Flavors of Your Love 01: Sudd...

By SincerelyJireh

2K 257 54

Kape, mahigit apat na bilyong tasa nito ang nakokunsumo ng tao sa buong mundo kada taon. Isa ito sa mga inumi... More

Foreword
Flavors of Your Love 01
Prologue
01 | Rum and Regrets
02 | Flynn Rider
03 | In the Name of Cup
04 | Hot Button
05 | Follow the Leader
06 | Courting for Duty
07 | Kisser Tree
08 | Survival of the Fittest
09 | No Please, No Gain
10 | Pissed be With You
11 | Deal or No Deal
12 | Reaching-in-Tandem
13 | Sherlock Goals
14 | Track and Feel
15 | Fakers Gonna Fake
16 | Mission Un​jus​ti​fi​able
17 | Admittedly in Denial
18 | Friends Foe-Ever
19 | Vote Prickly
20 | Face the Music
21 | Secret Agin
22 | Sketched 'n' Shouldered
23 | Memories Bring Bad
24 | Count on Him
25 | Green with Envy
26 | Bury the Hatchet
27 | Suspicious Suspicion
29 | Painted Memories
30 | Versing Basses
31 | Fighting Feelings
32 | Upbraid and Downfall
33 | Eyes on the Prize
34 | Unmasking Him
35 | Varsity Jacket
Suddenly Brewed One

28 | Beating the Queen Bee

17 2 1
By SincerelyJireh

Zach’s Outlook

“Dani, kumalma ka! Mas lalo mo lang palalalain ang sitwasyon n’yo pare-pareho!” sabi ko rito na nauuna ng ilang hakbang pero labas-pasok lang sa tenga n’ya ang sinasabi ko, “Dani, can you please calm? This isn’t helping at all,” sabi ni Klein na halos kasabay ko lang maglakad at pinapahinahon din si Dani na parang torong nakakita ng pulang bagay.

Lakad kabayo ang ginagawa naming tatlo. Ramdam ang mabigat na presensya ni Dani, halos lahat ng makakasalubong namin ay tinatapunan siya ng tingin. Pangalawang beses na ulit siyang siniraan ni Flynn Rider, mukhang hindi ko na maaawat ang galit na galit na leon.

“Dani... ” biglang sumulpot si Wendy sa daan pero nilagpasan lang s’ya ni Dani, “Zach, ano’ng nangyayari? Bakit ganun si Dani?!” tanong ni Wendy na halos lakad kabayo na rin ang ginagawa at sumasabay na sa’min. “Did you open your social media?” tanong ni Klein at umiling si Wendy, “May bago na namang pinost si Flynn Rider! Si Dani na naman ang pinuntirya n’ya,” paliwanag ko at hindi ko na nakita pa ang reaksyon ni Wendy.

Biglang may pamilyar na mukha ang sumulpot sa daan. Napatigil si Dani at hinarap ito, “Tasha, nasa’n ‘yung kapatid mo?!” mabigat na tanong ni Dani, “Ano’ng kailangan mo s—” kaagad napapadyak si Dani, “’Wag mo akong sagutin ng tanong din! Nasa’n si Trixie?!” namumula na ang mata nito at pigang-piga na ang kamao n’ya, “Nasa cafeteria, do’n sila kuma—” hindi n’ya na pinatapos si Tasha at muling bumalik sa paghakbang na parang kabayo.

“Dani wait, I know what you’re thinking about!” sigaw ni Tasha at naglakad na rin na parang kabayo, apat na kaming nakasunod kay Dani, “Dani, hindi si ate si Flynn Rider! Yes, maybe she’s bad but she’ll never do that,” pangungumbinsi pa ni Tasha pero ‘di nakikinig si Dani.

Nakarating kami sa harapan ng cafeteria. Hindi ko alam na nando’n ang mga ka-banda ko. “Axel, pigilan n’yo!” kaagad na naalarma ang tatlo at agad na tumayo sila sa bench pwera na lang kay Bread na busy sa Mp3 n’ya. “Dani ‘wag!” sabi ni Axel at nakaharang silang tatlo sa pintuan. Lumapit ako kay Dani at hinawakan siya sa braso, “Dani, malaking gulo ‘to!” sabi ko at umikot ang ulo n’ya papunta sa’kin, “Zach, bitawan mo ako o tutugtog kayo sa Banda Bangayan ng may black-eye sa mukha?!” umuusok na ilong na sabi nito.

Naging matibay sa paghaharang sila Axel, Cedric, at Steve. Nagdilim ang paningin ni Dani at buong pwersa niyang hinawi ang daan. Nakapasok si Dani sa malawak na cafeteria, marami ang mga estudyanteng kumakain at lahat sila ay napapatingin sa torong galit na galit.

Biglang may humahangos sa likuran namin at kaagad na lumapit kay Dani, “Ano ka ba! Kanina lang, pinapangaralan mo ako na ‘wag gumanti! Pigilan mo ‘yang galit mo,” sabi ni Demi pero binawi ni Dani ang braso n’ya, “Alam ko! Pagbigyan mo na ako rito, huling beses na ‘to, tingnan natin kung umulit pa s’ya!” inikot ni Dani ang mata niya sa paligid, hanggang sa may natanaw siya sa gitna ng cafeteria.

“How dare you, b*tch!” sigaw ni Dani na nagpatigil sa lahat ng mga estudyanteng kumakain.

Mabilis ang naging paggalaw ni Dani, ikinilos n’ya ang paa n’ya papunta sa tuwid na direksyon kung nasaan ang lamesa nila Trixie. Magkakatabi silang tatlo ng kaibigan n’ya at nasa gitna si ito.

Tumungtong si Dani sa flat bench, isinampa n’ya ang sarili sa lamesa. Nakaluhod na s’ya sa ibabaw ng lamesa at buong pwersang ibinuwelo ang kaniyang braso at walang pasabi—kaagad niyang ipinatama nang malakas ang kanang kamao diretso sa gitna ng mukha ni Trixie.

“WHAAA!” nag-hiyawan ang lahat ng taong nakakita ng kaagad na tumihaya si Trixie sa sahig.

“Dani, ano bang ginawa mo!” sigaw ko at kaagad na lumapit sa lamesa. Niyakap ko ang kaniyang t’yan at buong lakas na binuhat pababa sa lamesa. Tumayo siya ng tuwid at susugurin pa sana si Trixie pero kaagad kong pinigilan siya sa dalawang braso.

Dahan-dahang nakatayo si Trixie sa tulong ni Febe at Murphy. Gamit ang hinalalaki ay pinunasan niya ang pulang likido na lumalabas sa ilong n’ya. Nang makito ito, namula at umusok ang buong mukha niya at kaagad na gumalaw palapit kay Dani. Nagulat ako ng lumabas sa likuran niya si Fatima, Wilson, at Chelsea na kaagad siyang pinigilan sa balak na pagsapak kay Dani.

Nagkumpulan na ang lahat ng estudyante sa’min at nakataas na ang phone nilang nakatutok dito. Kaliwa’t kanang flash ang sumisilaw sa mata namin at iba’t ibang bulungan ang pumupuno sa paligid.

Pumunta naman sila Axel, Cedric, Bread at Steve sa mga estudyante. Katulong niya ang mga bagong student council kasama si Henry na kararating lang, pinipigilan nila ang mga estudyanteng kumukuha ng video. Sila Macc, Demi, Chelsea, Fatima at Wilson naman ay itinataboy ang ibang gustong maki-usyoso at lumapit sa’min. Naiwan sila Murphy, Tasha at Febe na inaawat ang kaibigang gustong kumawala at makaganti kay Dani.

Dalawa na kami ni Klein na nakahawak kay Dani, ilang beses na nitong gustong kumawala pero hindi namin pinagbibigyan.

“Bruha ka! Anong kabaliwan na naman ‘to? Bakit ka bigla na lang parang baliw na susugod at sasapakin ako, talaga bang nasiraan ka na ng bait?” sarkastikong tanong ni Trixie, “Hindi ako nasisiraan ng bait! Mukha mo muna ang unang masisira, Flynn Rider!” biglang nagulat ang lahat, pati ‘yung ibang estudyante na ngayon ay tumitigil na sa pagkuha ng video.

“You heard it right everyone! The notorious poser who’s hiding in fairy-tale-like account is here!” sabi ni Dani habang inililibot ang tingin sa mga nagkukumpulang estudyante, “Yes, Flynn Rider is no other than Trixie!” lahat ay umuwang ang labi kahit si Trixie rin ay hindi makapaniwala sa sinasabi ni Dani.

“You’re sick Dani! What’s your pruweba?” hiyaw nito kay Dani at sinasaksak lang siya ng tingin ni Dani, “Proof? So you’re really good at pretending! Well okay,” sarkastikong sagot ni Dani.

“May pinost lang naman ngayon si Flynn Rider na bagong picture... at ‘yung picture na ‘yun ay ‘yung eksaktong litrato na pinagmamalaki mo sa’kin last time na magbanggan tayo sa hallway!” mukhang kumalma na si Dani kaya binitawan na rin namin siya ni Klein, pero inihahanda namin ang sarili namin kung sakaling magpaka-bayolente ito.

Galit na kinuha ni Trixie ang phone ng kapatid, ilang segundo lang ay nanlaki ang mata nito umuwang ang labi, “H-Hindi ko alam kung paano ‘to nakuha ni Flynn Rider!” wala sa sariling sabi ni Trixie pero ngumisi lang si Dani at tinaasan ng kilay si Trixie.

“Wow! Good job to your worth-of-award acting, that’s deserve an Oscar recognition!” sarkastikong sabi ni Dani habang pumapalakpak pa, “Sa tingin mo paniniwalaan pa kita? Cut this bullsh*t Trixie, stop fooling around!” dagdag pa nito pero gumagalaw pakaliwa’t pakanan ang ulo ni Trixie.

“Yes, we don’t just hate each other, I know we despise both of our presence! But to make anonymous cheap account that’s like being handled by an eight-year-old kid, it’s too much than being crazy!” matapang na sagot ni Trixie, “I don’t need to kneel down for you to believe me! But I’m telling you the truth, I’m just eating here taking my lunch, then you came in being so rabid and all the stupid things follow!” ikinawala na ni Trixie ang sarili n’ya sa mga kaibigan n’yang pumipigil sa kanya.

Tumawa ng sarkastiko si Dani, “I can’t still forget what you told me last week! Is this what you’re talking about?” lahat ng mata namin ay na kay Dani at matapos s’yang magsalita, lumipat kami kay Trixie, “Sinabi mo na hindi pa tayo tapos! At sinigurado mo na ako ang lalapit sa’yo, devastatingly!” hindi naialis namin ang tingin kay Trixie.

Naalala ko ‘yung sinabi n’ya. Nagbanta si Trixie kay Dani!

“Mark my words, this is not the last time we see each other!” pagbabanta nito at inalis nang maharas ang braso sa kamay ng mga kaibigan, “Trust me, you’ll be the one who’ll come to me... devastatingly!” madiin na sabi nito at iritang tumalikod at humakbang paalis.

Mukhang tama nga ang hinala ni Dani. Baka nga hindi s’ya nagkakamali, nasa harapan lang namin si Flynn Rider! Si Trixie ata ang fake account na matagal na naming hinahanap.

Pautal-utal na tumawa si Trixie, “O-Oh my... that’s just for you to be scared! I’m not serious on what I had said!” sabi nito at hindi na maipinta ang mukha n’ya, “Look Dani! Hindi ako seryoso do’n, binantaan lang kita para takutin, ‘yun lang lahat ng mga ‘yun!” pagpipilit n’ya pa.

