District Survival Online

By gold_luv

14.3K 1K 594

As Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Profess... More

gold_luv
Chapter 1: District Survival Online
Chapter 2: The Captain with Principles is No Longer Ruling
Chapter 3: Introducing Captain's
Chapter 4: Captain Lazarus
Chapter 5: Nesfruta Buko Why Not!
Chapter 6: Pulling Out with Principles
Chapter 7: Welcome to District Survival Online!
Chapter 8: Welcome to District 1!
Chapter 9: Wild Rabbits
Chapter 10: Big Rabbit Head
Chapter 11: Auditorium of Illegality
Chapter 12: Kicked and Furious
Chapter 13: Party Quest
Chapter 14: The Warlock
Chapter 15: Rant with Tears
Chapter 16: DSO ANNOUNCEMENT
Chapter 17: Principium's
Chapter 18: Singh City
Chapter 19: Against Bandits and Zombies
Chapter 20: 1v1 with the Captain of Principium
Chapter 21: Who Won?
Chapter 22: Leveling with Captain Aexl
Chapter 24: District Survival Online League Battlefield
Chapter 25: The Captain
Chapter 26: The Blue Wolf
Chapter 27: Strange Gestures
Chapter 28: Mysterious Island is Mystery
Chapter 29: Poseidon's Lair
Chapter 30: "The Captain's"
Chapter 31: Game Plan
Chapter 32: Team Dinner
Chapter 33: Changes is Madness
Chapter 34: The Tournament Day
Chapter 35: District Survival Hideous Night
Chapter 36: Tears of Madness
Chapter 37: District Survival Line Up
Chapter 38: Nonsense Quarrel
Chapter 39: District Survival Day 14
Chapter 40: Cellphone
Chapter 41: District Survival Last Skirmish
Chapter 42: District Survival Last Skirmish (Part 2)
Chapter 43: The Result
Chapter 44: DSO Domination
Chapter 45: The Girlfriends
Chapter 46: District Survival Tournament
Chapter 47: With Silent Peace
Chapter 48: Contacted
Chapter 49: DSO PH PARTY
Chapter 50: The Meeting
Chapter 51: Officially Married
Chapter 51.2: Boothcamp
Chapter 52: Hideous Clash, First Game
Chapter 53: Illegal Clash
Chapter 54: Touch of Hunger
Chapter 55: Used
Chapter 56: Accused
Chapter 57: Blessings in Disguise
Chapter 58: Happy Birthday
Chapter 59: New House
Chapter 60: First Tournament
Chapter 61: Out of Financial
Chapter 62: Paid
Chapter 63: Holding On
Chapter 64: Truth
Chapter 65: Wiping Tears
Chapter 66: Against Silent Peace
Chapter 67: Captain
Chapter 68: Luctor et Emergo versus Commanders Cry
Chapter 69: Luctor et Emergo versus Blue Whale
Chapter 70: Luctor et Emergo versus Onyx Steal
Chapter 71: Media
Chapter 72: The Dangerous Captain
Chapter 73: Practice Play
Chapter 74: Clash for Survival
Chapter 75: Veneracion
Chapter 76: Beach of Memories
Chapter 77: Pageant Night
Chapter 78: Money
Chapter 79: China
Chapter 80: Town Survival
Chapter 81: Disappointment
Chapter 82: ⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄
Chapter 83: (っ˘з(˘⌣˘ )
Chapter 84: ♡(> ਊ <)♡
Chapter 85: Starting Point
Chapter 86: New Information
Chapter 87: Introducing Captain's
Chapter 88: Summer Cup
Chapter 89: Summer Cup (2)
Chapter 90: Last Clash for Chance
Chapter 91: Accused to Cheating
Chapter 92: ('∩。• ᵕ •。∩')
Chapter 93: Missing
Chapter 94: Roar for Luctor et Emergo
Chapter 95: Luctor et Emergo vs. Tremendous Burn
Chapter 96: District Survival: Overpowered Captain's
Chapter 97: The Result
Chapter 98: Celebration/Recruiting
Chapter 99: Interview: Summer Cup Captain's
Chapter 100: Dinner Night
Chapter 101: Team Discussion
Chapter 102: Live
DSO: Merry Christmas
Chapter 103: Announcement of Cancellation
Chapter 104: Tiger
Chapter 105: Zilch
Chapter 106: Aberra's Dragon Head
Chapter 107: The Farewell Wildness
Chapter 108: Preparing
Chapter 109: The Return
Chapter 109.2: Back to the Island of Mystery
Chapter 110: It's All Coming Back
Chapter 111: Luctor et Emergo
Chapter 112: Interview
Chapter 113: Hi Home
Chapter 114: Chimera Ant Raid
Chapter 115: Chimera Ant Raid: The King's bow
Chapter 116: 'Euphrasia cheated'
Chapter 117: A Call
Chapter 117.2: Luctor et Emergo's Interview
Chapter 118: Out for Delivery
Chapter 119: District Survival Online Season 7
Chapter 120: The Head
Chapter 121: District Survival Day 1
Chapter 122: District Survival Day 2
Chapter 123: Luctor et Emergo vs. Death List
Chapter 124: Slot
Chapter 125: Luctor et Emergo vs. Hidden Descendants
Chapter 126: Came from the Worst
Chapter 127: Number
Chapter 128: La Union
Chapter 129: Collectors of Captains
Chapter 131: Rose Among Thorns
Chapter 130: Next Figure [District Survival Day]
Chapter 131: Backing Him Up
Chapter 132: Premonition
Chapter 133: Doubt
Chapter 134: The Quarter Finalists
Chapter 135: Second in Command
Chapter 136: Black Angel
Chapter 137: Wrath of Principles
Chapter 138: Escaping
Chapter 139: Cottagecore
Chapter 140: Level 10
Chapter 141: Trust
Chapter 142: Korea's Heartthrob
Chapter 143: Sparks

Chapter 23: District Survival Online League

123 10 0
By gold_luv

REAL WORLD

Ito ako ngayon nasa harapan ng salamin habang inaayos ang tshirt ko, kabadong kabado ako pero hindi na pwedeng mag-back out kasi nasa Line-Up na ako. Alas siete trenta na ng umaga habang alas nuebe magsisimula ang League. Nakajogging pants lang ako na itim at puting sneakers habang nakabun ang buhok ko.

Pinauna ko sina Kuya kasi sabi ko dadaanan ako sa bahay. Huminga ako ng malalim at kinuha ang backpack ko at agad na lumabas habang hawak hawak ang susi ng motor ko.

Hindi na ako naghelmet at agad na lang na umarangkada. Pagpasok ko sa bahay nakita ko sina Mama at Papa kasama ang dalawang Tita namin.

Kung minamalas ka nga naman.

Wala nang choice, nandito na ako kaya naglakad na ako palapit sakanila at bumati.

"Nak, ano yung sinabi ng Kuya mong sasalihan mo?"nakangiting tanong ni Papa, si Mama naman seryoso lang na nakatingin saakin habang ang dalawang Tita ko nagjjudge nanaman ang mukha. Pinasadahan pa nila ako ng tingin, akala ko may sasabihin nanaman sila pero himala at tumahimik. Malamang walang malalait sa suot kong itim na jogging pants, puting sneakers at puting shirt rin.

"District Survival Online League pa, ni-Line up ako nina Kuya para raw practice ako. Dumaan lang ako rito para sabihin"nakangiting sabi ko.

Agad na tumayo si Papa at inakbayan ako, sabay kaming dumulong sa labas.

"Mabuti at may gagawin ka na rin. Masaya ka ba jan?"tanong ni Papa paglabas namib, malamang kaya kami lumabas para ilayo ako sa mga judgemental.

Nakangiti akong napatango,"Yeah of course. Marami na akong naging kaibigan"

Hinalikan ako ni Papa sa noo,"Galingan mo Anak. Kahit hindi na kayo manalo basta nagenjoy ka. Magiingat ka nakamortor ka pa naman"

Nagpaalam ako kay Mama sa loob at agad na umalis dahil sabi ni Kuya padaan na sila sa may street namin.

Kasabay ng paglabas ko sa subdivision ng bahay ni Mama ay siyang pagkakita ko ng Bus na sinasakyan nila, may Principium na nakatatak kaya madaling nakikita. Bumusina ako kaya bumusina rin sila pabalik.

Pagliko namin sa mall agad na lang akong napamura sa isipan ng makita kung gaano karaming tao ang nandito habang nagsisigawan at may dalang mga flag or tarpulins. Most Girls are hear cheering their babes.

Huminto ang Bus ng Principium. Paglabas nilang lahat ay siyang pagwawala ng mga Fans nila kaya napailing na lang ako, ang mga Kuya ko naman nakasunod rin. Lumingon sa akin ang Isang Editor nila na si Ate Samsam, bumaba siya sa bus at agad akong pinuntahan.

"Bebe, ako nang bahala sa motor mo, mahihirapan kang makapasok...inaantay ka nila"sabi ni Ate sabay turo sakanila na nakatingin sa akin.

"Sige po, thankyou"aniko at bumaba sa motor. Binigyan niya ako ng Jersey at jacket kaya agad ko iyong kinuha at tumakbo sa gawi ng Bus. Dahil babae naman ang driver at puro tinted ang glass dito na ako nagpalit ng jersey at sinuot ko na rin ang jacket.

"Bye Ate! Salamat!"sabi ko, kinawayan naman ako ni Ate.

Lumabas ako sa Bus at tumakbo sa gawi nina Kuya na nagaantay parin sa akin. Agad na humawak si Chevi sa akin sa braso.

"Gago, nahihiya ako"bulong ko kay Chevi ng makita ang mga tingin na ipinupukol ng mga tao.

"Syempre. Unang League to may babae na sumama. Principium is the best!"pagmamayabang niya kaya napangiwi ako.

"Hala, sino iyan?"

"Blingbling yung UN"

"Number 30"

"Gago, sino yan?"

"Paano nakapasok?"

"Gago, nga bulag. Sub nga eh, tignan niyo yung braso ng jacket may sub!"

"First time nagksub ang Principium"

"Blingbling? Familiar yung UN"

"Gago! Kasama siya sa nakapagpatumba ng Zombie sa Singh City!"

"Ay gago! Oo siya yun!"

"Yung nakatalo kina Pine na Level 8"

"Lapitan natin mamaya. Hingi tayo information"

Iilan iyan sa mga bulungan sa paligid. Muntikan pang may humablot sa akin kaya agad akong pinaikutan ng buong Principium na dahilan ng pagsigaw ng mga babae, tinatanong kung sino raw ako.

"Ano bang meron at nalaman nilang si Blingbling ako?"tanong ko sakanila, may ibinigay na cellphone sa akin si Aexl kaya kinuha ko iyon.

Design ng Tshirt, kamukha ng suot namin.

Principium, Blingbling, District 1, #30, Sub. Yan ang mga nakalagay sa design kaya agad kong tinignan ang suot kong jacket at napangiwi na lang ng makitang ganun iyon.

"Grabeng Sub to no. May pa jacket"sabi ko at binigay kay Aexl ang cellphone.

Tumawa lang ang mga Kuya ko kaya mukhang sila ang may pasimuno.

"Walang Silent Peace?"tanong ko kay Chevi. Mukha silang mga artista na panay ang kaway sa kung saan saan.

Agad akong napamaang at hindi makapaniwalang napatawa ng may nakita akong lumipad na bra. Agad kong kinalabit si Aexl kaya napalingon siya sa akin, itinuro ko naman ang bra na saktong lumaglag sa harapan nila.

Natatawa siyang napabaling sa akin,"Were used to it"sagot niya sa'kin, agad na nanlaki ang mata ko ng pinulot iyon ni Conan, nilagyan pa nilang lahat ng pirma.

"Papirma Bling!!!"sigaw ng babaeng matinis ang boses. Mukhang siya yung may ari.

Agad iyong binigay sa akin nina Aexl habang tumatawa. Pigil ko ang pagngiwi habang hawak hawak ang bra, nang malagyan ko iyon ng pirma agad kong binalik kay Conan. Ibinato niya ang bra pabalik kaya napailing iling na lang ako.

Tinunggo ko si Chevi,"Asan na yung Silent Peace?"tanong ko ulit.

Umiling naman siya,"May laro sila sa Laguna"

Halos hindi kami makadaan sa dami ng tao pagpasok namin sa mall. Marami nanamang bandiritas at kung ano ano pang tarpulin na nakalayag na connected sa DSO ang nandito sa paligid. Grabeng District Survival Online Enthusiast naman tong mga to.

Pagpasok namin sa barricade na nasa gitna agad na akong nakaginhawa ng maluwag dahil sa wakas, hindi na kami dinidikitan at pinaghihila, well, sila lang pala.

Ayan nanaman ang malaking LED Screen at ang mga round couch sa harapan. Nanliit ang mata ko ng makita si Loki at Tita Liya na may hawak na tarpulin at may suot na head band na may mukha ko. Imbes na mainis dahil sa hiya natawa pa ako, agad silang lumapit sa amin kaya nakipagyakapan ako.

"Parang sasali lang akong Pageant ah"natatawang sabi ko. Hinalikan naman ako ni Tita sa pisnge kaya natawa ako.

"Syempre naman! Nang sinabi iyan ni Loki agad kaming gumawa nito! Ikaw lang iccheer namin kasi Una mo kaming Solid fan dahil hindi kami Liquid"natawa naman ako sa sinabi ni Tita. After nun bumalik sila sa inuupuan nila.

"Kinakabahan ako"sabi ko, natatawa naman silang napatingin sa akin.

"Hoy gago, oo nga. Nanlalamig kamay ko"sabi ko, tinabihan naman ako ni Kuya Yuri at inakbayan. Si Kuya Euriel busy sa pakikipgusap, ang Couch wala rito dahil may emergency aya sub si Kuya Euriel.

May binigay na hot pads si Kuya Eiko sa akin kaya napangiwi na lang ako,"Sabi mo, malamig kamay mo. Ayan painitin mo"

"Bobo mo!"

May naglapitang mga kalalakihan sa iibang grupo kina Aexl kaya nakipagusap sila ron habang kaming apat na magkakapatid nag ppicture. Nakasuot rin kasi sila ng mga Jacket.

"Players please enter the Camp!"

Agad na nanlamig nanaman ang mga kamay ko kaya hinawakan iyon ni Kuya Euriel na sasama sa amin sa loob.

Before we enter we all prayed. After that pinatong namin ang mga kamay namin isa isa.

"Sa taas si Euphi"sabi ni Trevon kaya inilagay ko rin sa taas ang kamay ko.

"Para sa bagong mem---"

"Sub"putol ko kaya natawa sila. Paano sila hindi matatawa kung buong lakas iyong sinigaw ni Aexl.

"Okay.. okay.... Ulit"

"Para sa bagong substitute ng Principium!"

"Para sa bagong substitute ng Principium!"sigaw rin nila kaya natawa na lang ako.

"Sino siya?!"sigaw ni Aexl.

"Si Blingbling!"sigaw nanaman nila na sinabayan bigla ng hiyawan sa labasan.

"Who are we?!"sigaw ni Aexl ulit.

"Principium with Principles!"sabay sabay naming sigaw at tinaas namin ang mga kamay namin.

"Goodluck!"bati nila. Nakipag-man hug kami sa Isa't isa at agad na dumulong.

Pagdaan namin kina Tita agad akong yumakap bago sumunod.

May iilang kalaban kaming nalalampasan na wagas makatingin sa akin.

Pumasok kami sa boothcamp naming maliit. Pagpasok namin ron bumungad sa amin ang mga game chair na medyo mahaba, yung pwedeng mahigaan.

"Ang astig!"komento ko.

