Door of Happiness (Agravante...

Oleh jhelly_star

122K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... Lebih Banyak

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 23

2.4K 65 6
Oleh jhelly_star

Kabanata 23

Cake

--

Tinawagan nga ako ni Brandon nung gabing iyon. We talked a little and he just asked what I did today. Palagi siyang ganito. He always wanted me to talk about what had happened to me throughout my day. Ako naman kinukwento ko.

Kulay black at violet ang witch costume ko habang kulay pula naman ang kay Audrey. Sexy red riding hood nga ang kanyang costume. The skirt is a bit short but it's beautiful.

"OMG! I'm very excited! Isusuot ko na ito bukas!" si Audrey na sinukat na ang kanyang costume.

Nandito ulit ako sa bahay nila. Nasa kwarto niya kami. Malaki ang kwarto niya. Kulay pink at white na pinaghalo ang kulay, favorite niya daw na kulay iyon. Na-meet ko na rin ang Daddy niya at nasa baba silang dalawa ni tita Ana ngayon.

Sinukat ko na rin ang costume ko at sukat na sukat naman sa akin iyon. I smiled when I saw myself in the mirror. Ayos lang naman ang itsura. Bagay sa akin.

"Ano kayang isusuot ng karibal mo?" umirap si Audrey at naupo sa kama niya habang suot suot pa rin ang sobrang sexy niyang costume. "Sana naman hindi kayo magkapareho, diba? Lalo na kami! Ihuhubad ko talaga ito doon kapag magkapareho kami."

Bahagya akong natawa at tinignan pa ang sarili sa salamin.

"Hindi ako interesadong malaman ang isusuot niya bukas. Interesado ako sa isusuot ng mga Agravante," sabi ko.

"Ng mga pinsan mo?" nagtaas ng kilay si Audrey at ngumisi.

Ngumisi rin ako. "Oo."

"You should get used to calling them cousins. Because I believe you can prove to them that you are the Elizabeth Agravante and not that girl!"

Ngumiti ako.

"You know until now I still can’t really believe it. Isa kang Agravante at peke iyong si Elizabeth. Tapos hindi rin ako makapaniwala na naging kaibigan kita. Biruin mo, sa lahat lahat ng magiging kaibigan ko iyong may nakaka gimbal pa talagang sikreto?" humalakhak siya.

Bahagya rin akong natawa sa kanya.

"Pero nalulungkot din ako para sayo. The Agravantes don't want to believe you even though you look exactly like Georgina Agravante."

"Hindi naman kasi sapat na dahilan iyon."

"Pero hindi ba sila nagtataka? Ako inaamin ko ngayon ko palang talaga napagtanto na walang kamukha si Elizabeth sa kahit isa sa mga Agravante. Hindi ba nila napapansin iyon?

Nagkibit ako ng balikat. "Ewan ko..."

"Hay naku! Kapag talaga lumabas na ang totoo, ewan ko nalang kung saan sila pupulutin."

Ngumiti ako at humarap sa kanya. Umiiling pa siya dahil sa sinabi niya.

"Ikaw? Bakit mo ako pinaniwalaan agad noong sinabi ko sayo na isa akong Agravante?" tanong ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin at nagtaas ng kilay. Nag isip siya sandali.

"Hindi ko alam. Siguro kasi matagal ko na talagang nafe-feel na hindi Agravante si Elizabeth? Hindi kasi talaga maganda ang ugali non. Louissa, even though she's scary, she doesn't make a mess. Hindi siya nagtataray. Elizabeth is really the only one who is different."

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"And did you know that many people say that maybe she’s not an Agravante? There was a lot of such talk at school but of course, they didn't let the Agravantes get to it. Kung kumilos kasi si Elizabeth ay parang hindi pang isang Agravante. Madalas pang makipag away, madalas sumigaw. It was as if she had no class unlike the other Agravantes."

Tumango tango ako.

"I was surprised when you said you are the real Agravante but somehow I believed you because of the talks in school and the feeling I had with that Elizabeth. She's beautiful, alright. Makikita mo lang talaga na iba siya kapag sinama mo sa mga Agravante," umiling siya. "Ibang iba."

I sighed. Makikita mo talaga iyon sa isang tao. Iba iba man ang ugali natin, when you don’t fit into that group, you will really be different. Just like black cats combined with white cats. That’s how much she differs from the Agravantes. May ibang itim na pusa na kapag sinama mo sa mga puting pusa ay bilang pa rin sa kanila pero kapag talaga kay Elizabeth? You can really see the difference. It was as if she didn't really belong there even though people already knew her as an Agravante.

"Matagal ka na ba sa Georgina University?" tanong ko kay Audrey.

"Yup. Ever since I started studying, nandoon na ako. Kaya marami na rin akong kaibigan pero hindi ko masyadong sinasamahan because the others are plastic. Ngayon lang ako nakahanap ng totoong kaibigan," ngumisi siya sa akin.

May mga ganito talaga. In Cagayan, Olivia and Emma are my only friends. Even though I've been there for a very long time, they are really the only ones who have become my friends. Mararamdaman mo kasi talaga kapag hindi para sayo ang isang tao.

"You know Loreleil Agravante, right?" tanong ko. "Anong klaseng babae siya?"

Sa lahat ng mga Agravante, siya palang ang hindi ko pa nakikita sa personal. I'm very curious about her.

"Mmm?" nag isip sandali si Audrey. "She's a bit distance to everyone but she's also kind."

"A bit distance?"

"Yup! Her sister is Louissa so she's also a pretty cold person. That’s all I know about her dahil sa kanilang lahat, siya ang pinaka mailap. Besides, I don't get along with them often so... hindi ko talaga alam ang ugali nila. But they are kind."

Tumango tango ako. Ilang sandali pa kaming nanatili ni Audrey sa kwarto niya hanggang sa mapagpasyahan na naming bumaba at kumain. Nagpalit kami ng damit.

Umuwi rin ako nang naghapon na. Nag enjoy ako masyado sa kanila. Bukod kasi sa maraming kwento si Audrey, mababait rin ang parents niya.

Naglabada ako ng mga damit ni tita Evelyn. Kumita na naman ako ng pera sa araw na iyon. At parang isang pitik ay matingkad na ang sikat ng araw kinabukasan. Pinagmasdan ko ang mga booths na nakakalat sa napaka laking field ng school.

Maraming tao. Everyone is enjoying. Umaga palang ngayon kaya hindi muna nagsuot ang lahat ng kanya kanya nilang costume. Mamaya pa kasing gabi ang party. Mag eenjoy muna ang lahat ng students ngayon.

"Let's try that movie booth, Cass!" anyaya ni Audrey.

Nagtaas ako ng kilay. "Libre mo ako?"

"Sure! Let's go!"

Humalakhak ako at nagpahila sa kanya. We tried that movie booth and it was great. We watched a scary show and Audrey did nothing but scream. Natatawa nalang ako.

We tried many more booths. Sobrang saya. Ngayon ko palang naranasan ang ganitong programme sa school.

Nang naka limang booths kami ni Audrey ay napagpasyahan naming magpahinga muna at kumain. Bumili kami ng donuts at juice sa isang booth ulit, mga estudyante ang may ari ng booth na iyon.

"Dapat pala nag participate tayo sa mga ganon. Kumita pa sana tayo ng pera," humagikgik si Audrey.

Naisip ko rin iyon at kikita nga kami ng pera pero huli na ang lahat. Sumabay nalang ako sa tawa niya.

"Cassandra!" I heard a familiar voice.

Nilingon ko si Arjun na palapit sa amin ni Audrey. Nasa isang batong table kami ni Audrey ngayon sa field. Nakita ko agad ang pag irap ni Audrey nang napagtantong si Arjun ang tumawag sa akin.

"Arjun! Upo ka," sabi ko.

He smiled a little and sat down next to us. Nanahimik na naman si Audrey at kinain nalang ang donuts niya.

"Anong ginagawa mo rito? Nasaan ang mga kasama mo?" tanong ko.

"Kumakain sila roon. Nakita lang kita kaya pinuntahan," he said and looked at Audrey.

"Mmm. Sinubukan namin ang ibang booths. Masaya naman. I-try mo rin!"

"Oo, susubukan namin. Nasubukan na rin namin ang ibang booths."

Nagpatuloy kami sa pag uusap ni Arjun tungkol sa mga booths pero nanahimik si Audrey at hindi sumali sa usapan. Inilingan ko nalang ang napaka pasaway kong kaibigan.

"Ang saya! Kaya gusto kong dumadalo sa mga ganito, eh," si Audrey.

"Ang mga Agravante ba dumadalo rin sa mga ganito?" tanong ko nang napansing wala sila rito.

Hindi ko nakita kahit ang isa sa kanila sa field.

"Pumupunta. Nandyan lang ang mga iyon. Hindi sila nawawala sa mga ganitong okasyon."

I nodded and was a little excited that they were here. Are they also trying out booths? Ang saya siguro kung kasama ko sila habang sinusubukan ang mga booths? I'm not saying I'm not happy with Audrey but I would have liked to be with them in such things...

