REAL WORLD
"Labs, kailan pasok mo?"tanong ni Kuya Eiko habang kumakain kami ng meryenda sa may pool are. Sina Kuya Yuri at Kuya Euriel nagbabasa nanaman ng libro.
"Wala na"sagot ko habang nagcchat kay Loki.
"Anong wala na?!"napatingin naman ako kay Kuya Eiko na OA makapag react.
Nagsalubong agad ang kilay ko,"Bakit? Anong gusto mo? Mag fourth year ulit ako?"
"Gago! Sabi mo Summer break!"
"Ganun na rin 'yon! Summer break everyday! Mag boboard exam ako next week"sabi ko, binaba agad nina Kuya Euriel at Kuya Yuri ang mga libro nila.
"Did you study?"both of them asked.
"Of course I did! I'm just unwinding! Nawarla na ako, straight isang buwan akong nagreview tapos ngayon five times a week every two hours! Naglalaro ako pero hindi ko nakakalimutang magreview!"I told them habang umaaksyon pa.
"Talaga lang ha. Alam mo naman ang mga Tiyahin natin mga so called rich and intelligent kaya ganiyan na lang makapagwarla kung may bagsak ka"napatango naman ako sa sinabi ni Kuya Yuri.
"Kailan graduation?"sabay sabay kaming napatingin kay Kuya Eiko.
"Tanga, tapos na. Nasa Korea kayong tatlo"I replied and shrugged.
"Bat ka nga pina advance ng Norte?"
"She's correcting her Professors then sa inis ng Professors siya na ang pinapaturo sa unahan na madaling nakukuha ng mga kaklase niya kaya maraming nagrereklamong Teacher at panay ang pagtatawag sa buong pamilya natin. She even cause a fight with her teacher dahil sa pagsosolve ng math, eh nanalo siya kaya ayun nagresign ang Professor."sagot ni Kuya Euriel, napatango tango naman ako dahil totoo ang sinasabi niya. Dapat kasi! Ituro ang easy way kung paano iyon makuha hindi iyong kung saan dimensions pa mapupunta bago makuha ang answer.
"At the age of thirteen eh pinamove siya sa grade 10, dapat grade 7 lang eh hindi kinaya ng Professor ang pagsagot niya kaya ayun. Her grades never went down from 99. Highschool nga ako 77 grade ko"sabi ni Kuya Yuri, kaya bahagya akong natawa.
"Do you need us to escort you and fetch?"Kuya Euriel asked. I shook my head.
"Magkasama kami ni Loki gagala kaming bagiuo"sabi ko. Not sure kung tutuloy talaga.
"Bakit? Papayag ba kami?"sabay sabay nilang tanong kaya napairap na lang ako sa ere. Kahit hindi sila pumayag tatakas ako.
"It's okay kung hindi mo maipasa ang importante may natutunan ka...."
"Anong matutunan sa bagsak?"takang tanong ni Kuya Eiko.
"Na hindi lahat ng pagkakataon sa isang beses mo lang iyan makukuha. Wait for your time. Your life isn't depending on your grade, Life is depending on your happiness, contention, acceptance and the thinking of a wise person that not all the time the things you wanted to achieve will be got by once, face trials until you learn and you succeed"Kuya Euriel told me. Nakipagfist bump ako.
"Amen Mahabagin!"sabay na sabi ni Kuya Eiko at Kuya Yuri.
GAME WORLD
As I reached the woman who's in Mid 50' na mananahi agad siyang ngumiti at kumaway kaya ngumiti rin ako at lumapit. Kahit NPC ito it feels do real parin.
"Hello!"
"Magandang Umaga! Blingbling! May ibibigay akong misyon para sa coat na aking gagawin"sabi niya at may binigay na papel kaya kinuha ko iyon at napatango.
Apat na araw na akong naglalaro at level 5 pa lang ako, tinatamad akong magquest eh. Panay lang ang ikot ko sa District One sabay shopping na akala mo Milyonaryo, sinong hindi magsshopping eh kung yung binigay ni Sephtis na bag eh puno ng gold coins tapos 500,000 thousand pa. Ang ginawa ko, bumili ako ng damit tapos kabayo, yung iilang pera tinago ko muna dahil baka maubos dahil napakagastos ko.
I'm wearing a chain strap na hapit na hapit sa dibdib, crop top pa tapos Isang split tape side skirt na may chain at isang boots na hanggang sa tuhod ko, bumili rin ako ng espada worth 200,000, lol. It's called Agincourt sword, ang cool!
I went out from the gate habang binabasa ko ang nakalagay sa papel.
'3 wolves fang'
'5 wolves ear'
'2 wolves tail'
Note: can be found at Mt.Beam
"Ay bongga naman"nasabi ko na lang at lumabas sa may gate. Yung mga abilities ko ganern parin walang pinagbago, lol.