"For the player to be comfortable with"sabi ni Conan ang Mage namin. Napatango tango naman ako.

Umupo muna kami sa couch dahil may sasabihin si Kuya Euriel.

"Alright alam kong nasabi ko na sainyo ang mga Rules at mga plano natin so stick to it. Kung medyo tumagilid Tayo Don't be afraid to reach for your teams kasi available naman ang chat ninyo"napatango nanaman kami.

Napatingin ako sa tarpulin ng DSO.

'DISTRICT SURVIVAL ONLINE LEAGUE THIRD GAME (FINALS)'

Nataas ko ng wala sa oras ang kamay ko para makuha ang intensyon nila,"Teka Kuya"napatingin sila sa akin.

"District Survival Online League Third Game or Finals?! So you mean, nasimulan niyo na to?"gulat kong tanong. Napatingin naman ako sa mga kasamahan kong ngumisi lang sabay iwas ng tingin.

Tinignan ko ulit si Kuya na ngumiti lang,"Well, Aidan and you have the same tactics pero medyo....umangat ka lang, that's what they said. Kaya napagplanuhan naming ikaw ang I-line up. No worries, you can do it"

"Hatdog hatdog you can do it! Pagmatalo kayo rito tangina agad"sabi ko kaya natawa sila.

"This league is for professional esports player, ni-Line up kita kasi alam kong makakasabay ka despite of your level. Atsaka tinuruan ka nh Silent Peace and even Captain Aexl, you already enhanced your new sword and practice that in the same day that you got, and you can even handle that properly without making some mistakes. Those Kids out their are boastful because of their Level, cut their stereotypes. You can be the whole definition of 'Level is nothing'. I won't put you in something that I would know you can't. You all do a practice play and you all fit in well, mas magaling pa sa kung mga kasama mo ang Silent Peace. So you can do it, just believe in your skills"mahabang sabi ni Kuya kaya napabuntong hininga ako at napatango. Ginulo niya naman ang buhok ko.

"If possible. Wag na wag niyong hahayaan ang Isa't isa. 72 kayo, if possible bring the bacon of third or second... Pero ayos lang rin if not, at least nasa finals tayo"

"For this league. Open destroyed field kayo maglalaban, no roaming around just a fast battle. Kapag nagaalangan kayo wag nang sumubok na sumulong dahil baka maging delikado tayo"

"And if possible. Hindi tayo pwedeng maunang mawalan ng player. Euphrasia"agad na minention ni Kuya ang pangalan ko kaya nakangiwi akong napatango.

"Trevon, Chevi, Conan, mataas ang mga damage niyo kaya una niyong i-execute ang mga high damage."

"Vash, you're holding a silent death so kapag nagaalangan na ang isa mag sub ka"

"If I'm not mistaken. May iilang creatures and monsters silang papalabasin, and you my baby will take that. Just move swiftly and don't let your guard down"

"I can support Bling kapag hindi na kayanin ang mga creatures. May minsan kasing bigla na lang magaatake habang pinapatay mo ang mga creatures"sabi ni Conan kaya tumango ako.

"Bawat kill mo ng monsters and creatures dumadagdag iyon sa HP and Level percents mo and even your agility, defense and damage. Kaya Euphi unahin mo sila, after a minute then join a fight"

We discussed about something hanggang sa pinatawag na ang mga players para ipakita sa unahan. Kami raw ang huli kasi malakas raw kami sabi ni Chevi.

"Huwag kang ngingiti para kunwari cool tayo"paalala nila kaya tumango na lang ako.

Kami nga ang pinakahuli kaya ito nanaman ako mukhang tangang nanginginig sa kaba.

Nang nilingon ako ni Trevon agad akong ngumiti na parang wala lang. Agad siyang tumabi sa akin at kinuha ang kamay ko.

"It's natural na kabahan ka lalo na't unang subok mo. Tulad ng sinabi ng Kuya mo, ayos lang naman na hindi tayo masama sa Finals. Yung last na dalawang laro namin palagi kaming ika-fourth"natatawang sabi niya sa akin.

