Loving the Half Moon (Forment...

De mughriyah

393K 4.7K 532

TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depr... Mais

Loving the Half Moon
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 4

7.4K 144 10
De mughriyah

Tyler was now wearing a plain white t-shirt, black leather jacket, black ripped jeans and white sneakers. Magulo ang curtain haircut niya na korean style pero hindi 'yon naging dahilan para pumangit siya dahil mas lalo siyang gumwapo sa magulo niyang buhok.

Ang ganda talaga ng mata niya.

"Anong meron? Ba't pumayag kang manlibre?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Chance. Tumunganga lang ako kay Tyler dahil hinihintay ko ang sagot niya.

"Syempre!" Napatingin ako kay Chance. "Syempre madamot ka, Selene. Si Tyler, hindi. Okay ka na?"

Tumaas ang nguso ko at ngumiti kay Tyler. Inaamin kong patay gutom ako at kung palagi akong ililibre ni Tyler, hindi ko na siya aawayin.

"What's with the smile?" tanong niya.

Kumuha ako sa balat ng manok ko at inilahad sa kanya. "Peace offering hehe. Sorry kung sinusungitan kita," nakangiting sambit ko.

Tumawa nang malakas si Chance. Sarkastiko. "Hoy, Selene! Never mo 'ko binigyan ng balat ng manok!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakangiti kay Tyler. "Manahimik ka r'yan. Gravy lang ang mabibigay ko sa'yo," nakangiting sambit ko.

"Tss! May favoritism!"

Mahinang tumawa si Tyler at kinuha ang balat ng manok saka kinain. "Bait mo naman, baka pwedeng isang balat pa?"

"E kung balatan kita?" nakangiting tanong ko.

Tumawa ulit si Chance. Tawa na lang ang mai-aambag niya sa mundong 'to.

"Tama na, baka mapunta 'yan sa bardagulan," ani Chance at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pagtapos naming kumain ay alam kong wala na talaga akong sakit. Nasa kotse na ako at tama lang ang pagpapaandar ni Tyler ng kotse niya. Napatingin ako sa gilid ng bintana sa labas dahil may nagtitinda ng kwek-kwek. Mas lalo akong natakam dahil may mga pipino. Shit.

I chuckled. Natatakam talaga ako sa kwek-kwek. Kahit busog na ako ay natatakam pa rin ako. Hinabol ko ng tingin ang nagtitinda.

Napanguso ako. Gusto ko ng kwek-kwek.

"Aray!" sigaw ko dahil tumama ang noo ko sa likod ng upuan ni Tyler dahil biglang tumigil ang kotse.

"Ba't tumigil ka?!"

"Ayos ka lang, pre?" tanong ni Chance.

"Oo, ayos la—"

"Hindi ikaw, Selene. Si Tyler 'yung tinatanong ko. Ayos ka lang, pre?"

Tinignan ko nang masama si Chance at gusto ko na siyang hambalusin. Ayos naman si Tyler, e! He should've asked me!

Sumandal ako at humalukipkip. Nakita kong tumingin sa akin si Tyler gamit ang front mirror at nilingon na ako. "Gusto mo ng kwek-kwek?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumango. Napangiti ako. Wow grabe! Mahilig siya manlibre, mukhang magtatagal ang friendship namin.

"Oo! Oo! Gusto ko!" mabilis na sagot ko habang tumatango.

"Bili ka," nakangising sagot niya at humarap na sa daan.

"Ah talaga? Mama mo!" sigaw ko sa kanya at napakunot ang noo ko dahil lumabas siya.

"Saan ka pupunta, Tyler?" tanong ni Chance.

"What are you waiting for, Selene? Ililibre nga kita, e."

Parang nag hugis puso ang mata ko at mabilis na bumaba. Kumapit ako sa braso niya. "Talaga? Thank you!" excited na sabi ko at hinatak na siya papunta sa nagtitinda ng kwek-kwek.

"Hoy ako rin! Gusto ko rin ng kwek-kwek, Tyler!" narinig kong sigaw ni Chance pero hindi na namin siya nilingon.

Binitawan ko si Tyler at kumuha ng plastic bowl. Nilagyan ko agad iyon ng kwek-kwek, suka at pipino. "Omg heaven!" sigaw ko bago nilantakan ang kwek-kwek.

"Heaven?" nakangiting tanong ni Tyler habang pinapanood ako.

"Oo! The best talaga ang kwek-kwek!" Nag thumbs up ako kaya mas lalo siyang napangiti.

"Heaven nga... ang ganda, e," natatawang aniya.

Napakunot pa ang noo ko sa sinabi niya pero dahil busy ako sa kwek-kwek ay hindi ko na 'yon pinansin. Ang kapal talaga ng libag ng Chance na 'to dahil nagpalibre rin sa future asawa ko.

"Kailan mo ba ako ifofollow back, Tyler?" tanong ko pagkatapos namin kumain ni Chance ng kwek-kwek.

"Saan?" tanong niya.

"Sa Ig!"

"Saan ka pinanganak?"

Napalitan ng seryosong mukha ang ekspresyon ko. "Ginagago mo ba ako?"

"De joke lang ito naman galit agad." Inilabas niya ang phone niya at may pinindot doon pagkatapos ay ipinakita sa akin ang screen. "Followed back. Happy? Ano pang gusto mo?"

"Hehe crush back!" sagot ko agad.

"Gusto mong sumabog mukha mo?" masungit na tanong niya kaya napanguso ako.

"Oh tama na 'yan baka iba pa sumabog. Uwian na baka mabinat ang baby ko!" ani Chance at hinatak na ako papasok sa kotse ni Tyler.

Wow parang kanina lang hindi niya iniisip na may sakit ako ah. Pero wala na akong sakit dahil maayos na ang pakiramdam ko. McDo at kwek-kwek lang pala ang gamot.

"Boring naman! Soundtrip tayo ah? Ako na magpapatugtog magaganda playlist ko," nakangiting sambit ko.

"SELENE PAKIUSAP TANTANAN MO!" nagulat ako sa malakas na sigaw ni Chance.

"Bakit ka ba naninigaw?!" sigaw ko rin sa kanya.

"Basta! 'Wag ka mag sosoundtrip! Ayoko! Ayaw ni Tyler!"

"Huh? I never said that," si Tyler habang nag da-drive.

"Basta! Tyler, 'wag ka na makinig d'yan kay Selene," ani Chance.

"Tsk! Bahala ka mag so-soundtrip ak—" Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog ito at may isang text mula kay Chance.

chance pogi:
hoy selene nakakahiya ka huhu panget ng playlist mo tigil mo yan

Aba ang kapal talaga ng libag. Hindi ko na nga tinanggal ang pangalan niya noong pinalitan niya ng chance pogi tapos sinabi pang pangit ang playlist ko?

"Ah gano'n ah," sambit ko at pumunta sa music at pinlay ang kanta.

'Hambog Ng Sagpro Crew...'

Nagsimula na ang pagtunog ng phone ko. "Selene!" sigaw ni Chance.

"Bleh!" Dumila lang ako.

'Una sa lahat, gusto kong magpaalam. Lalong-lalo na sa'yo dahil kahit saan ako magpunta... palagi mong hawak ang puso ko.'

'Hindi ko ginusto ang ilayo ako sa'yo, mahal
Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at Maykapal
Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na ito
Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako
Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon
Tayo ay 'di magkikita makakaya ko ba 'yon?
Sa tingin ko hindi, hindi ko kaya
Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka, wala ka...'

"Selene ang jejemon!" sigaw ni Chance habang nagpapatugtog ako.

"Hindi kaya! Napaka meaningful ng mga lyrics! Palibhasa wala kang taste, e! Jejemon lang 'to sa mga walang taste! Legend nga mga playlist ko!" sigaw ko pabalik para ipagtanggol ang mga nasa playlist ko.

"Tsk! Patayin mo na 'yan! Jejemon ka talaga!"

"Hindi nga sabi jejemon 'to! Legend 'to okay? Tanga!" sigaw ko. Tahimik lang si Tyler habang nagmamaneho.

"Patay mo na kasi! Hindi ka ba nahihiya kay Tyler? Ang dami dami nang bagong kanta!"

"Why would I? Si Tyler lang naman 'yan. At tsaka, ang nostalgic kaya pakinggan mo kasi wala kang ka-taste taste sa music!"

"Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sa'yo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo..." Nanlaki ang mga mata ko nang mahinang sinabayan ni Tyler ang kanta.

"Woah! See? He likes it!" sigaw ko at dinilaan si Chance.

"Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
Kung ikaw ay alaala na lang
Paano na ako?" pagpapatuloy ko sa kanta at damang-dama ko pa.

"Jejemon ka pa ah? Ikaw 'yung jejemon!" sigaw ko kay Chance kaya napanguso siya.

Hindi ko na pinatay ang cellphone ko. Mas kinakahiya ko pa si Chance kesa sa playlist ko. Kawawa talaga 'tong kaibigan ko walang taste sa music.

Tinuro ni Chance ang bahay namin at doon na tumigil ang kotse ni Tyler. Pagbaba namin ay ibinaba niya ang bintana kaya ngumiti ako sa kanya.

"Babye! Next time ulit!" sabi ko.

"I'm going home. Bye." Hindi na niya hinintay ang sagot namin ni Chance dahil itinaas na niya ang bintana.

Hindi na namin siya nakita dahil tinted ang salamin ng kotse niya. Napatingin ako kay Chance nang inakbayan niya ako. "Tara pasok sa loob," aniya kaya pinigilan ko siya.

"At bakit ka papasok?" masungit na tanong ko.

"Painom tubig, pagdadamutan mo ba ako ng tubig?"

"Lakas mo. Ayan lang bahay niyo oh! Umuwi ka na nga, JEJEMON!" malakas na sigaw ko at tumakbo na papasok sa bahay.

"Hoy, Selene!" sigaw niya pero tumawa na lang ako at sinarado na ang pinto.

Buong maghapon ay nasa kwarto lang ako. Nagpahinga ako dahil baka magkatotoo ang sinabi ni Chance na baka mabinat ako. Nakatulog ako at nagising kinabukasan na.

Gutom na gutom ako kaya bumaba na ako at nagulat ako nang makita na nandito na sila Tito at Tita kasama si Travis.

"Waaah! Travis!" Niyakap ko ang pinsan ko. Ang gwapo niya talaga. Kung hindi ko lang siya pinsan, siguro niligawan ko na siya.

"Ang pogi mo talaga! Si Sash?" tanong ko.

"She's with Seven. Kakagising mo lang?" tanong niya. Omg ang gwapo niya talaga.

"Oo. Wait lang ah? Kunin ko lang si Sash," nakangiting sabi ko at agad na pumasok sa kwarto ni Seven.

"Waaah! Sash!" sigaw ko at tumalon sa kama para yakapin ang shih tzu ko. "Namiss kita!"

Mahaba at straight ang puting buhok niya. Nakatali ang buhok niya sa itaas na bahagi at sobrang cute niya. Hinalikan ko siya. "Ate, mahiya ka naman kay Sash. Hindi ka pa nag totoothbrush, e," pag-epal ni Seven.

"Manahimik ka mas mabaho ka," sabi ko at binuhat ang aso ko para lumabas.

Noong pumunta kasi rito si Travis last week ay hiniram niya si Sash sa akin. Kahit one week pa lang kaming hindi nagkikita ay namiss ko agad siya.

"Nandito na si Mommy. Did you miss me?" nakangiting tanong ko.

"Hi po, Tito Felix! Hi po, Tita Lorna!" bati ko sa Mommy at Daddy ni Travis. Mas matanda ng dalawang taon sa akin si Travis pero hindi na ako nag ku-kuya sa kanya. Wala lang.

Ngumiti lang sila sa akin pero parang malungkot sila. Ganoon din si Mama at Papa. Ano kayang nangyari?

"Vis, wait lang ah? Maliligo lang ako." Ibinigay ko sa kanya si Sash.

"Sure. Take your time." Pumasok na ako sa cr.

Tiyak magiging masaya si Chance kapag nalaman niyang nandito na si Travis. Siya kasi ang favorite friend niya bukod sa akin. Ay wait, hindi pala ako favorite ni Chance kasi lagi niya akong inaaway. So si Travis talaga ang paborito niya.

Easy ligo lang, mabilis lang. Paglabas ko ay nag kukwentuhan ang mga magulang namin. Naka bathrobe pa ako kaya umakyat muna ako sa taas para magbihis.

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko 'yon. Si Chance lang pala ang tumatawag.

"Nand'yan na si Travis?" tanong niya. Inispeaker ko ang phone ko at hinayaang nakalapag 'yon sa kama habang namimili ako ng damit sa closet.

"Yep!" Tinanggal ko ang bathrobe. "Kasama si Sash. Pupunta ka ba rito?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Malamang! Ayaw mo ba? 'Di mo yata ako miss, e,"

"Tss. Umay na umay na nga ako sa pagmumukha mo. Punta ka na, nasa baba si Travis," sambit ko at isinuot ang blue sleeveless dress.

Pagbaba ko ay pasimple akong tinawag ni Travis kaya lumapit ako sa kanya. Nilalaro na ni Seven at Chance si Sash.

"Bakit? Reretuhan mo ba ako ng jowa?" tanong ko pagpunta namin sa veranda.

"You're just twenty, Selene. Pinayagan ka na ba ni Tito?" Mahina niyang pinitik ang noo ko.

Napanguso ako. "Ano ba 'yon?"

"Hmm... uh, I have a girlfr—"

"Omg ka, Travis! Binata ka na! Omg! Sino? Taga saan? Chix ba?" excited na tanong ko kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"This is just a secret, Selene. You know my dad. Hindi niya ako papayagan dahil gusto niyang mag focus ako sa business... at isa pa, hindi taga Manila ang girlfriend ko." Nanlaki ang mga mata ko at binitawan na niya ang bibig ko.

"Wow! Taga saa—" Muli niyang tinakpan ang bibig ko.

"Go ahead and raise your voice para marinig nang lahat. Tsk." Nakangiti kong tinanggal ang kamay niya.

"Okay sorry na ito naman porque nagbibinata. So, taga saan siya?" mahinang tanong ko.

He took a deep breath and glanced at the door. Nang masiguradong wala nang ibang tao bukod sa amin ay tumingin siya sa akin. "She lives here. Dito. Dito mismo sa loob ng Citta. I saw her last week and I added her on Facebook."

Bumagsak ang balikat ko at binatukan siya.

"Umiral na naman ang pagka-playboy mo, Travis. Nakita mo lang inadd mo agad sa Facebook. So, LDR kayo? Pighati 'yan, insan. Ano 'yan, every weekend ka nandito?" Humalukipkip ako.

"I guess so. Nadala ako sa mukha niya. Damn, Selene. She looked like an angel," he said, amused.

"Magkikita kayo? Sama ako ah?" Ngumiti ako at tumakbo na papunta sa pinto pero tumigil din ako at humarap sa kanya. "I don't think your secret is safe with me." I winked at him and ran because he was about to kick me.

"Sash baby ko!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya. Binuhat ko siya. "Fresh na si mommy. Namiss mo ako?"

"Selene, lumabas-labas muna kayo ni Chance. Isama mo si Seven pati na si Travis. Mag-uusap lang kami ng Tita at Tito mo." Napatingin ako kay Papa.

"Okay po," sambit ko at hinatak na si Chance palabas kaya sumunod sa amin si Seven.

"Alam mo ba, Chance, may jowa na si Travis," sabi ko agad.

"Oh?! Kailan pa?!" gulat na tanong ni Chance dahil kilala namin ang pinsan ko. Ayaw ni Travis sa commitment. Palaging pang 'sex' lang ang habol niya. Pinsan ko siya pero sa tingin ko siya na ang pinaka-gago na kilala ko bukod kay Chance.

"You and your mouth, Selene," naiiling na sambit ni Travis at nauna nang lumabas.

I shrugged my shoulders. "Told you! I won't keep your secret!"

"Wait hoy, kailan pa nagkaroon ng girlfriend si Travis? Buti pa siya may girlfriend na. Ikaw, kailan mo ba ako liligawan, Selene? Paano tayo uusad niyan kung torpe ka?" aniya kaya malakas ko siyang binatukan.

"Huwag mo akong umpisahan, Kyro," sambit ko pero dumila lang siya.

I caressed Sash's hair and headed outside. Maaga pa lang kaya mababa pa ang araw. Inakbayan ako ni Chance at hinaplos ang ulo ni Sash. "Na-miss mo kami ni mommy, baby? Nandito na si mommy at daddy," aniya habang nagpapa-cute sa aso.

Inilayo ko sa kanya si Sash. "Sorry po, kuya, 'di po siya kumakausap ng tanga,"

The corner of his lips went up. "Nye nye nye panget mo!" sigaw niya at lumapit na kay Travis.

Tahimik lang na nag sosoundtrip si Seven habang naglalakad. Naka earphones siya at tila walang pakialam sa paligid.

Nakarating kami sa playground at kay Sash lang ako naka focus hanggang sa natisod ako dahil biglang huminto sa paglalakad si Travis. Nasa likod niya lang kasi ako. "Ano ba 'yon? Ba't kayo tumigi–"

"Haven?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Travis. Haven?

"Kilala mo 'yan, Vis?" tanong ni Chance. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ni Travis at napakunot ang noo ko nang makita ang isang maputing babae na nag cacarwash. Ang sexy pero mas sexy ako duh.

"She's my girlfriend." Napatingin ako kay Travis dahil sa sinagot niya.

Wow! Jackpot! Mukhang model ang girlfriend niya!

"Huh? Wait! Si Tyler 'yon ah?"

Mabilis akong napatingin sa tinitignan ni Chance at nanliit ang mga mata ko nang makita si Tyler na lumabas mula sa isang malaking bahay. He was just wearing a white sando and jeans. Sinasabunan ni Tyler ang Raptor niya habang ang babae ay may hawak na hose at mukhang nagkakasiyahan pa sila. Why are they together?

Continue lendo

Você também vai gostar

1.5M 18.7K 44
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaay...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
40.7K 472 31
Self-published under Immac PPH (La Gran Lista: The Selection) |WARNING: R-18| Miracle That's what they called Jess. One of the best surgeons in the w...