Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 11

5.1K 95 3
By mughriyah

Tatlong beses akong kumatok sa pinto ng bahay namin. Nang magbukas ay agad akong sinermonan ni Mama. Napayuko na lang ako.

"Saan ka ba galing?! Tawag ako nang tawag sa'yo," aniya at hinatak ako papasok sa loob ng bahay.

Nakayuko lang ako dahil ayokong makita niya ang sugat sa labi ko. "Kila Haven po, Ma."

"Sa susunod umuwi ka nang maaga. Nagagalit ang Papa mo, pinapabayaan daw kita," aniya sa istriktang boses.

"O-opo, Ma. Sorry po," sagot ko at pumasok na sa cr.

Pagsarado ko ng pinto ng cr ay agad akong naghubad ng damit at binuksan ang shower. Panay ang kuskos ko sa leeg at dibdib ko habang naliligo sa shower. Kasabay nang pagbuhos ng tubig sa shower ay ang paglandas ng maiinit na likido mula sa mga mata ko.

I am disgusting. My whole being is disgusting.

Wala akong pakialam kung mamula ang leeg ko sa kaka-kuskos ko rito dahil sobra ang pandidiri ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang halik at haplos sa akin ng lalaki. Pakiramdam ko kahit saan ako mapunta ay pagsasamantalahan ako.

Napaupo ako sa sahig habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng tubig at mga luha ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at mahinang umiyak. Impit lang ang pag-iyak ko dahil baka may makarinig sa akin.

Akin ka ngayong gabi...

"Ahh!" napasigaw ako at mabilis na tinakpan ang dalawang tainga ko.

Naririnig ko ang pagtawa ng lalaki sa isip ko kaya mas diniinan ko ang pagkakatakip sa dalawa kong tainga. Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait.

Maawa ka sa'kin!

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng isang babae. Hindi ko 'yon boses, kanino iyon? Why did I hear that?

Eli, tulong!

Napasigaw ako nang sumakit ang ulo ko. "Tama na!" Inumpisahan kong sabunutan ang buhok ko dahil sa pagsakit ng ulo ko. Patuloy kong naririnig ang paghingi ng tulong ng isang babae at... sino si Eli?

"Selene! Anong nangyayari d'yan?"

Napatingin ako sa pinto nang kumatok si Mama. I cleared my throat and stood up. "W-wala po, Ma... patapos na ho ako."

Agad kong kinuha ang sabon at marahas na kinukuskos ang leeg ko. Nang matapos akong maligo ay mabilis kong sinuot ang bathrobe at umakyat sa kwarto ko.

Hindi na ako nag-abalang punasan ang buhok ko o magpalit ng damit. Tulala akong humiga sa kama at tumagilid. Wala na akong pakialam kung mabasa ang kama ko dahil sa basang-basa kong buhok.

Naramdaman ko ang mainit na likido na tumulo sa gilid ng mata ko pero hindi na ako nag-abalang punasan iyon. Nakatulala lang ako sa kawalan.

Umiiyak ako ngunit walang tunog. Bumabagsak lang ang mga luha ko habang paulit-ulit na nag fa-flashback sa utak ko ang paglalapastangan sa akin ng lalaking iyon.

Napatingin ako sa gilid ko nang may naramdaman akong sumampa sa kama ko. Nang humarap ako ay agad akong dinilaan ni Sash sa pisngi.

Ikaw lang... ikaw lang ang nandito ngayon.

Umupo ako at sumandal sa head board ng kama. Niyakap ko ang mga tuhod ko at pinagmasdan si Sash. Pakiramdam ko ay sinasabi niyang nandiyan lang siya at hindi niya ako iiwan.

Ngumiti ako kahit puno ng luha ang mga mata ko. Binuhat ko siya at muli niyang dinilaan ang pisngi ko. "Mommy's okay... I'm okay, Sash." Hinaplos ko ang ulo niya.

Narinig ko ang mahinang pag-iyak niya. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang isinabit niya sa balikat ko ang dalawang paa niya at isinandal sa dibdib ko ang ulo niya. Hindi siya tumitigil sa mahinang pag-iyak.

"Sshhh. Okay lang. Okay lang ako... Okay lang si mommy, baby..." Hinaplos-haplos ko ang ulo niya.

"Okay lang..." pumiyok ako at parang hindi ko na kayang sabihin na ayos lang ako.

Hindi ako ayos, parang nabasag ako. Parang masisiraan ako ng bait dahil kahit anong isipin ko, iyong pang gagago lang sa akin ang nakikita ko.

Kinabukasan, Linggo. Nagising ako dahil sa sigawan ni Mama at Papa. I knew it. They weren't okay. May problema sila at hindi ko na alam kung ano iyon.

"Sinabi ko na sa'yo! Hindi ko 'yon ginawa! At bakit mo ba itinatanong 'yan?! Nakaraan na 'yan! Nakausad na tayo, Francis!" sigaw ni Mama.

Hindi ko makita si Seven. Malamang ay nagkukulong iyon sa kwarto niya at may headset na naman sa tainga dahil ayaw niyang nakakarinig ng ganitong ingay.

"Sana nga lang hindi mo 'yon ginawa, Selma. Sana lang..." malamig na sambit ni Papa kay Mama.

Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok.

"Ako na po." Mabilis akong bumaba at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Chance.

Agad na kumunot ang noo niya. "Anong nangyari sa labi mo at... bakit namumula 'yang leeg mo?!" sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya at humakbang palabas ng bahay. Isinarado ko ang pinto.

"W-wala 'to... allergic ako kaya namumula ang lee—"

"Allergic? Wala kang allergy!" Akmang hahawakan niya ang leeg ko ngunit agad akong gumilid. Natatakot akong hawakan niya ako. Heto na naman ang kaba sa dibdib ko.

Napakunot ang noo niya. "Selene, bakit? Anong nangyari kagabi? Nag-alala ako sa'yo. Hindi mo sinasagot ang tawag ko at hindi ka umuwi ng alas otso at ngayong nakita kita... may sugat ang labi mo at namumula pa ang leeg mo. Anong nangyari? Sabihin mo?" Umigting ang panga niya.

Namuo ang mga luha ko pero wala akong balak na sabihin sa kanya ang nangyari kagabi. Ayokong pandirihan niya ako.

"N-nakagat ko ang labi ko... itong leeg ko... namula d-dahil... dahil kinuskos ko nang kinuskos habang naliligo ako," sambit ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Ano? Hindi ka naman tanga ba't mo nakagat? At tsaka, ba't mo naman kinuskos nang kinuskos? It doesn't make any sense, Selene. Ano ba talagang nangyari? Hindi ka sinungaling pero bakit nararamdaman kong nagsisinungaling ka?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat kaya nagulat ako.

"Huwag mo akong hawakan!" Mabilis kong tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko kaya nagsalubong ang mga kilay niya.

"Selene, bakit? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

I cleared my throat and looked at him. "Ayos lang ako, Chance. Ano kasi... may dalaw kaya alam mo na, sensitive ako ngayon. Papasok muna ako sa loob, kakain lang."

Tinalikuran ko na siya at pipihitin ko na sana ang pinto namin ngunit napatigil ako nang magsalita siya.

"Pakain din... gusto ko sabay tayo."

Huminga ako nang malalim at hindi na siya nilingon. "Diyan ka na sa inyo. Parang wala kang mama, e. Sige na, mag almusal ka na sa bahay niyo." Iyon na lamang ang sinabi ko at pumasok na sa loob.

Hindi na nagpapansinan si Mama at Papa. Tumingala ako para tignan ang kwarto ni Seven pero mukhang hindi siya lalabas sa kwarto niya.

"Ma, Pa... kumain na ba kayo?" mahinang tanong ko sa kanila dahil mukhang wala pang kumakain.

"Sige na, Selene. Kumain ka na. Yayain mo ang kapatid mo. Sa opisina na ako kakain," ani Papa at lumabas na.

Napatingin ako kay Mama. Nagsindi siya ng sigarilyo at binuksan ang T.V. "'Wag mo na akong tanungin, Selene. Nakakawalang gana ang papa mo," aniya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

Umakyat ako at binuksan ang kwarto ni Seven.

"Tsk! 'Di ka ba marunong kumatok, ate?!" sigaw niya kaya kumatok ako kahit bukas na ang pinto at pumasok.

"Kakain na, tama na 'yang social media." Umupo ako sa kama niya.

"Ayoko kumain. Umalis na ba si Papa?" tanong niya kaya tumango ako.

"Si Mama?"

"Hindi yata papasok si Mama." Pinagmasdan ko ang kwarto niya. Puro anime ang nakikita ko.

"Oh ano 'yang sugat mo?" tanong niya at pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na siya sa akin.

Umiwas ako ng tingin at pumunta sa mga naka-display na anime rito sa kwarto niya. "Don't touch them," he warned me.

Hinawakan ko ang ilan sa mga anime. "Nakagat ko lang. Lagi ba nag-aaway sila Mama at Papa?" tanong ko habang pinagmamasdan pa ang iba sa collection niya.

"Tsk. Oo! Palaging sigawan. Nakakainis. Nakakarindi." Kinuha niya sa akin ang isang collection niya at ibinalik iyon sa pinagkuhanan ko.

"Tungkol saan? Alam mo ba kung bakit sila nag-aaw—"

Napaatras ako nang hinawakan niya ang leeg ko. Agad kong narinig ang tawa ng lalaki habang hinahalikan niya ako sa leeg kaya mabilis kong tinakpan ang dalawang tainga ko. Napapikit ako.

"Ate, ayos ka la—"

Pang ilan ka na ba sa mabibiktima ko?

"Ahh!" malakas kong sigaw kasabay ng pag-upo ko sa sahig. Mariin kong tinakpan ang dalawang tainga ko.

"Ate!" sigaw ni Seven at naramdaman ko na lang na niyugyog niya ang dalawang balikat ko.

Napatitig ako sa kanya. May pag-aalala sa mukha niya. Dahan-dahang bumagsak ang dalawang kamay ko pero ramdam ko ang panginginig nito.

"Ate, bakit? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Napalunok ako at marahas na tinanggal ang dalawang kamay niya sa balikat ko. Pinilit kong tumayo kahit ramdam ko ang panghihina ko. Huminga ako nang malalim at naglakad patungo sa pinto.

"A-ayos lang. Kumain ka na sa baba..." sambit ko at binuksan ang pinto. Agad akong pumunta sa kwarto ko at umupo saka niyakap ang mga tuhod.

Wala akong gana kumain. Nararamdaman ko ang gutom dahil hindi ako kumain kagabi sa pag-aakalang malilibre ako ni Tyler pero kahit nagugutom ako ngayon ay wala akong gana kumain. Pakiramdam ko ay busog ako kahit walang laman ang sikmura ko.

"Ahh!" malakas na sigaw ko at agad na tinakpan ang dalawang tainga nang marinig ko na naman ang tawa ng lalaki.

Nakita ko na naman sa isip ko ang paghalik niya sa leeg ko kaya agad kong kinuskos ang leeg ko. Wala na akong pakialam kung mamula pa ito lalo o magkasugat na.

Pakiramdam ko ay nawawala na ako sa sarili. Kusang pumapasok sa utak ko ang senaryong iyon at sa tingin ko, hindi na mawawala. Masisiraan yata ako ng bait.

Hindi ko alam kung paano ako kumalma. Nakatulala lang ako buong maghapon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa chinacharge ang cellphone ko at wala na yata akong balak i-charge 'yon. Gusto kong umiwas sa social media at sa mga tao. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa mga tao. Nakakatakot silang lahat.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. "Ate, kanina pa si Kuya Chance rito sa baba. Hinihintay ka. Bumaba ka na kaya?"

