Chapter 31

9.3K 84 7
                                    

Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid at mag-isa na lang ako. Ang aga naman yata nagising ni Zara? Bumangon ako.

Itatali ko pa lang sana ang ibang mga kurtina pero napatigil ako nang makita sila Tita Lorna, Lauren at Zara na naghaharutan sa beach. Hawak nila si Sash at tinuturuan lumangoy. Napangiti ako.

Naglakad ako papunta sa cr at naligo kahit ang bigat bigat ng katawan ko. Parang lagi akong pagod kahit wala naman akong ginagawa.

Tatlong araw na nga pala simula nang pumunta kami rito sa Siargao. Ayaw pang umuwi nila Tito at Tita dahil nag eenjoy daw sila. Ganoon din ako.

After fixing myself, I went out. Nakita kong kumakain na sila sa isang malaking kubo at nagtatawanan. Kusang umarko ang mga labi ko para ngumiti.

Nilingon ako ni Lauren at kumaway. "Good morning, ate! Tara na!"

Nakangiti akong tumango at naglakad palapit sa kanila. Suot-suot ko pa rin ang wig na binigay sa akin ni Bianca.

Nahagip ko ang tingin ni Dos. Seryoso ang mga titig niya pero agad na akong umiwas ng tingin at tumabi kay Zara na busy sa pagkain ng watermelon.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Selene?" tanong ni Tita.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Maayos lang po," sagot ko. Totoong medyo maayos ang pakiramdam ko ngayon. Medyo mabigat pa pero hindi naman malala ang nararamdaman ko.

"I told you. Siargao is the perfect place for you, Selene," si Tita kaya ngumiti ako.

"When are we going home?" tanong ni Lauren at uminom ng buko juice.

"Hanggang kailan niyo ba gusto? Do you guys have free time?" si Tito Felix.

"I'm free. Kung marerelax dito si Selene, then I'll stay here." Hindi ko matignan si Dos.

"That's good to hear. Mukha namang nag e-enjoy si Selene," sambit ni Travis.

"I like it here. Lahat naman po yata tayo nag e-enjoy dito," humagikgik si Zara.

Nagtawanan kami at kumain na. Tinignan ko si Chance na nakatulala lang sa pagkain niya. Mukhang iniisip na naman niya ang ex-girlfriend niya. Napailing na lang ako.

Don't do something you will regret in the future. Habang nasa tamang panahon, gumawa at magsabi ka ng mga tamang bagay para sa tamang tao.

"Dos!"

Lahat kami ay napatingin sa isang boses at napakunot ang noo ko nang makita si Haven na pinipigilan ng mga bantay na makalapit sa amin.

"Bitawan niyo ako! Dos, lumabas ka!" patuloy siyang sigaw.

"Haven?" mahinang sambit ni Travis kaya napatingin ako sa kanya.

Bigla akong nanghina sa nakita ko sa mga mata niya. Mahal niya pa rin ito.

"Dos!" Nagbalik kay Haven ang tingin ko. Galit na galit siya at patuloy na sumisigaw pero inaawat siya ng mga bantay sa kubo.

"I apologize, Mr. and Mrs. Daferi." Naglakad si Dos palapit kay Haven at nanlaki ang mga mata ko nang marahas niyang hinawakan ang braso ni Haven at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-inda ng mukha niya dahil sa ginawa ni Dos.

Bago sila umalis ay nakita ko pa ang pag-igting ng panga ni Dos at kinaladkad na palayo si Haven.

"What a bitch." Napailing si Bianca at tumayo na. Tumingin siya sa amin at ngumiti. "I gotta go. I'm going back to Michigan. Take care, Selene. See you again." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now