When The Sun Kisses The Moon

By HesaMendes

544 222 181

"Gusto ko pa ring magmagkaawa na tanggapin mo muli ako. Kasi ikaw parin ang mahal ko". Iyon ang pakiusap ni N... More

When The Sun Kisses The Moon
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15

Chapter 7

26 16 5
By HesaMendes

Six years ago

ISANG buwan at isang lingo na sa kanaway sina Celia at Neil. Nakatira sila sa bahay ni Kuya Austen. Kasama na rin nila si Lenny sa bahay dahil asawa na ito ng kapatid niya. Isang lingo pa lang na naikakasal ang mga ito.

Hindi inaasahan nina Celia at Neil ang mga nangyari. Pagkatapos na ikasal ni Neil, pilit silang itinaboy ni Kuya Austen sa bahay ni Lolo Greg. Ang kapatid na raw ang bahalang magpaintindi ng sitwasyon ka yLenny. Wala silang nagawa ni Neil. Sa Bagitan, si Kuya Austen ang batas.

Nagbilin na lang si Celia sa kaibigang si Glen at sa iba pang mga pinsan na ang mga ito na ang bahala kay Lenny. Pero sa likod ng isip, alam niya na kaya ni Lenny na pangalagaan ang sarili. Nagulat na lang sila ni Neil na pagbalik sa Bagitan pagkalipas ng ilang araw, may namuo nang pagtitinginan sa pagitan ng mga kapatid nila.

Nang bumalik si Lenny sa Maynila ay sumunod sila. Ang ibig niyang sabihin sa "sila" ay kasama pati si Kuya Austen.

Pagbalik uli sa Bagitan, kasama na nila si Lenny. At ngayon nga, mag-asawa na sina Kuya Austen at Ate Lenny.

Ipinaunawa na agad ni Kuya Austen na hindi na nila kailangang bumukod ni Neil dahil Malaki naman ang bahay nito. Kung nasisikipan man sila ni Neil sa kuwarto, puwede nilang ipa-renovate iyon.

Hindi na nakatanggi si Celia. May sarili siyang lupa sas Bagitan. May pera din siya dahil may trust fund mula sa daddy niya. Ouwede silang magpagawa ni Neil ng sariling bahay. Pero siyempre, kailangan pa nilang pag-usapan iyon. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa. Wala pa talaga silang plano dahil bago pa lang naman silang nagsasama.

Kung gusto ni Neil na bumalik sa Maynila, okay lang sa kaniya. Kahit saan sila tumira't pumunta ay ayos lang din, basta magkasama silang dalawa.

Pero kung sa Bagitan sila titira, mas Mabuti siguro para sa kanila. Mas matutuwa siya. Una sa lahat, maganda ang klima—sariwa ang hangin at kilala na niya ang mga tao roon.

It was a safe and comfortable choice.

Gaya na lang ngayon. Maaga siyang gumising at nakaupo sa duyan sa garden ng bahay ng kapatid. Tulog pa si Neil. Nang subukan niiyang gisingin ay umungol lang ito.

"Celia."

Napalingon si Celia sa pinanggalingan ng boses. Pagkakita sa kaibigan at kababatang si Juluis ay napangiti siya.

"Juluis!"

Tumayo siya para salubungin ang paglapit nito sa kaniya.

Niyakap siya nang mahigpit ni Juluis at inangat pa sa lupa. Napahagikgik siya. She had really missed him. Parang mahigit sa isang taon na yata mula nang huli niya itong nakita. Kapag umuuwi ng Baguio, si Juluis lang ang nagpupursigeng puntahan siya para kamustahin.

"Kamusta ka na?" tanong ni Juluis nang bitawan na siya. Pero nananatiling magkahawak ang mga kamay.

"Mabuti. Masya."

"Halata naman eh." Tumingin si Juluis sa singsing na nasa daliri niya. "Kung hindi ko pa nakasalubong sa bayan si Feya no'ng isang araw, hindi ko pa malalaman na nag-asawa ka na," may himih-panunumbat ang boses nito kahit nakangiti.

"Sorry," pinisil ni Celia ang kamay ng kaibigan. "Biglaan kasi."

"Okay lang. So... puwede ko bang makilala ang lalaking bumihag sa puso ni Celine Villareal?"

"Tulog pa siya. Pero dito ka na mag-breakfast para makilala mo siya," alok niya rito.

Ngumiti ito nang malawak. "Of course. Nami-miss ko na ang luto mo. Na-miss din talaga kita."

