GAME WORLD
Nandito kami nina Chaos at Chester sa coffee shop sa may market. Ewan ko nga sa dalawa at inaya ako, ayos lang naman sakin dahil komportable ako sakanila.
"Alam mo bang wala kang mata"sabi ni Chester habang nakatingin sa akin. Binigyan niya naman ako ng cake.
Nagsalubong ang kilay ko,"Ano?"
May pinili kaya akong mata kanina, hatdog tong dalawang to.
"Your eyes are all white. You can have your eyes if you can finish the first three errands"paliwanag ni Chaos kaya napatango ako.
Pagkatapos naming kumain sa may coffee shop we parted our ways, pumunta ako sa may garden na itinuro ni Chaos habang silang dalawa dumulong sa may bahay suntukan kung tawag nila, dun raw kasi palaging may illegal duel. They also told me na three weeks na silang naglalaro.
Kakapasok ko pa lang sa may garden ng may nakita na akong kumikinang sa may mga bush. Nilapitan ko 'yon at agad na kinuha.
Tinitigan ko naman 'yon, isang kutsilyo.
'you received a knife. Go kill some ten wild rabbits and bring their heads in the black market located at the bloody ocean!'
Yan ang biglang lumabas sa unahan ko kaya pinindot ko 'yon at nawala na lang bigla. Naglakad ako at nagpalingalinga. Roses, tulips, daisy and sunflower was seen, may malaking grass field rin, good thing hindi na puro ginto.
Payapa lang akong naglalakad ng may sumampa sa ulo ko. Sinubukan kong gumalaw pero napakahinay ko. Halos iilang segundo pa ang lumipas bago ko masaksak ang rabbit na nasa ulo ko, nabigla na lang ako ng bigla iyong mag wild at kinagat ang buhok ko.
'go kill wild rabbits (0/10) ang bring their heads at the black market'
Ganito pala 'yon, kung kailan mo sila sasaktan dun lang sila magwwild.
Panay ang saksak ko hanggang sa mapatay na iyon, biglang may lumabas na basket kaya kinuha ko 'yon, pinutol ko ang ulo ng rabbit at inilagay sa loob.
Naglakad na muli ako, naiinis ako sa sarili ko kasi ang bagal kong maglakad. Napapatingin naman ako sa ibang players na mabilisan kung gumalaw. Awit kasi, kung nung last day of the month siguro ako nagsimula mataas na rin ang level ko tapos mabilis akong maglakad.
Halos iilang oras na ang nakakalipas pero tatlo pa lang ang napapatay ko.
May nakita akong nagkukumpulang mga kuneho kaya ang ginawa ko kumuha ako ng bato sabay tapon sakanila. Napabaling sila sa akon habang may naglilisikang kulay pulang mata. Sabay sabay silang tumakbo sa gawi ko kaya hinanda ko ang sarili ko, pagtalon nila agad kong winasiwas ang kutsilyo, nagkaroon sila ng hiwa sa leeg-an pero hindi iyon sapat para mamatay ang anim na kuneho na to.
Dumamba sila sa akin kaya napahiga ako sa lupa. Panay ang kalmot nila kaya panay rin ang saksak ko. Hindi ako magpapatalo! Hoy! Pinoy ako! charing.
Nang biglang magkalahati ang HP ko agad ko silang pinagtutulak kahit napakakupad ko, pagkaalis nila sa ibabaw ko agad ko silang hiniwaan muli. Sabay sabay naman silang nawalan ng hininga at napahiga sa lupa kaya agad kong pinutol ang mga ulo nila at nilagay sa basket ko, Isa na lang tapos na agad ako.
Naglakad ako papasok sa bush maze, dahil tanga ako hindi ko na alam ang daan palabas. Dumeretso na lang ako habang hawak hawak ang basket.
