Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

122K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 28

2.4K 83 6
By jhelly_star

Kabanata 28

Kiss

--

Ilang araw ang lumipas, pinag uusapan pa rin ang magarbong birthday party ni Elizabeth. Sa tuwing naririnig kong pinag uusapan yon hindi ko maiwasang makinig. I’m not interested in her birthday, interesado lang talaga ako sa kung anong mangyayari sa araw na yon.

There's a part of me that wants to go there even if I'm not invited. I'm not going in. I'll just take a peek. Titignan ko lang kung anong mga ginagawa nila... sa tuwing birthday niya.

Yumuko ako at bumuntong hininga. It’s Saturday and I’m getting ready for Audrey’s birthday. It's her birthday today. Hindi sana ako makakapunta kaya lang ni hindi ko manlang nalaman na pinagpaalam niya na pala ako kay Ma'am Maureen. Pumayag si Ma'am dahil sabi niya minsan lang naman daw akong mag absent. Tsaka kaya naman daw ni Greta mag isa. Masaya pa nga si Greta kasi madadagdagan ang sahod niya dahil sa pag aabsent ko.

"Talaga bang sa bar gaganapin ang birthday mo?" hindi makapaniwala kong tanong kay Audrey.

"Yup! Pumayag ang parents ko dahil matanda naman na ako at palagi nalang sa bahay ginaganap yung mga past birthdays ko. Gusto ko naman yung hindi pormal at kasama ko yung mga kaibigan ko, noh. Kaya sige na! Sige na! Sige na! Sige na!" pilit niya habang bahagya pa akong tinulak tulak.

Ngumiti ako at umiling sa kanya. Ano pa nga bang magagawa ko? Birthday niya yon kaya kailangan nandoon ako.

"Fine!"

"Yes! Wag kang mag alala, invited naman si Brandon."

"Ano?" gulat kong tanong.

She smirked. "Bakit? Ayaw mo? Tsaka magagalit sa akin yon kapag sinama kita sa ganong lugar nang hindi siya kasama, noh..."

"What?!"

"Aish! Basta! Sige na! Magbihis ka na! Maganda yang damit na binili ko!" she pointed at the dress on my sofa.

Tinignan ko ang damit niya. Nandito siya ngayon sa bahay ko at siya talaga ang sumundo sa akin. Dala niya ang damit na gusto niyang ipasuot sa akin. Simpleng white off shoulder at jeans lang yon. While she, she's wearing a black dress, it's a bit revealing but it's okay just for our age.

Hindi kami pwede sa bar dahil under age pa kaya ginamit niya ang sarili nilang bar. Pinasarado ngayon para lang sa birthday niya. Pero dahil under age pa nga kami, medyo conservative lang na damit ang pinasuot sa amin ng parents niya. At hindi ganon katapang ang mga iinumin na alak.

Mabuti nalang ganon ang parents ni Audrey, hindi siya hinahayaang mag party party nalang. Baka hindi ako makasabay sa kanila kapag ganon!

"Ayan! Ang ganda ganda mo! Wait, let's curl your hair," si Audrey at nilapitan ako.

Hinayaan ko siya tutal birthday niya naman ngayon. I have a gift for her and it's already in her SUV. Simpleng sandals lang ang binili ko para sa kanya dahil wala pa ako masyadong pera. Hindi naman siya nagreklamo roon.

"There! You're so beautiful!" Audrey said after she curled my hair.

I smiled and looked at myself in the mirror. Bagay nga ang ginawa niyang buhok sa akin. Bagay iyon sa damit na suot ko.

"Tara na!"

Umalis kami at sumakay sa kanyang SUV. Invited si Arjun pero hindi siya isasabay ni Audrey sa amin. Sabi naman ni Arjun susunod nalang siya dahil may mga gagawin pa siyang homeworks. He must be really busy because of his course.

"Hi! Happy birthday!" sina Leah ang sumalubong sa amin nang nakarating kami sa club nila Audrey.

"Hello! Thank you!" kung sino sino pa ang binati ni Audrey roon.

Hindi ko kilala ang iba dahil siguro kaibigan niya sa ibang school or what. Pinakilala niya naman ako kaya kahit papaano nakilala ko rin sila. Hindi ko nga lang natandaan masyado ang mga pangalan dahil sa sobrang dami ng nandoon. Yung iba pinsan ni Audrey.

Kaya lang nagulat ako nang sa kalagitnaan ng pagpapakilala sa akin ni Audrey sa iba pa niyang mga pinsan ay nakita ko si Johanna Agravante sa mahabang upuan. Isa siya sa mga nandoon, nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan sa kanyang mga katabi.

