Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 30

9.6K 90 9
By mughriyah

"I'm Bianca... Dos' girlfriend."

My jaw dropped after hearing what she said. Pumintig ang puso ko pero bawat pintig no'n ay masasakit.

"Bianca!" sigaw ni Dos at hinila palayo si Bianca sa amin.

Napahawak si Chance sa braso ko. "Kaya mo ba?" tanong niya dahil nawawalan ako ng balanse.

Sumakit ang ulo ko. Biglang pumasok sa utak ko ang mga sinabi ni Dos sa akin na maghihintay siya, na mahal niya ako, na dito lang siya sa akin pero bakit may girlfriend siya?

Tangina, bakit ako nagrereklamo ngayon kung ako naman ang nagtutulak sa kanya palayo?

"P-papasok na ako sa kwarto," sambit ko at itinapat ang key card sa kwartong papasukan ko.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at umiling. This is much better, Selene. Mahal mo siya pero sinira ng nanay mo ang buhay niya.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok kaya agad akong tumayo. Akala ko sila Tito at Tita na pero nagulat ako nang makita si Bianca. She let out a smile.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" nakangiting tanong niya.

"H-ha? Ah p-pasok," sabi ko kaya gumilid ako para makapasok siya.

Pinagmasdan niya ang kwarto ko. "Did you like it here?" masayang tanong niya.

Ano bang ginagawa niya rito?

"Oo..." sagot ko.

Umupo siya sa kama ko at tumingin sa akin. "How are you?"

Saglit na napakunot ang noo ko sa kanya. "I'm doing good."

Tumango siya at tumayo. She then walked towards me. "I'm sorry, Selene..." her voice suddenly became serious.

Mataman ko siyang tinignan. "For what?"

She bowed her head for a seconds and bit her lip. "I've made a mistake. I'm sorry." She looked at me. "I love Dos..."

Hindi ako nakapagsalita.

Tinalikuran niya ako at tumingin sa bintana. Humalukipkip siya habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"He broke up with me last month but I couldn't accept it. Bigla na lang ayaw na niya..." she stated.

"Palagi ko siyang kinukulit. I wanted an explanation but he didn't give me any. Nag sorry lang siya. I knew he never loved me but I love him. Kaya no'ng sinabi niyang ayaw na niya ay naintindihan ko pero mahal ko siya. Gusto kong marinig sa kanya na hindi niya ako minahal pero hindi naman niya sinasabi," pagpapatuloy niya, nakikinig lang ako.

"Pero pagkatapos ko siyang makita kanina kasama ka... he explained everything to me. You're sick. Sinabi niyang mahal na mahal ka niya at ikaw ang pinipili niya." Lumingon siya sa akin at nagulat ako nang makita ang mga luha sa pisngi niya.

"Bianca..."

Ngumiti siya. "Now, he's free. I'm letting him go dahil nakikita ko kung gaano ka niya kamahal. I love him and doon ako sa kung saan siya sasaya, Selene." Tears streamed down my face when she hugged me.

Hinagod niya ang likod ko. "Sinabi niya rin na nasasaktan ka kapag nakikita mo siya. Sinabi niya lahat pati ang nagawa ng mommy mo. Selene, mahal ka niya. Sana 'wag mong pagsisihan sa huli ang pagtutulak mo sa kanya palayo."

Hinarap niya ako at may kinuha sa bag niya. Nakita ko ang wig na color ash gray. Tinanggal niya ang tela sa ulo ko at inilagay ang wig doon. Ngumiti siya. "You're really pretty, huh?" She wiped my tears.

Napangiti ako pero bumabagsak ang luha ko. I feel like I have a girl bestfriend. Ang saya. Sobrang saya.

"Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?" tanong niya.

Umiling ako habang pinupunasan ang mga luha ko. "W-wala kasi akong kaibigang babae. Naiiyak lang ako," sagot ko.

Pinahid niya ang mga luha ko. "I can be your bestfriend. Pero paalis na ako, e. Uuwi na ako sa Michigan. But I'll be back after 5 years. Sunduin mo ako sa airport ah?" ngumiti siya.

Napatigil ako sa pag-iyak. Mapait akong napangiti ako.

"I don't think I can do that... binigyan na ako ng taning ng doktor... three months."

Napakunot ang noo niya. "H-huh?"

"Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Malakas ako, e," ngumiti ako.

"Bukas na ang alis ko. Please live a happy life," aniya kaya tumango ako.

"Ikaw din, Bianca."

Kinagabihan ay nag party sila. Nandito rin si Bianca at nakikitawa sa amin. Sinuggest ko nga na ang nasa playlist ko ang patugtugin at kahit ayaw ni Chance ay pumayag pa rin.

Sumasayaw sayaw si Chance ng slow dance habang natatawang kumakanta si Dos ng Kahit 'Di Na Tayo ng Repablikan. Sinasabayan niya ang kanta sa playlist ko at sinasabayan naman siya ni Zara. Si Travis naman ay nag be-beat box. Si Lauren, Tita Lorna at Tito Felix ay sumasayaw ng kahit anong sayaw sa harap ko. Si Bianca naman ay nakikikanta. Alam niya rin pala ang kanta. Nakatitig lang ako sa kanila habang natatawa. Ako lang kasi ang nakaupo.

"Kahit 'di na tayo sana'y maala-ala mo!" sigaw na yata ang ginagawa ni Zara habang si Dos ay kalmadong kumakanta pero natatawa.

"Ang awitin kong ito na para lang sa'yo..." pagkanta ni Dos habang nakangiti sa akin. Alam ko naman na ayaw nilang lahat sa playlist ko pero bahala sila.

Nakakatuwa sila pagmasdan lahat. Tinignan ko ang gilid ko at nakita ko ang kambal na inaalagaan ng katulong.

Muli kong tinignan ang mga nasa harapan ko. Nang natapos ang kinakanta nila ay nalipat naman sa Sana ng Gag0ng Rapper. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nakakatawa at ang saya.

Nakikanta na rin si Chance. Sabi niya ayaw niya ng mga ganitong kanta. Siguro dahil broken siya sa jowa niya kaya kumakanta siya. Sad boy nga, e.

Tumabi sa akin si Dos. "Masaya ka ba?" nakangiting tanong niya.

Nakangiti akong tumango. "Gusto mo bang kumanta?" tanong niya pagkatapos uminom ng tubig.

Umiling ako. "Balik ka na ro'n. Bilis! Ang saya niyo pagmasdan."

Ang saya nila tigna. Kumakanta-kanta na ulit si Dos. Kita ko naman ang panggigigil ni Lauren kay Sash habang sumasayaw siya.

Pero nanghihina ako ngayon. Parang... parang hindi na ako makakalakad sa sobrang panghihina.

Inisa-isa ko ang mga ngiti nila. This is the best view — their smiles.

Gusto ko habang may buhay pa ako ay nakikita ko lang ang mga ngiti nila. Ito lang ang gusto ko. Ito ang magpapalakas sa akin. Ang mga ngiti nila ang alas ko sa paglaban sa buhay.

Mukhang hindi naman nila ako napapansin dahil nagsasaya sila. Pinahid ko ang luhang lumandas sa gilid ng mga mata ko at tumayo.

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan kahit nahihirapan. Naaabot ng tubig dagat ang laylayan ng puti kong dress pero hinahayaan ko lang. Nakangiti ako habang naglalakad. Nakahalukipkip ang mga braso ko at nakatingin sa buhangin habang naglalakad.

Kinaya ko na.

Wala na ang mga problemang darating sa akin dahil kinaya ko na lahat. Kung pakikipaglaban lang kay Kamatayan?

Kayang-kaya ko na.

Kamusta ka, Seven? Naalala ko noon. Ngumiti ka para hindi ko mapansin na malungkot ka.

Kung depressed ka, kapag ngumiti ka... depressed ka pa rin.

Kung depressed ka, kapag tumawa ka... depressed ka pa rin.

Kung depressed ka, kapag masaya ka... depressed ka pa rin.

Dahil sa nangyari sa amin ni Seven, natuto ako. Hindi dahil nakangiti ang isang tao, wala na siyang problema. Maaaring tinatago niya lang 'yon dahil ayaw niyang makaabala kaya kung ginawa niya 'yon, ikaw na mismo ang magtanong sa kanya kung ayos lang ba siya. Kapag malungkot siya, tanungin mo kung ayos lang ba siya. Kung nakangiti siya, tanungin mo pa rin kung ayos lang ba siya.

"Aw!" Napahawak ako sa noo ko nang bumangga 'yon sa matigas na bagay at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dos.

"Ah! Aray! Aray!" pag-iinarte ko pero ngumiti lang siya.

Napanguso ako at umayos ng tayo. "Why did you leave them? Nagsasaya pa kayo, e."

"Nakita kitang umalis, e. Gusto mo bang mapag-isa?" tanong niya kaya bumuntong-hininga ako.

"Gusto ko lang mag isip-isip." Naglakad ako kaya gumilid siya. Sinasabayan niya ako sa paglalakad.

"Nahihirapan ka na ba?" mahinang tanong niya.

Oo, Dos... nanghihina ako.

"Hindi. Kaya ko, e," sagot ko at ngumiti. Kahit naman 'yon ang sabihin ko hindi maniniwala si Dos. Kilala na niya ako.

"You can't fool me, Selene... hirap na hirap ka na ba?" mahinang tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

Saglit akong pumikit nang humampas ang hangin sa mukha ko. Ngumiti ako. "Dito ka lang, Dos. Diyan ka lang... sasanayin ko ang sarili ko sa'yo... kung kaya ko, babalik ako. Kung hindi, maging magkaibigan na lang tayo."

Tinignan ko siya. Nakangiti siyang tumango. "Kahit kaibigan..." mahinang sambit niya.

Ngumiti rin ako at tumango saka naglakad. Hindi ko kasi alam kung kaya kong pakasalan ang lalaking kagaya niya. Tamang tao si Dos. Ako ang maling tao dito.

Napatigil ako sa paglalakad nang mag vibrate ang phone ko. Tinignan ko 'yon at nanlamig ako nang mabasa ang text.

Unknown Number:
I'll kill you, Selene. I'll kill you. Keep that in mind.

Agad kong itinago ang cellphone ko. "Bakit? May problema ba?" tanong ni Dos kaya mabilis akong umiling.

"Bumalik na tayo," sabi ko at nauna nang maglakad.

Who could it be? Why would she or he kill me? Wala naman akong ginawang atraso sa kahit kanino kaya sino ang taong gumagawa nito sa akin?

Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdaman ako na tumulo galing sa ilong ko. Hinawakan ko 'yon at tinignan ang daliri ko kaya naman nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dugo.

Eli, hindi kita mapapatawad!

Napahawak ako sa ulo ko. Naririnig ko na naman ang boses ni Tita Fatima.

"Selene, ayos ka lang?" Hinawakan ni Dos ang balikat ko pero malakas ko siyang tinulak.

"You're blee—"

"Lumayo ka muna!" sigaw ko at tumakbo palayo sa kanya.

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako papatayin ng mga salitang 'yon?

I should have helped her!

Pero sinong sinunod ko? Si Mommy.

Pinahid ko ang dugo sa ilong ko at binilisan ang paglalakad.

Tita Fatima, I'm sorry. I'm really really sorry. I've made a mistake but please... please I'm begging you... let me live.

Napatigil ako sa paglalakad at pinahid ang mga luha ko. Napaluhod ako sa buhangin at napapikit.

"L-let me live..."

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 39.7K 93
(UNDER EDITING) May Ann Vallejos, she's the eldest daughter. She is a famous pianist in the country but because of her parents' strictness she focuse...
50.5K 466 66
In love, destiny always follows a certain rule to keep everyone intact. Whenever you meet someone, you will immediately assume that that person will...
18.8K 222 33
Selfish, harsh, and rude. That's how Jenwel's family describe her. Her past mistakes, bad reputation, and the impulsive decisions she made in the pas...
1.5M 18.7K 44
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaay...