wala siyang kinalaman dito!" sigaw niya kaya natawa na lang ako at hindi na sumagot.

"Get out of my house... I don't want to see you ever again." Naglakad ako papunta sa kwarto at doon na nagkulong.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero sumisigaw siya ng tama na. Napaluhod siya at napahagulgol. Nanlumo ako nang makita ang mga luha niya. I feel like someone punched my heart because it hurts. Nakakapanghina ang mga luha ng babaeng mahal ko.

Gusto kong pumatay. Gusto kong pumatay pagkatapos kong malaman ang nangyari kay Selene noong hindi ko siya sinipot.

She's right. That was my fucking fault. Bakit ko ba siya nakalimutan kagabi? Tangina mahal ko siya pero bakit ko nakalimutan na magkikita kami?

Simula nang mangyari 'yon ay palagi ko nang sinisigurado na okay lang siya... na kapag iiwan ko siya ay nasa ligtas siyang lugar. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag may nangyari pa ulit na masama sa kanya.

My anger left me. All I can feel towards her is love. Bahala na, pero mahal ko siya. I thought this was just infuation but God knows how much I love her.

Today's September 03. I want to confess. Ayokong mahuli. Gusto kong aminin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya at tiyak na mababaliw ako kapag nawala siya sa akin.

Pagkatapos kong kumanta ay lumapit ako sa kanya. "Te amo mi media luna..." I whispered as I put the necklace on her.

"A-anong ibig sabihin ng salita—"

"I love you... my half moon."

Nanlaki ang mga mata niya. My heart is pounding. Sa kanya lang. Kapag nandiyan lang siya. Sa kanya lang nababaliw ang puso ko. Siya lang ang gusto ko.

"W-what are you saying?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Mahal kita, Selene... mula noong mga bata tayo... hanggang ngayon."

Tumulo ang mga luha niya kaya pinahid ko 'yon. She smiled and nodded so I'm taking that as a yes.

Finally... she's mine. Abot ko na siya. Abot ko na si Selene. Ang babaeng hiniling ko sa Diyos.

Habang lumilipas ang araw ay mas lalo ko siyang minamahal. Maraming babae pero siya lang ang nakikita kong makakasama ko habang buhay. And I love her more than I love myself.

Pero ganoon na lang ang pagkakagulat ko nang sabihin sa akin ng private investigator ko ang tungkol sa totoong pumatay kay Mama at totoong magulang ni Selene.

Nanlambot ako. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. I feel like someone stabbed my chest.

My stepmom is Selene's biological mother? And the real killer of my mother... was her mom?

Bullshit!

Naibato ko ang mga babasaging bagay sa loob ng bahay ko. Parang ngayon na lang ulit nabuhay ang galit ko.

So my sister is also her sister? Putangina!

Parang mawawala ako sa sarili. Ang dugo niya at ang dugo ko ay pareho lang na nasa dugo ni Zara. Puta, nakakabaliw.

Simula nang malaman ko 'yon ay nanlamig ako sa kanya. Nakakagalit. Mahal ko siya pero ang sakit ng mga nangyayari. Ang hirap tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin.

"Dos! Hindi ka na ba naniniwala? Buntis ako!" sigaw ni Haven. Kanina niya pa 'to sinasabi at nababaliw na ako.

"Papanagutan kita," sumusukong sambit ko dahil wala na akong kawala.

Ngumiti siya. "You should. I could still hear your moan, Dos. You were moaning my—"

"Shut the fuck up, Haven." Tinalikuran ko siya.

Hindi ko na alam. Wala na akong maramdaman. Sabay sabay na lahat. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

"Selene... let's break up." Napayuko ako.

"PUTANGINA MO NAMAN PALA!" Malakas niya akong sinuntok pero tinanggap ko lang 'yon.

"Pagod na ako!" sigaw ko. "Selene, ayoko na! Pagod na ako! Hindi kita kayang hawakan ng matagal!" sigaw ko. Muntikan pa akong pumiyok dahil may nagbabara sa lalamunan ko. Pinipigilan ko ang luha ko.

Hindi ko siya kayang makasama. We can't be together. I love her but I have to sacrifice this relationship for our freedoms. Pareho kaming nakakulong sa pait ng nakaraan. Pareho kaming pinapatay ng nakaraan.

I love her so much and I think... you can't call it love if you can't offer sacrifices.

We have to free ourselves in order to save our hearts.

"Dos, ako ba hindi pagod?! Pagod na rin ako! Pagod na pagod na pagod na pagod na ako!"

Nakakapanghina ang boses niya. Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi gumagalaw ang mga bisig ko para gawin iyon.

"Selene, tama na. Tapusin na lang natin 'to," sabi ko. "Pagod na ako, Selene. Ayoko nang makasama ka." Ang katotohanan na nanay mo ang asawa ng tatay ko... at ang pumatay sa nanay ko ay nakakabaliw.

"Dos, mahal kita..." mas lalo akong nanghina dahil sa sinabi niya. Selene, ang hirap mo naman pakawalan...

After nine months, finally I knew that Haven's child isn't mine. Nararamdaman ko talaga na hindi ko iyon anak kaya naman naghintay ako. Ngayon napatunayan ko na sa sarili ko na hindi ako nakipag sex kay Haven. Never.

Amg daming nagbago isang taon ang lumipas. Whenever I saw the moon, the only person that entered my mind was her. It was always her. Paano ko siya makakalimutan? Kailangan bang mawala muna ang buwan? Siya pa rin pala. Kahit ang dami nang nangyari, at the end of the day, siya pa rin 'yung hinahanap ng puso ko.

"Chance!" Hinawakan ko siya sa braso.

Inis siyang tumingin sa akin. "Ano ba 'yon?! Parang gago!"

"Please tell me. Where is she right now?"

"Sinong she? Si Haven o si Selene ko?" salubong ang kilay na tanong niya.

"S-selene ko?"

"Oo! Selene ko dahil nag kiss kami!" sigaw niya kaya nabitawan ko siya. Napaatras ako.

"W-what did you say?" I sarcastically chuckled. Gago?

"We kissed!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Kumuyom ang palad ko ganoon din ang panga ko. Did he just kiss my woman? Agad akong lumapit sa kanya at kinuwelyuhan siya.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" sigaw ko. Mas lalong umigting ang panga ko. Gago nagseselos ako, pwede bang inormalize ang pagpatay kahit isang araw lang?

He shook his head and that's what triggered me to punch him. Dumugo ang labi niya pero wala akong pakialam. "Bawiin mo, Chance!"

"Gago ka pala!" Agad niya rin ako sinuntok at sa bilis no'n ay hindi ko naiwasan. "Niloko mo tapos ngayon gusto mong puntahan?! Pakyu!" Tinulak niya ako.

"Tell me where she is. Fucking tell me where my woman is!" Pagwawala ko. Kulang na lang ay lumuhod ako sa kanya para lang sabihin niya kung nasaan ba si Selene.

"I'm begging you, Chance. Tell me where she is..." I lowered my voice.

Nagmadali agad ako nang sinabi niya sa akin. Sinabi niya rin sa akin ang tungkol sa sakit ni Selene. Tangina. She's sick and I left her alone. I left the love of my life and I don't know how to forgive myself because of that.

I stayed with her. Nangako na ako sa kanya na hindi ko na siya iiwan. Mas mabuti pang patayin na lang ako ng sakit ng nakaraan kesa iwanan ang babaeng 'to. Mahal ko siya... at mas mahal ko siya sa kahit saan o anong bagay dito sa mundo.

Babarilin ko na lang ang sarili ko kapag iniwan ko ulit siya.

"Haven?" tanong ko nang makita si Haven. She was crying while holding a photo.

"Dos!" humagulgol siya at parang iniiwasan ang tingin ko.

"Why are you still here? Pinaalis na kita," malamig kong sambit.

She gave me the photo she was holding. Tinignan ko 'yon at nakita ko ang litrato nilang dalawa ni Selene na sa tingin ko ay sa Tagaytay. May nakasulat sa baba. This was Selene's penmanship.