Napansin ni Audrey iyon kaya binulungan niya agad ako.

"Ininvite ko sila. Kahit papaano naman magkakakilala na kami. But I'm sure siya lang ang pupunta. Michelle and Louissa are not very fond of parties."

I nodded slowly, still a bit shocked. Nagtama ang mga mata namin ni Johanna Agravante at agad siyang ngumiti nang nakita ako. Pinilit ko pang ngumiti pabalik dahil sa gulat.

Maya maya nagpaalam siya sa mga kasama niya at tumayo para lumapit sa amin.

"Hi!" bati niya nang nakawala kami ni Audrey sa mga ibang naroon.

"Hi! I'm glad you came! I really wanted to invite you guys," si Audrey.

"Yeah. But ako lang ang pumunta. Is that fine with you? Ayaw kasi ng mga pinsan ko sa mga parties..." ngumiti siya at tumingin sa akin.

I smiled slightly, ngayon medyo nakabawi na sa gulat.

"Oh! That's okay! It's already an honor na nandito ka!" tuwang tuwang sinabi ni Audrey.

Johanna smiled. Inangat niya ang hawak niyang paper bag. "Here! This is my gift for you!"

"Oh my gosh! Really? Thank you! It's really an honor!" sabay tanggap ni Audrey sa regalo.

"No problem. Uh..." tumingin ulit siya sa akin.

"Oh! Uh..." tumingin sa akin si Audrey. "This is my friend, Cassandra Juarez."

Johanna nodded and looked at me. "Yeah, we already know each other. Pero hindi pa ako pormal na nakakapag pakilala," naglahad siya ng kamay sa akin. "I'm Johanna Agravante."

Bahagya ko muling ikinagulat iyon. Kung hindi lang ako siniko ni Audrey ay hindi ako magigising sa reyalidad. Pakiramdam ko hindi ito totoo!

"Cassandra Juarez," tinanggap ko ang kanyang kamay.

"It's nice to formally meet you, Cassandra," she smiled and looked at Audrey. "Thank you for inviting me here, by the way. I really love parties like this!"

Ngumiti si Audrey. "No problem! Akala ko nga hindi ka pupunta dahil... hindi naman tayo close," Audrey laughed awkwardly.

"Oh, we can be close! Besides, I always see you at parties and gatherings. I've known you for a long time so of course we should be friends!" Johanna Agravante said.

She's so nice!

"Really? Oh my gosh! Sure!" tuwang tuwang sinabi ni Audrey.

Johanna smiled. "Anyway, maiwan ko muna kayo. Marami pa ang gustong bumati sayo, e. I'll just join my friends."

"Okay! See you later, Johanna!"

"Sure! Bye, Audrey. Bye, Cassandra," bumaling siya sa akin.

"Bye..." maliit kong sinabi, hindi alam kung paano siya kakausapin nang mabuti.

Umalis siya at marami ulit ang bumati kay Audrey. Hindi sila makalapit kanina dahil kausap namin si Johanna Agravante.

I can't believe it and I'm really happy that she talked to us! She even has a gift for Audrey! Ganon rin yata kasaya si Audrey na kahit sobrang dami nang bumati sa kanya'y hindi pa rin mawala sa isip ang mga sinabi ni Johanna!

"Oh my gosh! I cant believe this! Talaga bang gusto akong maging kaibigan ni Johanna Agravante? Sampalin mo nga ako, Cass!" si Audrey.

Umirap ako at natawa nalang sa kanya. Pero inaamin ko rin na pati naman ako hindi rin makapaniwala.

"She didn't notice me very much before! They are always invited when it's my birthday but we only talked for a while because my Mom and Dad always take me to their business partners to introduce me to them! Now I can't believe she's going to be my friend!"

Ngumiti ako at sumimsim sa juice na binigay niya sa akin.

"Sayang at wala si Louissa at Michelle. Gusto ko rin silang maging kaibigan!" lumapit siya sa akin para bumulong. "Kapag lumabas na ang totoo, ipakilala mo ako sa kanila, ah!"

Natawa ako at umiling nalang sa kanya.

Nabuo yata ang araw niya nang dahil lang roon. She was so happy that Johanna was with her at her party. Mabait naman sa kanya si Johanna at palagi silang may kwento sa isa't isa. She's not hard to please. Friendly siya at madali kang magiging close sa kanya. Magaling siyang makisabay sa mga kasama niya!

"Did you got an invitation for Elizabeth's birthday party?" tanong ni Johanna sa akin nang umalis si Audrey para magbanyo.

Nilingon ko siya. Katabi namin sa mahabang sofa ang mga kaibigan ni Audrey. Marami kami roon. Nasa gitna namin ni Johanna si Audrey kanina at ngayong wala na siya ay kitang kita na namin ang isa't isa.

She's holding a glass of juice on her hand while looking at me. Medyo kinabahan pa ako na bigla niya akong kinausap pero nasagot din naman siya nang maayos.

"No. Uh... I'm not invited," I said and awkwardly smiled.

"Mmm, si Eli talaga. I expected that she wouldn't give you an invitation. Our family is still talking about what you said so until now she's still very angry with you."

Medyo nagulat ako roon. The Agravantes are still talking about what I said? So they're really taking my words seriously?

"She can't accept that our family is listening to you. Kahit ako magagalit kapag pinagdudahan ako ng pamilya ko pero alam mo kasi, sa aming lima, siya ang pinaka pasaway at matigas ang ulo. Palaging nagagalit sa kanya si lolo at si tito Marvino. Maybe they already have a feeling that something is not right. Ako rin... something about her is making me uncomfortable."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Tinitigan ko siya habang siya'y ngumisi at tumingin sa pinaglalaruan niyang baso ng juice.

"But I'm not saying I'm doubting her. I love her at siguradong mahihirapan pa rin kami kung sakali mang totoo nga ang mga sinasabi mo. I love her very much, Cassandra."

Yumuko ako at tumango. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Matagal ko nang naiintindihan yon.

"Pero kung sakali ring totoo nga talaga ang sinasabi mo, we are ready to welcome you into our family."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. She smiled. Hindi ko na naman masuklian ang ngiti niya dahil sa gulat at pagkamangha sa mga sinasabi niya. Sumimsim siya sa kanyang juice at nakipag tawanan muli sa kanyang mga kaibigan sa kanyang gilid.

Ilang sandali pa akong napatitig sa kanya bago yumuko at bumuntong hininga. Maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi.

I'm glad that... they don't see me as their enemy. They are ready to accept me as their family!

Dumating si Audrey at nagsimula na ang kantahan para sa birthday niya. Brandon arrived just in time and was immediately attacked by some girls. He was carrying a small paper bag, maybe a gift for Audrey. Agad niya akong nahanap kaya agad siyang pumunta sa tabi ko.

"Happy birthday," anya kay Audrey at inabot ang paper bag.

"Thank you! Sakto ka, halika, kantahan niyo ako!" halakhak ni Audrey pagkatapos tanggapin ang regalo ni Brandon.

Tumingin sa akin si Brandon at tumingin rin ako sa kanya. He's wearing a sky blue polo shirt, black jeans and brown booths. I can smell his fragrant scent and I can't help but bit my lower lip. He smells so good! I don't think I'll get tired of smelling him.

He looked at me from head to toe. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko na naman ang pangit ko nang dahil lang tinitignan niya ako. Why am I always so conscious when it comes to him?

"Kanina ka pa rito?" he asked and a small smile played on his lips.

"Yeah. Maaga lang dahil si Audrey ang kasama ko, kailangan maaga siya."

Tumango siya at muling tinignan ang suot ko bago ngumisi at tumingin sa akin. Pinandilatan ko siya at inirapan dahil mukhang manunukso na naman. Ngayon niya lang ako nakitang nagsuot ng ganitong damit. Hindi ko alam kung mangha ba siya o... nagagandahan.

Tss!

"Happy birthday, Audrey!" we all shouted after we sang a birthday song for her.

Hinipan niya ang maraming kandila na nasa malaking cake, hawak ni Leah. Sumigaw kami at pumalakpak nang nahipan niya na lahat. Muling nagsimula ang inuman at sayawan. Sumabog ang napaka lakas na music sa buong club.

"Whoo!" sigaw ni Audrey at tinaas pa ang dalawang kamay habang naglalakad papunta sa dance floor.

Nandito na si Arjun kanina pa. May mga kakilala siya sa kabilang lamesa kaya hindi pa siya nakakapunta rito sa table namin. Si Brandon rin may mga kakilalang lalaki sa malayo pero nanatili siya sa tabi ko.

"Hindi mo ba pupuntahan ang mga kaibigan mo?" tanong ko sa kanya nang naupo kami sa sofa katabi sina Johanna.

Franz was also there with the rest of their friends. Nanliit ang mga mata ko dahil pati siya inimbita ni Audrey. Really?

Well, hindi lang ako makapaniwala dahil ang alam kong ayaw niya na kay Franz. Pero magmumukha nga naman siyang bitter kung hindi niya iimbitahan, diba? While she invited almost everyone.

"I already greet them," Brandon said simply.

Ngumuso ako at tumango. I saw Johanna's eyes on us so I immediately looked at her. Ngumisi siya habang tinitignan kaming dalawa ni Brandon at pagkatapos bumalik sa pakikipag tawanan sa mga kaibigan niya.

Nakahinga ako nang maluwag dahil akala ko magagalit siya. Sigurado akong alam niya na si Brandon ang gusto ng tinuturing niyang pinsan na si Elizabeth kaya normal lang na magalit siya sa akin pero... hindi naman siya mukhang galit kaya nakahinga naman ako nang maluwag.

"Are you going to drink?" tanong ni Brandon at mas lalo pang umusog sa tabi ko.

Kinabahan ako dahil sobrang lapit na naming dalawa!

"Uh... gusto kong subukan. Hindi pa ako nakaka inom," I said. "Ang sabi naman ng Mommy ni Audrey hindi matatapang ang mga alak na ibibigay nila sa amin."

"Gusto mong subukan?"

"Oo..."

"Paano kung malasing ka? This is your first time."

"Hindi naman daw matapang."

"Still. First time mo pa rin."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Bakit ganyan ka magsalita? Pagbabawalan mo akong uminom?"

"Kung gagawin ko, hindi ka iinom?" nagtaas rin siya ng kilay.

Hindi ako nakasagot agad.

"Bakit mo naman ako pagbabawalan?" tanong ko.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Mas lalo akong kinabahan!

"I told you I like you. At hindi ko gustong umiinom ang babaeng gusto ko..." he whispered.

What? Napalunok ako roon.

"But if you really want to try, hindi naman kita pagbabawalan. I also know that I have no right to stop you," he smirked and moved slightly away from me.

Ngumuso ako at tinitigan siya. Hindi ako makapaniwala. He told me again that he likes me! And he said that so easily! I really can't believe it.

Sinubukan ko ang isang inumin roon at seryoso lang naman akong pinagmamasdan ni Brandon habang ginagawa ko yon. Mapait ang alak pero medyo matamis rin. Hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya hindi ko masabi kung ganito ba talaga ang lasa ng hindi ganon katapang na alak.

"Sinong maghahatid sayo mamaya?" tanong ni Brandon.

Pasulyap sulyap sina Leah sa amin at ang iba pa nilang kasama roon. Nakita ko rin doon si Jacob na nag iwas ng tingin at nakipag kwentuhan nalang sa mga kaibigan niyang lalaki. Johanna and her friends join their other friends on the dancefloor. Namangha ako at parang gusto ko ring sumayaw kasama siya.

"Si Audrey. May SUV sila," sagot ko kay Brandon at tumingin sa kanya.

May tinitingnan siya sa likuran ko. "Those boys are looking at you. Do you have a suitor? Maybe one of them?"

What? Tumingin ako sa tinitignan niya at nakitang table iyon nila Jacob. Kinabahan ako nang naalalang gusto ako ni Jacob!

"Wala, ah!" defensive kong sagot kay Brandon. "Walang nanliligaw sa akin."

"Nagkakagusto? I'm sure meron."

Napakurap kurap ako at sa huli ngumuso. "Ano naman kung meron? They like me, anong magagawa ko?"

"Tss..." ngumuso siya.

Humigpit ang hawak ko sa aking baso na may lamang alak.

"I'm jealous..." he whispered!

Pakiramdam ko sobrang pula na ng buhong mukha ko!

"B-Bakit ka naman magseselos? Sila lang naman ang may gusto sa akin..."

"They have time. They have a chance to be with you..."

"Ikaw rin naman, ah? Palagi kang pumupunta sa store..."

Sunod nang sunod.

Nag angat siya ng tingin sa akin. His face was frowning so I couldn't help but smirk. I can't believe we're talking about this. And I find him cute now that he's frowning. Mukha na siyang magagalit pero hindi ko pa rin napigilan ang ngisi ko.

"Why? Are you worried that I might like one of them just because they are the ones I always get along with?"

His lips parted slightly. I feel like he can’t believe I’m telling him these now.

"Hindi ba?" nagdududa niyang tanong.

I smirked more. "Nope. I like someone else..."

"And who is it?" hamon niya.

"Brandon!" Franz called him.

Hindi siya tumingin roon. Nanatili ang tingin niya sa akin habang nag angat ako ng tingin sa mga kaibigan niya. Uminit nang bahagya ang pisngi ko nang nakitang nanonood sila sa amin. And they’re definitely not the only ones watching us! Marami pang iba sa iba't ibang table!

"Tinatawag ka na nila..." sabi ko kay Brandon at nagbaba ng tingin sa kanya.

He stared at me intently, wanting me to answer his question first. Ngumisi ako dahil wala akong balak sabihin kung sino ang tinutukoy ko. Ayoko ngang umamin sa kanya! Kahit naman ganito ang mga sinasabi ko nahihiya pa rin ako, noh!

"Tinatawag ka na, Brandon," ulit ko.

Lumayo siya sa akin, seryoso pa rin ang paningin. I smiled but he didn't smiled back. Sungit!

"Don't drink too much. I'll be right back," anya.

Tumango ako at muling ngumiti pero suplado lang siyang nag iwas ng tingin at tumayo na para puntahan ang mga kaibigan niya. Ngumisi ako at halos matawa dahil hindi niya ako pinansin. Suplado!

Mukha siyang badtrip kay Franz dahil inabala niya ang pag uusap naming dalawa. I smirked and just shook my head. Sumimsim ulit ako sa alak na nasa aking baso. Habang tumatagal sumasarap iyon sa panlasa ko at masasabi kong siguro nga hindi naman to ganon katapang. Para lang siyang juice na manamis namis.

Bumalik si Audrey na tumatawa at nakikipag kulitan sa mga kaibigan niya. Kinamusta niya ako at sinabi ko namang tumikim ako ng isang alak. Tulad ng sinabi ni Brandon, she also told me not to drink too much because it is my first time. Sumang ayon ako dahil ayoko rin namang malasing.

I spent a few minutes talking and laughing with Audrey's friends. Hanggang sa siniko ako ni Audrey kaya napatingin ako sa kanya, may ngiti pa sa labi ko dahil sa pagtatawanan. May nginuso siya sa kung saan at agad naman akong napatingin doon.

Natigilan ako nang nakita si Brandon na may kasamang babae. Nandoon pa rin siya sa table ng mga kaibigan niya. Hawak siya ng babae sa braso at parang pinipilit siyang pumunta sa dancefloor pero hindi siya sumasama. Kumunot ang aking noo at pinanood kung ano pa ang mangyayari.

Parang nangyari na ito, ah?

Alam ko namang marami talagang babae ang may gusto sa kanya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may mga babaeng makukulit. Tumatanggi na yung tao pero pinipilit pa rin? I really can’t believe there are girls like this. This is not the way women should behave.

But what can I do? I’m here in this generation so maybe I’ll get used to it too. Sa ngayon para sa akin, nakakainis ang babaeng iyon.

Tinutukso si Brandon ng mga kasama niya sa table na sumama na sa babae. Nagtatawanan sila habang umiiling si Brandon. But the girl still didn't let him go. Imbes ay tumingkayad ito at akmang hahalikan siya sa labi pero mabilis siyang naka iwas kaya nahalikan siya ng babae sa pisngi!

Umawang ang bibig ko. Naghiyawan ang mga kaibigan ni Brandon dahil sa nangyari at ang ibang nasa kabilang table ay napatingin pa sa kanila sa ingay nila.

Nag iwas agad ako ng tingin at nagtiim bagang. May sinabi si Audrey sa akin pero hindi ko na narinig iyon dahil sa pagtayo.

"Cassandra," she called me.

"Banyo lang ako," malamig kong sinabi at umalis na roon, hindi na hinintay pa ang mga sasabihin niya.

I don't understand! I really don’t understand why there are such girls! And I also can't understand why Brandon is always being kissed on the cheek! Nung nakaraan si Elizabeth ang humalik sa kanya. Ngayon iyong kung sino man ang babaeng iyon naman?!

Imbes na magtungong banyo ay lumabas ako. Gusto kong magpahangin, magpalamig. Dahil siguradong iinit lang ang ulo ko kapag bumalik ako roon. Gusto ko munang kalmahin ang sarili at mag isip isip.

Yes, I like him too! I have feelings for him too! Kaya nga nabubwisit ako ngayon, diba? Oo, umiiwas naman si Brandon pero hindi ko talaga matanggap na may nakakahalik sa kanya ng ganon ganon lang! Bakit hindi niya pigilan? Bakit hindi niya itulak ang babaeng iyon sa kakulitan? Tss!

Alam ko namang wala akong karapatan, eh. Kaya nga umalis nalang ako para kalmahin ang sarili dahil alam kong wala akong karapatang sumugod roon para lang pagsalitaan ang babaeng iyon. Brandon is not my boyfriend. We don’t have a label so I can’t do that! Kahit gustong gusto ko nang sabunutan ang babaeng iyon!

But I'm not that kind of person. Kaya kong magpigil. For me cat fight and something like that is a very cheap thing. That's not my thing, ew!

"Cassandra," narinig ko si Brandon sa likod ko!

Lumingon agad ako sa kanya na kalalabas lang ng club. Gulat ako na sumunod siya sa akin pero agad ring bumalik ang iritasyon.

Oh, nasaan na ang babae mo? Bakit ka nandito?

"What are you doing out here?" tanong niya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Nasaan na yung babae mo?" nagtaas ako ng kilay.

He sighed. Lumapit siya sa akin pero umatras ako. Natigil siya dahil roon. Tumingin siya sa akin. No. Wag kang kalapit sa akin!

Walang tao sa labas ng club. Tanging mga sasakyan lang na dumadaan ang naririnig kong ingay. May kaunti akong naririnig na ingay galing sa club pero iyon lang, wala na masyadong tao sa daan.

"She's just my batchmate. Lasing na siya at--"

"Lasing? Hindi naman matatapang ang mga alak na nandoon!" putol ko sa kanya.

"Marami na siyang nainom. Pinigilan ko siya at pinagtabuyan. Sa pisngi niya lang ako nahalikan," paliwanag niya at sinubukan pang lumapit sa akin.

Umatras ulit ako. Mariin na ang titig niya sa akin ngayon pero hindi ako nagpatinag.

"Bakit ba ang dami daming babae ang nagkakagusto sayo? At sa tuwing ginagawa nila iyon, hindi mo manlang sila magawang pigilan!"

"I'm sorry... please..." nahuli niya ang pulsuhan ko.

Iritadong iritado ako pero hindi ko siya pinigilan sa ginawa niya. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya nang hindi na ako nagpumiglas.

"Nangako kang hindi na iyon uulitin ni Elizabeth. Pero ibang babae naman ang umulit!" iritado kong sumbat.

"I'm sorry," anya pero nakita ko ang pag angat ng gilid ng kanyang labi.

Kumunot ang noo ko. "What's funny? Do you think this is funny?" mas lalo lang akong nairita.

Ngumuso siya at mas lalo pa akong hinila palapit sa kanya. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero ayaw sumunod ng katawan ko. Mas lalo pa akong naiirita dahil doon!

Bakit lumalambot ako pagdating sa lalaking ito?

"Hindi na talaga 'to mauulit. That's a promise. Please?" hinaplos niya ang pisngi ko.

Iritado kong iniwas ang mukha ko sa kanya. He chuckled.

"Mmm. Why are you so irritated, anyway?" he asked.

Hindi ako sumagot. Nanatili ang mga mata ko sa ibang bagay.

"Are you jealous? Mmm?" hinawakan niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin.

Hindi pa rin ako nagsalita. Iritado pa rin ako pero alam ko sa sarili kong unti unti na akong bumibigay.

"Who's that, huh? The man you like?"

Ngumuso ako at hindi pa rin nagsalita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Is it me?" he smirked.

Umirap ako at tumingin sa ibang bagay. Pero hindi niya ako hinayaan. Hinawakan niya ulit ang baba ko para magtama ang mga mata namin. Sobrang lapit namin sa isa't isa! Hindi ko yata ito kaya! Pakiramdam ko matutunaw na ako!

He's such a playboy! Nakakainis!

"Don't answer that. There's no need..." he said, still smirking.

Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko lalabas na iyon! Slowly he brought his face closer to mine and I almost closed my eyes when I felt his lips on mine. Isang marahang halik ang pinatak niya sa aking labi.

Nagkatinginan kami pagkatapos non. Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi at para akong aatakihin sa puso! Dinikit niya ang kanyang noo sa aking noo at kung hindi niya lang ako hawak, baka kanina pa ako natumba rito!

"I won’t let them kiss me anymore, I promise. You're the only one I want to kiss... Ikaw lang, Cassandra..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3K 569 33
Β©All Rights Reserved COMPLETEDβœ”οΈ Started: January 3, 2022 Ended: May 27, 2022 "I never realized you were my home, until I noticed that I always ran t...
192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...