"Sino ba malalakas jan?"tanong ko kay Trevon, ang init ng palad niya habang yung sakin nang lalamig.

"First is the Black Warrior, Sea Dragon then the Vampires Track. Magagaling rin ang mga Cow's Roar"aniya kaya napatango ako.

"Mind to tell me?...."

"Sa?"

"Kung bakit ka paulit ulit na kinakabahan"

"COW'S ROAAAAAAAR!"pagsigaw sa labas ay siyang pagdagundong ng malakas ring sigawan ng mga tao.

"Kasi naman pre. Kayo lahat may mga class na tapos ang aastig niyo pa kung maglaro, tignan niyo yung practice ampucha, kahit practice kinakabahan ako. Atsaka, halos yata lahat ng player rito eh level 20 up to 30 anong gagawin ng kotong lupa kong level 19?"sabi ko ng buong puso, natawa naman siya.

"Honestly, nung napanuod kitang kalabanin sina Pine gusto kitang I recommend kina Boss. Kasi naman, ngayon lang ako nakakita ng Level 8 na ganun kagaling na gumalaw"

Dahil sa paguusap namin ni Trevon medyo na ginhawaan na ako. Natatagalan ang pagpapakilala kasi nga iniisa isa ang pangalan.

"Nahihiya akong i-introduce as Blingbling ah. Bat kasi yun naisip ko"sabi ko sakanila, tinawanan nanaman nila ako at tinapik sa balikat.

"Well, Blingbling world domination"sabi ni Chevi. Kumakain nanaman si Chevi ng gummy worms.

"BLACK WARRIOOOOR!!!"

Agad akong napagilid ng may mga lalaking nagsulputan sa likod namin, bahagya pa akong nagulat ng makitang tinignan nila ako isa isa na para bang tinatansya kung sino ako. Agad akong inakbayan ni Chevi, ang kumag nakatingkayad pa kasi medyo mas mataas ako sakanila.

"Ganyan talaga sila. Pagmay bagong mukha silang nakikita agad nilang tinitignan isa isa na para bang agad nilang malalaman kung mahina or malakas"sabi ni Chevi.

"Eh gago paano yun?"takang tanong ko. Ano sila, kapalaran?

"Kapag bigla ka nilang nilait like 'umuwi ka na bata' alam nilang mahina ka. Good thing they didn't say anything so means, malakas ka sa paningin nila"nakangiting sabi ni Vash.

"Astig rin. Mga Horoscope yata, matanong nga kung kailan ako magkakajowa"sabi ko, tumawa si Chevi habang yung apat nagkatinginan.

"PRINCIPIUUUUUUM!!!"

Nang isigaw iyon mas lalo pang lumakas ang sigawan kaya Amen Mahabagin sa amin.

Ang linya namin. Chevi, Trevon, Arius, Ako, Conan at si Vash.

Paglakad namin pataas ay siyang paglakas pa ng sigawan, napatingin ako kona Loki at Tita nakikisigaw rin. Ngumiti ako at kumaway.

"INTRODUCTION!"

"INTRODUCTION!"

"INTRODUCTION!"

"INTRODUCTION!"

"Oh patay tayo jan. Kailangan mong i-introduce ang sarili mo Euphi"sabi ni Arius na nasa gilid ko.

"Yakang yaka"sagot ko sakanila. Wala na, wala na akong hiya, kingamang yan. Nang makita ko kasi sina Loki at Tita hindi na ako kinabahan.

"Wow! It's the first time na may sumaling babae! At sa Principium pa!"sabi nung Host, ang iilang player na nakatayo katabi or sa likod namin napatingin sa akin.

Nilapitan ako ng Host at binigyan ng mic,"Ay bongga! Ang ganda mo sis! So please introduce your self kasi maraming nawawarla kung paano nagkaroon ng babaeng player sa Principium."

"Hi"bati ko pa lang pero agad na silang nagingay, most boys.