"Don't worry, you will be able to be with them one day," si Audrey nang napansin ang pagkakatahimik ko.

Ngumiti ako.

Sinubukan pa namin ang iba pang mga booths roon. I think we've tried almost everything. Masayang masaya kami lalo na ako dahil ngayon ko palang naranasan ang mga ganito. Nakakatuwa pala!

I saw the Agravantes when Audrey and I walked out of the photo booth. Hawak namin ang mga pictures na ginawa namin sa loob.

Nakapila rin sila sa labas. Michelle is wearing a red t-shirt and a white maong skirt while Johanna is wearing a blue off shoulder shirt and white jeans. And Louissa on the other hand is wearing a simple red t-shirt and jeans. Nakasuot lang naman ng white dress si Elizabeth.

Nakahalukipkip si Elizabeth nang nagtama ang mga mata namin. Nahinto kami ni Audrey sa akmang paglalakad. The Agravantes also stopped. Elizabeth looked at me sharply before she walked into the photo booth, nilagpasan kami. Johanna Agravante followed her and smiled slightly at me before going inside. Sumunod si Michelle at sa huli si Louissa. We looked at each other for a moment before she passed us and also entered the photo booth.

Huminga ako ng malalim. Para akong tinanggalan ng hininga sandali!

"Oh my gosh! Nakakakaba talaga kapag nakakasalubong sila!" si Audrey sa gilid ko, bahagyang nakakapit sa akin.

Hinila ko na siya paalis roon, wala nang sinabi. Malalim muli akong bumuntong hininga nang nakalayo layo ng bahagya.

"Ayos ka lang?" Audrey asked me.

Tahimik akong tumango.

"Hay naku! Gusto kong gumawa ng gulo roon dahil sa sama ng tingin sayo ni Elizabeth kundi lang nakakahiya at baka magkaroon pa ako ng record sa school para lang sa walang kwentang kagaya niya!"

"Audrey," saway ko.

"Tsh..." umirap siya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"But did you saw that Johanna Agravante smiled at you?" nagbago bigla ang mood ni Audrey at ngumiti.

Bahagya rin akong napangiti nang naalalang ngumiti nga siya sa akin.

"Yeah..."

"Nakakakilig!"

Maybe she was just really nice. That even though I’m messing with their family, she’s still very kind. Pero hindi ko naman ginugulo. Gusto ko lang bawiin lahat ng pagmamay ari ko.

"Uy, si Brandon..." bulong sa akin ni Audrey dahilan para mawala agad lahat ng iniisip ko.

I did see Brandon in the distance, with his friends but his eyes were fixed on me. Parang nawala lahat ng iniisip ko kani kanina lang nang dahil sa kanya.

"Uy... kinikilig..." tukso ni Audrey at binunggo ako gamit ang kanyang pwet.

"Audrey!" saway ko.

"Sus! Ano yan? Ha? Ano yan?" turo niya sa labi ko na nangingiti.

I shook my head and just turned my attention back to Brandon who was still looking at me. I raised an eyebrow at him. He also raised an eyebrow and slowly looked at me from head to toe. A small smile flashed on his lips.

I'm wearing a simple sky blue t-shirt and white jeans. Naka half ponytail ang buhok ko dahil sabi ni Audrey mas bagay sa akin iyon.

When our eyes met again, his smile widened even more. Inirapan ko siya at niyaya nalang si Audrey sa ibang lugar. Kahit hindi ko narinig, nang nasulyapan ko siya'y nakita ko ang pagtawa niya.

That was the only interaction we had. Nang nag lunch ay pumunta kami ni Audrey sa cafeteria. Maraming tao roon at maingay. Unlike the normal days here at school, everyone is happy and you can really hear the laughter.

Audrey’s other friends joined us at the table. Marami sila kaya sa bilugang table kami pumwesto. Magkatabi kami ni Audrey at sa kabila ko ang isang kaibigan niyang babae.

"Hi! Ngayon palang tayo magkakakilala. I'm Emily," naglahad ng kamay ang babaeng nasa harapan namin.

Tinanggap ko iyon at bahagya na ngumiti. "Cassandra."

Nagpakilala pa ang iba sa akin. Lima kaming nandoon kasama na kami ni Audrey.

Hindi na sila palaging sinasamahan ni Audrey dahil sa akin na siya palaging dumidikit. Hindi ko alam kung sila ang sinasabi niyang mga plastik na kaibigan pero base sa mga tipid niyang ngiti ay alam ko na ang sagot.

"Balita ko sexy'ng costume na naman ang isusuot mo mamaya. Anong costume iyon?" nakangising tanong ni Emily kay Audrey.

"You will find out later," she smiled. She's still polite though.

"Ikaw, Cassandra? Anong isusuot mo?" tanong naman ni Alexis sa akin.

"You will also know later."

"Oh!" nagkatinginan silang tatlo.

"Anyway, diba crush mo si Franz, Audrey?" si Zoey, isa sa kanila.

Napatingin kami sa kanya dahil doon.

"Balita namin may girlfriend na siya, ka-batch lang natin."

Kumunot ang noo ko. Why would they bring that up? Kung alam nilang crush ni Audrey si Franz, they shouldn’t have asked that. They know Audrey was hurt. Until now. Ako nga hindi ko na 'yon tinatanong sa kanya dahil alam kong malulungkot lang siya.

Nilingon ko si Audrey at bahagya akong nagulat na ngumiti siya.

"Alam ko. But that's fine with me. Crush lang naman iyon," she said.

"Oh? Pero matagal mo na siyang gusto, diba? Palagi mo siyang bukang bibig sa amin noon kaya sigurado akong may epekto sayo 'yon ngayon."

"Of course, meron. He's my crush, right? Manhid naman yata ako kung wala akong mararamdaman?" she said sarcastically like it's just a common sense.

Natahimik ang tatlong babae. I smirked.

"Besides... ano naman ngayon kung nasaktan nga ako na may girlfriend na siya? Ano naman sainyo 'yon? Anong pakialam niyo?" nagtaas ng isang kilay si Audrey.

"Gusto ka lang naman naming kamustahin, that's all..." si Emily.

"Oh, really? Kaya pala mas nauna ang pakikichismis kesa sa 'ayos ka lang ba sa nangyari, Audrey?'"

My mouth turned into 'O' because of that. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko.

"Tama na yan! Kumain nalang tayo, please?" si Alexis.

Umirap si Audrey at nagsimula nalang kumain sa pagkain niya. Ang dalawa naman ay nanahimik na rin. I sighed. Hindi naging maganda ang pagsasama sama namin rito. But atleast now I know why Audrey doesn’t like her old friends.

Pagkatapos ng lunch ay may palaro ang school. Kunwari, kung sino ang nakakulay puting damit ay siyang huhulihin. Ang taong nasa stage na may hawak na mic ang magsasabi kung sino sino ang mga huhulihin, kung nakakulay itim ba na damit o may headband sa ulo. Kung ano ano. At napaka saya no'n. May minsan pang nagkahiwalay kami ni Audrey dahil tumatakbo kami sa mga nanghuhuling college students.

Tulad nalang ulit ngayon. Ang sinabi sa itaas ay hulihin ang mga nakakulay puting sapatos. Kulay puti ang sapatos na suot ko ngayon kaya naman kasama ako sa mga huhulihin!

My eyes widened and stopped running when Brandon suddenly appeared in front of me. Nakangisi siya at bumaba ang tingin niya sa suot kong sapatos. Kinabahan ako. He's a college student! Pinandilatan ko siya pero alam kong hindi ko siya matatakot roon.

"Brandon..." tawag ko habang umaatras, binabalaan siya.

"I'm sorry, but you're wearing a white shoes..." he said playfully and stepped forward.

"Huhubarin ko!"

"Hindi pwede 'yon."

"Lilibre kita?"

"Nope," umiling siya at humakbang ulit palapit.

I glared at him. Mas lalo akong umatras. Ayokong makulong sa isang classroom na punong puno ng mga nahuli, noh! I'll stay there for ten minutes and I don't want that!

Unti unti nang lumalapit si Brandon kaya naman tumalikod ako at tumakbo na palayo. Naramdaman ko agad ang pagtakbo niya rin kaya tumili ako. Sobrang bilis na ng takbo ko kaya naman hindi ko inasahan nang bigla nalang niya akong mahuli! Tumili ako sa gulat at takot!

"Brandon!"

"Just doing my job, baby..." he whispered on my ear.

Nakiliti ako roon. Suddenly my chest throbbed, not because of running but for some other reason! Lumunok ako. Ramdam ko ang isang kamay niya sa aking baywang at ang isa naman sa aking pulsuhan.

"Bitawan mo na ako. S-Sasama na ako..." bigla ay nagbago ang boses ko.

Nasa likod ko siya, hawak ako. He slowly let go of me and I faced him. I saw the smirk on his lips and he suddenly nodded at me. Nagtaka ako roon.

"Run," he said.

"Huh?"

Dahan dahan niyang binaba ang kanyang ulo para magpantay ang aming paningin. Bahagya kong naatras ang ulo ko dahil sa ginawa niya.

"Bilisan mo. Bago pa magbago ang isip ko," anya.

