Her Lockdown Possession

By aizzienn

11.4K 397 95

NANG DAHIL SA COVID #3: Lockdown Dahil sa isang milyong suhol, nagawang dalhin ni Ginger si Rhioz sa bukiring... More

Her Lockdown Possession
Ciao!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 06

505 22 0
By aizzienn


"Nandito na si Ginger at ang kaibigan nya! Oh my Goodness, ampogi!"

Sa bungad pa lang ng plaza, doon sa arko na may nakasulat na 'welcome to barangay Makiling' ay nagkukumpol na ang mga babae teenager man o gurang, pati mga beki ay present din at hindi sila magkamayaw sa pagkaway kay Rhioz na nasa likuran ko habang naglalakad kami. Sinadya kong unahan sya sa paglalakad para itago sya sa mga malalantod kong kababayan.

At dahil sa kagagawan kong iyon ay bumangga si Rhioz sa likuran ko at naapakan nya ang suot kong flat sandals kaya natanggal!

"Look what happened?" Pilit pinagpapasensyahan nyang saad sa akin. Bakit parang kasalanan ko? Sya may kasalanan tapos sya pa ang galit?

May sasabihin pa sana ako pero bigla na namang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina kaya yumuko na lang ako para ayusin ang natanggal na sandals. Tangek, ano ba kasing meron don bakit ganito ako mag-cringe pag naalala ko yun? 'Di ko talaga maintindihan sarili ko. May bumubulong sa isip ko na 'ambaduy mo Ginger bigti ka na!' O kaya 'you can do better than that.' Edi wow.

Alas sais na ng hapon kaya medyo madilim na. Nauna silang pumasok at naiwan ako sa tapat ng arko na yari sa indigenous materials at may series lights pa kaya agaw-pansin talaga. Maingay din ang  paligid dahil sa disco music at boses ng mga tao. Ngayon ko lang napagtanto na marami na palang tao dito sa lugar na kinalakhan ko. Marami na'ng mga kabahayan 'di gaya noon na iilan lang.

Matapos maisuot ulit ang sandals na buti na lang hindi nabigtas ay naglakad na 'ko papasok. Wala na ang kumpol ng mga babae sa bungad ng arko at nawala na rin sila Rhioz sa paningin ko. Nandon naman si auntie kaya sya na bahala sa lalaking yun, tatayo na lang ako dito sa tabi, maghahanap ng poging balikbayan o kaya foreigner na pwedeng makausap at landiin hanggang sa matapos ang gabing ito ng makauwi na 'ko at makatulog.

Linibot ko ang paningin, maraming stall na nag-didisplay ng iba't ibang kakanin sa paligid. Bawat officials kasi ng barangay ay may sariling stalls na magpo-provide ng libreng pagkain sa lahat. Sarap diba? Ganun talaga dito. Sa gitna ng plaza ay may malaking pile ng kahoy para sa bonfire mamaya. Pawang naka-dress naman ang mga babae at maporma din ang kalalakihan.

Linibot ko pa ang tingin at nahanap ng mata ko si Rhioz na binubuntutan ng mga babae. Present ang mga babaeng nakausap ko sa batis kanina at totoo ngang sinuot nila ang pinaka-best nilang dress para lang sa gabing ito. Napansin kong nangunguna sa kumpol si Karyl, pinagduduldulan nya ang dede nyang malalaki kay Rhioz na pachill-chill lang kunyare pero halata namang nag-eenjoy.

"Baboy, mga pinsan ko yan sabi nila." Bulong ko habang masama ang tingin sa lalaki.

Kumuha na lang ako ng kalamansi juice at inabala ang sarili sa panunuod ng mga tao na kadalasa'y lasing na nagsasayaw malapit sa bonfire. Kung nasa mood lang ako ngayon malamang tumatambling narin ako doon. Kaso wala eh.

"A beautiful but lonely lady is the most unpleasing sight to see in a party like this." Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaki ang tumigil sa aking harapan. Moputi at maayos naman ang pormahan. Kaso parang... pamilyar.

"Dayo ka o taga dito?" Walang modo kong tanong. Pamilyar kasi talaga sya kaya 'di ko maiwasan. Napangiti naman ang lalaki. Impernes pogi. Pero syempre may damuho somewhere in the crowd na mas pogi pa rin sa lahat ng nandito.

"I'm Joel Cañete, born and raised dito sa barangay Makiling." Proud nyang sabi... "Ikaw ba? Dayo ka dito? Pamilyar ka kasi medyo."

Napatango ako. Pero teka.. "Joel? Jojo ikaw ba yan? As in yung Jojo na bulol? Kaklase kita eh! Nag-glow up ka ata Jo!" Tuloy-tuloy kong sabi kasi sure ako na si Jojo nga iyon. Straight na syang magsalita tapos ang ganda na ng ngipin. Sana ol!

"Kaya pala pamilyar ka. Pero hindi kita maalala eh. Sino ka ba sa buhay ko?" Natawa kami pareho sa pabiro nyang tanong.

"Geniza Christine, kung naaalala mo pa ang multi-awarded talkative sa klase!" Inabot ko kamay ko at agad naman nyang tinanggap so nag-shake hands kami. Dito ako sa Makiling nag-aral ng elementary pero mula grade 6 hanggang nagtapos ako ng high school sa probinsya nila Marimar ako nag-aral.

"Holy vaccine, Geniza? Diba Ginger palayaw mo? Wow, kamusta ka na?" Hindi nya rin mapigilan ang ngiti. Loser sya dati pero dahil may PSP sya naging kinaibigan ko pa rin sya dati. Alam nyang friends with benefits lang kami pero wag kayong mag-alala, dahil nga dun mas naging close pa kami... "And please don't say multi-awarded talkative, you were an effective muse from first grade!"

"Charot! Pero heto, okay lang, walang pinagbago." Inabutan ko sya ng orange juice saka nag-cheers kami. Naalala ko dati, kahit may teacher na nag-didiscuss sa harapan at nasa front row ako sadya akong tumatalikod para makipag-usap sa kaniya tungkol sa PSP nya. Talkative talaga ako dati.

"Don't say walang pinagbago, ikaw ang mas nag-glow up. Seriously, nung elementary may bangs ka pa na one inch." Pareho ulit kaming natawa.

"Wag ka Jo, minintain ko yun hanggang nag-high school ako. Ikaw, kamusta ka na? Mukhang malayo na ang narating natin ah?"

"I'm a licensed nurse and a neurosurgeon. I work abroad, Canada actually. Ngayon lang ako naka-uwi sa probinsya after so many years. At single pa rin." Kiniwal-kiwal nya ang kilay kaya nakatawa ako at nasapok ko sya sa braso ng marahan. "Ikaw, how have you been all these years?"

"Uhm, ako?" Ramdam kong unti-unti akong hindi nagiging komportable. "Tungkol sa nangyari eight years ago? Okay naman —

"What do you mean eight years ago? Why? Ano'ng nangyari dati?" Kunot noo nyang tanong na agad nagpakaba sa akin. Wag mong sabihing...

"H-hindi mo alam?"

"I was in Canada all those years. After high school graduation Tita brought me there for college, kaya nga ngayon pa 'ko naka-uwi after approximately eleven years. I haven't heard much about you since nag-transfer ka nung grade six."

Napatakip ako sa aking bibig. Napansin kong kumunot ang noo nya sa reaksiyon ko kaya agad kong binaba ang kamay at sinubukang umakto ng maayos kahit pa sa mga nakita nya.. ba't kasi sinabi ko pa yun? Hindi ko na dapat sinabi yun!

Akala ko alam nya ang tungkol dun...

"Are you okay, Ginger?" Hindi ko sya sinagot. Uminom ako ng juice at nag-sign na ayos lang ako. Ayokong magsalita kasi baka pumiyok ako bigla. Gusto ko ng umalis sa harapan nya. Shit, kahit gumapang pa ako palayo gagawin ko! Ngunit nagmistulang bato ang mga binti ko, at feeling ko lulugmok ako sa sahig pag tinangka kong umalis dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

"No, I'm a nurse Ginger. I know what's happening here. You need to breath deeply at least three times and hold on to me, I'll bring you somewhere para kumalma. This environment is not good for your current state. You're shaking." Kalmado nyang paliwanag. Dahan-dahan naman akong tumango. Huminga ako ng malalim at hinawakan nya ang braso ko ng dahan-dahan.

Hinawakan din ni Jojo ang aking baywang upang alalayan akong maglakad sa malapit na bench. Hindi ako nakaramdamn ng kahit na anong discomfort sa hawak nya. Napaka-gentleman nya. Pero ang hindi nya alam ay sya mismo at ang mga nasabi ko sa kaniya ang dahilan bakit bigla akong nagkaganito bigla. Natatakot ako at nanghihina pag tungkol sa nangyari walong taon na ang nakalipas ang pinag-uusapan... baka magtanong sya.

