Torn in Two (Elite Girls 2)

By NerdyIrel

109K 4.8K 1.8K

MATURED CONTENT (R-18) Paris must really be the City of Love for Iris to fall for a guy she only met at the m... More

Torn In Two
Elite Series Characters
Prologue
Chapter 1 - Paris
Chapter 2 - Freedom
Chapter 3 - Boundaries
Chapter 4 - After
Chapter 5 - Missed
Chapter 6 - Summer Olympics
Chapter 7 - Victory Party
Chapter 8 - Goodbye
Chapter 9 - Changing Paths
Chapter 11 - Run Away
Chapter 12 - Game
Chapter 13 - Good Friend
Chapter 14 - Luncheon Party
Chapter 15 - Heartaches
Chapter 16 - Opposite Directions
Chapter 17 - New Paths
Chapter 18 - Holiday Event
Chapter 19 - Christmas Ball
Chapter 20 - Calm
Chapter 21 - Favor
Chapter 22 - Blind Date
Chapter 23 - Confused
Chapter 24 - Birthday
Chapter 25 - Feelings
Chapter 26 - Whipped
Chapter 27 - Committed
Chapter 28 - Bliss
Chapter 29 - Jealousy
Chapter 30 - Almost
Chapter 31 - Decisions
Chapter 32 - Ownership
Chapter 33 - Surprise
Chapter 34 - Truth
Chapter 35 - Troubled
Chapter 36 - Options
Chapter 37 - Benevolence
Chapter 38 - Afraid
Chapter 39 - Revelation
Chapter 40 - Rupture
Chapter 41 - Chaos
Chapter 42 - Patches
Chapter 43 - Torment
Chapter 44 - Anger
Chapter 45 - Exhausted
Chapter 46 - Chances
Chapter 47 - Unsettled
Chapter 48 - Disturbed
Chapter 49 - Choice
Chapter 50 - Diamond
Chapter 51 - Sunset
Chapter 52 - Upright
Chapter 53 - Final
Epilogue
Author's Note

Chapter 10 - Bridge

1.9K 96 23
By NerdyIrel

CHAPTER 10

BRIDGE


Iris' POV


Royce surprised me a lot. Kung anong hiya niya sa personal ay kabaliktaran naman pagdating sa pagte-text. He introduced himself and started sending me messages all the time. Paggising ko pa lang, may good morning na agad na bunga. Before going to school, at school and even after school, wala siyang palya. Hanggang pagtulog ko nga, nangangamusta pa rin siya o 'di kaya ay kinukulit niya ako.


From: Royce

6:15 am

Good morning, Iris.

Don't forget to eat your breakfast! :)


To: Royce

6:25 am

Good morning din. :)


At first I got annoyed. Palaging late ang mga reply ko at maiikli pa. I made it clear from the start that I'm not interested for anything other than being friends and surprisingly, he said he was okay with that. Wala naman daw masamang magusap kami palagi kaya hindi pa rin siya tumitigil. Hanggang sa nakasanayan ko na at natatawa na lang ako tuwing nababasa ko ang mga random topic niya, just to keep the conversation going.

Medyo boring kasi akong ka-text. Hindi ako pala-kwento kaya bilib ako dahil hindi siya nauubusan ng ideas upang mag-reply ako.


He's a good distraction. Aaaminin ko, nakatutulong siya upang hindi ko hanap-hanapin si David. Instead of going to internet again to find that guy, I directed my focus on Royce.

He's not so bad and I could feel that he really adores me. Nakakatuwa ng kaunti dahil kahit tatahi-tahimik ako ay may nakakapansin pa rin pala sa akin.


"Look at him," Ava mumbled. I followed her gaze and saw Royce looking at me from afar. Ilang tables din ang layo naming dalawa. When our eyes met, he immediately pretended not to see me. Tumingin siya sa phone niya pagkatapos ay nakipagusap na sa mga kaibigan niya. I couldn't help but chuckle. "Pathetic. You guys have been talking for weeks pero wala pa rin siyang lakas ng loob lapitan ka," Ava commented with annoyance in her voice.


Royce and I don't talk in person. Talagang nahihiya pa siyang lapitan ako. Also, we're both busy. Palagi siyang may training habang ako naman ay tutok sa pagaaral ko. Tuwing nagkikita kami dito sa campus, he usually walks away.


"Okay nga 'yon e. Ang awkward kaya kapag lumapit siya."

"Uh really, Iris? So ano 'tong ginagawa niyo? Lokohan?" Naomi asked.

"Landian," pag-correct ni Kiel.

"Harutan," Rios added.

I rolled my eyes and continued eating my lunch. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng dumating si Zin na pawis na pawis.


"Oh saan ka galing at ganyan itsura mo?" Evan asked.

"Anong saan? Kanino galing kamo." Zin smirked.

"OWWWW SH*T! MAY NABOLA! HAHAHA!" Nagingay ang mga boys kaya pinagtinginan kami ng mga tao. When they laugh, there is no way it'll be discreet. As in ipaparinig nila sa lahat.


"Ang eskandaloso niyo talaga," yamot na sambit ni Tiffany sabay hagis ng tissue sa kanila. Sila Ava at Naomi tumawa lang naman.

"Pwede ba Zin, umalis ka na lang dito kung panay kababuyan ang sasabihin mo," Caylee added. "Nasa school, manlalandi. What the heck? Are you sure you're an Elite?"

"Tss inggit ka lang kasi hindi ka nilalandi ng jowa mo. Teka, bakit ka ba nandito? Dun ka sa grupo ng boypren mo. Alis!" asar ni Zin.

Caylee frowned at him and exhaled loudly. "Get lost."


Hindi kasi trip ni Caylee na makisali sa mga kaibigan ni Aaron. She said, they're too aware of her whenever she hangs out with them. Palagi siyang tinititigan at kung umasta ay parang mga takot magkamali. Para bang tingin nila sa kanya ay isang ginto. And that makes her feel so uncomfortable.

Habang mas lalo siyang inaasar ni Zin ay tumayo muna ako upang kumuha ng ketchup. I can't eat fried chicken without ketchup.

Pagkuha ko ng bote ay may isang kamay ding pumatong sa kamay ko. Nagkatinginan kaming dalawa sa gulat.


"Hey." Agad binitawan ni Dash ang kamay ko at natawa. "Sorry."

Ngumiti lang ako at kumuha na. Then I handed him the bottle.


"Musta?" tanong niya.

"Okay lang naman."

He smiled and looked at me in a teasing way. "Musta kayo ni Royce?"

I chuckled at his question. "Don't tell me, pinapunta ka niya dito para tanungin ako niyan?"

"Nah. Naubusan lang talaga ako ng ketchup." Pinatong na ni Dash ang bote sa gilid at humarap sa akin. "He talks about you all the time. The whole team, even coach already knows who you are. I heard you guys have been talking for weeks. Why don't you give him a chance?"

I pursed my lips. "He definitely asked you to talk to me."

Tumawa siya. "He didn't but the guy's a good friend of mine. I just want to help him."

"Akala ko ba as friends lang talaga kaya niya hiningi ang number ko?"

"Surely you didn't believe that crap. You're gorgeous and I think you have a nice personality. A lot of guys would want you to be the girlfriend and not just the friend."

I felt myself blush. Sobrang direct niya naman. Hindi talaga ako sanay ma-compliment.



"Thanks but I'll stick to my decision. Ayoko pang isipin ang mga bagay na ganyan. Wag muna ngayon."

Inilagay niya ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at tinitigan ako. "There must be a reason why."

I just held his gaze. There is no way I'd tell him anything.



"Ris! Ako rin ketchup!" I heard Naomi shouted. I glanced at her and nodded, then I grabbed the ketchup bottle and looked at Dash again. Dadalhin ko na lang ito upang kapag naubusan ako ay hindi na 'ko bumalik pa ulit dito. "I should go. Malapit na matapos ang lunch time pero hindi ko pa ubos ang food ko," natatawang kwento ko.

"Yeah. Of course. See you around." Ngumiti lang si Dashiell kaya bumalik na ako sa table namin at umupo sa seat ko. I kept my eyes down and didn't dare to look at the other direction. Ramdam kong paguusapan ako nila Royce at Dashiell pagkatapos ay titingin sila sa akin.


Ugh. Maybe I shouldn't have been too friendly with Royce. Mukhang dahil sa pag-reply ko sa mga chat at text niya ay tingin niya yata may pagasa na siya sa'kin.

I don't want to hurt anyone.


Dashiell's POV





"Maybe she's just like me. Maybe she just broke up with her boyfriend." Aaminin ko hirap pa rin akong wala na si Charmaine sa buhay ko. But not being able to see her and talk to her helps me heal. Alam kong makakasanayan ko ring wala na siya.

Royce shook his head. "She's been single for years, bro. Imposible."



"Wow, stalker." I laughed, looking at Iris. Tahimik niyang inuubos ang pagkain niya habang nakikinig lang sa magugulo niyang mga kaibigan. "I don't think you can change her mind though. Mukhang seryoso talaga siyang pakikipagkaibigan lang ang maibibigay niya sa'yo."

Royce sat back and crossed his arms. "You're so unexperienced with girls." Inakbayan niya 'ko bago siya bumulong. "Dash, makinig ka sa'kin. Hindi matatapos ang sem na 'to na hindi ko siya magiging girlfriend. Iris is my ideal girl so I won't just give up on her."

I pushed him away and chuckled. "You can't even talk to her in person. Who the f*ck are you fooling?"

"Hey! Not true!" Dinuro niya pa ang mukha ko kaya hinampas ko 'yon ng kamay ko.

"Oh come on, pare. Umiiwas ka pa nga ng tingin kapag nagkakasalubungan kayo."

"Style 'yun!"

"Style ng tanga kamo."

"Technique ng mga matatalino 'yon. Alam mo, sa tuwing inii-snob ko si Iris, mapapaisip siya kung bakit ko ginawa 'yon. She'll think I'm not into her anymore. Tapos bigla akong magte-text na para bang walang nangyari kaya maguguluhan siya. Ang ending, buong araw akong nasa isip niya."

"Sh*t, you really are an idiot," hindi makapaniwalang sambit ko. "No girls would want to feel confused. Sa ginagawa mong 'yan, mas lalo mo lang siyang tinutulak palayo imbis makuha mo loob niya."

Royce pouted. "Anong gusto mong gawin ko? Mag-feeling close sa kanya at lapit-lapitan na lang siya?"

"Yes! Ganon manligaw, tanga. Paparamdam mong nage-effort ka, hindi 'yung iniiwasan mo."


"Oo nga Royce, wag kang tanga."

"Royce niyo bobo!"

"Awit sa'yo boi!"

Natawa ako sa mga pambubuwiset sa kanya ng mga ka-team mates namin.


Umiling lang naman si Royce. "Paano kung hindi niya ko kausapin? Paano kung layuan niya 'ko? Paano kung titigan niya lang ako?"

"Alam mo, bahala ka sa buhay mo," pagtawa ko. Uminom na 'ko ng tubig at tumayo na. The whole team did the same.

"Okay okay, fine! Saglit!" Pinigilan ako ni Royce bago kami makalabas ng cafeteria. He looked at Iris again before sighing. "I'll take it slow. Hindi ko kasi talaga kayang harapin pa siya. I get stunned whenever I see her."

"Just talk to her, dude. Hindi naman mataray 'yun katulad nila Caylee. She's actually nice."

Royce nodded in agreement. "Ganto pre, ok lang bang tulungan mo munang bumango pangalan ko sa kanya bago ko siya lapitan?"

"Huh?"

"Just be my best man! Come on! Ang hina ko naman sa'yo, e!"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Just get to the point, dumb ass. What do you want?"


"Be my bridge to her. Please? Sige na pre, desperado na talaga ako." Putek na 'yan. Another favor.

