Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

394K 4.7K 533

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 21

14.9K 138 6
By mughriyah

Malakas ang ulan.

Basang-basa ako. Kahit ang bag ko ay basang-basa. Tulala akong naglalakad nang makalabas ako ng ospital. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Hindi ako handa sa batang 'to pero ayoko siyang patayin.

Anong gagawin ko?

Ito na nga yata ang wakas ko.

Natatakot ako. Natatakot ako dahil sa sakit ko at sa batang dinadala ko. Paano na ang buhay ko?

"Selene..."

Napatingin ako sa gilid ko. It was Haven. Nakangiti siya sa akin. Katulad ko ay basang basa rin siya.

Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. "I have something important to tell you."

"Wala akong panaho—"

"I love you, Dos..." Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Haven sa cellphone na hawak niya. Nababasà 'yon pero mukhang water proof.

Itinaas niya ang cellphone niya at pumantay 'yon sa mukha ko. Naestatwa ako nang makita ang ginagawang kababuyan ni Dos at Haven. They were kissing and... both naked.

"I love you, too..." Napaatras ako nang marinig ang isinagot ni Dos kay Haven. Muli niya itong hinalikan pero hindi ko na kinaya ang sakit kaya malakas kong tinabig ang cellphone niya.

Tumawa siya. "This is my ace, Selene. Ito ang ugali ni Dos na sinasabi ko sa'yo. He never loved you. Alam mo ang nakakatuwa? Ito ang gabing sinabi niyang girlfriend ka niya... ito ang gabing naging kayo... pero ako ang ikinama niya."

Malakas ko siyang sinampal pero malakas lang siyang tumawa. Nanginig ang kalamnan ko kaya sinampal ko ulit siya. Hindi siya gumanti sa akin. Ngumiti siya at lumapit sa tainga ko.

"I am pregnant, Selene... and he's the father."

Biglang nagbara ang lalamunan ko. Napatingin ako sa kanya pero matamis lang siyang ngumiti at hinalikan ang pisngi ko. Pagkatapos no'n ay nawala na siya sa paningin ko habang ako ay parang nawala na sa sarili.

Dos, h-how... how could you... h-how could you do this to me?

Pagdating ko ng Citta ay nakita kong naghihintay si Dos sa tapat ng bahay. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. Malamig ko siyang tinignan.

"Bukas. Bukas tayo mag-usap." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi ko masabi sa kanya ang pagbubuntis ko. Ayoko.

Nararamdaman kong hindi rin magtatagal ay maghihiwalay na kami.

Napapagod na ako. Walang binibigay na tamang dahilan sa akin si Dos sa pag-aaway na 'to. This fucking relationship became toxic. Nagsasawa ako sa palaging pag-aaway. At isa pa, habang kami ay nakabuntis siya nang ibang babae.

Tangina. Isa siyang gagong lalaki.

"Selene, pagod lang ako..."

Tumango ako. Ayokong magbago ang mood ko. Ayokong mag-away kami kaya ayoko nang sumagot. Magsama na lang sila ni Haven.

Wala ba siyang balak sabihin sa'kin ang kasalanan niya? Kung ganoon, itago niya na lang dahil ayokong marinig. Ayokong masaktan.

"Selene, kausapin mo naman ako. I have something to tell you."

"Selene, I'm sorry."

Hindi ako nagsalita. Pagod na talaga ako. Ayoko nang puro sorry lang. Bakit niya 'yon ginawa sa akin?

Dire-diretso akong naglakad. "Selene naman!"

"Putangina, ano ba?!" malakas kong sigaw at hinarap siya.

"Selene, pagod ka na ba?"

Bwisit! Tinalikuran ko siya at naglakad na ulit. Wala na akong pakialam sa basang-basa kong katawan.

"Selene!"

"Putangina mo naman!" malakas kong sigaw at sinampal siya. Pareho kaming basang-basa ng ulan.

Nagsimula akong humagulgol. Pinaghahampas ko siya sa dibdib at hindi siya umiiwas. Sinasalo niya ang lahat ng 'yon.

"I'm... sorry. I'm really... really sorry."

Napahalimos ako sa mukha ko. "Putangina, Dos! Ilang linggo na tayong ganito! Dalawa tayo sa relasyon na 'to pero bakit parang mag-isa na lang ako?!" Hindi natigil ang paghagulgol ko. Pakiramdam ko ay winawasak niya ang puso ko.

Napayuko siya. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Putangina niya.

"Dos, putangina mo naman, e. Ang sakit sakit na, e! Bigla kang nagbago at parang iniwan mo ako sa relasyon na 'to!" sigaw ko. Mas lalong lumalakas ang ulan pati ang paghikbi ko.

Sandaling katahimikan. Tanging ang pagbagsak lang ng ulan ang naririnig namin hanggang sa binasag niya ang katahimikan naming dalawa.

"Selene... let's... break up."

"PUTANGINA MO NAMAN PALA!" Malakas ko siyang tinulak.

