Loving the Half Moon (Forment...

נכתב על ידי mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... עוד

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 7

5.4K 124 5
נכתב על ידי mughriyah

"Why did you do this, Ms. Daferi?"

Natulala ako kay Ms. Salvador. Unti-unting kumuyom ang mga kamao ko dahil sa nagigising na galit sa sistema ko. Pagdating na pagdating ko sa Dean's Office ay iyon agad ang una niyang tinanong sa akin.

Hindi man lang ba niya itatanong o ipa-iimbestiga kung ako ba talaga ang kumuha? I would never do such a thing.

"Why aren't you answering me?!" Hinampas niya ang table gamit ang dalawang kamay niya.

"Calm down, Ms. Sa—"

"Get out!" sigaw niya kay Ms. Leona ngunit sa akin pa rin ang tingin niya.

Lumabas si Ms. Leona kaya naiwan kaming dalawa ni Ms. Salvador sa opisina niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya pero hindi ko alam kung bakit nawala na ang takot ko. Galit na rin ang nararamdaman ko.

"Why did you steal that necklace?! Answer me, Ms. Daferi!"

I licked my lower lip and heaved a small sarcastic laugh. "I don't know," mariing sambit ko at mas lalong kumuyom ang kamao ko.

Ayoko nang magpaliwanag. Ayoko nang ipagtanggol ang sarili ko dahil una pa lang, wala nang naniwala sa akin. Unang tapak ko pa lang sa opisinang ito, iyong salita na 'yon agad ang narinig ko. What's the use of defending yourself if no one believes you?

Mabilis siyang lumapit sa akin at malakas akong sinampal. Nalaglag ang panga ko. Nanginginig at dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"W-who gave you permission to hurt me?" hindi makapaniwalang tanong ko habang sarkastikong natatawa. Did she just slap me?

"You're two weeks suspended, Ms. Daferi. You're nothing but a thief. I'll talk to your parents." Tinalikuran niya ako at doon na bumagsak ang luha ko.

"T-thief?" Sarkastiko akong tumawa nang malakas. "Ms. Salvador, wala kang karapatang saktan ako!" galit na sigaw ko at hinampas ang lamesa niya.

"At wala kang karapatang nakawin ang gamit ng paaralang ito pero ginawa mo!" malakas na sigaw niya sa akin.

Natahimik ako. Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang luha ko. Putangina, wala ba silang CCTV? Malaman-laman ko lang kung sino ang naglagay ng kwintas na 'yon sa bag ko.

"Now, get out," malamig na sambit niya kaya pinunasan ko ang mga luha ko at tinalikuran na siya.

Nang buksan ko ang pinto ay natigilan ako nang makita ang seryosong mukha ni Chance. Hawak niya ang bag naming dalawa. Muli kong pinunasan ang mga luha ko at lalagpasan na sana siya pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

Hindi na ako nagsalita at nagpatangay na lang sa kanya. Ni hindi na tumigil sa pagbagsak ang mga luha ko.

Pinagtitinginan kami—mali. Pinagtitinginan ako ng mga studyante dahil malamang ay kumalat na ang 'pagnanakaw' na ginawa ko. Letche.

Tumigil kami sa garden at umupo sa kahoy na bench. Malakas akong umiyak na parang bata habang nakakunot lang ang noo niya sa akin. Umiling-iling siya.

"H-hindi man lang ako tinanong kung ako ba talaga 'yon! Tinanong agad kung bakit ko 'yon ninakaw!" pagsusumbong ko sa kanya.

"Oh 'yung sipon m—" putol niya dahil hinawakan ko ang laylayan ng uniform niya at doon isininga ang sipon ko. Muli akong nagpatuloy sa pag-iyak nang malakas.

"Tangina..." mahinang sambit niya habang umiiling-iling.

"Tama ba 'yon, Chance? Ako agad! Hindi man lang naisip na baka may naglagay lang ng kwintas sa bag ko!" sigaw ko.

"Tumutulo na nama—" Hinawakan ko ang sleeve niya at suminga.

"Putang..." hindi makapaniwalang sambit niya pero patuloy pa rin akong umiiyak.

"Hindi naman ako ang nagnakaw no'n! Hindi ko nga alam kung sino ang naglagay no'n, e!" patuloy ako sa pag-iyak na para bang bata.

"Sipon m—tangina, Selene!" Tinampal niya ang kamay ko nang akmang hahawakan ko ang uniform niya.

Natigil ako sa pag-iyak at tumingin sa kanya. Tinignan ko siya na parang naiiyak ulit. "B-bakit ka nagagalit sa'kin?" Unti-unti akong umiyak nang malakas.

"Hays!" sigaw niya at bumuntong-hininga. Inakbayan niya ako at inilapit ang panyong hawak niya sa ilong ko kaya nag-umpisa akong suminga. "Hindi ako galit, okay? Kanina ko pa binibigay sa'yo 'tong panyo pero hindi mo pinapansin. Sige, umiyak ka lang," aniya.

Lumakas ang pag-iyak ko. "T-tapos! Tapos sinampal niya pa ako!" pagsusumbong ko.

"ANO?!" Mabilis niyang hinawakan ang baba ko para tignan ang pisngi ko. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansing namumula na ang pisngi ko. "Sinampal ka?!"

"Oo! Chance, sinampal niya ako!" pagsusumbong ko.

Ginalaw-galaw niya ang ulo niya na para bang ini-istretch ang leeg. "Tara, tumayo ka d'yan," aniya.

Pinunasan ko ang luha ko. "Ipagtatanggol mo ba ako? Huhuhu sinampal niya ako, Chance!"

"Hindi. Uuwi na tayo. 'Pag pinagtanggol kita masasampal din ako. Ayoko naman masaktan ang gwapo kong muk—" Natigil ako sa pag-iyak at agad siyang hinampas nang malakas sa braso.

"Ah! Aray!" sigaw niya.

"Tsk! Akin na nga 'yang bag ko! Uuwi na ako," sabi ko habang pinupunasan ang basa kong mukha.

"Uwi na rin ako. Okay ka lang ba?" tanong niya at inakbayan ako habang naglalakad kami.

"Tsk. Sino kaya 'yung naglagay ng kwintas na 'yon sa bag ko? Suspended tuloy ako ng dalawang linggo," sambit ko at ngumuso.

"Okay ka lang ba?" pag-uulit niya.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko alam."

Hinawakan niya ang ulo ko na para bang aso ako. "Okay lang 'yan, Selene. Naniniwala naman ako sa'yo. You would never do that," aniya.

"Ikaw lang naman ang naniniwala sa akin sa school na 'to." Nagkibit-balikat ako.

Pagpasok namin sa bus ay umupo kami sa pinaka dulo. Nasa gilid ako ng bintana at niyakap ang bag ko. Isasandal ko na sana ang ulo ko sa bintana pero hinawakan 'yon ni Chance at isinandal sa balikat niya. "Rest."

Pumikit ako nang nakasandal na ako sa balikat niya. "Sino kaya ang naglagay no'n sa bag ko? Siguro galit na galit sa'kin 'yon," mahinang sambit ko.

"Huwag ka na munang mag-isip. Ipahinga mo 'yang utak mo... nandito lang ako, naniniwala ako sa'yo, Selene."

Napangiti ako at hindi na nagsalita. Hindi naman pala masakit 'to, magiging okay ka basta may kahit isang tao lang na naniniwala sa'yo.

Pag-uwi ko sa bahay ay pinagalitan ako ni Mama habang si Papa ay tahimik lang. Ilang beses kong sinasabi na hindi ko 'yon ginawa pero hindi naniniwala si Mama sa akin.

Kinabukasan ay nagulat ako nang makita si Lauren. Kapatid siya ni Travis at hindi siya nakasama dahil busy siya sa school pero ngayon ay nandito na siya.

"Hala weh?! Hindi ko alam!" sabi ko nang malaman ang dahilan ng pagpunta niya rito.

"Oo! Si Kuya Chance partner mo, ha? Ayiee!" aniya at kinurot pa ang tagiliran ko pero tinampal ko ang kamay niya.

"Hindi sinabi sa'kin nila Papa. Akala ko busy lang sila sa trabaho 'yun pala sa birthday mo. Shala 18th birthday. 'Wag ka muna mag boboyfriend ha!" sabi ko at tinulak ang noo niya.

"Ay pwede na! 18 na ako, e," aniya at kinikilig-kilig pa kaya masama ko siyang tinignan.

"Ako nga bente na single pa rin. Tigilan mo 'yan, Laur. Mag-aral ka muna," sambit ko. Sa susunod na araw na kasi ang birthday niya at sa hotel ang venue. Iyon yata ang dahilan ng pagpunta nila Tito at Tita rito.

"Pwede naman mag-aral habang nag boboyfriend, ate." Agad siyang lumayo nang akmang hahampasin ko siya.

"Travis, oh!" sigaw ko kahit wala naman si Travis dahil lumabas siya.

"Joke lang! Wala ngang nanliligaw, e. Pighati." Umupo siya sa tabi ko.

"Wala talagang manliligaw sa'yo dahil kilala nila ang kuya mo. Kahit playboy 'yon si Travis alam kong bubugbugin niya ang lalaking aaligid sa'yo," sambit ko at binalatan ang lollipop saka sinubo.

"May nanliligaw ba sa'yo, Ate Selene?" tanong niya kaya natigilan ako.

"Huh? Syempre! Marami! 'Di ko lang sinasagot kasi alam mo naman, study first," pagmamayabang ko.

"ARAY!" sigaw ko nang may pumitik sa tainga ko. Agad kong tinignan kung sino 'yon at nakita kong nakangiti si Chance.

"Gago ba't mo 'ko pinitik?!" sigaw ko at tinadyakan siya.

"Wala naman kasing nanliligaw sa'yo. Hindi ka kaya nag-aayos!" sabi niya at kumuha ng lollipop sa mini table at umupo sa sofa sa harap namin ni Lauren.

Tumawa si Lauren. "Kuya, partner kayo ni ate ha? 18th birthday ko sa susunod na araw. Sasayaw kayo," kinikilig na sabi niya.

"Talaga? Wala bang ibang partner? 'Yung babae sana." Agad kong binato ng throw pillow si Chance.

"Kunwari ka pa crush mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.

"Si Hope crush ko, miss!" aniya.

"Mama mo Hope," sambit ko at tumayo.

"Mama ko si Lucille," narinig kong sabi niya.

Hindi na ako sumagot dahil ayokong makipag-usap sa isip bata. Binuksan ko ang ref at kumuha ng ice cream saka bumalik sa sofa. "Hindi ka rin talaga papasok kung wala ako 'no? Sige, sama na kita sa hukay ko," sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at pagbalik ay may kutsara nang dala. Kumuha siya sa ice cream ko. "Mag pusoy na lang tayo tas 'pag natalo ka libre mo 'ko," aniya.

Agad ko siyang binatukan. "Bobo tanga inutil," sambit ko. "Bawal mag sugal dito sa bahay 'di ba? Tanga ka talaga." Umiling-iling ako habang kumakain ng ice cream.

Muli siyang kumuha ng ice cream sa cup ko. "Edi pumasok ka bukas at do'n tayo sa school mag pusoy," sagot niya.

Tinignan ko siya na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. "Hays bonak talaga." Muli akong umiling at bumuntong-hininga.

"Bakit na naman?!" sigaw niya.

"Alam mong suspended ako, e!" sigaw ko at inilayo sa kanya ang ice cream ko.

"Hindi naman ikaw 'yung kumuha no'n! Ba't kasi ayaw mong sabihin?" tanong niya at pilit na inilalapit ang kutsara niya sa ice cream ko.

"Wala ngang naniniwala! BOBO!" Tumayo ako.

"Aso't-pusa na naman." Tumayo na rin si Lauren at pumasok sa kwarto ko.

Dahil hindi pumasok si Chance ay nag decide kami na gumala na lang sa loob ng Citta kasama si Sash. Hawak ko ang leash niya habang naglalakad kami.

"Hindi rin nakapasok si Tyler. May sakit, e."

Natigilan ako sa sinabi ni Chance. Hanggang ngayon ay may sakit pa rin si Tyler? "Hindi pa siya gumagaling?" agad na tanong ko.

"Hindi pa... bakit?"

"A-ano kasi... pinakain ko siya nang bawal sa kanya," sambit ko at kinagat ang ibabang labi.

Kumunot ang noo niya. "Nang bawal sa kanya?"

"Oo. Allergy siya ro'n pero hindi ko naman alam!" sabi ko.

"Pero siya alam niya. Bakit niya pa rin kinain?" seryosong tanong niya.

"M-malay ko. Tara nga! Baka mag-isa lang 'yon, baka walang nag-aalaga sa kanya." Tinalikuran ko siya para puntahan si Tyler sa kanila pero napatigil ako nang hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

He licked his lower lip. Mukhang nagdadalawang-isip pa siyang bitawan ako kaya kinunutan ko siya ng noo. "Tsk! Tara na nga!" aniya at nauna nang naglakad pero hindi niya pa rin binibitawan ang palapulsuhan ko.

Ilang beses kaming nag doorbell pero hindi lumalabas si Tyler. Sa huli ay nalaman kong bukas naman ang gate kaya pumasok na lang kami ni Chance. Wala naman kaming gagawing masama, aalagaan lang namin si Tyler.

"Tyler?" tawag ko nang nakapasok na kami sa loob.

"Saan ba 'yung kwarto ni Tyler?" tanong ko kay Chance.

"Malay ko ba't sa akin mo tinatanong?" masungit na tanong niya at kinuha ang leash ni Sash.

Masama ko siyang tinignan at iniwan na si Sash sa kanya. Inisa-isa ko ang mga kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tyler na nakahiga sa sahig.

"Tyler!" sigaw ko at mabilis na lumapit sa kanya.

"T-tyler!" sigaw ko pero hindi siya nagigising. Pawis na pawis siya at putlang-putla.

Akmang hahawakan ko na ang mukha niya ngunit nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

Dumilat siya at nagtama ang mga mata namin. "T-tyler..."

"You can..." mahinang sambit niya kaya napakunot ang noo ko.

"Huh?"

"You can go back to school tomorrow, Selene," aniya at binitawan ang kamay ko saka dahan-dahang tumayo kahit nahihirapan siya.

"Suspended ako at isa pa, dadalhin kita sa os—"

"I stole the necklace and put it in your bag. Sinabi ko na sa Dean. Pumasok ka na bukas."

המשך קריאה

You'll Also Like

1.5M 18.7K 44
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaay...
236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...