Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

133K 3.2K 309

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 14

2.4K 56 0
By jhelly_star

Kabanata 14

Scholar

--

"So sinasabi mong may pinaplano sila sayo?" si Audrey.

I told her what Elizabeth told me. Ngayon ko palang nasabi sa kanya dahil hindi ko iyon pwedeng sabihin sa harap ni Arjun. Gusto kong si Audrey lang ang nakaka alam. Pinagkakatiwalaan ko rin naman si Arjun pero ayokong maraming nakaka alam ng tungkol rito.

Gusto kong sabihin kina Olivia at Emma dahil sila talaga ang mga kaibigan at pinagkakatiwalaan ko. Pero wala sila rito. I want to tell them about it face to face, in person, and not just on the phone.

Tumango ako kay Audrey. Kahit papaano pati iyon gusto kong malaman niya. Sa lugar na ito, siya lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko.

"Oh my gosh! Anong pinaplano nila?"

"Hindi ko rin alam. Medyo natatakot rin ako..." pag amin ko.

Nandito ulit kami sa field. Mahangin at hindi ganon kainit ang araw. May mga kinakain kami sa table habang nag uusap.

"Anong plano mo? Kung sinabi na niyang may plano sila ng walang hiya niyang ina, dapat pumunta ka na agad sa mga Agravante!"

Iyon rin ang iniisip ko. Gusto ko nang pumunta sa kanila agad agad dahil baka kung ano ang pinaplano ng mag inang iyon. Natatakot akong baka kung ano ang gawin nila sa akin. Baka mamaya ipa-kidnap pa nila ako. Hindi pwedeng mangyari iyon!

"Cassandra, I know you’re still scared to face them, pero baka kung ano pa ang magawa sayo ng dalawang iyon kapag hindi ka pa kumilos. Sabihin mo na ang totoo sa mga Agravante!" pilit ni Audrey, mas natatakot pa yata kesa sa akin.

"Hindi sila maniniwala agad sa akin kapag ginawa ko iyon, Audrey" sabi ko.

"Edi hindi sila maniwala! You just have to tell them the truth. At malay mo medyo paniwalaan ka nila dahil kamukhang kamukha mo talaga si Georgina Agravante. Sinong hindi magtataka sa kanila kapag nakita nila ang mukha mong iyan?"

Kahit papaano nagkakaroon ako ng pag asa sa mga sinasabi ni Audrey. Dapat ko ba siyang sundin? Should I show up to the Agravants and tell them the truth? Bago pa magawa ng dalawang iyon ang pinaplano nila sa akin?

But it's not that easy. I know their house and I can go there whenever I want but every time I think about it tila umaatras ang lahat ng sa akin. Tila may pader na humaharang kapag nagkakaroon ako ng lakas ng loob. Naduduwag ako.

Pumikit ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Huminga ako ng malalim.

Anong gagawin ko?

"Cassandra, kailangan mong maging matapang. Where's the Cassandra who dared to come here to take back everything that should have been hers? Huh? Nasaan na iyon?"

Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Audrey.

"Nasaan na ang tapang sa puso mo? Nasaan na ang galit mo para sa dalawang walang hiyang iyon? Nasaan na ang dugong Agravante na dumadaloy sa katawan mo? Nasaan na, Cassandra?"

Inalis ko ang mga palad sa aking mukha at tumingin kay Audrey. Kumikirot ang puso ko sa mga sinasabi niya. Kahit papaano masaya ako na sinasabi niya sa akin ito, pero ang sakit rin dahil kahit papaano, may naniniwala sa akin. I didn't know that it was so painful to know that someone believes in you.

"You can do it, alright? Alam kong matapang ka at alam mo rin iyon sa sarili mo. Wag mong hayaan na kaduwagan ang manguna sa puso mo. You need to fight for your rights. They took everything from you for a very long time so you just have to take it all back."

Tinitigan ko si Audrey ng ilang sandali. Ilang sandali rin akong hindi nakapag salita. She's right. I have to be brave. Hindi ko dapat hinahayaan na maging hadlang ang takot sa puso ko para magawa ko ang mga dapat kong gawin. Hindi ko dapat hinahayaan na maging masaya nalang ang dalawang iyon sa buhay na dapat ay sa akin.

Unti unti akong ngumiti at tumango kay Audrey. "Tama ka. I should fight for my rights."

"That's right! Ganyan ang nakilala kong Cassandra!" she smiled and clapped her hands.

Pagkatapos ng school ay malalim kong pinag isipan ang dapat kong gawin. Naglalakad palang ako pauwi ay iyon na ang iniisip ko. Kailangan ko na ngang magplano. Kailangan ko nang ipakilala ang sarili ko sa mga Agravante. Walang mangyayari kung tutunganga lang ako rito at matatakot.

I shouldn't be afraid. They are the ones who took everything, they are the ones who should be punished. I have the right to everything, I own everything they stole, so I shouldn't be the one to be afraid. Sila ang dapat na matakot.

"Leche naman, Arjun! Ano bang ginawa mo?!"

I stopped walking towards my house when I heard that shout from Aling Mia. Napatingin ako sa kanilang bahay at nakita kong nasa may pintuan sila, sinisigawan ni Aling Mia si Arjun na nakayuko at nagpapaliwanag.

"Hindi ko rin alam ang nangyari, Ma. Wala po akong ginagawang masama," Arjun explained.

"Bakit ganito, kung ganon?! Imposibleng wala kang ginawang masama! Hindi matatanggal ang scholar mo nang ganon ganon lang!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natanggal ang scholar ni Arjun? Bakit? Anong nangyari?

"Hindi ko po talaga alam ang nangyari, Ma. Maniwala po kayo sakin, wala akong ginawang kahit ano. Ni hindi ako nakikipag away sa school..." nagmamaka awang sinabi ni Arjun.

Naiiyak na si Aling Mia. Lumabas si tita Evelyn sa kanyang bahay dahil mukhang narinig niya na rin ang pagtatalo ng mag ina. Nilingon niya ako nang nasulyapan ang dalawang nagtatalo sa tapat ng kanilang bahay.

"Pinagkatiwalaan kita, Arjun! Tapos ganito lang ang gagawin mo?!" sigaw ni Aling Mia.

"Anong nangyayari?" nag aalalang tanong ni tita Evelyn at lumapit sa akin.

"Wala nga po akong ginagawang masama. Maniwala po kayo sa akin. Hindi ko rin po alam kung bakit bigla nalang nilang tinanggal ang scholar ko..." patuloy na paliwanag ni Arjun.

"Hindi nila iyon tatanggalin nang walang dahilan! Pupunta ako sa school mo at magrereklamo ako!" at pumasok sa loob ng bahay si Aling Mia.

"Ma," sumunod sa kanya si Arjun.

"Nawala ang scholar ni Arjun?" si tita Evelyn na nagulat.

"Hindi ko rin po alam kung ano ang nangyari. Mamaya po kakausapin ko si Arjun," sabi ko.

"Jusko, ano kayang nangyari? Sayang iyon!"

Bumalik ako sa bahay at nagbihis. Pagkatapos noon ay lumabas ako. May trabaho pa ako pero gusto kong makausap muna si Arjun. Halatang malungkot rin siya kanina at bigong bigo sa sarili. Kahit alam niyang hindi matitigil si Aling Mia ay nagpaliwanag pa rin siya.

Kaya lang sabi ni tita Evelyn ay sumama si Arjun sa kanyang ina papuntang school. Gusto ring malaman ni Arjun kung bakit natanggal ang scholar niya.

Gusto ko ring malaman kung bakit. Matalino si Arjun at palagi iyong nag aaral kaya imposibleng mawala ang scholar niya. Hindi rin siya nakikipag away sa kahit na sino, mabait siyang tao. Kaya bakit nawala ang scholar niya? Anong nangyari? Hindi pwedeng tanggalin iyon nang walang magandang dahilan!

Georgina University is a good school so I know they have a good reason why they did that to Arjun. But I can't find anything wrong with Arjun. I am sure of his grades and I am also sure of his behavior. Alam kong maayos siyang lalaki sa school.

Nag-tutor na muna ako habang naghihintay kay Arjun. I want to talk to him. I want to know what happened. Kahit papaano nag aalala ako sa kanya. Now that his scholar is gone, it will definitely be difficult for him to find another school. Especially that it’s the middle of the semester right now!

Pagkatapos kong mag-tutor ay naupo ako sa papag sa labas ng mga bahay namin. Hinintay ko roon si Arjun. I received one hundred pesos today for tutoring. Isang daan bawat araw palagi ang natatanggap ko kaya kahit papaano nakakapag ipon ako.

Ilang minuto kong hinintay sina Arjun at Aling Mia sa labas. Hindi naman nagtagal ay dumating rin sila sakay ng tricycle. Bumaba nang umiiyak si Aling Mia habang hinahabol naman siya ni Arjun.

Napatayo ako.

"Ma..." Arjun called.

"Anong klaseng school iyon?! Maayos naman ang mga grades mo at wala ka namang nasangkutang mga gulo kaya bakit ka nila tinanggalan ng scholar?! Akala ko pa naman maganda ang school na iyan dahil pagmamay ari ng mga Agravante! Madumi pala maglaro!" si Aling Mia at pumasok sa loob ng bahay.

Arjun chased her mother but also stopped in front of their door. Napayuko siya at napahawak sa noo. Nilagay niya ang isang kamay sa pader at yumuko na para bang bigong bigo.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Bumagal ang lakad ko nang nakarating sa tabi niya. Alam kong naramdaman niya ang presensya ko pero hindi siya nag angat ng tingin sa akin.

"Arjun..." I called.

He didn't speak. Nanatili siya sa kanyang posisyon.

"Ayos ka lang?" gusto kong pumikit ng mariin sa sinabi.

Obviously, Cassandra, hindi siya okay!

"Ayos lang ako. Pumasok ka na sa trabaho mo, Cassandra," he said calmly even though I know he's already breaking down inside.

"Gusto kitang makausap, Arjun. Anong nangyari?" marahan kong tanong.

"Narinig mo naman, diba? Nawala sa akin ang scholar ko," mariin ngunit namamaos ang kanyang boses.

Malungkot at nag aalala ko siyang tinitigan. Hindi ko alam ang sasabihin ko roon. Ilang sandali akong hindi nakapag salita.

"Umalis ka na, Cassandra," anya nang nanatili ako roon.

"Gusto kitang samahan..."

"Hindi na kailangan. Pumasok ka na sa trabaho mo. Baka ma-late ka pa."

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Nawala ang scholar niya at siguradong nalulungkot siya ngayon pero ang trabaho ko ang inalala niya.

Alam kong gusto niya ng kausap. Hindi niya makakausap ngayon si Aling Mia dahil masama pa ang loob nito kaya sigurado akong magiging mag isa siya.

"Gusto kong mapag isa, Sandra. Umalis ka na," ulit ni Arjun.

"No. Hindi ako aalis. Please... umupo muna tayo sa papag..."

Inalis niya ang kamay sa pader at tumingin sa akin. Bahagya akong nagulat nang nakita ang basa niyang pisngi.

He's crying!

"Sabi ko gusto kong mapag isa. May trabaho ka pa kaya umalis ka na, Sandra."

"Alam kong gusto mo ng kasama. At mamaya pa ang trabaho ko kaya dito lang ako. Sasamahan kita..."

He stared at me for a moment. I waited for him to answer. Huminga siya ng malalim at dahan dahang tumango sa akin. Nauna na siyang naglakad papunta sa papag. Sinundan ko siya ng tingin bago sumunod sa kanya.

"Ayokong makita mo akong umiiyak kaya gusto kong umalis ka na," anya.

Umupo ako sa tabi niya. Tinignan ko siya.

"Bakit ayaw mong makita kitang umiiyak? Ayos lang naman para sa isang lalaki ang umiyak. Lalo na kapag talagang nasaktan na sila."

Nilingon niya ako.

"Mala-late ka sa trabaho mo," anya.

Umiling ako. "Mamaya pa iyon. Dito muna ako, makikinig ako sayo."

He sighed and looked away. Nakita ko ang paglandas ng isang luha sa kanyang pisngi.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Kanina habang nasa klase ako, pinatawag ako ng Dean. At sinabi niyang tinatanggal na niya ang scholar ko."

What?

"Ang sabi niya dahil iyon sa hindi ko magagandang grades. Pero ang alam ko palaging mataas ang scores ko kaya hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganon..."

Nakinig lang ako sa kanya.

"Lahat ng scores ko sa bawat teacher ko ay mababa samantalang alam kong palagi akong mataas roon. At talagang sa kalagitnaan niya inalis ang scholar ko. Ni hindi pa nga naibibigay ang official grade sa second quarter..."

I don't know what to say. Gusto kong magalit sa mga nagbigay sa kanya ng mababang scores. Mataas naman pala ang mga scores niya kaya bakit mababa ang naka record? May nangyayari bang dayaan?

Naalala ko tuloy si Greta. Pareho ko silang kaibigan ni Arjun. Nawala ang trabaho niya habang nawala naman ang scholar ni Arjun. Ano bang nangyayari?

"Gusto naming magreklamo lalo na at may ebidensya ako. Lahat ng mga papel ko ay nasa akin at nandoon lahat ng magpapatunay na matataas ang scores ko. Pero masyadong malakas ang mga Agravante, hindi namin sila kaya..."

Kumunot ang noo ko. "So ang sinasabi mo ay ipipilit ng mga Agravante na mababa ang mga scores mo kaya may karapatan silang tanggalin ang scholar mo?"

"Oo. Kayang kaya nilang gawin iyon kahit kailan nila gusto. Wala kaming laban sa kanila."

Wait. Wait. Wait. Anong ibig niyang sabihin roon?

"Ang sinasabi mo ba ngayon ay gusto ka lang nilang paalisin sa school?" hinarap ko na siya.

Nilingon niya ako at tumango.

"Bakit naman nila gagawin iyon?" naguguluhan kong tanong.

Mababait ang mga Agravante! Bakit nila iyon gagawin kay Arjun?

"Hindi ko alam. Siguro masyado akong mahirap kaya gusto nila akong tanggalin. Ayaw nila ng kalat sa school nila."

What? Hindi ko maintindihan!

"Arjun, mababait ang mga Agravante. Hindi nila iyon magagawa sayo!"

"Bakit nila ginagawa ito ngayon, kung ganon? Inalis nila ang scholar ko samantalang matataas naman ang mga nakukuha kong marka. Walang sapat na dahilan para tanggalin nila iyon sa akin!"

Hindi ako nakapag salita.

"Ito lang ang natatanging dahilan kung bakit nila ako ginaganito. Dahil mahirap lang ako! Dahil tingin nila sa akin ay isang kalat na dapat mawala sa pinaka mamahal nilang eskwelahan! Akala ko rin mababait ang mga Agravante noon pero mukhang nagkamali ako ngayon!"

I’m sure the Agravantes can’t do that. They are kind. They can never do that! Theodore Agravante is strict but he can never do that! I know that. I know he's kind!

"Tinanggal nila ang karapatan kong mag aral sa eskwelahan nila kahit walang sapat na dahilan. Tinanggal nila ang scholar ko, Cassandra!"

"P-Pero hindi pa naman tayo sigurado kung iyon nga ang tunay nilang dahilan. Baka may iba pang dahilan. N-Nakipag away ka ba?" pilit ko.

Nilingon niya ako. "Cassandra, hindi ako kailanman pumapasok sa gulo, alam mo yan. At kung hindi man iyon ang tunay nilang dahilan, ano ang dahilan nila? Maayos ang grades ko at wala akong ginagawang gulo sa school. Kaya ano ang pwedeng dahilan nila? Ano, Cassandra?"

Hindi ako nakasagot. Kahit papaano may punto siya. Pero baka hindi ito alam ni Theodore Agravante?

"Hindi ba ang sabi mo pinipilit lang ng Dean at ng mga teacher na mababa ang grades mo? Try talking to Theodore Agravante! Show him your papers with high scores. I'm sure he'll believe you!" sabi ko.

Umiling siya at nag iwas ng tingin sa akin. "Hindi siya basta basta nakakausap, Cassandra."

"P-Pero ayaw mo manlang bang subukan?"

"Hindi siya maniniwala sa akin. Sila ang may gawa nito! Hindi naman ako matatanggal nang walang pahintulot niya, Sandra!"

Kahit anong sabihin ko ay hindi siya nakikinig sa akin. Pero may punto rin naman siya. His scholar couldn't be removed without the approval of Theodore Agravante.

Kung ganon pumayag si Theodore na matanggal siya sa school?

Hindi nawala sa isip ko iyon kahit na nung nasa store na ako. Tahimik ako at hindi masyadong nagpapasalamat sa mga customer na bumibili. Palagi akong nagpapasalamat sa kanila sa tuwing aalis na sila pero ngayon tahimik lang ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ng mga Agravante kay Arjun.

Talaga bang ginawa iyon ni Theodore Agravante? Why did he let that happen? Maybe he was told that Arjun's grades were low pero hindi manlang ba siya humingi ng ebidensya?

Siguro pinakita sa kanya ng teacher ang recorder nito at pinakita sa kanya ang mga marka ni Arjun?

Pero bakit niya naman siya agad agad tatanggalin? Hindi niya manlang hinintay ang pagtatapos ng school year na 'to? At hindi manlang siya nagbigay ng babala kay Arjun para naman maayos ni Arjun ang mga pagkukulang niya?

For sure something is off!

Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip roon. Bahagyang sumasakit ang ulo ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa iyon ni Theodore Agravante. Ng lolo ko!

Umangat ang mga mata ko sa babaeng nagpunta sa counter pero wala namang babayaran. Masyado yata akong natulala na hindi ko siya nakitang pumasok. Nag init agad ang ulo ko at nawala lahat ng iniisip ko nang nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Amelia Mendez.

Continue Reading

You'll Also Like

217K 3.2K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
15.9K 663 53
"I became a soldier for my love ones other than serving this country. I don't appreciate that you're a soldier too." How much can you sacrifice to wi...
36.3K 582 42
Liannah Kieth Ongpauco Madrigal is a bitch, spoiled-brat and a good-for-nothing daughter. She escaped from her family because of many reasons. First...
51.4K 1.4K 38
Yzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a par...