"Ako rin na-miss din kita," matapat na sagot niya.

Juluis was really a good friend. Isa ang lalaki sa iilang kaibigan niya na pinagkakatiwalaan ni Kuya Austen.

May sasabihan pa sana siya kay Juluis pero hindi na nagawa dahil s amalakas na pagtikhim. Nang tingnan kung sino ang tumikhim, awtomatiko ang reaksiyon ng puso niya. Tumalon iyon pagkakita sa mukha ng Neil.

Tuwing makikita ang mukha ng asawa, kahit pa nga ilang minute pa lang ang lumipas, parang napakatagal nilang hindi nagkita. She had missed him even when she knew he was just around.

Magulo ang buhok ni Neil na medyo lumago na dahil hindi pa ito nakakapagpagupit mula nang dumating sila ng Bagitan. White shirt at drawstring pants lang ang suot nito pero napakaguwapo pa rin nito sa kaniyang paningin.

Pero napansin ni Celia na sa mga kamay nil ani Juluis na makahawak pa rin pala nakatuon ang paningin ng asawa. Bigla siyang bumitaw. Kahit walang dapat ikatakot dahil wala naman silang ginagawang masama ni Juluis, ayaw pa rin niyang iba ang isipin ni Neil dahil hindi nito kilala ang kababata.

"Mabuti naman at gising ka na. Juluis," tiningnan niya ang kaibigan. "Si Neilson, ang asawa ko," proud na pagpapakilala niya.

"Hi, Neilson," bati ng kababata niya, saka lumapit at nakipagkamay.

Tinanggap naman ni Neil ang pakikipagkamay ni Juluis. Pero isang simpleng "hi" lang ang sabi nito.

Lumapit na si Celia sa dalawa at niyakap sa baywang ni Neil. "Matagal ko nang kaibigan si Juluis. He's like my best friend."

"Best friend na hindi mo inimbitahan sa kasal mo," pabirong sabi ni Juluis.

"Kaya nga ngso-sorry na ako, eh. Baka gantihan mo pa ako at hindi rin imbitahan sa kasal mo," pabiro ding sabi ni Celia.

"Now yoou're giving me an idea."

Nagkatawanan na lang sila ni Juluis. Si Neil ay nakangiti pero hindi Mabasa ni Celia kung ano ang nasa isip nito. Well, actually, talagang mula pa noon, nahihirapan na siyang basahin ang iniisip ng asawa.

Sa breakfast table, lima sila dahil hindi rin pumayag si Kuya Austen na basta na lang umalis si Juluis. Kahit si Lenny ay nagustuhan din ang kababata. Juluis was really good with people. Si Neil lang ang hindi masyadong nakikisali sa usapan.

Pagkatapos ng breakfast, nagpaalam na si Juluis dahil mat gagawin pa raw ito. Inihatid nila ang lalaki hanggang sa labas ng gate. Hindi sila umalis hanggang sa makalayo na ang sasakyan nito.

Nakangiting humarap si Celia kay Neil. "Natutuwa ako at nagkasundo kayo ni Juluis. He's been a good friend to me."

Hindi sumagot ang lalaki. Nilagpasan lang siya nito para bumalik na sa loob ng bahay.

"Huy, may problem aba tayo?" Humabol siya sa asawa.

"Wala," simpleng sagot nito.

"Wala. Pero bakit ang seryoso mo?"

Nang hindi sumagot ang asawa, humarang si Celia sa harap ng asawa at hinawakan ang mukha nito. Seryoso talaga ito. Pero pinilit niyang huluhin ang mga mata ni Neil.

"Neil?"

Tumingin ito sa mga mata niya. "Hindi ba kayo naging..."

"Naging? Hindi kita maintindihan."

"Kayo ni Juluis. Kung hindi ba naging kayo?"

"Hindi naging... ah, so ang gusto mo bang malaman, eh, kung naging boyfriend ko si Juluis?" Nang tumango ang asawa, napaisip siya. "Hindi ka naman siguro nagseselos?" Pero hindi ito sumagot. Nanlaki ang mga mata niya. "Nagseselos ka nga?"

"No. B-bakit naman ako magseselos?" Inalis nito ang mga kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Nagtatanong lang ako, selos agad?"

Napangiti siya nang tuluyan. "Nagseselos ka nga! Uy, nagseselos siya!"

"Hindi nga," nagpatuloy ito sa paglalakad at pilit na umiiwas sa kaniya.

"Hindi ko alam na seloso ka pala. Bago 'yon. Gah, marriage is so nice. Araw-araw, may bago akong nalalaman tungkol sa'yo."

