GAME WORLD
Here am I at the Mt. Beam, pupuntahan ko sana ulit yung Blue Wolf kasi kakalevel 7 ko lang kaninang tanghali. Kwento sakin ni Chester, madaling makakapaglevel raw hanggang 20 pero kapag 20 ka na dun na raw ang difficulty na mahirap magpalevel up.
Hinanda ko ang Agincourt sword ko habang nakatingin sa warlock na nang hahamon ng away.
{District 13}
Trickster
[Level:24]
Mage
"Ano bang kailangan mo?"tanong ko dahil kanina niya pa ako hinaharangan
Ngumisi ngisi siya sabay nagyayabang na inayos ang cape niya na akala mo talaga ikinagwapo niya.
"Wala lang. May ipagpractisan sana ng invocation...like the prestidigitation"nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano 'yon pero halatang nakakamatay.
Nabigla na lang ako ng may naglabasang mga symbol sa paligid hanggang sa bigla na lang naging ashes iyon, afterwards a fire occured in circular motion. The Warlock named Trickster walked straight while smirking as he hold on to his ring sword, nababalutan pa iyon ng apoy kaya mukhang lugi ako.
I take a deep breath.
Fire Sword
Nabalutan ng apoy ang espada ko pero mukhang wala lang iyon sakanya.
"Wow, may apoy rin"natatawang sabi niya. Napairap naman ako sa ere.
Dehadong dehado ako ngayon, imagine level 7 laban sa Level 24, amen mahabagin na lang sa akin.
"Obviously"sagot ko. Ang hawak niyang ring sword naging tatlo. Bigla niyang inirealese ang tatlo kaya agad akong tumalon para maiwasan ang isa sabay galaw ng espada ko para masangga ang isa.
Paglapag ko sa lupa agad akong nagbent para hindi matamaan. Kasabay ng pagayos ko ng luhod ay siyang paglagay niya ng Devil's Fork sa leeg ko.
"Perfect"aniya. Naginit ang ulo ko dahil isang yuko ko lang tatarak to sa baba ko at dibdiban.
Dahan dahan na bumababa ang HP ko kaya lalo akong tumingin sa taas.
Tumayo ako habang nakaangat parin ang ulo ko. Hindi ko to matanggal tanggal kasi wala akong medieval key para iunlock tong tinidor ng demonyo, halos puro mga Warlock pa lang raw ang meron nun sabi ni Sauda.
Napatingin ako sakanya na prente lang na nakaupo. Ngumisi muna ako at kinuha ang libro sa inventory ko.
"Kahit anong paggamit mo ng invocation kung may libro ang kalaban mo wala ka parin"I smirked and opened the book that caught him off guard. Once na makapasok siya mapapasakin lahat ng item niya.
"Oh fuck!"bulalas niya kaya agad kong hinarap sakanya ang libro. Unti unti siyang nabalutan ng puting usok at umangat sa ere.
"Babalikan kita! Tangina mo sist!"sigaw niya kasabay nun ay ang pagpasok niya sa libro, nagsibagsakan ang mga item niya at nakuha na ang apoy sa paligid. Una kong nilapitan ang medieval key habang nakatingin parin sa ibabaw. Kasabay ng pagkawala ng Devil's Fork ay ang pagbiglang sulpot ni Donovan.
"Hi crush"inirapan ko na lang siya at nilagay lahat ng nakuha ko sa inventory ko.
"Itong crush ko napakasnobber"mukhang gago tong Hell Hound na to, nung isang araw pa panay ang pagtawag sa akin na crush niya raw ako.
"Gusto mong kaltukan kita?"tanong ko at sumakay sa kabayo dahil plano namin nina Chester at Chaos na hanapin ang Mysterious Island na nasa information raw ng DSO pero wala paring nakakakita kung saan.
"Hindi. Dapat nga matuwa ka pa kasi may nagccrush sayo eh"sabi niya habang nakikisabay sa bilis ng kabayo ko.
DSO CHAT (PRIVATE)
Chaos:
Asan ka na?
Chester:
Antagal mo yakult!
Rocco:
Antagal
Demon Blood:
Kailan pa beh?
Dahil panay na ang pagcchat nila sa GC namin at masyado nang madaldal si Donovan agad kong ginamit ang sprint ni Tingting kaya halos liparin ang sambayanang bulate ko.
Mabilisan akong nagbrake mismo sa harap nila, malakas akong napatawa ng sabay sabay silang natumba.
"Kahit kailan"naiiling nilang sabi kaya natawa ako.
"Pabibo tong si Yakult, nagkaroon lang sprint si Tingting eh"nakasimangot na sabi ni Chester pero ang kumag sumakay sa likod ni Tingting.
Sumakay na sina Chaos, Rocco, Demon Blood, Hendrickson at Terra3 sa mga kabayo nila. Ang aastig ng mga kumag na to kahit level 7 lang ako at level 20 up sila friends parin kami.
"Ano bang meron sa Mysterious Island?"I asked them.
"Rare items na unidentified. The information said na a quadruple cerberus was there.... If we'll able to discover it may chance na tayo ang kaunaunahang bibigyan ng crest ng DSO programmers and even their founders"sagot ni Terra3
"San mo 'yan nalaman?"Chester asked, prenteng prente lang talaga siya nakaupo sa likod, pagpinabilis ko tong kabayo matatanggal ulo niya eh, haha.
"My sister is their graphic designer"
"Woaaaaah!"they all reacted.
"Edi alam mo lahat?!"
"Idiot. Hindi malamang"
We roamed around the Mt. Beam but we found nothing kaya bumalik na rin na lang kami. Naghiwahiwalay na kami, magkasama kami nina Chaos at Chester, si Chester nakasakay sa likod ko na parang buong buhay niya nagiging tamad, tamadest to tamadder na siya.
Pumunta kami sa Plaza ng District 1 at nagsilaro ng kung ano ano mang palaro.
"Euphiiiii! Aalis tayo!"sigaw ni Kuya Eiko sa baba. Malamang kakarating lang nila.
"Hoy, mauna na ako may pupuntahan kami"paalam ko ng matapos kaming magwaldas ng pera na hindi man lang kami nakakuha ng kung ano.
Nakanguso habang may naglalakihang mata na tumingin sa akin si Chester.
"Ayaw mo lang sumama sa Auditorium of Illegality eh"
Agad ko siyang binatukan,"Tanga, aalis nga kami. Mamatay man si Chaos"binatukan rin ako pabalik ni Chaos kaya tunawa kaming dalawa ni Chester.
"Kayong dalawa gagawin ko kayong roasted potatoes"
"Mukha ka ngang uling eh"bulong ni Chester napatawa naman ako. Sinamaan niya kaming dalawa ng tingin kaya agad akong naglog out.
REAL WORLD
Tinanggal ko ang nerve gear at agad na tumayo.
Pumasok si Kuya Eiko sa kwarto ko at agad na namewang.
"Kumain ka ba?"
"Oo, kaninang tanghali tapos naglaro ulit ako tapos ngayong alas sais natigil ako kasi pabibo kayo"
"Kuyaaaaaaaa pabibooooo raw tayoooooooo"mahabang sigaw niya na parang bata kaya napatabon agad ako sa tenga habang napangiwi na lang.
Pumasok sina Kuya Yuri at Kuya Euriel.
"Aano nanaman kayo rito?"
"Pahiram blower"
"Pahinge sanitizer"
Lalo pa akong napasimangot dahil sakanila. Pagbaling ko kay Kuya Eiko agad ko siyang tinawanan kasi hindi siya pinansin nina Kuya.
"Magayos ka na ron, ako na magbblower sayo, napakakupad mo"utos ni Kuya Euriel, si Kuya Yuri naman pinaggagalaw na ang nga gamit ko, malamang hindi naman mahanap. Si Kuya Eiko agad na pinakialaman ang cellphone ko kaya napairap na lang ako bago pumasok sa banyo.
Nakarobe lang akong lumabas, pero syempre nakasuot na ako ng bra at panty no.