"Okay! Shutup muna mga chong! Alam nating maganda pero mas maganda ako!"sabi ng host, natawa naman ang lahat dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa mga Kuya ko na kasama ang mga Principium, nakaupo sila sa pabilog na couch, ngumiti sila sabay thumbs up kaya ngumiti ako pabalik.

"I'm Bling---"

"Facebook!!!"sigawan nila kaya naputol ang sasabihin ko.

Napailing naman ako,"I'm Euphrasia Yesenia Kristopher or Blingbling po sa game. Taga-District 1 po ako and currently working about leveling up to get my class"I don't know what's with them, they keep shouting, lol

"Anong level ka na ba girl?"

"Level 19 pa lang po"I answered. Napatingin ang lalaking moreno sa akin, pagtingin ko sa jacket niya napamura na lang ako ng makitang si Pine iyon. Infairness pogi

"Wew, so sa tingin mo kaya mong lumaban sa mga level 23 up?"nakangiting tanong niya.

"Let's see"tanging sagot ko.

"Baka naman raw Leakage ng Singh City"sabi ng Host. Napatingin ako kay Kuya na umiiling.

Alam ko na bakit siya umiiling. Kasi baka kapag sinabi ko yung Singh City kung saan tanungin ang nga kasamahan ko, eh Silent Peace iyon, baka masabihan pa akong spy sa grupo eh.

Bahagya akong natawa,"Our Manager says siya na lang raw mag l-leak"sagot ko kaya nagsireklamo sila.

After that pumunta kami sa boothcamp for all para kumain ng tanghalian kasi 1 pm pa raw magsisimula ang laro.

Tahimik lang akong kumakain katabi si Chevi ng biglang may tumabi rin sa akin. Paglingon ko agad kong naibalik ang tingin ko sa pagkain ng makitang si Pine iyon.

Rinig ko pa ang pagtawa niya."Is that how you treat some players who wanted to be friend?"

Napalingon na ako sakanya,"A-ah Sorry."

"Here in boothcamp, it doesn't matter kung anong team ka, we are all friends here. I'm Herwth"nilahad niya ang kamay niya kaya agad kong pinunasan ang kamay ko at nakipagkamay.

"Euphrasia Yesenia"

Sa buong lunch namin marami akong nakilala at nakausap, mababait naman pala baka stage play lang talaga nila ang pagiging seryoso.

+

Pagbalik sa boothcamp naming mga Principium naupo muna ako sa couch para magrelax, may Limang minuto pa bago magsimula.

Pumasok si Loki kasama sina Kuya at Aexl kaya agad akong tumayo at pumunta sa kaibigan ko.

"Girl kapag famous ka na punta tayo Sokor"sabi niya kaya agad ko siyang hinampas sa pwet. Lumapit naman sakin si Aexl at nakipagapir apir.

"Relax your mind as your body. Mahalagang i relax mo yung utak habang naglalaro kasi main part iyon, and sa controller mo kang magmamadali sa pagkontrol. Tignan mo muna kung may kalaban or kung ano man sa paligid"napatango tango ako sa sinabi sa akin ni Aexl.

"Alright, gear up team"sabi ni Kuya kaya agad kaming pumunta sa mga game chair namin.

The game chair is so comfy.

"Ayos na kayo? Make your self comfortable para maayos kayong makapaglaro"

"Euphrasia"tawag nina Kuya.

"Oh?"

Lumapit sila sa akin at isa isa akong hinalikan sa pisnge kaya napasimangot na lang ako. Akala yata nila baby ako eh. Ina nila

"Goodluck, sa labas na kami"

"Go sis!!!! Mag ccheer kami sa labas!"

Continue Reading

You'll Also Like

4 0 2
What I would do with the next Star Wars trilogy
82 3 12
In a galaxy far far away... well not really that far away, where still in Milky Way After all but yeah the assholes do came from a far far away galaxy
20 2 7
Naomi Carter is a student in starford high school. Final exams are just around the corner, but what happens if mathematics is the enemy. What if ther...
55 7 60
A chairman who shares his great grandfather's dream of helping moon colonists finds himself on a mission to surpass this vision. Whenever the chairma...