CHAPTER 35

2K 109 8
                                    

COLEEN'S POV

"Hiii!" Bati ko sa magaling kong asawa

Char,girlfriend pala.

"Hello,want some?" She asked habang inaabot ang hawak niyang Pringles

Edi syempre hinablot ko na.

"Bilis naman ng kamay mo.May kainan nga pala malapit diyan,let's go." she said

"Masmabilis kamay ko kapag ikaw na nakahanda" malandi kong sabi sabay kindat

"Ew,tara na ngaa" wika niya sabay ako hinila

'Di man lang bumanat pabalik.Hahampasin ko na 'to.

"Is that Brei?" Tanong ni Gabb kaya napatingin ako sa tinitignan niya

Si Ate Brei nga,kasama si Chase.

Mukhang papunta rin sila sa pupuntahan namin.

"Shhh,huwag ka munang maingay.Let's follow them nalang muna" i said kaya tumango naman si Bebeq

"Do you think they're in a relationship na?" She asked

"Hindi ko alam" sagot ko

Humanda ka Ate Brei,di ka pa nagsasabi.Patay ka sakin ngayon.

"Hello Ma'am,Welcome po sa Aling Mar's Eatery" bati sakanila nung parang nag-seserve

They still don't know that we have followed them.

"Hello Ma'am,Welcome po sa Ali—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil maraming tao dito baka mawala pa sila sa paningin namin

"Thankyou" mabilis kong sabi

"Thanks" sagot rin naman ni Gabb nang marinig kong parang may ibinulong yung babaeng nagwe-welcome kaya nagtaka ako

"Anong thanks?" Tanong ko nang makapasok na kami

"She said that i'm pogi raw e" wika niya tsaka ngumiti kaya kinurot ko siya sa tagiliran

Tsk.

Pumwesto kami sa isang table na malapit kina Ate Brei kaya nakikita naming nagtatawanan sila habang kumakain

Sayang-saya Ate Brei ah?

We ordered Kare-kare and uhm what is this?

"Gabb,ano 'to? Is this Grilled Squared-Pork with chilies and calamansi?" I asked then tinawanan niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin

Anong nakakatawa don?

"Uhm excuse me? Ano po tawag dito?" Tanong ko dun sa napadaan na waiter

"Ah dinakdakan po yan Ma'am,masarap po yan try niyo po" sagot niya

"Ah t-thankyou" i said so he left na

"Seriously? Di mo alam yan?" Tanong ng nasa harapan kong tumatawa

"Di ko nga alam e bat ba" i said then rolled my eyes

"Grilled Squared-Pork with Chilies and Calamansi ampota HAHAHA" pagtatawa niya

"Eh kung sungalngalin kita diyan! Tumigil ka nga,mabulunan ka sana"

"Grilled Squared-Pork with Chilies and Calamansi? HAHAHA you're so richkid talaga" wika niya habang patuloy pa rin tumatawa

"Wow makapag-salita ang hindi conyo!"

"Hindi naman talaga ee"

Hindi raw,pigilan niyo ako sasabunutan ko talaga 'to ng wala sa oras.

Nang matapos niya akong pagtawanan ay tinapos na niya ang pagkain niya and she had already taken her phone out of his hoodie pocket.

"Himala,dala mo phone mo" i said tsaka nagpunas ng lips bc it's so silky.

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon