←----• 09 •----→
"Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —
"I-ikaw? Sasali ka? Eh wala ka ngang maalala e." Saad nya at naiiling na bumalik sa paghuhugas.
"Hinde! Basta! Sasali ako, tayo!"
"Talaga? Sasali ka?" Anang tinig na nagmula sa pinto at pumasok si Tita Liza na nakangiti sa amin.
Tumango ako at itinuro ang anak nyang si Lucas na itinuro din ang sarili. "Sya, ayaw nya akong isama-"
"E-eh kasi nga delikado-"
"Ehhhhhh kasiiiii ngaaaaa gustoooo konggggg makapasokkkk saaaaa akademiaaaa paraaa maturuannnn dinnnn silaaaaa Lucyyyy-"
"Haha ayusin mo nga yang pagsasalita mo!" Natatawa nyang saway. Paano, lahat ng sabihin ko ay hinahabaan ko. Tinawanan kami ng kanyang ina.
"Oh sya, kung gusto nyong sumali ay bilisan ninyo at pumunta na kayo sa Sentro ng bayan. Darating ang anak ng ika unang konseho at sya ang mag-aanunsyo kung kailan magaganap ang Laro ng Elemento. At ako naman ay ihahanda na ang mga kakailanganin nyo." Sabi ni Tita Liza at umalis na ng kusina.
Mabilis namang tinapos ni Lucas ang paglilinis ng aming pinagkainan. May naalala akong dapat gawin kaya naman pumunta ako sa kwarto namin ni Tita Liza.
Kumatok muna ako sa pintuan bago tuluyang pumasok. Nakita ko syang naglabas ng isang telang lalagyan mula sa kanyang kabinet.
"Hmm? Pupunta na ba kayo?"
"Ahh, hindi pa po. M-may hihingin lang po sana ako." Nahihiya kong sabi.
Ngumiti sya sa akin. "Ano iyon?"
"A-ahh, p-pwede pong makahingi ng pera?"
Nakita kong nangunot ang noo nya. "Pera? Ano yun?" Ayy shutangenaaa, iba pala ang mundong toh!
"A-ahh I me- i-ibig kong sabihin ay..." isip Samantha! Ano!? Ahah! Alam ko na! "P-pambili po hehe."
"Ahh pilak ba? Sige, na kay Lucas ang isang lalagyan na puno ng pilak. Para sayo yun, nakalimutan nya yatang ibigay."
"S-salamat po."
"Walang anuman. Sya at lumakad na kayo."
Pagkalabas ko ng kwarto ay sya ring paglabas ni Lucas sa kwarto nya. "Ina! Alis na kami!" Nakangiti nya akong inaya na palabas.
"Sana pagdating sa Sentro ay hindi ka na muling tumakbo." Natatawa nyang sabi habang naglalakad kami. Napanguso naman ako.
Pagdating sa Sentro ay ganun parin ang ganap, maraming tao ang sumalubong sa amin. Ang ilan ay namimili at ang ilan ay may hinihintay. Palagay ko ay isa rin sila sa sasali sa larong sinasabi ni Lucas.
Nang makapasok sa tarangkahan ay sya ring paglingon ko sa pwesto ng matanda. Ngayon naman ay may iilan ng nabili sa kanya. Kinalabit ko ang katabi ko.
"Bakit?"
"May pilak kang dala?"
"Ayy oo nga pala. Heto, sayo yan sabi ni ina." Sabi nya sabay abot sa akin ng lalagyanang tela.
Lumapit ako sa matanda kasama si Lucas. Nakangiti ako nitong tinignan.
"Magandang araw sa inyo, anong maipaglilingkod ko?"
"Ilang pilak po ang katumbas ng mansanas ninyo?" Sabi ko sabay turo sa kumpol kumpol na mansanas.
"Dalawang pilak lang. Ilan ba ang gusto mo?"
"Ahmmm, limang mansanas po tsaka ito rin." Sabi ko sabay turo sa kulay pink na ubas. Grabe.
"Heto, sampung pilak para sa mansanas, apat na pilak para sa isang bugkos ng ubas. Labing-apat lahat." Sabi nya matapos ibalot sa tela ang mga prutas na binili ko.
Nag-abot ako ng pilak sa kanya. Nakita kong binilang nya ito at kinuha ang dalawang pilak. "Heto ija, sumobra ang bigay mo."
"Hindi po. Sakto lang."
"Sobra talaga."
"Yung mansanas po na tinangay ng ibon. Nakuha ko at ipinakain sa aking alaga. Kaya hayan po ang kabayaran." Nakita kong nanlaki ang mata nya. Tila humahanga.
"Talaga? Ngunit ang ibon na yun ay mapanganib." Sabi nito at unti-unting lumamlam ang ekspresyon.
"Samantha, sa may bandang duon lang ako hah?" Sabi ni Lucas at tinanguan ko naman. Napalingon sa matanda ng magsalita ito.
"Maaari ko bang hawakan ang kamay mo?"
Kahit nag-aalangan ay ibinigay ko. May kung anong enerhiya akong naramdaman kaya't nakaramdam ako ng init. Pero hindi ako pinapapawisan.
Tinignan ako ng matanda ng may paghanga.
"Isang nakalulungkot na pangyayari ang naganap
Ni kalinga nila ay hindi mo nahanap
Nilamon ng lungkot ang iyong puso
Nawalan ng tuluyan ang dati'y sayo.
Lumiwanag ang buwan
Nang ika'y makita
Lumiwanag ang tubig
Sa ibang mundo na nagmulat ang mata
Labis na takot, iyong naramdaman
Pagtatanong, saan ang daan?
May kumupkop, iyong pinasalamatan
Labis na kasiyahan iyong naramdaman."
Tila ang tulang yun ay may kung anong koneksyon sa akin at napagtanto ko kung ano.
"Nabasa ko ang kapalaran mo..." saad nito at tinignan ako ng ubod ng paghanga. Teka, edi nalaman nya na di ako taga rito!?
"You have the rarest of all
Take it as a gift
No one should know
Who... you...are...
Sa iyong maagang pagpasok
Mapapaaga rin ang pagdating ng delubyo." napatanga ako ng marinig ko syang mag-Ingles at nagulumihanan din sa huli nyang sinabi.
'Delubyo... Mapapaaga ang pagdating ng delubyo?'
Akmang magsasalita ako ng marinig ko ang tunog ng paparating ng kabayo at pagsigaw ng mga kawal. "Parating na ang anak ng ika unang konseho!" Napatingin ako at tila dagat na nahawi ang mga tao na syang pagdating ng isang babaeng nakasuot ng kulay berdeng cloak na nakasakay sa isang kabayo. Sa likod nya ay nakasunod ang anim na kawal sakay din ng kabayo.
Akmang itatanong ko na sa matanda kung paano sya nakapag-Ingles at kung nalaman nya na di ako taga rito pero ng tignan kong muli ang kanyang pwesto ay nagulat ako sa nakita. Wala na yung matanda! Pati yung mga tinda nya!
Lumingon-lingon pa ako sa paligid pero wala na sya!
"Ewww, can you all please leave a wide space for me?" Rinig kong sabi ng maarteng tinig. Aba, mukhang maharlika ang isang to.
"Hah! I remember, you filthy people don't know how to speak and understand my language. What a poor." Narinig ko ang malakas na tawa nya.
Napakayabang.
Dahil sa inis ay nakisiksik ako makarating lang sa unahan. Nakita ko ang babaeng coloring book, I mean, killer clown ay ano I totally mean, babaeng sinapok ang mukha ng makeup.
"Yeah, whatever. Ang Larong magaganap ay mangyayare na bukas ng madaling araw. Kailangan laging gising para marinig ang senyales. Dating gawi, kapag di nakarating sa huling pagsubok, goodbye akademia." Sabi nito at maarteng pinitik ang buhok nya papunta sa likod.
'Tadyakan ka sana ng kabayo!'
"What the fvck!?" Sigaw nya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong maalikabok sya at inaalalayang tumayo ng mga kawal. Galit nyang tinignan ang kabayo. "What the hell is wrong with you!?"
"Haha." Hindi ko na mapigilan at napatawa ako. Kasunod ng iba pa.
Nang lumingon sya ay natahimik ang lahat pero ako ay patuloy parin.
Pft!
"What are you doin'!?" Taas kilay nyang tanong ng makitang tumatawa ako. Huminto ako at pilit kinalma ang sarili.
"Wa-"
"Wag kang sasagot, alam kong nakakaintindi ka ng Ingles, pero kailangan natin itong ilihim." Rinig kong sabi ng katabi ko. Nang tignan ko ay si Lucas. Oo nga pala.
Tumahimik nalang ako. Nainis ako ng bigla nya kong ni head-to-toe.
"You're ugly, tsk!" Sigaw nya at iminuwestra ang kamay nya. Nakita ko namang pagkunot ng noo nya at paulit-ulit na pag-ikot ng kamay.
"What's wrong with your flowers!? Why I can't disappear it!?" Inis nyang tanong napataas ang kilay ko. Akmang hahawakan ko ang ulo ko ng maalala ko na dapat magpanggap ako na walang alam.
"Ughhh! I think its fake. Let's go!" Ani nya sa mga kawal. Sumakay na ng kabayo at sa inis ko ay sumigaw ako.
"YOU'RE NOTHING BUT A KILLER CLOWN, BITCH!" sabay takbo.
'Sana walang makakita na ako gumawa nun!'