Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 23

14.6K 148 47
By mughriyah

"Ang dami nito!"

Natatawa kong tinignan ang mga gamit ng baby na binili ni Chance. Pang babae at pang lalaki. Hinampas ko siya dahil sa tuwa.

"Aray ah natutuwa ka masyado ah," aniya.

"Bakit mo ba binili 'to?" natatawang tanong ko.

"E sa inaanak ko 'yan bakit ba," sagot niya at umupo sa swivel chair ko. Inikot-ikot niya 'yon.

Nakakatuwa. Feeling ko buhay na buhay na ang anak ko.

"Selene!" sigaw ni Chance at agad na pinunasan ang luha ko.

I didn't notice that I was already crying. Masaya lang ako. At first, I didn't like the fact that I was carrying a child in my womb but after seeing these things, nakaramdam ako nang sobrang tuwa. Magkakaanak na ako!

Pinunasan ko ang luha ko at mahinang tumawa. "M-masaya lang ako."

Hinagod niya ang likod ko. "Kita ko nga, nangunguna uhog mo, e."

Natatawa ko siyang hinampas. Kinuha ko ang laylayan ng damit niya at isininga ang sipon ko. "Tangina dugyot ka pa rin!" sigaw niya pero hindi ko 'yon pinansin at mas isininga pa ang sipon ko.

Pagkatapos ay hinarap ko siya. "Sana babae ang anak ko tapos kapag nagka-anak ka, lalaki para bestfriend din sila hihi." Humagikgik ako.

"Iniisip mo na agad anak ko wala pa nga akong aanakan."

Natawa ko at pinunasan ang ilong ko. "Edi 'yung baliw na sinasabi mo," pang-aasar ko sa kanya.

"No way!" agad na sigaw niya.

"Bakit? Si Hope pa rin ba ang gusto mo?" nakangising tanong ko.

"Oo! Siya lang!"

"Edi si Hope lang."

Tinulungan niya akong mag-ayos ng mga gamit. Nalaman na rin ni Mama at Seven na buntis ako. Pinagalitan ako ni Mama pero natuwa si Seven dahil magkakaroon na siya ng pamangkin. Sa huli ay tinanggap din ni Mama at sinabi niyang ingatan ko raw ang sarili ko para sa bata.

Inaakala kong si Mommy ang tutulong sa akin sa bagay na 'to pero si Mama pa rin pala. Busy kasi si Mommy kaya hindi ko masabi sa kanya. Buti na nga lang at hindi pa nahahalata ang tiyan ko dahil maliit pa lang at sinabi rin ng doktor na maliit lang ako magbuntis.

Kinagabihan, alas sais ng gabi ay kinuha ko ang susi ng kotse ni Mama. Tulog kasi siya at sandaling umalis si Chance kaya makakalabas ako. Simula kasi nung nag sembreak ay hindi na nila ako pinapalabas.

I was wearing a black sando, high waisted denim shorts and white cardigan. Nanatiling nakalugay ang buhok ko dahil hindi na ako nag abalang itali ito.

Inilapag ko ang gitara sa passenger seat at in-start na ang engine ng kotse. Tumigil ang kotse sa isang private resort na pag-aari ng kaibigan ni Papa kaya nakapasok ako. Pagdating ko sa beach ay walang katao-tao kaya napangiti ako.

Umupo ako sa dalampasigan, sapat lang ang pwesto ko para hindi maabot ng tubig dagat ang katawan ko. Saglit akong napapikit nang humampas sa mukha ko ang sariwang hangin.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung para saan ang ngiting 'yon dahil malungkot ako.

"We let the waters rise..." kanta ko nang ma-string ang gitara.

Ang bilis nang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.

"We drifted to survive," pagpapatuloy ko habang pinagmamasdan ang kalmadong alon.

"I needed you to stay..."

Hindi kita iiwan, Selene.

Bumagsak ang luha ko. Iniwan niya ako kung kailan kailangan ko siya.

"But I let you drift away... my love where are you?" Dos, hindi na ba talaga maaayos?

"My love where are you..."

"Whenever you're ready,
whenever you're ready..."

Maghihintay pa ba ako?

"Whenever you're ready,
whenever you're ready..."

O talagang ikaw 'yung tipo ng tao na pang panandalian lang?

"Can we, can we surrender?
Can we, can we surrender?"

Napapikit ako.

"I surrender..."

Tumigil ako sa pag string ng gitara at huminga nang malalim. Saglit kong pinahid ang luha ko at muling kinalabit ang gitara.

"No one will win this time
I just want you back
I'm running to your side
Flying my white flag, my white flag
My love where are you?"

"My love where are you?"

Dos, ayokong magtanim ng galit sa'yo pero ang sakit.

Nabitawan ko ang gitara at napahagulgol. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya sa ginawa niya sa akin. Habang buhay nang nakabaon ang sakit na 'to sa puso ko. Nilagyan niya ng lamat ang puso ko. Binigyan niya ng sugat na kahit sino ay walang makakatanggal.

Napahawak ako sa puso ko. Ang sakit sakit. Paulit-ulit kong hinahampas 'yon habang sumisigaw sa isip ko ang tanong na bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako sinasaktan nang sobra?

Anong maling nagawa ko para saktan niya ako nang ganito? Nagmahal lang ako.

Tulala akong umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit kahit sobrang winasak ako ni Dos ay mahal ko pa rin siya.

Sana kung gaano kabilis nagmahal, ganoon din kabilis makalimot.

"Ate, ang lungkot..."

Napatingin ako kay Seven. "Bakit?"

"Magpapasko na... pero sabi ni Papa hindi siya uuwi rito para mag noche buena."

Uminom ako ng tubig. Magsasalita na sana ako pero biglang dumating si Mama.

"Hindi na babalik ang papa niyo. Tanggapin niyo na lang na sira na ang pamilyang 'to, Seven, Selene." Umupo siya sa sofa at tinanggal ang suit niya.

"Ma, babalik si Papa. Sabi niya babalik siya sa at—"

"Hindi na nga! Hindi na siya babalik! Hindi ko na siya tatanggapin!" galit na sigaw ni Mama kaya napalunok ako.

Nagulat ako nang biglang umakyat si Seven sa kwarto niya. Tumayo ako at hinarap si Mama.

"Ma, ano ba?! Sinasaktan mo lang si Seven! Umaasa pa rin siyang mabubuo 'tong pamilya natin!" sigaw ko kaya seryoso siyang tumingin sa akin.

"Wala kang karapatang sigawan ako, Selene! Hindi kita anak!"

Natigilan ako. Parang tumigil ang pintig ng puso ko. Alam kong hindi siya ang biological mother ko pero ang sakit marinig 'yon mula sa kanya. Tinuring ko na siyang magulang.

Mapait akong ngumiti. Nakita kong parang nagulat siya sa sinabi niya kaya napatayo siya.

"G-galit ka lang, Ma... galit ka lang kaya mo 'yan nasabi..." Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko nang nagbasag siya ng gamit pero hindi ko na siya nilingon. Pagpasok ko ng kwarto ay pinunasan ko ang luha ko. Ayokong ma-stress. Ayokong mapahamak ang anak ko.

Makalipas ang isang oras ay bumukas ang pinto at pumasok si Seven. Ngumiti siya sa akin. Umayos ako at umupo sa kama. "Bakit?" tanong ko nang umupo siya sa tabi ko.

"Gusto ko nang makita ang magiging anak mo, Ate Selene."

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. "Makikita mo rin 'to after 9 months," nakangiting sabi ko kaya ngumiti siya.

"Magpagaling ka ah? Paano na ang pamangkin ko kapag nawala ka? Dapat magpagaling ka, ate," aniya at sumandal sa balikat ko. Pareho na kaming nakasandal sa headboard ng kama ko.

Yumakap siya sa akin kaya napangiti ako. Palagi kasi kaming nag-aaway noon at hindi ko iniisip na magiging ganito kami ka-sweet.

"Oo naman! Tuturuan pa kitang humawak ng baby kahit hindi rin ako marunong." Sabay kaming natawa ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Tuturuan mo 'ko? Talaga?"

"Oo naman. Ayaw mo ba?"

"Gusto ko syempre," mabilis na sagot niya at ngumiti.

"Edi sige, tuturuan kita."

"Basta, ate ha? Magpagaling ka,"

Tumango ako. "Oo nga, magpapagaling ako."

Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at nagulat ako nang hinalikan niya ang tiyan ko. Napangiti rin ako agad. Tumingin siya sa akin at malawak na ngumiti kaya lumabas ang dimples niya.

"Gusto kong maging doktor, ate..."

"Tama 'yan. Hihintayin ko ang pagiging doktor mo. Galingan mo, Seven!" sabi ko.

Tumango siya at saglit akong napapikit nang hinalikan niya ang noo ko. "Matulog ka na nga, ate. Nabasa ko sa Google, bawal magpuyat ang mga buntis," sabi niya at inayos na ang kumot sa katawan ko.

Nakangiti akong humiga ulit. Tinignan ko pa siya nang maglakad siya papunta sa pintuan at hinawakan ang door knob. Kumaway ako. "Goodnight, Seven," sambit ko.

Bago niya pihitin ang doorknob ay lumingon siya sa akin na may malawak na ngiti. "Goodnight, Ate Selene."

Magaan ang pakiramdam ko dahil nakikita kong ngumingiti na siya. These past few weeks ay lagi siyang malungkot. Napangiti na lang ako dahil alam kong maayos na siya.

"SEVEN!!!"

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ang malakas na sigaw ni Mama. Kinusot ko ang mga mata ko dahil nanlalabo pa. Pagkatapos ay tumakbo ako palabas ng kwarto at pinuntahan kung saan nanggaling ang ingay.

Pumasok ako sa kwarto ni Seven at agad akong napatakip sa bibig nang makita ko ang kalagayan niya. Tumaas ang balahibo sa katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. "S-Seven..." sambit ko.

"Seven!" sigaw ko at agad na hinawakan ang paa niya. Nangingitim na siya at maputlang-maputla ang labi.

W-wala na siyang buhay.

Nakatumba na ang upuan at kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang pagkakapulupot ng lubid sa leeg niya.

Agad kong itinayo ang upuan at sumampa roon. Mabilis kong tinanggal ang pagkakapulupot ng lubid sa leeg niya at inihiga siya sa sahig.

"S-Seven!" sigaw ko at nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.

"Seven! Oh my God... Seven..." Niyakap ko siya habang umiiyak. "S-Seven... no please... please wake up..."

Humagulgol ako habang yakap-yakap ang kapatid ko pero napatigil ako sa paghagulgol nang may biglang tumawa nang malakas. Nakakakilabot.

"Hindi 'yan si Seven!" Tumawa siya at umiling habang tumutulo ang luha. "Mukha bang si Seven 'yan? Hindi 'yan si Seven! Pumasok sa school si Seven!"

Napakunot ang noo ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko at dahan-dahang inilapag ang ulo ni Seven. Tumayo ako at mabilis na lumapit kay Mama para patigilin siya sa malakas na pagtawa.

"Ma!" Niyugyog ko ang magkabilang balikat niya.

"Ma, wake up!" sigaw ko.

Tumawa siya pero bigla siyang huminto at inilagay ang hintuturong daliri sa gitna ng mga labi. "Shh.. natutulog si Seven, Selene. Huwag kang maingay."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya nabitawan ko siya at napaatras. Napatakip ako sa bibig gamit ang dalawang kamay habang tahimik na umiiyak.

"Huwag... huwag kang maingay... may natutulog..." bulong niya at nilapitan si Seven.

Maingat niyang hinawakan ang ulo ni Seven at ipinatong sa hita niya.

"Shhh... N-natutulog si Seven... Natutulog ang anak ko..."

Humihikbi lang ako habang tinitignan siya. Isa lang ang nararamdaman ko para kay Mama... awa. 

Tumawa siya nang tumawa hanggang sa napalitan 'yon ng hagulgol. Niyakap niya si Seven habang umiiyak siya. "A-anak ko... anak ko, Diyos ko po!"

Humagulgol siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kapatid ko. Napahagulgol na lang ako at niyakap ang dalawa kong tuhod. Parang pati ako ay mababaliw na sa nangyayari sa buhay ko.

Ang sakit ng dibdib ko. Noong tinangka kong tapusin ang buhay ko ay niligtas ako ni Seven pero no'ng gabing tinapos niya ang buhay niya... wala akong nagawa. Hindi ko siya nailigtas.

Ang mga ngiting 'yon. Iyon na pala ang huling beses na makikita ko ang mga ngiti niya.

I thought he was okay. He was smiling but he was dying inside. Wala akong nagawa para sa kanya.

Dumapo ang tingin ko sa maliit na table. May nakatuping papel doon kaya agad akong tumayo at kinuha 'yon.

Nang tinignan ko ay mas lalo akong nadurog.

Alam kong kasalanan ang gagawin ko pero hindi ko na kaya. Patawarin niyo sana ako sa gagawin ko, ate, mama, papa. My classmates were bullying me at hindi ko kayang makitang sira ang pamilya natin. Tiniis ko lahat pero hindi ko na kaya. Talo ako. Talo ako kasi hindi ko na kaya. Palagi kong tinitiis ang pang bubully sa akin, ang pagkuha nila sa pagkain at pera ko at ang pananakit nila sa akin pero bumagsak na ang katawan ko. Sumuko na ako. Kung mabubuhay man ulit ako at bibigyan nang pagkakataong pumili ng pamilya, I would still choose this family.

Papa, gusto kong sabihin na the best ka. Ikaw lang ang naging kaibigan ko dahil wala akong naging kaibigan sa school o dito sa lugar natin kaya nung naghiwalay kayo ni mama? Nagalit ako sayo, pa. Parang pati ako iniwan mo na rin pero ayokong magalit nang matagal. Papa pa rin kita. Mahal po kita. Sorry po kung nagawa ko 'to. Sana bumalik ka na kay mama... sa pamilya natin.

Mama, kahit anong maging kasalanan mo sa mundong 'to palagi kitang patatawarin dahil nanay kita. Ako ang kakampi mo. Sana wag kang magalit sa gagawin ko dahil iiwan kita. Wag ka nang iiyak, ma. Wag ka nang malulungkot. Mahal po kita. Ako ang mas nagmamahal sayo sa mundong 'to.

At sayo, ate. Palagi man tayong nag-aaway, palagi man kitang inaasar pero para sa akin, the best ka rin. Alam ko kung gaano ka katakaw pero kapag kinukuha ko ang mga pagkain mo, binibigay mo pa rin. Ikaw palagi ang pipiliin kong maging ate. Sorry kung hindi mo na ako makikitang maging doktor. Sorry kung hindi mo na ako matuturuan humawak ng baby mo. Sorry, ate, kung nagawa ko 'to... hirap na kasi. Alagaan mo si mama at papa. Sana wag ka nang magalit kay mama dahil ayokong makitang umiiyak siya. Mama ko kasi siya e. Siguro habang binabasa niyo 'to ay wala na ako. Patawarin niyo sana ako. Palagi niyong tatandaan na kahit saan ako mapunta, kayong pamilya ko lang ang iisipin ko. Paano ba 'yan? Hanggang dito na lang muna ako. Tandaan niyo palagi na mahal na mahal ko kayo. Merry Christmas.

                                   Francisco Seven Daferi.

Tinakpan ko ang bibig ko para walang kumawalang ingay. Impit ang pag-iyak ko habang nakatingin kay Seven na wala nang buhay. Sinaksak ang puso ko dahil sa nalaman ko sa kapatid ko.

B-binubully siya. Dahil sa pambubully at pagkasira ng pamilya namin... tinapos ni Seven ang buhay niya.

Halos maubusan ako ng hininga. Isang linggo na lang ay magpapasko na pero wala na si Seven dahil hindi na niya nakayanan.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Inabutan ako ni Chance ng bottled water. Kahit wala akong gana ay kinuha ko pa rin 'yon dahil kailangan ko ng lakas.

Nakatitig ako ngayon sa kabaong ni Seven. Tulala ako sa picture niya. Wala na si Mama dahil may sakit na siya sa utak at kinailangan niyang dahil sa Mental Hospital. Masakit man sa akin na ipadala siya roon ay kailangan kong gawin.

"Pagkatapos ng libing si Seven... pupuntahan ko ang mga batang nanakit sa kanya," mariing sambit ko.

"Huwag mo muna 'yan isipin, Selene," ani Chance pero hindi na ako sumagot.

Lahat nang nanakit kay Seven ay magbabayad. Hindi ko sila mapapatawad. Lahat sila.

Pagkatapos magdasal ng pari ay isa-isa nang naghulog ng bulaklak ang mga nakipaglibing. Nandito rin si Papa at iyak nang iyak. Pati sila Tito, Tita, Lauren at Travis. Hindi ko sila makausap dahil wasak din ako.

Huminga ako nang malalim at tumayo. Sarado na ang kabaong niya at nasa ilalim na siya. Bumagsak ang luha ko. Hindi ko man lang talaga siya napigilan. Hindi dapat ako naniwala sa ngiting iyon.