"Pagod na ako!" sigaw niya rin sa akin. "Selene, ayoko na! Pagod na ako! Hindi kita kayang hawakan nang matagal!"

"Dos, ako ba hindi pagod?! Pagod na rin ako! Pagod na pagod na pagod na pagod na ako!"

"Selene, tama na. Tapusin na lang natin 'to," huminahon ang boses niya. "Pagod na ako, Selene. Ayoko nang makasama ka."

Putangina masakit, e. Parang sinasaksak niya na rin ako sa mga sinasabi niya.

"Dos, mahal kita..." nanghina ang boses ko.

"Mahal din kita, Selene. Pero pagod na ako."

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad at pagkatapos ay seryoso siyang tinignan. "Pareho lang tayong pagod na, Dos. Ang pinagkaiba nga lang natin.... nauna kang sumuko." Huminahon ang boses ko at mapait na ngumiti.

Akala ko ayos lang ako... akala ko lang pala.

"Dos, suko na rin ako..." kumawala ang pagod sa boses ko at parang hangin na lang na dumaan 'yon. "Pero bago ako sumuko, gusto ko lang sabihin na nagtiis muna ako bago ako sumuko sa relasyon na 'to... sa'yo..."

Durog ako. Pakiramdam ko ay parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko. "Bigla kang nanlamig? Ayos lang. Bigla kang parang nandiri sa'kin? Ayos lang. Hindi mo ako pinapansin? Ayos lang. Pagod ka na? Ayos lang, pero... 'yung hihiwalayan mo ako dahil lang pagod ka na? Dos, putangina mo." Tinulak ko siya sa dibdib kaya napaatras siya.

"Mahal na mahal kita pero gago ka dahil binuntis mo ang kaibigan mo!" sigaw ko kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"How—" Sinampal ko siya.

"Unang araw ng relasyon natin noon pero ibang babae ang ikinama mong putangina ka!" sigaw ko at hindi na siya nakapagsalita.

"Hindi lang ikinama dahil binuntis mo! Bakit, Dos? Madaling-madali ka na bang makabuntis kaya si Haven muna ang binuntis mo?! Dos, putangina mo napaka hayop mo!" Humagulgol ulit ako. Gusto ko siyang saktan nang saktan pero nanghihina na ang katawan ko.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang pag-igting ng panga niya.

"Mahal na mahal kita pero shit ka ginago mo lang ako!"

Humagulgol ako nang humagulgol hanggang sa huminahon ako. Ikinalma ko ang sarili ko dahil baka bigla na lang akong mawalan ng malay dito. Gusto kong kontrolin ang galit ko pero wala, pinagmumura ko siya dahil hindi ko napigilan. Galit ako at nasasaktan.

"Anong gagawin mo? Iiwan mo talaga ako?" mapaklang tanong ko.

Matagal bago siya sumagot. Nang tignan niya ako ay seryoso pa rin ang mga mata niya. "I will take care of her... pananagutan ko si Haven."

FUCKSHIT!

Durog na durog na ang puso ko. Pigang piga na.

"U-umalis ka na... umalis ka na sa buhay ko... habang buhay... simula ngayon... ayoko nang makita ang pagmumukha mo... ayoko nang makita ka... palayain na natin ang mga sarili natin... ayokong magpalaam pero hanggang dito na lang tayo, Dos... tinatanggal na kita sa buhay ko."

Pagkatapos ng mga salitang 'yon ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

Agad akong umakyat sa kwarto at kahit basang-basa ay humiga ako sa kama. Pwede bang turukan na lang ulit ako para makalimot ako? Mas dinurog pa yata ako ng paghihiwalay namin ni Dos kesa sa leukemia na nalaman ko.

Kinabukasan ay sobrang taas ng lagnat ko. Nagising na lang ako sa kwarto ni Seven at nasa tabi ko silang dalawa ni Chance.

Lumapit sa akin si Chance at hinipo ang noo ko. Nanginginig na ako sa lamig kahit ramdam kong tagaktak ang pawis ko.

"May allergies ka ba? Nagkaka rashes ka, Selene," nag-aalalang tanong ni Chance.

Hindi ako nakapagsalita dahil ubos na ubos ang lakas ko. Iba na rin ang damit ko.

Maya-maya lang ay pumasok si Mama. Lumapit siya sa akin at hinipo ang noo ko. Pagkatapos ay nilagyan iyon ng cool fever.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya.

Galit ako sa kanya. Ang tagal niyang nagsinungaling sa akin at dahil sa kanya, nakalimutan ko si Mommy at Dos.

Pero nanay pa rin siya ni Seven.

"H-halo-halo... masakit lahat ng katawan ko," sagot ko. "Dahil lang 'to sa ulan kagabi."

Wala akong planong sabihin sa kanila ang sakit ko o ang pagbubuntis ko. Ewan ko. Ang daming problema at parang gusto ko na lang wakasan ang buhay ko.