I went to my Horse, pangalan niya si 'Ting Ting' color gray, Ting Ting pangalan niya kasi bagay sa Bling Bling, wala lang couple name.
Pagsakay ko agad na kaming umarangkada, kalma lang kaming naglalakad dahil trip ko lang, ako yung amo eh kaya dapat ako ang sundin pero tangina ng kabayo ko dahil ang bilis tumakbo akala niya yata siya amo sa aming dalawa.
Sina Chaos at Chester hindi ko nanaman mahagip, malamang busy sa paglelevel up, may plano kasi ang dalawa iyon na sumali sa DSO Tournament na straight 14 days but different person's naman. Exited na nga akong manuod eh.
Paglagpas namin sa tulay agad na may naglabasang mga wild boar kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng kabayo. Dahil mukhang kami talaga ang target, hinugot ko ang espada ko sa bewang at agad na sinaksak ang mga nagsusubok na kagatin si Ting Ting.
"Mukhang kailangan na kitang bilhan ng armour suit Ting. Punta tayo sa Masonry"I stated at agad na nag'Hiya' kaya lalo pa siyang bumilis.
Kakaiba tong mga wild boar dahil tumatalon talon pa. I keep slicing their heads kaya dumadagdag ang HP ng damage at agility ko. Iilang segundo pa ng maubos sila bigla na lang may lumabas na gorilla sabay habol sa amin.
"Girl! Kingina! Level 5 pa lang ako! Bilisan mo!"
Gorilla
[Level:20]
Wild/Aggressive
Biglang sinuntok ng Gorilla ang pwetan ni Ting kaya halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa pagpigil ng tawa. Mukhang nagalit ang kabayo ko dahil maattitude to kaya sinipa niya pabalik. Malakas akong napatawa at hininto ang kabayo ng bigla na lang nahimatay ang gorilla.
Paghinto ni Ting agad akong bumaba at nilapitan ang gorilla. Dahil mukhang magigising pa sinaksak ko na lang sa dibdiban.
'you received 20,000 gold coins'
'you received gold sprint horse shoe [rare]'
'you received a bag full of fruits'
'you received a ancient red dragon ring [rare]'
Napatili ako dahil sa daming nakuha, si Ting naman agad na umupo sa tabi ko kaya binigay ko sakanya ang prutas kaya agad niyang nilantakan iyon. Pinagkukuha ko ang nga item at nilagay sa inventory ko. Nang matapos kumain si Ting agad kaming umarangkada ulit.
As we passed through the Forest agad na napalusong si Ting sa may ilog, pagkalampas namin sa ilog ay siyang pagpasok muli namin sa cave.
As soon as we went out, a long passage with full of rock welcomed us.
"Kaya Ting?"I asked my horse. Medyo malayo kasi.
Hindi siya sumagot kasi hindi naman talaga ganun.
Dahil nga nakakabayo ako, after five minutes narating na rin namin ang tuktok. Itinali ko muna si Tingting bago maghanap ng mga lobo.
May iilang mga taga ibang District rin rito, mukhang same Quest.
"Hoy Pulubi!"
"Hoy Yakult!"
Napatingin naman ako sa sumigaw ng mga pinabansag sa akin nina Chester at Chaos. Agad akong tumakbo palapit ng makitang sina Chaos at Chester iyon kasama sina Rocco, Demon Blood, Hendrickson at Terra3. Halos mga lalaki ang mga kaibigan ko dahil napakasnobber ng mga babae, makikipagkaibigan nga lang sana ako dati kaso bigla ba naman akong sinaksak kaya ayun natagpuan ko sarili ko sa Chapel.
Chester
[Level:21]
Chaos
[Level:26]
Rocco
[Level:22]
Demon Blood
[Level:19]
Hendrickson
[Level:18]
Terra3
[Level:21]
"Naks! Ang tataas ng level ah!"sabi ko ka agad at nakipagapir sakanila.
"Sino ba tong tinatamad magpalevel?"tanong ni Rocco habang nakangisi.
"Gagi! Syempre ako!"proud kong sabi kaya napailing sila.
"Nung naglevel four tinamad magquest si Yakult kasi mas gustong sumakay sa kabayo mukhang tanga"sabi ni Chester. Panay ang tawag niya sakin ng yakult kasi raw ang liit ko.
"Kingina mo, malamang ang astig kaya"sabi ko. Sa nagdaang araw na paglalaro ko close na close na kami, yung tipong close na kahit taga ibang District ang iba sa amin eh friends kami.
"Wolves rin ba quest niyo?"tanong ni Demon Blood kaya napatango kami.
"Party Quest tayo para mas madaling makaattract ng mga lobo"suggest ni Hendrickson so we all nodded in agreement.
Hendrickson is inviting you to a party quest.
Yes No
I pressed Yes of course.
It's a Party Quest Baby!"