Heart in Caution (Heart Serie...

By thorned_heartu

302K 14.3K 2K

[COMPLETED] "I know I'm in danger. But would putting a caution in my heart can make me stop from falling in l... More

S Y N O P S I S
O N E
T W O
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
T E N
E L E V E N
T W E L V E
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
S E V E N T E E N
E I G H T E E N
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y - O N E
T W E N T Y - T H R E E
T W E N T Y - F O U R
T W E N T Y - F I V E
T W E N T Y - S I X
T W E N T Y - S E V E N
T W E N T Y - E I G H T
T W E N T Y - N I N E
T H I R T Y
T H I R T Y - O N E
T H I R T Y - T W O
T H I R T Y - T H R E E
T H I R T Y - F O U R
T H I R T Y - F I V E
E P I L O G U E

T W E N T Y - T W O

7.1K 308 44
By thorned_heartu

I was humming while cooking mongo for breakfast. I just feel like eating mongo today so I cooked one. Hinihintay ko rin si Ville na bumangon at maggising dahil kanina pa iyon tulog na tulog. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya kagabi kaya matagal siyang naggising ngayon. Basta ang naaalala ko ay pawang daldal lang niya ang pumuno sa kwarto. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Kung saan-saan napupunta ang usapan.

Naaalala ko pa kagabi na halos hindi siya mahiwalay sa akin. Kahit sobrang init na at pawis na pawis na ako dahil sa kaka-yakap niya sa akin ay hindi pa rin talaga siya tumigil. Yakap-yakap niya ako kagabi na tila ba naglalalambing. Paulit-ulit akong sinasabihan na “Sagutin mo na ako, baby”. Hays!

Napailing na lang ako kapag naaalala ko ang mga pinanggagawa niya kagabi. Actually, I really love his surprise. The first day of courting celebration. Nakakatuwa at nakakakilig. Dahil hindi ko inaakala na may tamis rin pala sa katawan ang gagong attorney. Hays!

Napangiti ako nang maalala ang panliligaw na ginawa niya sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko at hindi ko mapigilang ngumiti na tila teenager na kilig na kilig sa crush niya. Pati ang mga salitang lumabas sa bibig niya ay hindi ko makalimutan. Hindi lang talaga kasi kapani-paniwala ang mga ginawa niya.

Nangingiti kong tiningnan ang pinakuluan kong mongo. Nang makitang pwede na itong isalang para lutuin ay kinuha ko ito at inilagay sa counter.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko nang may matitigas na brasong yumakap sa bewang ko saka sininghot ang leeg ko. Hinalikan niya ako ng mariin sa kanan kong pisngi bago niya muling isinubsob ang mukha sa leeg ko. Napangiti ako nang maamoy siya. Amoy pa lang niya kilalang kilala ko na. Nakakapagtaka nga na mabilis kong nakabisado ang amoy niya.

“Good morning, baby.” Bulong niya sa leeg ko sabay paulit-ulit akong hinalikan doon.

Napangiti ako saka napailing na lamang sa ginagawa niya. Mahina kong tinampal ang kamay niya na nasa bewang ko upang bumitaw siya ngunit hindi niya iyon pinansin.

“Good morning to you too. But you must let go because I’m cooking. Medyo matagal-tagal pa ito so you have to wait. Now, now, Ville. Let go of my waist.” Nangingiti kong wika sa kanya.

“Why? Can’t you cook with me hugging you? It just feels good.” Bulong niya saka patuloy sa paghalik sa leeg ko. Napailing ako sa ginagawa niya.

“Tsk. Makinig ka na lang. O baka gusto mong bacon at hotdog na naman ang ulam mo?” wika ko.

“Yeah, yeah. As long as I can hug you, why not?” Inaantok niyang sagot na nagpailing na lang sa akin.

“Tsk. Ville, don’t make me mad. Doon ka muna sa counter habang nagluluto ako. Para mabilis akong matapos,” wika ko. Narinig ko siyang umungol pero hindi na muling sumagot.

Nilingon ko siya at natagpuang malalim na ang paghinga. Senyales na tuluyan na siyang nakatulog.. ulit. Naiiling na tinitigan ko na lamang siya. Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa mukha niyang nakasubsob sa leeg ko.

Napangiti ako habang marahang hinaplos ang ulo ko. I caressed his hair as I looked at him lovingly. I noticed day by day that he grows more handsome. He has days of growing stubbles on his jaw making him look more handsome. Much handsome than Chris Evans. I slowly and softly caressed his thick eyebrows, down to his closed eyes. Nahiya ang pilik-mata ko sa haba ng pilik-mata niya. I then caressed his pointed nose then to his soft cheeks. He’s so flawless. And lastly, I caressed his lips. Those sweet soft lips looking so red like it’s tempting me have a peck. I smiled and stared at it for awhile before I gave him a peck.

Now I couldn’t help but wonder why this handsome guy chose to court me when there are tons of girls out there who will probably look good with him. But then, who am I to question his decision, right? I should be glad.

Marahan kong tinapik ang mukha niya. “Ville, woy gising. Bumalik ka na lang muna doon sa kwarto at ipagpatuloy mo ang pagtulog mo. Tatawagin na lang kita kapag tapos na akong magluto,” wika ko.

Napabuntong hininga ako nang hindi siya sumagot kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya. Medyo nahirapan ako dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko at mahigpit ang yakap niya sa bewang ko.

Nang makaharap na ako sa kanya ay agad kong sinalo ang bigat niya sa katawan ko. Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa bewang ko saka mas lalong isinubsob ang mukha sa leeg ko.

Muli ay marahan kong tinapik ang pisngi niya. “Ville? Ville? Hoy, gising, hindi kita kayang buhatin papasok sa kwarto. Masyado kang mabigat.”

Muli ay wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya kaya kinurot ko ang bewang niya. Kita ko ang pag-igtad niya at mas inilapit ang katawan ko sa katawan niya saka umungol. Napailing na lang ako saka tinitigan ang ulo niya.

“Paano ako makakapagluto nito kung nandyan ka?” wika ko kahit alam kong hindi naman ako sasagutin ng gagong attorney.

“Ville? Ville? Hoy ano ba?!” Asik ko saka sinundot ang bewang niya na nagpaungol muli sa kanya.

“Hmm?” Ungol niya. Napairap ako.

“Kapag ako nainis sayo, pramis bibitawan kita para lumagapak ka diyan sa sahig. Tingnan lang natin kung hindi ka maggising,” wika ko.

“Hmm,” sagot niya.

Aba, tangina!

Inis kong hinampas ang braso niya para maggising siya pero wala pa rin talaga. “Hoy, sabihin mo nga! Nagtutulog-tulugan ka bang gago ka! Bitaw nga!” Asik ko.

Mas lalo niyang isinubsob ang mukha sa leeg ko at biglang dumapo ang kaliwa niyang kamay sa kanan kong dibdib. Napatigil ako at napatitig sa kamay niya. Aalisin ko na sana ito nang bigla niya na lang itong pisilin ng mariin kaya napaigtad ako at mabilis siyang pinaghahampas sa braso.

“Gago! Sabi ko na nga ba gising ka, eh! Tangina ka talagang lalake ka!” Tili ko saka pinaghahampas siya.

Narinig ko naman ang mga kunwari niyang pag-ungol at mararahan niyang tawa. Inis kong hinawakan ang kamay niya para tanggalin sa dibdib ko pero ang gago ay hindi natinag at patuloy lamang sa pagpisil sa dibdib ko. Napatili ako sa inis saka tinadyakan ang paa niya dahilan nang pag-aray niya saka napabitaw sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Galawang hokage ng gagong attorney.

“Awts!” saad niya saka ngumuso ngunit kita naman ang pagpipigil niya ng ngiti.

Inirapan ko siya saka lumapit na lamang ulit sa counter para magsimula nang magluto. Habang siya naman ay naupo sa harap ng counter saka nakapangumbaba na pinanood akong magluto. Kita ko na antok na antok pa siya kaya nagtaka ako kung bakit? Tila hindi ito nakatulog.

“Bakit ba parang hindi ka nakatulog kagabi, ha? Antok na antok ka pa, oh,” wika ko.

“Hmm. Hindi lang ako nakatulog kagabi. I was just cherishing the moment while you were asleep beside me. I got scared that all of a sudden I would wake up and everything was just a dream,” sagot niya kaya napangiti ako.

“Tsk. Stop overthinking. Lahat totoo. Hindi pawang panaginip lang,” saad ko.

“Hmm.” I heard him yawned. “So, what are you cooking?”

“Mongo. Why?”

“Nothing. I bet that would be delicious,” wika niya na ikinangiti ko. “Gaya nang nagluto.” Dagdag niya na ikinairap ko.

“Tsk. Matulog ka na lang kaya muna doon. Gigisingin na lang kita kapag tapos na ako. Antok na antok ka pa, eh,” saad ko.

“Hmm. Let’s have a date later,” saad niya. I looked to face him and saw him dead serious.

“Date? Ulit?” Nangingiti kong tanong sa kanya. He just nodded. “Pero nag-date na tayo kahapon, ah. Pati nga sa gabi.”

“I know. But, I want us to have a date again today. I want us to have a date everyday of our lives. I want us to cherish every moment together,” wika niya.

Napangiti ako saka napailing saka ibinaling ang atensyon sa niluluto. “Lahat naman ng ginagawa natin ay date na kung tutuusin, eh. Hindi na natin kailangan pang gumastos. Gaya ngayon, this is considered as date.”

“Alam ko. Pero gusto kong gumastos para sayo,” wika niya kaya napailing na lang ako.

“Tsk. Matulog ka na lang kaya muna doon. Tatawagin lang kita,” wika ko.

“Hm. Okay,” sagot niya saka narinig ko ang mga yabag niya paalis sa kusina. Nang bigla siyang nagsalita. “We well have a date later, ‘kay?”

Napangiti ako saka sumagot. “Yeah, yeah.”

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto ko. Nang matapos ako ay agad na akong naghain bago tinawag si Ville sa kwarto. Pinasok ko pa ito dahil ayaw maggising. Nang maggising ay agad na kaming nag-agahan.

Habang kumakain ay napag-usapan namin kung saan kami magde-date. Ako ang tinanong niya kaya sinabi ko sa kanya na sa orphanage kami pumunta. Doon sa madalas pinupuntahan namin noon nina Harriet, Phaebe at Ayen. Noong may mga oras pa kami sa isa’t isa. Napamahal na sa amin ang mga bata roon. May iba pa nga na nakakasabayan na naming lumaki. Kaya doon ko naisipan dahil matagal na rin simula nang nakadalaw ako roon.

Nang matapos kaming mag-agahan ay agad akong nagbihis. Hindi para pumunta sa orphanage kundi para mamili. Mamimili muna kami bago pumunta sa orphanage. Mamimili ako ng mga damit, pagkain at saka laruan.

Ang isinuot ko ay isang yellow sleeveless dress, white sneakers, black cap at mask at saka ang spectacles ko na hindi ko pwedeng kalimutan.  Isinukbit ko ang bag ko saka excited na nginitian si Ville nang maabutan ko siya sa living room na naghihintay. Isang gray long-sleeves polo ang suot niya at isang black jeans. Nagsuot rin siya ng cap, mask at spectacles para walang makakakilala sa kanya.

He smiled at me and went near me. He held my hand and intertwined it with his.

“Let’s go?” He asked and I smiled as I nodded.

Agad kaming tumungo sa parking garage ng building. Walang pasabing agad niyang pinasibad ang kotse niya. Hindi naman kami nagmamadali pero tila nagmamadali siya. Racing lang, racing? Tsk.

“We are we going again?” He asked out of nowhere.

Napairap ako. May pa-bilis-bilis pa ng takbo tapos hindi pala alam ang destination namin. Tsk. Hays, why so gagow?

“Sa mall muna tayo. Mamili tayo ng mga damit tsaka iba pang kagamitan para sa mga bata. Tsaka bumili na rin tayo ng mga laruan. Tapos, mag stopby tayo sa mga fastfood chains para mamili ng pagkain,” wika ko. He nodded.

“Okay.”

“By the way, alam mo ba kung ilan lahat ang mga bata sa Paradise Orphanage? Nakalimutan ko na, eh. Nasisiguro ko na mas maraming nadadagdag bawat araw sa orphanage. Hindi naman tayo pwedeng bumili kung hindi natin alam ang bilang nila dahil baka magkulang tayo,” wika ko.

“Why are you asking me? You’re the one who plans to go to the orphanage,” wika niya.

“Tsk. Dapat kasi naghanda ka ikaw kaya nagyaya mag-date.” Asik ko. Kinuha ko mula sa bag ko ang cellphone ko. Plano kong tawagan si Harriet. Mas maraming alam iyon. “Tatawagan ko lang si Harriet.”

I dialed her number and after three rings she answered my call.

Hello, Nik? Why?” Bungad niya. Napangiti ako.

“Plano kong pumunta sa orphanage ngayon, Yet. Matagal na akong hindi nakakapunta doon, eh. Siguro dalaga at binata na ang mga batang nakakalaro natin noon,” wika ko habang may malawak na ngiti sa labi.

Naku! Sobra pa, Nik! Ang gaganda’t gagwapo nila. Balita ko nga may mga nagkakaroon na raw ng boyfriend, eh. Pero, syempre focus pa rin naman sila sa school kasi palagi namang tinitingnan nina Sister Lara ang mga scores nila everyday. Tsaka, balita ko rin ang iba nakapagtapos na. Pero, paulit-ulit raw na bumabalik ang mga iyon doon sa orphanage. Hindi raw makalimutan. I like those kids!” wika ni Harriet kaya napangiti ako.

Alam ko kasi na ang orphanage na ang tahanan nila simula mga bata pa lang sila kaya hindi nila iyon malimot-limutan. Isa pa alam ko rin ma mababait ang mga bata na iyon, malaki ang utang na loob nila sa orphanage. At maliban pa doon, napamahal na sila sa mga nagbabantay at nag-aalaga sa kanila. Kahit nga kami nina Harriet, Phaebe at Aileen ay napamahal na rin sa mga tagapangalaga doon. Sadyang mababait sila at mahahaba ang pasensya.

“Ganoon ba?! Naku, excited na akong makita sila ulit!” saad ko. Narinig ko ang marahang pagtawa ni Harriet.

For sure makikita mo ulit si Terrence mamaya! Ay naku! Nakakakilig talaga ang lalakeng iyon!” Biglang saad ni Harriet na ikinatawa ko.

Terrence is one of the orphanage’s boy. Noong magsimula pa lang kami sa pagbisita roon sa orphanage noong high school ay naroroon na siya. Ka-edaran lang namin siya kaya siya ang madalas na sumasalubong sa amin upang samahan kami papasok sa orphanage. Mabait rin siya kaya balita ko sa school nito maraming nagkakagusto at humahanga dito. Pansin ko rin dati ang mga tingin at ngiti niya sa akin. Kaya palagi kaming inaasar ng mga kaibigan ko o di kaya ay nang mga bata sa orphanage. Hinahayaan ko rin naman sila dahil may crush ako noon kay Terrence. Ewan ko lang ngayon, sobrang tagal na simula nang huli kaming nagkita.

“Well, I’m kind of excited to meet him again. For sure he grew more matured and handsome! Oh, may nabalitaan ka ba tungkol sa kanya? Ano ang natapos niya?” I asked out of curiosity and excitement.

He’s already a Doctor, Nik! A handsome hot doctor!” Tili ni Harriet sa kabilang linya na ikinatawa ko.

“Alam mo, kapag narinig ka ng asawa mo, patay ka.” Natatawa kong sabi.

What? I’m not guilty. Totoo naman kasi! Oh, basta kapag nagkita kayo, ikumusta mo ako sa kanya, ha?” wika niya kaya napatawa ako saka tumango.

“Yes sure. Pero, ilan nga kasi ang mga bata na naroroon sa orphanage? Para makabili na kami ng mga kagamitan para sa kanila. Paki-list down mo nga tapos send mo sa akin. Wag mong maliin, ha. Naku! Baka magkulang!” saad ko.

Oh, okay, sure! E-se-send ko lang sayo. Basta ha, ikumusta mo talaga ako kay Terrence. Tsaka, alam mo pareho na kayong professionals. May mga natapos na. Ano pang hihintayin niyo? Edi, go na iyan! Ituloy niyo na ang naudlot niyong pagmamahalan!” Tili ni Harriet na ikinatawa ko. Napailing na lamang ako sa mga pinagsasabi niya.

“Gaga. Sige na, bye. Send mo sa akin agad, ha?” wika ko.

Okay! Bye!

The call ended.

Nangingiting napatitig ako sa cellphone ko. Hindi ko rin talaga mapigilang kiliging muli sa mga pinagdaan namin dati ni Terrence. Naaalala ko pa dati na halos hindi kami pinaghihiwalay ng mga kaibigan ko at nang mga bata. Bagay daw kasi kaming dalawa kaya gusto nila na palagi kaming nakikitang magkasama. Palagi kaming nagkakaroob ng lone time kaya marami akong alam sa kanya, as well as him to me. The thing that I loved the most about him is being responsible and matured-thinker. He doesn’t speak without action. He does not do action without a deep thinking. Yup, he’s an ideal man.

“Was that Harriet?” Ville asked and I nodded.

“Yep. She’ll send me the information,” sagot ko.

“Hm-huh. So.. why do you look so happy? I bet you talk not just about the orphanage’s kids but also with something else. So, what were you two talking about?” He asked.

I pursed my lips, hesitating if I should tell him or not. But of course, I end up telling him. “We were talking about the kids we’ve been with back at high school. And I couldn’t help but reminisce our memories.”

Napatango siya. “Oh, great! So, you would meet again?”

“Yeah, I think so. Pero hindi ako sigurado kasi baka nasa trabaho sila. Or baka busy sila. But still, excited akong ma-meet sila ulit.” Nangingiti kong sabi.

“That orphanage’s kids that you’re saying are girls... right? Am I right?” tanong niya. Bahagya akong napatingin sa mukha niya and I could see how his face darkened.

I cleared my throat and smiled. “May mga lalake rin.”

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata nang biglang bumilis ang takbo ng sasakyan. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya at kita ko ang pag-igting ng panga niya. G-Galit ba siya?

“G-Galit ka ba?” Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

“Hindi.”

“Okay.”

Napatili ako nang mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan kaya inis kong hinampas ang braso niya.

“Akala ko ba hindi ka galit?!” Tili ko.

“Hindi nga.”

“Gago ka, hinaan mo ang takbo! Gago ka! Baka makulong tayo!” Tili ko.

“Edi, makulong.”

“Oh my god! Ano ba ang tanginang problema mo?!” Sigaw ko.

“Wala nga.”

Napapikit ako ng mariin saka napabuga ng hangin. Ang hirap kapag gago ang kausap. Tangina!

Hinayaan ko na lamang siya na magmaneho nang mabilis. Kapag nahuli kami ng mga pulis edi siya makipag-away sa court. Ano pa ba ang kwenta niya bilang abogado?

Ilang minuto lang din ay naging kalma na ang pagmamaneho niya. Agad ko ring natanggap ang message ni Harriet tungkol sa bilang ng mga bata sa orphanage kaya agad kong sinabi sa kanya ang bilang. We hurriedly went straight to the mall to buy things there. Harriet’s information was very detailed. She even sent me the number of teenagers, the 18 and above as well as the little kids and the babies. Which is very helpful for us.

Soon as we reached the mall I then bought everything that the kids in the orphanage needed. I bought clothes, shoes and slippers. I bought some accessories like anti-rad eyeglasses, wristwatches and hair pins for girls. I also bought toys for the kids. I bought them school supplies as well. It took us almost an hour. Soon as we were done, we then went to a fast food chain and bought kiddie  foods there. At nang matapos ay agad na naming nilakbay ang daan patungo sa orphanage.

Nang makarating kami roon ay agad na sumalubong sa amin si Tatay Romy. Malawak ang ngiting lumabas ako saka tinawag si Tatay Romy na kita ko ang gulat sa mga mata.

“Tay!” wika ko sabay takbo palapit sa kanya at sinalubong siya sa mahigpit na yakap.

“Nikki! Aba, ke-ganda-ganda mo na talagang bata ka. Bakit naman ngayon ka lang napadalaw dito sa orphanage? Na-miss ka nang mga bata dito. Sina Phaebe at Aileen rin ay hindi na masyadong pumupunta rito. Si Harriet na lang ang madalas na pumupunta,” wika ni Tatay Romy nang humiwalay kami ng yakap.

“Eh kasi naging busy na ako, Tay. Naaalala niyo, pumunta ako sa California para magtrabaho doon? Isa na akong model kaya madalas na akong busy,” sagot ko.

“Ah, oo nga. Balita ko’y sikat ka na roon, ah. Aba, mukhang marami nang nanliligaw sayo, no? Paano naman si Renso niyan?” wika ni Tatay na ikinatawa ko.

“Si Tatay talaga! May mga nanliligaw pero syempre di ko sinasagot kasi inuuna ko ang trabaho ko. Tsaka gusto ko munang mag-enjoy,” wika ko.

“Aba, talaga bang dahil sa trabaho o baka dahil hinihintay mong makabalik dito at magkita kayo ni Renso?” tanong ni Tatay na may pang-aasar.

“Si Tatay talaga! Hindi, ah! Ikaw Tay, ah tumatanda ka na, mapang-asar ka pa rin!” Natatawa kong sabi.

“Aba, syempre! Gustong-gusto ko na kayong dalawa ni Renso ang magkatuluyan. Bagay kayo ng batang iyon,” wika ni Tatay na ikinatawa ko.

“Eh, saan nga po pala si Terrence?” tanong ko. Kita ko naman ang pagkindat ni Tatay na tila ba nang-aasar kaya napahagalpak ako ng tawa. “Tay! Nagtatanong lang ang tao!”

“Naroroon sa loob si Renso. Puntahan mo na lang, hija,” wika ni Tatay na may itinatagong ngisi.

“Who’s Renso?” Napalingon ako kay Ville nang marinig ko ang boses niya.

“Oh, sino itong kasama mo, Nik hija? Naku, eh, wag mong sabihin sa akin na boypren mo ito dahil naku hindi ako papayag,” wika ni Tatay kaya alangan akong tumawa.

“Why not?” Balik tanong ni Ville na kinurot ko sa bewang dahil sa tono niya.

“Eh, may boypren na itong si Nik. Siguro naman ay kaibigan ka lang,” wika ni Tatay na halata ang pang-aasar sa boses.

“Boyfriend? What are you saying? She doesn’t have a boyfriend.” Kunot-noo na wika ni Ville.

“Ah, hindi mo ba alam? Ay naku! Kung ganoon ay ipapakilala kita sa boypren nitong si Nikki.” Ngisi ni Tatay.

Ramdam ko ang paghawak ni Ville sa bewang ko. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya dahilan ng bahagya kong pag-igtad. I heard him cleared his throat.

“Uhm... I’m her fiancé. I’m Nikki Irah’s fiancee. And as far as I can remember she doesn’t have a boyfriend aside from me and that ex of hers,” wika ni Ville.

“Fiancee? Sinasabi mo bang ikakasal na kayo nitong si Nikki?” tanong ni Tatay.

“Yeah.”

“Aba, eh bakit sinabi niyang busy siya sa trabaho niya at wala siyang oras sa mga boypren-boypren na iyan?” wika ni Tatay.

Alanganin akong natawa at napaigtad nang mas lalong humigpit ang hawak ni Ville sa bewang ko.

“She said that?” Mariing tanong ni Ville.

“Oo—"

“Tay, samahan niyo po muna ako. Mamimili ako ng school supplies para sa mga bata. Sina Kisha nagpapabili rin ng mga art materials sa akin. Bibilhan ko lang. Samahan mo ‘ko, Tay,” wika nang taong kakalabas lang mula sa loob ng orphanage.

Seryoso niyang tinitigan ang hawak niyang papel kaya siguro hindi niya kami napansin. Napangiti ako nang makitang mas lalo nga siyang gumwapo. He’s wearing a simple round-neck white t-shirt, a dark blue ripped jeans and an Adidas shoes.

“Oh, Renso! Naku! Batiin mo muna ang mga bisita natin,” wika ni Tatay Romy dahilan nang pag-angat niya ng tingin sa amin.

I smiled at him and I saw how shocked he was. He didn’t even blink while staring at me kaya medyo nailang ako.

“H-Hi, Terrence. Kumusta?” Alanganin kong tanong.

“I-Irah?” Ang tangi niyang sabi.

“Kumusta ka?” tanong ko ulit.

“G-God!” Bulalas niya saka mabilis na nakalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Natatawang niyakap ko siya pabalik. “I missed you!”

“I missed you too!” Natatawa kong saad. Nang humiwalay siya ay malawak ang ngiting tinitigan niya ako.

“God! Lahat ng fashion magazines mo inipon ko. Hinintay kitang umuwi rito.” Natatawa niyang sabi sabay muling niyakap ako. Natawa ako sa ginawa niya. Noon pa man ay ganito na siya sa akin.

Napatigil kami nang may biglang tumikhim sa likod ko. Dahan-dahan namang humiwalay sa akin si Terrence at tiningnan ang nag-mamay-ari ng tikhim.

“So, who are you?” Blanko ngunit may diin na tanong ni Ville kay Renso.

“I’m Irah’s childhood friend. I’m Terrence Gomez,” saad ni Renso.

“Oh...” Hinapit ni Ville ang bewang ko palapit sa kanya saka namulsa. “I’m her fiancee. I heard that you collected all her fashion magazines, huh? Why not try to buy the book from Paris. It was written by a famous author of France. And I and my fiance are on the cover. You would love that.”

“Oh. I would love to,” wika ni Renso saka muli akong tiningnan sa ka nginitian kaya nginitian ko siya pabalik.

“This is Cladville Rios Lareho. He’s my fiancee,” wika ko.

“Fiancee? Akala ko ba ay wala kang boypren, Nik?” tanong bigla ni Tatay Romy.

“Ah, ang ibig sabihin ko po, Tay, wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko. Pero, hindi ko pa po nasabi na may fiancee na ako,” wika ko.

“S-So.. kailan kayo ikakasal? I heard that your relationship was supposed to be secret. But then, you suddenly revealed it. Why?” tanong ni Renso.

“We just decided to. My blood always rushed up my head every time boys are all over my fiancee and I don’t want that so, I revealed our relationship. I’m a jealous guy,” wika ni Ville saka hinigpitan ang hawak sa bewang ko.

Kita ko ang pagtagis ng bagang nina Ville at Renso kaya medyo kinabahan ako. Seryosong nakatitig lamang sila sa isa’t isa na tila ba nagtatagisan ng tingin. Tumikhim ako saka alanganing ngumiti.

“Ah, pumasok na tayo. Rens, wag ka nang bumili ng mga school supplies. May pinamili na ako. I also bought art materials kasi alam ko na mahilig sila sa mga ganoon. Wag ka na lang tumuloy tsaka tulungan mo na lang kami ni Ville na asikasuhin ang mga bata,” wika ko.

Nagbaba siya ng tingin sa akin saka nginitian ako saka tumango. “Okay. Let’s go.” Nauna na siyang naglakad papasok kaya tiningnan ko si Tatay Romy na siyang nagbabantay sa gate saka nginitian siya.

“Papasok na po kami, Tay. Tatawagin ka namin mamaya, ah. Wag kayong aalis,” wika ko kaya agad siyang tumango.

“Hijo, kung ayaw mong makuha ng iba, mahalin mo ng higit pa sa kaya mo. Iyon lang ang makakapagpanalo sa iyo. Walang kang pagsisisihan, dahil totoong minahal mo siya,” wika ni Tatay kaya kunot-noo ko siyang tiningnan, ngunit naabutan ko siyang nakatalikod.

Tiningnan ko si Ville ngunit nagkibit-balikat lamang siya saka hinawakan ang bewang ko at tumuloy na kami sa loob. Nang makarating kami sa loob ay agad kaming sinalubong ni Sister Lara na may malawak na ngiti sa labi.

“Sister!” Malawak ang ngiting tawag ko sa kanya saka mabilis siyang nilapitan at mahigpit na niyakap. Ramdam ko ang pagka-miss sa mga yakap na binitawan niya.

“Na-miss kitang bata ka! Ang tagal mong hindi dumalaw sa amin! Na-miss ka ng mga bata!” wika ni Sister habang mahigpit ang yakap sa akin.

“Sorry, sister, ha. Naging busy kasi ako sa career ko, eh. Pero syempre hindi ko naman kayo kinalimutan. Talagang busy lang ako at nagdadalawang-isip rin akong umuwi rito kasi alam niyo naman, diba? Ayaw pa naming makausap si Mom at Dad. Alam mo naman kung gaano ka-ayaw namin na ginugulo kami ng mya iyon. Sorry na, sister. Pero may mga pasalubong naman ako, eh,” wika ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

“Hay naku. Hindi mapapalitan ng kung anumang mga bagay ang presensya ng isang tao, hija. Alam mo iyan, diba? Naranasan niyo iyan ng kambal mo doon sa mga magulang mo. Pero kahit naman ngayon ka lang nakabalik, hindi naman kita masisisi. Alam ko na marami nang magagandang bagay ang nangyari sa iyo doon sa California. At aba, proud na proud kami sayo! Isa ka nang sikat na model ngayon samantalang ang kakambal mo ay isang sikat na fashion designer. Mataas na ang naabot ninyo, at ikinatutuwa namin na hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin kami nalimutan,” wika ni Sister nang humiwalay siya sa yakap namin. Nginitian ko siya.

“Wag kayong mag-alala, Sister. Sa susunod na balik ko rito, isasama ko si Nivia, Harriet, Phaebe at Aileen. Sigurado akong miss na rin kayo non,” wika ko na ikinangiti niya.

“Naku, gusto ko iyan. Para naman matuwa ang mga bata,” sabi niya. “Oh, siya tulungan na namin kayo sa mga dala niyo. Nasaan ba iyon?”

“Ah, naroroon po sa backseat at compartment ng sasakyan, sister. Ah, siya nga pala po, ito po si Cladville Rios Lareho. Fiancee ko po.” Pagpapakilala ko kay Ville sa kanya.

Agad namang nagmano si Ville saka ngumiti. “Nice to meet you po, sister.”

“Nice to meet you din, hijo. Aba, kailan naman ang kasal ninyong dalawa?” Malawak ang ngiting tanong ni Sister.

“Hindi pa po sigurado, sister.” Natatawa kong sabi.

“Kung kailan handa si Nikki ay agad ko siyang dadalhin sa altar,” wika ni Ville na ikinapula ko.

“Naku! Ganyan ang gusto ko. Dapat talaga dinadala muna sa altar, ha. Bilang paghingi ng paanyaya at pamaalam sa Diyos,” wika ni Sister na ikinatango namin ni Ville.

“Opo,” sagot naming dalawa.

“Oh siya, kunin na namin ang mga dala niyo,” wika ni Sister tsaka may tinawag na mga tao para kumuha sa mga dala namin.

Kami naman ay sumunod kay Terrence papasok sa isang parte ng orphanage kung saan naroroon ang napakalawak na field. Naroroon madalas ang mga bata dahil sa pagiging tahimik at ganda ng lugar. Maliban doon ay malinis rin ito at presko ang hangin. I could clearly see the green tiny grasses everywhere. There are huge trees all over the field. And every trees are surrounded by chairs. And some have hammocks.

“Kids!” Tawag ni Renso sa mga bata. Agad namang naglingunan ang mga ito. Ang iba ay siguro nakikilala ako ngunit ang iba na maliliit pa ay hindi na. “Remember her? She’s Nikki Irah Soletelle. She’s our visitor for today and she has something for you. Go on and greet her.”

Agad naman akong tiningnan ng mga bata saka ngumiti. Agad silang patakbong lumapit sa akin na ikinatuwa ko. Agad silang nagmano sa akin na siyang nagpalambot ng puso ko.

“Irah, I’m going. Tutulungan ko lang sina Tatay Romy sa pagkuha ng mga dala niyo.” Paalam ni Renso sabay alis.

“Hello po, Ma’am. Ako po si Taly,” wika ng cute na bata na kulot na kulot ang buhok. Napangiti ako saka hinaplos ang buhok niya.

“Hello.” Bati ko sa kanya na ikinangiti niya.

“Hi po, Ma’am!”

“Hello po!”

“Nagagalak akong makilala ka po, Ma’am!”

“Ako rin po, Ma’am! Nice to meet you po!”

Marami pang bumati sa akin kaya napalingon ako ka Ville na nasa huli pala at pinapanood ako habang may malawak na ngiti sa labi niya. Nginitian ko siya saka sinenyasang lumapit na agad naman niyang sinunod. Lumapit siya sa amin kaya agad ko siyang pinakilala sa mga bata.

“Mga bata, siya si Cladville Rios Lareho. You can call him Attorney, Sir o kaya Kuya. Alinman sa gusto niyo ay pwede. Siya ang fiancé ko,” wika ko sa kanila. Agad naman nilang ibinaling ang tingin kay Ville saka nagmano na kita ko naman ang pagkagulat at panlalaki ng mga mata niya dahil sa ginawa ng mga bata.

“Masaya po akong makilala kayo, attorney. Ako rin po gusto ko rin pong maging attorney gaya niyo paglaki ko,” wika ng isang matabang batang lalake na namumula pa ang pisngi. Sobrang cute niya.

“That’s good, kid. Alam kong matutupad mo iyan. Tiwala lang,” wika ni Ville saka tinanggap ang pagmano nito sa kanya.

“Opo! Magkita na lang po tayo sa korte!” Masiglang wika ng bata na ikinatawa ni Ville ngunit agad naman niyang tinanguan sabay gulo sa buhok ng bata.

Marami pang iba ang bumati sa kanya hanggang sa may isang bata na nagtanong sa amin. “Ano po ‘yung fiancee?” tanong ng batang babae na naka-braid ang buhok na parang si Elsa sa frozen.

“Fiancé? Iyan ang tawag sa magkasintahan na malapit nang ikasal,” sagot ko na ikinatango naman nilang lahat.

“Ibig sabihin po, malapit na po kayong ikasal?” tanong ng isa pang bata.

“Ah—”

“Yes. Malapit na kaming ikasal. Excited ba kayo? Kasi iimbitahan namin kayo sa kasal namin para marami tayo. Mas marami, mas masaya,” sagot ni Ville kaya ngumiti na lamang ako.

“Magkaka-baby na po ba kayo?” tanong ni Taly. Napatanga ako sa tanong niya saka bahagyang namula nang biglang sumagi sa isip ko ang ginagawa bago mabuntis. Ipinilig ko na lamang ang iniisip ko dahil ang pangit isipin. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko.

“Yes. Pagkatapos ng kasal namin ay magkaka-baby na kami. Bakit? Gusto niyo ba na magka-baby na kami agad?” Pilyong tanong ni Ville kaya agad ko siyang hinampas sa braso ngunit tumawa lamang siya.

“Opo! Para may bago kaming baby rito sa pamilya!” wika ng isang batang naka-head band.

Umakbay naman sa akin si Ville saka pinatulan ang sinasabi ng mga bata. Marahan ko siyang siniko dahil sa kagaguhan na naiisip niya.

“Don’t worry, sa susunod na punta namin dito may bitbit na kaming bata.” Natatawang wika ni Ville na ikinatawa ko rin sabay mahinang hampas sa hita niya. Nakaupo na kasi kami ngayon sa damuhan. Malinis naman rito kaya dito na kami naupo.

“Kuya Attorney? May alam ka po bang story na gaya ng princess? Mag-story ka po,” wika nang isang cute na batang babae. Nakasuot siya ng isang crown kaya napangiti ako sa kanya.

“Of course. Do you want me to tell you a story?” tanong ni Ville sa bata na agad namang tumango. “Okay, come here,” wika ni Ville saka pinalapit ang bata. Agad namang tumalima ang bata saka kinandong ito ni Ville.

“Okay, anong story ang gusto niyong isalaysay ko?” tanong ni Ville.

“Kahit ano po, basta princess,” wika ng bata. Ngumiti naman si Ville saka tumango.

“Okay. Once upon a time, there was a beautiful girl who lived in a huge house.” Panimula ni Ville.

“Sa palace po?” tanong ng isa pang batang babae.

“Hindi. Pero parang palasyo na rin,” wika ni Ville saka nagpatuloy sa pagsasalaysay.

Nang matapos siya ay agad na naman siyang dinumog ng mga katanungan mula sa mga bata.

“Kuya Attorney, sino po ang princess niyo po?” tanong ng batang lalake.

Ngumiti naman ng malawak si Ville bago kumindat sa akin saka hinarap ang bata. “Ang Ate Irah niyo, syempre,” sagot niya.

Magtatanong pa sanang muli ang mga bata nang bigla kaming tawagin ni Sister Lara. Oras na raw para kumain kaya agad namang nagtakbuhan ang mga bata palapit kay Sister na naghahanda na sa pagkain. Nakangiting pinanood ko na lamang ang mga batang tuwang-tuwa habang tinatanggap ang pagkain nila. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa katawan ni Ville. Ramdam ko ang matigas niyang mga braso sa bewang ko at ang mukha niya sa leeg ko. Inamoy niya ang leeg ko sabay halik.

“Gusto ko na ang mga batang iyon.” Bulong niya na ikinalawak ng ngiti ko.

“Hmm. Ako rin,” wika ko.

“Hmm. At dahil gusto ko sila, gusto kong tuparin ang wish nila,” saad niya.

“Anong wish?” tanong ko. Marahan siyang tumawa sabay sagot.

“Bigyan natin sila ng baby.”

Thorn:

I know may mga nalilito kay Terrence Lee Gomez at Devion Terrence Maximilian. Magkaiba po sila. Pero parehas po silang Doctor.

Devon Terrence is Cladville's friend. While Terrence "Renso" Lee is Cladville's rival in Nikki's heart.

THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES! LOVE YA'LL!

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 357 17
all the evidence! May contain manga and anime spoilers!
10K 296 37
*COMPLETED* ****************************************** "There are four rules that you must do, if you break them...chaos will come" ~Anonymous Rule...
23K 794 37
COMPLETED R-18: Read at your own risk. "I surmised it will drown her. The waves she met were enormous enough to break the pieces of the boat she's in...
24K 400 7
[ percy jackson fanfic ] || completed || After the Giant War, Hecate was weak and stuff so the mist kinda just stopped working? It's hard to explain...