Humakbang si Dani ng dalawang beses paabante, iginagalaw n’ya ang ulo n’ya at parang isang painting si Trixie na pinag-aaralan n’ya ang detalye. “Eh bakit parang... ikaw ngayon ang natatakot?!” mahinahon pero makabagbag ng dibdib ang pagsasalita ni Dani.

Itinuwid at taas-noong tumingin si Dani kay Trixie, “We’ve been on so much conflicts! It’s hard for me to tell weather you’re telling truths or this is just your another lies!” mahinahon pero nakakabagabag ng dibdib na sabi ni Dani.

“But there’s only one thing I’m sure about,” matalim lang ang tingin ni Trixie sa kanya, “That you’ll still be hated by everyone! Not just how you dress up, the way you talk and pushing yourself to be donna although it’s only making you funnier!” banat ni Dani at lumapit si Axel sa tabi ni Trixie.

“Dani, tama na please!” matigas na sabi ni Axel pero hindi siya pinakinggan ni Dani, “Bawiin mo ‘yung sinabi mo!” hiyaw ni Trixie at susugod sana kay Dani pero si Axel na mismo ang umawat, “Ano ba Trixie, mahiya na kayo!” sabi nito at napapadyak na lang ang syota n’ya.

“This is the last time I will involve myself to you, Flynn Rider!” pagdidiin ni Dani, hinawakan ko siya sa kanang braso pero ‘di s’ya nagpahatak, “I know thi is your last day at SPU! I hope that you’ll stop ruining other people’s lives especially mine!” banta pa ni Dani at mas ipinilit ko pa s’yang hatakin papunta sa direksyon ko.

“Eh l*ntik, paulit-ulit, hindi nga ako si Flynn Rider!” pagmamatigas ni Trixie pero tumawa lang ng sarkastiko si Dani, “Whatever you’ll said, I’ll not going into it anymore! Listen Trixie, your Chanel clothes and Prada shoes will never hide your nasty attitude and rubbish way of thinking!” mas lalong umusok ang ilong at tenga ni Trixie.

“Because by now, you’ll leaving SPU and left nothing any marks except for being stupid conyo girl dressing herself as the notorious childish poser to gain everyone’s attention!” wika ni Dani na nagpa-woah sa mga nakiki-sawsaw.

Nagdidilim na ang paningin ni Trixie, at mula sa mata n’ya ay isa-isa nang nagbagsakan ang mga butil ng luha. “Tama na Dani, sobra na ‘to!” hinatak ko na s’ya pero para siyang bato na hindi makagalaw sa kinatatayuan n’ya, pulang-pula na ang mukha ni Trixie at dama sa lalim ng paghinga n’ya ang sobrang kahihiyan.

“F*CK YOU DANI!” umalingawngaw sa buong cafeteria ang kumulog na boses ni Trixie. Kasabay nito ay ang pwersa niya para makawala kay Axel at makatakbo papunta kay Dani.

Gamit ang kanang kamay, pinadapo n’ya ng malakas sa kaliwang pisngi ni Dani ito. Halos malaglag si Dani sa sahig kung ‘di ko lang siya nasalo. Bakas sa nakabukas na bibig at nanlalaking mata ni Dani ang reaksyon n’ya sa ginawa ni Trixie.

“Mukhang kulang, pantayin natin bangas mo!” nawala ako sa kontrol at namalayan ko na lang na nasuntok muli ni Dani si Trixie sa kaliwang parte ng mukha.

Kaagad na gustong kumawala ni Trixie at Dani sa isa’t isa. Pero parehas namin silang hawak kaya walang makalapit sa bawat isa.

Parang mga dagang nakakita ng pusa ang mga chismosong estudyante ng biglang marinig nila ang sunod-sunod na pito. “ENOUGH!” sigaw ng pamilyar na boses na nasa pintuan kasama ang dalawang lalaking naka-uniporme at may chapa sa damit. Kaagad kaming natigilan lalong-lalo na sila Dani at Trixie na parang binuhusan ng malamig na tubig.

Mabilis na pumunta sa iba’t ibang direksyon ang mga estudyante. ‘Yung iba ay sa exit door nagpunta at ‘yung iba ay matapang na nakisiksik sa entrance para lang makatas. Wala pang isang minuto ay halos lahat lang kaming sangkot ang natira sa loob.

“I’m so dissapointed to all of you! How can be this issue came here so far?” para bang isang kidlat ang hiyaw ni Gen Z na bumasag sa buong cafeteria. Humakbang ang paa n’ya papalapit sa direksyo namin, humarang naman si Wilson at sinubukang alalayan si Gen Z pero minustrahan n’ya ito na lumayo, “Don’t come near me Wilson! Isa ka pa, apo pa naman kita tapos malalaman kong isa ka rin sa gumagawa ng gulo rito!” galit na sabi nito at umatras na lang si Wilson.

Mabilis na humakbang ang paa nito papalapit sa’min, “Kayong dalawa? Kababae n’yong tao pero kung makapag-away kayo, daig n’yo pa mga maton na tambay sa kanto!” galit na wika ni Gen Z, napadako ang mga mata namin sa kanya ng biglang mapatawa si Wilson dahil sa sinabi ng lolo n’ya, “Wilson!” mariin na banggit ni dean sa pangalan ng apo n’ya na kaagad namang tinakpan ang bibig.

“I’m so dissapointed, Centaurs!” mas naging mabigat ang presensya ng paligid ng magsalita na si Dean Zalvo sa mahinahon at nakikiusap na paraan. “You’re all in college but you’re acting like a preschooler toddlers!” dagdag nito at halos lahat kami ay hindi na makatingin sa kanya.

“What’s this matter again? About that poser?!” tanong nito at tumango kaming lahat, “For Pete’s sake, that poser only wants to gain popularity and attention and all of you are satisfying him!” pangaral niya.

Dumako ang mata nito kay Dani, “Ms. Fontejos, our bad if we can’t still find and trace that poser account! We asked you if you want to have police cybercrime actions to find him but you refused, so might as well, just give more of your patience until we caught that Flynn Rider!” paliwanag nito at tumunghay si Dani, “Yes dean! Ayoko nang umabot pa ‘to sa pulisya pero hindi ko naman po yata kayang tumunga na lang habang ginag*go ako no’ng poser na ‘yun!” mahinahong sagot ni Dani.

“Your words, Dani! Oh, we’re really understand you, but please, if you want to do your own investigation, be cautious to the people you’ve been suspecting!” sermon ni Dean Zalvo, “Hindi ‘yung kung sino lang ‘yung mahanapan mo ng butas, susugurin mo na lang at basta mo na lang sasapakin... katulad ni Ms. Tamundong!” umikot ang mata ni Trixie dahil narinig na naman n’ya ang apelyido n’ya.

Tinanggal ni Dean ang salamin n’ya at umiling-iling. Muli niyang ipinatong ito sa mukha n’ya at isa-isa kaming pinasadahan ng tingin habang may pagkadismaya sa mukha, “I’m expecting more to all of you! Hindi ko akalain na kung sino pa ang mga estudyanteng galing sa prominenteng pamilya, sila pa ‘yung mahilig sa mga gulo!” walang nagtangkang sumabat sa kanya.

“I’m so dissapointed! Meron dito, anak ng trustees, mayor, abogado, doktor, businessman, architect... apo ng dean!” sabi nito at iniliko ang mata kay Wilson, “Tapos ang ipinapakita n’yong asal ay parang ‘di kayo napalaki ng maayos!” hindi ko na makita ang reaksyon niya dahil sa puting sahig na lang ang nakikita ko.

“Hindi por que’t lilibuhin ang ibinabayad n’yo rito at ‘yung iba ay umaasa lang sa scholarship, aasta na kayo na parang pag-mamay-ari n’yo ang buong unibersidad at pwede na kayong magsapakan kung saan at guluhin ang pananatili rito ng iba!” kumikirot ang puso ko dahil tumatagos sa’kin ang bawat sinasabi ni Dean.