Tumihaya ako at tumulala sa kisame. Wala akong balak kausapin si Chance o kahit sino sa kanila. Nawalan na ako ng gana.

Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako sa kisame na parang nasiraan na ng bait. Maya-maya'y tumunog na naman ang pinto dahil sa pagkatok.

"Selene, nandito lang ako..."

Namuo ang mga luha ko pero ayoko nang umiyak — pinipigilan kong umiyak. Gusto kong maging matapang pero kusa akong nanghihina.

"Kung ano man 'yang problema... nandito lang ako. Palagi."

Hindi ako sumagot.

"Hindi ako aalis dito hanggang sa lumabas ka. Nandito lang ako sa harap ng kwarto mo... dito lang ako."

I cleared my throat. Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.

"Kahit 'wag ka na mag kwento... basta nandito lang ako."

Fuck. The tears I was holding for too long had finally escaped my eyes. I cried quietly. Ayokong humagulgol nang malakas dahil baka mag-alala pa siya sa akin.

Ayos lang ako. Hangga't kaya kong sabihin na ayos lang ako... sasabihin ko 'yon ng paulit-ulit.

Umilaw ang nakabukas kong laptop kaya pinahid ko ang luha ko. Umupo ako sa swivel chair at tinignan iyon.

@tylerlewis
Fuck. I'm sorry. I had to do something last night, Selene. Naghintay ka ba? Babawi ako sayo.

Tumulo ulit ang luha ko. Ayokong mag reply pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nag titipa ng mensahe para sa kanya.

@selenedaferi
i'm glad you're okay.

Akala ko may nangyari nang masama sa kanya. Mabuti at maayos lang siya.

Saglit akong natawa nang mahina. Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit mas siya pa ang iniisip ko kesa sa sarili ko?

@tylerlewis
Bawi ako sayo ha? Mamaya? O ngayon na? Nasan ka?

Napatitig ako sa reply niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit kahit galit ako sa kanya ay gusto ko pa rin siyang makita? Bakit nananabik na ako sa kanya?

@selenedaferi
hindi ka ba busy? kung busy ka, pwedeng sa ibang araw na lang

Agad siyang nag reply.

@tylerlewis
No, I'm not. Sunduin kita?

God, what is this feeling? Galit ako sa kanya. Nagtatampo ako sa kanya pero bakit hinahanap siya ng puso ko?

@selenedaferi
sige.

Isinarado ko ang laptop ko. Huminga ako nang malalim at nagpalit ng damit. Ayoko nang maligo. Naligo naman ako kagabi, e.

Blue oversized jacket ang suot ko at jeans. Nilagyan ko ng blue na scarf ang leeg ko para walang makapansin ng pamumula nito. Wala na akong magagawa sa sugat ko sa labi kaya sasabihin ko na lang na nakagat ko 'yon.

Mugto ang mga mata ko pero bahala na.

Paglabas ko ay nagtama ang mga mata namin ni Chance. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Ayos ka lang ba?" unang salitang lumabas sa bibig niya nang makita ako.

Ngumiti ako sa kanya. Isang pagod na ngiti. "Ayos lang ako, Chance."

Mahina siyang bumuntong-hininga. "Naniniwala ako sa'yo. Gusto mo bang kumain ngayon?"

"Ililibre mo ako? Next time na. Pupuntahan ko lang si Tyler."

Natigilan siya pero maya-maya ay ngumiti sa akin. "Lalabas kayo? Mag-iingat ka ah."

Tumango ako. Hahawakan niya sana ako pero inilayo ko ang kamay ko. Ayokong hahawakan ako ng kahit sino dahil kapag hinahawakan ako, ang haplos lang ng hayop na lalaking iyon ang naaalala ko.

Mahina siyang tumawa. "Siguro prank 'to 'no? Prank 'to e! Basta kung sa'n ka masaya! Balik na 'ko sa bahay ah? Midterms, e, mag rereview ako."

Tumango na lang ako. Sabay kaming bumaba at paglabas namin ay naroon na ang raptor ni Tyler.

Ngumiti ako kay Chance at pumasok na siya sa bahay nila. Bumaba si Tyler at agad napakunot ang noo niya nang tumama ang mga mata niya sa labi ko.

"Anong nangyari diyan?"

"Ah wala... nakagat ko. Tara na?" tanong ko at bubuksan na sana ang pinto pero siya na ang nagbukas no'n.

Pagpasok niya sa kotse ay tahimik lang ako. Akala ko ay papaandarin na niya pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at itutulak ko na sana siya pero naramdaman ko na lang na ikinabit niya sa akin ang seatbelt.

"Your lips are pale. Ayos ka lang ba?" tanong niya nang makalayo sa akin.

Napalunok ako. "A-ayos lang..."

"Anong gusto mo? Name it. I'll buy it all."

"K-kahit ano..."

Gusto kong itanong sa kanya kung anong ginawa niya bakit hindi siya sumipot kagabi. Gusto kong sabihin ang nangyari pero hindi ko magawa.

"Gusto mo Mang Inasal?"

Umiling ako. "T-tubig na lang."

Wala talaga akong gana. Siguro ay masasayang ko lang ang pagkain na ililibre niya sa akin.

"Huh? Akala ko ba pagkain gusto mo?"

Napayuko ako. Napahawak ako nang mahigpit sa seatbelt at gusto ko siyang sigawan ora mismo.

"Huwag na... dalhin mo ako sa kahit saan... iyong kakalma ang puso't isip ko."

Ilang segundo siyang hindi sumagot pero maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pag-andar ng kotse. Nanahimik na lang ako.

Dos!

Napahawak ako sa ulo ko nang may bigla na naman akong narinig sa isip ko. Dos? Anong Dos? Sinong Dos? Pangalan ba 'yon?

Dos! Nasa'n ka ba?!

Napapikit ako dahil sa pananakit ng ulo ko. Tumigil ang sasakyan at napasigaw ako nang hinawakan ni Tyler ang braso ko.

"H-huwag mo akong hawakan!" sigaw ko. Napakunot naman ang noo niya.

"Bakit? Anong nangyayari, Selene? May masakit ba? Saan? Sabihin mo."

Napalunok ako at umiling. Ano ba kasing mga pumapasok sa utak ko?! Sino si Dos?!

"M-mag drive ka na lang! Don't mind me. Stressed lang ako," pagsisinungaling ko.

"Are you okay?" tanong niya pa.

"Oo... sige na please mag maneho ka na. Ayos lang ako."

Narinig ko ang mahinang pagbunga niya ng hangin pero nagpatuloy na ulit sa pagmamanaeho. Niyakap ko ang sarili ko at napayuko. Paano ko ililigtas ang sarili ko?

Lumulubog ako. Naliligaw ako. Nawawala ako. Hindi ko mahanap ang dating ako. Parang bigla akong nagbago dahil sa nangyari sa akin kagabi. Tanging takot lang ang nararamdaman ko. Balisa rin ako.

Makalipas ang ilang oras ay tumigil ang kotse. Pinagmasdan ko ang paligid at nasa tapat kami ng isang garden. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Sonya's Garden sa Tagaytay. Pero bakit parang wala naman akong nakikitang ibang tao?

"Hmmm... nasaan... nasaan tayo?" tanong ko.

Tinanggal niya ang seatbelt niya at tumingin sa akin. Napalunok ako dahil sa seryosong titig niya. Parang tumatagos ang hazel brown eyes niya sa kaluluwa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sagot niya.

"Paradise."

Continue Reading

You'll Also Like

236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 18.7K 44
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaay...
3.3M 162K 81
SEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasang...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...