Ngunit isang hakbang pa lamang ang nagawa ko nang may humawak bigla sa kabila kong braso... nang lingunin ko kung sino iyon ay ang matalas na pares ng kulay abong mata agad ang nakita ko.

"Pinapahanap ka ng auntie mo, she's worried." Sandali syang sumipat ng tingin kay Jo at muling nagbaba ng tingin sa akin... "Come with me."

"T-teka!" Pero hindi sya nagpapigil at hinila na ako gamit ang malalakas nyang braso. Hanggang lingon na lang ang nagawa ko kay Jojo. "P-pasensiya na, sana magkikita pa tayo ulit!"

"Y-yeah!" Halatang naguguluhan sagot ni Jojo.

Nang makalayo na kami ay inis kong binawi ang kamay ko mula sa mahigpit na hawak na Rhioz. Tumigil rin sya at hinarap ako saka bahagyang namewang tila handang makinig... "Ambastos mo! Kita mong kausap ko yung tao! Bigla ka na lang sisipot tapos nanghihila! Problema mo?!"

"Done?" Walang gana nyang sabi saka kinuha na naman ang braso ko at hinila ako ulit. Sinubukan kong kumawala muli pero ako na rin mismo ang sumuko dahil sa higpit ng pagkakahawak nya ngayon. Pero kahit nakakainis sya ay nag-papasalamat pa rin ako na dumating sya.

Dinala ako ni Rhioz sa stall ni Tsong. At tama sya, pinapasundo nga ako ni auntie na kanina pa ako hinahanap kasi kakain na raw. Hindi na ko kumibo masyado. Naalala ko si Jojo, ang sarap na sana ng kwentuhan, may spark na at papunta na kami dun! Kaso umepal naman ang bibig kong walang preno. Alam ko na pag nagkita kami ulit ay itatanong nya ang tungkol dun na ayaw ko talaga sanang pag-usapan pa. Naiinis akong isipin na yun ang naging reaksiyon ko nasali lang sa usapan ang nakaraan. Gusto kong manapak ng katabi ngayon sa gigil!

"You don't look so good." Nabuga ko ang juice na nasa bibig ko nang sabihin iyon bigla ni Rhioz. "I mean, not your appearance, but your face."

"Hoy, maraming nagsabi na maganda ako." Totoo naman! Papunta pa lang kami sa plaza maraming pumuri sa 'kin na ang ganda-ganda ko raw. Ang kapal ng mukha nyang sabihin yan.

"Tsk, no. What I mean is you look disturbed. Did something between you and that guy happened?" Bakit ba ang dami nyang tanong?

"Wala, none of your monkey business." 'Di na sya pumalag nang unahan ko sya at nagmadali akong maglakad dahil nakita ko si auntie na sumenyas na lumapit ako. Nandoon din ang mga babae na naghihintay ata sa pagbalik ni Rhioz.

"Kayo muna magbantay dito sa stall natin Ginger, hanapin ko lang si Mai. Diyaan lang kayo, wag kayong aalis." Umalis na si auntie at naiwan ako kasama si Rhioz at ang mga babae nya.

"Hi Ginger! Ganda mo!" Ani Sabel sabay kapit kay Rhioz na pasimpleng tumalikod para kumuha ng maiinom at matanggal ang braso na nakapatong sa balikat nya. Berigud!

Ewan ko lang kung totoo ngang naiirita sya o pa-prentend lang ang salubong nyang kilay para hindi halatang gusto nya ang atensiyong nakukuha nya mula sa mga babae. Bakit hindi nya paalisin kung ayaw nya sa kanila? Asan na pagka-prangka nya? Playing nice na ba sya sa lagay na yan?

"Oo nga, bagay na bagay sa 'yo suot mo!" Sabat ni Iloida na nagpa-gising sa siwa ko at sumang-ayon naman ang iba. Mas dumami pa ata sila ngayon.

"Uhm, lamat." Walang gana kong sagot.

"Naku Ginger, alam mo ba nung nakita ko kayo ni pogi kaninang magkasama akala ko talaga couple kayo." Bulong ni Mariz nang makalapit sa 'kin.

"Oh, tapos? Selos ka?" Pambara ko sa kaniya. Baka kasi gusto lang nitong sumipsip.

"Gaga may mapapangasawa na 'ko! Kanina sa batis nakisabay lang ako sa mga bagets. Matanong ko, friends lang ba talaga kayo ni pogi?" Pinagkatitigan ko sya gamit ang nagtatanong na tingin. Tono nya kasi parang nanghihinayang.. "Kung hindi wag mo silang hayaan na ahasin ang lalaki mo."

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Duh, pinapaalalahanan lang kita girl. Masyado syang pogi para ipamigay lang. So be ware sa mga babae at mga babaihin na nakaaligid sa kaniya, pag hindi mo binantayan yung si pogi eh siguradong mawawala yan sayo. Sige ka, may mabagsik ka pa namang kalaban... si Karyl." Makahulugan nyang wika at pangisi-ngisi pa. Napairap ako... si Karyl?Dede lang mabagsik nun. Pero pake ko ba?

"Naku Mariz, mali ang iniisip mo. Maski nga sa pagiging magkaibigan hindi umabot ang relasyon namin sa isa't isa. Walang something sa 'min okay? Masasabi ko pang enemies kami in a complicated way." Dahil ganun naman talaga.

"Okay, ikaw bahala." Sabay kaming napatingin sa lalaki. "Kaso ang snob nga nya."

"Tumpak!" Palatak ko.

"Uy ano ka ba 'di pa 'ko tapos! Oo snob sya pero for me sayang pa rin kung ipamimigay mo lang. Bukod kasi sa pogi, mukhang mabait pa at masipa—

"Teka teka, may naligaw atang salita sa sinabi mo. Mabait? Si Rhioz? Naku pag nakasama mo na ang lalaking yun iflush mo na sa kobeta ang salitang yan at wag mo na uling hahanapin pa." I snorted.

"Oy grabe ka. Sure kang kilala mo na ang tao? Wag kang advance mag-isip. Ganiyan na ganiyan din yung habibi ko nung una eh. But you better keep your eyes sa mga lalaki na hindi clingy kahit ilang oras o araw pa lang kayo nagka-kilala. Sintomas ng mga manloloko at paasa yan. At nakita ko kanina kung paano kayo magbangayan, sa totoo lang ang sweet nyo tingnan parang gusto kong makisali. Joke! Hindi naman sya sobrang snob sayo, sa iba lang! Tsaka ayaw mo nun? Ikaw lang ang bukod tanging babae na papansinin nya? Yiiieee, kinilig!"

"Dami mong alam." Napahilot ako sa sintido.

Natapos ang pag-uusap namin nang may MC na umakyat sa maliit na entablado upang pormal na simulan ang program sa isang dasal. Sabi pa nya COVID free daw ang lugar na ito kaya okay lang magdaos ng ganitong pagtitipon. Pinag-suot lang kami ng mask at pinag-social distancing para sa pictorials at para pag may mag-post sa Facebook maiwasan daw ang issue.

Pagkatapos ay kainan na din sa wakas. Kasama ko sila auntie kumain habang si Rhioz pinalipat ko ng pwesto kasi nakakairita ang mga babaeng buntot ng buntot sa kaniya. Hindi kami makakain ng maayos pag malapit siya. Nakakabwisit ang ingay nila, para silang mga paniking kinikilig dahil sa hinog na avocado na nakita nila.

"Hoy ikaw, alaga mo yun dapat 'di mo hinayaang pag-pyestahan yun ng mga kababaihan. Akala ko ba ayaw mong mangyari 'to? Kaya nga ayaw mo sana syang isama diba? Edi sana ang mga babae na lang pinalipat mo, hindi si Rhioz. Gamitin mo sa tama iyang kamalditahan mo." Ani tsong.

"Eh ano'ng magagawa ko? Mukhang gusto naman nya. Nagreklamo ba sya nung sabihin kong lumipat sya? Diba hindi?" Dahil ang totoo ay may tinatago talaga syang kalandian sa katawan. Tss.

"Eh kasi sinusunod ka lang nung tao! Hindi ka ba naawa kay Rhioz? Hindi na halos makakain oh." Tinuro ni auntie ang direksiyon ni Rhioz at ng mga babae. Ayoko sanang lumingon pero hindi ko rin naiwasan. Tama si auntie, hindi nga makakain si Rhioz ng maayos at nakatungo lang habang may kinikwento ang mga babae. Hindi ko maisip gaano katigas ang kalyo nya para ignorahin lang ang mga dalaga sa paligid. Tapos ang talim pa ng tingin na pinupukol ng ibang mga lalaki sa kaniya.

"Ano'ng klaseng yaya ka? Sunduin mo yun doon! Bilis!" Pinagtulakan ako ni auntie. Pero nagpakipot ako kahit masarap ng tumakbo ron.

"Kasalanan nya yan bakit kasi ampogi nya."

"Kasalanan na pala maging pogi?" Sabay ni Mariz. Hindi na sya nakisali sa ibang mga babae kasi nga loyal sya sa fiancé nya kahit LDR. Edi wow.

Sumipat ako ng tingin kay Rhioz sandali. Nahuli kong sumipat din sya ng tingin sa akin. Hilaw ko syang nginisihan saka ako nag-'You okay?' sign. Nagtaas sya ng kilay nya tila sinasabing "Really? You're asking me that?" sabay minwertsa ng pasimple ang mga babaeng sa paligid nya. Walang boses akong natawa at tumutok ulit sa pagkain. Mukhang okay naman sya dun. Bahala sya.

Nang matapos ang kainan inilawan na ang bonfire. Nag-orange ang paligid dahil sa laki ng apoy at talagang madadama mo ang init niyon saang parte man ng plaza. Nagsimula na rin ang ritual dance. Tahimik na nanunuod ang lahat sa mga dalagitang performers na nakatapis lang ng puting malong na sumisimbolo raw ng kadalisayan, isang malaking bagay lalo na't ang Birhen ang patron namin. Nagsasayaw sila sa tunog ng mga instrumentong gawa sa bato, kahoy, kawayan at iba pa. May suot ring makukulay na accessories at headdress.

"Oh, sa'n ka?" Si auntie nang tumayo ako.

"Hanapin ko lang si Rhioz." Inayos ko muna ang damit saka kinuha ang nalantang rosas na naka-ipit sa tenga at ginulo ko rin ng bahagya ang buhok ko. Ewan, hindi ako komportable pag naka-ayos.

"Hindi mo tatapusin ang ritual?"

"Hindi na." Iling ko at naglakad na paalis habang panay ang paglinga sa paligid upang hanapin si Rhioz. Nakita ko si Sabel na sa pagkaka-alala ko ay isa sa mga bumbuntot kay Rhioz kanina. Baka sakaling alam nya kung nasaan ang lalaki kaya naisipan kong lapitan sya at tanungin.

"Naku, tatanungin nga sana kita. Nawala na lang bigla si pogi kanina pa, hindi na namin nahanap." Malungkot nyang sagot.

"Buti naman– ay este, ganun ba? Ge, bye." Nag-patuloy ako sa paghahanap.

"Hoy kayo, nakita nyo yung pogi na matangka at mabango na lumabas dito?" Tanong ako sa mga batang nagalalaro sa labas. May napagtanungan pa akong mga babae at beki sa loob pero pareho lahat ang naging sagot nila sa sagot ni Sabel, kaya naisip kong lumabas na lang sa plaza.

Asan na ba kasi yun? Baka may ka-date? Mahanap nga at mabulabog. O baka lumabas para bumili ng yosi? Kung mapapansin nyo mahilig sya mag-yosi. Hindi naman akong tutol kasi pampalipas oras nya yun tsaka bagay naman sa kaniya, ang hot nga tingnan eh. Hindi sya mukhang adik.

Yakap-yakap ko ang sarili habang naglalakad sa payapang kalsada. Patay-sindi ang streetlights at dama ko ang lamig ng hangin. Iba talaga ang pakiramdam pag nasa sa loob at malapit sa apoy, dama mo ang init at ispiritu ng ritual. Sabi ng ilan biyaya raw lalo na sa mga babae na matapos ang ritual... maraming beses ko ng tinapos yun, ilang beses ko na ring nakaligtaan at sa ngayon eh wala akong ibang biyayang gusto o ine-expect... kaya nandito ako ngayon at wala doon.

"Looking for someone?"

Natigil ako at napalinga sa paligid. Alam kong si Rhioz iyon, kilala ko ang baritono nyang boses at makabigtas panty na accent. Buti na lang nakasuot ako ng shorts kaya 'di nahulog panty ko. Char.

"Here, chicken-ass mouth." Narinig ko muli ang kaniyang boses at sa pagkakataong 'to nahanap ko kung saan iyon nagmumula...

Sa taas ng balete?! "Hoy gago anong ginagawa mo r'yan? Engkanto ka ba?!" Eh pa'no, naka-upo sya sa malaking sanga ng balete at naninigarilyo pa! 'Di na natakot! O baka wala syang alam sa ganitong mga panininwala gaya ng may mga elementong naninitagan sa malalaking balete.

"It's nice up here." Sumandal sya sa malaking sanga habang unan ang mga palad... "Wanna come up? It has the best view of the plaza."

•••

Continue Reading

You'll Also Like

209K 7.6K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
1.1M 51.8K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.