“Look at yourselves! Iba sa inyo rito, officer at president ng org at student council. May miyembro ng music band, kasali sa mga clubs! Hijo’t hija, role models kayo, panindigan n’yo naman sana!” may iba sa’min ay itinataas-baba na ang ulo at natatahimik na.

“Wala ng sense kung dalhin ko pa kayo sa office, I said here what I need to say! I would like that this is the last time this case will happened, I will not say this neither to the boards nor to the president! Just promised that this will be the first and last,” tumunghay ako at tumango sa harapan niya katulad ng iba, “But I will never let you leave this cafeteria without giving you the lesson! Starting at the day after your mid-term exam, all of you will be suspended for one week! Except for Trixie and her two friends who got expulsion from the boards and the president!” kaagad kaming nagtapunan ng tingin dahil halos lahat kami ay ‘di makapaniwala.

“Damay talaga kayong lahat! Sa dami n’yo rito, imbes na ‘yung nag-aaway ang awatin n’yo, ‘yung kumukuha ng video ang pinapatigil n’yo!” natigilan kaming lahat ng bigla naming maisip ang gustong iparating ni Dean Zalvo, “Kids, logic lang ‘yan! Wala silang i-vi-video kung walang nag-aaway! Ang naging labas pa tuloy, parang hinayaan n’yo pang magsabong ‘yung dalawa basta walang kukuha ng video at walang manonood!” napatahimik na lang kami dahil tama si Gen Z.

“Just in case you’ve missed it, this is Southwest Parkins University not the WWE WrestleMania!” mariin na sabi nito, “Dalhin n’yo muna si Trixie sa clinic, she needs to get first-aid!” huling sinabi ni Dean Zalvo at tinalikuran na kami at naglakad paalis.

Naging sementeryo ang buong cafeteria. Walang nagtangkang bumasag rito, hanggang sa isa-isa na silang naglakad palabas na bagsak ang balikat. Inalalayan naman ni Tasha ang kapatid n’ya palabas. Matalim ang tingin nito kay Dani hanggang sa makaalis. Wala, ganito talaga, kailangang tanggapin ang kapalit ng mga pagkakamali!

Dani’s Outlook

Semestral break is just a blink of eye! It feels like I sleep in the night that it’s about to start and wake up to its last day. Sucks!

Bagsak ang balikat kong tumingin sa full-length mirror ko. Hindi ko maintindihan pero parang may kulang, hindi ko alam kung sa suot ko ba, sa itsura ko, o sa hindi ko malamang dahilan. Parang ang sabaw ko ngayon.

Napaupo na lang ako sa’king kama, sumunod nito ay tatlong mahihinang tunog likha ng pagtama ng kung ano man sa kahoy kong pinto. Lumaki ang agwat ng pinto sa pintuan, “I guess, you’re into another party? What club?” tanong ng tatay kong kalahati pa lang ng katawan ang nakapasok. Umikot lang ang mata ko, “Nicholas, mukha ba akong laging laman ng night clubs? I'm on a coffee date,” nanlaki kaagad ang mata at bibig n’ya.

“Coffee date, so far from rums and electric sounds,” segunda niya habang tumatango, “Magandang umpisa ‘yan bago ka bumalik sa university at habulin ‘yung mga kulang mo sa advance one-week vacation mo,” pagpapaganda n’ya sa suspension na natanggap mo.

“I’m not the only one who needs to chase for our missed requirements!” pagtatanggol ko. Humakbang siya papalapit sa’kin at umupo sa’king tabi, “Did you and your Mom still don‘t talk to each other?” tanong nito at mula sa repleksyon ko sa salamin, umiling ako.

“For what? So she can bring up how stupid daughter am I? To let her down me for being reckless student who have new issue again about flirting with a random guy... hell no!” madiin kong sagot at tumayo na sa kama, “I’m going to be late if we’ll talking about this, Nicholas!” sabi ko at naglakad na papunta sa pintuan.

Nang makarating ako ro'n ay agad akong napatigil ng may marinig na naman ang tenga ko mula sa kanya, “Dani, it’s not bad that sometimes, we break our walls to understand what other might feel about! I know you can make it, someday,” natigilan ako sandali, pinilit i-proseso sa utak ko ‘yung sinabi n‘ya pero hindi ko magawa kaya pinagpatuloy ko na lang ang pag-alis.

Wala pang kalahating oras ng umalis ako ng bahay at makarating dito sa Puting Tasa. Walang masyadong tao dahil walang pasok. Madalas kasing laman nito ay ang mga estudyanteng tall cup lang naman ang binili pero mukhang buong café ang binayaran.

Mula sa labas, nakita ko sa street-through window ang pagsayaw ng kamay ni Henry. Tumayo siya at nakita kong papunta s’ya sa entrance kaya naman binilisan ko ang lakad para ‘di n’ya na salubungin. Ayokong magpaka-pabebeng leading lady na katulad sa pelikula.

Nahuli na ako, nabuksan n’ya na ang glass door at malaki ang pagkakabuka ng labi n’ya. “I’m glad, this will happened!” bakas sa boses nito ang saya at tumango ako, “Salamat!” kahit ako ay nairita sa pagkakasabi ko ng makapasok ako sa loob.

Sinenyas n’ya ang communal table sa may dulo, “Ang laki naman ng table na in-occupy mo eh dalawa lang naman tayo!” sabi ko rito habang pinagkikiskis ang palad, “Nope, I already reserved it, para naman walang ilangan sa spaces... you know!” nahihiyang sabi nito at may point s’ya. Mas nakakahiya nga kung small table lang at sobrang intimate naming tingnan.

Agad kaming nakarating do'n at umupo ako sa mala-marshmallow na upholstered sofa na kulay sapphire. “So, how was your vacation?” casual n’yang tanong pagkaupo sa kanan ko, “Uhmm... great, I guess! Mukhang hindi ko naramdaman ‘yung sem-break pero ayos na rin! Nalayo kahit papaano sa ka-toxic-an ng university!” natawa naman kami ng mahina.

Gamit ang kanang kamay, ini-slide n’ya mula sa kanya papunta sa harapan ko ang dalawang box, “I hope you’ll enjoy it!” sabi n’ya at kaagad kong inilagay ang mata ko sa kahon, “Cupcake... gawa mo?” tanong ko at umiling s’ya.

“Nah, my Mom loves to bake and she insisted to bake some for you,” kaagad umangat ang labi ko dahil sa narinig, “Wow, thank you! I think you’re mom is so thoughtful! She even waste her energy to make some of this for me that she didn’t probably know personally,” sagot ko habang pinagmamasdan ang loob, “It’s not a waste of energy, she didn’t tired because she knows that it’s for her soon-to-be daughter-in-law!” napatigil ako at marahang napalingon sa kanan ng may nakakahiyang ngiti.

“Oh... I’m kidding! Just enjoy the food, don’t mind it,” napapakamot pa sa batok si Henry ng magsalita, “Ah, okay! Pakisabi na lang kay Mom mo na maraming salamat!” tinaggap ko na lang kaagad ‘yun at hindi na pinahab pa.

Maya-maya, bigla akong nanigas ng makita ko ang papalapit sa’min na may dalang tray. Suot niya ang apron nila rito at may ngiti sa labi—na hindi umaabot sa mata. “Uy ‘insan, thank you!” sabi ni Henry matapos ilapag ni Zach ang tray sa lamesa.

When he laid the tray at the table, our eyes touched from apart. It’s been month since we see each other, I didn’t thought that he’s here even if its Sunday. I can feel the tremble in my chest, how my knees and hands shakes like earthquake is occurring. Nothing change, he’s still looks prim and proper.

I feel awkward! He’s been manage to text me and ask me about how I’m going in our vacation days but I don’t respond any of those. There’s still something on me that I can’t explain for him now. If I did it, I’ll just make my mind and thoughts more complicated.

Na-gu-guilty rin ako. Nahihiya akong lumapit sa kanya dahil ako ang may gawa kung bakit na-suspend s’ya, sila. Kung nakinig lang sana ako sa kanya at naging mahinahon ako, wala sanang suspension na naganap. Isa lang ‘yun, isa lang ‘yun sa mga bagay na gumugulo sa utak ko kaya ayaw ko muna siyang kausapin.

But here, I can’t answer his calls and text but I came into a coffee date with this guy I just know by his name and position. Again, our eyes crossed every time he send the cup of coffee from the tray to the table.

I can’t help but to stare on his thick eyebrows, less pointed noise, thick lips, his not-so wide forehead and the dimple on the both side. He’s not good at outfits but I swear, he have the great charm and appeal just by his looks, his open polo with shirt inside and the signature maong pants.

“Salamat ‘insan!” sabi ni Henry at tumango lang si Zach. Hindi na s’ya tumingin sa’kin at naglakad na paalis. Ugh, pwede ko bang sabihin sa kanya na kaya ko lang naman sinipot ‘tong pinsan n’ya eh para matapos na ‘yung inno-oo-han kong coffee date. Sana pala, nag-Starbucks na lang kami.

Nag-umpisa na kaming mag-usap at dumadaloy lang ang topic. Oo, masarap ka-kwentuhan si Henry pero may hinahanap akong alam ko sa isang tao ko lang nararamdaman at nararanasan.

‘Yung usapan na walang minutong hindi s’ya mag-pa-punch line, aasarin ako hanggang sa mainis sa kanya, ‘yung kayang palabasin ang pagiging seryoso at palabiro ko ng sabay. Kilala ko kung sino ‘yun pero ito, nandito lang s’ya pero mukhang ang layo n’ya.

Ipinilit ko na lang na i-focus ang sarili ko sa kausap ko at alisin muna s’ya sa aking isip. Sa gitna nang napapahaba naming usapan, biglang tumunog ‘yung phone ko. “You have something!” turo ni Henry sa phone ko gamit ang nguso n’ya. Kaagad ko ‘tong kinuha at isang message mula sa Messenger.

“Layuan mo na s’ya!”

‘Yun lang ang laman ng message... galing kay Flynn Rider. Kita mo nga naman, oo! Hindi pa nga ako pumapasok sa university, babanatan n’ya na kaagad ako ng ganito. Matapos kong basahin ‘yun ay kaagad akong napatingin kay Henry.

“Any problem?” tanong n’ya habang sumisimsim ng kape, umiling naman ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid, umaasang nandito lang s’ya kasama namin.

Tumigil ang mata ko sa counter, nahagip ng mata ko si Zach na may hawak na isang touch screen phone. Kumabog ang dibdib ko at umikot ang sikmura ko. Gusto ko mang isisi sa kape pero alam ko ‘tong dahil ‘to sa kaba.

Pinapalayo ako ni Flynn Rider, kanino? Si Henry lang naman kasama ko. Hindi maalis sa isip ko ang posibilidad pero ayokong mag-isip ng ganito sa kanya, maling-mali!

Shh! Hindi Dani, malinaw ng si Trixie si Flynn Rider, sapat na strong evidence ‘yung picture na siya lang mismo rin ang kumuha.

Pero bakit nga ba hindi sumagi sa isip kong isama s’ya sa mga posibleng gusto akong siraan sa iba, alam kong pagganti ang motibo ng kung sino man ang nagtatago sa account na ‘to. Mali Dani, ‘wag kang tanga!

Hindi n’ya ‘to magagawa, hindi! Pero kung s’ya nga, kaya ko bang tanggapin na ang hinahanap kong Flynn Rider ay... si Zach?!

Continue Reading

You'll Also Like

1K 451 34
"I have many ways to make him fall for me, so wait for it bitch." -Lauren Jae Adair Lauren had loved Lucas for years. She had no courage to confess i...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.2K 307 47
Troublemaker, that's what people call Ysa Suarez. She is good to the good, but she is worse to the bad. There's at least one thing you should know ab...
632K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...