14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)

446 29 0
                                    

←----• 14 •----→

"Elemental Game 7 (Leious and Dieous)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



"HAHAHAH!!!!!" Malakas na tawa namin at nagtatatalon pa sa tuwa. Pero…

Natahimik kami ng biglang binalot ng dilim ang paligid. "A-anong nangyayari!?"

"H-hindi ko alam! Ngayon lang ako n-nakaabot dito sa pangalawang hakbang." Sabi naman nya sa akin. Hanggang sa nakarinig kami ng mga hakbang.

'Dalawang tao.'

"Nakakatuwa at may nakaabot narin sa amin." Sabay kaming napalingon ni Lucas sa likuran namin at may nakita kaming nakaputi at itim na cloak.

Kahit lagpas ang cloak sa mga kamay ng nakaputi ay litaw  ang mahahaba nitong kuko. Hawak naman ng nakaitim na cloak ang isang scythe sa kanang kamay nya.

'Parang grim reaper naman to.'

"S-sino kayo?" Tanong ni Lucas sa kanila. Tinanggal ng nakaputi ang pagkakatakip ng cloak sa kanyang ulo at isang nakangising lalaki ang tumambad sa amin.

Maputi, may mapupulang labi, mahahabang pilik mata, medyo singkit ang kulay berde na mata at bagsak na abuhing buhok, mayroon siyang silver crown na may white diamond.

'Tsk, kung marupok akong babae, nagkandarapa na ako sa kanya.'

"Ako si Lieous. At siya si—"

"Wag kang epal. Ako mismo ang magpapakilala sa sarili ko." Sabi ng kasama nya at inis itong sinuntok. 

Tinignan naman ng masama ni Lieous ang kasama. "Tsk."

Katulad ni Lieous, tinanggal din niya ang cloak at napataas ang kilay ko. 

Maputi rin sya at may mapupulang labi, mahaba rin ang pilik mata at medyo singkit rin ang mata nyang kulay berde pero itim na itim naman ang bagsak ang buhok, may suot naman siyang korona na kulay silver na may itim na dyamante.

"Kambal…" sabay na sabi namin ni Lucas. Nakita ko ang pagngiti ni Lieous at tumango.

"Ako naman si Dieous, kakambal nya, pero mas gwapo." Sabi nito at nakangising tiningnan ang busangot na mukha ni Lieous.

"Mas gwapo ako!"

"Ako!"

"Ako nga sabi!"

"Sinabi ng ako!"

"Alam nyo naman sigurong pareho kayo ng mukha?" Taas kilay kong sabi sa dalawang nagbabangayan. Sabay naman silang napatango sa akin.

"Kung ganon edi pareho lang kayong gwapo."

"T-talaga!?" Sabay na sabi ng dalawa at nagtinginan ng masama. Nailing nalang ako.

"Ahh, nandito kami para sa ikalawang hakbang at hindi para pakinggan at panoorin ang pagbabangayan nyong dalawa." Sabi ni Lucas kaya't napatingin ang dalawa dito.

Napakurap kurap ang mga ito at kalauna'y ngumisi.

Nanindig ang balahibo ko ng ang kaninang berde nilang mata ay napalitan ng itim, buong mata nila ay itim!

"Simulan na." Sabi ni Lieous at napalunok ng makitang lumutang ang dalawa sa kadiliman.

"Never lie on us…" sabi ni Lieous sa amin.

"If you don't want to die." Dagdag naman ni Dieous.

"Tell the truth, not a lie

Once you fail, you will die." Sabi ni Lieous sa amin na may kakaibang ngiti sa mukha.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now