"Ikaw nawiwili ka na kakahingi ng pabor sa'kin ah. In case you forgetting, I'm your team captain."

"Yeah and it's your responsibility to take care of your members, remember? Bahala ka, Dash. Hindi ako makakapaglaro sa next game kapag heartbroken ako."

"G*go."

"Seryoso nga. Sige na oh. Minsan lang naman e."

"E kung palitan na lang kaya kita? Don't you know how many freshmen wants to join the team?"

"But they're not as good as me. Si Coach mismo nagsabi na malaking kawalan ako kapag nawala ako sa Larkyn Bears. Hindi ka ba nanghihinayang na matanggal ako sa varsity?" Tinitigan ko siya ng masama kaya tumawa siya. "I'll carry your bags for a year. Bilis na kasi, pre!"

"Kaya kong bitbitin gamit ko."

"Ililibre kita araw-araw."

"Okay ka lang? Nakakalimutan mo ba kung sino ako?"

Tumawa siya. "I'll do whatever you want. Sige na pre!"


Mababatukan ko talaga 'tong si Royce e. Gusto pa kong maging tulay nila ni Iris.

"T*ngina mo."




Iris' POV


Dumaan muna ako sa faculty room to talk to one of my professors. May kailangan kasi akong i-clarify regarding the reporting I will present the next day. Then I headed to The Grove.

Pagdating ko doon ay nakita kong nakahilata sa sofa si Rios, kumakain ng chichirya. Evan's sitting on the floor with Theo, all three of them are watching some action movie. Kumaway lang ako sa kanila bago ako dumiretso doon sa table kung saan nakaupo sila Asher, Naomi, Tiffany at Ava. The girls are studying while Asher's just staring at me. Wala siyang ginagawa kaya hihikab hikab siya.

"Hiii," bati ko sa kanila. Sobrang rare na walang ka-energy energy ang lahat. "Anyare?" I asked Tiff.

"Wala. Tinatamad lang talaga 'yang mga 'yan."

"Nakakatamad naman talaga. Ang init ng panahon." Asher mumbled. "Kuha mo naman ako ng ice cream sa ref oh."

"Utusan ba naman ako," pagsimangot ko. "Hey, where are the others?"


"Si Caylee nandoon sa parking lot kasama si Aaron. Tambay lang muna daw sila sa loob ng kotse. While Zin's MIA." He's always missing in action. For sure, may ka-date na naman 'yon kaya wala dito. Napapadalas na talaga ang pagiging chick boy niya these past few days.


"And Kiel?"

"In here!" I heard him shout. Nilingon ko ang kusina at nakita siyang kumakaway. I smiled and stood up.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakain. Want some?" Inalok niya ko ng ice cream kaya agad akong kumuha ng kutsara at umupo sa tabi niya.


"How are things with that Royce?" He asked after a while.

"You're just like Dash. Ganyan din tanong niya sa'kin kaninang tanghali. Bakit ba hindi kayo naniniwalang magkaibigan lang talaga kami nung tao?"

Kumain muna siya saglit ng ice cream bago siya nagsalita ulit. "Hindi mo siya trip?"

"He's okay pero ayoko nga muna talagang magkajowa. I'm too busy for that."


Kiel held my gaze by directly looking into my eyes. "Why do I feel there's something more? Ris, may hindi ka ba sinasabi sa'min?"

Why are my friends so good at observing things around them? Masyado ba talagang halata na may pinagdadaanan ako? I'm doing my best to be okay. May hindi na nga ako nalulungkot nitong mga nakaraang araw. Tanggap ko nang hindi na kami magkikita pa ni David.



"You're being delusional." I laughed nervously. "Ikaw nga diyan, mukhang may nililihim sa amin."

Ngumiti lang siya at hindi umimik kaya nagtaas ako ng kilay. "Do you want to talk about it?"

He shook his head. "No."

Kiel looked like he was in pain. Nagtaka tuloy ako kung ano ang pinagdadaanan niya at bakit hindi niya magawang mag-open up sa amin. He's so good at masking his emotions, you could hardly notice something's not right. Malungkot na mga mata lang ang nahalata ko but that's just it. Now that I've heard him decline my offer to discuss his problem, I realized it must be serious, whatever that is.

"Okay." I nodded and stood up to grab a cup on the side. "Teka, dadalhan ko lang si Asher ng ice cream. Nanghihingi nga pala siya."


*****


Next day.


"Iris, pwede magtanong?" One of my classmates ran towards me just as I was cleaning my desk. Uwian na kasi kaya nilalagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko.

"Uy, ano 'yon?"

"Close ba kayo ni Dashiell?"

Nagulat ako sa tanong niya. That came out of nowhere. Akala ko magtatanong siya regarding the discussion we just had on our last subject. Medyo naguluhan din kasi ako sa mga tinuro pero mabuti na lang ay naipaliwanag naman ng maayos nung bandang dulo na.



Mukhang nahalata niyang napatigil ako sa ginagawa ko kaya agad siyang nagsalita ulit. "Ano kasi---uhh---nakita ko kayo kaninang lunch. Magkausap kayo. You guys seem friends."

"Ahh. Magkakilala kami ni Dash. We're on the same social circle."

"Right, pero close nga kayo?"

"I wouldn't say we are. Bakit?"

Napangiti siya bigla. "It's just that...." She stopped for a while before smiling widely. "He's really my type." Tumawa siya dahil hiyang hiya na siya, kaya napangiti na lang din ako. "But anyway, since you said you're not close with him, just forget about any of this. Sige, sorry sa abala."


Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at nagmadaling lumabas ng room. Well, that was interesting. Sayang umalis agad siya. I can introduce her to Dash if she wants too. Wala naman sa akin iyon.

I just smiled and immediately grabbed all my things. Nagpaalam na 'ko sa mga classmates ko at iniwan na sila. Susunduin kasi ako ni Ate Irene today. Gusto niyang kumain kaming dalawa ng dinner sa labas. She said she's too stressed with school works that she needed to get some fresh air. Pumayag ako dahil ayokong umuwi at pakinggan na naman ang mga suway ni Mama sa'kin.


"IRIS!" Malapit na ako sa lobby nang may marinig akong sumigaw nang pangalan ko. Tumigil agad ako at lumingon kaso nagtaka ako nang makitang tinatakpan niya ng bouquet of flowers ang mukha niya habang naglalakad palapit sa akin.


"Royce?" hula ko. Siya lang naman ang magiisip gawin ito dahil wala namang ibang lalakeng nagpaparamdam sa akin ngayon. And he's wearing a Larkyn Bears dry-shirt.

"Nope but this is from him." Dash showed his face then handed me the peonies.

How the hell did Royce know about my favorite flowers? Pero sabagay, almost everything about me can be searched on the internet. He probably just googled it.


"And this." He said, giving me a small paper bag. "Chocolates. Lumabas pa talaga ng school si Royce kanina upang bilhan ka ng mga ito." Medyo napangiti ako nang sabihin niyang chocolates. I have a sweet tooth and I have been craving for those since this morning.

"Bakit ikaw ang nagbigay?"

"'Yan din ang tanong ko. Bakit ako?"


Natawa na lang din ako at nilingon ang paligid. There's no sign of him.

"He still doesn't have the courage to face you but he's doing his best," Dash muttered.

"That's really sweet but I can't accept this." Iniabot ko uli ang bulaklak sa kanya ngunit hindi niya iyon tinanggap.


Humakbang pa siya patalikod at nginitian ako.

I bit my lower lip and went through my brain to think of a better excuse but I couldn't come up with anything. Ano bang pwede kong sabihin para wag masyadong masaktan si Royce? Gusto kong maging malinaw sa kanyang wala talaga akong planong magpaligaw.


"It's just flowers," dagdag ni Dash. "And chocolates."

"Yeah but---"

"Gusto ka lang daw niya pangitiin."

I sighed. "Baka lang kasi ma-misinterpret niya."

"I'll make it clear to him that you only accepted it because of me. Kasi pinipilit kita," tatawa-tawang sabi niya. "Just please don't make me carry those again. Pinagtitinginan ako ng mga tao kanina. They must have think I'm courting someone. Lecheng Royce kasi 'to."

Napailing na lang ako dahil mukhang hindi talaga ako mananalo kay Dashiell. "Fine, I'll let this slide but next time would be a different story, okay?"

He suddenly stood straight and gave me a military salute. "Yes, Ma'am!"

Parehas kaming natawa sa ginawa niya. He winked at me and smirked.

Natahimik ako saglit dahil nagwapuhan ako sa ginawa niya. He's really attractive and good-looking, no wonder a lot of girls have a crush on him. Since first year college, naririnig ko na ang pangalan niya sa mga kaklase ko.

"Uy sige Dash. Kailangan ko na umalis. Pasabi kay Royce thank you at sana tumigil na siya sa mga ganitong pakulo niya. I really just want to be friends with him."

"I'll pass along the message," He assured me. "Ingat ka." Tinapik niya pa ang balikat ko.

"Thanks." Agad akong lumayo doon dahil baka mamaya, may makakita pa sa'min at pagisipan pa kami ng kakaiba ni Dash. Thankfully, there aren't any students in the hallway. Maaga kasing nag-dismiss ang prof namin kaya nauna ang section namin umuwi kaysa sa ibang mga estudyante.


I'm almost near the gate when I remembered what I'm holding. I'm contemplating whether to throw the flowers on the trash bin or keep it.

Hay nako, iuwi ko na nga lang! Sayang naman, ang ganda ganda ih!


Saktong sakto, paglabas ko ay nakita ko na agad ang kotse ni Ate na paparating. I waved my hand so she could see me. She stopped the car in front of me and unlocked the car door so I could hop in. Sumakay agad ako at nag-seatbelt.


"Oooooh. Kanino galing 'yan? Oh my gosh, Iris! May nanliligaw ba sa'yo?" She asked looking at the peonies I'm holding.

"Pwede ba ate, tumigil ka nga. Kaibigan ko lang ang nagbigay nito."

"Walang kaibigan lang ang mage-effort bilhan ka ng bulaklak. Who is this guy? Do I know him? Is he one of your friends? Si Kiel ba o si Rios? Pansin ko close ka sa dalawang 'yon. Or is it Zin?"

"Baliw, ginawan mo pa kami ng issue. You know I'll never like those three or any of my guy friends."

"So sino? Spill it!"

"No one! Wala nga sabi!" iritableng sambit ko.

"Why are you always grumpy to me? Hmmph." She even pouted.

"Oh stop being so overdramatic."

"Stop being irritated then."

"How about, stop being pushy?" Parehas kaming nanliit ang mga mata sa isa't-isa bago kami humalakhak.


Even though I always envy ate Irene, I still love spending time with her. Close naman kasi talaga kami. Naiinis lang ako sa kanya tuwing masyado siyang nagiging over-achiever kasi kailangan, pati ako kagaya niya.

I wonder when will my parents realize I could never be my sister. She's too perfect.


Magda-drive na sana siya ulit nang may may mapansin ako sa loob ng paper bag. Nasinagan kasi ng araw kaya kumintab.


"Wait ate!" I immediately said. Are these car keys?




Dashiell's POV



"Did she like it?" tanong kaagad ni Royce pagbalik na pagbalik ko sa gym.

"Yep. She liked the flowers."

"'YUN!" Sinuntok niya pa ang hangin sa tuwa.

"But she didn't like the fact that you gave her flowers," I mumbled.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Ha?"

"I told you she's not interested in anything other than friendship." Lumuhod ako at inayos ang tali ng sapatos ko. "Sabi niya hindi niya na daw tatanggapin kung may susunod pa."

Royce crossed his arms and frowned. He looked sad. "Nah. Masyado kasing cliché ang flowers. For sure ilang beses na siyang nakatanggap nang ganun."


Tumayo na ako at tiningnan siya ng masama. "Ano na namang pumasok sa isip mo?" Ngumiti lang si Royce at tinaas baba pa ang parehas na kilay niya. "Hoy tumigil ka na nga daw!"

Bago pa niya ako maakbayan ay tumakbo na ako palayo sa kanya. He laughed loudly and ran towards me. Para kaming mga batang tumatakbo sa field hanggang sa narinig naming sumipol si coach. I immediately stopped and Royce froze on his spot too.


Tiningnan ko siya at tawa pa rin siya ng tawa.

"Masyado na ba kayong magaling para magaksaya ng oras?" sigaw ni Coach upang marinig namin siya. Umiling ako at yumuko. He hates whenever we play during trainings.


"Royce, 10 laps for you. Dash, may naghahanap sa'yo!" I looked up to make sure I heard him right. Tinuro naman niya ang bench kung saan nakalagay lahat ng mga bag namin, kaya lahat kami ay tumingin doon.


Then all my friends cheered when they saw Iris standing over there. Naghiyawan ang mga hayop. Tiningnan ko si Royce at kita ko sa mukha niya ang pagtataka. Confused like him, I ran towards Iris.

Wala na sa kamay niya ang flowers at chocolates na iniabot ko kanina. Did she throw it away? I hope not. Ako naman talaga ang bumili non.

Nakipag-meet kasi kami sa organizers ng soccer league kanina. Syempre ako ang team-captain kaya obligasyon kong sumama sa meeting. Magsisimula na ang taunang palaro at isang malaking karangalan na makasali na naman ang LCU dito.

Pabalik na kami sa campus nang mag-text si Royce. He asked me to buy flowers for Iris. Nahirapan pa nga ako pumili kasi wala namang sinabi sa akin kung ano ang bibilhin ko. Kaya tiningnan ko na lang sa internet kaso paiba-iba ang nakalagay; roses, sunflowers, poenies, dahlias, cosmos. In the end, I had to stalk her twitter account. Punyetang tropa ko kasi, hindi sumasagot sa phone call.

Then I decided to buy her chocolates. Nakita ko sa tweets niya palagi siyang nakain ng chocolate.

For someone who's just helping a friend, I think I've done a pretty great job. I saw Iris smiling a little when I mentioned her fave dessert.


"Are you sure you're looking for me and not Royce?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. "Is this yours?" She asked like she's in a hurry. Iniangat niya ang kamay niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang car keys ko. "Naiwan mo sa paper bag."

"Sh*t. Thank you!" Geez, buti nakita ni Iris bago siya makaalis. I'm using Damian's car and if I didn't bring it home tonight, my Dad will definitely kill me.

Iniabot niya na sa akin 'yon pagkatapos ay tumingin siya kay Royce. She smiled politely before looking at me again. "Buti tama ako ng hinala na iyo 'yan. Baka maloka ako kung part pala 'yan ng regalo."

Natawa ako. "Have you ever received a car from a lover?"

"No, but you and I both know it can happen."


Napailing na lang ako habang nakangiti. Totoo naman 'yon.

We're Elites. The word impossible does not exist on our vocabulary.


"Sige una na ko. Bye!" She said, slowly taking a step backwards.

"Yeah. Bye! Salamat ulit ah."

Tumango lang siya at nagmadali ng umalis. Her brown curly hair bouncing as she ran away.


"Dash! Back to the field!" I placed the keys on my bag and drank some water before giving coach thumbs up. Tinuro naman niya si Royce kaya ngumisi ako at tumakbo na. He means I should run 10 laps too. Parehas kami ng kaibigan ko ng parusa.


"WHOAH! ANO 'YON?"

"CAP, NILILIGAWAN MO SI IRIS?"

"AKALA BA NAMIN SI ROYCE ANG MAY GUSTO SA KANYA?"

"GRABE! MAY THE BEST MAN WINS BA ITO?"


"Mga sira ulo!" Lumapit na ako kay Royce na halatang nagtataka sa nangyari.

"What was that?"

"Nailagay ko pala don sa paper bag 'yung susi ng kotse ko."

"Paper bag?" Hindi ko nga pala nabanggit sa kanyang binilhan ko ng chocolate si Iris.

"May freebies kasi 'yung flower store na binilhan ko. Binigay ko na rin sa kanya."

What a lame ass excuse was that? Why am I even lying about it? P*ta.




Bago pa makapagsalita si Royce ay pumito na naman si coach. Saved by the bell!

Agad kaming tumakbong dalawa.


"Grabe kahit ang init init ng panahon, sobrang fresh niya pa rin tignan," Royce mumbled on my side.

I chuckled. "'Di mo nga nilapitan, paano mo nakita 'yung mukha?"

"I don't have to. I can see her face from miles away. Pre, walang kapawis pawis. Ganda talaga."



Napangiti na lang ako. May pawis kaya ang noo ni Iris, hindi lang kasing lala ng katulad sa amin. But I have to agree with him.

Iris is beautiful. I also noticed her lovely skin. Nakakapagtaka nga e, she's not wearing any makeup. My ex girlfriend Charmaine used to wear heavy make-up all the time. Kaya kapag pinagpapawisan ito, agad siyang pumupunta sa CR upang mag-retouch daw ulit. Nahuhulas daw kasi 'yung nilagay niya sa mukha niya.

Pero si Iris, pansin ko walang ibang nakalagay sa mukha niya. Namumula mula pa nga ang mga pisngi na para bang reaksyon sa tirik ng araw. Mestisa kasi.

May kaunting nakalagay na lipstick or liptint ba 'yon sa labi niya pero 'yun na 'yon. She's a natural beauty.

"And she smiled at me," Royce added, smirking like a fool.

"Kumaway ka naman ba?"

"No. I couldn't move." Humalakhak ako kaya tiningnan ako ng masama ni coach. Binilisan ko na lang ang takbo ko hanggang sa matapos namin ang ten laps.


"I'm curious. What's there to be scared of?" I asked Royce. Halata namang mabait si Iris.

"I'm afraid to be rejected," He admitted.

"It happens to everyone, bro."

"So am I supposed to just accept the fact that she might turn me down? Hindi mo pa siguro nararanasan dahil mukhang lahat ng babaeng nagugustuhan mo ay nakukuha mo pero pre, na-busted na ako noon. It's not easy."

"Royce, wag mong ipilit ang gusto mo. If you push it, you'll blow things up." Umupo ako sa bench at uminom ng tubig bago ako tumingin uli sa kanya. "You can't force love if the other person isn't ready yet. You should wait for Iris to come around. Just be there for her. Kung magkaka-develop-an kayo, good. If not, at least you gained yourself another friend."


He let out a deep sigh and nodded. "I just wish I can do something to get her. Pakiramdam ko kasi ang layo namin sa isa't-isa."

I looked down and remembered Charmaine. What Royce said applies to me.



Shaking my head, I stood up and looked at my team. Walang saysay isipin ng isipin ang nakaraan. Charmaine and I were never meant to be together.

"Let's play one game for today! Be ready in ten!" I shouted.




----------------------


ANNOUNCEMENT:

- Updates will be slower in the upcoming month. I will be publishing my other Wattpad story "Alluring Kara Jade" this year. No final date yet but according to the publisher, maybe around midyear (August or September). I have to submit my manuscript within a month kaya aasikasuhin ko na muna po iyon.

- I will also be publishing "Limerence: A Kiss of Words" on December 2021. So stay tuned! Ipon na po sa mga gustong bumili hehehe. I was informed pre-order might start on Oct-Dec.

If you want to know more details about it, just follow me on my social media accounts: NERDYIREL


Thanks! Hopefully ma-update ko pa rin ito kahit nage-edit na ng manu haha.

Happy Anniversary Nerdyirel's Babies! xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
185K 3.3K 52
Vivien Uy officially declared that she hated Jace the moment he started bossing around her. She hated when people tell her what to do. So will her op...