Kasabay ng pagliko ko ay siyang pagkagulat ko ng makakita ng kunehong pagkalaki laki habang may hawak na mga players. Pinaliit ko ang mata ko, bahagyang lumaki ang mata ko ng makitang si Chester iyon at isang lalaki na hindi ko kilala. I was stunt when the huge rabbit pull their heads.
Mabubuhay naman 'yan sila kasi laro lang naman 'yon.
Tumalikod na ako dahil ayaw kong maputulan ng ulo. Akmang maglalakad ako ng maramdaman kong parang may iba sa likod ko.
Dahan dahan naman akong lumingon at napapikit na lang ng nakataas na ang kamay ng rabbit na pakalmot sa akin.
Unti unti akong nagmulat, nanlaki ang mata ko ng makita ang isang notice.
'CONGRATULATIONS! Level 2!'
Hala gago, paano iyon?
Akmang kakalmutin niya ako ng umiwas ako, napatili na lang ako ng unti unti na akong bumili, napatingin naman ako sa uluhan ko. Tumataas ang Agility ko habang ang Defense ko ganun rin. This is so fuckinggggg coooool!
"Kalmutin mo ko beybeh!"I stated happily and dance like a worm.
Nang kumalahate ang bar ko agad kong inayos ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Tumakbo ako sa gawi noya at Basta basta ko na lang itinarak iyon sa tiyan ng kuneho kaya lalong nanlisik ang mata niya.
Hinugot ko ang kutsilyo at tinarak sa bandang dibdiban niya kaya agad na siyang natumba. Napatili ako ng may maglabasang mga items.
'you received 365 gold coins'
'you received a ancient dragon dagger [rare]'
'you received a book of gilgamesh [rare'
Pinagkukuha ko ang mga iyon sabay putol sa ulo ng rabbit. Naglakad ako palayo at dumeretso sa may market sa may tindahan para bumili ng damit.
"Ate magkano to?"tanong ko habang nakaturo sa itim na jacket.
"236 iha"sagot ng NPC.
I purchased it and walked towards the Hall. Nakasalubong ko si Chaos at Chester nanaman.
"Aa black market ka na?"tanong ni Chaos kaya napatango ako.
"Gagi! Napatay mo 'yung rabbit?!"naglalakihang tanong ni Chester habang nakapamewang.
Unti unti akong napatango. OA siyang nagreact, lumuhod siya sabay sigaw ng,"Why?! Why?! Delilah?!"
Kinaltukan siya ni Chaos kaya agad siyang napatayo.
"Kayong dalawa lang ang nakapatay ron! Alam mo ba yon!"
Umiling ako,"Hindi. Malay ko ba"
Napasimangot naman siya.
"Lumabas ka lang sa gate. May mga kabayo jan na pwedeng sakyan. Pagrating mo sa black market, dumeretso ka sa pulang tindahan, dun ang bentahan. Isang ulo ng kuneho, Sampong piso kapag malaki naman ang ulo sampong daan. Wag kang magpapauto"napatango naman ako. Napakauseful nitong si Chaos andaming alam.
Naglakad na nga rin ako habang dala dala ang basket na may malaking ulo ng kuneho tapos may mga maliliit rin. Paglabas ko sa gate ng District one, bumungad sa akin ang forest sa paligid habang may tulay na gamit sa ginto.
May mga kabayo sa paligid kaya agad akong pumunta ron. Lumapit ako sa kulay puting kabayo kasabay non ay ang pag-bahing niya kaya agad akong napalayo at pumunta sa ibang kabayo pero sinipa lang ako. VR man to pero ramdam ko ang sakit, pisting yawa yan.
"You look dumb"
Napatingin ako sa nagsalita, Isang babae na straight ang bubok na hanggang balikat na kulay Ash Cyan at may Hazel eyes. Ang ganda niya, pakshettt, pero mukhang hindi taga District 1.
Pagtingin ko sa uluhan niya dun ko nakita ang level niya.
Morana
[Level: 7]
"A-ah W-what?"