"Bilisan mo namang kumilos. Matutusta nanaman tayo ng bitchesa ron"si Kuya Eiko bihis na bihis nanaman, well sila namang tatlo bihis na bihis.
"Pakialam ko sakanila"sagot ko at naupo sa may carpet, si Kuya Euriel naman pumwesto agad sa likuran ko at blinower ang buhok ko.
"Magpagupit ka, hindi ka si Tarpunzel"
Sabay sabay kaming napalingon kay Kuya Euriel.
"Tarpunzel?"we all asked in unison, almost laughing.
He nodded without giving any emotions. Napabulalas na lang kaming tatlo sa tawa kaya agad na nagsalubong ang kilay ni Kuya Euriel habang patuloy parin sa pagblower.
"What? The girl with long blonde hair, living in a tower with her mother witch which turned out that she's the long lost princess."Kuya Euriel explained kaya lalo pa kaming napatawa.
"Oh sino nga ulit?"natatawang tanong ni Kuya Yuri. Si Kuya Eiko mukhang tangang tumatawa habang hinahampas hampas ang kama.
"Tarpunzel! This idiots, no need to mention it twice but because you're all idiots I need to repeat!"inis na sabi ni Dakterrrrrr namin. Natawa nanaman ako, idiot raw kami eh mas idiot siya.
Tarpunzel in daaaah hawssss!!
"Tanga, Sapunzel iyon!"Kuya Eiko corrected him, laughing. Natawa na rin lang ako, isa pang bobo.
Sapunzel innnnn daaah hawsss!
Dahil sa Sapunzel at Tarpunzel nila ito sila nagbabangayan nanaman.
"No, It's Tarpunzel!"Kuya Euriel exclaimed. Tumayo ako dahil tuyo na ang buhok ko.
"No, It's Sapunzel Kuya!"Kuya Eiko answered back. Si Kuya Yuri, napailing na lang, malamang bobong bobo siya sa dalawa. Si Kuya Yuri palagi ang kasama ko s a panunuod ng nga Disney Movies kaya alam niya kung gaano ka bobo ang dalawa.
Dahil panay ang pagbabangayan nila tungkol sa Tarpunzel at Sapunzel pumasok na lang ako sa walk in closet ko at nagbihis.
I went out wearing a green v-neck lace bell sleeve tee at highwasted white fitted jeans at open stiletto na may konting heels, ayaw ko namang mapagusapan ng mga Tiyahin kong mga single na wagas makapanglait dahil sobrang successful.
Hanggang sa makarating kami sa sasakyan hindi parin sila tapos sa kabobohan nila. Pumasok kami sa bahay nina Mama at Papa at natagpuan ang tatlo naming tiyahin na laitera, ang anim naming tito at tita na medyo maattitude at ang mga pinsan naming successful na wagad makapagbigay sa akin ng pera, wala eh ako ang pinakabunso sa mother side, mababait mga pinsan ko, grade conscious lang at galante pero mga magulang mga maldita.
Napayuko na lang ako at kumapit sa braso ni Kuya Eiko. Agad kaming nilapitan nina Mama at Papa, we gave them a kiss, lumapit naman kami sa mga Tito at Tita namin para bumati. May nakita na akong cordon bleu at shanghai sa mesa kaya target reach na.
We all went to the kitchen para sabay sabay na kumain. Itong kinabbwisitan ko sa Pamilya ni Mama eh, kapag family dinner kailangan nakaformal, tapos mga pinaguusapan nila puro Medical Term, Law Term and even engineering term. Hindi naman dapat ako Engineering kaso pinilit kaya ayown walang magawa.
It's really hard to deal and say you're okay to the things that you never like, I don't know, oo magaling ako sa math pero hindi ko nakikita ang sarili ko bilang Engineer, pagiging Piloto siguro ayos pa.
I hope, I can do whatever I wanted without their permission and opinions. Kung hi-hindi ka kasi agad nilang sinasabi na 'gawin mo, kami ang nagpapaaral sayo', wala lang, nakakasakal lang. To the point na kahit nawawalan ka ng gana kailangan mo paring ipagpatuloy kasi ayaw mong masabihan nang kung anong masasamang salita.