Loving the Half Moon (Forment...

By mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... More

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 9

5.4K 104 12
By mughriyah

"Selene? Selene!" Umangat ang tingin ko kay Tita Lucille nang marinig ko ang boses niya. Agad silang lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo.

"T-tita... wala na si Chance..." humikbi ako sa harap nila.

"Ano?" sabay nilang tanong.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kanila. "S-si Chance po 'yan 'di ba?" Tinuro ko ang lalaking nababalutan ng kumot.

"He's not your friend, Selene. Naroon si Chance," sambit ni Tito Lenard kaya napakunot ang noo ko.

Agad akong naglakad at napaatras ako nang makitang duguan si Chance. Hindi ko siya nakita kanina dahil sa kurtina at hanggang ngayon ay napapaligiran siya ng mga doctor.

"Clear!" Napaatras ulit ako at napatakip sa bibig. Hindi ko na kayang makitang nagkakaganito si Chance.

Narinig ko ang pag-iyak ni Tita pero hindi ko na siya magawang tignan. Natulala na lang ako sa mukha ni Chance.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko at natatakot ako. Bigla na lang akong napahawak sa ulo ko nang bigla itong sumakit. May nakikita ako ngunit mga dugo lang at malabong-malabo.

"Ahh!" malakas na sigaw ko nang sumobra ang sakit ng ulo ko. Bakit parang may nag fa-flashback sa utak ko?

"Selene, ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Tito pero hindi ako nakasagot.

May mga dugo... kaninong dugo ang mga ito? Madilim pero alam kong dugo ito.

"His pulse is back!"

Bumalik ang tingin ko kay Chance nang marinig ang boses ng doctor. Nang marinig ko 'yon ay napahinga ako nang maluwag. Thanks God!

"Someone saved him, Selene," si Tito.

Hindi ko na alam kung paano kami kumalma ni Tita Lucille. Makalipas ang ilang oras ay sinabihan kami ng doctor na pwede na naming puntahan si Chance sa kwarto pero hinayaan ko muna ang mga magulang niya.

Umupo ako sa hospital bench at sumandal. What was that? Bakit may nakita ako? Hindi ko maalala kung kailan nangyari 'yon pero parang nangyari na 'yon maraming panahon na ang nakalipas. Kaninong dugo 'yon?

I took a deep breath. Was that serious? Hindi naman siguro? Baka nakita ko lang iyon dahil sa nakikita kong dugo ni Chance.

Nang lumabas sila Tito at Tita ay hinarap nila ako. Pinahid ko ang mga natirang luha sa pisngi ko at tumayo.

I wanted to thank the person who saved my friend pero sabi nila Tita at Tito ay mabilis nang umalis ito.

"K-kamusta po si Chance?" tanong ko.

"Hindi pa siya nagigising, Selene. Stable na ang kalagayan niya, kailangan na lang nating hintayin na magising siya," sagot ni Tito Lenard.

Tumango ako at tumingin sa loob ng kwarto kung saan nakahiga si Chance. Mahimbing siyang natutulog at may puting benda na nakabalot sa ulo niya.

"Magigising naman po siya 'di ba?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay Chance.

"Hindi pa alam ng mga doktor, magdasal na lang tayo na sana magising siya," narinig kong sagot ni Tita Lucille.

Bago ako pumasok ay pinagsuot muna ako ng kulay blue na sinusuot ng mga bisita ng pasyente. Puta hindi ko na alam ang tawag dito dahil ang tanging nasa isip ko lang ay si Chance.

Inayos ko ang surgical mask na suot ko bago pumasok sa loob. Nang makalapit ako ay umupo ako sa upuan na nasa tabi niya.

I held his hand. Parang kagaya lang ng dati. Mainit-init ang kamay niya. "Akala ko ba isasayaw mo ako? May sasabihin ka pa nga sa akin..." Namuo ang mga luha ko. We've been together for so many damn years, he was always full of energy and seeing him like this? Damn, it pains me.

"Ano bang sasabihin mo, Chance? Papakinggan ko, tatanggapin ko, iintindihin ko... 'wag lang 'yung ganito. Ang labo mo naman, pre..." Pinunasan ko ang isang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko.

"Kahit ano pa 'yan, Chance... iintindihin ko. Sabihin mo kapag nagising ka na ah? Nandito lang ako." Hinaplos ko ang kamay niya.

Kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Kasama ko na siya simula pagkabata at kapag mawawala siya sa akin? Parang mawawala na rin ang kalahati ng pagkatao ko. He's not just my bestfriend, he's also my brother.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Haven dahil kinuwento ko sa kanya noong isang araw ang nangyari kay Chance. Isang linggo na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagigising.

Ngumiti ko. "Ayos lang... magigising din naman si Chance," sambit ko.

Ngumiti siya at inalukan ako ng ice cream. "Sana gumaan ang pakiramdam mo, Selene."

Tinanggap ko 'yon. Pagkain, e. Hindi ko kayang tumanggi sa kahit anong pagkain. "Salamat, Haven. Magkikita ba kayo ni Travis bukas?" tanong ko dahil long distance relationship sila at every Saturday and Sunday na lang sila nagkikita dahil umuwi na si Travis sa Manila kasama ang parents niya at si Lauren.

"Hindi ko sure. Lately, he was so busy with his father's company. Mukha ngang na-pepressure siya kaya hindi ko na lang sinasabayan," aniya.

"Ano ka ba, kahit gaano ka-busy ang isang tao, kapag in love 'yan, gagawa at gagawa ng kahit anong paraan 'yan para mabigyan ng oras 'yung taong mahal niya. 'Wag kang mag-alala, pupuntahan ka ni Travis bukas." Inakbayan ko siya habang dinidilaan ang cornetto.

Ngumiti na lang siya at hindi na sumagot. Napatigil lang kami sa paglalakad nang humarang sa amin ang kaklase kong lalaki na mukhang mainit ang ulo sa akin.

"Bakla ka ba, Arvin? O baka crush mo 'ko?" tanong ko at inalis ang pagkakaakbay kay Haven.

He let out a sarcastic laugh and pushed my forehead using his index finger. "Ano ba!" sigaw ko sa kanya.

"Ba't naman ako magkakagusto sa'yo? E mukhang natira ka na ni Chance," nagtawanan sila ng mga kaibigan niya.

Kumuyom ang mga kamao ko. Putangina.

"You're out of line, Arvin!" sigaw ni Haven. "Apologize to her. Bastos ka!"

They stopped laughing for a seconds and looked at each other. Maya-maya ay bigla na naman silang tumawa nang malakas. "Apo—apologize amputa! Mama mo apologize!" tumatawang sambit ni Arvin.

Bumaba ang tingin ni Arvin sa dibdib ko pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Bumagsak na rin sa lupa ang ice cream na kanina'y hawak ko pa dahil sa pagkuyom ko ng kamao.

"Kaya siguro malaki 'yan kasi lamas na lamas ni Chance?" Lumawak ang ngisi ni Arvin.

"Parinig naman ng ungol mo, Sel—" I was about to punch him but someone has already did it. Napaatras ako dahil plakda si Arvin sa lupa.

Napalunok ako at mabilis na tumingin sa kung sino mang sumapak sa kanya. Nagulat ako nang makita ang galit na mukha ni Tyler. Umigting ang panga niya at mas lalong kumuyom ang kamao. "Get up," utos niya kay Arvin. "Putangina mo tumayo ka." Mabilis na naglakad si Tyler palapit kay Arvin at napaatras lang ang dalawang kaibigan niyang lalaki dahil siguro sa takot kay Tyler.

Itinayo ni Tyler si Arvin gamit ang paghawak sa kwelyo nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dugo sa labi ni Arvin. Shit! Pumutok ang labi niya sa isang suntok lang ni Tyler!

"Tyler! Tama na!" sigaw ko pero mukhang hindi ko siya maaawat dahil galit na galit ang mga mata niya.

Walang sabi-sabing itinaas ni Tyler ang kamao niya sa ere para suntukin si Arvin. Napapikit na lang ako dahil kahit hindi ako ang susuntukin, parang ramdam ko na ang sakit.

"TYLER!"

Napadilat ako at nakita kong naiwan sa ere ang kamao ni Tyler dahil sa isang sigaw lang ni Haven. Napatingin ako kay Haven nang kalmado siyang naglakad patungo kila Tyler.

Napalunok ako dahil mukhang susunod si Tyler sa kahit na anong sasabihin ni Haven. Mukhang ganoon sila ka-close.

Hinawakan ni Haven ang kamao ni Tyler at ibinaba 'yon. Tinanggal niya rin ang isang kamay ni Tyler sa kwelyo ni Arvin at hinarap ang lalaki. "Calm down, Tyler. Wala kang mapapala kung papatulan mo ang kagaya niya," mahinahong sambit ni Haven.

Hindi pa nakakasagot si Tyler ay hinarap na ni Haven si Arvin. "Don't mess with that girl... kung ayaw mong makarating 'to kay Chance. Kilala mo naman si Chance 'di ba?" ani Haven kaya mabilis na tumango si Arvin.

"Alis na..." sambit ni Haven kaya mabilis na tumakbo si Arvin.

Hinarap niya ulit si Tyler. "Tyler naman! Tignan mo, nagsugat na ang kamay mo." Hinawakan ni Haven ang kamay ni Tyler na para bang may relasyon sila dahil mukha silang mag girlfriend at boyfriend.

"You and your temper!" sigaw ni Haven sa kanya. "Ayos ka lang ba?" tanong niya at tinignan si Tyler.

Napatingin ako kay Tyler pero nakatingin lang siya sa lupa. "Tyler, ayos ka lang ba? Sumagot ka. Gagamutin ko 'tong kamay m—"

"Are you okay, Selene?"

Nagulat ako nang biglang tumingin sa akin si Tyler at dahil na rin sa tanong niya. Hindi pa ako nakasagot agad kaya naglakad siya palapit sa akin at dahil doon ay nabitawan ni Haven ang kamay niya.

"Ayos ka lang?" pag-uulit niya.

Mabilis akong tumango. "O-oo! Ayos lang... ikaw ba?"

"Hindi. Kasalanan mo 'to." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tinignan niya ang kamao niyang may dugo at tumingin ulit sa akin. "Kasalanan mo, Selene."

I let out a small laugh. "Who told you to punch him? Sinabi ko bang ipagtanggol mo ako?"

"Hindi. Pero basta, kasalanan mo. Gamutin mo 'tong kamay ko." Ipinakita niya sa akin ang kamao niya kaya tinignan ko 'yon.

Naramdaman ko ang paglapit ni Haven. "Ako na—"

"Hindi naman ikaw ang may kasalanan, Haven. Si Selene. Gamutin mo 'to, Selene," ani Tyler.

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kamay niya. "Tara na nga!" sabi ko at hinila na siya papuntang infirmary.

Akala ko ay sumusunod sa amin si Haven pero hindi pala. Pagdating namin sa infirmary ay aasikusahin sana siya ng nurse pero tumanggi siya.

"Si Selene ang may kasalanan nito, siya ang mag gagamot sa akin."

Saglit akong napapikit nang mariin. Tumingin ako sa nurse at ngumiti. "Ako na ho, KASALANAN KO KASI DAHIL PINAGTANGGOL NIYA AKO," sarkastikong sambit ko. "Sinabi ko po kasi na ipagtanggol niya ako, e." Kinuha ko ang med kit at binuksan 'yon.

Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pasimpleng ngiti ni Tyler. Sarap hambalusin. Bipolar talaga. Akala ko lagi nang seryoso, tapos ngayon pangiti-ngiti.

Inilahad niya sa akin ang kamao niya. Binuksan ko ang betadine at nilagyan ang bulak. Bago ko idikit iyon sa kamao niya ay nagsalita muna siya.

"Baka masakit ah? Dahan-dahan lang, 15 years mo na akong sinasaktan." Napakunot ang noo ko dahil sa bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong sinabi mo?" tanong ko dahil humina ang boses niya sa huling salita.

"Sabi ko dahan-dahan lang,"

Umiling ako. "'Yung isa pa."

"Ah... baka masakit kako."

Umiling ulit ako. "'Yung isa pa."

"Alin ba?" tanong niya pabalik.

"'Yung 15 years kineme, ano 'yon?"

"Ah may sinabi akong gano'n?" nagtatakang tanong niya.

"Ano nga!" Hinampas ko ang hita niya.

"Aw! Ano ba? Ba't ka nanghahampas?"

"Anong ibig-sabihin no'n? 15 years?" tanong ko.

"Wala naman akong sinabi! May naririnig kang hindi ko naririnig? Gamutin mo na lang kaya 'tong sugat ko, Selene Elishara?"

Inis kong kinuha ang kamao niya. May narinig talaga ako, e. Did I hear it wrong? May sinabi siyang 15 years, e.

Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay nilagyan ko 'yon ng band aid. Tumayo siya kaya sumigaw ako.

"Hep! Hep! Hep!" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at pinaupo sa kama.

"Bakit?" He yawned.

"Aba, aba. Hindi ko kasalanan kung bakit may sugat ka. Itong treatment na 'to, hindi 'to libre. May bayad 'to," sambit ko.

"Anong gusto mo, ako?"

Ay bet.

"Mang Inasal, Tyler!" sagot ko.

"Pagkain na naman?" tanong niya kaya nakangiti akong tumango.

"Dali na. Mang Inasal lang, e. Alam mo ba, hindi ako nakakakain nang maayos dahil iniisip ko si Chance. Ngayon, gusto kong bumawi sa pagka—"

"Oo na, oo na. Bukas. Sabado naman bukas 'di ba?" aniya kaya mabilis akong tumango.

"Lilibre mo 'ko?" paninigurado ko.

"7pm bukas. Okay ka na? Alis na 'ko ah," aniya at hindi na hinintay ang sasabihin ko dahil lumabas na siya ng infirmary.

Napangiti ako at lumabas na rin. Kahit nasira ni Arvin ang araw ko ay inayos naman 'yon ni Tyler. Tignan mo nga naman, malilibre pa ako bukas.

Nang mag-uwian ay sasabay sana ako kila Tyler at Haven dahil naka kotse si Tyler pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. "Omg! Chance!" Mabilis akong tumakbo at niyakap siya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at pakiramdam ko, okay na ulit ako. Nawala lahat nang pangamba.

"Okay ka na ba?! Kailan ka pa nagising?! Omg, pre, buhay ka!" sigaw ko sa mukha niya nang hinarap ko siya.

"Okay na 'ko, pre. Vlinog mo ba 'ko no'ng nag-aagaw buhay ako? Kung hindi, bakit at anong dahilan ba't ka tanga?" Napangiti ako dahil okay na talaga siya. Gago na ulit, e.

"Hindi ko vlinog! Kailan ka pa ba nagising?" tanong ko.

"LUH BA'T HINDI MO VLINOG? SAYANG 'YON! LUH MAY TANGA DITO," aniya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Kailan ka pa ba nagising? Pupuntahan dapat kita bukas nang umaga, e. Buti naman nagising ka na? Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko.

Ngumiti siya at inakbayan ako. "Kahapon pa ako gising. Pinag-alala ba kita, baby ko? Sorry na, kiss ko na 'yan." Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi kaya mabilis ko siyang hinampas.

"Kadiri ka talaga! Ano, okay ka na ba talaga?"

"Okay na ako. Ayokong nag-aalala ka, e. Tara, uwi na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at maglalakad na sana ako pero nagsalita si Tyler na nakalimutan kong nasa gilid ko pa pala.

"Sasabay si Selene sa akin," aniya.

Hinarap siya ni Chance at ngumiti. "Sasabay pa ba siya? Nandito na ako, e."

Tinignan ko si Tyler at Haven. "Uhm... sorry. Kay Chance na a–" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay sumakay na si Tyler sa raptor niya.

"Okay lang, Selene. Mag-ingat kayo ha? I'm happy to know that you're okay, Chance," ani Haven kaya ngumiti ako.

"Ingat na lang kayo ha?" Ngumiti ako sa kanya kaya tumango siya at sumakay na sa raptor ni Tyler.

"Pinayagan ka mag drive? Kakagaling mo lang sa aksidente ah?" tanong ko habang nag mamameho na siya.

"Pinilit ko sila Mama. Ngayon lang naman, sabi ko susunduin kita," sagot niya.

Tumango-tango ako. Masaya akong gising na siya. Malakas talaga ang pakiramdam kong magigising siya. Kung hindi siya magigising, idodouble dead ko siya.

"Oo nga pala, anong sasabihin mo sa akin? 'Yung last text mo kasi may sasabihin ka sa'kin," sambit ko.

"Ah... wala 'yon. Ayoko nang sabihin." Parang nag tetremble siya sa pagmamaneho. Pinagpapawisan din siya.

"Luh, pre, parang 'di mo 'ko kilala! Alam mong ayoko sa lahat 'yung nacucurious ako. Ano nga 'yon?" pagpupumilit ko.

He looked at me for a seconds. May ngiti sa mga labi niya pero hindi ko masabi kung hanggang mata ba ang ngiting iyon.

"I just wanted to say that I love you. Mahal kita kasi kapatid kita, e."

Iyon ba 'yon? Bakit parang hindi naman? Why do I have this feeling that he's lying to me?

"Kaya kapag may nanligaw sa'yo, sabihin mo sa akin ah? Baka saktan ka lang niya, sasaktan ko rin 'yan. Dapat 'yung deserving. Dapat papaiyakan ka sa saya hindi sa sakit. Sabihin mo sa'kin kapag may nanliligaw na ah?" aniya at hindi na ako tinignan.

Saglit ko siyang pinagmasdan. "Iyan ba ang sasabihin mo?" tanong ko.

"Yup! Syempre, kailangan kong protektahan ang puso ng bestfriend ko," aniya.

"Kapag walang nanligaw sa'kin?"

"Edi liligawan kita!" agad na sagot niya.

Napakunot ang noo ko. "Charot gagi. Meron 'yan, ganda ganda mo, e. Basta! Kapag may nanligaw sa'yo dapat kilalanin ko muna. Ayokong babagsak ka sa taong sasaktan ka lang." Iniliko niya ang kotse sa kanan.

Hindi na ako nakapagsalita. Iyon ba talaga ang gusto niyang sabihin? Bakit pakiramdam ko hindi? Kung 'yun lang ang sasabihin niya, matagal na niya dapat sinabi 'yan.

Napabuntong-hininga ako at napailing.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 162K 81
SEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasang...
12.2K 435 22
Darkness, something I can't remove from my soul. Leading me to different paths and places in life. Until one day, my path crossed with someone unexpe...
40.7K 472 31
Self-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the w...
4.3M 39.7K 93
(UNDER EDITING) May Ann Vallejos, she's the eldest daughter. She is a famous pianist in the country but because of her parents' strictness she focuse...