I'm sorry, Seven.

Pumikit ako at hinagis ang bulaklak sa ibabaw ng kabaong niya.

Hindi ako pinayagan ni Papa at Chance na pumunta sa mga batang umabuso kay Seven. Si Papa na raw ang kakausap. Ngayon ay sobrang tahimik ng bahay. Dalawa na lang kami ni Papa sa bahay.

"Pa..." tawag ko sa kanya. Nalaman niya na rin ang pagbubuntis ko dahil sinabi ko sa kanya.

"Bakit, Selene? Anong kailangan mo?" tanong niya at lumapit sa akin.

Umiling ako. "Mukhang hindi magiging masaya ang Noche Buena natin mamaya," sambit ko.

Ngumiti siya at hinalikan ang ulo ko. "Anong gusto mong regalo? Bibilhin ko," aniya.

"Huwag na, Pa. Okay na sa'kin 'yung kumain tayong dalawa," sagot ko pero umiling siya.

"Sige 'wag mo nang sabihin. Bibili na lang ako," aniya kaya mahina akong natawa dahil sa pamimilit niya.

9 pm na at nakatanggap ako ng text mula kay Chance. Binasa ko 'yon.

chance pogi:
gusto mo bang puntahan kita? samahan kita sa noche buena. marami namang tao dito sa bahay dahil sa mga relatives. di na mapapansin pag nawala ako

Napangiti ako.

me:
wag na ays lang kasama ko naman si papa. merry christmas, chance

Agad siyang nag reply.

chance pogi:
Merry Christmas, Selene! Love u

me:
labyu pakasaya kayo dyan pabati na rin kay tito at tita

Hindi na siya nakapagreply. Hinarap ako ni Papa at sinabing may pupuntahan lang. Alam ko naman na bibili siya ng regalo ko.

Inayos ko na ang mga pagkain na niluto ni Papa. Nilagay ko 'yon sa lamesa at nang natapos na ay napangiti ako. Okay na siguro kahit kaming dalawa lang. At least hindi ako nag-iisa.

Hinintay ko si Papa bago kumain. Medyo natagalan yata siya. Hindi ko alam kung may dinaanan pa siya pero maghihintay na lang ako.

Pero 11:56 pm na at wala pa rin siya. Ilang oras na akong naghihintay pero hindi pa rin siya dumarating. Saan ba nagpunta si Papa?

Napatingin ako sa wall clock. It's 12:00 am.

Agad kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko. Nagiging iyakin na talaga ako dahil sa pagbubuntis ko.

Ngumiti ako at huminga nang malalim. "Okay lang, Selene... okay lang..." sambit ko habang sumasandok ng pagkain at inilalagay sa pinggan ko.

Hindi ko inaakalang mag-isa kong haharapin ang pasko.

Kahit pinapatahan ko na ang sarili ko ay bumabagsak pa rin ang mga luha ko. Dahan-dahan akong kumain. "M-merry christmas, Selene..." umiiyak kong bati sa sarili ko habang kumakain.

Ngumiti ako at umiling saka huminga nang malalim. "Okay lang! Pasko ngayon kaya hindi dapat ako malungkot!" pagpapatahan ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Agad akong uminom ng tubig at mabilis na tumakbo papunta sa pinto at nagulat ako nang makita ang seryosong mukha ni Dos.

"D-Dos..." usal ko.

"Selene..."

I cleared my throat and looked into his eyes. "Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong.

"Selene, pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong niya.

"Hindi pwed—"

"Kahit... sa huling sandali?"

Natigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko pero ramdam ko pa rin ang sakit dito. "Sana nga huli na 'to, Dos." Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa.

"Sit down," sabi ko pero hindi siya umupo.

"Ano bang gusto mong pag-usapan? Tapos na tayo," sabi ko at tumayo para magkapantayan kami.

Nagulat ako nang niyakap niya ako pero hindi ko siya nagawang itulak. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko.

"I just want to say goodbye..."

Tears streamed down my face. Ayoko sa lahat ay ang salitang paalam. Sige na, umalis ka na pero 'wag ka nang magpaalam dahil para sa akin... kapag nagpaalam na... hindi na talaga babalik. Ayokong maiwan. Ayokong may magpaalam.