'My only girl bestfriend... Haven'

I looked at her. Humagulgol ulit siya. "I a-almost killed her..."

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang sinakal at isinandal sa pader. My jaw clenched. "What did you say?"

"I w-was trying to kill her but I saw that p-photo in her room. I've realized that I was her only girl bestfriend but I betrayed her..." Napabitaw ako sa kanya. Dumausdos siya pababa at humagulgol.

"I'm such a bitch. Muntikan ko na siyang mapatay..."

Kumuyom ang kamao ko. "Pasalamat ka na lang na hindi mo siya napatay dahil kung nagawa mo 'yon? Paulit-ulit kitang papatayin, Haven."

Tinalikuran ko na siya. Hindi siya nararapat kay Selene. Sinasaktan niya lang ang babaeng mahal ko.

Ang sabi ko hindi ko na siya iiwan pero ako itong iniwan niya. Ipinaliwanag sa akin ni Tito at Tita ang lahat kaya nagdesisyon akong hintayin siya. Mahal ko siya at maghihintay ako sa kanya kahit walang kasiguraduhan.

Nasa rooftop ako ng bahay ko. Dito na rin nakatira si Third at Art at may kanya-kanya silang yaya. Tinungga ko ang beer na iniinom ko at tumingin sa langit.

Half moon.

"I hope the other half is doing fine..." I said while looking at the moon.

"Dos, ang ganda rito in fairness."

Tinignan ko siya. We're on Formentera beach here in Spain. She removed her coat and gave it to me. Kinuha ko 'yon at hinayaan siyang magtampisaw sa tubig.

"Grabe! Parang dati lang pangarap natin pumunta sa Spain, ngayon nandito na tayo." Lumapit siya sa akin at isinabit ang kamay niya sa braso ko

"We will reach our dreams together, Selene. Hindi na tayo maghihiwalay," I said to her and that made her smile.

"Thank you, Dos."

"For what?"

"For staying with me, for waiting for me, for enduring the pain I've caused you and for loving me unconditionally." Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako. Nakatingala siya sa akin.

I smiled and kissed her forehead. "Thank you for coming back into my life." She hugged me. Walang paglagyan ang saya ko.

Siya talaga ang babaeng kailangan ko sa buhay... dalawa sila ni Art.

"I do, father," Selene said with tears on her cheeks.

And finally, I am marrying her right now. We've prepared this for 3 months because I can't wait to marry her. Pinauwi ko rito ang pamilya niya, ang mga anak namin at si Papa. Sobrang saya ko dahil dito sa Formentera kami ikinakasal. Sa gitna ng dagat... sa malinis na buhangin... sa ilalim ng buong buwan at maraming bituin.

"Luan Savion Lewis The Second, do you take Selene Elishara Daferi to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"

"I do, father." Tinignan ko si Selene. Hindi nauubos ang luha niya.

"By the power vested in me, I shall now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!"

I faced her and smiled at her. Tinanggal ko ang nakaharang sa mukha niya at pinahid ang mga luha niya.

"We're finally married!" sabi niya habang umiiyak.

Ngumiti ako at hinigit ang bewang niya palapit sa akin. "My wife..." I whispered and kissed her lips. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Tumulo ang luha ko dahil sa saya. Mahal na mahal ko siya.

I looked into her eyes after kissing her lips. I wiped her tears again and kissed her forehead.

"CONGRATULATIONS MR. AND MRS. LEWIS!" people shouted.

Damn. Mrs. Selene Elishara Daferi-Lewis. My last name suits her well.

"Te amo mi media luna..." I whispered as I caressed her beautiful face.

"Yo también te amo mi media luna." And this time, she's the one who kissed my lips.

Selene is my other half in a completely platonic way and I don't know what I would do and where I would be without her. I love every part of her. She's my other half, my life, my balance in life... and I have no regrets that I loved the half moon.

End.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 162K 81
SEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasang...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
30.4K 544 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
269K 3.3K 39
Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If you're uncomfortable by reading anything...