Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 25

15.6K 124 27
By mughriyah

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. May mga ibon na lumilipad at huni lang nila at alon ang naririnig ko. Marahan akong huminga nang malalim at sinarado ang kurtina saka bumalik sa kama ko.

"Selene, it's breakfast time,"

Napatingin ako sa pinto. Iniluwa no'n si Travis na may dalang tray ng pagkain. Lumapit siya sa akin at inilapag sa bed table ang tray. "Kakagising mo lang?"

Tumango ako. "Kamusta si Third at Art?"

"They were crying pero napatahan na rin ni Mommy. Kumain ka na." Inayos niya ang tela na nakabalot sa ulo ko para makakain ako nang maayos.

Tumango ako. Sinubuan niya ako kaya hindi na ako nahirapan. Palagi namang ganito. Nakasanayan ko na.

It's been 1 year. Nailabas ko ang kambal ko at hanggang ngayon, buhay pa rin ako. Kaso nga lang, nakalbo na ako dahil sa pag chechemotherapy. Hindi ko na ipinaalam kay Dos na may anak kami dahil ayoko nang maging kumplikado ang lahat. Ganoon din kay Mommy, hindi ko na sinabi sa kanya dahil ayoko nang mag-isip pa siya. Hinayaan ko na siyang maging masaya sa pamilya niya.

Nabubuhay ako ngayon dito sa probinsya. Hiniling ko kasi kay Tita Lorna at Tito Felix na iuwi na lang ako sa probinsya at dito magpagamot. Mayaman sila at ang mga perang naiwan sa akin ni Papa ay ginagamit ko na rin.

Hindi ko na nakakasama si Chance pero paminsan-minsan ay dumadalaw siya sa akin. Galit nga ako sa kanya dahil nalaman kong nagloko siya sa karelasyon niya.

"Busog na ako, Travis," sambit ko nang makailang subo ako.

Binigyan niya ako ng tubig kaya uminom ako. Pagkatapos ay niligpit niya ang bed table. "Dadating ulit 'yung doktor mo bukas, Selene."

Tumango ako. "Sige, pero pakibantayan 'yung kambal ah?" sabi ko kaya tumango siya. Inayos niya ang kumot sa katawan ko pero hindi pa ako nakahiga dahil nakasandal lang ako sa headboard ng kama.

Iba na ang buhay ko ngayon. Kung noon, pinili kong saktan ang sarili ko para takasan ang problema, ngayon hindi na. Mas pinipili kong mabuhay para sa bagong buhay ko.

Apollo Savion Daferi III.

Alora Artemis Daferi.

They are my life. Sila na ang bagong buhay ko kaya ginagawa ko ang lahat para mabuhay para sa kanila. Hindi ko man ipinaalam kay Dos ang mga anak niya, gusto ko pa rin isunod ang pangalan ng anak namin sa kanya.

The first time I heard them cry, my outlook on life changed. I wanted to live for them because I wanted to be with them. Gusto ko silang makasama nang mas matagal na panahon pa kaya hangga't kaya ko, lumalaban ako.

Nakakasukang malaman na stepbrother ko na si Dos. Tangina. Napakalupit ng tadhana. Hindi man kami magkadugo, pero nakakasuka na ang tatay niya at nanay ko ay nagsasama sa isang bahay at may anak pa.

Lumabas ako. Bigla kong naalala si Seven. Alam kong matutuwa siyang makita ang mga anak ko. Ni hindi man lang niya nalaman na fraternal twins and pamangkin niya.

Naalala ko noong pinuntahan ko ang mga nang bully kay Seven. Sa inis ko ay pinagbabatukan ko sila kahit pa alam kong makakasuhan ako ng child abuse pero hindi naman nila ako kinasuhan dahil alam nilang dahil sa kanila ay pinili ni Seven na tapusin ang buhay niya.

"Lesson learned. Bullying is not just for fun or done when you have nothing to do. Bullying is a serious thing that should not be done because it can give depression to the victim or worse it can cause their death." Iyan ang bagay na sinabi ko sa kanila at nakiusap ako na sana ay huwag na nilang ulitin.

Hindi pa gumagaling si Mama, nanatili siya sa mental hospital dahil sa pagkakaalam ko ay mas lalong lumalala ang kalagayan niya. Nakakaawa man pero sa tingin ko kailangan niyang manatili ro'n. Isa pa, nakapatay siya ng inosenteng tao.