Walang sagot si Neil. Bubuksan n asana ng asawa ang pinto pero pinigil niya ang kamay nito.

"Kaibigan ko lang si Juluis. Best friend nga, 'di ba? Teenager pa lang kami, magkakilala na kami. Marami na kaming—"

Hindi na natapos ni Celia ang sasabihin dahil bigla siyang isinandal ng asawa sa pinto. His hands on either side of her face while his body pinning hers on the door. Her eyes shut tight as her breathing became ragged. His scent and warmth and badoy. It was the safest place for her—her sanctuary. Sa mga bisig ni Neil ang lugar na kahit kalian ay hinding-hindi niya pagsasawaan.

"Open your eyes and look at me, Celine."

Dahan-dahan siyang dumilat. Kailan ba siya huling tinawag ng asawa sa buong pangalan? Hindi na niya matandaan.

"Puro kami ang sinasabi mo. I'm so frustrated right now. Nakilala ka niya bago ako. He knows things about you that I don't."

Ipinaikot ni Celia ang mga braso sa katawan nito at kinabig nang husto hanggang sa kahit hangin ay hindi na makakadaan sa pagitan nila.

"At marami ka ring alam tungkol sa akin na hindi-hindi niya malalaman kahit kalian." Idinikit niya ang nipped at his earlobe. "Hindi niya alam kung saan ang kiliti ko. And he doesn't know how I look when I'm naked. But you do..." she whispered.

Neil seized her lips like a man starved. She responded with the same intensity.

I love you... her heart whispered. Her heart heard his response.

"BAKIT parang kanina ka pa hindi nagsasalita?" tanong ni Celia kay Neil habang naglalakad sila papunta sa strawberry farm.

"May iniisip lang ako."

"'Ano'ng iniisip mo?"

Kahit na mag-asawa na at kahit halos isang taon nang magkasama, hindi pa rin kayang basahin ni Celia ang iniisip ng asawa. Ang totoo, napakahirap nitong basahin.

Tumigil si Neil sa paglalakad kaya tumigil din si Celia. Humarap ito sa kaniya. Seryoso ito. Isang buwan at dalawang lingo na sila sa Bagitan. Lately, napapansin niyang sobrang tahimik nito at parang may malalim na iniisip.

"Naisip ko lang kasi..." Tumigil ito at mukhang nag-aalangan.

"Ano'ng naisip mo?" pang-e-encourage niya rito.

"Naisip ko lang naman na paano kaya kung subukan natin na bumukod? Mahal ko ang mga kapatid natin at alam kong gano'n ka rin. We love them both. Pero mas maganda siguro kung matututo tayong dalawa na hindi umaasa sa kanila."

Tumango si Celia. Sang-ayon siya sa sinabi ng asawa. Hindi puwedeng habang-buhay silang nakasandal sa mga kapatid nila. Naniniwala siya na kaya nila.

May sarili siyang lupa sa Bagitan. Puwede nila iyon patayuan ng bahay anuman oras. "Puwede nating—"

"Bumalik tayo ng Maynila. Doon tayo magsimula ng pamilya natin. Hindi ko naman sinasabi na gindi natin pamilya sina Ate Lenny at Kuya Austen. They were always be our family. Pero naniniwala rin ako nan kaya natin nang tayong dalawa lang—ikaw at ako."

Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya inaasahan na magsa-suggest ng ganoon si Neil. "Ayaw mo na rito?" mahina niyang tanong.

"Of course not!" mabilis na sagot ng asawa. "Alam mo naman na mahal ko na rin ang Bagitan at gusto ko ang lugar na ito. Pero subukan din natin. Gaya nga ng sabi ko, sana subukan natin na huwag umasa sa mga kapatid natin. Naiintindihan mo naman ako, 'di ba?"

Tumango si Celia. Naiintindihan niya ito. Pero kinakabahan din siya at medyo nalulungkot. Pero habang nakatingin sa mga mat ani Neil ay tumatapang siya. Parang kaya niyang harapin ang kahit ano. Kaya nila basta magkasama sila.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Neil makalipas ang ilang sandal.

Ngumiti siya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ng mga kamay nila. "Payag ako."

"Really?" Nagliwanag nang husto ang mukha ng asawa.

"Oo nga. I get your point. Naniniwala ako na kaya natin— Ayyy!" Napasigaw si Celia nang bigla siyang buhatin nito at ikutin.

Natawa na lang siya dahil sa nakakahawang tawang asawa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...