"Dos..." humihikbing sambit ko.

Gusto kong sabihin sa kanya na manatili siya sa'kin pero imposible nang gawin niya 'yon dahil si Haven na ang pinili niya.

Hinarap niya ako. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nasasaktan ako. Pinunasan niya ang mga luha ko pero hinayaan ko lang siya. Ito na rin naman ang huli.

"I'm sorry, Selene. I'm such a jerk but I've loved you."

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko. Wala na talagang pag-asa para sa aming dalawa.

"I'm sorry for making you cry. I'm sorry for leaving you when I was the one who begged you not to leave me breathless." Tinignan ko siya. Seryoso ang mukha niya.

"Bakit?" mahinang tanong ko. "Bakit ka pa humihingi nang tawad? Bakit ka pa nagpapalaam?"

"I know you're mad at me. I know you can't and you will never forgive me but still, I'm sorry. Tahan na... 'wag ka nang umiyak, Selene." Pinahid niya ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

Ito na ba ang huli?

Galit ako sa kanya pero gusto ko siyang patawarin. Kung ito na nga ang huli, siguro kailangan na naming patawarin ang isa't-isa.

Pero ang hirap.

"I-I'm sorry din... ang dami kong sinabi sa'yo. Pinagmumura kita kaya sorry," humihikbi kong sambit. "Please take care of her. 'Wag mo siyang pabayaan, Dos. Okay na ako. Kaya ko na."

Okay na ako? Kaya ko na? Paano ko nasabi ang kasinungalingang 'yan?

Mabilis niyang pinahid ang mga luha niya at ngumiti sa akin. "I know you're strong. Sorry, Selene... 'di kita nahawakan hanggang dulo." Nagsimula siyang humikbi.

Humihikbi lang kami pareho. "I'm sorry kung ang gago ko. Hindi man lang kita naprotektahan. Tinalikuran kita. Patawarin mo ako..."

Umiling ako at pinunasan ang mga luha niya. "Tama na, Dos. Pagod na tayo pareho. Wala na tayong magagawa kung nawala ang pagmamahal mo sa'kin. Hindi kita mapipilit na mahalin ako. Ang magagawa ko na lang ngayon ay palayain ka at ipaubaya kay Haven."

"Selene, mahal kita..." Niyakap niya ako. Ngumiti ako at niyakap din siya.

"Mahal din kita, Dos, pero hindi natin kayang panindigan ang relasyon na 'to."

"K-kasalanan ko lahat, Selene. Kasalanan ko..."

"Relasyon natin 'yon, Dos. Pareho tayong may kasalanan. Baka nagkulang ako at nahanap mo 'yon sa iba kaya patawad. Siguro nga hanggang dito na lang tayo. 'Wag na natin sisihin ang mga sarili natin..." Tangina. Gusto kong manatili ka sa'kin pero paano si Haven.

Hinarap niya ako. Pinahid niya ang mga luha ko at saglit akong napapikit nang hinalikan niya ang noo ko.

Dito ka lang, Dos.

"This time, I'm letting you go... I'm sorry for causing you pain."

Huwag mo akong bitawan.

"H-hindi na ba talaga maaayos?" may pagmamakaawa sa boses ko.

Binitawan niya ang kamay kong kaninang hawak niya at tinalikuran ako. Nakita kong pinahid niya ang mga luha niya.

Dos, kailangan kita.

"M-malabo na ba talaga?"

Humakbang siya ng isang beses.

"K-kailangan kita, Dos!" Humagulgol ako at niyakap siya mula sa likod. "D-Dos, kahit ano pang kasalanan mo... pinapatawad na kita 'wag mo lang akong iwan." Desperada na ako. Desperadang-desperada. Tanga na kung tanga.

Napabitaw ako sa kanya nang tinanggal niya ang kamay ko na yumakap sa katawan niya.

Dos...

"Dos, m-mahal kita..." Yumuko ako habang humihikbi.

"I think this is the right time to say goodbye? I don't know if we'll ever get to see each other again but maybe... someday. For now, I'm giving up on you... Merry christmas, Selene."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 18.7K 44
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaay...
3.9M 78.9K 45
Marcus Delgado and Amara Salazar story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft cop...
236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.3M 39.7K 93
(UNDER EDITING) May Ann Vallejos, she's the eldest daughter. She is a famous pianist in the country but because of her parents' strictness she focuse...