Pero kahit na gano'n, napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin. Sa pagtanggal niya sa ilang alaala ko. Nanay pa rin siya ni Seven at magulang ang turing ko sa kanya. Napatawad ko na siya, ayoko nang magtanim ng sama ng loob sa kanya dahil kahit hindi niya ako tunay na anak... alam kong minahal niya ako.

Si Papa... nakakamiss siya. When he died, I've realized that while the people you love are still in your life, treasure them, love them like there's no tomorrow, protect them and make them feel loved. Gawin mo lahat ng makapagpapasaya sa kanila para wala kang pagsisihan sa huli.

Kasi ako, hindi ko nagawang pasayahin si Papa. Kung nagawa ko man, alam kong hindi sapat. Kulang. Kulang na kulang para sa pagmamahal na binigay niya sa amin ni Seven.

Napangiti ako nang dumampi ang tubig dagat sa paa ko. Hindi na ako nag-abalang itaas ang white dress ko nang mabasa 'yon. Hanggang talampakan kasi ang haba.

"Hindi mo ba talaga lalapitan ang mga anak mo?"

Hindi na ako lumingon para mapagsino ang nagsalita. It was my auntie's voice. Naramdaman kong nasa gilid ko na siya at nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatanaw siya sa kawalan.

Ngumiti ako. "Natatakot akong baka makakuha sila ng virus sa akin, Tita."

She let out a small laugh. "Wala ka namang virus, Selene," aniya.

"Basta, Tita. Sensitive pa ang balat nila, tignan mo naman ang hitsura ko. Ayokong may makuha silang sakit mula sa akin." Bumuga ako ng hangin.

"Balang araw, mahahawakan mo rin sila."

Napatingin ako sa kanya. Namuo ang mga luha ko. I am their mother but I never touched them — I can't. Natatakot akong baka magkasakit sila dahil sa akin kaya nga hangga't kaya ko ay lalaban ako dahil gusto ko rin silang mahawakan at mayakap.

Pagkatapos kong maglakad-lakad sa dalampasigan ay pumasok na ulit ako sa bahay. Kapag kasi nakahiga lang ako ay mas lalo akong nanghihina. Uminom ako ng tubig at tumigil sa harap ng kwaro ni Third at Art.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at namuo na naman ang mga luha sa mata ko nang makita sila. Hindi ko kayang lumapit. Hanggang tingin lang ako sa kanila sa ngayon pero sinisigurado kong mayayakap ko rin sila.

Mabilis na lumipas ang oras. Nang gumabi ay nag text si Chance pero hindi ko agad binasa dahil inaayos ko ang nakalagay na tela sa buhok ko.

Next week ay chemotherapy ko naman at alam ko na ang mangyayari sa akin. Manghihina na naman ako dahil sa side effects ng mga gamot.

Humiga ko sa kama at kinuha ang phone ko saka binasa ang text ni Chance.

chance cheater panget naman:
galit ka pa rin ba sakin? i'm sorry. pupuntahan kita bukas

me:
magsasayang ka lang ng energy wag ka nang pumunta.

chance cheater panget naman:
hindi naman ako ang mag d-drive. basta pupuntahan kita selene. tulog ka na labyu sorry ulit

me:
bat ka sakin nag sosorry? sa girlfriend mo dapat.

chance cheater panget naman:
nag sorry na ako sa kanya. i'm doing my best to win her back, selene. hindi ko naman siya papakawalan. bibigyan ko lang siya ng oras at kahit itinataboy niya ko, siya pa rin gusto ko. nagsosorry lang ako sayo kasi kaibigan kita

Napabuntong-hininga ako at pinalitan ang pangalan niya.

chance na manipulative sadboi pero cheater in real life:
sorry na kasi, punta ako dyan bukas ah?

Saktong pagkatapos kong magpalit ng pangalan niya ay nag text ulit siya. Bagay sa kanya ang pangalan niya.

Hindi na ako nag reply. Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na dahil nakakaramdam na ako ng antok.

Kinabukasan ay dumating ang doctor ko. Chineck niya ang kalagayan ko at may mga paalala ulit sa akin na susundin ko naman.

Nang umalis siya ay muli kong sinilip sila Third at Art. Palagi ko naman silang sinisilip.

Kahit galit ako kay Chance ay umaasa pa rin ako na pupunta siya. Nakakamiss rin kasi siya, e. Engineer na nga siya ngayon, ang bilis nga, e.

Nainip ako sa paghihintay kaya nagpasya akong lumabas na lang. Pinihit ko ang door knob at binuksan ang malaking pinto pero parang tumigil ang mundo ko nang muling makita ang mga mata niya pagkatapos ng isang taon.

Namuo ang mga luha ko kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nandito na naman 'yung sakit na iniwan niya ako kung kailan kailangan ko siya. I swallowed to clear my throat and looked at him coldly.

Iba na siya ngayon. He look more matured with his new hair. It was now long hair. Nakatali 'yon at hindi ko maiwasang mamangha dahil bumagay sa kanya ang long hair. Mas lalong lumaki ang mga muscles niya. Mukha tuloy siyang modelo sa ibang bansa.

"S-Selene..."

Tangina!

Ang boses niya. I missed his voice!

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko.

Namuo ang mga luha niya. Namumula na rin ang mga mata niya. Bumagsak ang luha ko nang dahan-dahan niyang hinawakan ang tela na nakapatong sa ulo ko. Hindi ko siya pinigilan.

Tears streamed down his face when he saw my head. Napakuyom ang kamao niya at nagsimulang humagulgol kasabay nang pagyakap niya sa akin.

I was crying quietly. Tinutusok na naman ang puso ko. Bakit pa ba siya bumalik? Para saan ang mga luha niya at para saan ang yakap na 'to?

Naririnig ko ang paghagulgol niya habang ako ay tahimik na umiiyak. Hinarap niya ako kaya malamig ko siyang tinignan.

"S-Selene.... damn... damn it," umiiyak niyang sambit. Pinagmasdan niya ako. Pinagmasdan niya ang katawan ko habang tahimik at malamig pa rin akong nakatitig sa kanya.

"I d-didn't know... fuck I didn't know..." humikbi siya.

Bumagsak ulit ang mga luha ko. Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit. Matagal na siyang wala sa buhay ko kaya bakit pa ako umiiyak?

"Oh, Lord... what happened to her..." Napapikit siya at napahilamos sa mukha gamit ang palad.

Tinignan niya ako. "You can do it, right? Selene, kaya mo 'di ba? Mabubuhay ka 'di b—"

"Anong ginagawa mo rito?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

Natigilan siya. Huminga siya at hahawakan sana ako pero tinabig ko ang kamay niya. "Umalis ka na... hindi kita kailangan."

Tumalikod ako pero napahinto ako sa paglalakad nang niyakap niya ako mula sa aking likuran. Hindi na tumigil sa pagbagsak ang luha ko.

"S-selene, I'm sorry. I'm sorry! Pinagsisisihan ko na lahat. Patawarin mo ako nagkamali ako." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Inis kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at malakas siyang tinulak. "Bullshit, Dos! Ayan! Diyan ka magaling! Sa hingian ng patawad pero hindi ka nagbabago!" Tinulak ko ulit siya kaya napaatras siya.

"Selene, mahal pa rin—"

"Fuck you, Dos! You left me when I was at the lowest point in my life and I begged you to stay but you still fucking chose the woman you got pregnant with!" Malakas ko siyang sinampal dahil sobrang sakit nang ginawa niya sa akin.

Pinagsusuntok ko siya at tinatanggap niya lang 'yon hanggang sa niyakap niya ako nang mahigpit. Kumawala ako pero matigas siya hanggang sa nanghina ako at tanging hikbi na lang ang nagawa ko.

"I'm sorry... I'm sorry. This isn't enough but still, sorry, Selene... pero wala akong nabuntis na ibang babae... wala, Selene... maniwala ka sa'kin."

Natigilan ako. Anong pinagsasabi niya? Gumagawa ba siya ng alibi ngayon? Gusto kong matawa sa sinabi niya.

Malakas ko siyang tinulak. "You can't fool me! Nakita ko ang video niyong naghahalikan at pareho kayong... p-pareho kayong..." Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil masakit.

"Selene, I never had sex with her! Maniwala ka naman sa akin," pagmamakaawa niya.

Umiling ako. "KITANG-KITA KONG HUBAD KAYO PAREHO AT SINABI MONG MAHAL MO SIYA!"

"I never said that! Ikaw ang mahal ko! Tangina... mula noon... hanggang ngayon... ikaw pa rin." Lumapit siya sa akin.

Napahagulgol ako. Aaminin kong naniniwala ako sa kanya. Naniniwala ang puso ko sa kanya pero galit ang isip ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko na siya nagawang itulak. Tangina! Mahal na mahal ko pa rin pala siya. Ayokong maging marupok.

"Hindi ko na hihilinging mapatawad mo ako, hindi ko na rin hihilingin na bumalik ka sa akin... ang gusto ko na lang ay lumaban ka sa sakit mo, Selene... kahit 'yun na lang," mahinahong bulong niya.

Hindi ko alam kung paano ako kumalma. Natagpuan ko na lang ang sarili ko at si Dos na nasa dalampasigan. Nakaupo kami at hindi naman naaabot ng tubig dagat ang katawan namin.

Tanging huni lang ng ibon ang naririnig namin at ang pagsayaw ng alon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm out of words.

"Kamusta ka na?"

Hindi ako tumingin sa kanya. Nakatanaw lang ako sa dagat. "Hindi ko alam... hindi ko na alam ang nararamdaman ko, Dos," mahinahong sagot ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko pero hinayaan ko lang. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

I looked at him for a seconds. Namumula pa rin ang mga mata niya at punong-puno iyon ng lungkot.

"Wala, e, ayokong pag-alalahanin ka. I didn't want to be a burden to you."

"You're not a burden to me, Selene. You should have told me about your disease," aniya.

I chuckled. "Mapapagaling ba ako nang pagsabi sa'yo ng karamdaman ko, Dos?" kalmadong tanong ko.

"Hindi pero sana naalagaan kita."

Mapait akong napangiti. Hindi ako nakasagot.

"Gagaling ka naman 'di ba? Please say yes," aniya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi rin masabi ng doktor. Bahala na..."

My heart doubled its beat when he rested my head on his chest. Hindi ko siya mapigilan. Na-miss ko siya at wala akong planong mag-inarte.

"Dito na lang ako sa tabi mo... ayoko nang umalis sa'yo... kahit ayaw mo na sa'kin, kahit itaboy mo ako... gusto ko nandito ako. Gusto ko kasama mo ako sa paglaban sa sakit mo. Hindi ko kailangan ng permiso mo, Selene... kusa akong mananatili sa'yo."

Tumulo ang luha ko. Alam kong pinipigil niya ang pag-iyak dahil halata sa boses niya.

"Weh? Dito ka lang sa'kin?" Tumawa ako para hindi niya mahalatang umiiyak na naman ako.

"Mahal kita... mula noon at mas lumalim ngayon."

"Hindi tayo pwede, Dos... umuwi ka na sa Cavite," sambit ko at lalayo sana sa kanya pero niyakap niya ako.

"Selene, kahit hindi mo na sabihin ang salitang mahal mo pa rin ako... 'wag mo lang akong paalisin sa tabi mo." Mahigpit niya pa akong niyakap.

"Dos, mali 'to... maling-mali."

"I love you... and there is nothing wrong with loving the half moon." He kissed my head.

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko. Pinapahirapan mo na naman ako, Dos.

He reached for my chin and looked at me. Ngayon ko mas nakikita ng mas malapitan ang mga mata niya. "Mahal kita, Selene, at hindi mo na kailangan sagutin na mahal mo rin ako... gusto kong marinig na lalaban ka..."

Hindi ako nakapagsalita.

Lumalaban ako, Dos... para sa mga anak natin... kailangan mo pa ba silang makilala?

Tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko kaya sinagot ko 'yon.

"Selene! Selene!" Saglit kong nailayo ang cellphone sa tainga ko dahil naka loudspeaker pala. Aksidente ko yatang napindot.

Pero nanlamig ako nang marinig ang iyak ng mga anak ko.

Nandito si Dos!

"Selene, your kids are crying. Mom's not here, anong gagawin ko?"

Travis!

Agad na napatayo si Dos kaya saglit akong napapikit ng mariin.

"Third, tahan na..."

Tangina naman binanggit pa ang pangalan!

Agad kong ibinaba ang cellphone ko at huminga nang malalim.

"M-may... anak ka na, Selene?" utal-utal na tanong ni Dos.

Tumayo ako. Hindi marunong magpatahan si Travis at hindi naman ako pwedeng lumapit sa kanila. Anong gagawin ko?

"Selene, I know you. Isang taon pa lang ang nakakalipas at alam kong hindi ka ganoong klase ng babae na... oh God..." Napasapo siya sa noo. "Are they... my kids?"

Tinignan ko siya. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Sasabihin ko na ba ang totoo? Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

"Y-ye—" Nagulat ako nang mabilis siyang tumakbo papasok sa bahay kahit hindi ko pa naman natatapos ang buong salita.

Napatakip ako sa bibig ko. Did I tell him? What will happen now? Natatakot ako.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 39.7K 93
(UNDER EDITING) May Ann Vallejos, she's the eldest daughter. She is a famous pianist in the country but because of her parents' strictness she focuse...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
40.7K 472 31
Self-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the w...
1M 14.7K 62
Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lahat ng mga problema niya idinadaan niya l...