Chapter 6

6.1K 106 3
                                    

"Ang sarap! Ang sarap sarap! Paisa pa ha?"

"Tss." Inilabas niya ang wallet niya at binigay ang isang daan sa tindera ng ihaw-ihaw. Ngumiti ako sa kanya at inalukan ng isaw pero agad niyang inilayo ang mukha niya sa isaw.

Napanguso ako. "Ayaw mo ba nito? Hindi ka kumakain? Sorry ah? Si Chance kasi kumakain nito at nasanay ako na may kasabay kumain ng street foods," ani ko at kakainin na sana ang isaw ngunit agad niyang inagaw 'yon sa akin.

"Akin na, kakainin na..." aniya kaya napangiti ako.

Kinain niya 'yon na para bang nandidiri siya kaya napabuntong-hininga ako. "Hindi ba kumakain ng isaw ang mayayaman?" tanong ko habang kumakain ng betamax.

"I-it's not like that—"

"Joks alam ko, ganiyan talaga mayayaman, pre. Bihira na lang ang mayayaman na kumakain ng street foods." Hinawakan ko ang braso niya para sabihing okay lang na mag-inarte siya.

"Masarap 'di ba? Oh isa pa!" Inilagay ko ang isang stick ng isaw sa kaliwang kamay niya kaya napabuntong-hininga siya.

Ngumiti ako. Pinanood ko siyang ubusin 'yon at lumawak ang ngiti ko dahil hindi siya nag-inarteng maubos 'yon.

"What do you want to eat next?" tanong niya nang makuha ang sukli sa ihaw-ihaw dahil tapos na kaming kumain.

Napakunot ang noo ko dahil pinagpapawisan siya. "Mainit ba? Hindi naman, e. Ang hangin nga," sabi ko.

"A-ano... ano bang gusto mo pang kainin, Selene?" tanong niya.

Ngumiti ako at nag-isip. I put my index finger on my chin while smirking at him. "Hmm... ikaw?" Tumawa ako.

Seryoso siyang tumingin sa akin at pinameywangan ako. "If you're done, I'm going ho—"

"Teka... ano 'yan? Ba't namumula?" tanong ko at hahawakan sana ang leeg niya pero agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Don't touch me. You're done. I'm going home." Napakunot ang noo ko nang tinalikuran na niya ako.

"Hoy! Tyler! Hoy! Bumalik ka rito!" sigaw ko pero mabilis siyang naglalakad palayo sa akin.

"Bumalik ka sabi rito!" sigaw ko. "Hoy!"

"Tyler, bumalik ka sa'kin!"

"Hoy 'wag mo 'ko iwan luh!"

"TYLER!!!"

"ANO?!" Hinarap niya ako at napatalon ako dahil sa lakas ng boses niya. Mukhang nagalit siya.

Masama ko siyang tinignan. "W-wala akong pamasahe! Iiwan mo ba ako? Paglalakarin mo ako?! I came to you without my wallet!" sigaw ko habang naglalakad papunta sa kanya.

Napahawak siya sa sentido niya at seryosong tumingin sa akin. "Hop in. I'll drive you home."

Nakanguso akong sumakay sa kotse niya. Hindi ko naman alam na ako pala uuwi mag-isa kaya hindi ko na dinala ang wallet ko. Mabuti na lang at sinabay niya pa rin ako pauwing Citta Italia.

Tinignan ko siya at nagtataka na ako dahil tagaktak ang pawis niya. What's wrong with him? Bakit bigla na lang siyang nagpapawis?

Mabilis ang bawat paghinga niya pero hindi ko na siya kinakausap dahil mukhang mainit ang ulo. 'Yung sa taas ha.

Pagpasok namin sa Citta ay itinigil na niya ang kotse kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Why did we stop here? Akala ko sa bahay mo ako ihahatid?"

"Nagbago na isip ko. Bumaba ka na, maglakad ka pauwi," aniya nang hindi ako tinitignan.

"Okay fine! Thank you sa libre. Ayan kasi, mahina ka pala uminom ng alak tapos hinamon mo pa ako. Bleh!" sambit ko at bumaba na.

Napabuntong-hininga ako nang humarurot na ang kotse niya. "He doesn't look good. May sakit ba siya?" mahinang tanong ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now