Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

134K 3.2K 309

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 18

2.6K 65 1
By jhelly_star

Kabanata 18

Visit

--

Audrey and I stayed at the coffee shop for a few more minutes until we decided to leave and go home because it was also already late. Nagpaalam kami sa isa't isa. May sumundo sa kanya na SUV habang sumakay ako ng tricycle pauwi sa amin.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina at hanggang ngayon nandoon pa rin ang bigat sa loob ko. Parang may nakadagan pa rin na mabigat na bagay sa likod ko kahit may napag sabihan na ako ng nararamdaman ko. I feel weak. Pero wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko dahil siguro napagod na.

Pagod akong humiga sa aking kama nang nakapasok sa loob ng kwarto ko. Nakapag hapunan na ako bago pa man kami nagkita ni Audrey. All I have to do now is sleep but I think it will be difficult for me to sleep tonight because of everything that happened.

Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na nangyari iyong kanina. I thought I would have a hard time finding a way to talk to them. I thought I could just watch them from a distance but I was wrong, nakausap ko pa silang lahat. Kahit papaano masaya ako. Totoong masaya ako.

Iyong nakausap ko sila, nakita, ayos na sa akin iyon. Even though my heart hurt so much, ayos pa rin sa akin iyon. I'm still happy to be with them even just for a moment. Because honestly, they are really busy people, alam ko iyon lalo na dahil sa sobrang yaman nila. I'm sure they do a lot especially in their business. Kaya talagang malaki ang pasasalamat ko na binigyan nila ako ng oras. Kahit pa para sa kanila, walang kwenta iyon.

I took a deep breath and stared at the ceiling for a moment. I'm still in pain but no more tears are coming out of my eyes. Ayos na rin dahil ayoko na talagang umiyak. I will just look ugly if I cry.

Pumikit ako at nagpasyang bukas ko nalang iisipin ang lahat ng ito. I want to rest. I want to calm my heart. At hinihiling ko na sana bukas pagkagising ko, mawala na ang lahat ng bigat sa dibdib ko.

Pero hindi yata ako pinagbigyan sa hiling ko na iyon. Dahil pagkagising ko palang kinaumagahan ay ramdam ko agad ang bigat sa dibdib ko. Nandoon pa rin iyon. Hindi manlang nawala, hindi manlang nabawasan.

Wag ko nalang kayang ituloy ito? Should I just go back to Cagayan and live there quietly? After all, I don't really know if what my mother said in the letter is true. And the Agravantes don't believe me either.

I groaned. What the hell, Cassandra? Don't tell me you're giving up?

No way!

And are you stupid? Anong hindi mo alam kung totoo bang Agravante ka? E, halos gawin nga ni Amelia ang lahat para lang mapa alis ka. At inamin niya na rin na talagang anak niya si Elizabeth!

I stood up and shook my head. No way! I will not give up! I won't let those two bitches just take the things I deserve!

Naalala ko si Pauline Agravante. Somehow I felt something strange when I saw her. My heart was pounding and I didn't feel anything but... home.

For the very first time in my life, I feel like home. I feel like I belong there. I feel happy.

Huminga ako nang malalim at napagpasyahang magpahangin muna sa labas.

Ngunit pagbukas ko ng pintuan ay halos mapa atras ako sa gulat nang nakita si Audrey. But she wasn't the only one there. Next to her was none other than the tall, musculine and serious Brandon!

Oo! Si Brandon!

"Hi!" ngumiti at kumaway si Audrey.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko, gulat pa rin.

Napatingin ako kay Brandon na sinulyapan saglit ang loob ng bahay ko.

"Ikaw naman! Parang ayaw mong nandito kami, ah? Wag kang magalit sa akin! Siya lang ang nagpumilit rito!" turo ni Audrey sa nasa tabi niya.

Tinitigan ko ulit si Brandon. Nakita ko ang paglilibot pa rin ng kanyang mga mata sa buong bahay ko. I'm still shocked that he's here but I also managed to recover somehow. I swallowed hard and closed the door slightly.

Nakakahiya hindi pa ako nakakapag linis!

He's wearing a black t-shirt, black jeans and brown boots. I can't deny that he's handsome in what he's wearing. Kahit simple lang ay malakas pa rin ang dating niya. But maybe that's just me because I rarely see him wearing clothes other than his school uniform. I think it's the second time I've seen him dressed like this. At parang hindi siya bagay sa lugar na ito. Sa suot niya at sa sobrang lakas ng dating, pakiramdam ko hindi dapat siya nandito.

"Uh... sa labas nalang tayo. Medyo magulo kasi sa loob," sabi ko.

"Huh? Pero gusto kong uminom ng tubig. At ayoko sa labas! Nandoon si..." nilingon ni Audrey ang kanyang likuran at umirap. "Ugh!"

Nilingon ko rin ang tinitingnan niya at nakita si Arjun na nakaupo sa papag, nakatingin sa banda namin. Halos umirap rin ako dahil hinding hindi talaga yata niya magugustuhan si Arjun.

Ano ba kasing ginawa nung tao?

Pero nawala rin ang pag iisip ko roon nang ilagay ni Brandon ang isang kamay niya sa pintuan ko at bahagya iyong tinulak. Nagulat ako at agad na pinilit isarado ang pinto.

"S-Sa labas nalang tayo..."

Hindi pa ako naglilinis! Dapat mamaya pa at balak ko munang magpahangin sa labas dahil una sa lahat, umaga palang naman! Katatapos ko lang mag agahan! At gusto ko pa muna sanang mag relax.

Tinignan ako ni Brandon. A small smile flashed on his lips. Uminit ang pisngi ko pero iritado ko siyang tinignan.

"Bakit ba kasi kayo naparito?" tanong ko.

"Ouch! Hindi ka ba pwedeng bisitahin?" si Audrey.

"Hindi kayo nagsabi. H-Hindi pa ako naglilinis ng bahay..."

"That's okay! Uupo lang naman kami sa sofa. Wag mong sabihing may buhangin pati ang sofa mo?"

I glared at Audrey but she only smirked. Alam ko na itong ginagawa ng babaeng ito, e. Sinabi ko nang hindi ko gusto si Brandon at magkaibigan lang kami pero pinipilit niya na may namamagitan sa aming dalawa. Ngayon sigurado akong manunukso na naman siya!

"I'm thirsty," si Brandon dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

Gusto ko sanang sabihin na dadalhan ko nalang siya ng tubig sa labas pero... sige na nga! I slowly opened the door of my house and let them in.

"Si Brandon lang pala makakapag papayag..." bulong bulong ni Audrey habang nilalagpasan ako.

Kung wala lang si Brandon dito ay baka kanina ko pa siya nabatukan. Walang kasing talim ang tingin ko sa kanya. Natigil lang nang hinarap ako ni Brandon. Nagkatinginan kami.

"Kukuha ako ng tubig," sabi ko.

Tumango siya. Nandoon pa rin ang maliit na ngiti sa kanyang labi na kinunutan ko nalang ng noo. Nilingon ko ang labas at nakitang nakatingin pa rin si Arjun sa amin. Ngumiti siya, ngumiti rin ako pabalik.

"Arjun! Pasok ka rin!" sigaw ko.

"Cassandra!" si Audrey na umaangal agad.

Umiling si Arjun. "Hindi na! Magpapahangin pa ako rito!"

"Oh! Okay!" ngumiti ulit ako bago dahan dahang sinarado ang pintuan.

Pagkatapos non ay matalim kong tinignan si Audrey. She smiled at me pero inirapan ko nalang siya. Nilingon ko si Brandon na nanatiling nakatayo sa tabi ko, wala na ang ngiti sa labi at tanging seryosong tingin nalang ang ginawad sa akin. Sandali niyang nilingon ang nakasarado nang pintuan bago muling bumaling sa akin. Nag iwas ako ng tingin.