"Dadalhin kita sa ospi—"

"Huwag na, Ma. Dito na lang ako magpapahinga."

"Selene, may mga rashes ka. Hindi maganda ang lagay mo," pagpupumilit ni Mama. Pumikit ako.

"Dito lang ako," sambit ko dahil sumasakit ang ulo ko. "Iwan niyo na lang muna ako rito. Gusto kong mapag-isa."

Dumilat ako nang maramdaman kong wala nang tao pero halos atakihin ako sa puso kahit wala akong sakit nang makita si Chance sa gilid ko na seryosong nakatingin sa akin.

"B-bakit?" tanong ko.

"Nag bardagulan kayo ni Dos kagabi. Teka — bardagulan ba 'yon o hiwalayan?" tanong niya.

Mahina akong bumuntong-hininga at pumikit. Ayokong pag-usapan ang mga nangyari kagabi.

"Selene... pwede bang... kumanta ka?"

"Ayoko." Alam naman niya na hindi na ako kumakanta. Kung kakanta ako ay balahurang kanta lang.

"Gusto ko lang ulit marinig ang boses mo," aniya kaya napadilat ako.

"Alam mo ang dahilan kung bakit hindi na ako kumakanta, Chance. Bakit mo 'ko pinapakanta ngayon?" tanong ko.

"Gusto ko nga lang marinig..." mahinahon na sambit niya.

"Iwan mo na 'yang nakaraan, Selene. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari limang taon na ang nakalipas."

"It was my fault, Chance," sagot ko.

"Selene, alam ko ang nangyari!" sigaw niya kaya kunot-noo akong nakatingin sa kanya.

"Nilaslas niya ang sarili niyang leeg dahil gusto niyang isisi sa'yo at ipakulong ka para hindi ka na makakanta pero hindi natuloy 'di ba? Hindi mo man lang ba naisip kung bakit hindi natuloy? I witnessed everything, Selene. Sinabi ko ang lahat kaya hindi ka nakulong. Bakit ba hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ang sarili mo?"

"Dahil kaibigan ko siya, Chance..."

Sarkastiko siyang natawa. "Selene, hindi ka niya kinaibigan. Tignan mo nga, nagseselos siya dahil ikaw ang palaging nananalo sa school! May kaibigan bang gano'n?"

Five years ago I had a girl bestfriend. I thought she was real pero napapansin ko habang tumatagal ay naiinggit siya sa akin. Sa bawat contest na kantahan sa school ay ako ang nananalo at inisip ko na minsan na hindi galingan pero kapag nasa stage na, naiisip kong ibigay ang best ko dahil naniniwala ako sa kakayahan niya. Ayokong manalo siya dahil hindi ko ginalingan, gusto kong manalo siya dahil binigay niya 'yung best niya nang wala kong tulong pero sa huli, nabaliw siya at nilaslas ang leeg niya sa harap ko. Nahuli ako ng mga taong kasama siya at pinagbintangang ako ang pumatay pero isang araw, nalaman ko na lang na inurong na ang kaso laban sa akin at hindi ko na alam kung anong nangyari kung bakit nila inurong. Simula no'n, hindi na ako kumanta dahil sinisisi ko ang sarili ko. Kung sana lang kahit isang beses ay hindi ko ginalingan, edi sana nagkaroon siya nang pagkakataong manalo kahit isang beses lang.

"Selene, wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan," paulit-ulit na sambit ni Chance.

Pumikit ako.

Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ang tao pa kaya? Limang taon na ang nakalipas. Siguro ito na ang panahon para patawarin ko ang sarili ko. Alam kong masaya na ang kaibigan ko.

"A-ako ay lumuha pero 'di ko kaya na limutin ka at iwan ka dahil ikaw lang talag—" Mahina akong binato ni Chance ng unan.

"Kanta naman 'yon!" sabi ko.

"Ayoko niyan! Ayusin mo, dali na."

Napabuntong-hininga ako. Binibiro ko lang, e. Gusto ko lang siyang asarin. Baka kasi last na 'to at hindi ko na magawa ulit.

"Labas na! Wala ako sa mood kumanta," sabi ko kaya napanguso siya.

"Damot, e, 'di 'wag."

Hindi na ako sumagot. Inayos niya lang ang kumot sa katawan ko at tinignan na ako. "Magpahinga ka na. Babalik ako bukas para tignan ang kalagayan mo," aniya kaya tumango ako.

Hindi ako pwedeng gumamit ng gamot o maggamot dahil buntis ako... maaapektuhan ang anak ko.

Pero paano naman ako?

Paano ako mabubuhay?

Anong gagawin ko? Ito na ba talaga ang katapusan ko?

Pero...

Gagawin ko ang lahat para mabuhay ang sanggol na 'to... siya ang uunahin ko. Lalaban ako hanggang sa mailabas ko ang anak ko at pagkatapos no'n... baka pwede na akong makapagpahinga.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
238K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...