Chapter 10

6.4K 110 0
                                    

"Ahhh..."

Excited siyang ngumanga na parang bata. Hindi ko gusto ang ginagawa ko dahil napipilitan lang akong gawin ito. Utusan ba naman ako na i-baby ko siya. Kapal talaga ng apdo.

Isinalaksak ko sa bibig niya ang kutsarang may kanin kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Gusto mo yatang ipakain sa'kin ang kutsara, eh!"

I glared at him. "Ay hindi... buong plato ang gusto kong ipasok diyan sa bibig mo."

Napanguso siya at napakamot. "Ah... aray! Aray! Ang sakit ng katawan ko, dahil 'to sa aksidente, e. Aray... kawawa naman ako..." aniya at dahil nga kaibigan ko siya, alam kong nag-iinarte lang siya.

"Awww, kawawa naman ang baby na 'yan. Oh eto kain ka na!" sambit ko at isinalaksak sa bunganga niya ang kutsarang walang pagkain.

"Aray! Akin na nga 'yan! Parang 'di mo 'ko mahal," sambit niya at inagaw sa akin ang pagkain niya.

"Ba't ka ba kasi nagpapasubo? Kaya mo naman, e," sabi ko at uminom sa apple juice niya.

"Wala lang, gusto kong bini-baby mo ako, e," sagot niya kaya umikot ang mga mata ko.

"Bini-baby, baka alilain?"

"Mas maganda kapag baby. Baby mo kasi ako, Selene, tapos baby kita." Kinindatan niya ako.

"Whatever," iyon na lang ang sinabi ko habang pinagmamasdan siyang kumain.

"Hindi ka ba kakain?" tanong niya habang ngumunguya. "Himala, ah. Ikaw ba si Selene?"

Napangiti ako. "Ililibre kasi ako ni Tyler mamaya. Sine-save ko ang gutom ko para marami akong makain mamaya."

Agad niyang inilapag ang kutsara at tinidor saka marahas na kinuha sa akin ang apple juice.

"Aray naman! Sugapa sa apple juice?"

"Akin 'to. Kuha ka ng iyo," aniya.

Napakunot ang noo ko. "Ba't nagkakaganyan ka? Nag she-share naman tayo sa juice ah? Pahingi." Itinaas ko ang kamay ko para sana kunin ang juice sa kanya pero inilayo niya iyon.

"Magpalibre ka na lang kay Tyler," sagot niya at umiwas ng tingin.

Napakunot ulit ang noo ko. "Galit ka ba kay Tyler? Nag-away ba kayo?"

"Hindi! Wala! Kailan ba kayo aalis? Magpalibre ka na!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"Galit ka sa'kin?"

He bit his lower lip and let out a deep sigh. "Galit-galitan lang. Menopausal yata 'to. Anong oras kayo aalis? Mag enjoy ka ah."

"Bakla ka ba, Chance?" natatawang tanong ko.

Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. "Halikan pa kita!"

Humalukipkip ako at sumandal. "Eh ba't may nalalaman ka nang menopausal?"

"Wala charot lang gagi wala kang ka-humor humor sa buhay. Iwan mo na nga ako rito para makakain ako ng maayos." Sumubo siya ng pagkain.

I glanced at my wrist watch and it's 6:49 pm. "Osya sige, bye na. Kita na lang tayo mamaya ah? Punta ka sa balcony niyo." Tumayo na ako at isinuot ang hood ng jacket niya sa ulo niya.

"Pumasok ka na sa loob. 'Wag kang magpahamog baka mabinat ka. Babalik din ako ng 8 pm. 'Wag mo akong hintayin sa balcony niyo, iti-text kita kapag nandito na ako para hindi ka na maghintay, okay?" sabi ko habang inaayos ang hood ng jacket sa ulo niya.

"Tsk. Oo na. Mag-ingat ka ah? Text mo 'ko kung nasaan ka para alam ko kung nasa'n ka," saglit niya akong tinignan kaya nakangiti akong tumango.

Nakangiti akong kumaway sa kanya para magpaalam at tinalikuran na siya. Nasa harap kasi kami ng mga bahay namin at naglabas siya ng lamesa. Maya-maya ay papasok na rin 'yan sa loob nila.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now