"Maupo ka muna. Ikukuha kita ng tubig," sabi ko at nagtungo na sa kusina.

"Ako rin!" si Audrey.

I went to the kitchen to get some cold water. They could see me as I filled their glasses with water. Maliit lang kasi ang bahay ko at kitang kita ang kusina galing sa sala.

"Anong gagawin niyo rito?" tanong ko at binaba sa harapan nila ang mga inumin.

"We just want to visit you," si Brandon.

"Alam mo, ayoko ngang pumunta rito dahil dyan sa nakaka irita mong kaibigan pero nangungulit si Brandon. Ibigay ko daw sa kanya ang address mo," kwento ni Audrey.

Napatingin ako kay Brandon. He swallowed hard at tumingin kay Audrey. Pagkatapos no'n ay bumaling siya sa akin.

"I just... want to know where you live. At hindi mo sinasagot ang mga text ko kahapon. So I decided to... ask Audrey where you live so I can... visit you..." he explained.

Hindi ako nakapag salita agad. My heart was beating so fast. Nakita ko ang pagngiti ni Audrey na para bang kinikilig pero tinakpan niya iyon gamit ang pag inom ng tubig. Tumingin siya sa malayo na para bang hindi dapat siya nakikinig sa amin.

Tumikhim ako. "Uh... oo, pasensya na. May ginawa lang ako kahapon kaya... hindi ko nasagot ang mga text mo."

"I understand. May gagawin ka ba ngayon?" he asked.

"Wala naman. Maglilinis lang ng bahay..."

"Kung ganon pwede bang manatili muna rito hanggang mamaya?

What? Hindi agad ako nakasagot.

"Uuwi rin kami bago mag lunch," dagdag niya nang nakita ang pagtataka ko.

Dahan dahan akong tumango at tumingin kay Audrey para maiwasan ang nakaka nerbyos na titig ni Brandon. Tumikhim ang maarteng si Audrey at maarte ring binaba ang basong hawak.

"Oo! Uuwi rin kami bago maglunch. Nasaan ang kwarto mo? Pwede makita?"

Tinuro ko ang kwarto ko sa may tabi lang ng kusina. "Doon."

Tumango siya at excited na tumayo. "Okay! Maiwan ko muna kayo rito, ha? Titignan ko lang ang kwarto ni Cassandra."

Tumango si Brandon at muling tumingin sa akin. Doon ko lang napagtanto ang gustong mangyari ni Audrey. Gusto ko siyang pigilan pero naka oo na ako sa kanya!

Gusto niyang maiwan kaming dalawa rito ni Brandon! Gusto ko talaga siyang batukan! Damn her!

"So... paglilinis lang ang gagawin mo ngayon?" tanong ni Brandon at napatingin ako sa kanya.

Pumasok na si Audrey sa maliit kong kwarto at sinarado ang pintuan. Kaming dalawa nalang talaga ni Brandon ang naiwan doon.

"Yup. Lalabas sana ako para magpahangin muna pero... dumating kayo."

"Yeah. Kakatok palang sana kami pero binuksan mo na ang pintuan. Nakaka abala ba kami?"

"Ah, hindi. Ayos lang. Wala ka bang ginagawa? Bakit ka pumunta rito?" tanong ko.

"Wala. I'm just worried because you're not replying on my texts."

Hindi man halata sa mukha ko, kabadong kabado na ako rito. Ang laki laki niya sa napaka liit kong sofa. Magkaharap kami at pakiramdam ko nasa isa na naman akong hot seat, tinatanong ng mga matitinding tanong!

Pero hindi ko itatanggi na ang gwapo niya ngayon. Maayos at makintab ang buhok. Maayos ang porma. At amoy na amoy ko ang bango niya mula sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung pabango niya ba iyon o natural niyang amoy pero sobrang mabango!

Tumikhim ako at umayos ng upo. Tinigil ko ang mga iniisip.

"Sorry. May ginawa lang ako kahapon kaya hindi nakapag text agad," sabi ko.

"Anong ginawa mo?" kuryoso niyang tanong, like he's interested.

Tinignan ko siya. Nagkatinginan kami. Umiwas ako ng tingin at nag isip ng maisasagot. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang pakikipag kita ko sa mga Agravante.

"Uh... may pinuntahan lang ako kahapon. Tsaka may mga binili rin, kailangan sa bahay," palusot ko.

"Mmm," tumango tango siya. "Hiningi ko kay Audrey ang address mo. Sabi ko ako nalang ang pupunta kung ayaw niya akong samahan pero sumama pa rin siya. She wants to see you too."

"Oh..." tumango tango ako.

"I'm sorry. Ayaw mo ba na inalam ko ang address mo?"

Bahagya akong nagulat roon. Agad akong umiling.

"No, it's okay. Wala namang problema sa akin iyon. Kasalanan ko dahil pinag alala kita. Sorry..."

Kinagat ko ang labi ko. Did I just said sorry three times today?!

"That's okay. Hmm... sabi mo maglilinis ka lang ngayon. Do you mind if I help you?"

Bahagya na naman akong nagulat. Umiling ako. Nakakahiya! Ang dumi dumi ng bahay at halata naman na hindi siya bagay rito.

"Hindi na! Ako nalang. Uh... doon nalang kayo sa labas ni Audrey habang naglilinis ako. Sandali lang naman ako at lalabas rin agad."

"Hmm... but I can still help you. Ako na ang magwawalis."

"Hindi na!"

Ano bang iniisip niya?

"Kaunti lang naman ang lilinisin, Brandon," dagdag ko.

Ngumuso siya. "Alright. I want to help but if you don't want to, then... hindi na kita pipilitin."

Nagkatinginan kami. Nakahinga ako ng maluwag roon. Nakakahiya, ang dami daming kalat at sigurado akong maalikabok! Nakakahiya sa kanya. Siguradong hindi siya sanay sa ganitong bahay. Sa ganitong buhay!

"So it's really true that you and that boy is in the same fence," Brandon said and looked at the door.

Inisip ko pa sandali ang sinasabi niya pero sino pa ba ang ibang tinutukoy niya? Si Arjun lang naman ang lalaki rito sa bakod namin.

"Uh, oo. Doon sila ng Mama niya sa pang unang bahay," sabi ko.

Tumango tango siya at hindi na nagsalita. Sakto namang lumabas si Audrey sa kwarto ko at sabay kaming napatingin ni Brandon sa kanya.

"Ang ganda ng kwarto mo, Sandra! Kahit maliit, ang ganda pa rin! Sa susunod gagawin kitang yaya para naman may maglinis ng kwarto ko," she joked and laughed.

Umiling ako sa kanya pero natawa rin ng bahagya.

"Audrey," si Brandon.

"Ops! Joke lang, syempre! Ito naman!" ngumisi si Audrey at naupo muli sa sofa.

Nilingon ko si Brandon at nakita kong matalim ang tingin niya kay Audrey. Tumikhim ako at tumayo na. Napatingin silang dalawa sa akin.

"Maglilinis na ako. Maghintay nalang kayo sa labas."

"What? No way! Nandoon yung kaibigan mo!" reklamo na naman ni Audrey.

Brandon smirked.

"Audrey, maglilinis ako. Wala kayong ibang mauupuan ni Brandon."

"Sa kwarto mo! Doon nalang kami! Ayoko don!" anya na para bang nakakadiri kung lalabas talaga siya.

What the hell? Napatingin ako kay Brandon na mukhang nagustuhan ang sinabi ni Audrey.

"M-Maglilinis rin ako ng kwarto ko, Audrey," ayoko ngang papasukin si Brandon roon!

"Bigyan mo nalang kami ng upuan. Doon kami sa may tapat ng pinto mo uupo."

Talagang umiiwas siya, ha.

"Magwawalis ako at doon ko itatapon lahat ng alikabok. Gusto mo ba iyon?"

She groaned. "Fine! Hay nako, kung hindi lang talaga dahil sayo hindi na ako babalik dito!" at tumayo na siya.

I smirked. Lumabas siya ng bahay. Nilingon ko si Brandon na tumayo na rin habang nakatitig sa akin. Busangot ang kanyang mukha. Nilahad ko sa kanya ang pintuan.

"Maglilinis na ako."

Nakanguso siyang tumango at tumalikod sa akin para lumabas. Sinundan ko siya ng tingin at parang gusto kong mangiti. Kinunot ko ang aking noo at kinagat ang pang ibabang labi.

What? Ayaw niya rin kay Arjun?

Naglinis ako ng bahay. Kung normal na araw ko lang ito ay normal lang rin ang paglilinis ko pero ngayon todo linis talaga ako. Hindi ko lang winalisan ang sahig, nag mop rin ako. Pinalitan ko ng mga punda ang mga unan sa aking sofa at nilinis ang wala namang alikabok na lamesita.

I want to clean it! Why?

Pinunasan ko ang malinis na sink at inayos ang mga pinggan, baso at pati na rin ang mga kubyertos. Pinunasan ko ang aking lamesa, inayos ang mga gamit, tinago ang iilang pictures ko na nasa sala at pinasok iyon sa kwarto, pagkatapos tapos na!

Para akong nabunutan ng tinik. Ayos na!

"Hoy! Ang tagal naman niyan!" reklamo ni Audrey na biglang pumasok sa bahay.

I glared at her. Bahagya akong nagulat roon. Pero agad rin akong nataranta nang nakita rin si Brandon sa likuran niya. Inayos ko ang buhok ko at parang gusto kong tumakbo sa kwarto para maligo ulit dahil pawisan!

Hindi naman kasi dapat paka linis, Cassandra! Bakit tinodo mo?

Audrey noticed it and a smirk came out of her lips. Nilingon niya si Brandon tapos binalik sa akin ang tingin. Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Pinandilatan ko siya pero umiling lang siya at umatras.

"Mamaya na pala ako iinom. Gusto ko munang magpahangin," anya at malakas na tumikhim. Umalis siya sa bahay.

Pumikit ako ng mariin. Kapag talaga kaming dalawa nalang ng babaeng iyon ang naiwan, babatukan ko agad siya!

Umayos rin agad ako ng tayo nang pumasok si Brandon sa bahay. Hawak ko pa rin ang walis kaya ginawa ko iyong pampalusot para hindi kami magkatinginan. Tumalikod ako at nilagay sa tamang lalagyan ang walis bago pa man niya mahanap ang mga mata ko.

"Are you done?" he asked, nasa likod ko.

"Yup! Nagugutom na ba kayo? Sorry natagalan. May mga tinapay at juice naman ako dyan. Anong gusto mo?" tanong ko at tumalikod pa rin sa kanya nang naayos ang walis.

"I just want some water," sagot niya.

Tumango ako at naglakad papuntang kusina. Kinabahan ako nang naramdaman ang pagsunod niya. Hindi ko siya magawang lingunin dahil pakiramdam ko ang pangit pangit ko. Pawisan ako at masyado ring naalikabukan kaya natatakot akong madikit sa kanya!

"Uh... si Audrey? Anong gusto niya?" tanong ko para naman hindi awkward.

"I don't know with her. Maybe some water too."

Oh my gosh! He's behind me! Mas lalo akong kinabahan.

I took a pitcher out of my little refrigerator and put some water in a glass. I had no choice but to face him after that kaya humarap ako pero hindi siya tinignan. Nakatingin lang ako sa baso na nilalahad ko sa kanya ngayon.

"Here," I said.

Hindi niya kinuha iyon. Lumunok ako at napilitang mag angat ng tingin sa kanya para makita ang ekspresyon niya. I saw the small smile on his lips as he stared at me. Uminit ang pisngi ko at nagbaba agad ng tingin sa baso.

"Ito na ang tubig mo," muli kong sinabi para naman kunin na niya.

Kinuha naman niya iyon, para akong nabunutan ng tinik. Agad akong tumalikod para kuhanan si Audrey ng biskwit dahil siguradong nagugutom na iyon.

"You live here alone?" tanong ni Brandon sa likod ko.

"Yeah..." sagot ko habang namimili ng tinapay na magugustuhan ni Audrey.

Kabado pa rin ako na nandito siya, malapit lang!

"Don't you have any relatives?"

Meron. Kaya lang ayaw nila akong tanggapin.

"Wala na. Wala nang ibang kamag anak ang Mama ko."

"Hmm, kung ganon ikaw lang ang nagpapa aral sa sarili mo kaya ka nagtatrabaho..."

"Yup."

"Do you have any other job besides being a cashier at a convenience store?"

Why is he so interested?

"Meron. Tinu-tutor ko ang batang babae na anak ng kapitbahay namin. Dyan lang sa malapit."

Nakapili na ako ng tinapay at hindi ko pa rin kayang tumingin sa kanya. Inayos ko ang lalagyanan ng mga tinapay ko at humarap sa kanya pero nakababa lang ang tingin.

"Uh, ibibigay ko lang ito kay Audrey. Halika na sa labas."

Maglalakad na sana ako para makalabas na ng kusina nang harangan niya ako. I stopped but still didn't look at him. Naglakad ako pakabila pero hinarangan niya rin ako roon kaya natigil muli ako.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Can you please look at me?" I heard the slight playful tone in his voice.

Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko alam niyang hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya akong ganito ang itsura ko!

"Cassandra."

"What?" nag angat ako ng tingin sa kanya, bahagyang nagkaroon ng tapang pero alam kong pinipilit ko lang.

He's playful eyes met my irritated eyes. Pakiramdam ko nawala agad ang tapang na nakuha ko, I can't bear to look at him for so long!

"Why? What's wrong? Are you shy?"

Hindi ako makapaniwalang alam niya ang nararamdaman ko! Muli akong nag angat ng tingin sa kanya to prove a point.

"What shy? Bakit ako mahihiya? Hindi ako nahihiya!" ginawa kong iritado ang boses ko kahit parang mauutal na ako!

There's a playful smile on his lips. Tinignan ko iyon at iritadong nag angat ng tingin sa mga mata niya. Why is he smiling like that?

"Really?"

"Really! Pwede ba? I need to give this to Audrey, Brandon."

"I also want something like that," tinuro niya ang hawak kong biskwit para kay Audrey.

Sandali ko siyang tinitigan. He smiled but I can see the playfulness in his eyes. Gusto ko siyang suntukin pero tumalikod nalang ako para kumuha ng para sa kanya. Busangot ang mukha.

"Anong gusto mo?" tanong ko, suplada.

"That one," turo niya sa isang lava cake roon.

Kinuha ko agad iyon at binigay sa kanya. Pagkatapos non ay tinabi ko na ang lalagyanan. Muli kong tinignan si Brandon. Nakatingin na rin siya sa akin habang binubuksan ang kanyang tinapay, may maliit na ngisi sa labi at para bang may nakakatuwa kung makatingin ang mga mata niya sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na palayo. Hinayaan niya na ako ngayon pero naramdaman ko ang pagsunod niya. Iritado akong naglakad ng mabilis.

"Mabuti naman at pumasok na sa loob ang kaibigan mo. Akala ko mananatili pa siya rito gayong alam naman niya na ayaw ko sa kanya," si Audrey habang nakaupo kaming dalawa sa papag.

Nagpaalam naman si Brandon na kukuha ng upuan sa bahay ko kaya ngayon nakaupo siya sa may tabi ko, nakahalukipkip at kinakain ang tinapay na binigay ko.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Arjun? Wala naman ginagawang masama sayo yung tao."

"Anong wala? He's annoying me!"

"Anong klaseng pang iinis ang ginagawa niya? Sige nga," hamon ko.

"Palagi siyang nagpapakita sa akin kahit saan. Palagi niya akong kinakausap kahit ayaw ko naman siyang kausapin. At palagi niya akong tinatanong ng mga bagay gayong hindi naman kami close!"

"Ganon lang? Naiinis ka na sa kanya? Nakikipag kaibigan lang siya sayo, Audrey."

She rolled her eyes. "Ayokong makipag kaibigan sa kanya."

"Then atleast treat him properly. Hindi yung tinatarayan mo siya."

"Whatever, Cassandra."

Wala na talaga akong magagawa sa hindi niya pagkakagusto kay Arjun. Whatever! Bahala rin siya dyan.

Bumaling ako kay Brandon.

"Sorry 'bout that. She's just really annoyed with Arjun without any reason."

"That's okay," he smirked.

"So... dito lang kayo hanggang sa malapit nang magtanghalian?" tanong ko.

"Yes. We'll just stay here," matamang sinabi ni Brandon.

"Ano naman ang mga gagawin niyo rito? Boring rito, wala kayong mapagkaka abalahan."

"Do you want us to leave?" marahang tanong ni Brandon at tumingin sa akin.

Bahagya akong nagulat roon.

"Hindi naman sa ganon. Sinasabi ko lang na... baka ma-bored kayo."

"Oo! Baka nga ma-bored lang ako rito. Lalo na dahil may nakakainis kang kapitbahay," singit ni Audrey at umirap, medyo malakas ang boses niya o sinadya niya iyon.

Napagtanto ko na sinadya niya nga iyon nang nakita ko si Arjun na lumabas sa kanilang bahay. Seryoso siya at kunot noong nakatingin kay Audrey. Hindi ko maiwasang mahiya dahil sigurado akong narinig niya ang sinabi ni Audrey.

Hinampas ko si Audrey sa braso.

"Ouch!" iritado siyang tumingin sa akin.

"Ano ka ba! Maging mabait ka naman kay Arjun kahit kaunti. Nakakahiya sa kanya!"

"Why do you want us to be kind to him very much?" si Brandon kaya napatingin ako sa kanya.

Aba't pati siya?!

"Oo nga! Wag mong sabihing gusto mo siya?" pinandilatan ako ni Audrey.

"What? No! Ang sinasabi ko lang ay maging mabait kayo sa kanya, iyon lang! Hindi niyo ba magagawa iyon? At isa pa, kaibigan ko rin siya. Dapat maging kaibigan niyo rin siya!"

"No way!" iling agad ni Audrey.

Umiling rin si Brandon at nagpatuloy sa pagkain ng tinapay niya, hindi na nagsalita.

I groaned. Wala rin akong nagawa kalaunan. Ano bang ginawang masama ni Arjun? Mabait naman siya at mabait ring kaibigan. Matalino at gentleman. Wala ka nang maipipintas sa kanya kaya bakit ayaw nila sa kanya?

"You like him?" biglang tanong ni Brandon kaya napatingin ako sa kanya.

What? I already said no! Kunot noo ko siyang tiningnan.

"No. I said no. He's just my friend," I said.

"Cassandra," narinig ko si Arjun.

Napalingon ako sa kanya at nakitang nakalapit na siya. Umirap si Audrey at bahagya pang umusog sa tabi ko para lang maiwasan si Arjun na hindi naman ganon kalapit sa kanya. Gustong gusto ko na siyang batukan.

"Arjun," tumayo ako at hinarap siya.

Naramdaman ko rin ang pagtayo ni Brandon sa likod ko. Napagtanto kong tumayo nga siya nang nakita ko ang pagtingin ni Arjun roon. Binalik rin naman niya agad sa akin ang tingin. Seryoso siya at sa tingin ko hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Audrey kanina.

Sino ba naman kasing magugustuhan 'yon, diba?

"Pinapasabi ni Mama na kaunti lang ang lalabhan mo ngayon. Ayos lang rin daw ba kung babawasan rin ang bayad sayo?"

"Ah, oo naman! Ayos lang. Malaking bagay pa rin sa akin iyon," I smiled.

He nodded and glanced once at Audrey before saying goodbye. I would have liked to invite him to join us but I don't think he would agree. Busangot ang kanyang mukha, sigurado akong kahit papaano nainis rin siya sa sinabi ni Audrey kanina. Wala naman kasi siyang ginagawa kaya bakit sasabihin iyon ni Audrey, diba?

"You're doing laundry?" Brandon asked behind me.

Humarap ako sa kanya. My heart was beating so fast especially when I saw his serious eyes. Para bang sa tono ng pagkakatanong niya ay hindi niya nagustuhan iyon.

"Oo. Iyon ang isa sa mga trabaho ko," sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya.

Muli akong naupo.

"She has a lot of job, Brandon," si Audrey.

"And how are you doing it? Are you using a washing machine?"

Humalukipkip si Brandon sa may harapan ko at seryoso akong tinignan. Para bang kailangan kong sagutin lahat ng tanong niya kung makatingin siya sa akin. Kabadong kabado naman ako na para bang sa oras na magkamali ako ay pagagalitan niya ako!

What the hell, Cassandra?

"Of course. Pero kapag magbabanlaw na, kamay na ang ginagamit ko," mahinahon ko pa ring sagot.

Magkakasalubong ang kilay niya habang nakikinig sa akin. Para bang hindi niya talaga gusto iyon.

Tumikhim si Audrey at tumayo, napansin ang ekspresyon ni Brandon.

"Tatapon ko lang itong balat ng tinapay ko tapos iinom na rin ako ng tubig sa bahay mo. Maiwan ko muna kayo!" anya at hindi na hinintay ang pagpayag ko, mabilis na siyang naglakad paalis!

Malalim akong bumuntong hininga at nag angat ng tingin kay Brandon na seryoso pa ring nakatitig sa akin.

"What?" tanong ko.

"Tuwing kailan mo ginagawa iyon?" he asked seriously.

"Tuwing sabado at linggo..." nagkibit ako ng balikat para hindi halatang kinakabahan sa titig niya.

Nag iwas siya ng tingin at ilang sandaling hindi nagsalita. Pinagmasdan ko siyang malalim na nag iisip roon. Hindi ko alam ang iniisip niya pero mukha siyang problemado.

Sa huli ay tumango siya at tumingin sa akin.

"May iba ka pa bang trabaho bukod roon?"

"Wala na," mabilis kong sagot.

Tumango siya at naupo muli sa tabi ko. Ramdam ko na marami pa siyang gustong sabihin pero nanatili siyang tahimik. Pakiramdam ko nag aalala na naman siya sa akin dahil lang sa iyon ang trabaho ko. Nararamdaman ko rin na gusto niya akong pigilan ngunit mas pinili niya na lamang manahimik dahil alam niyang kailangan ko 'yon. Alam niyang hindi ako katulad nila na mayaman.

Kahit papaano napangiti ako dahil doon. Hindi ko nga lang pinakita sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

193K 762 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
51.4K 1.4K 38
Yzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a par...
881K 39.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2K 71 33
Reign Ventura has her plan on her life. From the strand that she will get on Senior High school to the course that she will take during College. Her...