Umatras ako at sa kabila ng halo halong nararamdaman, ngumiti ako.

"Thanks!" sabi ko at mabilis nang tumakbo palayo.

I heard him chuckled.

Hinawakan ko ang puso kong sobrang bilis ng tibok. I don’t know why he let me go. Masaya ako roon dahil hindi ako makukulong sa napaka laking classroom pero bakit niya ginawa iyon? Dahil nakiusap ako? That's not allowed in the game!

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang ngiti nang napagtantong pinalaya niya talaga ako.

Natapos ang game at pagod na pagod kami ni Audrey. Pawis na pawis siya at ganon rin ako. We bought mineral water at the cafeteria and stayed there for a while.

"Tss..." bigla biglang umirap si Audrey.

I looked at her in a weird way. Tinignan ko ang likuran ko at wala naman akong nakitang taong kinaiinisan niya kaya bakit umiirap ang isang 'to?

"Bakit?" tanong ko.

"Nakakainis kasi," ngumuso siya.

"Ang alin?" natatawa kong tanong dahil hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.

"Kanina naabutan ako ni Arjun. May suot akong bawal pero... hindi niya ako hinuli..."

Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko ang pagpapalaya sa akin ni Brandon kanina. Ginawa rin iyon ni Arjun kay Audrey?

"Sabi niya tumakbo nalang daw ako bago pa maabutan ng ibang college students. Naiinis ako na ginawa niya 'yon! Tss. Nagpapaka hero akala mo naman..." hindi niya tuloy ang sasabihin at umirap na lamang.

Kumunot ang noo ko. Bakit parang pareho ang nangyari sa amin kanina?

"Ayaw mo nun? Pinalaya ka niya?" tanong ko kunwari.

"Hindi naman kasi dapat ganon ang laro! Dapat hinuli niya ako!"

"Eh, baka naman tinakot mo? Kaya pinatakas ka?"

Matalim niya akong nilingon.

"Tingin mo ba magagawa ko 'yon?"

"Malay mo lang? Ayaw mo sa kanya kaya masyado siyang mabait sayo..."

"Hindi ko gagawin 'yon! Bakit ko naman siya tatakutin? Siya ang nagkusang patakasin ako, noh!"

Natawa ako. "Fine, fine. Nagkusa siyang patakasin ka..."

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin kaya nagtaas ako ng dalawang kamay na para bang sumusuko. Pero hindi ko mapigilan ang pagngisi ko. Mas lalo tuloy siyang nairita sa akin.

"Kung ano man ang iniisip mo, walang kabuluhan 'yan."

I chuckled. "Ano bang iniisip ko? Wala naman akong iniisip, ah!"

"Whatever, Cassandra!"

Humalakhak ulit ako at hindi na nagsalita. Mukhang iritado na talaga siya. I just kept quiet and ate my hotdog sandwich quietly.

Hapon nang magsiuwian ang lahat para maghanda sa party mamayang gabi. Audrey and I left school and went to their house. Nandoon ang costume naming dalawa para sa gabing ito. Excited na ako.

"Ano kayang isusuot ng mga Agravante?" tanong kong wala sa sarili.

Ngumisi si Audrey. "Malalaman mo rin 'yan mamaya."

Inayusan niya ako. She put on make up to match my costume. Hinayaan ko nalang siya dahil sa aming dalawa, siya ang mas may alam sa mga ganito. Maganda naman ang kanyang make up kaya ayos na sa akin.

"Ayan! Perfect!" anya nang natapos.

A bit of dark violet make up on my eyes and black lipstick on my lips. Hindi ko na alam ang iba pa niyang nilagay pero ganon ang itsura ko.

"Wait, ako naman. Hintayin mo lang ako dyan," anya at pumasok na sa loob ng banyo para maligo at magbihis.

I sat on her bed and waited. Inuna niya akong ayusan kaya siya naman ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakapag bihis siya at nag ayos na ng sarili. Because her dress is red, her make up is also red. Even her lipstick is red as well.

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na kami ng bahay at nagpaalam sa Mommy niya. It's late and I'm sure there are already a lot of people at school. Nakangiti kaming nagpaalam kay tita Ana at pagkatapos no'n ay umalis na kami.

As expected, there were already many people at school and everyone was in the large auditorium. Dalawa ang auditorium rito. Ang isa ay yung parang sinehan at ang isa naman ay malawak at pang party talaga na ganito.

Pagkarating namin sa auditorium ay marami nang tao roon. Maraming tables, maraming nakakatakot na palamuti at sa stage marami na ring nakakatakot na design. May supot ng gagamba, may madre na nakakatakot ang itsura at kung ano ano pang palamuti.

Iba't ibang costume ang nakita ko. There is snow white, cinderella at meron rin syempreng nakakatakot na costume gaya nung madre, sadako at marami pa.

Naghanap kami ni Audrey ng stand table at nakahanap naman kami agad. Pumwesto kami roon at kumuha ng juice na maiinom.

"Kanina pala sumali kaya ang mga Agravante sa palaro?" tanong ko kay Audrey.

Hindi ko kasi nakita ang mga Agravante kanina kaya siguro hindi sila sumali?

"Nope. Iyon ang sigurado akong hindi nila sasalihan. Maybe they stayed in the booths to enjoy. They don't like the game the school always plays because it makes them sweat," nagkibit siya ng balikat.

Oh. Tumango tango ako. Kaya pala hindi ko sila nakita habang naglalaro.

"Pero paano mo naman nasabi na ayaw nila sa laro dahil nakakapawis?" nagtataka kong tanong.

"Come on! Halata na 'yon. Agravante sila at hindi nila gusto ang mga ganoong laro. Ayoko nga rin noong una pero nung sinubukan ko, masaya pala!"

"So... hindi pa nila nasusubukan?"

"Oo. Kaya nga ayaw nila kasi hindi pa nila nalalaman na masaya pala."

Tumango ako at nilibot ang mga mata sa buong auditorium. Kaya pala hindi na kumuha ng venue ang school para sa party na ito dahil dito lang ay pwedeng pwede nang gumawa ng party. Bukod sa maganda, maluwag pa ang lugar.

"Ayan na ang mga Agravante..." may narinig akong bumulong.

Napalingon kami ni Audrey sa malaking pintuan ng auditorium at nakita namin roon ang papasok isa isa ng mga Agravante. At hindi lang pala kami ni Audrey ang nakatingin sa kanila, kundi lahat ng tao sa loob ng auditorium na ito!

Magkakasamang pumasok ang mga Agravante sa loob. Nauna si Louissa at sunod si Elizabeth, si Johanna at si Michelle. Bahagyang natahimik nag lahat habang pinagmamasdan ang mga Agravante. Para bang importanteng makita nila kung ano ang mga suot nila sa gabing ito.

Napatitig naman ako sa kanila nang nakita ko ang mga suot nilang costume.

Louissa Agravante is wearing a saturday night fever red dress. She's very beautiful and elegant with that. While Johanna Agravante is wearing a mad hatter costume and Michelle Agravante is wearing a cute monkey costume. Sa kanilang lahat, siya ang may pinaka cute na costume.

Umirap ako nang nakita kong pirate costume ang suot ni Elizabeth. Bagay naman sa kanya ang costume na 'yon but... nevermind.

"Ang gaganda nila..." I heard whispers.

"Michelle Agravante is really cute. Last year fairy costume ang suot niya, diba?"

"Ang ganda talaga ni Louissa. Mukhang hindi na talaga siya magsusuot ng mga costume na gaya ng sa atin..."

"Dress rin ang sinuot niya last year, noh?"

"Oo. I also want to see her in a scary dress pero sigurado akong hindi niya gusto ang ganon..."

"Sayang at kulang sila ngayon..."

Pinagmasdan ng lahat ang paghahanap nila ng stand table. Nagtama ang mga mata namin ni Michelle Agravante at napansin kong cute nga siya sa suot niya ngayon. She smiled slightly at me and immediately looked away.

Nagbaba ako ng tingin sa baso ko.

"Did you saw that? Michelle Agravante smiled at you!" kinikilig na bulong sa akin ni Audrey at binunggo bunggo pa ako.

Bahagya akong natawa. "Oo..."

"Sabi sayo gusto ka nila, eh! Ang bait bait talaga nila!"

Ngumiti ako at muling bumaling sa mga Agravante na nakahanap na ng table nila. Tumayo silang apat roon at nag usap usap. Nakita ko ang pagsulyap ni Elizabeth sa gawi namin at nagawa niya pa akong irapan. Hindi ko na pinatulan.

"You think naniniwala na sila sayo ngayon?" tanong ni Audrey.

Nagkibit ako ng balikat at hindi sumagot.

"O kung... pinagdududahan na rin kaya nila ngayon si Elizabeth? Alam mo na... masama kasi talaga ang ugali niyan. Ngayong dumating ka, sigurado nagdududa talaga sila."

"Hindi natin yan sigurado, Audrey. Hindi siguro. Pero kung oo, hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko."

Matagal na nilang kasama si Elizabeth, matagal na nilang kinilalang pinsan at sigurado akong napamahal na sila sa kanya. So it's very impossible that they doubt her just because she has bad manners. Mahirap paniwalaan ang mga sinabi ko. Mahirap akong paniwalaan, ako na kakikilala palang nila, ako na hindi naman nila kailanman nakasama.

I sighed heavily.

Nagsimula ang party at may mga sumayaw at kumanta sa stage. Ganito pala nila cinecelebrate ang ganitong okasyon. Nakisabay nalang ako dahil sa totoo lang, nakaka enjoy talaga.

Isang oras ang lumipas nang magkainan na. Humanap kami ng table ni Audrey at nakahanap naman kami agad. Kasama namin roon ang iilang mga kaklase.

"You look good, Cassandra! Bagay sayo ang damit mo," one of my classmates said.

"Thanks," I said and smiled.

"Naku! Alam mo ba, Cassandra, itong si Jacob? Crush ka nito!"

"Leah!" saway noong Jacob na nasa tabi niya. Nakita ko ang pagpula ng kanyang tenga at sumulyap sa akin.

Humagikgik si Leah. "Bakit? Hindi ba totoo? Matagal mo nang kinukwento sa amin na crush mo--"

"Stop it!" pigil ni Jacob. "Pasensya na, Cassandra..." tumingin siya sa akin, nahihiya.

"Yie!" tukso nina Leah at nagtawanan.

Bahagya na rin akong natawa. Tumawa rin si Audrey at nakitukso kay Jacob. Umiling nalang ako.

Sa pagkailing ko ay nahanap ng mga mata ko si Brandon sa di kalayuan. Nasa malaking table siya kasama ang mga kaibigan niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang may ngiti pa sa labi ko. Agad nawala iyon nang nagkatinginan kami.

He's wearing a black tuxedo. Kahit sa malayo ay alam ko na agad na mahal ang damit niyang 'yon. Ngayon ko palang siya nakitang ganoon ang suot at parang mas lalo lang siyang gumwapo sa paningin ko. I mean... gwapo naman na siya noon sa paningin ko. Syempre maitatanggi ko pa ba 'yon? Gwapo naman talaga siya...

Tinigil ko ang pag iisip at muling sumulyap kay Brandon. Nagtatawanan ang mga kaibigan niya habang siya'y tahimik na pinagmamasdan ako. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Pero dahil nakaupo ay hanggang tyan lang ang nakita niya.

Parang tinambol ang puso ko. Maganda ang suot ko dahil nakita ko 'yon sa salamin ni Audrey bago kami umalis ng bahay nila pero hindi ko alam kung bakit parang pumangit ako nang dahil lang chinecheck ni Brandon ang damit ko.

Tumikhim ako at iniwas nalang ang tingin sa kanya. Binaling ko ang mga mata ko sa pagkain. Hindi na ako nakasabay sa usapan ng mga kaibigan.

Maya maya ay nagvibrate ang phone kong nasa pouch na dala ko. Hindi ito sa akin, pinahiram lang ako ni Audrey para may magamit na lalagyan para sa cellphone at kung ano ano pang gamit ko.

Brandon:

You look good.

What? Sumulyap ako kay Brandon at nakita kong kabababa niya lang ng kanyang cellphone. Tumingin siya sa akin. I immediately looked down at my phone and typed a reply. Nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa ko 'yon! Gusto kong katusan ang sarili.

Cassandra:

Thanks.

Brandon:

Can you curse me, Miss beautiful witch?

What the hell? Kinagat ko ang labi ko at nag angat ng tingin kay Brandon. I saw a small smile on his lips as he watched my reaction. My eyes narrowed at him and bit my lower lip even harder to suppress a smile.

Cassandra:

I can and I will do it if you won't stop annoying me.

Nag angat ako ng tingin kay Brandon nang na-send ko iyon. Tinignan niya ang kanyang phone at ilang sandali lang ay nakita ko ang pagtawa niya. Nagpigil ako ng ngiti at nagbaba na lamang ulit ng tingin.

Brandon:

Annoying you? Ano na naman ang ginawa ko?

Cassandra:

You're always texting me.

Brandon:

And you don't like that? Weh?

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko roon. Umiling ako.

Cassandra:

Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan. Don't text me!

I saw him laughed at their table.

Brandon:

I'm just kidding! But okay... I'm not gonna text you for now. You should enjoy the party with your friends.

Kinagat ko ang labi ko at may kakaibang naramdaman.

Cassandra:

Okay. You should too.

Brandon:

I will. Goodbye, Miss beautiful witch.

Umiling ako at ngumiti.

Cassandra:

Whatever, Brandon.

Lumipas pa ang tatlumpong minuto bago nagsimula ang sayawan. Slow dance iyon at marami sa table namin ang inaya ng mga kalalakihan. Nagtutuksuhan sila at yung ibang mga babaeng kasama namin, sila na ang nagyaya sa mga lalaking gusto nila. Mas lalo lang kaming nagtawanan.

"Kuha lang ako ng cake..." paalam ko sa mga kasama pagkatapos magtawanan nang ayain ni Leah ang crush niya sa kabilang table.

Tumango sila sa akin at ako naman ay nagtungo na sa mga pagkain. Maraming pagkain roon. May sweets, ulam, kanin at kung ano ano pang pang mayaman na pagkain na hindi pamilyar sa akin.

Humiwa ako ng cake. Sa tabi ng cake na hiniwa ko ay ang isang napaka laking cake. Kulay puti iyon at wala pang kahit isang kumukuha roon. Nahiya tuloy akong kumuha dahil baka may mag uuwi nito.

I was quietly placing the chocolate cake I sliced ​​on my plate when I noticed someone standing next to me. Lumingon ako roon at nagbago agad ang mood ko nang nakita kung sino 'yon. Crossing her arms  and with a smirk on her lips was Elizabeth beside me. Nakataas pa ang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ang lakas talaga ng loob mo, noh?" anya at dahan dahang binalik sa akin ang tingin, nang iinsulto.

"Wala akong panahon para makipag away sayo. Ayoko ng gulo," sabi ko at lalagpasan na sana siya nang hinawakan niya ang braso ko.

"Ano? Naduduwag ka na ngayon? Kasi alam mong wala ka namang mapapala sa ginagawa mo?"

Mabilis kong binawi ang braso kong hawak niya, halos mandiri. Umawang ang labi niya sa ginawa ko at natawa.

"Wag kang gumawa ng gulo sa party na 'to," sabi ko.

"Bakit? Nahihiya ka? Natatakot kang malaman ng lahat ng nandito na ginugulo mo ang pamilya namin? Huh?"

Bahagya akong natawa roon. "Natatakot? Hindi ba sa ating dalawa, ikaw dapat ang natatakot?"

"Bakit ako matatakot? They know me as Agravante. Kaya kapag nalaman nila ang ginagawa mo, sino sa tingin mo ang paniniwalaan nila?"

"I don’t care what other people think. What matters to me is what the Agravantes think."

She laughed. "As if naman na maniniwala sayo si lolo, Mommy at Daddy. Pinagbibigyan ka lang nila dahil naaawa sila sayo. Iniisip nila na pera lang ang habol mo."

"Theodore Agravante wants me to prove myself to him. Hindi pa ba sapat iyon para sabihing naniniwala sila sa akin?"

Napawi ang ngiti niya sa sinabi ko. I smirked.

"Wala akong panahon sayo. Mas mabuti pang manatili ka nalang sa kung nasaan ka dahil baka itong ginagawa mo pa ang ikapapahamak mo."

Nilagpasan ko siya pero muli niya akong hinigit at ngayon mas malakas na kaya bahagya kong natamaan ang table kung nasaan ang mga pagkain. Umalog iyon pero wala namang nahulog. May iilang nakapansin sa ginawa ni Elizabeth at agad silang lumapit para makichismis.

But before I could get up properly, I saw Elizabeth going to the big cake and her pushing it causing it to fall onto me! My eyes widened and it was too late to run! Mabilis na nahulog sa akin ang cake at dahil sa bigat noon ay nawalan ako ng balanse... I fell to the floor and the very large cake was all over me!

Tili, sigawan at tawanan ang narinig ko sa buong auditorium. Lumakas ang tawanan nila at sigurado akong nagpuntahan na ang lahat sa akin!

Natatabunan pa rin ako ng cake at ng lalagyan nito kaya hindi ako makatayo. Nagpatuloy ang tawanan pero hindi ko pinansin iyon. Pilit kong inangat ang lalagyanan ng cake pero bago ko pa magawa iyon, may umangat na no'n pero hindi ko makita ng maayos dahil punong puno ng cake ang mukha ko!

Bahagyang nawala ang tawanan. Bulungan nalang ang narinig ko at bago ko pa makita kung sino ang tumulong sa akin ay binuhat niya na ako at inangat!

I removed the cake from my eyes and looked at Brandon who's carrying me. Nakakunot ang kanyang noo at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako makapag salita ay inalis niya na ako roon. Naiwan ang lahat sa auditorium nang nagtataka at nagugulat.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

90.6M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3K 569 33
©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: January 3, 2022 Ended: May 27, 2022 "I never realized you were my home, until I noticed that I always ran t...
722 243 33
Aldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Som...