LOVE WARNING // (UniCoco Seri...

By kixxytuff

155K 6.9K 1.6K

[TagLish] Coleen Trinidad also known as the Campus Crush or should i say Campus Heart-breaker. Many people li... More

•STAN MNL48
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 9 : II
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33 : II
(AUTHOR'S NOTE)
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63

CHAPTER 55

2.3K 130 48
By kixxytuff

GABB'S POV

Jaydee is now in a surgery, nagkabungguan raw sila ng truck while she was going sa HHU. Sabi naman ng mga nakakita na Jaydee tried to avoid naman daw but the truck was moving too fast kaya hindi na siya naka-iwas.

But the thing is...nakatakas yung driver ng truck. That fucking asshole.

Pina-uwi ko muna si Coleen sa mansion kasama si Ate Sela at Abby, babalik rin sila mamaya dahil sasamahan nila akong magbantay dito. Anong oras na rin pala, hindi pa ako kumakain ng tanghalian at hapunan.

Si Ate Ecka naman ay kasama si Ate Belle, hindi ko alam kung sa'n sila pumunta. Galing kasi sila sa police station kanina para sa interview dahil isa siya sa mga naka-witness.

Kaya may dugo ang kamay ni Ate Ecka kaninang umaga ay saktong nangyari ang aksidente habang papunta siya sa HHU, isa siya sa mga tumulong para mailabas si Jaydee sa loob ng sasakyan.

"Gabb oh" Ate Alice is trying to give me a burger "Hindi ka pa kumakain" she added pero hindi ko pa rin ito kinuha

"I won't eat until Jaydee wakes up"

"Gabb naman, kahit kaunti lang. Huwag mo munang pairalin 'yang katigasan ng ulo mo" she said seriously and sat down next to me

"Ate Alice, Gabb" Coleen has returned with Ate Abby and Sela na may dala-dalang bag and I think they have also bought some food.

"Buti naman nakabalik na kayo, ano 'yang mga dala niyo?" Ate Alice asked

"Food tapos mga extrang damit" sagot ni Ate Sela "How's Jaydee?" She added

"Wala pang sinasabi. Kanina pa kami naghihintay dito sa doctor, wala paring update" sagot ni Ate Alice

"Gabb, have you eaten na? Nagdala ako ng pagkain" tumabi naman sa'kin si Coleen at ipinatong niya sa kan'yang hita ang nakaplastic na tupperware.

"Hindi pa 'yan kumakain, ayaw makinig sa'kin ang tigas ng ulo" singit ni Ate Alice

"Gabb, kumain ka na. Didn't I tell you not to skip meals?" She said habang inaayos ang buhok ko "Ako nagluto niyan para sa'yo tapos 'di mo kakainin?" Dugtong niya kaya tinignan ko naman ito.

I removed the food that was on her thigh at ibinaba ito sa sahig. After that, I immediately hugged her and put my head on her shoulder.

"I just need your hug" i whispered

"Pero eat that later, okay? Ayaw kitang nagugutom" she said

"Yes, I will"

This lady is my only strength and weakness. Just a hug from her makes me feel stronger.

She gives me the warmest hug I have ever wanted to experience.


Jaydee, please be strong.



"Gabb" lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses na iyon.

It's Ate Abby.

"Papasok ka bukas?" She asked habang papalapit saakin kaya tumango ako

"Sina Mommy raw muna ang magbabantay kay Jaydee, i have to attend sa basketball training namin" sagot ko

"Buti naman, nasaan si Coleen?"

"Nag-cr kasama si Ate Ecka"

Nandito kami ngayon sa mansion. Lahat kami nina Ate Alice kasi yun ang sabi ni Daddy. Sila Daddy at Mommy na ang naiwan sa hospital dahil wala naman raw silang trabaho bukas at kailangan naming pumasok.

Tulog na rin siguro ang iba.

"I have something to tell you" wika nito atsaka tumabi sa'kin.

Inilabas naman niya ang kan'yang cellphone at pumunta sa recent calls.

8 missed calls from Jaydee.

"I think she has something important to say, hindi ko 'to nasagot dahil naiwan ang phone ko sa loob ng bag ko habang nagvvolleyball" she explained "Also, based on the cctv na nakuha it looks like the truck driver intended na bungguin si Jaydee" she added

"How could you say that?"

"Panoorin mo ang cctv footage, dun mo makikita ang lahat" she said

I don't have the courage to watch how Jaydee had an accident, hindi ko kaya.















COLEEN'S POV

Gumising ako ng maaga para maagang pumunta sa hospital at kumustahin ang kalagayan ni Jaydee kaso hindi parin siya nagigising.

Succesful naman ang operasyon niya pero walang may alam kung kailan siya magkakaroon ng malay.

Papunta na kami ng campus ngayon kahit sobrang aga pa.

"Gabb, nagdala ka ba ng extra t-shirt mo?" Tanong ko, kanina pa kasi siya tahimik habang nagmamaneho.

"Shit, oo nga pala. Nawala sa isip ko."

"Haist, may mga damit pa ako sa dorm. Kunin muna natin bago tayo pumasok, maaga pa naman" wika ko

Tumango naman ito at itinuon nalang ang pansin sa pagmamaneho.

-

"Alin ba kasya sa'yo dito? Ito nalang kaya?" Ang dami ko pa palang damit dito akala ko wala na, hindi na kasi ako nagi-stay dito.

"Oversized, that one" she answered at itinuro yung white na t-shirt na nakabitin.

Nang makakuha na kami ng dalawang damit ay kaagad na rin naman kaming umalis para makapasok na.

Tahimik kaming naglalakad dito sa hallway at mapapansin mo ring maraming estudyanteng wala sa classroom nila. Karamihan ay papunta sa Field.

"Sa'n ka didiretso?" I asked her

"Gym" sagot nito "Ikaw?"

"Sa room, ibababa ko muna mga gamit ko bago pumunta sa field"

"Okay, hatid na kita. Mamaya pa naman ang practice namin" she offered kaya sumang-ayon nalang ako

"Coleen, Gabb. Mabuti at nandito na kayo, kumusta si Jaydee?" Sinalubong kami ni Ate Brei at Cole nang makarating kami sa tapat ng classroom

"Hindi pa rin nagigising, sina Tito Dan ang nagbabantay ngayon. Mamayang gabi naman kami ni Gabb" sagot ko dahil wala atang balak sumagot 'tong kasama ko

"Sige sige, sasama na rin ako sainyo mamaya bago umuwi" wika ni Ate Brei

"Ako rin" sagot naman ni Cole kaya napangiti ako

Pumasok naman na ako sa loob upang ibaba ang bag ko habang naghihintay sila sa labas. Napansin kong may band-aid sa ilong ni Gio kaya bigla akong nabothered, i don't know why.

Nang makita niyang nakatingin ako sakan'ya ay nagulat ako dahil ngumiti siya. Hindi naman sa judgemental pero mukha talaga siyang manyakol.

"Hoy magbababa lang ng gamit ang tagal mo pa, tara na" hinila naman ako ni Ate Brei kaya wala na akong nagawa.

I swear, may kakaiba akong naramdaman nung ngumiti saakin si Gio. I mean, nakikita ko naman siya minsan na ngumingiti sa'kin pero iba ang ngiti niya ngayon.

Nang makarating na kami sa field ay nakita ko na may ibinulong si Gabb kay Ate Brei kaya nagsalubong ang kilay ko.

"I'll go ahead, see you later" wika ni Gabb bago umalis

"Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ko kay Ate Brei

"Bantayan raw kita"

"Yun lang?"

"Oo, bakit ba?" She asked

"Okay, nevermind"



"Okay guys, settle down" wika ni Ate Sela kaya nagpunta kaming lahat sa harapan niya

She's talking about our costume, sana maganda ulit ang pagkakadesign.

"And also, malapit ng mabuo ang choreo at steps kaya please lang, walang aabsent tuwing may practice okay?" She said kaya tumango kami

Pagkatapos naming magusap-usap ay tuluyan na rin kaming umalis, babalik nalang kami after lunch.

"Coleen, what time ka pupunta sa hospital mamaya?" Kalabit sa'kin ni Ate Sela

"After siguro ng practice Ate, bakit?"

"Pwede bang makisabay nalang rin ako? Wala kasi si Abby mamaya, aasikasuhin yung cctv footage" wika nito

"Sige Ate, sabay-sabay nalang tayo nina Ate Brei" i said

"Saan ka maglalunch Marsela?" Singit ni Ate Brei

"Ewan ko, hindi pa nagrereply si Abelaine sa chat ko. Sasama nalang rin siguro ako sainyo" sagot nito

"Tara taraaa!" Pagtatalon ni Ate Brei

"Sa cafeteria nalang tayo maglunch mga Ate, nakakatamad lumabas ng campus" i said

"Sige, ang init rin kasi" sang-ayon ni Ate Sela




"Sana magising na si Jaydee bago ang sportsfest, gusto pa man din niyang manood" I sighed

"Agree ako diyan, kumusta na kaya yung truck driver? Nasa impyerno na kaya 'yun?" Wika naman ni Ate Brei kaya nanlaki mata ko "Oh bakit? Totoo naman ah, nanggigigil ako don" dugtong niya

"Oo nga mars, dapat talaga mahanap na yung driver para mahampas na natin isa-isa" singit ni Ate Sela

"Oh Coleen, 'di ba anak ka ni Satanas? Baka naman pwedeng gawan mo ng paraan" sambit ni Ate Brei kaya inirapan ko ito

"Ang sama mo talaga sa'kin Ate Brei, nagbabago na nga ang tao e" nakakunot noo kong sagot

"Bully ka talaga Brei" wika naman ni Ate Sela

Nakita naming paparating na si Gabb kaya tumayo na ako at inilabas ang damit na kinuha namin sa dorm.

"Tara, palit ka muna ng damit bago kumain. Baka matuyuan ka ng pawis" wika ko

"Coleen niyo pwede ng mag-asawa!" Sigaw ni Ate Brei saamin nang papaalis na kami ni Gabb

That freaking dwarf.

"Kumusta training?" I asked Gabb habang papunta kami sa Cr

"Medyo mahirap, buti nalang kasama na kita. Nawala na tuloy pagod ko" she said and smiled at me

"Cute mo talaga bumanat" wika ko tsaka hinampas ang kan'yang braso "Payakap naman" dugtong ko

"Mamaya na, kita mong pawisan ako oh"

"I don't care naman if you're full of sweat, may tatanggi pa bang babae kay Gabrielle Skribikin kahit pawisan?" I said pagkatapos ay pinisil ang pisngi niya

"Corny mo talaga"

"Sira! Oh, magbihis ka na nga!" Nang makarating na kami sa loob ng cr ay kaagad ko siyang itinulak sa isang cubicle

Bango parin talaga niya.

Napansin ko naman ang isang babaeng sobrang ganda at mukhang anghel ang kan'yang mukha pero ako lang pala 'yon, nakaharap kasi ako sa salamin.

HAHAHAHA

Inayos ko naman ang buhok ko at naglagay ng kaunting pulbo sa aking mukha, ang hot ko kasi par, pinagpapawisan tuloy ako.

"I'm done, let's go" lumabas na siya ng cubicle suot-suot ang puting damit ko

I smiled.

"Ampogi!" I exclaimed

"Coleen, paabot naman ng water" wika ni Ate Sela kaya iniabot ko na ito "Thankyou" she added

"Ate Brei, ayaw mo bang magstay rin muna sa Mansion kasama sina Ate Sela?" Biglang tanong ni Gabb

"Ay weh? Dun kayo natulog?" Tanong naman niya

"Oo kagabi, pati sina Ecka at Alice" Ate Sela answered

"Edi buti pinayagan kayo ng mga magulang niyo?" Sambit ni Ate Brei habang subo-subo ang kutsara

"Alam naman nila na nadisgrasya si Jaydee kaya siguro they agreed" wika ni Ate Sela "Wala rin kasing tao sa mansion nina Gabb" she added

"Sige, paalam mo 'ko kay Mama" wika naman ni Ate Brei pagkatapos ay tinignan niya ako

"Fine" sagot ko na lamang dahil pipilitin at pipilitin niya rin lang naman ako mamaya hanggang sa pumayag ako

Nang matapos na kaming kumain ay nagstay pa kami saglit dito sa cafeteria bago umalis. Si Gabb ay pumunta na sa gym habang kaming tatlo nina Ate Brei at Sela at naglalakad papuntang field.

"Hi" we were surprised when Kaycee greeted us nang magkasalubong kami

"Hello" Ate Sela greeted her back

" I heard one of your friends had an accident, I hope she recovers quickly" she said then smiled

"Thanks for the concern, President" wika ni Ate Sela

"Oh by the way, did you see Gabb?" when she said that, I immediately frowned.

"Why?" Mabilis na tanong ko

Naramdaman ko namang kinurot ako ng kaunti ni Ate Sela sa tagiliran ko kaya pasimple akong umirap.

"I need to tell her something important lang" sagot ni Kaycee

"She was with us earlier, nasa gym na siya ngayon." Sagot ni Ate Sela

"Oh I see, thankyou!" Sagot naman ni Kaycee tsaka tumakbo sa hallway na papuntang gym

Tch.

"Ate, ba't mo sinabi?" Nakasimangot kong reklamo

"Why not? Alangan namang magsinungaling ako? Hay nako Coleen" she said

"Tss, for sure lalandi nanaman 'yun kay Gabb" i murmured

Nang makarating kami sa field ay kaagad naman kaming nagsimula sa pageensayo para mabilis na kaming matapos at makauwi. Magbabantay pa kami sa hospital ng ilang oras.

Medyo naiinis na rin kami sa mga baseball player dito, lagi nalang napupunta ang bola sa pwesto namin. Napapatigil tuloy kami sa pagppractice dahil baka may makaapak nito, disgrasya pa ang aabutin namin.

"Sa stage nalang tayo sa gym magpractice bukas, mukhang mahihirapan tayo dito. Nagstart na kasi magpractice 'yang mga baseball players" wika ni Ate Sela so my eyes sparkled.

Mababantayan ko na si Gabb!(≧∇≦)

"Water break muna" sambit ni Ate Sela kaya nagsi-upo na kami sa mga bleachers

"Mukhang masaya ka dahil sa gym na kayo bukas ah?" Sabi ni Ate Brei

"Ofcourse" sagot ko tsaka uminom ng tubig "Ano palang nangyari sainyo kahapon?" Tanong ko

"Nino?"

"Ni Lara, 'di ba iniwan namin kayo ni Gabb? Tsaka ba't ka nagsinungaling na sa Rosehill ka nakatira e sa High Square naman talaga?" Curiosity hits me that hard.

"Siya" napakunot naman ang noo ko

"Ha?"

"Sa tingin ko siya yung kababata ko noon na sinasabi ko sa'yo kaso lang...ayaw ko pang sinabi sakan'ya."

"And what's your reason?" I asked

"I used to liked her when we were kids" she answered tsaka ko siya tinignan ng mata sa mata.

Omg.

"Baliko ka na pala simula bata" I teased her tsaka sinundot-sundot ang tagiliran niya

"Ewan ko sa'yo, basta hangga't nafefeel ko ang love na ibinibigay sa'kin ni Chase, walang rason para maghanap pa ako ng iba" she explained

"True" sumingit naman si Ate Sela

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Ate Brei

"Oo, sino nga pala yung Lara?"

"Marsela, chismosa ka rin talaga. Mana ka kay Eckaaa" reklamo ni Ate Brei

"Medyo lang naman e, si Ecka lagpas earth pa ang pagkachismosa non duh" pagmamayabang ni Ate Sela sabay hawi ng kan'yang buhok.

Nang makita namin na wala ng mga baseball player ay kaagad na naming itinuloy ang pagppractice kailangan naming matapos ng maaga.

"From the top mga sismars!" Sigaw ni Ate Sela kaya napasinghal ako

Pagod na'ko kaka-split T_T

"Nauuhaw na ako" wika ko ng mapansin naubos ko na pala kanina ang tubig ko

Buti nalang uwian na kundi matutuyo na bunganga ko neto.

"Ate Sela, tara na" pagyayaya ko dito

"Wait" she said, sasabay raw siya sa'min papuntang hospital.

Kasama na rin namin si Cole kasi pinapunta na namin siya rito sa field para sabay-sabay na kaming puntahan si Gabb.

"Si Tito at Tita lang ba ang nandun?" Tanong ni Cole

"Oo ata" sagot ni Ate Sela

"Gabb!" Nang makarating kami sa gym ay kaagad ko na tong tinawag para makaalis na rin kami

"Hi" she said

"Pogi Daddy Gabb" biro ni Ate Brei




We're on our way sa mansion dahil magpapalit muna kami at kukuha ng mga dapat kunin kagaya ng damit at syempre hindi mawawala ang foods.

"Nauna na ba sina Ate Alice sa bahay?" Tanong ni Gabb

"Yep, kasama sina Ecka" sagot naman ni Ate Sela habang nakaharap sa cellphone niya

"Ate, can you drive ba?" Si Gabb

"Drive what?" Tanong naman ni Ate Sela

"Kotse, yung isang ford sa mansion"

"Ah oo, Dad thought me. Bakit?"

"Yun nalang muna gamitin niyo papuntang hospital" sagot ni Gabb kaya napatingin ako sakan'ya

"Niyo? You mean hindi ka kasama?" I asked

"I'm going somewhere, susunod rin ako kaagad" She said

"Where are you going?" I asked again

"May susunduin lang. Don't worry, mabilis lang ako" sagot nito

Nakarating naman na kami dito sa Mansion kaya bumaba na sina Ate Sela, Brei at Cole habang ako parang nakadikit na ang pwet sa upuan ng kotse.

Gusto ko sumamaaa!

"Hey, i'll be there later" she said and touched my nose

"Sama akooo" sambit ko

"You can't, walang kasama sina Ate"

"Hmm, marami naman na silang magbabantay ee" pagpupumilit ko "Please Gabb" i added habang nakabitin sa braso niya.

"Coleen, stop naa"

"I wanna comee, pleaseee" i said then pouted

Posibleng hindi 'to tatalab.

"Okay, fine" she said kaya lumawak ang ngiti ko "Ate Sela, kayo na muna bahala don!" She exclaimed kaya nagthumbs-up naman sila.

Inayos ko naman na ang pagkakaupo ko at tinignan si Gabb ng nakangiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" She asked while starting the car

"Wala lang" sagot ko

Hay nako Gabb, 'di mo 'ko matitiis, sinasabi ko sa'yo.

"So can you tell me na kung saan tayo pupunta?" Paulit-ulit na tanong ko kaso paulit-ulit rin niya sagot ay

"Basta"

Arrrghhh, mag-iisang oras na kaming bumabyahe wala pa rin akong clue kung saan pupunta 'tong mokong na 'to. Buti nalang sumama ako, edi hindi ko sana nabantayan 'to.

But familiar 'tong way na dinadaanan namin.

"Airport? Papuntang airport 'to ah?" I said

"Get ready to meet someone" bigla naman akong naexcite sa sinabi niya kaya nag-ayos na ako ng sarili

Hindi naman ako inform na may susunduin pala kami sa Airport, kung kanina pa niya sinabi edi nakapaghanda pa sana ako para maayos akong tignan.

"Sino Gabb? Sino?" Nakangiting tanong ko

"Just wait nalang, nandito na tayo" she answered tsaka ipinarking ang sasakyan

Lumabas na kami ng kotse at kaagad naglakad papasok.

"I think she's already here" she said kaya luminga-linga ako

"Sino ba kasi 'yan?" Nakasimangot kong tanong

"Oh, there she is" napatingin naman ako sa gawi kung saan nakatingin ang mga mata ni Gabb

May nakikita akong isang babaeng papalapit saamin habang nakangiti. God, she's so pretty. Literally asf and i think i've seen her somewhere na.

"That girl?" Tanong ko kay Gabb

"Yes" sagot nito

She's very familiar talagaaa! Come on brain, refresh.

Hindi kaya siya yung..

"Jaydee's girlfriend" wika ni Gabb

Girlfriend ni Mareng Jaydee!

"Hi" she greeted and offered her hand to us

"Hi, nice to finally meet you again" wika ni Gabb "This is Coleen, my girlfriend" she added

We shake hands.

"Hi I'm Coleen Trinidad, and you're?"

"Frances" she said while smiling "Francese Therese Pinlac"




"Uhm Frances, can you speak tagalog ba?" Tanong ko habang nagmamaneho na si Gabb

Nasa backseat si Frances, btw. She looks so expensive tf. Hindi ako mahilig pumuri ng kapwa ko babae pero this time Frances is an exception.

"A little bit, but i can understand it naman" she answered

Conyo rin 'to par, halata sa accent.

"Have you eaten dinner?" Gabb asked

"Not yet" she answered

"It's already 8:00, let's eat muna before going to the hospital" wika ni Gabb

May nadadaanan naman na kaming mga restaurant dito kaya hindi na kami nahirapan sa pagpili.

"How's your flight, by the way?" Tanong ko kay Frances para hindi naman kami matuyuan ng laway

Sobrang tahimik e.

"I'm a little tired pero I want to see Jaydee kaya I have to endure" she answered "How is she?" she added

"She is okay, we're just waiting for her to wake up. I think she's in a coma." Sagot naman ni Gabb "How long will you stay here in the Philippines ba?" She added

Paubos na rin namin ang pagkain kaya mabilis na kaming makakauwi.

"Esperaré a que Jaydee se despierte" Sagot ni Frances

Haha ano raw? Op ako dito sa dalawang marunong mag Spanish.

"Gabb, ano raw sabi?" Bulong ko dito sa katabi ko

"Hihintayin niya raw magising si Jaydee" sagot naman ni Gabb kaya bigla akong naganahan

"Really? I hope we have time together to walk around sa malls para we can be even closer" i said to Frances habang napakalawak ang ngiti ko

"Ano ka ba, she came here for Jaydee hindi para pumunta kung saan-saan" nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Gabb.

Tch.

"No, it's okay. I also have a plan to buy some clothes. I don't think I bought enough." Sagot naman ni Frances kaya pinandilatan ko si Gabb

"I'll accompany you" nakangiting wika ko





"Gabb, inaantok na 'ko" wika ko habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa bintana ng sasakyan "Wala na akong lakas maglakad" reklamo ko

"Coleen, nandito na nga tayo sa hospital oh? Dun mo nalang itulog sa loob. Maraming upuan doon." Wika nito kaya ko siya tinignan

"Papatulugin mo 'ko sa upuan? Hunghang ka ba?" Inis na sagot ko "Dito nalang ako sa kotse, tinatamad na akong maglakad" dugtong ko

"Ano ka ba nakakahiya kay Frances oh? Naghihintay siya sa labas" wika ni Gabb

"Edi mauna na kayo dun, sunod nalang ako. Iidlip lang ako saglit"

"Anong gusto mo, iwan kita dito? Come on, I'll carry you on my back" she said

"Talaga?"

"Oo nga, bilis" She answered kaya nginitian ko siya

"Oteyy!!" Sigaw ko


"You are so perfect for each other." Rinig kong sabi ni Frances habang karga-karga ako ni Gabb sa kan'yang likuran.

"Really? how's your relationship with my cousin? I think araw-araw nag-aaway kayo" wika naman ni Gabb.

"Hmm, yea. She is so stubborn"

"Like Gabb" singit ko sa usapan nila

Totoo naman e, parehas silang matitigas ang ulo.

"But she is thoughtful and sweet naman so I loved her even more because of that" Frances said

"Same" singit ko ulit

"I'm not the showy person when it comes to her. I'm also not as clingy as everyone else. Kaya I wonder why she doesn't get tired of me with all of that" patuloy niyang pagsasalita

"It's because she loves you without any reason" sagot ni Gabb "You'll see the loyalty of someone when it comes to that" she added kaya napangiti naman si Frances sa kan'yang sinabi.

"E ikaw loyal ka ba sa'kin?" Bulong ko sa tenga ni Gabb

"What do you think?" She asked

"Hindi"

"Ha? Bakit hindi?"

"Andami-dami mo kayang babae" sagot ko

"Wala kaya. Sige, sino?" paghahamon niya kaya sinubukan ko namang mag-isip.

Si Ate Ella? Pero magkaibigan lang naman sila e. How about si Kaycee? Haist si Kaycee lang naman yung lapit ng lapit kay Gabb. Si Amy kaya? Wala palang alam yun sa buhay.

"Oh 'di ba wala kang masabi? It's because you're the only one, Mah lady. Maraming babae diyan pero ikaw lang nandito" she said then pointed her heart gamit ang isang niyang kamay.

Corny talaga neto.

"Sira! Mamaya mabitawan mo 'ko dito!" Reklamo ko

"Sasaluhin naman kita kaagad" she said

"Ang harot mo talaga" i said then patted her shoulders

Bwisit, nawala tuloy antok ko sa kilig. Si Frances naman nakikitawa lang, i'm embarrassed.

"May nagpapababy nanaman" bungad sa'kin ni Ate Brei nang makarating kami sa room ni Jaydee sabay ibinaba na rin ako ni Gabb.

"Siya naman nagsabi ee" nakasimangot ko tanong

"Bakit ba ang tagal niyo? Sa'n kayo ga—"

"Hi" napatigil sa pagsasalita si Ate Alice nang makapasok na si Frances.

"Ohh, who is this pretty lady?" Tanong ni Ate Sela

"Mamaya na, iwan muna natin siya dito with Jaydee." Wika ni Gabb

"Tara mga Ate, labas muna us" i said at dali-daling itinulak ang lahat ng nasa loob palabas.

Iniwan na namin si Frances sa loob para naman makapagmoments sila ni Jaydee kahit walang malay yung isa.

"So, sino nga siya?" Tanong ulit ni Ate Sela "Siya ba yung girlfriend ni Jaydee?" dugtong nito kaya tumango naman si Gabb

"Oh? talaga? Edi galing kayo sa airport?" Tanong ni Ate Ecka

"Yesss" nakangiting sagot ko

"Napakadaya niyo talaga, 'di kayo nagsasama" reklamo ni Ate Brei

"Ewan ko ba dito kay Gabb, pinilit ko nga lang siya na isama ako e" wika ko tsaka sumimangot

"Pati ba naman 'yan pag-aawayan niyo?" Singit ni Ate Abby "Anyways, alam na ba nina Tito at Tita?" Tanong ni Ate kay Gabb

"Hindi pa, biglaan rin kasi. Pero i'm sure, they will be happy naman makita nila si Frances" she answered

"So Frances ang name niya? Ang ganda naman, like her" wika ni Ate Sela habang nakatingin pa sa kisame na nagiimagine ng kung ako

"Hanggang kailan siya magsstay dito?" Tanong ni Ate Alice

"Sabi niya kanina, hanggang sa magising raw si Jaydee" sagot ko

"Ha? Kaso mukhang matagal pa" sagot ni Ate Abby "So sa Mansion muna siya?" She added

"Yes, dun muna siya magi-stay. If she want, dun siya sa room ni Jaydee." Wika ni Gabb


"What do you feel right now?" Tanong ko kay Frances habang nakasakay kami sa kotse ni Gabb.

Pauwi na kami sa mansion kasama si Ate Brei at Cole habang nasa kabilang sasakyan naman sina Ate Abby. Anong oras na rin kasi, may pasok pa kami bukas.

"I feel so relieved to see her naman. It's just sad kasi I want to talk to her pero I can't do anything because of her situation." Nakayuko niyang sagot

"Everything will be fine, matapang si Jaydee so she can get through that" wika ni Gabb habang nagmamaneho

"Oo nga, malakas 'yun" singit naman ni Ate Brei

"Anyways, you can stay in Jaydee's room if you want." Sambit ni Gabb

"Yes, sure"

Nang makarating na kami sa Mansion ay kaagad na rin naman kaming nagsi-akyat papunta sa kaniya-kaniyang kwarto. Tinulungan na rin namin si Frances sa pagbubuhat ng maleta niya para maihatid sa kwarto ni Jaydee.

Si Ate Brei naman kasama sina Cole, Ate Ecka at iba pa. Bahala na sila sa sarili nila. Feel at home naman sila e.

"Matagal ka pa ba diyan?" Rinig kong tanong ni Gabb

Kakatapos ko lang kasi mag-shower, kanina pa siya naghihintay para daw sabay kaming matulog.

"Done" i said tsaka lumabas

Naabutan ko naman siyang nakasimangot habang nakacrossed-arms.

"Oh ba't ganiyan mukha mo?" I asked her bago tumabi sakan'ya

"Ang tagal mo kasi, nawala tuloy antok ko" reklamo nito

"Sabi ko kasi sa'yo mauna ka ng matulog, dami mo pang sinasabi" sabat ko naman

"I want to make sure that before I go to sleep you're here beside me" she said then smile sabay hila sa'kin pahiga sa kama

Isiniksik naman niya ang kan'yang ulo sa aking leeg sabay yakap ng mahigpit. Now I can feel her breath in my chest.

Naka-sando lang kasi akoo >_<

"Hindi ba sabi mo, hindi ka na inaantok? do you want me to sing?" I asked her habang hinahaplos ang kan'yang buhok

"I would love to" sagot nito

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pagkanta.

(Pakinggan niyo yung kanta sa ibaba. That's Coleen's voice.)

"Tulog na, mahal ko~~~"

Sinilip ko ang kan'yang mukha kasabay ng pagngiti ng mga labi ko.

"Hayaan na muna natin ang mundong~~ito..."

She's like a baby.

"'Lika na, tulog na tayo~~~"

Mahal na mahal kita Gabrielle, always remember that.

Continue Reading

You'll Also Like

40.4M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...