UNRIVALED!

By PeachyyyPie

286K 16.6K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 43 "Operation"

6.9K 567 437
By PeachyyyPie


"ANG GUARDIAN ALPHA NAN'DIYAN NA!" sigaw ng isang humahangos na estudyante mula sa labas ng classroom. Muli itong tumakbo pa-alis para sumalubong, kumuha ng mga pictures at maunang mag-post doon sa online forum. Maya-maya lang rin ay kakalat na ang balita.

"Si Alpha nan'dyan na?!"

Dali-daling tumakbo sa bintana ng kanilang classroom ang mga estudyante. Nakita nila si Zwei na kaka'pasok palang ng school gate. Labis silang namangha nang matanawan nila ito, dahil halos isang taon na simula nang umalis ito sa Academy. At sa loob ng taon na ito ay wala ring namumuno sa mga Guardians.

"My eyes have been blessed! Ahhhhh!"

"Excuse me! Patingin nga!"

"Waaaah! Zwei baby!"

Sandaling tumingin sa itaas si Zwei, at nakita niya ang ilang mga estudyanteng sumisigaw at naka-dungaw sa bintana habang kuma'kaway sa direksyon niya. Nag-kibit balikat siya at nag-patuloy sa pag-lalakad. Pumasok siya sa school building at marami na agad ang mga estudyanteng nag-aabang para bumati sa kaniya.

"Welcome back, Alpha!"

"Kumusta ang bakasyon mo, Alpha?"

"Hello Zwei!"

"Zwei balita ko may bebe ka na daw?"

"Sino 'yung bebe mo? Pwedeng ako nalang??"

"Hahahaha! Asa pa more!"

Binigyan niya lang ng tango at tipid na ngiti ang mga sumasalubong at pag'katapos ay hindi na niya pina'pansin. Deretso siyang nag-lakad pa'akyat sa third floor at pumasok sa pinaka-dulong kwarto. Ang Headquarters office.

Tatlong beses siyang kumatok bago niya binuksan ang pinto.

Sa loob ng silid, isang lalaki ang abala sa pagsusulat sa mga papel na naka'tambak sa kaniyang lamesa. Patuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa mapansin niyang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki.

"Zwei??"

"Yes its me.."

"Oh my.. Welcome back, buddy!"

"Thank you.."

"Zwei, kumusta ang bakasyon mo? Hm, parang mas lalo kang gu'mwapo!"

May inilapag si Zwei na paperbag sa lamesa. Mula roon ay nag-labas siya ng itim na box. Meron itong kumikinang gold ribbon.

"For you," sabi ni Zwei. Kinuha niya ang box, binuksan niya at nakita niya ang mga rare at mamahaling brand ng wine. Mabilis na kuminang ang kaniyang mga mata at masayang pinakatitigan ang mga pasalubong sa kaniya.

"Zach Allens?" basa ng lalaki sa brand ng alak. "Is this new? Wala pa akong nakikitang ganitong alak nila.. Anyway, salamat dito.."

Umupo naman si Zwei sa upuang kaharap ng lamesa at sumandal. Mahaba ang naging flight niya para bumalik sa bansa. Pagod pa siya.

"Saan ka ba pumunta?" Tanong ng lalaki. Ito ang secretary head ni Headmistress at isa sa malapit na kaibigan ni Zwei dito sa Academy.

"I did some business back at the Zerfland.."

"Bakit ang tanggal mo bumalik? Hindi ba tatlong buwan lang ang kontrata n'yo dun?"

"Headmistress wishes to extend the primary event.. Gusto n'ya daw akong makita na pabagsakin ang lahat ng mga nan'dodoon.."

"That's sick! So, kumusta 'yung laban mo?"

"Nothing interesting happened.. I'm the victor, surprising no one.."

"Hahahaha! By the way, handa ka na bang hawakan ang responsibility mo dito?"

"Hm, of course.. That's the ultimate reason why I arrived here.. And on the other side, our royal successor is here.."

Nan'laki ang mga mata ng lalaki nang banggitin nito ang huling sinabi. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig. "Y-You mean.. The royal highness has arrived?"

Naka'ngiting tumango si Zwei.

"Na'san na siya ngayon?"

"He'll be here within few minutes.."

~•~•*•~•~

TATLONG oras na ang lumipas at patuloy pa rin sa pagiging abala ang mga estudyante sa pag'hahanap ng bomba sa paligid. Bigo silang maka'kuha ng bakas o hints para sa mga naka'tagong bomba. Habang si Eugi ay abala rin sa pag-upo, pinapanood ang mga nag-kalat na estudyante. Wala siyang balak na tumayo o tumulong. Tahimik lang siyang naka-upo sa kaniyang p'westo.

Naramdaman niyang may sumipa sa kaniya. Nag-angat siya nang tingin at nakita ang isang babae na naka'pamewang sa gilid niya habang ngumunguya ng bubble gum.

"Uyy, ikaw.. Kanina pa kita nakikitang naka-upo d'yan.. Ano ka? Prinsesa? Hindi ka man lang tumayo d'yan at tumulong!"

"..."

"Ano, wala ka bang narinig? Tititigan mo lang ako?"

"..."

"Bes, ano ba problema d'yan? Ba't nagagalit ka?" nakita niya ang isa pang babae na lumapit sa gilid nito at tumingin sa kaniya. Hindi naman nag-bago ang emosyon niya.

"Tingnan mo 'tong babaeng 'to.. Kanina pa siya naka-upo d'yan, naka'nganga!" dinuro pa siya nito.

"Ah, eh hayaan mo na 'yan.. Kita mong copper emblem ang suot.. Mga useless.. Lowlife na students.."

"Tsk.. Lahat tayo dito hindi ma'tahimik kaka'hanap sa mga bomba, tapos chill-chill lang siya? Tapos ano? 'Pag naka'labas tayo, lalabas din s'ya? Psh. No way!"

'Laki ng problema mo.. Pakamatay ka na..'

"What would you expect? Of course she'll do nothing in this kind of situation! Kaya nga tinawag na mortals, 'di ba? Mga basura at walang lugar sa mundo.."

"Tsk! Bakit ba kasi nakaka'pasok sa Academy na 'to ang mga mortals?? Wala silang nagagawa kapag may gulo!"

"Gusto mo upo ka rin.." sabi ni Eugi.

Naiiritang bumaling sa kaniya ang babae habang naka'taas ang kaliwang kilay. "What did you say? Ako? Pa'uupuin mo sa gan'tong sitwasyon!?"

"Oo, umupo ka lang at mag-hintay.."

"Hintayin ang ano?? Maging useless kagaya mo!?"

"Hintayin mo 'yung pake ko.." deretsong sabi ni Eugi sa kaniya.

Hindi maka'paniwalang tumingin ang babae sa kaniya at halos bakas na ang hiya at matinding inis sa mukha nito. Bago pa niya ito gawaran ng isang sampal ay narining niyang nag-salita ang kaniyang kasama.

"Let's go na, Mich.. Ilang oras nalang ang may'ron tayo.. H'wag mo nang patulan 'yan.. You're too high-class for that.. Your hand is not even worth to land on her cheek.."

"Hmph! Finee! After all, ayaw kong sayangin ang oras ko sa babaeng ito!" bulalas ng babae at nan'didiring tumingin sa kabuuan ni Eugi. "What a disgusting piece of cheap.." saka ito umirap sa kaniya at umalis. Walang ganang sinundan ito ng tingin ni Eugi at 'saka sandaling napa-isip. "Ayaw niya ng nag-sasayang ng oras, pero sinayang niya 'yung oras sa pakikipag-usap sa 'kin.. What a disgrace in the society.."

Sa ibang senaryo naman ay nag-kalat ang mga estudyante dala-dala ang kanilang mga plano at strategy para makuha ang mga naka-tagong bomba. Pero kahit ilang beses na nilang sinubukan ay bigo pa rin sila na makita ang mga ito.

"Do you think we should split individually? Or kung gusto n'yo duo nalang.."

"There's no point splitting the students.. May mga estudyante nang mag-isa na nag-hahanap pero wala pa ring nakaka'hanap.. Halos nalibot na 'yung buong area!"

"Tss, so what now?"

"I don't know.. Pagod na kami.. Nagugutom na rin ako.."

"We can't really stop searching.. Kapag tumigil tayo, mamamatay tayo.."

"Tsk! Sino ba kasi ang may pakana nito!?"

"As if someone knew! Let's just search harder and stop making rants.."

"I'm not making rants, I'm just asking! Ba't ka ba nagagalit??"

"Oh, ba't ka natatamaan? Hindi naman-"

"Oyy, tama na nga 'yan.. Mag'babangayan pa e!"

"Pag'sabihan mo 'yan.. Masyadong reklamador!"

"Anong sabi mo??"

"Sabi ko ang panget mo!"

"Uyy, ano ba!? Parang mga sira! Mag-hanap nalang kayo!"

Hindi nalang nag-salita ang parehong mag'kaklase at walang sabing nag-hiwalay ng landas. Napa'iling-iling nalang ang kanilang kasama ngunit bumalik rin sa pag-hahanap.

Sa kabilang banda, mag-kasama na nag-hahanap si Sheiko at Neo habang nag'iimbestiga sa loob ng laboratory. Si Eugi naman ay nagpa'iwan sa hall dahil nag-sabi ito sa kanila na ayaw niyang mag-hanap. Hinayaan naman nila ito.

"Tingnan mo nga rito, Neo.."

"Saan?"

"Dito sa ilalim ng crafting table.."

"Wala dito.."

"Wala rin 'dun sa racks ng mga potion?"

"Wala.. Tiningnan ko na.."

"Ba 'yan.."

"Nakaka-pagod naman.. Parang ilang oras na tayong nag-hahanap, wala pa ring makita.."

"Oo nga ee.. Pahinga muna tayo.. Kanina pa tayo nag-hahanap e.." umupo sa sahig si Sheiko at sumandal sa pader. Napa'buntong hininga nalang si Neo 'saka na'upo naman sa tabi ni Sheiko. Ilang oras nalang ang natitira at sasabog na ang bomba. Ang masaklap pa nito, hindi nila alam kung saan naka-p'westo ang tatlong mga bomba. Wala talaga silang magagawa kun'di paki-usapan si Eugi na i'angat ang border o boundary area para maka'labas sila.

Sa isang silid, isang babaeng estudyante ang nag'mamasid sa kaniyang hawak na holographic monitor.

["Kamusta ang operation?"] boses ng isang babae mula sa kaniyang earpiece.

"We have one hour and 53 minutes to establish our operation.."

["Mia, you know what to do.. Head out to that room.. Mag-ingat ka.. Wala dapat maka'kita sa 'yo.."]

"Yes, copy.." ani ng babae 'saka inayos ang earpiece sa tainga. "Hello, Macey??"

["Girl, ano na?? Dalian mo na, umalis ka na d'yan sa kwarto.. Gusto ko nang pasabugin 'yung Blue Haven!"] usisa ng kausap n'yang si Macey mula sa kabilang linya.

"Yes, I'm preparing to go out.. Pero kailangan ko munang maka-tawid sa west para ma'lagay 'yung unang bomba.. Unfortunately, students are also navigating in that area, kaya hindi ako maka'hanap ng t'yempo para pumunta 'don.."

["Why don't you try to distract them! Or make some fake announcement, tell them na may nakita kang clues para lang mapa-alis mo sila sa lugar na 'yon! Girl mag-isip ka naman! Malilintikan tayo n'yan!"]

"Okay okay.." ma'ingat na nag-lakad si Mia palabas ng silid. Luminga-linga muna siya sa paligid para tingnan kung may makaka'kita sa gagawin niya. Nang wala siyang makita na estudyante ay nag-patuloy siya ngunit mabilis rin na nag-tago sa malapit na pillar. Sumandal siya doon para hindi mahagip ng mga napapa'daang estudyante.

"Macey? Hello??"

["Oh?"]

"Area is unclear.. Give me another route to go into.."

["Wala ng ibang daan.. Go ahead.. I'm monitoring the main system right now.. Lipat ka sa kanan.. Papunta na sila d'yan.."]

"Copy, thanks.." sagot ni Mia at umalis sa pinag'tataguan n'ya. Nag-kunwari s'yang nag-hahanap at nag-iimbestiga nang mapa'daan ang grupo ng mga estudyante. Hindi siya pinansin ng mga ito. Nang maka'lagpas na ang mga estudyante ay umalis siya sa lugar na 'yon at hinawakan ang kan'yang earpiece.

"Muntik na 'yon.." bulong niya. "Macey, kumusta sa hallway? Clear ba?"

["Clear.. Pumunta kana.. Bring out the bomb navigator.. Pag nalagay mo na 'yung bomba, gumawa ka ng paraan para hindi maka'punta ang mga estudyante d'yan sa west wing.."

"Okay, got it.."

Pumunta siya sa lugar kung saan walang mga estudyante. Ngumisi siya nang makitang pag'kakataon na niya para gawin ang dapat niyang gawin.

Sa una palang ay intensyon na nilang patayin ang mga Blue Haven students. Si Mia ay espiya ng Black Knight Academy na gumamit pa ng isang spell para mag'panggap bilang isang Havenian (Tawag sa mga estudyante ng Blue Haven). Binibigyan siya ni Macey ng instructions mula sa kabilang linya, dahil nagawa nitong pasukin ang security monitor nang hindi nalalaman ng mga Security head staffs.

Ang dahilan?

Utos mula sa kanilang pinuno. Maliban doon ay hindi na nila alam ang dahilan.

Muli siyang tumingin sa paligid para mag-masid at pagka'tapos ay sinimulan nang ilabas ang mga gamit ngunit ay natigilan rin sa kaniyang ginagawa. "Uhm.. Macey?"

["What?"]

"Somebody.. Somebody is watching me.."

["Somebody what??"]

"May nanonood sa 'kin.. Akala ko ba clear sa area na 'to?"

["Clear nga!"]

"I don't think so.. She's.. She's here.."

["Who's there?"]

"She's staring at me.. What a creep.." usisa ni Mia habang pinag'mamasdan sa 'di-kalayuan si Eugi. Naka'upo lang ito doon at parang isang estatwa na naka-titig sa kaniya. Hindi niya gusto ang tingin ni Eugi sa kaniya, para itong nakaka'takot na estatwa mula sa mga horror movies.

["Woah! Tao pala 'yan.. Oh my, buong akala ko estatwa lang 'yan.. Gumagalaw pala!"]

"So.. what now? I can't perform our plan kung nan'dito ang babaeng 'yan.." inis na sabi ni Mia at tumingin sa kaniyang suot na relo. "Time is ticking.. We only have an hour and a half left.."

["Pull your step back.. Go get the navigator first and proceed to the next location.. Let's deal with her later.."]

"Okay.."

Walang nagawa si Mia kun'di umalis sa lugar na 'yon. Humanap siya nang mapag'tataguan at kinapa sa kaniyang bulsa ang bomb navigator. Ngunit ga'non na lang ang kaba sa dibdib n'ya nang maramdamang wala na ito sa bulsa n'ya.

"Oh no.." bulong niya. "Bakit wala??"

["Wala ang alin??"]

"Wait.. Baka na-misplace ko lang.." kinapa-kapa niya muli ang kaniyang bulsa at patuloy na hinahanap ang navigator doon. "Noo.. Where is it!?"

["Ano ba 'yung nawawala!?"]

"'Yung bomb navigator!"

["WHAT?? YOU LOST IT!?"]

"H'wag kang sumigaw! Your voice is hurting my ears.. B-Baka na-misplace ko lang.."

["Gosh, how could you be so careless!? Mia, importante 'yon! Bakit mo nawala!?"]

"Wait ka nga lang.." mahina ngunit naiinis na usal nito. Umalis ito doon para muling hanapin ang nawawalang navigator. "I'll try to send vibration signal on the navigator.."

Naka'titig lang si Eugi hanggang sa mawala si Mia sa kaniyang paningin. Maya-maya lang ay naramdaman n'yang nag-va'vibrate ang isang bagay sa bulsa n'ya. Kinuha n'ya 'yon at nakitang ito ang bagay na na'pulot niya kanina nang mabangga ang babaeng nag'mamadaling umalis.

Labis siyang nag-taka nang malaman ang bagay na hawak n'ya.

"Time starts.. Speed up.. Release blast.." binasa niya ang mga buttons ng bomb navigator. Pinag'masdan n'ya ito mula harap hanggang likod.

Ngayon ay alam na niya kung ano ang bagay na na'pulot niya kanina.

Isang bomb navigator!

Galing ito sa isang estudyante na naka'hulog nito. Hindi na niya namukhaan ang estudyante bagamat naka'talikod ito habang nag-mamadaling umalis kanina. Hm. Kung ga'non ay kasama lang rin nila ang isa sa mga espiya at pakana ng nangyayari ngayon.

Tinago ni Eugi ang navigator sa kaniyang bulsa.

Isang ideya ang pumasok sa isip niya. Isang plano kung saan sigurado siya na mapi'pigilan niya ang pag-sabog ng hindi gumagamit ng kaniyang lakas. Kailangan niya ng tulong ni Neo at Sheiko para magawa ang kan'yang plano. Sa ga'yon ay maiiwasan ang bomb suicide sa kanilang esk'welahan.

Eksakto naman n'yang na'tanaw mula sa malayo ang dalawa habang pa'palapit ito sa kaniya. Base palang sa mga hitsura nito ay bigo itong ma'hanap ang mga naka'tagong bomba.

"Kumusta ang paghahanap n'yo?" tanong niya.

"Kapagod! Wala pa ring nakaka'kita 'nung bomba.. Halos buong sulok na 'yung hinanap namin pero wala pa rin.. Saan naman kaya 'yun ita'tago?" saad ni Sheiko at na'upo sa tabi ni Eugi.

"Gusto ko na umuwi! Ayoko na mag-hanap!" bulalas ni Neo.

"Wala ka pa rin bang nai'isip na pwede nating gawin, Eugi?"

"Hm.. meron.."

Nag-liwanag ang mukha nilang pareho. "T-Talaga ba, Eugi?"

"Mm.."

"Yeheey! Ano 'yon? Dali!"

"May mga ipaga'gawa ako sa inyo.."

"Yun oh! Sige sige.. Ano ba 'yon?"

"Neo, alam mo kung saan 'yung lab 09?"

"Oo.. 'Yun ba 'yung kwarto 'dun sa kabilang dulo?"

"Oo, 'yung kwarto 'dun sa pinaka-sulok.."

"Okay.. Anong meron 'don?"

"Sukatin mo kung ilang milya ang distansya mula 'don hanggang dito sa hall.. Ku'nin mo na rin 'yung Blue print ng area na 'to.."

Nag-tat'akang tumingin si Neo kaniya. "Kaya ko kuhanin 'yung Blue print.. Pero 'yung sukatin 'yung lab 09 hanggang sa hall? Seryoso ka ba d'yan? An'layo 'nun ahh.. Bakit?"

"Gawin mo nalang.. Hindi ko pa kayang ipaliwanag sa ngayon 'yung pina-plano ko, pero mamaya.. Malalaman n'yo rin kung bakit.." 'saka siya bumaling kay Sheiko. "Sheiko.. Bilangin mo kung ilan lahat ng mga estudyanteng na-trap dito.."

"Ha?? B-Bakit kailangan ko silang bilangin??" nagta'takang reaksyon ni Sheiko. Labis siyang nagu'guluhan sa mga request ni Eugi."E-Eugi, hindi ba p'wedeng-"

"Gawin n'yo ang sinasabi ko.. Kung gusto n'yong maka-labas dito.. Nang buhay.."

"Eh ikaw? Anong gagawin mo?"

"U'upo ako dito.."

"Ha??"

"U'upo lang muna ako dito at mag-hi'hintay.. Ta'tayo ako mamaya, kapag sampung minuto nalang ang natitirang oras bago mag alas-otso.."

"Ano?? Hindi namin maintindihan 'yung plano mo.. Alas-otso sasabog 'yung bomba, ba't ka ki'kilos kapag sampung minuto nalang ang nati'tira? Ano bang mangyayari kapag nagawa namin 'yung mga pinapa'gawa mo?" tanong ni Sheiko.

"Maliligtas tayo.. lahat.."

Nag'tatakang nag-palitan ng tingin si Neo at Sheiko. Hindi nila maintindihan ang punto nito pero ga'non pa man ay malaki naman ang tiwala nilang dalawa sa kaniya.

"Sige na, gawin n'yo na ang pinaga'gawa ko.."

"Sige.. Naniniwala ako na maganda 'tong plano mo, Eugi." usisa ni Neo. "At ano namang gagawin namin pag-tapos namin magawa 'yun?"

"Gawin n'yo muna, tapos bumalik kayo dito.. Sasabihin ko ang susunod n'yong gagawin.."

"Sige sige! Isang oras at kalahati nalang ang may'ron tayo!"

"Hm.. Mag-ingat kayo.."

Nag-simula nang umalis ang dalawa at muli siyang na'iwan doon. Bumaling ang tingin niya sa supot na naka-lagay sa kan'yang tabi. Nag-halungkat siya sa loob nito at nakitang wala nang laman ang mga bote ng strawberry milk. Labis siyang na'dismaya.

Hayy..

Dapat pala bente na 'yung binili niya kanina. Mukhang unlimited naman ang access ng emblem ni Ceref sa buong Academy.

Napansin niya ang cctv camera na naka'tutok sa kaniya na parang pinag'mamasdan ang kaniyang mga galaw. Nag-angat siya nang tingin at tumingin din doon. "Pina'panood mo pa rin ba ako?" ang sabi niya na parang kina'kausap ang taong nasa-likod ng kamera. "Kung ga'non manood ka lang.. Dahil may gagawin akong hindi mo inaasahan.."

***

Tagal walang paramdam.. Sorry nawalan talaga ako ng gana these days eh.. Siguro dahil sa dami ng ginagawa.. Anyways, nawala na rin 'yung writer's block ko, kailangan ko lang pala uminom ng Dutchmill! (My fave 💕)

Sa next chap sana maintindihan n'yo 'yung plano ni Eugi kasi nag-handa pa 'ko ng illustration para makita at ma-gets n'yo. Ga'nun ako ka-effort huehue..

Votes and comments are appreciated. (Binabasa ko lahat ng comments n'yo, and I just want to say Thank you! 🤗)

Continue Reading

You'll Also Like

67.8K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...