CHAPTER 61

1.9K 106 42
                                    

GABB'S POV

(5:30 a.m)

"Hi cuz', it looks like you can't watched my basketball game. Gosh, I'm actually sad right now kasi you're one of the people who's excited for me to play tapos heto, nandito ka ngayon walang malay" Wika ko habang nakatingin sakaniya "So please Jaydee, just wake up already. Frances is waiting for you na oh. We missed your freaking laugh" I fixed her pillow and sighed.

"Gabb baby, it's time to go" hinawakan naman ako ni Coleen sa aking likuran "You don't wanna be late naman 'di ba?" She asked kaya tumayo na ako

"Are you sure you'll be okay here?" Tanong ko kay Frances habang naka-upo sa couch "Nasabi saakin ni Coleen na gusto mo raw manuod" dugtong ko

"Oo sana, kaso walang magbabantay kay Jaydee kaya I'm going to stay here nalang" ngumiti naman ito "Pero Gabb—"

"Yes?"

"I'll watch on Friday, you know what I mean—goodluck!"



"Hey, are you okay?" Coleen touched my shoulder as I drove to the campus. "Bakit mukhang matamlay ka? Hindi ka naman gan'yan kanina ah"

"It's just uh—I'm worried. Paano kapag hindi kami naka-abot sa finals? Did I let you guys down?"

"What? Ofcourse not atsaka alam naman namin na gagawin niyo ang best niyo. Don't be so nega baby, I know you can do it" Kahit papa'no, nawala ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

"Well, thankyou for making me feel better"

"No problem" She said as she holds my hand "Laban lang ha?" I smiled



"Okay girls! Lapit dito!" Sir Bart shouted kaya pumunta naman kami agad sa harapan ng gym "Pagkarating natin sa USH ay walang hihiwalay, okay? Walang pupunta kung saan-saan, ayaw niyo naman sigurong masabihan ng pakalat-kalat hindi ba? Stay near to the team, nakuha ba?"

"Yes Coach!"

"Siguraduhin niyong dala niyo lahat ng inyong mga gamit, sumunod na kayo saakin sa parking lot. School Bus ngayon ang sasakyan natin, sa may mga kotse diyan dapat sumama na kayo. This time ay iwan niyo ang inyong mga sasakyan dito sa campus"

Naglakad naman na kami agad papunta sa parking lot dala-dala ang mga gamit namin. Naabutan kong pasakay na sina Coleen sa Bus 3 kasama si Ate Sela kaya okay na siguro siya doon.

"Oh ano pang ginagawa mo diyan Gabb? Sakay na" tinapik naman ako ni Lara kaya tumango nalang ako.

Dang, I hate bus...for real. Pumwesto ako sa ikalawang upuan at tumabi naman agad siya sa'kin. School property ito kaya Airconditioned kaso hindi ko talaga trip ang pagsakay sa bus.

"Inaantok pa ako" sabi ng katabi ko habang inaayos ang headset niya "Sana may libreng kape do'n" dugtong nito sabay pikit ng mata.

Masyado naman kasing maaga ang call time namin, 6:00 kami pinapunta sa HHU eh 8:00 naman ang assembly sa USH. Gusto ata ni Sir Bart manalo ng First Delegation, haist.

Umidlip lang ako at mabilis ring nagising nang makarating na kami sa parking lot ng USH. Sa ngayon ay hindi pa kami pumapasok sa loob ng campus at naka-steady lang kami dito. Katabi lang namin yung bus na sinakyan nina Coleen kaya pasilip-silip ako ngayon.

"Pst si Brei oh" kaagad namang nagising si Lara at akala mo nakakita ng gold sa kaniyang itsura "Manonood ata, ang aga ah" dugtong ko

"Sir, pwede po ba akong lumabas?" Tanong niya kay Coach na nasa harapan lang namin "Sige na sir, ang boring kasi oh" nagpout naman ito kaya napatawa naman si Coach

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon