Condo Boys (A Journey to Reme...

By xxxRavenJadexxx

1.3M 30.2K 3.5K

Condo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of f... More

Prologue (Letter)
Chapter 1: Hany
Chapter 2: Da Moves
Chapter 3: Mall
Chapter 4: First Kiss
Chapter 5: The Three Idiots
Not an Update
Chapter 6: Condo Boys
Chapter 7: Cook
Chapter 8: Secret
Chapter 9: Fight
Chapter 10: Chiqui
Chapter 11: The Food
Author's Note
Chapter 12.1: The Gathering
Chapter 12.2: The Gathering
Chapter 12.3
Chapter 12.4
Chapter 13.1: Show
Chapter 13.2
Chapter 14: Broken
Chapter 15: Home
Chapter 16: It's not a Kiss!
Author's Note
Chapter 18: The Confession
Announcement!!!
Chapter 20: Wrist Watch
Chapter 21.1: BDay
Commercial Break!
Chapter 21.2: Bday
Chapter 22: Jelly
Chapter 23: CIA
Chapter 24: Shade of a Doubt
Chapter 25: The Contract
Chapter 26: It starts..
Chapter 27: I'm at you're back!
Chapter 28: Love is Blind
Not an Update
Chapter 29: It Means Nothing
Chapter 30: Get Away
Chapter 31: Gone
Chapter 32: Dead Man Walking
Chapter 33: Let Him Go
Chapter 34: Walk Away
Chapter 35: Arken
Chapter 36: Clarity
Author's Note
Chapter 37: White Box
Another Author's Note
Chapter 38: The End Part 1 (Learning to Breathe)
Chapter 39: The End Part 2 (Before It's too late)
Chapter 40: The End Part 3 (I Can't See You Anymore)
Author's Note: Thank You!
Chapter 41: The End Finale (Leave the Memories Alone)
Author's Note: Final Message
Final Author's Note: Trivia (Love knows no Time)
TRIVIA plus KEN'S POV (Special)

Chapter 17: The Revenge

27.4K 621 53
By xxxRavenJadexxx

Vote at Comment naman diyan!

Madali akong nakapag move on sa hiwalayan blues namin ni Athena. It only took me a week para ma-realize ko na wala na siya at hindi na magiging kami. Sumasagi siya paminsan minsan sa isip ko but I became less affected on the long run dahil ang family at friends ang sources ko ng happiness these past few days.

Two weeks na ang nakakalipas nang maganap ang coincidence break up namin ni Ken with our respective girlfriends. Unfortunately, hindi pa rin siya completely nakakamove-on. Sometimes nafi-feel ko na baka magpatiwakal na siya maya-maya dahil may mga weird gestures siya na siya lang nagsasalita mag-isa kahit walang kausap. Minsan out of the blue bigla niyang nababanggit si Andrea kahit hindi naman namin siya pinag-uusapan. Natatawa na nga lang kami nina Arsi at Loane tuwing nakikita namin siyang nagiging paranoid.

Ken really loved Andrea kaya mahirap sa kanya ang naging hiwalayan nila at ipaubaya siya sa ibang lalaki. Mahirap din 'yun ah? Ipapaubaya mo ang mahal mo sa piling ng ibang lalaki dahil pinagtaksilan ka? Sa Ex pa? Alam ko 'yung feeling ng mixture of anger at love, parang kantang When Love and Hate Collide. It's really a hideous combination of emotions. Nababati namin siya kadalasan kung okay lang siya pero lagi niyang sinasabing okay lang siya kahit alam naman naming hindi. Si Loane e dinidivert na lang ang paranoid naming kaibigan sa mga activities na pwede naming mapaglibangan pero minsa'y hindi tsumitsempo sa mood nung huli.  

Alam kong there's something missing in the picture na ayaw banggitin sa 'min ni Ken kaya sina Arsi at Loane na mismo ang nagdecide to investigate kung bakit ganun na lang ang naging attitude nung baliw-baliwan naming kaibigan nang mga nagdaang araw.

"Ken confided to me Arjay," Loane said habang nag-gogrocery kami dito sa Robinsons Mall. Na-delight naman ang tenga ko at biglang bumugso ng dugo ko na tila ba nakarinig ng napakagandang balita.

"Talaga Pare? Anong sabi?" tanong ko habang nilalagay sa cart ang kinuhang mga canned goods.

"Minomonitor niya pala si Andrea. Halos araw-araw magkasama 'yung ex niya pati 'yung ex ng ex niya," hayag ni Loane sabay dampot ng canned sausage palagay sa cart.

"Parang pinapatay lang niya ang sarili niya sa selos. Kaya pala halos araw-araw siyang wala ha? Baka mamaya kung anong gawin niya kay Andrea. Ano Loane? Diba matagal mo nang kilala si Ken? Hindi ba niya magagawang manakit o pumatay ng tao?" I hesitantly asked.

Napangisi siya sa tanong ko. "Grabe ka namang mag-isip against Ken, Arjay. Hindi naman 'yun nananakit, at mas lalong hindi 'yun papatay. Paranoid lang 'yung kaibigan natin."

"Pero nakakatakot namang maging paranoid si Kentot. Akala  ko nga ayos na siya nung sinabihan ko siya ng mga words of wisdom pero hindi pa pala. Mas nauna pa akong maka-move on kesa sa kanya. Kung tutuusin mas mabigat pa nga 'yung paghihiwalay namin ni Athena kesa sa kanila," sabi kong may diin sa tono.

"Mas mabigat sa kanya Arjay. May third party. Okay lang sana kung wala pero meron. Parang tinapakan ang pagkalalaki niya kaya hindi ko siya masisisi kung ganun 'yung maramdaman niya. Kung sa 'kin nangyari 'yun, hindi ko alam ang gagawin ko," he bitterly explained para panigan ang Bestfriend niya.

Sabagay, mabigat naman talaga na may mainvolve na third party sa isang relationship na naging reason ng break up niyo. Pero feeling ko'y mas mabigat pa rin ang akin dahil may bata lang naman na involve sa sigalot na 'yun.

"E paano na siya ngayon? Anong gagawin niya?" 

Dumako kami sa section ng grocery store kung saan nakalagay ang mga cookies. "Eto Arjay, since concern lang tayo sa parekoy natin, kailangan natin siyang tulungan. May sinabi siya sa  'kin na, titigil lang daw siya sa pagmomonitor kay Andrea kung magagawa niya ang isang bagay."

Medyo nalabuan ako sa ibig ipahiwatig ni Loane kaya ipina-rephrase ko sa kanya ang kanyang sinabi. "Ano? Di kita magets."

"Kakalimutan na niya si Andrea forever kung magagawa niya ang isang bagay."

"Magagawa ang isang bagay? Anu 'yun?" nalilito kong tanong.

"Kailangan niyang makaganti. Gusto niyang suntukin sa mukha at bigyan ng black-eye 'yung lalaki ni Andrea." 

Nagulat rin ako na gusto pala ni Ken na pasabugin ang mukha nung lalaki. Parang ang labas e ang bitter bitter lang niya para mambugbog ng kaawa-awang nilalang. If I knew e si Andrea naman ang lumandi at di naman kasalanan nung lalaki kung ganun.

"Akala ko ba hindi nananakit si Ken e ba't niya gustong bugbugin yung lalaki? Ang labo mo naman o?" sabi ko habang kinakamot ang ulo.

"Kaya nga e hindi naman niya kayang gawin 'yun. Kaya tayo ang gagawa!" he said confidently habang inilalagay sa cart ang Oreo cookies na dinampot niya.

"What the hell? Seriously?" sabi ko na medyo may kataasan ang tono na halos marinig na ng mga namimili na nakakasabayan namin.

"Seryoso 'to. Tayo ang bubugbog sa lalaki para maipaghiganti natin ang kaibigan natin. Don't worry isang black-eye lang naman."

Nawindang ako sa suggestion ng Loane na 'to. Ano 'yun? Kami ang mambubugbog to satisfy the hidden desire of Ken? Napaka unacceptable naman nun kung gagawin namin ang kalokohang iyon.

"Ayokong sumali sa ganyan Loane. 'Pag pumalya naku lagot."

"Ang negative mo kase e. Kulang pa nga 'yung gagawin nating bugbog sa lalaking 'yun kumpara naman sa ginawa ni Andreang pambubugbog sa puso ni Ken. Mas mashock ka kung si Andrea ang bibigyan natin ng black-eye e hindi naman. 'Yung jowa lang niyang ambisyoso ang patitikiman natin ng hagupit na kamao ni Pacquiao!" payabang niyang sabi.

Iniisip ko talaga ang suggestion ni Loane pero kahit saang bandang dalhin ng isip ko ang suhestiyong 'yun e maling mali pa rin. Kaso 'yun lang ang way para manumbalik muli si Ken sa kanyang dating sarili. 'Di ko alam may pagkasadista pala mag-isip nitong si Ken 'pag heartbroken.

"Bahala kayo. Labas muna ako diyan," pag-iwas ko.

"Hoy Arjay, damay damay tayo dito kaya sa ayaw mo't sa gusto, sasali ka sa pakikibaka namin. Si Arsi nga e hindi ko pa sinasabi 'yung gagawin pumayag na kagad, e ikaw pa? Diba kayo na ang madalas na magkasama ni Ken? Kung kaibigan mo talaga siya gagawin mo ang lahat para makatulong ka sa kanya."

Grabe naman ang pangongonsensyang ginagawa sa 'kin ng Loane-pururot na 'to. Ako pa talaga ang magiging masama kung hindi ko sila sasamahan sa posibleng krimen na maidudulot nila dun sa tao? Paano na lang kung pumalya? Paano kung may makakita sa 'min at isumbong kami sa pulis? Paano kung makulong kami? Pucha, kung hindi naman ako tutulong e baka mapatalsik  naman ako as member ng Condo Boys?

"Ang hirap naman ng gagawin Loane. Baka makulong pa tayo sa gagawin natin e," buraot kong sabi habang kinakamot ang gilid ng ulo.

"Ano ka ba. May plano ako. Malinis ang gagawin natin at hindi malalaman nung lalaking 'yun na tayo ang bumugbog sa kanya."

Napatigil ako sa paglakad sa kakaibang sinabi ni Loane. Mambubugbog kami pero hindi kami makikilala? Ano 'to naka-maskara kami para hindi kami makilala? Naisip ko tuloy na kunin ang maskara ko sa bahay na hango sa mga superheroes na peyborit ko gaya nina superman, batman at spiderman.

"Bahala ka Loane, sasali ako sa kagaguhan ninyo as long as na walang makakaalam na tayo ang nambugbog sa kanya," I said na tipong hinihingi ang please niya.

"Syempre naman! 'Wag ka kaseng kabahan Pre. Hindi mo pa ako alam kung 'pano magtrabaho. Matutuwa ka!" kinindatan niya ako sabay tapik sa aking balikat. 

Blank face lang ang reaction ko dahil hindi ko alam kung gusto kong ituloy sumama o kumalas na lang sa grupo dahil sa gagawin naming karimarimarim na katarantaduhan.

**

Naku, this is the first time na maiinvolve ako sa isang malaking gulo. Kinabukasan ng gabi, ang gabi ng pambubugbog, e pinagdiskusyunan at pinagtalunan talaga naming tatlo kung sino ang gaganap na ano at sino.

"Pucha ayokong magdamit babae. Tang-ina kayo nakaisip niyan e di kayo magsuot?" I got mad when Loane suggested na magdamit babae ako with matching stilettos pati articficial boobs. I will play the role of a girl raw. 

"Babae rin naman ang role ko dito Arjay kaya 'wag kang mag-inarte. Kung lalaki kang talaga hindi ka matatakot magsuot ng pambabae," wirdong dipensa ni Loane.

Ang set-up kase namin e aaktong nabastos si Loane nung bagong jowa ni Andrea na dati niyang ex kaya kailangang magsuot pambabae ang dalawa sa 'min. Loane will play as the girlfriend at Arsi will play as the boyfriend. Kunwari'y mamamaniyak si Loane (portraying as girlfriend) nung lalaki, while Arsi will be the one to the rescue at susuntukin niya nang pabigla 'yung guy sa may parte ng mata para sure ball black-eye. Ako naman will dress daw na babae na parang eye witness sa nangyari with lesser ang role since aakto lang ako na babae habang binubugbog ni Arsi 'yung isa.

Si Ken ay nakaupo sa Sofa habang pinagmamasdan kaming nag-aaway kung kanino dapat mapunta ang role. Kahit sabihin pa nating mag-oobserve lang ang role ko e ayaw ko pa ring magsuot babae. Hindi talaga ako kumportable.

"So 'pag hindi ako nagsuot ng pambabae bakla na 'ko? Parang baliktad yata?" pairita kong sabi kay Loane. "Basta bigyan niyo na lang ako ng ibang gagawin 'wag niyo lang akong pagsuutin ng pambabae."

Biglang sumali si Arsi sa bangayan namin ni Loane. "O sige Arjay, kung ayaw mong magdamit babae, ikaw na lang ang magpanggap sa role ko tapos akin na lang ang iyo," patukoy sa original role ko na girl observer. "Pero ikaw ang susuntok sa tarantadong iyon. Kaya ba ng apog mo na manuntok ng tao?" tila Robin-Padilla style of warning niya sa 'kin. 

May punto itong si Arsi, hindi ako magaling manakit ng tao lalo na mambugbog. Kung ayaw ko nga namang magsuot babae e ang tanging papalitan kong role e ang role niya na Boyfriend, kaso ako 'yung magiinflict ng harm. Paano na 'to? Hindi ko talaga kayang manakit ng tao.

Napalunok ako sa harapan nila pero to show them na ayoko talagang maging babae kaya pumayag na lang akong maging Boyfriend to avoid dressing that hideous female stuff.

"Oo payag ako. I'll play the role of the Boyfriend at ako ang susuntok," confident kong sabi na medyo ikinagulat nila. Tumayo pa mismo si Ken sa kinauupuan niya sa naging desisyon ko.

"Sigurado ka Arjay? Sure ka?" tanong ni Ken na may bahid ng pagdududa.

"Sigurado na 'ko para matigil na 'yang kahangalan mo sa Andrea na 'yan!" pangongonsensya ko sa kanya.

"E di wow?!" eksaheradong reaksyon ni Loane. "So, all set na guys sa mga roles ha? Galingan niyong umarte ah?"

"All right!" pasigaw na sabi ni Arsi. "Para kay Pareng Kentot!!!!!"

"Ha-ha. Para sayo to Parekoy," ani Loane.

"Wala akong alam diyan. Kayo nakaisip niyan," si Ken na tila ayaw mainvolve sa napipintong gulo.

"Basta 'yung promise mo tuparin mo na 'wag ka ng mapapraning," dagdag ni Loane.

Dinampot ni Loane ang mga gamit pambabaeng susuutin niya na nakabalot sa plastic na puti. Hinagis niya ang isa pang plastic para ibigay kay Arsi at ang panlalaking gamit nama'y inihagis din niya sa 'kin.

**

"Ayun...." sabi ni Ken while looking for the targeted guy. We're using Loan's car and we're inside it monitoring him. Nasa front seat ako katabi ang nuo'y nagmanehong si Ken while Arsi and Loane are at the backseat na suot-suot ang above the knee revealing dress wearing their feminine shoes at ang kanilang blonde na peluka atsaka fake boobs. Sa peluka pa lang nila e halatang mukha na silang mga bakla na akala mo'y kagagaling lang sa gaybar o cabaret matapos magperform. Natatawa lang ako sa kapal ng lipstick nila na lagpas pa sa mga nguso nila. Halata ring hindi marunong mag make-up ang mga ugok dahil hindi pantay ang pag apply nila ng eye liner sa mata. Ako nama'y nakasuot ng simpleng damit lang ngunit ang nadagdag e ang articial moustache para hindi ako masyadong mamukhaan. Pero tingin ko'y madali akong mamukhaan nito dahil bigote lang naman ang nadagdag sa 'kin.

"Hoy Arjay, galingan mo ang pagsuntok ha? Baka mamaya niyan lalampa lampa ka," tila kantiyaw sa 'kin ni Loane. Ang weird lang niya dahil his voice is in manly tone pero 'yung outfit niya e pambabae. Spell awkward?

"Mag-ingat kayong tatlo ha? Labas na ko diyan!" bilin sa 'min ni Ken na tila ayaw mainvolve sa gulong kasasadlakan namin. Lumabas na kami ng kotse upang pumwesto.

"Don't worry Papa Ken, this is our revenge gift for you," said Loane using an awkward feminine voice habang fina-flying kiss si Ken na nuo'y nasa loob ng car upang manuod lang.

First time ko palang makita 'yung guy e napalunok na ako. Para siyang basketball player na ang height ay 6'5 feet tall. Pucha, paano ko masusuntok 'yun ng successful? Kailangan ko pang tumingala at kung pwede'y tumalon para lang makunekta ko ang punch ko sa kanya? Pero hindi naman ako maliit so tingin ko'y aabot naman ang suntok ko. Pero malaking tao to siya? Paano kung gumanti siya sa magiging suntok ko? Ano 'to makikipagbugbugan ako? Tutal it's my choice to play the role of  a Boyfriend so kailangan ko talagang panindigan. Bahala na si Batman, Superman at Spidermen, peste!

'Yung lalaki'y busy-ng gumagamit ng phone na nakatutok pa sa tenga na tila may tinatawagan. Pansin ko'y may hinihintay siyang tao na palagay ko'y si Andrea dahil kwento sa 'min ni Ken e madalas magkita ang dalawa na halos gabi-gabi.

Natyempuhan naming palakad sa may sidewalk 'yung guy at dun na kami bumwelo.

"Hoy Arjay tara na," sitsit sa 'kin ni Loane. Kabadong kabado ako pero hindi ako makapag concentrate dahil gusto kong tumawa sa hitsura ni Loane. Hindi siya mukhang babae, mukha siyang bakla. Baklang hindi marunong maglipstick at mag make-up. Kung alam ko lang na epic fail 'yung mga burloloy nila'y sana'y inarkila ko si Ate para matulungan naman niya ang kahabag habag na hitsura ng mga 'to.

Nasa unahan kami nung guy na lumalakad sa sidewalk while busy-ng lumalakad 'yung huli na may kausap sa phone. Nasa likod nung guy si Arsi na tila backer namin kung sa 'kaling may maganap na gulo.

Ayan na! Start nang igiling ang Camera at kunwa'y nalaglag ni Girly Loane ang kanyang panyo kaya't mahinhin niyang dinampot ito. Fit na fit ang pink dress na suot niya, habang dinadampot niya ang panyo'y nakapagcreate siya ng pwetang mala- Nicki Minaj. Medyo natawa ako dahil napunit ang parte ng pwitan niya sa pagstretch niya habang dinadampot kunwa ang panyo. Slowmow niyang ginagawa 'yun para masaktuhang masasagasaan siya nung guy. 'Yun nga ang nangyari, dahil busy 'yung guy habang may kausap sa phone, natamaan ng harapan niya ang butt ni Loane kaya napaabante ang hitad.

"Arrrray Ko!" daing ni Loane nang mabunggo. Nagulat ako sa naging reaksyon niya dahil panlalaking boses ang ginamit niya instead na pambabae. Para tuloy akong loko loko na paranoid dahil baka narinig nung guy ang gunggong na nagpapanggap na babae lang. Mabuti na lang at busy 'yung guy sa pagtawag kaya siguro'y hindi niya narinig ang sinabi ni Loane.

"Arrrrrray... Ouchnesss..." daing na Loane na ngayo'y naging feminine voice na ang boses.

"Sorry Miss..." paumanhin nung guy. Infairness sa kanya medyo sincere naman siya sa pag-apologize kahit wala siyang kaalam alam sa mangyayari.

"Bastos!! You're trying to fuck me in public? I'm so harassed!" OA na sabi ni Loane. Punyeta dapat nagworkshop muna ang lokong 'to bago kami sumabak sa ganito. Ako nama'y natataranta na dahil supposedly aarte akong affected boyfriend na naagrabyado ang girlfriend.

Sinisitsitan ako ni Arsi to express my anger na kaya para akong tuod na bigla na lang sinuntok ng napakalakas 'yung guy.

"Tang-ina kang manyak ka!!!" sabi ko sabay suntok sa guy. Infairness tumilapon siya sa pagkakasuntok ko to the point na nabagsak pa niya ang phone sa sahig at patalikod na nadapa. "Ba't mo kinadyot ang girlfriend ko ha?" pagalit kong dialogue mala FPJ.

Nakaramdam ako ng pain sa right fist ko sa pagkakasuntok kong iyon at yung guy e hinawakan pa yung parteng sinuntok ko which is his left eye habang nirerecover ang pagtayo niya. Tila nakunsensya ako sa ginawa kong pagsuntok na iyon pero part of me says, I'm successful punching that guy at feeling ko'y diretso black-eye na ang mata niya kinabukasan.

"I saw you manyak.... kikininang ina ka!" sabi ni Arsi na nuo'y nasa likuran lang namin habang hinahampas ng bag ang kaawa-awang guy. Biglang lumayo si Arsi sa kanya.

"What the fuck is wrong with you people????!!!!" pasigaw na sabi nung guy nang makatayo. Lumapit si Loane sa guy at hinampas hampas niya ito ng bag.

"Walang hiya ka. Bastos. Manyak."- Loane.

"What the fuck is wrong with you faggot?" paiwas nung guy sa tama ng paghampas ng bag ni Loane.

"And now you're insulting me? I'm a guy," napadulas na sabi ni Loane. "Este I'm a girl. Manyakis ka!"

I'm feeling awkwardness with the situation dahil instead na dapat ay umasta akong tapang tapangan e napako ang paa ko sa daan na wala nang follow up sa acting segment na dapat kong gawin. Para kong nakalimutan ang linya o dialogue na sasabihin ko sa isang play o acting show.

Hindi umubra ang paghampas hampas ni Loane ng bag kaya't itinulak ito nung guy na dahilan ng pagkadapa niya pabaliktad. Dumako ang tingin sa 'kin nung guy na nanlilisik ang mga mata at tila gusto akong paghigantihan. Sinasabi ko na nga ba, this will give us real trouble.

"You son of a bitch?" pagalit na sabi nung guy papalapit sa 'kin. Ang laking tao ng loko kaya sure ball talo ako kung makikipagsuntukan ako sa kanya. Good thing, nagstop yung guy getting close to me nang marinig namin ang pito mula sa pulis. I looked back at nakita kong merong dala-dalang pulis si Arsi na tingin ko'y nakadestino lang sa lugar na iyon.

"Ayun mamang pulis 'yung manyakis. Hulihin niyo siya at dakpin," sabi ni Arsi sa mga pulis using his feminine voice.

Bigla na lang lumayo 'yung guy, at dahil sa takot kahit hindi naman niya kasalanan, e bilga siyang kumaripas ng takbo. Biglang lumuwang ang paghinga ko nang hindi makalapit 'yung lalaki, kung hindi dumating 'yung pulis e malamang bugbog sarado ako nung jowa ni Andrea.

**

We went back to the car after that ridiculous scene. Kakatuwa talaga. Pero super successful naman kahit walang masyadong practice.

"Okay?! Bye Andrea forever. Thank you guys! Kahit alam kong mahirap ginawa niyo pa rin. Mga kaibigan ko talaga kayo," sinsero at natutuwang sabi ni Ken. Base sa mga ngiti niya nasatisfied naman siya sa performance namin.

"Siguraduhin mo lang na kakalimutan mo na 'yang Andrea na 'yan dahil kung hindi, kami ang magbibigay ng black-eye sayo," tila pagbabanta ni Loane na nuo'y nakatanggal na ang peluka at tinatanggal ang make-up sa kanayng mukha gamit ang tissue.

"Pucha, pero ang galing lang sumuntok ni Arjay. Sapul na sapul. 'Di ko alam na kaya mong gawin 'yun Brad!" tila puri sa 'kin ni Arsi.

"That will be the first and the last!" patawa kong sabi. Hindi ko na naiisip na nakunsensya ako dahil angat sa akin ang kasiyahan dahil tila nanumbalik na sa dating siya ang kaibigan naming si Ken.

Medyo nagulat ako nang bigla nanamang hawakan ni Ken ang kamay ko na tila nakikipagholding hands. I saw him flashing a confident yet sincere smile. "Salamat Arjay.... You're the man!"

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.3K 228 36
A love that will conquer all, including time....... Umuwi si Benjamin mula States sa kadahilanan na pumanaw ang pinakamamahal niyang Tiyuhin na si Al...
490K 19.1K 50
-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan...
32.4K 2.9K 26
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang...